“Lea,
I’m sorry for calling you this early. May gusto lang akong ipagawa
sa’yo bago ko tuluyang makalimutan ito mamaya.” hinging-paumanhin ni
Richard kay Lea dahil sa pagtawag nito sa sekretarya ng alas singko y
medya ng umaga.
“No problem Sir, usually pag ganitong oras gising na po ako at nagkakape na. Ano po ba yung ipapagawa ninyo?”
“Okay, mabuti naman. Umm please book our flight back to Cebu on Saturday.”
“Saturday, Sir? You mean next weekend? Di pa ba tayo babalik ng Cebu mamayang gabi?”
“No– may importante pa kasi akong aasikasuhin dito.” Like spending more time with Marian. Dagdag ni Richard sa kanyang paliwanag, ngunit di ito magawang bigkasin at nanatili na lang ito sa kanyang isipan.
Muntik
pa itong mapa-hagikhik nang maisip ang kanyang mababaw na dahilan kung
bakit ayaw pa muna niyang bumalik sa Cebu. Napasulyap pa siya sa katabi
na hanggang sa mga oras na iyon ay mahimbing paring natutulog sa kanyang
tabi.
“Okay, Sir. I will just text you the details of our flight later.”
“Thanks Lea. By the way, kung pwede sana, yung flight sa gabi yung i-book mo.”
“No problem, Sir!”
“By the way, baka di rin ako papasok ngayon sa office but if there is something urgent, don’t hesitate to let me know, okay?”
“Okay, Sir.
“Thank you, bye.”
Pagkatapos
ng tawag, inilapag na ulit ni Richard sa bedside table niya ang kanyag
cellphone at muling humiga sa kama. Inayos ni Richard ang kanilang kumot
upang masigurong natakpan nito ng maayos si Marian na kasalukuyang
natutulog na walang saplot sa katawan. Napangiti na lang si Richard nang
maalala ang mainit na kaganapan nangyari nitong nakaraang gabi sa
pagitan nilang dalawa ni Marian. Nagsimula sa selosan na nauwi sa 'umatikabong bakbakan'. Wala sa kanyang plano ang nangyari sa kanila kagabi pero wala siyang pinagsisihan.
Nang
umuwi siya galing Cebu, ang tanging hangarin lang niya ay sorpresahin
si Marian sa kanyang kaarawan at ipakita ang kanyang pagsuporta sa babae
subalit, gaya ng dati, laging nauuwi sa isang di inaasahang pangyayari
ang lahat na siyang laging nangyayari kapag kasama niya si Marian.
Gayunpaman, di niya ito pinagsisihan. Dahil para sa kanya, siya na ang
nanalo ng tuluyan ng isuko ni Marian ang kanyang bandila kagabi.
(insert: pasaboy ng sandamakmak na confetti at saging with matching
background ng mga nagbubunying mga Minions. Oy, showing na pala sa 2015,
lol! )
Dahan-dahang
hinila ni Richard papalapit sa kanyang katawan si Marian, hinayaan
niyang maging unan ng babae ang kanyang matipunong braso habang ang isa
pa niyang kamay ay yumakap sa beywang nito at madaliang hinalkan ang
bahagyang naka-awang na mga labi ni Marian. Nang maramdaman ni Marian
ang paghalik ni Richard sa kanya ay saglit itong gumalaw at
nagsusumiksik sa bandang leeg ni Richard. Nanatili pa ring nakapikit ang
mga mata nito pero nakayakap na rin ito sa lalaki. Natutukso si Richard
na muling gisingin si Marian upang muli pa ay angkinin ito ngunit mas
nanaig ang antok niya. May ilang beses rin niyang ginawa iyon kay Marian
sa buong magdamag kaya di nakakapagtatakang sumuko din silang dalawa sa
pagod at antok. Pagkaraan ng ilang saglit ay muli nang naipikit ni
Richard ang kanyang mga mata at umidlip na may ngiti sa kanyang mga
labi.
Makaraan
ang ilang oras, sa wakas ay nagigising na rin si Marian. Dahan-dahan
nitong ibinuka ang mga mata na kaagad namang nasilayan ang matatamis na
ngiti ni Richard na kanina pa nakatitig at nag-aantay sa kanyang
paggising.
“Good morning!” naunang bumati si Richard na nakangiti parin sa kanya.
“Good morning! Anong oras na ba?”
Binalingan ni Richard ang alarm clock na nasa bedside table niya. “Umm malapit na mag aalas-dyes ng umaga. “
“Ano?!
“ Napa-upo si Marian dahil sa pagkagulat. Hinila nito ang kumot para
takpan ang kanyang harapan.
“Di ba dapat maaga ka pang babalik ng Cebu?
Di ka pa ba late sa flight mo?”
“It’s okay, tinawagan ko na si Lea kanina at sinabi kong sa susunod na weekend pa kami babalik doon. “
“Ah
okay..” napabuntong-hininga si Marian sa nirinig. Di niya inasahan ang
balitang iyon ni Richard pero masaya siya at isa lang ang ibig sabihin
nito, na makakasama pa niya ng matagal-tagal si Richard. Pagkatapos ng
nangyari sa kanila nang nakaraang gabi, parang ayaw na muna niyang
mahiwalay pa sa lalaki ng ganun-ganon na lang.
“Come
here...” Marahang hinila ni Richard si Marian upang pabalikin sa dati
nitong puwesto sa tabi niya . Nang muli namang humiga si Marian ay
kaagad naman siyang sinisimulang halikan ni Richard ng mariin sa kanyang
labi. Naging malikot na rin ang mga kamay ni Richard na panay ang
haplos sa kanyang katawan. Unti-unti na rin siyang nadadala sa init na
dala ng bawat halik at haplos ng lalaki kung hindi lang niya narinig ang
malakas na pagkalam ng sikmura ni Richard, di ito mahihinto sa mga
ginagawa sa kanya. Di tuloy napigilan ni Marian ang kanyang pagtawa
dahil sa nangyaring iyon.
“ Oh my! -- Ha ha ha! Gutom ka na pala eh!”
“Yeah..kanina pa, pero ayokong gisingin ka. And besides, I would rather stay here at yakapin ka kesa kumain mag-isa.”
“Mabuti pa bumaba na tayo, I’m sure nagtataka na si Manang di pa tayo bumababa kanina pa.”
“After what she saw last night, alam ko she already knew the reason why.”
“Oh
no!!” nang maalala ni Marian ang nangyari sa kanila kagabi nang
maabutan siya ni Manang Fely na nakatakip ng kumot habang si Richard
naman ay nakatuwalya lang, di mapakali si Marian. Namumula siya sa
sobrang hiya kaya pinagtawanan na naman siya ni Richard.
“Pinagtatawanan mo ako? Bakit ikaw ba di ka nahihiya kay Manang Fely?”
“Hindi!
Bakit naman ako mahihiya eh mag-asawa tayo” Di parin tumitigil si
Richard sa pagtawa kaya mas lalo pang namumula si Marian sa sobrang
hiya. “ Why are you blushing?! You’re so cute when you blush, Marian!”
“Eiii kahit naman di ako nagba-blush cute parin ako eh!”
“Confident!”
“Sobra!…halika na nga,baba na tayo para makakain na!”
“Marian, wait..”
“Oh, bakit? Ayaw mo pang kumain?”
Inilapit
ni Richard ang kanyang bibig sa tenga ni Marian and whispered
seductively. “Wala ba munang entrée bago ang main course?”
“Entrée? “ napakunot ang noo ni Marian sa ibinulong ni Richard sa kanya. Napatitig ito sa lalaki na puno ng pagkalito ang mukha.
“
Entrée..bago tayo bumaba.. what I actually mean is morning se -- .”
Kaagad ng pinutol ni Marian ang pagbulong ni Richard sa kanya nang
maramdaman nito na panay na ang paghimas nito sa hita niya. Napailing na
lang si Marian pagkatapos ay mahinang kinurot ang kamay na iyon ni
Richard.
“Ano
ba Mr. Lim, gutom ka na’t lahat, yan parin ang laman ng utak mo”
Natatawa si Marian sa lalaki. Di naman niya akalain na sa kabila ng
pagiging strikto at bugnutin na Richard Lim ay may kakaiba pala itong
personality pagdating sa sex. “ Aba ! Aba! Aba! Richard Lim, break na
muna noh! Tsaka di mo man lang ba inisip na wala ng laman yung..yung..”
di makuhang bigkasin ni Marian ang kanyang gustong sabihin kaya itinuro
na lang nito ang maliit na box na nasa bedside table ni Richard. Nang
tapunan ito ng tingin ni Richard at malaman kung ano ang tinutukoy niya,
ngumiti ito ng tiningnan ulit siya.
“Pati
ba naman pagbigkas ng salitang condom nahihiya ka din?” panunuya ulit
ni Richard kay Marian kaya muli na naman itong napahiya at namula.
“Ipangalandakan
talaga?!” inis namang sumbat ni Marian. “Teka, bakit nga pala may
ganyan ka? Siguro ang active mo talaga sa mga ganyang gawain at prepared
na prepared ka..huwag kang mag-deny Richard Lim!”
Napailing
lang si Richard habang tumatawa nang marinig ang pasaring ni Marian.
“There you go again.. ang bilis mo talagang makahanap ng paraan upang
lumihis sa usapan. Now you’re using it against me.. nakakatawa ka talaga
alam mo ba yun?! Matagal ko na yang binili at naka-stock lang diyan sa
drawer ko ..waiting for the perfect moment. I’m glad that it has served
its purpose at the right time..on your special day.” Ikinulong ni
Richard ang magkabilang pisngi ni Marian sa kanyang mga palad at mariin
siyang hinalikan sa kanyang mga labi. “Belated happy birthday!”
“T-thank
you.” Nakangiting tugon ni Marian matapos pakawalan ni Richard ang
kanyang mga labi. “Giftssss ko asan na?” biro niya sa lalaki upang di
nito mahalata na sobra siyang masaya sa nangyayari sa kanilang dalawa.
“Gifts
talaga ha? Hmmm ginusto mo to ha..okay, ganito.. isipin mo na lang na
unang gift ko sa’yo yung pinagsawaan mo yung makisig kong katawan
kagabi..the rest..mamaya mo pa makukuha kasi bibili pa ako ng ilang box
niyan sa pharmacy.” Pagkatapos sabihin nito ay isang malaking ngiti ang
pinakita nito kay Marian kaya napangiwi na lang si Marian.
“Ano
ka’mo? Pinagsawaan ko yung…YUCKS!.. Ewan ko sa’yo Richard Lim! Diyan ka
na nga, pati tuloy tiyan ko nare-react sa sinabi mo.”
Mag-move on na kasi kayo kay SC! |
Tumayo
na si Marian dala ang kumot na ipinantakip niya sa kanyang katawan.
Iniwan nito si Richard na panay parin ang tawa sa kanya.
"Tiyan lang ba talaga ang nagre-react sa sinabi ko, huh?" pahabol na biro ni Richard sa kanya.
"Tseh!" sigaw naman ni Marian na naglalakad na patungo sa banyo nila. Nang marinig nito ang sagot ni Marian ay sinundan niya ito sa banyo. Ilang sandali ang nakaraan, kasabay ng ingay ng lagaslas ng tubig ay ang ungol na nagmumula sa dalawang taong nagmamahalan.
Pagkatapos
magbihis ng dalawa ay bumaba na sila at nagpahanda ng makakain. At
dahil malapit na ring mag alas-dose ng tanghali ay nagpasya na silang
kumain na lang ng pananghalian. Mabuti na lang di na sila tinanong ni
Manang Fely kung bakit di sila bumaba para kumain ng breakfast. Habang
kumain, kinamusta ni Marian ang LH-Cebu.
“Okay
lang naman yung soft opening namin. Medyo marami din yung mga
naka-check in ngayon doon, karamihan mga foreigners na galing sa ibang
hotel. Nung malaman nila yung soft opening, lumipat kasi sabi nila tried
and tested na daw nila yung services ng Lim Hotels particularly dito sa
LHM kaya di na sila nagdalawang-isip na subukan kaagad yung sa Cebu
especially bago pa nga lang. “
“
That’s good. You know what, baka naman pwedeng humingi kayo ng feedback
sa kanila pag nag-checkout na sila ng hotel. That way, makatulong sa
inyo lalo na sa improvement ng hotel bago ang grand opening ng LH-Cebu?”
“Hmm magandang idea yan. Sige I’ll call Lea pagkatapos nating kumain para makagawa siya ng memo.”
“Excited for the grand opening?”
“Of
course! It’s my first big project. It’s just like waiting for your
first baby to be born. Excited ka and at the same time worried. You
know, things like -- what if I will fail..what if mapapahiya lang ako
kay lolo..what if ako lang ang magiging dahilan na masira ang pangalan
ni lolo ..what if I won't meet lolo’s expectation pinagmalaki ko pa
naman sa kanya na pang world class and concept ng hotel ko..what if..”
“What
if maging successful to?..Richard, sa dami ng what ifs mo, puro na lang
negative. Sabi nga nila think positive. Kaya mo yan, ikaw pa!”
Napatitig si Richard kay Marian pagkatapos ay napabuntong-hininga ito.
Hinawakan ni Richard ang kamay ng babae at marahang pinisil saka ito
hinalikan.
“Thanks
Marian..aside from lolo, ikaw ang isa sa mga inspiration ko to do
well." Di inasahan ni Marian ang kanyang narinig, masaya man ito pero
may pag-aalinlangan parin siyang naramramdaman. Ngumiti man si Marian
kay Richard ay di nakalagpas sa lalaki ang pananamlay sa kanyang mga
mata. “Why?”
“Nothing..kain na tayo.” Agarang sagot ni Marian pagkatapos ay ngumiti.
Parang
mga bagong kasal lang na animo’y nasa honeymoon, di mo makikitang
magkahiwalay. Walang katapusang pag-uusap, hagikhikan, at syempre
lambingan ang nangyari sa buong weekend. Kung hindi nga lang kinailangan
ni Marian na pumunta ng TUM, gusto na sana ni Richard na isama si
Marian sa LHM at ang gusto nitong sanayin na niya ang sarili na
makihalubilo sa mga tauhan niya bago pa siya magsimula sa kanyang OJT
dito ngunit tumanggi si Marian. Ang totoo kasi, hanggang sa mga
sandaling iyon ay nagdadalawang-isip parin siya kung doon ba talaga siya
mag-oOJT.
Pagkatapos
ihatid ni Richard si Marian sa TUM ay sa LHM na ang kanyang tuloy.
Ngayong nasa Manila siya, dito na rin niya aasikasuhin ang mga
kinailangan sana niyang gawin sa Cebu. Dahil hindi nakapagtrabaho si
Richard ng Biyernes at Sabado, inasahan na niyang tambak na ang reports
na babasahin niya kaya pagdating sa opisina ay kaagad na niya itong
hinarap.
Di
pa gaanong katagalan mula ng maupo si Richard at nagsimulang magtrabaho
ay nakatanggap ito ng text. Inakalang galing kay Marian ang mensahe,
kaagad naman niya itong binasaha ngunit sa kasamaang palad ay galing na
naman pala ito kay Cheska.
When are you coming back?!
Alam
ni Richard na nagagalit na sa kanya si Cheska, umalis kasi siya ng Cebu
na di man lang nagpaalam sa babae. Kung di pa ito nagtanong sa front
desk ng LHC di nito malalaman na umuwi pala si Richard ng Manila. Ilang
araw na itong nagti-text pero di niya ito sinasagot, at para tuluyang
maka-iwas na di siya matawagan ng babae ay pinapatay niya ang kanyang
cellphone. Alam ni Richard na kailangan na rin niyang kausapin si Cheska
upang makipagkalas na dito kaya plano na niya itong gawin sa oras na
makabalik na siya ng Cebu.
Pagkatapos
basahin ang text ni Cheska ay binura na ito ni Richard at muling
inilapag ang cellphone niya sa mesa ngunit makaraan ang ilang minuto ay
nag-ring na ito. May hinala na kaagad si Richard na ang babae ang
tumatawag, at di nga siya nagkamali ng basahin ang naka-flash sa LCD ng
cellphone niya, ang pangalan ni Cheska ang nakasulat.
“Umm..” mahinang sambit ni Richard nang sagutin na ang tawag ng babae.
“Mabuti naman at sinagot mo na ang tawag ko! Where are you? Pabalik ka na ba dito sa Cebu?”
“No,
nasa LHM ako. Di pa ako babalik diyan.” Sagot kaagad ni Richard, kalma
ang boses kahit na sa loob-loob nito ay ayaw niyang makausap ang babae.
“What?! Akala ko ba di ka magtatagal diyan at babalik ka kaagad dito?”
“Sinong maysabi sa’yo niyan?”
“Nagtanong
ako sa staff mo dito, ang sabi may inaasikaso ka lang sa Manila at
babalik ka kaagad? Emergency ba yan at di mo man lang naisip na
magpaalam sa akin? “
Unti-unti
nang uminit ang ulo ni Richard sa mga tanong ni Cheska, lalo pa nang
malaman niyang nagtanong pa ito sa staff niya. Nag-aalala siya kung ano
ang iisipin ng mga staff niya sa kanilang dalawa. Di kaila kay Richard
na naghihinala na ang mga taong nakapaligid sa kanila lalo pa at
pinapahalata talaga ng babae na may namamagitan sa kanilang dalawa ni
Richard.
“
Ches, ilang beses ko bang ipaalala sa’yo na iwasan mong pagtsismisan
tayo ng mga empleyado ko and now you tell me nagtanong ka pa talaga sa
kanila?” lumakas na konti ang boses ni Richard dahil sa inis nito sa
kausap sa kabilang linya.
“
What can I do, ayaw mo akong sagutin sa text ko at ayaw mo akong
tawagan. You promised me magkakaroon tayo ng time together habang andito
ka sa Cebu, bakit ngayon—“
“Wait,
I promised you that? Sa pagkakaalala ko, nung huli tayong nag-usap ang
sabi ko kailangan ko magconcentrate sa trabaho ko diyan at wala akong
time makipaglaro kasi malapit na ang opening ng LHC.”
“Makikipaglaro? So lahat ng ito laro lang sa’yo? Bullshit!”
Sumisigaw
na si Cheska sa kabilang linya kaya napapikit na lang si Richard habang
pinapakinggan ang babae. Nagsisisi siya at alam niyang hindi tama ang
kanyang sinabi sa babae at nadala lang siya inis nito kay Cheska. “I’m
sorry, Ches..let’s just talk pagbalik ko diyan. I’m sorry. As of now
marami pa akong gagawin kaya di kita makakausap ng maayos.”
“Talk?! Hell, yeah! Mag-uusap tayo sa lalong madaling panahon!”
Gusto
pa sanang ipaalam ni Richard na sa weekend pa siya nakatakdang bumalik
ng Cebu pero naputol na ang kabilang linya. Isang malalim na
buntong-hininga ang pinakawalan ni Richard pagkatapos ay napasandal na
lang siya sa kanyang silya.
Naaawa
siya kay Cheska pero buo na ang kanyang loob ngayon na makipagkalas sa
babae, at gagawin niya ito sa lalong madaling panahon. Ayaw na niyang
umabot pa sa puntong gumulo pa lalo ang sitwasyon at mas lalo pa niyang
masasaktan ang babae pagnagkataon kasi ngayon klaro para sa kanya na si
Marian ang kanyang pipiliin at hindi si Cheska.
Napagkasunduan
nina Richard at Marian na sa pananghalian ay sabay silang dalawa na
kakain upang mas masusulit pa nila ang mga oras na magkasama sila habang
di pa bumabalik sa Cebu si Richard. Upang parehong di mahirapan sa
kanilang oras, pinili nilang dalawa ang restaurant na parehong di malayo
sa TUM at LHM.
Mas
naunang dumating sa restaurant si Marian dahil maaga silang pinakawalan
ng kanilang professor nang umagang iyon habang si Richard naman ay
papunta pa lang at naiipit sa trafik sa di kalayuan.
Habang
naghihintay sa lalaki ay nagpasya si Marian na buksan muna ang kanyang
Facebook account at nag-upload ng ilang pictures na kuha niya nang
umagang iyon habang nagkukulitan sila kasama ang kanyang mga kaibigan sa
tambayan. Napagkatuwaan kasi nila si Emman na pumasok kaninang umaga na
ang porma ay lalaking-lalaki sa suot nitong polo at pants. Tuwing
dinadalaw kasi si Emman ng kanyang mga magulang ay napipilitan itong
pumorma at umastang lalaki dahil ayaw ng kanyang ama na makikita siyang
nag aayos na parang babae.
Aliw
na aliw si Marian habang tinitingnan isa-isa ang mga pictures na
nai-upload niya sa kanyang Facebook account nang bigla na lang may
narinig siyang tumawag sa kanyang pangalan. Pag-angat ni Marian ng
kanyang tingin ay nakita nito si Errol sa kanyang harapan. Nakatungo ito
sa kanya at nakangiti. Si Errol ay kaibigan at kasamahan ni Bart sa
varsity team.
“Oh hi, Errol!”
“Hello Marian! Kumusta? Lately di na kita nakikitang dumalaw sa mga laro namin, ah.”
“Oo nga eh, busy kasi ako.”
“Do you mind if I sit with you?”
Nag-alala
si Marian nang marinig ang sinabi ng lalaki kaya kaagad na niya itong
tinanggihan. “Umm, may kasama kasi ako Errol. Sorry.”
“Oh! Si Bart ba? ..Or your friends?”
“Ah no, it’s – someone else, di mo kilala actually.”
“Ah..
okay, sorry..akala ko kasi..anyway..so kailan ka ulit sasama kay Bart?
We would love to see you come and cheer for us. Alam mo bang para ka na
naming lucky charm sa team? Tuwing andiyan ka kasi at nagchi-cheer sa
amin parang inspirado kami lahat maglaro kaya nananalo ang team namin
eh.” Panay parin ang pagsasalita ni Errol habang nakatayo sa harap niya.
Di tuloy malaman ni Marian kung ano ang gagawin niya para paalisin ang
lalaki.
Oh no! Pwede bang saka na tayo mag-uusap..
Nag-alala si Marian ng makita niya ang pagpasok ni Richard sa pinto,
huminto ito sandali at hinanap siya. Nang makita ang kanyang
kinaroroonan ay kaagad na itong naglakad patungo sa mesa niya. Lumakas
ang kabog ng dibdib ni Marian, di kasi niya alam kung ano ang gagawin sa
oras na malaman ni Errol na si Richard ang kanyang kasamang kakain.
Kung sana isa lang sa mga kaibigan niya ang nakakita sa kanyang kasama
si Richard ay okay lang kasi alam naman nito kung sino si Richard sa
buhay niya pero yung iba wala pang alam.
“Marian?” narinig naman niyang tawag ni Errol sa pangalan niya nang mapansin nitong di ito nakikinig sa kanya.
“Huh? Ahh..ano ulit yon?”
“Tinatanong
ko kung kailan ka manonood ulit sa laro—“ napahinto sa pagsasalita at
lumingon sa kanyang likuran ng marinig ang boses ni Richard.
“Marian..” tawag naman ni Richard sa babae nang huminto ito sa tapat ng kanyang mesa.
“Richard!
Umm hello!” napatayo bigla si Marian dala ng kaba sa nangyayari ng mga
sandaling iyon. Mas lalo pa siyang kinabahan ng makitang namilog ang mga
mata ni Errol nang makitang hinalikan siya ni Richard sa pisngi sabay
ang paghawak nito sa kanyang beywang.
“Umm
Marian maybe I should get going..an-andito na pala ang kasama mo. “ di
na maipinta ang mukha ng lalaki habang nagpapaalam sa kanya.
“Yes..si-ge..bye.” nagbuntong-hininga si Marian ng makita nitong tuluyang tumalikod si Errol.
“Sino yon?” tanong ni Richard kay Marian nang maupo na sila.
“Si Errol, schoolmate ko.”
“Ahh.. Natakot ko ata at bigla na lang umalis.”
Mas natakot ako nang makita ka kanina.. Wika ni Marian sa kanyang sarili.
“Hindi naman, talagang paalis na siya nang dumating ka kanina.”
“Ganun ba, sana pinakilala mo man lang kami bago siya tuluyang nakaalis.”
Okay ka lang? Gusto ko na nga siyang sipain palabas ng restaurant pa di mo maabutan dito tapos ipakikilala ko kayo? Napakagat ng pang-ibabang labi niya si Marian habang iniisip ito nakatitig kay Richard
“Okay lang yon, sa susunod na lang..nagmamadali yung tao eh.”
“hmm
okay..” ngumiti lang si Richard sa kanya. Sa tingin ni Marian ay di na
naman pinagdududahan ni Richard ang kanyang palusot kaya napanatag na
rin siya kahit papaano. “So ano aka-order ka na ba?”
“Oo kanina, pero sinabihan ko silang huwag munang ilabas kasi inaantay kita. “
“Good.”
Tinawag
na ni Marian ang waiter at pinaalam na pwede na nilang ilabas ang order
niya. Ilang sandali ang nakaraan ay dinala na rin ng waiter ang kanyang
inorder na pagkain at sabay na silang kumain ni Richard. Habang
kumakain ay di mawala-wala sa isip ni Marian si Errol. Di siya mapakali
dahil sa inaasahang pagkikita ni Richard at Errol kanina.
Pagkatapos
mananghalian ay hinatid na ni Richard si Marian sa university bago ito
bumalik sa hotel. Kaagad namang hinanap ni Marian sina Edselyn sa
kaniang tambayan pero nang puntahan niya ang mga ito doon ay wala na
kaya nagpasya na lang siyang magpunta na sa kanilang lecture room at di
nga siya nagkamali, nakita niya doon ang mga iyon pero wala naman siyang
pag-asang makausap si Edselyn at kasunod niya sa pagpasok sa kanilang
silid ang kanilang professor.
Mabuti na lang at maagang silang pinakawalan ng kanilang professor kaya kaagad nang kinausap ni Marian si Edselyn.
“May
sasabihin ako sa’yo tara sa cafeteria.” Aya ni Marian kay Edselyn. Di
na nito binigyan ng pagkakataon ang kaibigan na magligpit ng gamit, siya
na ang dumampot ng bag ng babae at binitbit ito palabas para sumunod na
ito kaagad sa kanya.
“Teka
naman Marian, ano ba gutom ka ba at nagmamadali ka talagang makapunta
ng cafeteria? Di ka ba nakakain kanina?” nagmamadali itong makasunod kay
Marian habang bitbit ang kanyang notebook na di nakuhang ipasok sa
kanyang bag dahil sa pagmamadali ni Marian.
“Di
naman ako gutom at ang dami kong nakain kaninang lunch pero gusto kong
doon na tayo mag-usap kasi malamang nasa tambayan na naman sina Joshua,
ayokong marinig nila ang pag-uusapan natin.”
Nagtataka
si Edselyn kung ano ang mahalagang pag-uusapan nilang dalawa kaya
nagmamadali na rin itong maglakad kasunod sa kaibigan. Nahihirapan si
Edselyn na makipagsabayan sa paglalakad ni Marian dahil sa suot nitong
heels kaya hinayaan na niya itong mauna pa sa kanya. Ilang sandali ang
nakaraan ay nasa bungad na sila ng cafeteria. Kaagad na naghanap ng
mauupuan ang dalawa at nang makita ni Marian ang isang bakanteng mesa na
nasa may sulok ng cafeteria ay inaya na siya nito kaagad na pumunta
doon bago pa sila maunahan ng ilang schoolmates na nasa may likuran lang
nila at naghahanap din ng mauupuan.
“Anong balita?” tanong kaagad ni Marian kay Edselyn, nakaupo silang magkaharap sa isa’t-isa.
“Anong
balita? Akala ko ba ikaw yung may balita, bakit ako ngayon ang
tinatanong mo?” buong pagtatakang sagot sa kanya ni Edselyn. Hinihingal
din ito dahil sa pagmamadaling makasunod sa kanya.
“You
mean .. – Ay salamat!” Sambit kaagad ni Marian habang tumitingala at
tinatakpan ang mukha. Nang balingan ulit ang kaibigan ay isang malaking
ngiti ang pinakita nito kaya mas lalong nagtaka ang kaharap niya.
“Anyare?
Okay ka lang?!” nakakunot ang noo, di malaman ni Edselyn kung ano ang
mararamdaman sa kakaibang ikinikilos ng kaibigan niya.
“Di mo lang alam kung gaano ako kinabahan kanina. My goodness!”
“Bakit ano bang nangyari?”
“Alam
mo naman sigurong si Richard ang kasama ko mag-lunch kanina right?
Nakita kami ni Errol! Of all people si Errol pa talaga!” napa nga-nga na
lang si Edselyn sa narinig. Naiintindihan nito kung bakit aligaga ang
kaibigan kanina pa.
“Pinakilala mo ba sila sa isa’t-isa?”
“No..umalis
din naman si Errol kaagad, yon nga lang nang makita niyang hinalikan
ako ni Richard nakita ko nag-iba ang reaksyon ng mukha niya.”
“Hinalikan
ka –“ napalakas ang pagbigakas ni Edselyn kaya kaagad na tinakpan ni
Marian ang bibig ng kaibigan sa takot na marinig sila ng iba. Buti na
lang talaga at walang nakapansin sa sinabi ni Edselyn.
“Huwag kang OA, sa cheeks lang, ano bang nasa isip mo?”
“Ah.. sorry. Kala ko kasi may laplapan na naganap kaya ganyan ka na lang ka aligaga.”
“Sa restaurant, laplapan?! Hello! Di naman ako ganun ka showy noh.”
“
Hmm ang ibig bang sabihin niyan … sa private may laplapan ng naga—“
muling tinakpan ni Marian ang bibig ng kaibigan bago pa nito natapos ang
sasabihin. Namumula na ang mukha niya at halatang guilty sa sinabi ng
kaibigan. Nang makita ang reaksyon ni Marian, napasinghap na lang ito.
Di makapaniwala sa di natuklasan. “Oh myyy ! Really?”
“Ano
ba, si Errol pinag-uusapan natin bakit ba napunta tayo diyan. “ di
makatingin ng diretso si Marian kay Edselyn kaya napahagikhik na ang
kaibigan.
“I just can’t believe na finally happy na ang ending ng unconventional love story ninyo ng Chinito mo.”
“ You really think so?”
“Anong you really think so? Bakit di pa ba? – wait, don’t tell me di pa yan settled?”
“I don’t know, wala naman kasi kaming napag-usapan.”
“Don’t
take it as just nakiki-chismis lang ako pero may naganap na ba sa inyo
bukod sa halikan?” tumango si Marian bilang tugon sa tanong ni Edselyn.
“May nangyari na’t lahat di pa kayo nag-usap, ano ba naman yan! How
about yung babaeng yon? “
“Di
ko alam, ayoko magtanong sa kanya. These past few days wala naman akong
nakikita at nararamdaman sa kanya na maghihinala akong sila pa. Noon
kinukwento naman niya kung nagkikita sila o nag-uusap pero ngayon wala
naman. I mean, bago pa nangyari ang lahat medyo matagal na ring wala
akong balita kung nagkikita pa sila.”
“Well
then, baka nga wala na sila. Di naman siguro gagawa ng move si Richard
kung sakaling sila pa di ba? Ilang taon din siyang naghintay at wala
naman siyang ibang naging girlfriend. So it's impossible na kung kailan
bumalik yung babae saka pa siya gagawa ng kalokohan.”
Natahimik
si Marian habang iniisip ang sinabi ng kaibigan niya. Kahit papaano ay
binigyan siya ng peace of mind ni Edselyn dahil sa mga sinabi nito sa
kanya. Napagtanto niyang totoo naman ang mga sinabi nito, baka nga mas
mabuting manalig na lang kay Richard at hayaan na lang ang mga
bagay-bagay, mapag-usapan man nila o hindi. Naisip niyang mula sa
sandaling iyon, di na niya hayaan ang sariling mag-isp pa ng kung
anu-ano pa, sa halip ay tanggapin ng maluwag sa puso ang pinaparamdam ni
Richard sa kanya.
“Eds,
salamat ha. Actually wala naman akong planong sabihin talaga sa’yo yung
tungkol sa nangyayari sa amin ni Richard ngayon kasi nahihiya ako pero
nagpapasalamat ako at dahil sa malikot mong imahinasyon, napunta tayo sa
usapang wala sa plano.”
“Ano ka ba, magdra-drama ka na naman ba?”
“Seryoso
ako ano ba, salamat talaga. Ilang beses mo na akong tinulungan, mula sa
pagkumbinsi sa aking tanggapin ang katotohanang nahuhulog na ang loob
ko kay Richard hanggang ngayon. Salamat sa mga advice mo, girl!
Pwedeng-pwede ka ng pumalit kay Ma’am Charo sa MMK.”
“Alam mo, pag-iisipan ko..kung maganda ang offer baka di ko yan tatanggihan.”
Sabay
na tumawa ang magkakaibigan dahil sa sagot ni Edselyn. Ilang oras pang
nanatili ang dalawa sa cafeteria at nagkwentuhan pagkatapos ay umalis
din upang puntahan ang mga kaibigan nilang naghihintay sa kanila sa
kanilang tambayan.
Papalapit
na ang sem break nina Marian kaya wala na siyang gaanong ginagawa sa
school. Ilang professors narin nila nag nagsasabing wala na silang
gagawin pa kundi ang hintayin na lang na mai-release ang class cards
upang malaman kong pasado ba sila o hindi, pero dahil sa nagsabi ang
iilang professors nila na hindi magre-release ng class cards hanggang
Huwebes, di na pumasok si Marian ng Martes at nanatili na lang sa bahay.
Pero dahil di naman siya pwedeng samahan ni Richard at kailangan din
nitong pumasok sa opisina, na-bored si Marian at nagpasyang bisitahin
ang lolo ni Richard kinabukasan.
Hinatid
ni Richard si Marian sa bahay ng lolo nito kinabukasan bago ito tumuloy
sa opisina nito. Lubos ang kagalakan ng matanda nang makita nito si
Marian. Matagal-tagal na ring di sila nagkita kaya marami silang
napagkwentuhan.
Masaya
ang matanda nang malaman mula kay Marian na masaya ang dalawa sa
kanilang pagsasama. Di tulad nang dati na medyo nag-aalinglangan ito,
ngayon ay kumbinsido na ang matanda dahil bakas sa mukha ng babae ang
kasiyahan. Mas lalo pang naging masaya si Roberto sa pagdalaw ni Marian
nang ipagluto siya nito ng paborito niyang Paella Valenciana.
Di
naman pinagsisihan ni Marian ang pagdalaw nito sa matanda at di naging
boring ang araw niya. Sa tuwing nakakausap niya kasi ang matanda ay
naaalala niya ang kanyang yumaong lolo dito. Bukod sa maalalahanin at
magiliw si Roberto kay Marian, ramdam din ni Marian na napamahal na siya
sa lolo ni Richard. Lagi din itong nagkukwento tungkol kay Richard, mga
bagay na di masyadong ikinukwento ni Richard marahil ay ayaw niyang
balikan sa kanyang mga alaala ang mga panahong kasama pa niya ang mga
magulang at ang kanyang Lola Esmeralda.
Bandang
hapon, dahil sa halos oras-oras na tawag ni Richard kay Marian upang
kumustahin at alamin kung ano ang ginagawa nito sa bahay ng lolo niya,
nag-suggest na si Roberto kay Marian na dalawin niya si Richard sa
hotel. Noong una ay nagdadalawang-isip pa si Marian na sumang-ayon kasi
nahihiya siyang bigla na lang siyang susulpot sa hotel, pero dahil sa
pangungumbinsi sa kanya ng matanda pumayag na ito. Natakot din si Marian
at baka may maisip pang di maganda si Roberto tungkol sa pagtanggi
niyang magpunta sa hotel .
Pinahatid
ni Roberto sa kanyang driver si Marian sa hotel. Magkahalong kaba at
pananabik ang nararamdaman ni Marian nang papunta na siya sa doon.
Taliwas ito sa ikalawang pagkakataong pumunta si Marian doon dahil sa
pagkakatong iyon, kilala na siya ng mga staff ng hotel bilang asawa ni
Richard. Kinakabahan siya kung ano ang magiging pakikitungo sa kanya ng
mga tao ngayon siya lang mag-isa ang papasok, habang kinasasabikan niya
ring makita ang magiging reaksyon ni Richard pagnakita siya.
Pagbaba
ni Marian ng kotse, di niya inasahan ang paglapit ng security guard sa
kanya, saka pa niya namukhaan na si Mark pala ito ang guard na umalalay
din sa kanilang dalawa ni Richard noon.
“Good afternoon po Mrs. Lim.” Bati ni Mark sa kanya.
“Good afternoon din Mark, tama ba ako?”
“Yes po Ma’am.”
“Andiyan pa yung boss mo sa taas?”
“Yes, po Ma’am andiyan pa.”
“Ay mabuti naman, sige puntahan ko na lang ha.”
“Tayo na po, Ma’am. Ihahatid ko na po kayo.”
“Ay, huwag na Mark. Ako na lang ang pupunta, bumalik ka na lang sa pwesto mo.”
“Sigurado po kayo, Ma’am?”
“Yes,
huwag kang mag-alala. Okay lang ako. Pagnagtanong ang boss mo kung
bakit di mo ako sinamahan ako na lang ang magpapaliwanag kaya huwag ka
na mag-alala, okay?”
“Sa-salamat po, Ma’am. Sige po, kahit sa may elevator na lang.”
“No,
no..okay na talaga. Sige balik ka na sa pwesto mo.” Nagmamadali na si
Marian na maglakad. Pagpasok naman niya ay narinig niya ang mga pagbati
sa kanya ng mga staff sa reception area kaya binati niya rin ang mga
ito.
Ilang sandali ang nakaraan ay sakay na si Marian ng elevator papuntang 31st
floor kung saan ang opisina ni Richard. Laking pasalamat ni Marian at
sa pagpasok niya kanina ay di ipinaramdam sa kanya ng mga staff na hindi
siya gusto ng mga tauhan ni Richard. Kahit papaano ay gumaan ang loob
niya.
Naglalakad
na si Marian sa lobby patungo sa office ni Richard nang makita niya si
Lea na kalalabas lang sa pinto ng kwarto ni Richard, ngumiti siya dito
at bumati. Nang makita siya ni Lea ay di maipinta ang mukha nito,
marahil ay nagulat sa kanyang biglaang pagbisita.
“Hello Ms. Lea. Andiyan ba si Mr. Lim?”
“Hello po Mrs. Lim ! Lea na lang po, yes po..a-andiyan si Sir sa loob kaya lang po may ka-meeting po.”
“Ah ganun ba. Matatagalan pa ba sila?”
“Yes po. Kasisimula pa lang kasi ng meeting nila Mrs. Lim.”
“Naku, pwede bang humingi ng favor?”
“Ano po yon?”
“Pwede bang Marian na lang yung itawag mo sa akin pag tayong dalawa na lang?”
“Umm, si-sige po. Kung yan ang gusto ninyo, Marian.”
“Salamat.”
“Marian,
pasensiya ka na kung di kita mapapapasok ngayon ha. Ganito na lang,
i-inform ko na lang si Sir na andito ka para siya na ang magdesisyon
kung pwede ka bang pumasok o hindi.”
“Sige,
salamat. Pero kung hindi talaga, sabihin mo na lang sa kanya okay lang
na maghintay ako dito or kung matatagalan pa ang meeting mauuna na lang
akong umuwi.”
“Sige, sabihin ko.”
Tumalikod
na si Lea, dumaan muna sa kanyang mesa at kinuha ang isang papel at
folder, nagsulat sandali sa papel, bago ito kumatok sa pinto at pumasok
ulit sa opisina ni Richard.
Sa loob, nadatnan niyang tahimik sina Richard at ang babaeng kausap nito. Nagmadaling lumapit si Lea kay Richard.
“I’m
sorry for interrupting pero may papipirmahan lang po akong mahalagang
papers Sir, kukunin na kasi ng Accounting Department kaya di na
makapag-antay.” Inilapag ni Lea ang folder sa harap ni Richard at
binuksan ito.
Mrs. Lim is waiting outside.
Ito
ang nabasa ni Richard sa papel na tinutukoy ni Lea na papipirmahan niya
sa kanya. Nanlamig ang mga kamay ni Richard nang mabasa ito.
Kinakabahan sa kung ano ang mangyayari kung sakaling di nagawang humanap
ng paraan ni Lea at nagkarap sina Marian at Cheska.
Image: Credit to Pinterest
wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh sa wakas lumabas din si 25, gusto ko sanang humingi ng clarification tungkol doon sa "umaatikabong bakbakan" kung gaano ba ka intense ang bakbakan na naganap? may sensorship ba dito sa blogsite na ito? or pwedeng e-email? gusto ko ng itapon ang cheska na yan kahit i know na marami pa syang appearance sayang naman kac at naka advance payment na sya hahahaha and take muna ako ng pampakalma kac ang puso ko d na tumitibok dahil ung ending d ko ma take ang pambibitin, Con u know i reli, reli love you pero talagang binitin mo ako ng sobrang patiwarik wa-ha-ha pasensya na pero ewan ko kung kelan ako maka move on kay SC, HINDI KO KAYA sa totoo lang lol - may last and everlasting love na siguro (baliw na) (sobra ko na miss ung time na nanggugulo kaming mga minions sa WP during nung time ng V1 kahit na naglalamay kami dati sa kahihintay ng update sobrang enjoy sa balitaktakan sa mga ka minions haizt) sad lang talaga :(((((
ReplyDeleteay, mali "censorship" pala ... not "sensorship"
DeleteAte Peng, yung ibang mga minions sinusubukan na mag move on at malapit ang ang 28 :D Yung sa censorship , depende yan sa sapi ko lol!
Deletehayyy salamat! at nag bunga ang 20x day of refresh! hehehehe
ReplyDeletemukhang nakakatakot ang next chapter! waaaaaaa sana hindi matagalan ang next update at hindi din masyadong matagal ang sakit sa dibdib hehehehe
Hi nylcoen, nice to see you back! 'war' ba ang next chapter....happy weekend, cheers!
ReplyDeleteYeah welcome back to me talaga...Pasensya at nki sabay din ako sa sem break ng mga bata kaya di natapos kaagad. Hirap makipag-unahan sa pc pag kids ang kasabay.
DeleteThanks a lot Ms Nylcoen sa update! Mukhang may mangyayaring away sa next chapter, sana wag naman mabigat! Looking forward for the next!!!
ReplyDeleteThanks Ms Con Maya ipaglaban mo ang karapatan mo di na uso ang martir.
ReplyDeleteAmen Zyda! :D
Deleteyun oh sa wakas! nagka update na rin :) sis con, kahit pa bihira ako mag comment here dahil masyado ako pinapahirapan ng blogspot para makapag cooment eh eto at sinubukan ko uli kahit anonymous lumusot sana ito. Keep updating this series dahil talaga namang inaabangan ko pa rin ito kahit may mga changes from the orig one. Nakaka excite pa rin ang next na ganap :) Thankieeee! >its me RaxMyWorld
ReplyDeleteat long last may update na....wow di mo kami binigo...isang box ng condom!!!!...haha...ilang rounds iyon? unlimited na tumblingan yon ah?! 'bat naman may condom pa.di pa pwede sa mga susunod na eksena wala ng condom na gagamitin...hahay..oh my gulay! eto na nga ba ang kaba ko eh..after ng love scenes...selosan at dramahan ang magaganap na kasunod! naku patay kang bata ka Ricardo...baka gumawa ng eksena si Cheska....yiii..kaawa naman si Maya pag si Cheska pa mang-away sa kanya...Ricardo - you got a lot of explaining to do...huhuhu Ms. Nylcoen wag mo naman bayaang maging api si Mayabels dito...at wag mo naman kami masyadong pasabikin sa pag-iintay ng next chaptersssss mo pls!...but anyway thank you for the update!
ReplyDelete