“Lea,
I’m sorry for calling you this early. May gusto lang akong ipagawa
sa’yo bago ko tuluyang makalimutan ito mamaya.” hinging-paumanhin ni
Richard kay Lea dahil sa pagtawag nito sa sekretarya ng alas singko y
medya ng umaga.
“No problem Sir, usually pag ganitong oras gising na po ako at nagkakape na. Ano po ba yung ipapagawa ninyo?”
“Okay, mabuti naman. Umm please book our flight back to Cebu on Saturday.”
“Saturday, Sir? You mean next weekend? Di pa ba tayo babalik ng Cebu mamayang gabi?”
“No– may importante pa kasi akong aasikasuhin dito.” Like spending more time with Marian. Dagdag ni Richard sa kanyang paliwanag, ngunit di ito magawang bigkasin at nanatili na lang ito sa kanyang isipan.
Muntik
pa itong mapa-hagikhik nang maisip ang kanyang mababaw na dahilan kung
bakit ayaw pa muna niyang bumalik sa Cebu. Napasulyap pa siya sa katabi
na hanggang sa mga oras na iyon ay mahimbing paring natutulog sa kanyang
tabi.
“Okay, Sir. I will just text you the details of our flight later.”
“Thanks Lea. By the way, kung pwede sana, yung flight sa gabi yung i-book mo.”
“No problem, Sir!”
“By the way, baka di rin ako papasok ngayon sa office but if there is something urgent, don’t hesitate to let me know, okay?”
“Okay, Sir.
“Thank you, bye.”