“Kanina pa ba ‘to?” tanong ni Richard sa sekretarya niya na ang tinutukoy ay ang pagdating ni Marian sa hotel.
“Ngayon lang po yan dumating.”
Nagkunwaring binabasa ni Richard ang papel, ilang sandali ay may isinulat siya at ibinalik kaagad ang papel kay Lea.
Please bring her to the resto ASAP. I’ll call you later. Thank you .
Ito
ang nakasulat sa ibabang bahagi ng papel bilang sagot ni Richard kay
Lea. Kaagad nang lumabas ng kwarto ni Richard si Lea at binalikan si
Marian sa labas. Nadatnan niya itong naka-upo sa silyang nasa harapan ng
kanyang mesa.
“Marian,
pinapasabi ni Sir Richard na sorry daw di ka niya maasikaso kaagad kasi
may ka-meeting siya pero sabi ni Sir, sasamahan na lang daw kita sa
resto sa baba para di ka mainip dito.”
“Ah
ganun ba, sige kung yan ang bilin niya pero baka naman kasi kailanganin
ka niya dito mamaya. Ako na lang siguro ang mag-aantay sa kanya sa
resto para di ka na maabala.”
“No
don’t worry, dahil pinapasama ako ni Sir sa’yo, ibig sabihin niyan di
niya ako kakailanganin dito.” Sambit ni Lea kasabay ang isang matamis na
ngiti upang tiyakin kay Marian na walang magiging problema kung sumama
siya dito.