“Teka
teka teka .. kay nanay nagpaalam kang dito matutulog, bakit sa akin
nagpaalam ka na ba?” pinandilatan ng mata ni Marian si Richard upang
malaman ng lalaki na di niya nagustuhan ang binabalak na pagtulog sa
bahay ng ina. Di naman naka-imik kaagad si Richard at napatitig na lang
kay Marian.
“At
bakit kailangan pa niyang magpaalam sa’yo? Sa akin ba nagpaalam ka rin
na dito matutulog, huh Marian?” Pagalit na sabi ni Tereista pagkatapos
ay hinarap nito si Richard. “ Huwag mo na siyang intindihin.. okay lang
na dito karin matutulog. Syempre andito ang asawa mo kaya normal lang na
kung asan siya andun ka rin.” paniniyak ni Teresita sa lalaki, nahiya
kasi ito at baka akalain ni Richard na hindi siya welcome sa pamamahay
nila gayung alagang-alaga ng mga ito ang anak niya sa kanila.
“Sorry
– pero kasi ano, nag-aalala lang ako sa’yo Richard, maliit lang kasi
ang kwarto ko tapos walang aircon, wall fan lang ang meron kami. Matigas
din ang higaan. Di ka sanay sa mga ganyan di ba… tapos wala karing
gamit na dala. Wala kang pamalit diyan sa suot mo.”
“Marian
huwag mo na yang intindihin. Okay lang din kahit walang aircon, kahit
wall fan lang ang gamit mo okay lang din. Tsaka gabi na papauwiin mo
paba ako?”
“Eii
wala karin naman kasing gamit na dala kaya di ka rin makaka-stay dito,
di rin naman problema kung uuwi ka kasi may kotse ka naman kaya kahit
gabi na okay lang na umuwi ka sa mansyon.”
“Nagpahatid
lang ako kay Jonas dito.. at may dala na rin akong gamit ko kasi umuwi
ako sandali sa bahay upang kumuha bago ako nagtungo dito.”