“Kanina pa ba ‘to?” tanong ni Richard sa sekretarya niya na ang tinutukoy ay ang pagdating ni Marian sa hotel.
“Ngayon lang po yan dumating.”
Nagkunwaring binabasa ni Richard ang papel, ilang sandali ay may isinulat siya at ibinalik kaagad ang papel kay Lea.
Please bring her to the resto ASAP. I’ll call you later. Thank you .
Ito
ang nakasulat sa ibabang bahagi ng papel bilang sagot ni Richard kay
Lea. Kaagad nang lumabas ng kwarto ni Richard si Lea at binalikan si
Marian sa labas. Nadatnan niya itong naka-upo sa silyang nasa harapan ng
kanyang mesa.
“Marian,
pinapasabi ni Sir Richard na sorry daw di ka niya maasikaso kaagad kasi
may ka-meeting siya pero sabi ni Sir, sasamahan na lang daw kita sa
resto sa baba para di ka mainip dito.”
“Ah
ganun ba, sige kung yan ang bilin niya pero baka naman kasi kailanganin
ka niya dito mamaya. Ako na lang siguro ang mag-aantay sa kanya sa
resto para di ka na maabala.”
“No
don’t worry, dahil pinapasama ako ni Sir sa’yo, ibig sabihin niyan di
niya ako kakailanganin dito.” Sambit ni Lea kasabay ang isang matamis na
ngiti upang tiyakin kay Marian na walang magiging problema kung sumama
siya dito.
“Okay, ikaw ang bahala. Mas masaya naman na may kausap ako habang naghihintay kay Richard. Tara?!”
“Tara na po.” Sang-ayon naman ni Lea pagkatapos ay magkasabay na silang naglakad patungo sa may elevator.
Sa
loob ng kwarto ni Richard, ramdam ang tension sa pagitan nina Richard
at Cheska. Kanina pa lang, nang magkaharap na ang dalawa ay mainit na
ang ulo ni Richard sa babae.
“I really can’t believe it .. talagang sumulpot ka dito sa office ko!
What were you thinking Cheska!” bulalas ni Richard na puno ng galit ang
boses. Magkasalubong na ang mga kilay nito at namumula na ang mukha
dahil sa poot.
Si
Cheska naman ay di rin nagpadaig. Magkasalubong na rin ang mga kilay
nito at nakikipagtitigan kay Richard. Nakatiklop ang mga braso nito sa
kanyang harapan na kung titingnan ay parang nagpapahiwatig na di siya
nasisindak kay Richard kahit na mainit na ang ulo nito dahil sa kanyang
ginawang kapangahasan.
“Kung di ko to ginawa di tayo magkakaroon ng oras
na mag-usap.”
“I told you mag-uusap tayo pagdating ko ng Cebu. Bakit di mo magawang intindihin yon Ches?”
“Pagod
na akong intindihin ka at ang mga bagay-bagay. Pagod na akong mag-antay
kung kailan ka may libreng oras para sa akin..or shall I say, pagod na
akong manlimos ng konting oras mo Chard!”
“Oh
really? Ano yon, pagod ka na? Naririnig mo ba ang pinagsasabi mo, Ches?
Pagod ka ng maghintay sa akin!” Isang maiksing tawa ang narinig mula
kay Richard kasabay nito ay pag-iling at pagtitig sa babae. “And to
think di ka pa masyadong naghintay ng matagal sa akin..di mo man lang ba
naisip yung mga taon na hinintay kita na bumalik and now, you’re
telling me you’re tired? Come on,Ches!” sumbat ni Richard sa babae.
Natigilan
si Cheska at namula ang mukha. Kitang-kita ni Richard ang naging
reaksyon ni Cheska kaya kahit papaano ay may konting pagsisisi rin siya
sa mga nabitawang salita. Higit sa ano pa man, ayaw sana niya ipahiya
ang babae pero di na talaga niya nagawang pigilan ang sarili dahil sa
inis dito.
“Look,
you know me ..walang patutunguhan ang pag-uusap na ito kung ganitong
mainit na ang ulo ko. For now, just please.. umalis ka na muna. We will
talk, I promise you that, pero saka na pagbalik ko ng Cebu. Huwag muna
ngayon, at lalong-lalo na huwag dito. Before we know it, baka lumala pa
ang sitwasyon natin if malaman ni lolo na nagkikita tayo.”
“I just hope Chard, si lolo lang talaga ang kinakatakutan mo at walang ibang dahilan.”
Di
na nakuhang umimik kaagad ni Richard at nakikipagtitigan lang ito kay
Cheska. Gusto man niyang sabihin na sa babae ang totoo pero alam niyang
di ito ang tamang panahon at lalong-lalo na hindi ang tamang lugar para
makapag-usap sila ng masinsinan. Inspite of everthing, alam ni Richard
na may karapatan din ang babae ng paliwanag kung bakit mas pinili niya
si Marian kesa sa kanya.
Nagkasundo
sina Richard at Cheska na mag-uusap pagdating na pagdating ni Richard
sa Cebu. Nang bigyan ng katiyakan ni Richard ang babae na susunod siya
sa kanilang kasunduan ay nakumbinsi na rin niya itong umalis na. Parang
nabunutan ng tinik sa dibdib si Richard habang tinitingnan ang papaalis
na si Cheska.
Ilang
minuto pagkatapos makaalis ni Cheska ay kaagad na tinawagan ni Richard
si Lea. Inutusan nitong dalhin na si Marian pabalik sa kanyang opisina.
Nang marinig ng sekretarya na pwede na silang umakyat, pati ito ay
napabuntong-hininga na rin at nawala na ang kaba sa dibdib.
Ilang
minuto ang nakaraan ay pumasok na si Marian sa loob ng kwarto ni
Richard at nadatnan nito ang lalaking naghihintay sa kanya. Isang
matamis na ngiti kaagad ang isinalubong nito sa kanya nang siya ay
pumasok.
“Hi!” Masiglang bati ni Marian.
“Hello
Mrs. Lim! Salamat naman at naisipan mong bisitahin ang mister mo dito…
'lika nga!” inabot ni Richard ang kanyang kamay kaya lumapit na si
Marian sa kanya. Pinaupo niya ang babae sa kanyang kandungan at niyakap
ng mahigpit, pagkatapos ay siniil ng halik sa labi si Marian. “Namiss
mo ba talaga ako at naisip mong puntahan ako dito?”
Umiling
si Marian. “Binisita ka lang miss na kaagad? Itanong mo kaya muna kung
ginusto ko talaga tong pagpunta ko dito, baka naman may isang tao lang
pumilit sa akin kaya andito ako noh!” wika ni Marian habang naka-ismid
upang tuksuhin si Richard. Nang makita ng lalaki ang kanyang mukha ay
napasimagot na rin ang lalaki sa pag-aakalang totoo ang sinabi ni
Marian.
“You mean si lolo lang ang may gusto nito?”
“Sinabi mo pa!”
“Talagang
di mo man lang makuhang magkunwaring boluntaryo kang pumunta at masaya
ka talaga na bumisita para di naman ako masaktan ano?” may himig
pagdaramdam na ang boses ni Richard at unti-unti na ring lumuwag ang
pagkakayakap nito sa kanya pero sa kabila nito, di parin umaalis si
Marian sa pagkakandong sa lalaki.
“Joke!
Ito naman pikon kaagad! Syempre idea ni lolo to pero sumang-ayon naman
ako. Sa tingin mo mapipilit ako ni lolo kung talagang ayaw ko? Yon pa,
mahal na mahal ako nun pag nakikita niyang ayaw ko talaga di niya ako
pinipilit.” Hinawakan ni Marian ang magkabilang pisngi ni Richard upang
tumingin ito sa kanya. Napangiti na lang ang lalaki kay Marian.” Syempre
na-miss din kita kaya lang busy ka ata ngayon kaya napag isip-isip kong
mas mabuti pang umuwi na lang ako at para di na kita naaabala.”
“Nooo!
Dito ka lang, hintayin mo na lang ako at malapit narin naman akong
matapos. Wala ka rin namang gagawin sa bahay di ba? Tapusin ko lang tong
ilang reports tapos alis na tayo. Let's have a date saka tayo umuwi.
Okay ba yon?” buong paglalambing na sambit ni Richard kay Marian.
“Sige na nga.” Ayaw man niyang aminin sa lalaki, pero masaya at excited si Marian na makasama si Richard.
Nag-antay
si Marian kay Richard ng ilang oras habang tinatapos ng lalaki ang
kanyang trabaho. Habang naghihintay ay naghanap si Marian ng
mapaglilibangan. Kinuha nito ang kanyang cellphone at nag-facebook.
Pagkagaling
sa hotel, namasyal sandali sina Marian at Richard sa mall. Nanood ng
sine at naghapunan sa isang mamahaling restaurant bago umuwi. Gustong
sulitin ni Richard ang sandaling magkasama pa sila ni Marian at
pasiyahin ito dahil sa oras na bumalik siya ng Cebu ay matatagalan pa
bago sila ulit magkakasama kaya hanggang may panahon pa, gusto niyang
bigyan ito ng oras.
Nasa
loob na ng kwarto ang dalawa. Habang hinihintay matapos mag-shower si
Richard ay abala parin si Marian sa kanyang cellphone. Nakadapa ito sa
ibabaw ng kanilang kama habang hawak sa mga kamay ang kanyang cellphone.
Aliw na aliw siya habang binabasa ang mga comment sa mga larawang
ipinost niya sa Facebook. Pero ang isang larawang mas nagpaaliw kay
Marian ng labis ang larawan nilang dalawa ni Emman. Ginawa kasi niyang
profile picture ang isang larawang kinuha ni Mary Faith sa kanilang
dalawa kung saan nakayakap si Emman sa kanya. Kuha ito nung napagtripan
nila ang kaibigan nang pumasok na ayos lalaking-lalaki dahil binisita
siya ng kanyang mga magulang.
Sa
larawan, makikitang habang nakayakap ay nakanguso si Emman at aktong
hahalikan si Marian sa pisngi habang si Marian naman ay nakangiti at
nakapikit na parang inaantay ang pagdampi ng mga labi ni Emman sa
kanyang pisngi. Karamihan ng nagkomento sa larawang iyon ay nagsasabing
di nila kaagad namukhaan ang baklang kaibigan ni Marian.
Pigil
sa kanyang pagtawa si Marian habang binabasa ang mga nakakatawang
komento ng ibang nakakita sa larawan nila. Di namalayan ni Marian na
nakalabas na pala ng banyo si Richard sa mga sandaling iyon. Pagkatapos
magbihis ng pangtulog ay sinamahan na nito si Marian sa kanilang kama.
Napansin nito ang babae na panay ang ngiti habang nakatitig sa kanyang
cellphone.
“Ano yan?” tanong ni Richard kay Marian. Sumilip ito sa pinagkaabalahang cellphone ni Marian.
“Chard
tingnan mo, andaming naloko ng profile picture ko!” Humahagikhik pa si
Marian habang iniabot ang kanyang cellphone kay Richard upang makita
nito kung ano ang tinutukoy niya.
Nakita
ni Marian ang pag-asim ng mukha ni Richard nang makita na nito ang
larawan. Kinabahan tuloy si Marian nang makita ang reaksyon ng lalaki.
“Chard?”
“Don’t you think you need to change this? And bakit di ko alam na may facebook account ka pala?”
“Seriously,
Chard? Sino bang walang Facebook account sa panahon ngayon?” Napa-upo
bigla si Marian buhat sa pagkakadapa nito sa kanilang kama. “ Halos
lahat ata ng tao ngayon may fb na, kahit nga mga matatanda ngayon na
walang muwang sa computer meron na! And about that picture, wala namang
masama diyan di ba?”
“But for me ayoko makita yan. Di ko gustong makitang may ganyang picture ka kasama ang ibang lalaki.”
“Okay ka lang? Lalaki? Eh kung maglakad nga yan, daig pa akong kumembot.”
“Kahit na! Ayoko kaya palitan mo yan!”
Di
makapaniwala si Marian sa inaasal ng lalaki. Bahagyang napa-awang ang
bibig nito habang nakatingin kay Richard. “Chard!” Mukhang napasama pa
ang ginawa niyang pagpapasilip ng kanyang facebook.
“Palitan mo ‘to.” Ibinalik ni Richard kay Marian ang cellphone ng babae.
“Ayoko
nga, ang cute kaya naming tingnan ni Em—“ Nabigla si Marian nang
hablutin ni Richard ang kanyang cellphone. Magkasalubong na ang mga
kilay nito habang pumipindot-pindot sa cellphone niya pagkatapos ay
nakasimangot na binalingan ulit siya.
“
Bakit wala man lang tayong picture dito na naka-upload sa account mo?
Di ba madami tayong picture nung nagpunta tayo sa bahay ni Nanay?”
So inexpect mo talagang ipangalandakan ko yon sa buong mundo? Oh come on! Kaagad
na sagot ni Marian sa kanyang isip pero di magawang sabihin ito ng
diritsahan sa lalaki sa takot na di siya maintindihan nito. “Umm
kasi..nakalimutan kong i-upload?”
Tinitigan
lang ni Richard si Marian, noong una ay nagawa pang makipagtitigan dito
ni Marian ngunit kalaunan ay binawi na nito ang kanyang mga tingin at
yumuko na lang. “Okay fine..ayokong may makakita ng larawang magkasama
tayo. Nakakatawa naman kung i-uupload ko tapos gawing private yung
larawan di ba? Kaya yon..di ko na lang siya nilagay.”
Itinabi
ni Richard ang cellphone ni Marian pagkatapos ay iniangat ang baba ni
Marian upang tumingin ito sa kanya. “ Tell me, ikinahihiya mo ba ako? Is
it because malayo ang agwat ng edad natin?”
Di napigilan ni Marian ang sarili, isang malakas na tawa ang pinakawalan nito dahilan kaya umismid si Richard sa kanya.
“Sorry! Kasi naman eh, para kang ewan.. anong akala mo sa sarili mo DOM? “
“Okay fine, then..is it because di ako si Bart? Kaya di mo makuhang makita ng iba na --”
“Ano ba! Di yon ang dahilan.. kasi syempre di alam ng iba na may asawa na ako.”
“Then bakit di mo ipaalam sa kanila?”
“Di pa ako handa.. konting panahon pa..please?”
“Marian,
I have one question. Matagal ko ng gusto itanong ko kaya lang natatakot
sa magiging sagot mo. Sana di ako tama at ayokong marinig na tama ako
pero… gusto kong malaman kung, kayo na nga ba ni Bart? Yan ba ang
dahilan kaya di ka pa handa na sabihin sa lahat na may asawa ka na?”
“Of
course not! I admit nililigawan niya ako pero hanggang doon lang yon.
There was a time gusto ko na siya sagutin but naisip ko namang since
alam niya ang sitwasyon natin at ang naging kasunduan natin noon, naisip
kong antayin ko na lang yung oras na maging tuluyang malaya na ako
sa’yo. Di ko naman inakalang magiging ganito ang takbo ng pangyayari..
sa tingin mo ba di talaga ako dapat magpaliwanag kay Bart especially
hinayaan ko siyang ligawan ako in the first place? ” Muling iniyuko ni
Marian ang kanyang ulo, nahihiya sa kanyang ginawang pag-amin sa lalaki.
“Gusto mo bang ako ang magpaliwanag sa kanya?”
“No! Please huwag mong gawin yan..hayaan mong ako na lang ang gumawa niyan.”
Hinaplos
ni Richard ang pisngi ni Marian pagkatapos ay ngumiti dito. “Sorry kung
bakit napasok ka sa ganitong sitwasyon, in due time maaayos din natin
‘to.”
Isang
matamis na ngiti ang ipinakita ni Marian kay Richard. Nang inilapit ng
lalaki ang kanyang mukha kay Marian para sa isang halik, di ito
ipinagkait ng babae sa kanya. “Meanwhile,
ito munang profile picture mo ang ayusin natin.” Kinuha ulit ni Richard
ang cellphone ni Marian pagkatapos ay naghanap ng solong larawan ng
babae at ginawang profile picture sa Facebook account nito. “That’s
better… ngayon, pwede bang i-delete natin tong ibang larawan na may
katabi kang ibang lalaki?”
“Subukan mo kung gusto mong sa labas ka matutulog ngayon!”
“Huwag
na huwag mong sabihin ang masamang biro na yan Marian.” Pagalit na
sagot ni Richard sa kanya ngunit iniabot naman nito kaagad ang cellphone
sa babae sa takot na gawin nga ni Marian ang kanyang sinabi.
Huwebes
ng hapon, pumuntang TUM si Marian upang tingnan kung maaari na ba
niyang makuha ang kanyang mga classcards. Gusto niyang masigurong maayos
ang lahat ng grades niya at wala ng magiging sagabal sa OJT niya sa
susunod na semestre. Naroon na rin ang kanyang mga kaibigan at
naghihintay sa kanya sa kanilang tambayan.
“Girl! I have good news for you!” pambungad ni Emman kay Marian pagdating na pagdating niya sa tambayan.
“Ano?!” nakangiti narin si Marian sa kaibigan, inaasam na marinig ang sasabihing magandang balita nito.
“Ang
sabi ng mga professors natin, wala daw tayong problema sa grades natin
at maaga tayong makapagbakasyon which means matutuloy yung plano nating
mag-outing ng 3 days sa beach next week!” inunahan ni Joshua si Emman sa
pagsasalita kaya lahat silang magkakabarkada ay napatigalgal sa kanyang
ginawa.
“Joshua!! Ang lakas mong mang-agaw ng eksena grrr!” inis na sambit ni Emman pagkatapos ay hinampas ng dalang bag si Joshua.
“Talaga?!
Yey!” masaya si Marian nang marinig ang balitang iyon. Napapalakpak pa
siya sa tuwa ngunit biglang naputol ang ngiti niya nang maisip ang
tungkol sa planong outing nilang magkakaibigan. “Wait, may outing tayo?”
“Yes!
And huwag mong sabihing di ka sasama kasi di kami papayag! Di ba
nagkasundo tayong saka na ang celebration sa sem break natin? Medyo
matagal na rin tayong di nakapag-outing kaya dapat lang andun ka
anddddd!!” nagtitili na si Emman bago pa nito natapos ang kanyang
sasabihin kaya tinaasan siyan ng kilay ni Marian. “ Nakausap ko na si
Bart at ang sabi niya, sasama din daw siya sa outing natin!!” tumili
nanaman si Emman pagkatapos sabihin ito.
Oh uh! Napakagat
sa kanyang labi si Marian pagkatapos marinig ang balita ni Emman. Sabay
ding nagtinginan silang dalawa ni Edselyn. Napansin ng mga kaibigan
nila ang kanilang reaksyon.
“Bakit—may
problema ba?” tanong ni Mary Faith kay Marian at Edselyn. Sa kanilang
dalawa nakatutok ngayon ang lahat, hinihintay ang kanilang kasagutan.
“Marian, di mo ba pwedeng sabihin sa kanila ang totoo?”
Kay
Marian nabaling ang atensyon ng lahat, hinintay ang kanyang
pagsasalita. Sandaling napaisip si Marian kung ano ang kanyang gagawin.
Napagtanto ni Marian na mas mabuti pa nga kung aaminin na niya sa mga
kaibigan ang tungkol sa kanila ni Richard. Abot langit ang panalangin na
sana maintindihan siya ng mga ito.
“Guys,
sorry kung di ko naikwento sa inyo kaagad ito kasi naghihintay lang ako
ng tamang panahon. I guess, ngayon na nga ang tamang panahon. . . gusto
ko lang sabihin na lately, masaya ako kasi – nagiging maayos na yung
relasyon namin ni Richard. Ibig sabihin, seryosohan na lahat at hindi
lang pakitang tao yung relasyon namin. Sana maintindihan ‘nyo yung
desisyon ko kung bakit bigla-bigla na lang ganito yung desisyon ko…
Please?” nakangiti si Marian habang sinasabi ito.
Panandaliang
naging tahimik ang kanyang mga kaibigan. Pinoproseso sa kanilang mga
isip ang balitang iyon ni Marian. Maya-maya pa nakita ni Marian ang
pag-ngiti ni Mary Faith pagkatapos ay niyakap siya nito.
“I’m so happy for you Marian!”
“Thank
you Mary Faith!” magkayakap parin sina Marian at Mary Faith nang
lumapit ang kanilang mga kaibigan at nakiyakap na rin sa kanila.
“Marian,
bilang mga kaibigan mo. Tandaan mo lang na lagi kaming andito sa likod
mo para suportahan ka. Kung yan ang desisyon mo, kung masaya ka kay
Richard.. aba wala na kaming magagawa dun. Congrats kay singkit!”
naka-ngiting sambit ni Joshua na sinang-ayunan naman ng ibang boys.
“Thank you guys!” maluha-luhang pasasalamat ni Marian sa mga kaibigan.
“Group hug!!!” sigaw ni Emman.
Masaya
si Marian at di siya hinusgahan ng mga kaibigan sa kabila ng
katotohanang nasaksihan ng mga ito ang mga pinagdaanan niya mula ng
makilala si Richard. Nang pinakiusapan niya ang mga ito na huwag munang
magsalita tungkol dito kay Bart at hayaan siyang siya ang kumausap dito
ng personal, nangako naman silang di siya pangungunahan sa pagsasalita
tungkol dito. Pinawi naman ni Marian ang pangamba ni Emman tungkol kay
Bart at sa nalalapit nilang outing, pinangako niya sa kaibigan na
kakausapin kaagad ang lalaki upang di na magiging awkward para sa
kanilang lahat kung sakaling sasama pa din ito sa kanilang outing.
Bandang
hapon, nasa tambayan sina Edselyn, Marian, at Mary Faith. Habang
nagkukwentuhan ang tatlo at hinihintay ni Marian na sunduin siya ni
Richard ay may natanggap siyang text galing kay Emman. Nakiusap ang
kaibigan na puntahan niya ito sa HRM laboratory sa fourth floor ng
building nila. May itatanong daw yung professor nila at di nito alam ang
isasagot, tungkol daw ito sa naging activity nila kamakailan lang.
Kaagad naman iniwan ni Marian ang dalawa at pinuntahan si Emman sa taas.
Ano
kayang problema ng baklang to?! Kala ko ba okay na ang grades namin?
Don’t tell me..oh my! Sana nga wala .. pero what if ngayon lang nakita
ng professor namin at..naku! naku! Makukurot ko sa singit si Emman eh,
kung sakaling may problema nga mapapahiya ako kay Richard nito!
Ito
ang tumatakbo sa isipan ni Marian habang naglalakad sa pasilyo ng wing
one patungong laboratory nila. Pagdating sa lab nakita niyang sarado ang
pinto, kaagad siyang bumalik at nagpunta sa lab ng wing two. Iniisip pa
lang ni Marian ang posibleng problema nila sa kanilang marka ay
nanghihinayang na siya. Ang magkaroon ng sabit sa kanyang grades sa
semestreng ito ang pinaka-iniiiwasan niyang bagay na mangyari at ngayong
pinapatawag na siya ng kanilang propesor parang di na siya mapakali.
Ilang
sandali lang ay papasok na siya sa laboratory nila ngunit nadatnan
niyang walang katao-tao. Maya-maya pa ay may natanggap siyang text
galing kay Emman na pinapapasok siya sa teacher’s room na naroon sa may
laboratory upang doon na maghintay at parating na raw silang dalawa ng
propesor nila. Sumunod naman si Marian at pumasok sa maliit na silid na
iyon at umupo sa silyang nasa harap ng maliit na mesa at hintayin ang
pagdating nina Emman.
Habang
nag-iisa doon ay iginala ni Marian ang paningin sa palibot ng maliit na
silid, pinilit niyang aliwin ang sarili sa pamamagitan ng pagbasa ng
mga chart na nakakabit sa dingding doon. Di maintindihan ni Marian ang
sarili ngunit tila kinakabahan siya sa mga sandaling iyon.
Grrr!
Baka naman talagang may problema sa grades namin kaya kinakabahan ako
ng ganito. Hindi! Hindi!.. walang magiging problema…i-claim na yan! Saway ni Marian sa sarili upang mapawi ang kaba sa dibdib. Baka
naman kinakabahan lang ako kasi di ako masyadong makahinga? Tama! Baka
nga .. mabuti pa sa labas na ako maghihintay sa kanila.
Tumayo
na si Marian mula sa pagkakaupo upang lalabas na sana ngunit napahinto
siya nang marinig ang mga yabag ng paa na papalapit sa silid na iyon.
Naisip niyang baka ito ang kanyang mga hinihintay kaya muli siyang umupo
at naghintay. Narinig niya ang yabag na huminto sa tapat ng pinto,
narinig din niya ang kaluskos na namumula sa labas, ngunit nagtaka na si
Marian nang marinig nanaman ang mga yabag ng paa na animo’y papalayo na
sa pinto.
Umalis? …Ah babalik din yon, baka may nakalimutan lang sa labas .. sagot ni Marian sa sarili kahit na sa mga sandaling iyon ay may konti na siyang kaba sa dibdib na nararamdaman.
Ilang
sandali ang nagdaan, di na muling narinig ni Marian ang pagbalik ng mga
yabag na narinig kani-kanina lang. Di na maintindihan ni Marian ang
nararamdaman kaya naisip na niyang lumabas na lang sa maliit na silid na
iyon. Pinihit ni Marian ang doorknob upang buksan ang pinto ngunit
nagulat siya nang tila may pumipigil sa pinto para tuluyan na niya itong
mabuksan. Di man naka-lock ang doorknob pero sa itaas na bahagi ng
pinto ay tila may pumipigil dito.
“Shit!” di mapigilan ni Marian ang sarili at naibulalas ito.
Pinilit
ni Marian na hilahin pa pero hindi niya talaga kaya. Mas lalo pang
binalot ng takot ang katauhan niya nang namatay ang ilaw sa loob ng
silid. Nagsisigaw na si Marian sa loob. Dahil sa sobrang takot sa mga
sandaling iyon, di na niya alam kung ano ang uunahing gawin, ang
pagsigaw ng tulong o ang tuloy-tuloy na paghila sa pinto upang mabuksan
na ito. Kung anu-anong masasamang alaala ang biglang nagbalik sa isip ni
Marian. Ilang sandali lang humahagulhol na si Marian habang pilit
paring hinihila ang pinto na nasa kanyang harapan.
“Bitawan
mo ako !! Bitawan mo ako!!” ito ang di inaasahang nasambit ni Marian
habang nakahawak sa doorknob. Nawala na sa kanyang katinuan na siya yung
humihila sa doorknob kaya di siya makaalis-alis. Sa mga sandaling iyon,
muling nagbalik sa kanyang alaala yung sandaling muntik na siyang
ma-rape sa probinsya at may humihilang lalaki sa kanyang mga kamay.
Bakit andito ka nanaman?! Bitawan mo ako! Bitawww! Ito ang paulit-ulit na isinisigaw ng kanyang utak nang maalala ang mukha ng lalaking muntik ng mang-rape sa kanya.
Naalala
ni Marian kung paano siya mahigpit na hinawakan ng lalaki na kahit
anong pilit niyang iwaksi ang mga kamay nito ay di niya nagawa.
Pinagpapawisan na si Marian dahil sa takot, ang mga kamay niya ay basa
na rin ng pawis kaya sa pagpupumilit niyang hilahin ang doorknob ay
nadulas ang kanyang mga kamay sa pagkakahawak dito dahilan ng kanyang
pagkabagsak sa sahig dulot ng malakas na pwersa niya. Dahil dito, tila
dinala na naman si Marian sa mga sandaling nakadapa siya sa damuhan
matapos siyang bumagsak nang sinampal siya ng lalaki noon. Nang tinangka
niyang humingi ng tulong sa kanyang pinsan, nakita niya sa di kalayuan
si Rachel na halinhinang ginagahasa ng mga lalaki katulad ng nakita niya
noon bago pa siya tuluyang nakawala sa lalaking muntik ng mang-rape sa
kanya.
Huwaggg! Rachelll!! Tigilan ‘nyo siya! Tigil! Humagulhol
si Marian. Gusto niyang tulungan ang pinsan niya pero parang di niya
kaya tumayo, di lang yon unti-unti ring tila nahihirapan siyang huminga.
Malalim na ang hugot ng paghinga ni Marian habang nanatiling nakaupo sa
sahig nang biglang may narinig siyang tunog sa di kalayuan kung saan
siya naka-upo. Napagtanto niyang galing ang tunog na iyon sa kanyang
cellphone na nasa loob ng bag niya. Muli niyang tiningnan ang lugar kung
saan niya nakita ang pinsan kanina ngunit naglaho na ang guni-guning
nakita niya sa dikalayuan. Nagising si Marian sa sandaling pagkahibang
nang mapagtanto niyang imahinasyon lang ang lahat. Naalala niyang wala
na nga pala ang pinsan niya kaya imposibleng nangyari ulit ang nakaraan.
Sa gitna ng dilim ay sinikap ni Marian na mahanap ang kanyang bag, at
nang sa wakas ay mahawakan na ito ay kaagad itong binuksan at
hinalungkat ang kanyang mga gamit hanggang sa mahawakan niya sa loob ng
bag niya ang kanyang cellphone.
Malalim
parin ang kanyang paghinga habang hawak-hawak ang kanyang cellphone.
Sinagot niya ang tawag kahit na nanghihina na dahil nahihirapang
huminga.
“Tu-long
.. tu—tu-long!” mahinang sambit ni Marian. Dulot ng matinding takot sa
di inaasahan nangyari, tuluyan ng bumigay si Marian at nawalan ng malay.
Nabitawan ni Marian ang cellphone niya pagkatapos niyang mapasubsob sa
sahig.
“Oh, naayos ‘nyo ba?” tanong ni Edselyn kay Emman nang dumating ito sa tambayan nila.
“Hay!!! Mabuti na lang nagkamali si Ma’am Bel. Ibang grupo pala ang tinutukoy niya at hindi tayo.”
“Hay salamat! “ sabay na wika nina Edselyn at Mary Faith.
“Salamat talaga!”
“Oo nga eh, kung hindi baka di tayo matuloy sa outing natin. Asan na si Marian, sinundo na ni Richard?”
“Ewan, di ko nakita..di nga niya ako pinuntahan nang magtext ako sa kanya kanina, baka sinundo na nga ni Richard.”
“Huh?
Pinuntahan ka kaya niya kaagad nung nagtext ka. Magkasama kasi kami
kanina kaya alam ko.” Nagtatakang sagot naman ni Edselyn na
sinang-ayunan naman ni Mary Faith.
“Eh
di naman kami nagkita. Nung bumaba na ako di rin kami nagkasalubong.
Sinabihan ko siya na maghintay sa laboratory kasi sinamahan ko si Ma’am
sa faculty room pero hanggang sa bumalik kami dun sa lab wala naman siya
kaya bumaba na lang ako pagkatapos kaming nagkalinawan ni Ma’am Bel.”
“Naku
baka nagkasalisi kayo. Dumidilim na oh, ayaw pa naman nun na mag-isa
pag ganitong oras. Tara balikan natin sa taas.” Nag-aalala na si Edselyn
kaya inaya na ang mga kaibigan. Tumayo na ang tatlo at nagsimulang
maglakad nang makatanggap ng tawag si Edselyn galing kay Bart.
“Hello Bart?”
“Eds,
asan si Marian?!” batid sa boses ni Bart ang matinding pag-alala ka
kaya natakot na din si Edselyn kung ano ang nangyari sa kaibigan.
“Nasa HRM Laboratory papunta nga kami dun eh, bakit?”
Wala
ng narinig na sagot si Edselyn mula kay Bart nang bigla na lang naputol
ang linya. Ipinagkibit balikat na lang ito ng babae at inisip na baka
nawalan ng baterya ang cellphone ni Bart o di kaya nagmamadali lang na
hanapin si Marian kaya di na na nakuhang magpaalam pa. Nagpatuloy sa
paglalakad sina Edselyn subalit makaraan ang ilang sandali ay muling
tumunog ang cellphone nito.
“Oh Bart ba—“
“Saang lab?” hinihingal at pasigaw na si Bart kaya nagtaka na si Edselyn.
“Di ako sure bakit?”
“Tulungan
‘nyo akong hanapin siya, pupuntahan ko siya sa wing two at malapit lang
kung saan ako, kayo naman sa wing one. Dalian ninyo at kanina nung
tumawag ako sa kanya humihingi siya ng tulong pagkatapos ay bigla na
lang di na siya sumasagot. Bilis!”
“Huh?! Sige sige andiyan na kami!” Kinabahan si Edselyn sa nalaman. “ Dalian ‘nyo kailangan nating hanapin si Marian!”
“Bakit? Anong nangyari kay Marian?” tanong ni Mary Faith at Emman na nag-aalala na rin sa kaibigan.
“Di ko alam, basta..bilisan na ninyo!”
Nauna
ng tumakbo si Edselyn papuntang hagdanan, nakasunod narin kaagad sina
Emman at Mary Faith. Ilang minuto ay hinihingal na dumating ang tatlo sa
HRM lab ng wing one, nadatnan nilang bukas ang pinto ng lab at may ilaw
ngunit di nila nakita si Marian kaya kaagad silang tumakbo palabas at
nagpunta sa kabilang laboratory. Nadatnan nila sa labas ng pinto ng lab
si Bart kasama ang isang janitor.
“Bart! Wala si Marian sa kabila!” pinaalam na kaagad ni Edselyn ang lalaki.
“Ibig
sabihin andito lang si Marian. Dalian ‘nyo po Manong, please!” pakiusap
ni Bart sa janitor habang sinusubukan nito isa-isa ang mga susi na
nakakumpol. Pagkatapos ng iilang subok, sa wakas ay narinig nila ang pag
klik ng doorknob at bumukas ang pinto. Kinapa kaagad ni Bart
ang switch ng lab upang lumiwanag ang silid. Nang lumiwanag na,
kanya-kanyang hanap sila kay Marian sa paligid hanggang sa mapadako ang
tingin ni Bart sa pinto ng teacher’s room na nasa may sulok. Upang
makasiguro sa kanyang hinala ay kinuha nito ang kanyang cellphone at
tinawagan ang numero ni Marian, ilang sandali lang narinig na nila ang
ringtone ni Marian sa loob nito. Napasugod silang lahat sa may pinto
kasama ng janitor na may dala ng susi. Ilang sandali ang nakalipas ay
tumambad na sa kanilang harapan si Marian na hanggang sa mga sandaling
iyon ay wala paring malay.
Tumatakbo
si Richard sa hagdanan ng HRM building ilang minuto ang nakalipas
matapos makatanggap ng tawag galing kay Edselyn. Mabuti na lang malapit
na siya sa university gate nang tumawag ang babae. Nang malaman nito ang
nangyari kay Marian, halos gusto na niyang ipalipad patungong parking
area ang minamanehong sasakyan upang mapunta na kaagad si Marian.
Kung hindi dahil sa mga nag-uumpukang estudyante sa labas ng isang maliit na pinto, hindi kaagad mahahanap ni Richard ang clinic. Puno ng mga nang-uusyusong estudyante ang labas nito at walang ibang bulong-bulungan kundi ang pangalan ni Marian. Matapos maki-siksik nagawa niyang sumuot sa mga ito, nang makita siya ni Mary Faith ay sumenyas ito na pumasok na siya. Nadatnan niya sa loob si Marian na naka-upo sa isang maliit na puting kama, hinahagod ang likod nito ni Bart habang umiiyak. Di nagustuhan ni Richard na makita ang lalaki na andun ito at lalong-lalo na di niya gustong makita na nakahawak pa kay Marian. Namayani ang selos na nararamdaman niya sa pagkakatong iyon kaya wala man lang pasabi ay sinugod nito ang lalaki at hinila sa balikat pagkatapos ay sinuntok. Nagulat ang lahat sa bilis ng pangyari kaya ni isa sa mga kaibigan ni Marian ay wala man lang naka-awat kaagad kay Richard. Wala ng magawa si Bart kundi ang hawakan na lang ang sumasakit na panga na dulot ng malakas na pagsuntok sa kanya ni Richard.
“RICHARD!” sigaw ni Marian, mabilis itong nakatayo sa kama. Hinila nito si Richard upang di na nito malapitan pa si Bart.
“FROM NOW ON, STAY AWAY FROM MY WIFE! YOU HEAR ME?! STAY AWAY FROM MY WIFE!” galit na sigaw ni Richard kay Bart.
Dahil
sa lakas ng pagkakasabi ni Richard, nagulantang ang lahat na nakarinig
sa kanya ng mga sandaling iyon. Naging bulong-bulungan ito ng mga
chismoso at chismosang estudyante na naroroon sa labas ng pinto ng
clinic.
I do not own any of the photos posted. Imgae source: Pinterest.
I do not own any of the photos posted. Imgae source: Pinterest.
yeheyyyyyyyy!!!!! may update! hehehehe
ReplyDeletepero bakit naman hindi na lang nila i clear yung status nila! hmp!
aaaaahhhh....ang ganda...ba't kasi di na lang i-announce na husband & wife na sila talaga...sobrang selos ni singkit ah! nag-assume at nanuntok kagad! pero touch ako sa sobrang worry ni singkit sa sinapit ni Marian...di pa pla talaga cure si Marian sa fear nya...magawa kayang iwan ni Richard si Maya at pumunta sa ganoong situation ni Marian? thanks for the update Ms.Nylcoen!...sana very soon ang kasunod..hehe
ReplyDeleteLet's pray for that kasunod sis, sana lang di talaga kami maapektuhan sa bagyo para maka-concentrate ako sa pagsusulat.
DeleteYes may update! Thankie sis con!
ReplyDeleteWelcome Sis! Kumusta ang SG? Pa-pa-pa-pa-pa-pasalubonggg! JOKE! haha!
Deletekelan lalabas ang c26? LOL singkit u should be thankful at nakalusot ka, and Bart pasensya ang panga mo, ganyan talaga ang singkit magselos LOL but what happened to MAYA (capslock para intense, still in the mourning stage & don't know kelan maka move on, baka ako ang pinakahuling maka move on huhuhu) bakit na trauma again? may nagsara ba talaga ng pinto? after masapak ang panga ni Bart, magbabago na ba ang fb profile picture ni Maya? and next question, kelan lalabas ang c26? LOL
ReplyDeleteAte Peng, please pray na di rin bagyuhin ang utak ko para masundan kaagad. :D
Deletepraying sa mga lugar na dadaanan ng bagyo, kasama na sa lugar ko, God with His mighty protection will protect all of you
DeleteThank u nylcoen.
ReplyDeleteWelcome po =)
DeleteSa mga readers kong dadaanan ng bagyo, ingat po kayo. God bless us all.
ReplyDeleteSis con, kelan po update? 😄
ReplyDeletehi con, when na kaya ang next.... enero na..hihihi
ReplyDelete