Wednesday, December 3, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 26 )

     “Kanina pa ba ‘to?” tanong ni Richard sa sekretarya niya na ang tinutukoy ay ang pagdating ni Marian sa hotel.

“Ngayon lang po yan dumating.”
Nagkunwaring binabasa ni Richard ang papel, ilang sandali ay may isinulat siya at ibinalik kaagad ang papel kay Lea.


Please bring her to the resto ASAP. I’ll call you later. Thank you .


Ito ang nakasulat sa ibabang bahagi ng papel bilang sagot ni Richard kay Lea. Kaagad nang lumabas ng kwarto ni Richard si Lea at binalikan si Marian sa labas. Nadatnan niya itong naka-upo sa silyang nasa harapan ng kanyang mesa. 

“Marian, pinapasabi ni Sir Richard na sorry daw di ka niya maasikaso kaagad kasi may ka-meeting siya pero sabi ni Sir, sasamahan na lang daw kita sa resto sa baba para di ka mainip dito.”

“Ah ganun ba, sige kung yan ang bilin niya pero baka naman kasi kailanganin ka niya dito mamaya. Ako na lang siguro ang mag-aantay sa kanya sa resto para di ka na maabala.”

“No don’t worry, dahil pinapasama ako ni Sir sa’yo, ibig sabihin niyan di niya ako kakailanganin dito.” Sambit ni Lea kasabay ang isang matamis na ngiti upang tiyakin kay Marian na walang magiging problema kung sumama siya dito.

Friday, November 21, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 25)

     “Lea, I’m sorry for calling you this early. May gusto lang akong ipagawa sa’yo bago ko tuluyang makalimutan ito mamaya.” hinging-paumanhin ni Richard kay Lea dahil sa pagtawag nito sa sekretarya ng alas singko y medya ng umaga.

“No problem Sir, usually pag ganitong oras gising na po ako at nagkakape na. Ano po ba yung ipapagawa ninyo?”

“Okay, mabuti naman. Umm please book our flight back to Cebu on Saturday.”

“Saturday, Sir? You mean next weekend? Di pa ba tayo babalik ng Cebu mamayang gabi?”

“No– may importante pa kasi akong aasikasuhin dito.” Like spending more time with Marian. Dagdag ni Richard sa kanyang paliwanag, ngunit di ito magawang bigkasin at nanatili na lang ito sa kanyang isipan.
Muntik pa itong mapa-hagikhik nang maisip ang kanyang mababaw na dahilan kung bakit ayaw pa muna niyang bumalik sa Cebu. Napasulyap pa siya sa katabi na hanggang sa mga oras na iyon ay mahimbing paring natutulog sa kanyang tabi.

“Okay, Sir. I will just text you the details of our flight later.”

“Thanks Lea. By the way, kung pwede sana, yung flight sa gabi yung i-book mo.”

“No problem, Sir!”

“By the way, baka di rin ako papasok ngayon sa office but if there is something urgent, don’t hesitate to let me know, okay?”

“Okay, Sir.

“Thank you, bye.”

Tuesday, October 14, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 24 )

   Di makapaniwala si Richard sa sarili, sa unang pagkakataon sa buong buhay niya ngayon lang niya gagawin ang isang bagay na ni sa panaginip di niya ginawa, ang maglinis ng bahay. Kagat ang pang-ibabang labi habang nakatingin siya sa mga kagamitang panglinis na inilatag ni Marian sa sahig, sinusubukan niyang isipin kung paano niya gagawin ang paglilinis pero nang kalaunan ay tinawag na lang ang babae upang magtanong.

“ Seriously, Chard wala kang idea paano maglinis?” umiling lang si Richard sa kanya kaya nabuo sa isip ni Marian na mas lalong paglaruan ang lalaki. 

Inutusan ni Marian na linisin ni Richard ang mga bintana, pati ang mga kurtina ay pinapalitan din niya. Sinabihan niya ring magpunas at siguraduhing wala ng alikabok ang mga dekorasyon, at ang iba pang gamit na naroroon, at lalong-lalo na ang malaking cabinet na nasa sala, ibig sabihin kinailangan ni Richard na alisin ang lahat ng nakalagay sa cabinet upang linisin. Mariin rin niyang ibinilin na kailangan munang siguraduhin ni Richard na malinis at wala ng alikabok ang sahig bago siya magpunas ng floorwax dito, hintayin na matuyo ang floorwax saka magbunot upang kumintab ang sahig. Pagkatapos idetalye ni Marian ang lahat ng gagawin ni Richard, nakita nito ang kakatwang reakyon ng lalaki pagkatapos ay ngumiti pero halata naman sa mga mata nito na ang pag –aalinlangan na nararamdaman. Di na nagawa pang magsalita ni Richard.

Friday, September 26, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 23 )

     Teka teka teka .. kay nanay nagpaalam kang dito matutulog, bakit sa akin nagpaalam ka na ba?” pinandilatan ng mata ni Marian si Richard upang malaman ng lalaki na di niya nagustuhan ang binabalak na pagtulog sa bahay ng ina. Di naman naka-imik kaagad si Richard at napatitig na lang kay Marian.

“At bakit kailangan pa niyang magpaalam sa’yo? Sa akin ba nagpaalam ka rin na dito matutulog, huh Marian?” Pagalit na sabi ni Tereista pagkatapos ay hinarap nito si Richard. “ Huwag mo na siyang intindihin.. okay lang na dito karin matutulog. Syempre andito ang asawa mo kaya normal lang na kung asan siya andun ka rin.” paniniyak ni Teresita sa lalaki, nahiya kasi ito at baka akalain ni Richard na hindi siya welcome sa pamamahay nila gayung alagang-alaga ng mga ito ang anak niya sa kanila.

“Sorry – pero kasi ano, nag-aalala lang ako sa’yo Richard, maliit lang kasi ang kwarto ko tapos walang aircon, wall fan lang ang meron kami. Matigas din ang higaan. Di ka sanay sa mga ganyan di ba… tapos wala karing gamit na dala. Wala kang pamalit diyan sa suot mo.”

“Marian huwag mo na yang intindihin. Okay lang din kahit walang aircon, kahit wall fan lang ang gamit mo okay lang din. Tsaka gabi na papauwiin mo paba ako?”

“Eii wala karin naman kasing gamit na dala kaya di ka rin makaka-stay dito, di rin naman problema kung uuwi ka kasi may kotse ka naman kaya kahit gabi na okay lang na umuwi ka sa mansyon.”

“Nagpahatid lang ako kay Jonas dito.. at may dala na rin akong gamit ko kasi umuwi ako sandali sa bahay upang kumuha bago ako nagtungo dito.”

Tuesday, September 23, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 22 )

     Nagpapalipas ng oras sa may tambayan ng barkada sina Marian at Edselyn bago magtungo sa meeting na dadaluhan nila. Habang naguusap ay kapansin-pansin na panay ang sulyap ni Marian sa kanyang cellphone kaya di na nakatiis ang kaibigan at nagtanong na kay Marian.

“Oh Marian…Anong problema mo? Kanina ka pa check ng check sa phone mo, porke bago di mapigilan ang sarili na hindi maya-maya tingnan?”

“Lukaret ka talaga Eds!” napatawa ng malakas si Marian sa biro ng kaibigan.

“Eii kasi naman, kanina ka pa diyan panay ang sulyap sa phone mo. May hinihintay kang tawag?”

“Ha? Ah ..oo.”

“I see..let me guess…si moreno o si chinito? Ay wait, kung si moreno..kanina lang kasama natin..tama, si chinito yan..sure na ako!”

“Ikaw talaga! Eh kasi kanina sabi niya tatawagan niya daw ako pagkatapos niya sa meeting niya pero anong oras na teh! Wala parin oh!”

“hmmm bakit may usapan ba kayo?”

Thursday, September 18, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 21 )

     Balik sa dating nakaugalian sina Marian at Richard. Hinatid siya nito sa university pagkatapos dumaan sa isang shop upang ibili ng bagong cellpone si Marian. As usual, mahigpit ang bilin nitong huwag aalis ng university at siya parin ang magsusundo kay Marian. Pero sa kasamaang palad, pasado alas sais na ng gabi, tumawag si Richard kay Marian at pinaalam sa babae na naipit ito sa traffic kaya matatagalan ito sa pagsundo sa kanya. Buti na lang at andun parin ang mga kaibigan na sina Edselyn, Mary Faith, at si Emman kaya di siya mababagot sa paghihintay dito. Hot topic parin sa kanila ang nangyari kay Marian sa mall. Panay ang paghingi ng pasensya ng mga ito sa kanya dahil wala ang mga ito nang mangyari ang holdapan at sa pag-aakalang galit si Richard sa kanila kung bakit di nila nagawang protektahan si Marian.

“Okay lang kayo? Bakit naman magagalit si Richard sa inyo alam naman niyang di natin inaasahang mangyari yon. Actually, sa akin pa nga siya naiinis kasi di ko siya sinunod kaya huwag na kayong mag-alala, okay?” paliwanag ni Marian.

“Sigurado ka ba girl? Kasi nakakatakot si Richard kahapon..yung mga titig at reaksyon niya habang nakikipag-usap sa mga taong nakapaligid nakakatakot! Titig pa lang matalim na, nakakasugat!” eksaheradang saad ni Edselyn, may himig pagbibiro man pero may bahid na konting katotohanan naman.

“Sure na sure ako Eds! Kaya huwag ka ng mag-alala. Okay?”

Tuesday, September 16, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 20 )

     Di na nagpapigil pa si Marian at pumasok na ito kaagad sa opisina ni Richard. Nang makita siya ni Richard ay sumenyas sa kanya na maupo na muna siya sa may couch at makikipag-usap na muna ito kay Mr. Hewitt. Pero panay lang ang pag-iling ni Marian habang itinataas pa ang kanyang mga kamay at sumenyas na tila pinipigilan siyang makipag-usap sa dayuhan. Nang mapansin siya ni Richard ay nagsalubong ang mga kilay ng lalaki, nalilito kung ano ang gusto niyang iparating dito. Lumingon sa kanyang likuran ang dayuhan at nakita siya, kinabahan si Marian sa pag-aakalang mamumukhaan na siya nito pero mabuti na lang at hindi.

“Excuse me, I’ll be right back.” Di na nakatiis si Richard ng makitang balisa si Marian. Sa pag aakalang may masama na namang nangyari dito ay nilapitan na niya si Marian. “Where have you been? Bakit ang tagal mo? May nangyari ba sa’yo, huh?” bulong ng lalaki, puno ng pag-aalala ang boses habang kinakausap siya.

Ito namang singkit na ‘to kahit kalian talaga, kung maka-react OA lang .. “Teka lang, huwag mo muna akong guluhin sa mga tanong mong yan, may mas importanteng bagay kang kailangan na malaman – teka nga…nakipag-ayos ka na ba?” biglang kinabahan si Marian, buong akala niya huli na ang lahat.
“Nag-uusap pa nga kami, why?”

“Eii … halika muna!” hinila ni Marian si Richard palabas, di man lang nito binigyan ang pagkakataon ang lalaki na magpaalam sa bisita.

“Teka, bakit ba? Marian yung bisita ko, pwede bang magpa-”

“Huwag na ..halika na, bilis!” di tinantanan ni Marian sa paghila si Richard hangga’t di niya ito napalabas ng opisina niya.

Wednesday, September 10, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 19 )


     Nagising si Marian na mag-isa lang sa kama kinabukasan. Buong akala niya umalis na ulit si Richard ng maaga papuntang opisina pero pagpasok niya ng bathroom ay nadatnan niya ang lalaki sa loob. Kasalukuyan itong may kausap sa cellphone niya habang nakasandal sa may washstand. Mukhang kakatapos lang mag toothbrush dahil naaamoy pa ni Marian ang konting scent ng mouthwash sa area at kasalukuyan ding pinupunasan ng lalaki ang kanyang bibig. Ayaw naman ni Marian na umiwas kay Richard kaya kahit andun ang lalaki ay nagpatuloy parin siya sa kanyang pakay. Taking the other side of the stand, kinuha niya sa may lalagyan ang kanyang  sipilyo at nilagyan ito ng toothpaste. Habang nagsisipilyo, di maiwasang makinig siya sa lalaki habang kinakausap si Lea. Panay ang buntong-hininga ni Richard at nakasimangot parin ito sa buong sandaling kausap ang kanyang sekretarya. Alam ni Marian na kahit mahinahon ang lalaki sa mga sandaling iyon ay mabigat ang nararamdaman nito. 

Sa loob ng ilang araw na di niya nakita si Richard, pakiwari ni Marian parang ang laki ng ipinayat ng lalaki. Habang sinusulpayan si Richard ay di niya maiwasang makaramdam ng awa dito kaya nagpasyang subukan ng kausapin na si Richard. Pagkatapos niyang magsipilyo ay di na muna ito umalis at naghintay na munang matapos si Richard sa pakikipag-usap kay Lea. Nang marinig nito ang pagpapaalam ni Richard sa sekretarya ay di na ito nagpaligoy-ligoy pa at nagtanong na kaagad.

Thursday, September 4, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 18 )



     Habang nilalakbay ng kanilang sasakyan ang daan pauwi, panay ang sulyap ni Marian kay Richard. Tahimik pa rin ito, tila malalim ang iniisip. Walang imik at nakakunot ang noo. Maya-maya ang pagbuntong-hininga ng lalaki kaya di maiwasang mas lalong di mapakali si Marian sa kanyang inuupuan. Nang di  na ito nakatiis sa  katahimikan ng lalaki si Marian na rin ang kusang nagsimulang magsalita.

“Richard, sorry…sorry sa lahat ng ginawa ko. Sorry at di ko nasunod yung mga bilin mo..alam ko nangako ako na uuwi noong gabing nalasing ako. Sorry at dahil sa akin kinailangan mo pang magsinungaling kina Manang Fely para lang di malaman ni lolo na kaya ako di ako nakauwi kasi sa kapalpakang na ginawa ko. Sorry kung pinag-alala kita kani-“

“ Tama na...”

“Hindi, Chard..alam ko mali ako eh kaya nga ako humihingi ng tawad..Patawarin mo naman ako, oh..please?  At saka, please huwag mo ng idamay yung mga tauhan mo..” 

Narinig na naman ni Marian ang pagbuntong-hininga ni Richard. Nang lumingon ito sa kanya, kitang-kita na iritado na ang lalaki sa pinaggagawa niya pero ayaw magpatalo ni Marian hanggang di siya pinakikinggan ng lalaki at lalong-lalo na hanggat di pa siya pinapatawad nito.

Wednesday, September 3, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 17 )



     Pagkatapos ng kanyang klase niya ng araw na iyon, napagdesisyonan ni Marian na magliwaliw. Naisip kasi niya na kung uuwi naman siya ng bahay ay sigurado naman siyang di ulit niya madadatnan si Richard doon at wala din siyang ibang gagawin kundi magmumukmok, mas minabuti na niyang libangin ang sarili kahit sandali lang.  
 
Niyaya nito ang mga kaibigan ngunit may mga pupuntahan pa raw ang mga ito  pero nangako naman na sasamahan siyang manood ng sine at susunod na lang sila sa kanya. Si Bart naman ay may practice at 6:30 ang labas kaya napagkasunduan na lang ng lahat na magkikita na lang bandang alas siyete ng gabi sa isang restaurant at sabay na maghahapunan bago manood. 

Habang wala pa ang mga kasama, naisip ni Marian na maglibot-libot muna at tumingin-tingin sa iilang boutique malapit sa napagkasunduan tagpuan ng mga kaibigan. Nalibang si Marian sa pagsusukat ng iilang damit kaya di napigilan ang sarili at nakabili ng iilang piraso. Kasalukuyang naglalakad na si Marian papunta sa restaurant ng nahagip ng kanyang mga mata ang isang mannequin na nakasuot ng isang formal suit sa may window display ng isang shop. Naalala bigla ni Marian si Richard. Napatigil siya sa labas ng shop at nag-isip kung itutuloy ba ang naisip niyang bilhan si Richard ng magagamit niya sa napipintong meeting niya sa susunod na linggo. Di na napigilan ni Marian ang sarili, pumasok na ito ng tuluyan sa shop at tumingin-tingin na rin sa loob. Ilang minuto ang makalipas, bitbit na ni Marian palabas ng shop ang isang paper bag na may lamang shirt at neck tie. Napapangiti si Marian habang naiisip kung ano ang magiging itsura ni Richard kapag suot na ang binili niya.

Tuesday, September 2, 2014

Mr. Chinito Ver.2.0 ( Part 16 )



     Grabe siya! Andito ako nag-aalala sa kanya pero ang damuho nagpapakasaya pala sa kandungan ng Cheska na yon! Ayoko na! Ayoko na!
 
Nagngingitngit ang kalooban ni Marian ng malaman kung nasaan si Richard. Kanina ng tawagan niya ang cellphone ng lalaki dahil di na ito nakatiis ng hindi ulit umuwi ng maaga si Richard, nalaman niyang kasama pala nito si Cheska. Ang ikinainis pa niya, si Cheska pa mismo ang nakasagot sa tawag niya. Natutulog daw si Richard at di pwedeng istorbohin, pagkatapos ay naputol na ang linya.

Okay, I admit may kasalanan ako pero willing naman akong humingi ng tawad at saka di ko yon sinasadya. Pinapa-guilty niya ako sa pinaggagawa niya sa mga tauhan niya at alam ko makaka-apekto ito sa kanya lalo pa’t nalalapit na ang meeting niya tapos ngayon malaman ko palang balewala lang sa kanya ang lahat at nagawa pa talaga niyang makipaglampungan sa babaeng yon!

Naiiyak na si Marian habang iniisip kung gaano siya nagmukhang tanga sa pag-aalala sa lalaki. Tinawagan nito si Edselyn upang may mahingahan ng sama ng loob. Sa loob ng ilang minuto, hinayaan siya ni Eds na siya lang ang nagsalita. Di na nahiya pa si Marian na sabihin kung ano yung nasa loob nito. Makaraan ang ilang minuto at tumahimik na si Marian, saka pa nagsalita si Eds.

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 15 )



     Nasa tambayan na nilang magbabarkada si Marian kinabukasan. Nagmumukmok at wala sa mood. Di inaasahan ni Bart na makita ang babae doon ng ganoon kaaga, alam naman kasi nitong alas dyes pa ng umaga ang unang klase nito sa araw na iyon.

“ Marian! Aga mo ata ngayon?”

“Oh, hi! Eh wala akong magawa sa bahay kaya inagahan ko na lang ang pagpunta dito.” 

“Ahh kaya pala..teka, bakit parang wala kang tulog? “

“Naku, halata ba?” nailang si Marian sa sinabi ng binata kaya kinuha nito ang kanyang face powder sa loob ng bag at sumilip sa salamin nito. Nang makita ang nanlalalim na mata niya, napasimangot si Marian.

“Insomia ba?” 

“Hindi naman.” Pagkatapos sabihin ito ay napatungo si Marian na para bang nahihiya pang sumagot sa tanong ni Bart. 

“Umm si Richard?” hindi man tumango o umiling si Marian nang itanong ito, alam ni Bart na ang lalaki ang dahilan kaya nagpasyang huwag na lang pilitin si Marian na magsalita pa. “ Hmmm I guess, di mo pwedeng sabihin yung dahilan.” 

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 14 )


     Kasalukuyang kumakain sina Marian at ang mga kaibigan nito sa maliit na kusina ni Emman. Walang ibang pinag-usapan ang lahat kundi siya. Napuno ng pang-aalaska si Marian dahil sa kalasingan nito  kagabi.

“Marian may pagnanasa ka bang tinatago kay Kuya Jonas ha at pinagtripan mo talaga yung tao na sumayaw kagabi?” ito ang tanong ni Emman, ang pa-girl na kaibigan niya. Isang malokong ngiti ang ibinigay nito sa kanya at may pakindat-kindat pa upang hikayatin siyang kumpirmahin ang hinala nito sa kanya.

“Uy wala ha! Ikaw Emman huwag mo nga akong itulad sa’yo!” 

“At bakit, ano ba ako ha?”

“Gusto mo talagang ibisto kita? Ha?! Ha?!” panghahamon naman ni Marian kay Emman. Di mapigilan ni Marian na huwag matawa ng maalala niya ang sandaling hinihingan siya ni Emman ng number ni Jonas nang makita ito sa unang pagkakataon noong sinundo siya ng driver sa university nila. Panay pa ang kulit nito sa kanya at type daw niya ito at halos di siya makatulog kakaisip kay Jonas. Pero sa takot ni Marian na baka magkalat ng lagim ang kaibigan niya ay hanggang ngayon di pa niya binibigay ang gusto nito sa kanya. “Guys alam ‘nyo ba yang si Em-“

“Ayyyy, NOOOO! Huwag kang maingay bruha ka!!!” ibinaba ni Emman ang dalang pinggan at nagmamadaling tinakpan ang bibig ng kaibigan upang pigilan itong huwag magsalita sa mga kaibigan nila.

“May hindi ba kami nalalamang sekreto dito, Emman? Marian?” tanong ni Mary Faith sa dalawa.

“Wala..wala..sige na kain na kayo. Masarap yang sinigang, di ba?”

Di parin tinatanggal ni Emman sa bibig ni Marian ang kanyang kamay kaya kinagat na ito ng marahan ni Marian upang bitawan na siya ng kaibigan. Ilang sandali lang ang nakaraan ay nabaling sa usapang pagkain ang lahat kaya nakawala na sina Marian at Emman sa panunukso ng lahat. Napag-usapan nila ang tungkol sa pipiliin nilang pasukang restaurants at resorts para sa OJT nila. Nakinig lang si Marian sa mga kasamahan niya, ang totoo kasi, di pa siya sigurado kung saan siya papasok kahit ba may mga proposals na pumasok kahapon para sa kanila.

Wednesday, August 20, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 13 )

     “Chard.. I promise, di ako magiging pasaway. I PROMISE!”

“Marian, magiging pasaway ka man o hindi , the point is, paano kung malaman ni Lolo na pumunta ka doon worst di pa ako kasama.”

“Eh di sabihin kong nagpaalam naman ako sa’yo at pumayag ka.”

“What if magalit si lolo at pinayagan kita? No way, Marian!” di parin nakumbinsi ni Marian si Richard.

“Please? Di ka ba naaawa sa akin? Ako lang ang di makakasali, yung iba nga na di naman namin kagrupo makakapunta tapos ako hindi?” pa-awa effect ni Marian, crossing her fingers at abot langit ang panalangin na maawa talaga ang lalaki sa kanya.

“Nangongonsensya ka ba? Look, di talaga ako kampante sa place na sinasabi mo.”

“Are you telling me na kung hindi lang sa bar papayag ka na sumama ako?” sandaling natahimik si Richard sa kabilang linya kaya kinabahan si Marian at inakalang nagagalit na ito, maya-maya pa ay narinig niya ang pagbuntong-hininga ng lalaki. “Chard?”

“Okay, fine! As long as hindi sa bar okay lang na sumama ka. Why don’t you do it sa bahay?”

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 12 )

     Nasa loob ng hotel room ni Cheska si Richard ng gabing iyon. Kung di lang siya nangako sa babae, mas pipiliin sana niyang nasa sariling kwarto siya at nagpapahinga na pero ayaw niyang sumama ang loob ng nobya niya sa kanya. Naiintindihan naman niyang gusto lang ng babae na magkaroon silang dalawa ng oras sa isa’t-isa kaya pinagbigyan na lang ni Richard si Cheska.

Sa bawat haplos at halik ni Cheska sa kanya, batid ng lalaki kung ano ang gusto nitong mangyari pero sa mga sandling iyon, wala sa mood si Richard upang tugunan ang gusto ni Cheska. Isang oras ang lumipas, nagdesisyon na si Richard na magpaalam na at bumalik na ng sariling kwarto niya. Nagdahilan itong may email siyang kailangang basahin para lang makaiwas na siya sa temptasyong kanina pa sinisimulang gawin ni Cheska sa pamamagitan ng paghaplos-haplos sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan at paghalik-halik kay Richard. Bagay na pinipilit na nilalabanan ng lalaki.

“Honey, you can check you email using my laptop.”

“No..I also need to read some files which is in my room”

“You can just get it there then read it here. Please, samahan mo na lang ako dito..please..” pamimilit ni Cheska sa kanya upang huwag lang umalis at magpalipas na ng gabi sa kwarto ng babae.

“No..I can’t..maybe some other time? I really need to go..” Dismayed over Richard’s lack of interest. She gave-up and let him go.

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 11 )

     “Surprise!! Miss me?” nakangiting tanong ni Cheska kay Richard.

“What are you doing here?!” pilit inaalis ni Richard ang kamay ng babae na naka-kawit na sa kanyang braso.

 “You are not suppose to be here!” naiiritang sambit ni Richard at sa sandaling iyon ay namumula na sa hiya lalo pa at pinagtitinginan na sila ng mga taong naroon sa lobby.

“Lea, mauna ka na sa taas. May pag-uusapan lang kaming dalawa ni Ms. Mendoza.”

“Uhmm sige, Sir. Mauna na po ako, excuse me po.”

Bago tuluyang tumalikod ay di maiwasang tingnan ng masama ni Lea si Cheska. Sa loob ng limang taong paninilbihan nito kay Richard, ito pa lang ang ikalawang beses na nakita niya si Richard na may kasamang babae, ang masama pa ay dalawang magkaibang babae pa sa loob ng dalawang araw. Kahit alam niyang maraming babae ang nagkakandarapa sa amo niya, ni minsan wala siyang nakitang babaeng pinatulan o nilalanding babae ang amo niya, kaya di maiwasang magulantang siya sa senaryong natunghayan. Dahil sa magkasunod na pangyayari nitong mga nakaraang araw ay napag-isipan niya tuloy ng masama ang boss niya.

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 10 )

     Bago mag check-in sa counter ay kinausap muna ni Richard si Jonas sandali. Nagbilin na habang wala ito ay kailangan niyang samahan si Marian sa lahat ng lakad nito, mapa-school o kung meron mang ibang lugar na pupuntahan ang babae. Dahil alam ni Richard na medyo matigas ang ulo ni Marian at mahilig sumuway sa usapan, mahigpit ang naging bilin nito sa driver na tuwing di sinusunod ni Marian ang naging usapan nila na dapat kasama niya si Jonas tuwing aalis ng bahay ay dapat tawagan umanon siyang tawagan ng driver upang siya na ang kakausap kay Marian.

“Yes, Sir. Makakaasa po kayong ako na ang bahala kay Ma’am Marian habang wala kayo.”

“Good. Sige, makaka-alis kana.”

Nang tumalikod na si Jonas ay naglakad narin si Richard papuntang check-in counter, hila-hila ang stroller bag nito na kanina ay iniabot ni Jonas sa kanya bago ito tuluyang umalis. Pagkatapos magcheck-in ay tumuloy na si Richard sa pre-boarding area. Ilang minuto ang nakaraan ay dumating na rin si Lea na makakasama niya sa byahe papuntang Cebu.

At 10 a.m ay lumapag na ang eroplanong sinasakyan nina Richard at Lea sa Mactan-Cebu International Airport. Naghihintay na rin ang sasakyan ng hotel kung saan sila mananatili habang nasa Cebu ang dalawa. Pagkaraan ng ilang minuto ay paalis na ang sasakyan nila ng airport at dinala na sila ng driver sa hotel.

Thursday, August 7, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 9 )

     “Be good while I’m away.”
Ito kaagad ang bilin ni Richard kay Marian. Naghahanda si Richard ng mga gamit na dadalhin niya sa Cebu ng mga sandaling iyon, it was a couple of hours later mula ng sabay silang dalawa na umuwi galing sa opisina ni Richard.

Si Marian naman ay nakaupo sa kanilang kama, nagbabasa ng fashion magazine. It was a half-meant joke, but Marian ignored him.

“That’s good..di ka na pikon” marahan na tumawa si Richard nang makitang di nagpa-apekto ang babae sa kanyang panunundyo.

“Ang pikon ay laging talo..that’s what I learn from you, Chard.”

“Huwag mo ako ma-miss ha.” Biro ulit ni Richard sa kanya.

“Of course not. Baka ikaw ang dapat kong sabihan niyan!”

“Yes, ma-mimiss kita..wala na akong babantayan na pasaway!”

Friday, July 11, 2014

Mr.Chinito Ver. 2.0 ( Part 8 )

     “Lolo, si Cheska .. asan na siya ngayon?”

Kahit alam na ni Marian na nagbalik na si Cheska sa Pilipinas, gusto pa din niyang malaman kung alam na ito ni Roberto at baka kahit konting information tungkol kay Cheska may makuha din siya. Ayaw man niya aminin, curios din siya kahit papaano na malaman ang tunay na katauhan ng girlfriend ni Richard.

“Don’t be surprise Marian, someone told me na bumalik na ito sa Pilipinas. She came back after nilang mag divorce ng asawa niya three months ago”

“Talaga po?.. so..”

“Huwag kang mag-alala di mangyayari ang nasa isip mo. Di na siya pwedeng bumalik pa kay Richard kasi andyan ka na.”

At that point, di na makatingin ng diretso si Marian kay lolo Roberto naguilty siya bigla kasi naniwala talaga si Roberto na di pa niya alam ang tungkol kay Cheska. Pero ikinagulat ni Marian ng malaman niya ang tungkol sa divorce nito. Para lang makaiwas na matingnan ang mata ni Roberto,

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 7 )

     Nasa loob ng sasakyan sina Richard at Marian, gaya ng nakaugalian, hinatid ni Richard si Marian sa university nito. Marian particularly noticed kung gaano katahimik si Richard all throughout the ride but she didn’t attempt to disturb him. Di man alam ni Marian kung ano ang eksaktong laman ng isip nito ngayon, isa lang ang sigurado siya, ito ay problema. Judging by the way he looks, mahirap sabihing happy thoughts ang nasa isip nito gayong nakakunot na naman ang noo nito. Ilang sandal pa ang dumaan at huminto na rin ang sasakyan ni Richard sa may parking lot ng university.

“Bye, Chard..” paalam ni Marian sa lalaki habang inaalis ang seatbelt. Sandaling tiningnan nito ang lalaki at ngumiti dito.

“Bye.” Sagot naman ng lalaki sabay ang paglapit ng mukha, aktong hahalikan ni Richard si Marian pero mabilis na umiwas si Marian sabay ang pagtaas ng mga kamay nito sa may dibdib ng lalaki upang pigilan itong tuluyan na makalapit pa.

“Hep, hep, hep..anong gagawin  mo?”

“Uh! sorry..I thought..never mind..” hinging paumanhin ni Richard kay Marian ng matauhan na ito. Nawala kasi sa isip niyang si Marian ang kasama niya sa mga sandaling iyon at hindi si Cheska na siyang laman ng kanyang isip kanina pa.

Mr.Chinito Ver. 2.0 ( Part 6 )

     Hmmpp bakit parang pakiramdam ko nilaglag ako ng lokong to?

Alburuto ni Marian.Dahil dito, di niya mapapalagpas ang ginawa ni Richard kaya may planong nabuo sa isip nito.

“Lolo, paano po kayo magkaka-apo eh..”

Unti-unti niyang inilapit ang kanyang ulo kay Roberto, kesihudang nasa kabila si Roberto, pilit niya paring inilapit ang sarili para lang bumulong dito. Ang tagal nakarecover ni Roberto sa tawa niya habang si Marian naman ay aliw na aliw tingnan ang matanda na tumatawa.

“Hey! Ano sinabi mo kay lolo?”

“Secret!”

Sabay na sagot ni Roberto at Marian sa kanya. Naningkit lalo ang mga mata ni Richard habang nakatitig kay Marian pero di siya nagpaapekto sa mga tingin ng lalaki sa kanya. Tinaasan pa niya ito ng kilay, lumabi dito at tinawanan ulit ito..

“Blehh!” Nang makita ito ni Roberto ang ginawa ni Marian ay napailing na lang ito ng ulo.

Mr.Chinito Ver. 2.0 ( Part 5 )

     “Sino si Cheska?”

Tanong ni Marian kay Richard habang nakatitig ng maigi sa mga mata ng lalaki. Pinipigilan ni Marian na di mahalata ni Richard na konting-konti na lang matatawa na talaga siya dito. Nang magtanong kasi si Marian kung sino si Cheska, kitang-kita ni Marian na tila nataranta si Richard at nangangapa kung ano ang isasagot sa kanya.

Tumi-teenager ang peg? Juice colored!

Di makatingin ng diretso si Richard kay Marian, halatang kinabahan. Gusto pa sana ni Marian na tuksuhin pero nakita niya ang pag iba ng mood ni Richard bigla kaya nagbago na ang isip ni Marian.

“Mauna na ako sa taas.” Paalam ni Marian sa lalaki upang makakain na ito.

“Samahan mo muna ako dito..malungkot kumain mag-isa.”

“Umm okay…” bumalik sa pagkakaupo si Marian sa pwesto niya sa kaliwang bahagi ng hapagkainan.
Naninibago si Marian sa takbo ng pamumuhay nila, noong nakaraang linggo lang wala silang kibuan, kung mag-asaran parang mga bata lang pero ngayon, di man sila close, at least di na nagbabangayan. Habang kumakain si Richard di maiwasang napatitig si Marian sa kanya.

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 4 )

     “Bakit ano po yon?”

Sa boses pa lang ni Richard, alam na ni Teresita na nababahala na ito sa kung ano ang matutuklasan tungkol kay Marian.

“Natatakot ako baka dahil sa nangyari kahapon ma-depress na naman si Marian.”

“Ma-depress na naman po? Bakit?”

“Five years ago, napagdaanan na ito ni Marian. May nangyari kasi noon sa kanya at sa pinsan niya.”

“Kwento nyo po, makikinig lang ako..”

“Nangyari ang insidenteng iyon noong fourth year high school pa si Marian, doon pa siya nakatira sa San Antonio. Nagpaalam siya sa lolo niya na may pupuntahan sandali kasama ng pinsan niya. Dalawa kasi sila ng pinsan niyang nakatira noon sa tatay ko habang andito kami ng mga tito at tita niya, yung mga magulang ng pinsan ni Marian, nagtatrabaho sa Manila. Palibhasa si Marian ang mas nakakatanda, pag may lakad silang magpinsan sa kanya pinapaubaya ng lolo niya ang pinsan niyang si Rachel.

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 3 )

    Ive been calling you since I arrived kanina but you didn’t pick your phone.”

“Sorry, naka-silent kasi ang phone ko pag nasa loob ako ng klase, di ko naman naisipang i-check kanina kasi nagmamadali kaming pumunta ng gym para manood ng game.”

Marian lied. Alam niyang masama but she wants to get even. Di niya makalimutan ang nangyari ng umagang yon at sa sandaling yon nararamdaman na naman niya ang bigat ng talukap ng mga mata niya sa sobrang antok pa.

“Di ba naka vibrate mode yang phone mo pag naka silent yan? And di mo ba natandaan ang usapan nating dadaanan kita?” di parin nawala ang inis sa tono ng pananalita ni Richard.

Si Marian naman ay di na umimik pa, instead, she turned her head to face the window at isinandal ang ulo sa upuan niya. Isinasaisip ang sagot sa bawat reklamo ng lalaki. Kahit anong dakdak ang gawin mo di na maibabalik ang oras. Nagsasayang ka lang ng laway. 

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 2 )

     After dinner umakyat na si Richard sa kwarto nila para magbihis, nagdesisyon siyang bumalik ulit sa opisina. Pupunta siya ng hotel, ang hotel na personal niyang pinamamahalaan sa ngayon matapos itong pinamana sa kanya ng lolo niya. Paglabas ng kwarto nakita niya sa may entertainment area si Marian sa harap ng t.v nanonood ng palabas.

“Labas na muna ako sandali.” kahit na alam niyang di na niya kailangan pang mag-paalam ay ginawa na rin niya.

She nodded tapos binalik ang atensyon sa pinapanood. Bumaba na si Richard at lumabas na ng bahay at tinungo ang kanyang sasakyan at umalis na. Thirty minutes later he arrived at the parking area of the hotel, using the private lift intended for him and his staff, he went up to his office.  Pagkaupo sa kanyang swivel chair kaagad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan agad niya si Lea.

“Lea did you bring with you the files I asked you earlier?”

Mr. Chinito Ver. 2.0 (Part 1 )

 When boredom strikes - rewrite! :D


I hope everyone would still like this version .. longer, sweeter, funnier .. fiercer?! Chos!

Oooopppsss! Warning.. sorry at nag-iba na name nila, nagpabinyag kasi uli sila! XD

~*~ 

 


 


  Nagmamadali si Marian habang bumababa sa taxi na sinasakyan, 9 p.m na kasi kaya kinakabahan na siya baka kung  ano ang magiging reaksyon ng mga tao sa mansyon. Nag-doorbell at pagkaraan ng ilang segundo binuksan na ni Jonas.

“Good evening po ma’am.”

“Good evening naman po kuya Jonas..si Richard andyan na?” Tanong ni Marian kay Jonas na nakasunod na sa kanya papasok ng mansyon.

“Opo, kanina pa po mga alas-sais ng gabi, nasa opisina ata siya ngayon..ay teka tutulungan na kita.” Kinuha ni Jonas ang dala nitong ilang libro at binder niya.

“Thank you po kuya..pwedeng paki sabi kay Dorina iakyat na muna sa kwarto ko please?”

“Sige ma’am, ibibigay ko na muna to kay Dorina.” Pagpasok sa may pintuan, diretso na agad si Jonas sa kusina para ibigay ang gamit ni Marian kay Dorina habang si Marian naman ay papuntang opisina ni Richard. Dahan-dahan siyang naglakad, nag-aatubili at baka di na naman maganda ang mood nito . Nitong nakaraang araw kasi parang lagi na lang itong mainit ang ulo, tahimik at parang ayaw makipag-usap kahit kanino pa.

Thursday, June 12, 2014

Nagsimula ang Lahat sa Isang Halik 4

     Habang kumakain ng hapunan panay ang pasulyap-sulyap ni Jolie kay Albert na nakaupo sa kabilang panig ng mesa. Pilit niyang binabasa ang mood ng binata sa gabing iyon lalo pa't nangako ito na sa gabi ding iyon magsisimula ang pagtu-tutor ng lalaki sa kanya. Dahil alam ni Jolie na sadyang mainit ang dugo ni Albert pagdating sa kanya, may konting takot din siya sa magaganap maya-maya lang. Pero kahit ganun pa man, inaamin naman niyang may konting excitement din siyang nararamdaman lalo pa at first time itong mangyayari na magkakasama silang dalawa.

Ano kaya ang gagawin namin mamaya? hmmmm .. maaring magkadikit kami habang naka-upo sa harap ng study table ko. Habang tinuturuan niya ako, nakangiti siya sa akin at titig na titig sa mga mata ko habang nagsasalita ako...

Napapangiti si Jolie habang nangangarap, ang di niya alam ay nahahalata na siya ng mga kasama sa mesa. Pati si Mary ay naaaliw habang nakatingin sa kanya. Samantalang si Albert at Nash iba ang naiisip sa kanya.

"Kuya, nakakatakot talaga tong babaeng to. Tanga na, loka-loka pa!" bulong ni Nash sa kuya niya. Sabay pang umiling ang dalawa pagkatapos sabihin iyon sa Kuya Albert niya.

"Nashhh! Tumigil ka na. Igalang mo si Jolie, mas matanda siya sa'yo!"

Thursday, May 15, 2014

Nagsimula ang Lahat sa Isang Halik 3

     Breaktime, nasa loob ng classroom nila si Jolie, kaharap ang kanyang nakabukas na aklat ay panay ang hagikhik nito. Buong akala ng kanyang mga kaibigan ay seryoso itong nag-aaral hanggang sa marinig nila ang pigil na pagtawa ni Jolie.

"Tingnan mo tong babaeng ito, naloloka na ata sa kaka-aral niya. Hoy bruha! Anyare?" wika ni Linda, pagkatapos ay sabay-sabay na nilapitan nina Anika, Linda, George, at ng mga alalay nito si Jolie.

"Jolie, okay ka lang ba??" nag-aalalang tanong ni George sa dalaga. "Alam mo, nag-aalala na ako sa'yo. Simula ng lumipat kayo sa bahay ng tito mo parang may kakaiba na akong nararamdaman. Ano ba kasi ang address ng bahay ninyo ngayon para mapuntahan kita , baka naman minamaltrato ka na nila ha kaya nagkakaganyan ka na.."

Panay parin ang paghagikhik ni Jolie at ayaw magsalita. Nagtatakip pa ito ng kanyang mukha at aliw na aliw sa di malamang dahilan. Yon pala, kaya ito natatawa ay dahil sa naalalang larawan ni Albert na nakasuot ito ng damit na pambabae. Hanggang sa paggising ni Jolie ng umagang iyon ay walang ibang laman ang isip ng dalaga kundi ang picture na yon. Panay ang  tingin niya sa larawan ni Albert dahil binigyan siya ni Mary ng isang kopya nito.

"Okay lang ako promise!" isang hagikhik na naman ang narinig ng mga kaibigan nito mula sa kanya kaya napakunot na lang ng noo at napatingin sa isa't-isa, di maiwasang maisip na nababaliw na talaga ang dalaga.

Saturday, May 10, 2014

Nagsimula ang Lahat sa Isang Halik ( Playful Kiss Nylcoen Version) 2

 Disclaimer: I do not own the story. Credits belong to Kaoru Tada, the original writer of Itazura Na Kiss. There is no financial gain made from this nor will any be sought. This is for entertainment purposes only. 

A/N: I love the different versions of Itazura na Kiss and so  I decided to come up with my own, with a slight Pinoy touch. I  will be using ISWAK's characters (Joe Cheng and Ariel Lin) though my favorites are MBC's Playful Kiss / Mischievous Kiss main leads ( Kim Hyun Joong and Jung So-Min ) mainly because for me, they are the most cutest couple  amongst those who played the roles. There MAYBE  a few changes with the other characters since I will take the liberty of choosing my fave stars ( oh yeah! ) as characters of the story to add spice but, nevertheless, please bear with me.  Love, love, love peeps!



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
 Now back to Jolie and Albert my loves ...



" Tutulungan pa ba kita o hindi na? " tanong ni Albert. Nakatingin ito ngdiretso kay Jolie, di ngumingiti pero di rin naman nakasimangot. Di tuloy maintindihan ni Jolie kung nagulat ba ito na makita siya o naiinis na naman sa kanya.

"Albert, tulungan mo na si Jolie ano pa bang hinihintay mo diyan. Buhatin mo na ang ilang gamit nila." sigaw ni Mary sa kanyang anak na kasalukuyang nasa loob ng bahay na. Nang marinig ni Jolie ang boses ng babae ay para siyang nagpanic. Oh my..totoo na nga..di ako nag-iimagine! Nandito ako ngayon sa bahay nina Albert! Teka, teka..di ako dapat magpatulong sa kanya..hindi! Hindi! Hindi!

"Hindi na!! Huwag mong hawakan yan!" sigaw ni Jolie ng makita nito si Albert na kinuha  ang isang karton sa harapan niya. Nang marinig ang sigaw niya ay nagsalubong na naman ang mga kilay nito, inihagis ni Albert ang karton sa babae dahilan upang muntik ng matumba si Jolie dahil sa bigat nito ng kanyang masalo.

"Walang problema. Madali naman akong kausap. Dalian mo na diyan at ipasok mo na ang mga gamit mo!" tumalikod na ito at pumasok na ito sa loob ng gate.

"Salbahe mo talaga! Napaka ungentleman!" sigaw ni Jolie. Ibinaba muli ni Jolie ang karton at umupo dito. Saglit siyang  nag-isip.

Ano ba naman to! Titira kami ni Albert sa iisang bubong? Paano ako makaka move-on sa pagkaka-crush ko sa lalaking ito kung lagi ko na siyang makikita? Parusa 'nyo po ba ito? Tumingala si Jolie at kinausap ang langit.

"Oh 'nak! Tumayo ka na diyan at tulungan mo akong bitbitin ang mga gamit sa loob."

"Papa! Paaaa.. umalis na lang tayo dito..sige naaa..please...parang awa mo na!" panay ang hila ni Jolie sa t-shirt ng ama kaya napahinto ito sa ginawang pagbuhat ng karton.

"Bakit ba, hmm? Kung kailan andito na tayo at inakyat ko na yung ibang gamit saka ka mag-iinarte diyan? Ang bigat-bigat nun tapos sasabihin mong di na tayo tutuloy? Halika na, naghihintay na sina Peter sa loob! Ipasok mo na yung ibang gamit natin!" Iniwan din siya ng kanyang ama, bitbit ang isang malaking karton ay pumasok na ito ng bahay.

"Paaaaa!" mangiyakngiyak na tawag ni Jolie sa papa niya. Nagmaktol na siya't lahat pero di parin siya pinakinggan ng Papa niya.




     Ilang minuto ang nakalipas ay natapos narin nila ang pagbubuhat ng mga gamit, nasa loob na ng bahay ang mag-ama. Napasinghap si Jolie ng makita ang ganda ng loob ng tahanan ng mga Lopez. Ibang-iba ito sa kinagisnang bahay niya. Kung maganda ang view sa labas ay kasing ganda, linis at gara din ng loob ng bahay. Di naman gaanong kalakihan ang bahay pero mayroon itong tatlong palapag. Sa ganda ng bahay masasabi talagang may kaya ang pamilya na nakatira dito.

Kasalukuyan silang nakaupo lahat sa may sala at naguusap. Magkatabi sina Mary at Jolie habang nasa kabilang upuan naman sina Bong at Peter. Mag-isa namang naka-upo si Albert sa isang upuan na nasa isang sulok, nagbabasa ito ng magazine. Naglabas ng isang buong cake si Mary para makain ng lahat. Habang pinagmamasdan nitong kumakain si Jolie, di maalis-alis ang ngiti nito sa kanyang labi. Di tuloy mapakali si Jolie habang kumakain, pakiramdam niya ay binibilang ni Mary ang bawat subo niya at tinitingnan kung gaano kalaki ang kanyang bunganga.

"Ang ganda-ganda mo talaga. Ang cute-cute!" sambit ni Mary kay Jolie,  hinaplos-haplos pa nito ang pisngi ng dalaga. Nang marinig ang papuri ay mas lalo lang nahiya si Jolie. Namula ang pisngi at di makatingin ng diretso kay Mary, napangiti na lamang sa katabi. Unang beses niyang makarinig ng ganoong papuri galing sa ibang tao kaya di na talaga maiwasang manibago. Tila gumapang sa kabuuan ng kanyang katawan ang init na kanina ay naramdaman lamang niya sa kanyang tenga.

"Salamat po, tita." sagot ni Jolie, halos mapiyok pa siya dahil sa kaba.

"Mary, sorry kung sa ganitong paraan pa tayo nagkakilala pero nagpapasalamat pa rin ako at di ako nakalimutan ng kaibigan kong ito. Sana di kami makakaabala sa inyo." tinapik-tapik ni Bong ang balikat ng kanyang kaibigan na si Peter. Abot tenga na ang ngiti ng lalaki kahit na nahihiya ito sa kaibigan.

"Sus! Wala yon, alam mo bang ang tagal ka na niyang hinahanap? Marami akong narinig na kwento tungkol sa iyo. Di ka parin niyan nakalimutan kahit ilang taon na kayong nagkalayo kaya nung nakita ka niya sa t.v at nagtanong sa akin kung pwede ka raw niyang tulungan, di ako tumanggi. Malaki itong bahay namin tapos apat lang kami dito kaya okay lang kung andito kayo. Mas marami, mas masaya! " Napangiti na lang sina Bong at Jolie ng marinig si Mary. Kapansinpansin sa babae ang pagiging masayahin at kikay nito kung kaya madaling napanatag ang loob ni Jolie sa kanya.  "Ay teka... saan ka nga nag-aaral ngayon Jolie?"

 "Sa St. Matthew's po."

"Talaga? Anong year ka na?" namilog ang mga mata ni Mary. Bakas sa mukha  nito ang biglang pagka-excite sa narinig.

"Fourth year na po ako."

"Talaga?! Ibig sabihin magkakilala kayo ni Albert ko?! O baka naman magka-klase kayo?"

Parehong napalingon si Jolie at Mary sa lalaki na sa mga sandaling iyon ay patuloy parin ang pagbabasa ng magazine. Kahit na narinig nito ang kanyang pangalan ay di man lang nakuhang mag-angat ng tingin sa kanila. Halatang-halata na di ito interesado na makisali  sa pag-uusap nila.

"Di po kami magkaklase, nasa first section po kasi siya..ako naman nasa pang-huli.." nahihiyang paliwanag ni Jolie kay Mary.

"Aww, ganun ba. Sayang naman! Di bale, okay lang yung nasa last section ka, mas masaya dun kesa sa section nina Albert. Puro KJ ang mga tao dun kagaya niya. Tingnan mo siya, di marunong magsaya at tumawa kaya humahaba ang mukha. Bata pa parang matanda na . Nagtataka nga ako nung sabihin ng adviser nila na marami daw nagkakagusto sa kanya eh ang suplado naman niya." isang masamang tingin ang ginawad ni Albert ng lumingon ito sa kanila pero nginusuan lang ito ng ina. Nang makita ni Jolie ang ginawa ni Mary kay Albert ay di na napigilan ang sarili at napatawa na kaya nagsalubong na naman ang kilay ng lalaki.

Habang nagkukwentuhan ay bumaba mula sa second floor ng bahay ang isang batang lalaki, may hawak itong libro at nakasimangot habang papanaog. Magkahawig ng konti kay Albert ang batang lalaki, at sa anyo pa lang nito halatang kasing sungit din ng kuya niya. Kung makatingin ito kay Jolie sa mga sandaling iyon ay parang kakainin siya ng buhay.

"Siya nga pala, bunso namin si Nash. Nash siya ang Tito Bong mo, yung sinasabi ng daddy mo na titira na dito sa bahay natin. "

Wednesday, April 30, 2014

Nagsimula ang Lahat sa Isang Halik (Playful Kiss Nylcoen Version ) 1

Disclaimer: I do not own the story. Credits belong to Kaoru Tada, the original writer of Itazura Na Kiss. There is no financial gain made from this nor will any be sought. This is for entertainment purposes only. It just so happen that I love the different versions of the series so I decided to come up with my own. Nevertheless, please bear with me. Love, love, love peeps!     


     High School life, ito ang panahon kung kailan nagsimula lahat ng kalokohan at paminsan-minsan umuusbong na pag-iibigan. At hindi naiiba ang istorya ni Jolie. Si Jolie Santos, 16 years old, at kasalukuyang nasa fourth year na ng St. Matthews High School. Mabait, palakaibigan, cute, at higit sa lahat masayahing dalaga. Nag-iisang anak ni Franco o mas kilala sa pangalang Bong.Nagmamay-ari ng isang maliit na karendir ang ama ni Jolie na namana nito sa kanyang yumaong ina. Lumaki si Jolie na tanging ang ama lang ang kasama matapos mamatay ang ina ng siya ay nasa murang edad na tatlong taon pa lamang. Sa kabila ng ganoong sitwasyon ay lumaking masiyahin at busog sa pagmamahal ng ama si Jolie.

If there's one thing flaw about Jolie, ito ay ang pagiging mahina sa klase ng dalaga. Di nakakapagtataka kung bakit napabilang si Jolie sa huling seksyon, ang Section Z. Kaklase ni Jolie sina Anika at Linda, ang dalawang matatalik na kaibigan nito. Sa pagiging mahina sa klase nakilala si Jolie at ang mga kaibigan nito. Bukod sa kanila ay may isang grupo din ng mga kalalakihan na papolar sa kanilang seksyon. Ito ang grupo ni George, ang masugid na manliligaw at kaibigan din ni Jolie na laking probinsya . Sa loob ng apat na taon ay naging tagahanga ang binata ni Jolie, lagi itong nakabantay sa kanya kahit saan man ito magpunta, handang umalalay sa dalaga sa kahit na anong gawain nito .

Ngunit kahit anong gawing pa-cute at pagsunod-sunod kay Jolie, hindi niya parin ito pinapansin, ito ay dahil humahanga din ang dalaga sa iba, kay Albert Lopez. Ang lalaking kung ituring ni Jolie ay ang kanyang Superman. Mula freshman hanggang ngayong senior na sila, walang ibang kinahuhumalingan si Jolie kundi si Albert. Sa loob ng tatlong taon ay nakuntento si Jolie sa kanyang one-sided love sa lalaki.