Tuesday, February 24, 2015

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 29 )

      “Surprise!!” Sigaw ni Marian at ng kanyang lolo Roberto pagbukas niya ng pinto. Kapwa nakangiti ang mga ito sa kanya.

“Lolo! Marian!” Kaagad na niyakap ng mahigpit at siniil ng halik ni Richard si Marian sa sobrang saya na makita ang babae.

“Tingnan mo tong batang to, ako ang unang tinawag pero si Marian lang ang niyakap at hinalikan.” Bulong ni Roberto kay Lea, kunwari nagtatampo sa apo nito pero bakas sa mukha ng matanda ang saya habang pinapanood sina Marian at Richard.

Ngumiti na lang si Lea sa sinabing ito ng matanda. Habang pinapanood sina Marian at Richard, di makapaniwala si Lea na may ganitong ugali din pala si Richard. Nasanay na kasi siyang lagi na lang itong seryoso at kung makipag-usap sa kanya ay pormal at kadalasan bugnutin pa kaya habang pinapanood niya ito ngayon, tila naging ibang tao bigla ang kanyang boss sa paningin niya.

“Lolo, syempre naman miss na miss ko si Marian kaya pagbigyan mo na ako.” Nakangiting sagot ni Richard sa lolo niya na mahigpit parin ang pagkakayakap sa beywang ni Marian.

“Oo na sige na..oh ano, di mo ba kami papapasukin?”

Tuesday, February 10, 2015

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 28 )

      Kinabukasan, pagkauwi nina Richard at Marian sa mansyon ay magkatulong ang dalawa sa pagasikaso ng mga gamit ni Richard na dadalhin sa Cebu. Si Marian mismo ang pumili ng suit na susuotin ni Richard sa grand opening ng LHC. Habang nag eempake, kapansin-pansin ang pagiging tahimik ng babae.
Malungkot ito at tila malalim ang iniisip. Ang lahat ng ikinikilos ni Marian ay di nakalagpas ky Richard, alam niyang malungkot ang babae dahil pag-alis niya. Di rin naman siya manhid na di maunawan na gusto nitong sumama sa kanya sa Cebu pero iniiwasan niyang magbanggit ng suhestiyong iyon kay Marian dahil malaking gulo ito kung sakaling papayag ito na sumama sa kanya. Hanggang sa mga sandaling iyon, di parin alam ni Marian at ng lolo niya na magkatrabaho silang dalawa ni Cheska sa LMC. Kahit na wala naman siyang alam na iyon ang mangyayari at kahit gaano na kaganda ang takbo ng relasyon nilang dalawa ni Marian, di parin makuha ni Richard na aminin ito sa babae.

Konting tiis na lang Richard at maayos din ang lahat. Pagnagkalinawan na kayo ni Cheska wala ka ng problema.. Ang mga bagay na ito na lang ang iniisip ni Richard upang pakalmahin ang sarili.

“I will miss you Marian.” Bulong ni Richard nang magpaalamanan na ang dalawa sa may main door.

“Ako din, mamimiss kita..uwi ka kaagad after the event ha.”

“Of course. Di pa matatapos ang araw na iyon, nasa tabi mo na ako.”

“Promise ?!”

“Promise! I will call you often din, don’t worry..and one more thing, ingat ka while I’m away, please.”

“I will.. ikaw din ingat ka sa Cebu.”

Friday, January 9, 2015

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 27 )

  “Excuse lang po Sir Richard pero wala pong kasalanan si Bart. Siya pa nga po yung tumawag sa amin para sabihan kami na nasa panganib si Marian.” Mataray na sabi ni Edselyn. Hindi na siya nakapagpigil sa sarili, ipinagtanggol na si Bart kay Richard.

“Keep your hands off my wife, Mr. Ramirez!” dagdag pasabi ni Richard kay Bart pagkatapos ay tiningnan ang lalaki ng masama na may halong pagbabanta dito kung sakaling di pa lulubayan si Marian.

“CHARD! .. Please?” pilit pinipigilan ni Marian na hindi maiyak, ang boses niya ay puno ng pagsusumamo kay Richard.

Nang marinig ni Richard ang boses ni Marian ay tumingin ito sa babae. Sa mga sandaling iyon, tila natauhan si Richard. Saka pa niya naalala kung saan sila sa mga sandaling iyon, sa wakas di nakaligtas sa tenga niya ang bulong-bulongan na nagmumula sa labas ng pinto. Di maiwasang mapamura ang lalaki dahil sa kanyang nakita. Alam niyang napahiya niya si Marian sa harap ng mga taong walang kaalam-alam sa mga pangyayari.
“I’m sorry.. sorry .” Nilapitan nito si Marian at niyakap. “ Are you okay? Wala bang masakit sa’yo?” mangiyak-ngiyak na umiling lang si Marian pagkatapos ay yumakap narin sa lalaki.

Wednesday, December 3, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 26 )

     “Kanina pa ba ‘to?” tanong ni Richard sa sekretarya niya na ang tinutukoy ay ang pagdating ni Marian sa hotel.

“Ngayon lang po yan dumating.”
Nagkunwaring binabasa ni Richard ang papel, ilang sandali ay may isinulat siya at ibinalik kaagad ang papel kay Lea.


Please bring her to the resto ASAP. I’ll call you later. Thank you .


Ito ang nakasulat sa ibabang bahagi ng papel bilang sagot ni Richard kay Lea. Kaagad nang lumabas ng kwarto ni Richard si Lea at binalikan si Marian sa labas. Nadatnan niya itong naka-upo sa silyang nasa harapan ng kanyang mesa. 

“Marian, pinapasabi ni Sir Richard na sorry daw di ka niya maasikaso kaagad kasi may ka-meeting siya pero sabi ni Sir, sasamahan na lang daw kita sa resto sa baba para di ka mainip dito.”

“Ah ganun ba, sige kung yan ang bilin niya pero baka naman kasi kailanganin ka niya dito mamaya. Ako na lang siguro ang mag-aantay sa kanya sa resto para di ka na maabala.”

“No don’t worry, dahil pinapasama ako ni Sir sa’yo, ibig sabihin niyan di niya ako kakailanganin dito.” Sambit ni Lea kasabay ang isang matamis na ngiti upang tiyakin kay Marian na walang magiging problema kung sumama siya dito.

Friday, November 21, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 25)

     “Lea, I’m sorry for calling you this early. May gusto lang akong ipagawa sa’yo bago ko tuluyang makalimutan ito mamaya.” hinging-paumanhin ni Richard kay Lea dahil sa pagtawag nito sa sekretarya ng alas singko y medya ng umaga.

“No problem Sir, usually pag ganitong oras gising na po ako at nagkakape na. Ano po ba yung ipapagawa ninyo?”

“Okay, mabuti naman. Umm please book our flight back to Cebu on Saturday.”

“Saturday, Sir? You mean next weekend? Di pa ba tayo babalik ng Cebu mamayang gabi?”

“No– may importante pa kasi akong aasikasuhin dito.” Like spending more time with Marian. Dagdag ni Richard sa kanyang paliwanag, ngunit di ito magawang bigkasin at nanatili na lang ito sa kanyang isipan.
Muntik pa itong mapa-hagikhik nang maisip ang kanyang mababaw na dahilan kung bakit ayaw pa muna niyang bumalik sa Cebu. Napasulyap pa siya sa katabi na hanggang sa mga oras na iyon ay mahimbing paring natutulog sa kanyang tabi.

“Okay, Sir. I will just text you the details of our flight later.”

“Thanks Lea. By the way, kung pwede sana, yung flight sa gabi yung i-book mo.”

“No problem, Sir!”

“By the way, baka di rin ako papasok ngayon sa office but if there is something urgent, don’t hesitate to let me know, okay?”

“Okay, Sir.

“Thank you, bye.”

Tuesday, October 14, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 24 )

   Di makapaniwala si Richard sa sarili, sa unang pagkakataon sa buong buhay niya ngayon lang niya gagawin ang isang bagay na ni sa panaginip di niya ginawa, ang maglinis ng bahay. Kagat ang pang-ibabang labi habang nakatingin siya sa mga kagamitang panglinis na inilatag ni Marian sa sahig, sinusubukan niyang isipin kung paano niya gagawin ang paglilinis pero nang kalaunan ay tinawag na lang ang babae upang magtanong.

“ Seriously, Chard wala kang idea paano maglinis?” umiling lang si Richard sa kanya kaya nabuo sa isip ni Marian na mas lalong paglaruan ang lalaki. 

Inutusan ni Marian na linisin ni Richard ang mga bintana, pati ang mga kurtina ay pinapalitan din niya. Sinabihan niya ring magpunas at siguraduhing wala ng alikabok ang mga dekorasyon, at ang iba pang gamit na naroroon, at lalong-lalo na ang malaking cabinet na nasa sala, ibig sabihin kinailangan ni Richard na alisin ang lahat ng nakalagay sa cabinet upang linisin. Mariin rin niyang ibinilin na kailangan munang siguraduhin ni Richard na malinis at wala ng alikabok ang sahig bago siya magpunas ng floorwax dito, hintayin na matuyo ang floorwax saka magbunot upang kumintab ang sahig. Pagkatapos idetalye ni Marian ang lahat ng gagawin ni Richard, nakita nito ang kakatwang reakyon ng lalaki pagkatapos ay ngumiti pero halata naman sa mga mata nito na ang pag –aalinlangan na nararamdaman. Di na nagawa pang magsalita ni Richard.

Friday, September 26, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 23 )

     Teka teka teka .. kay nanay nagpaalam kang dito matutulog, bakit sa akin nagpaalam ka na ba?” pinandilatan ng mata ni Marian si Richard upang malaman ng lalaki na di niya nagustuhan ang binabalak na pagtulog sa bahay ng ina. Di naman naka-imik kaagad si Richard at napatitig na lang kay Marian.

“At bakit kailangan pa niyang magpaalam sa’yo? Sa akin ba nagpaalam ka rin na dito matutulog, huh Marian?” Pagalit na sabi ni Tereista pagkatapos ay hinarap nito si Richard. “ Huwag mo na siyang intindihin.. okay lang na dito karin matutulog. Syempre andito ang asawa mo kaya normal lang na kung asan siya andun ka rin.” paniniyak ni Teresita sa lalaki, nahiya kasi ito at baka akalain ni Richard na hindi siya welcome sa pamamahay nila gayung alagang-alaga ng mga ito ang anak niya sa kanila.

“Sorry – pero kasi ano, nag-aalala lang ako sa’yo Richard, maliit lang kasi ang kwarto ko tapos walang aircon, wall fan lang ang meron kami. Matigas din ang higaan. Di ka sanay sa mga ganyan di ba… tapos wala karing gamit na dala. Wala kang pamalit diyan sa suot mo.”

“Marian huwag mo na yang intindihin. Okay lang din kahit walang aircon, kahit wall fan lang ang gamit mo okay lang din. Tsaka gabi na papauwiin mo paba ako?”

“Eii wala karin naman kasing gamit na dala kaya di ka rin makaka-stay dito, di rin naman problema kung uuwi ka kasi may kotse ka naman kaya kahit gabi na okay lang na umuwi ka sa mansyon.”

“Nagpahatid lang ako kay Jonas dito.. at may dala na rin akong gamit ko kasi umuwi ako sandali sa bahay upang kumuha bago ako nagtungo dito.”