Disclaimer: I do not own the story. Credits belong to Kaoru Tada, the original writer of Itazura Na Kiss. There is no financial gain made from this nor will any be sought. This is for entertainment purposes only. It just so happen that I love the different versions of the series so I decided to come up with my own. Nevertheless, please bear with me. Love, love, love peeps!
High School life, ito ang panahon kung kailan nagsimula lahat ng kalokohan at paminsan-minsan umuusbong na pag-iibigan. At hindi naiiba ang istorya ni Jolie. Si Jolie Santos, 16 years old, at kasalukuyang nasa fourth year na ng St. Matthews High School. Mabait, palakaibigan, cute, at higit sa lahat masayahing dalaga. Nag-iisang anak ni Franco o mas kilala sa pangalang Bong.Nagmamay-ari ng isang maliit na karendir ang ama ni Jolie na namana nito sa kanyang yumaong ina. Lumaki si Jolie na tanging ang ama lang ang kasama matapos mamatay ang ina ng siya ay nasa murang edad na tatlong taon pa lamang. Sa kabila ng ganoong sitwasyon ay lumaking masiyahin at busog sa pagmamahal ng ama si Jolie.
High School life, ito ang panahon kung kailan nagsimula lahat ng kalokohan at paminsan-minsan umuusbong na pag-iibigan. At hindi naiiba ang istorya ni Jolie. Si Jolie Santos, 16 years old, at kasalukuyang nasa fourth year na ng St. Matthews High School. Mabait, palakaibigan, cute, at higit sa lahat masayahing dalaga. Nag-iisang anak ni Franco o mas kilala sa pangalang Bong.Nagmamay-ari ng isang maliit na karendir ang ama ni Jolie na namana nito sa kanyang yumaong ina. Lumaki si Jolie na tanging ang ama lang ang kasama matapos mamatay ang ina ng siya ay nasa murang edad na tatlong taon pa lamang. Sa kabila ng ganoong sitwasyon ay lumaking masiyahin at busog sa pagmamahal ng ama si Jolie.
If there's one thing flaw about Jolie, ito ay ang pagiging mahina sa klase ng dalaga. Di nakakapagtataka kung bakit napabilang si Jolie sa huling seksyon, ang Section Z. Kaklase ni Jolie sina Anika at Linda, ang dalawang matatalik na kaibigan nito. Sa pagiging mahina sa klase nakilala si Jolie at ang mga kaibigan nito. Bukod sa kanila ay may isang grupo din ng mga kalalakihan na papolar sa kanilang seksyon. Ito ang grupo ni George, ang masugid na manliligaw at kaibigan din ni Jolie na laking probinsya . Sa loob ng apat na taon ay naging tagahanga ang binata ni Jolie, lagi itong nakabantay sa kanya kahit saan man ito magpunta, handang umalalay sa dalaga sa kahit na anong gawain nito .
Ngunit kahit anong gawing pa-cute at pagsunod-sunod kay Jolie, hindi niya parin ito pinapansin, ito ay dahil humahanga din ang dalaga sa iba, kay Albert Lopez. Ang lalaking kung ituring ni Jolie ay ang kanyang Superman. Mula freshman hanggang ngayong senior na sila, walang ibang kinahuhumalingan si Jolie kundi si Albert. Sa loob ng tatlong taon ay nakuntento si Jolie sa kanyang one-sided love sa lalaki.
Si Albert lang naman ang pinaka matalino sa buong campus. Sabi nga nila, sa sobrang talino nito, nahahanay na si Albert sa mga genius na tao sa ating bansa. Usap-usapan ng lahat na meron itong I.Q average na 200. Bukod sa pagiging magaling sa klase, magaling din ito sa sports at iba pang mga bagay. Ubod pa ng gwapo ng lalaking ito kaya bukod kay Jolie ay maraming babae pa ang nagkakagusto sa binata kahit na suplado at ubod din ng sungit ni Albert. Kahit na saang sulok ng campus, lagi itong pinakakaguluhan ng mga babae, bata man matanda. Sinusundan-sundan at laging nilalapitan ng mga malalakas ang loob para makikipagkilala kahit na wala silang napapala bukod sa pagkakapahiya lamang.
Hindi lihim sa dalawang matatalik na kaibigang sina Anika at Linda ang pagkahumaling ni Jolie sa binata. Ikaw ba naman ang walang ibang narinig kundi ang pangalan ng lalaki sa araw-araw na lang maililihim pa kaya ni Jolie ang kanyang damdamin. Kaya ng nagdesisyon si Jolie na ipahayag na sa lalaking napupusuan ang kanyang paghanga dito ay todo suporta sina Anika at Linda sa kanya. And the most effective way to do this is to send him a love letter. Isang araw matapos maipadala ang sulat, nasa loob ng canteen ang tatlo, kumakain ng lunch nila at wala paring ibang topic ang tatlo kundi ang hinihintay sa sagot ni Albert sa love letter ni Jolie.
"Shols, shigurado ka bang sha locker ni Albert mo alaga naipashok yung sholat kahapon?" ito ang tanong ni Linda kay Jolie habang punong-puno ng pagkain ang bibig. Sanay na sa kanya sina Anika at Jolie kaya balewala na sa dalawa ang mga ganoong eksena pagdating kay Linda. Likas na mahilig kasi siyang kumain at kahit saan may bitbit na kung anu-anong makakain kaya sa kanilang tatlo ito ang pinakamataba.
"Oo nga Jols, baka naman ibang locker yung hinulugan mo ng sulat kaya walang sagot yung sulat mo." saad naman ni Anika, katulad niya ay nagtataka din ito kung bakit tila walang reaksyon na nanggagaling sa panig ni Albert matapos padalhan ng sulat ni Jolie.
"Sure akong sa locker ni Albert ko inilagay yung sulat kahapon. Memorize ko na kaya yung locker number niya mula first year hanggang ngayon, kahit nga nakapikit ang mga mata ko matutuntun ko ito" panigurado ni Jolie sa dalawa.
Habang nag-uusap ang tatlo ay narinig nila ang ingay mula sa ilang kababaihan na naroroon sa loob ng canteen. Nang tingnan kung bakit tila nagkakagulo ang iba, nalaman nilang papasok pala si Albert. Nanlaki ang mga mata ni Jolie ng makita ang binata kaya agad na binawi ang tingin dito at hinarap ang kanyang mga kaibigan.
"Goshh ano ang gagawin ko..Niks..Linds..Baka makita niya ako dito at lapitan ako." bigla siyang kinabahan at nagsimula ng mamula. Di malaman kung ano ang gagawin. Mabuti na lang at nakatalikod siya sa pinto at di kaagad makikita ng lalaki ang kanyang mukha.
"Jols, relax ka lang..inhale.. exhale..huwag ka magpapahalata.." paalala ni Anika kay Jolie na kinakabahan din sa maaring mangyari sa oras na makita na sila ni Albert. Sa sobrang kaba, di na nagawang magsalita pa ni Linda, napadampot na lang ito ng baso niya at ininom ang natitirang orange juice na laman nito.
Oh my gosh..oh my gosshhh ito na..this is it..pansit..maghaharap na kami..oh my..oh my...
Ito ang paulit-ulit na tumatakbo sa utak ni Jolie. Sa bawat pintig ng kanyang puso, lalo siyang di napapakali. Sa lakas ng kabog ng dibdib, dinig na dinig ng dalawang tenga niya ang bawat kalabog na nililikha ng kanyang puso.
"Ayan na...ayan naaa.." impit sa sambit ni Linda sa kanya habang siya naman ay dinig na dinig ang bawat yabag ni Albert na papalapit na sa kanilang inuupuan.
Oh my gosh... oh my gosshhhh
Sambit niya ulit sa kanyang isip. Napapikit na lang siya ng kanyang mga mata sa sobrang nerbyos... napabilang ng sekreto hanggang sa narinig ang mgakasabay na sinabi ni Linda at Anika ..
"Huh??!! Anyari?"
Inimulat ni Jolie ang kanyang mga mata at nakita si Albert ...Sa may counter..umuorder ng kanyang lunch habang bitbit ang isang tray na may laman ng kubyertos. Napa-nganga na lang si Jolie sa kanyang nadiskubre habang ang dalawang kaibigan sa kanyang harapan ay di maiwasang di sundan ng tingin ang lalaking inasahang lalapit sa kanilang mesa.
" Di pa ata nabasa yung sulat mo, Jols... Imposibleng wala siyang gagawin sa oras na mabasa niya yung sulat mong yon." ang tanging nasabi ni Anika sa kanya.
"Hmmmm di kaya kasi di ka naman niya kilala kaya wala siyang ginawa?" saad naman ni Linda habang nakatitig kay Albert.
Walang magawa si Jolie kundi ang magkalung-baba. Halata sa mukha nito ang pagkadismaya sa takbo ng pangyayari. Nalungkot naman ang mga kaibigan nito ng makita ang kanyang reaksyon. Pero nagulat na lang sina Jolie at Anika ng marinig ang pagsigaw ni Linda.
"JOLIEEEE !!! JOLIE SANTOS !!! JOOOLLLIIEEEE!!!!! "
Direkta pa itong nakatingin kay Albert habang isinisigaw ang pangalan ng kaibigan. Sa lakas ng boses nito, ume-echo sa buong canteen ang boses ni Linda.
"Linds..ano ba ang ginagawa mo.. hoy! Tumigil ka nga, nakakahiya!" saway ni Jolie sa kaibigan, pinagtitinginan na sila ng mga tao na nasa loob ng canteen kaya pinamulhan na ito ng mukha ng mga sandaling iyon sa sobrang hiya.
"JOLIE SANTOS! SANTOS, JOLIE...JOOOLLIEEE!! JOOO-LIIEE"
Panay parin ang sigaw ni Linda, at mas lalo pa nitong nilakasan ang boses kaya may ilang mga estudyante na rin ang nagrereklamo sa ingay niya pero wala paring reaksyon na nanggagaling kay Albert, patuloy parin itong kumakain.
"Linds, tumigil ka na..baka ma principal's office pa tayo nito kung di ka tatahimik." pinaalalahan na rin ni Anika ang kaibigan.
"Baka kasi nabasa na tapos di naman niya kilala si Jolie kaya tinutulugan ko lang.." bulong ni Linda sa kanilang dalawa. Inulit pa nito ang ginawang pagsisigaw ngunit tila walang epekto ito kay Albert. Tuloy parin ito sa pagnguya ng pagkain niya na parang walang pakialam sa nangyayari sa kanyang paligid. Dahil dito, itinigil na lang ni Linda ang kanyang pagsigaw at parang wala naman silang aasahang magandang mangyayari.
"Hari ng Deadma talaga tong lalaking to! G-R-R-R! " di mapigilan ni Anika ang sarili .
"True! Nakakagigil..nakaka G-R-R-R!! Di mo malaman kung deadma lang talaga o bingi siya! " sambit naman ni Linda.
"Hayaan 'nyo na siya..saka, di ko naman alam kung--"
"Jolie ... Jolie Santos? Ikaw ba si Jolie Santos?!" narinig ni Jolie ang pagtawag sa kanya kaya napalingon siya kung saan nanggaling ang boses. Di niya inaasahan ang kanyang nakita. Si Albert, papalapit sa kanilang mesa.
"Ye-yes? Ba ba-kit?" utal-utal na sagot ni Jolie kay Albert. Nakatayo na ito sa may likuran niya at direktang nakatingin sa kanya. Katulad ng dati, isang seryosong Albert ang anyo ng lalaki. Hindi ito nakangiti. Nakita ni Jolie ang pagdukot nito ng papel sa kanyang bulsa at iniabot sa kanya. "Para sa akin?" tumango lang si Albert at di na nagsalita pa.
"Jols..basahin mo na..baka yan ang sagot niya sa sulat mo. Dali basahin mo na, lakasan mo para marining namin ni Anika..daliii!!" excited na pakiusap ni Linda sa kanya.
Di maiwasang mapangiti ni Jolie, nahawa narin ito sa kaibigan at atat na malaman kung ano ang nilalaman ng sulat na iyon ni Albert para sa kanya. Dali-dali niyang binuksan ang papel at nagbasa pero natigilan ito at unti-unting nakikita ang pamumula sa mukha ng dalaga.
"Bakit, Jols..ano ba ang nakasulat? Jols?..akin na nga yan!" di natiis ni Linda ang sarili at inagaw na sa kaibigan ang papel na nasa kamay nito. "OMG! " sigaw nito sa kanyang nabasa.
"Patingin!.." inagaw na rin ni Anika ang sulat mula kay Linda ng makita nito ang reaksyon ng kaibigan pero kagaya ni Linda nagulat rin ito sa nabasa. Di maiwasang mapasinghap ng babae. Nakita nito ang ginawang pagtatama ni Albert sa ilang salita at pangungusap na nakasulat sa stationary paper na iyon. Ang dating love letter ay naging instant term paper.
"Binasa mo ba yung sulat mo bago pinadala sa akin? Ang lakas ng loob mong magsulat ng love letter, isinulat mo pa sa English!.. Nakakatawa .. noong una, pero habang binabasa ko yung sulat mo ay sumakit na ang ulo ko. Yan ang problema ng mga bobo na kauri mo, imbes na mag-aral at pagyamanin ang utak ay nakuha pang maglaro at sumulat ng isang nakakairitang love letter! Nag-aaksaya ka lang ng oras mo at lalong-lalo na, ng ibang tao! Basahin mong mabuti yang sulat at tandaang mabuti yang pagtatama ko sa grammar mo. Di mo ba alam na naiinis ako sa mga babaeng bobo na kagaya mo? Yung babaeng walang utak, ang kapal-kapal pa ng mukha!"
Sobrang nagulat si Jolie sa narinig. Dahil sa sinabing iyon ni Albert, dinig na dinig ni Jolie ang pagtatawanan ng mga school mates niya. Namula si Jolie sa sobrang hiya, di niya magawang magsalita at napaiyak na lang. Awang-awa sa kanya ang mga kaibigan kaya agad siyang inalo ng mga ito. Si Albert naman ay tumalikod na at naglakad palabas ng canteen na parang walang nangyari, iniwan si Jolie na umiiyak habang pinapatahan ng kanyang mga kaibigan.
Dahil sa nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Albert, naging usap-usapan ito sa buong campus. Walang ibang bukambibig ang lahat ng tao mapa-estudyante man, guro, o staff ng paaralan siya na ang pinag-uusapan. Pinagtatawanan siya ng lahat maliban na lang sa kanyang mga kaibigan.
"Di ba siya nahiya nun? Siya pa talaga nanligaw kay Albert, ang lakas ng loob shungabels naman! Ambisyosang palaka! " Ito na lang ang laging naririnig ni Jolie at ng mga kaibigan niya tuwing nakikita siya. Nasaktan si Jolie sa mga naririnig niya. Di niya inakala aabot sa ganun ang sitwasyon.
Mula ng insidenteng iyon, naging matamlay na si Jolie. Di na ito ngumingiti kahit anong gawin ng mga kaibigan niya. Pati si George ay sobrang nag-alala sa kanya. Dahil alam nitong mahilig si Jolie sa masasarap na pagkain at marunong naman siyang magluto, kung anu-anong pagkain ang niluto ni George para lang pasiyahin ang dalaga pero wala parin itong nagawa upang ibalik ang dating sigla ni Jolie.
"Di ko na kaya! Susugurin ko na yung lalaking iyon! "deklara ni George, tumayo pa ito mula sa kinuupuan at akmang lalabas na ng kanilang silid-aralan, mabuti na lang at napigilan ng kanyang mga alalay kaya muli itong pina-upo.
"Hoy, hoy, hoy...okay ka lang? Bakit mo susugurin si Albert? " natatawang tanong ni Linda sa kanya.
"Susugurin ko siya at hahamunin ng suntukan. Ang sama ng ugali niya, kung makapanglait kay Jolie akala mo na kung sino. Wala siyang karapatang ipahiya si Jolie!" nanggagalaiti sa galit si George, may pa suntok-suntok pa ng kamao sa kanyang palad.
"At ano.. magpapainsulto ka rin sa lalaking iyon? Gusto mo bang mas lalo pa tayong insultuhin ng kumag na iyon? Mas lalo mo lang pinabababa ang tingin ng mga higher section sa atin, alam mo ba yon ha?!" paalala ni Anika kay George. Nang maisip ng lalaking may punto naman ang sinasabi ng babae ay napahinto ito at kumalma.
"Hay! Bakit ba kasi pinapakialaman ng lalaking iyon ang utak natin? Di naman natin pinapakialaman ang pagiging genius niya ah! " napakamot ng lang ng ulo si George, nairita habang naaalala si Albert at ang nangyari sa kanilang pagitan ni Jolie.
Sabay-sabay na lang na nagbuntong hininga ang mga kaibigan ni Jolie. Lahat ay naaawa sa mga sarili nila. Nagkalong-baba habang magkakaharap-harap sa isang maliit na mesa. Nang makita ni Jolie ang mukha ng mga kaibigan ay bigla itong nahiya. Naisip niyang siya ang dahilan kung bakit pati ang mga kaibigan niya ay nalulungkot din sa mga oras na iyon.
"Don't worry guys! Di na natin hahayaan ang aroganteng iyon na tapak-tapakan tayo. Itatayo natin ang bandila ng 4th year Z! " pampalakas-loob ni Jolie sa kanyang mga kaibigan. Sumang-ayon naman ang mga ito sa kanya at naghiyawan pa. "Ipapakita natin sa hambog na si Albert at sa lahat ng nasa first section na mga kasama niya na hindi tayo magpapatalo sa kanila guys! Babawi tayo! Ipapakita natin sa kanila kung sino ang 4th year Z!At yang Albert na yan! Akala niya kung sino siya! Porke magaling at gwapo, kung makapanlait wagas..humanda ka!!! " sigaw pa ni Jolie habang kinukuyom pa ang mga palad sa panggigigil. "Hayyy, bakit ba nagustuhan ko ang isang mapanglait na tulad niya! Ang shunga-shunga ko talaga!"
"Tama na yan Jolie, huwag mong sabihing tanga ka kasi hindi ka tanga. Para sa akin matalino ka..magaling at syempre maganda. Susuportahan ka namin sa pakikibaka mo sa mga hambog na yan, lalong-lalo na kay Albert Lopez na yon... Mabuhay si Jolie! Mabuhay ang 4th year Z! " sigaw din ni George at ng mga alipores niya. Nakikisigaw na rin ang mga kaklase nila. Dinig na dinig ng kanilang adviser na si Ms. Encarquez ang ingay nila na sa mga sandaling iyon ay papasok na sa kanilang clasroom.
"Magsitahimik kayo! Ang iingay ninyo! Abot hanggang faculty room ang ingay ninyo kaya ako napag-iinitan ng principal natin eh. Bukod sa ang hihina ng utak ng advisory class ko, ang gugulo pa ninyo!"
Dali-daling nagsiupo ang lahat sa kanilang mga pwesto. Nanahimik ng magrinig ang kanilang guro.
"Class, alam naman siguro ninyo malapit na ang quater exams ninyo. Bukod dito may ilang mga entrance tests para sa ibang universities kung saan 'nyo gustong mag-transfer, ang NAT at syempre ang sariling assessment test natin dito sa school na kailangan ninyong ipasa bago kayo makaka-graduate ngayong Marso. At dahil sa dami ng gawain ng faculty we have decided to ask help from our top 10 students from section X to help us para sa review ng graduating class. Sila ang aatasan naming tumulong sa pagre-review sa inyo para siguraduhing di kayo mangungulelat na naman sa mga pagsusulit na kailangan ninyong ipasa. "
Top 10? Ibig sabihin...
Nagtaas ng kanyang kamay si Jolie upang magtanong sa kanilang class adviser.
"Bakit? May tanong ka, Jolie?"
"Ma'am ibig sabihin yung top ten students ng unang section ang aatasan ninyong mag-review at tumulong sa amin?"
"Oo! Kinailangan naming gawin iyon kasi natatakot kaming mapahiya ang school natin sa oras na kukuha na kayo ng entrance test sa ibang universities at sa National Assessment Test ninyong mga 4th year students. Alam naman ninyo na sa gaganaping National Assessment Test ng graduating students malalaman kung ano ang standing ng school natin when it comes to students proficiency. Sa takot ng principal natin sa section ninyo, kinailangan na talaga naming gumawa ng paraan para matulungan kayo. Starting Monday ang grupo ni Albert ay magsisimula na ng after class group study. Hahatiin kayo sa sampung grupo, ibig sabihin sa bawat grupo may limang estudyante ang maa-assign sa bawat isa sa kanila.Ikaw Jolie kasama sina Linda, Anika, George, at John, dahil kayo ang pinaka mahina sa klaseng ito si Albert ang bahala sa grupo ninyo."
Jolie and the rest could only gasp upon hearing the news. Napuno ng takot at pag-aalangan ang lahat.
Oh no!!! Ayoko!
"Nooooo! ...Ma'am di namin kailangan ang hambog na yon para tulungan kami!"
Sabay-sabay na reklamo ng lima. Di makapaniwala na ang taong nang-insulto at kinaiinisan nila pa ang taong tutulong sa kanila. The news created a commotion in the classroom. Lahat sila nagreklamo sa naging decision ng faculty. Habang nagpo-protesta ang lahat ay siya namang dating ng sampung estudyanteng galing sa kabilang section.
"Oh they're here. Pasok kayo Albert. Class!! Class..tumahimik muna kayo at makinig.." pumasok sa loob ng classroom nila ang mga estudyanteng pinatawag ni Ms. Encarquez.
"No ma'am! Kayo po ang makinig sa amin..di po namin kailangan ang tulong nila!" tumayo si Jolie at hayagang tinanggihan ang alok na tulong ng kanilang guro. Nang marinig ito ng top ten ay lubos na nagulat sa kapangahasang ginawa ni Jolie. Even Albert was surprised upon hearing her.
"At bakit? " di makapaniwala si Ms. Encarquez sa sinabi ni Jolie.
"Ma'am sino ba naman ang gugustuhing magpatulong sa mga taong lubos ang pangmamata sa aming lahat dito? Di namin sila bibigyan ng chance para insultuhin na naman kami sa oras na magalit sila dahil di kami kasing talino nila at di namin sila maintindihan sa kanilang ituturo sa amin. "
"Tama si Jolie, Ma'am! Di namin sila hayaang tapak-tapakan kami ng ilang beses." sang-ayon naman ni Anika kay Jolie.
"Oo nga mahihina ang utak namin per di naman kami tanga!" dagdag ulit ni Jolie.
Nang marinig si Jolie, biglang napatawa si Albert. Sa inis ni Jolie ng makita ang kanyang pagtawa ay sinigawan ang lalaki.
"Hoy, Albert Lopez! Anong nakakatawa sa sinabi ko?!"
"Lahat! Ano ulit yon, di kayo tanga? Bakit ba kayo naging bobo in the first place...di ba dahil sa tanga kayo? Ganun ba talaga kayo ka bobo para di malaman na ang taong bobo ay tanga din? Di ka magiging bobo kung di ka tanga...gets? ... Ay, sorry bobo ka nga pala..malamang di mo rin yon maintindihan...kita mo, di nka makapagsalita, kasi tama ako.." tumatawa na ang mga kasama ni Albert dahil sa sinabi nito kay Jolie.
"Ano?!Ayyy talaga namanggg!! Hambog!!!"
Nanggagalaiti na talaga sa inis si Jolie habang si Albert ay di man lang natinag sa kanya. Nakataas noo parin itong nakatingin sa kanya na tila gustong ipahiwatig na tunay ngang mataas siya kesa kay Jolie.
"Makikita mo Albert Lopez! Tanga pala ha..bobo pala ha...hinahamon mo talaga ako ha! Sa oras na tumaas ang ranking ko sa gagawing assessment test ng school sa graduating students, humanda ka talaga sa akin kumag ka! Ipapakita ko sa'yo kakayanin ng isang bobo at tangang katulad ko na umakyat diyan sa trono ninyo! Di ba section Z?!"
Di na nakapagpigil si Jolie, kuyom ang palad habang sinasabi ang mga salitang ito. Di man lang pinag-isipan ng mabuti ang kanyang sinasabi. Sa puntong ito, biglang umurong ang dila ng kanyang mga kaklase. Ni isa sa kanila walang sumagot sa kanya. Napatawa na naman si Albert sa ginawa niya.
"Bobo na nga ilusyunada pa!" sambit ni Albert na bahagya pang tumawa, sumabay din sa kanyang pagtawa ang mga kaklaseng kasama niya.
"Ano?! Makikita mo talaga hambog ka!"
"Tama na yan Jolie, maupo ka na! Di mo ba alam ang sinasabi mo? Alam mo ba kung gaano ka layo ang ranking mo ha? Nasa rank 147 ka among all the graduating students. Isang milagro ang inaasahan mo alam mo ba yon ha?" paalala ni Ms. Encarquez kay Jolie.
" Paano kung kaya kong pumasok sa top 50 Ms. Encarquez? Itaga mo sa bato...papasok ako!"
"Okay, sige..sasakyan ko yang gusto mo... hmmmm ganito, kung makakapasok ka sa top 50..isang araw kayong maglalakad ni Albert sa loob ng campus na magka-holding hands. Alam ko namang gusto mo yon, di ba Jolie?" hamon ng guro nito sa dalawa. Marahil sa alam nitong sobrang imposible na magagawa ito ni Jolie kaya ginawa niya ito.
Holding hands? Eiiiiii .. Biglang na-excite si Jolie sa narinig.
"Sige, payag ako!" nakangiting sagot ni Jolie. Di na nagpatumpik-tumpik pa at agad ng pumayag ang dalaga. Nang sabihin niya ito, biglang umingay sa bandang likuran nito kung saan naupo si George at ang kanyang mga alipores.
"Asus! Ang bilis ng pagpayag mo ha..di halatang excited ang peg!" biro ni Ms. Encarquez kay Jolie." Albert..ikaw papayag ka ba?" Lahat ng tao sa loob ng silid ay nakatutok kay Albert, hinihintay kung ano ang magiging kasagutan ng binata, hanggang sa...
"Walang problema sa akin.. Malakas ang tiwala kong hindi niya kakayanin...maliban na lang kung may cheating na mangyayari!" hinarap nito si Jolie na parang binabalaan ito sakaling may plano nga ang babaeng gawin ito sa araw ng pagsusulit. Still with his usual expression, walang ngiti na makikita sa mukha at di mo mababasa kung ano ang laman ng kanyang isip.
Napakagat ng labi si Jolie upang pigilang ang sarili na di magmura at nasa harap sila ng kanilang adviser pero sa mga oras na iyon kung nakakamatay lang ang masamang titig at mura, ilang ulit ng namatay ang lalaki sa harap niya.
"Kahit anong mangyari, di ako hihingi ng tulong sa 'yo. Kahit mahirapan ako hinding-hindi ako lalapit sa'yo upang humingi ng tulong..tandaan mo yan Albert Lopez, hambog!"
"Okay..then it's settled..since tinatanggihan ninyo ang tulong nila..kayo na ang bahala sa pagreview. Jolie, Albert.. kayong dalawa, tandaan ninyo ang naging kasunduan ninyo marami akong mga witnesses..ang masasabi ko lang good luck!"
Isang nakakalokong tawa ang ipinakita ni Ms. Encarquez sa dalawa. Di parin natinag si Albert hanggang sa huli. Pinaringgan na naman nito si Jolie bago tuluyang umalis ng classroom nila.
"Ang lakas ng loob na tumanggi..wala pa namang napatunayan nagmamalaki na! Good luck. Mula sa araw na ito hanggang sa assessment test, huwag kayong matulog para may maisagot kayo kahit na sa isang tanong man lang." ito ang huling sinabi ni Albert na mas lalong nagpainit ng dugo ni Jolie at ng lahat ng nasa section Z.
"Aishhh bakit ka ba pumayag sa kasunduang yon Jolie?" ito kaagad ang tanong ni George kay Jolie pagkatapos ng klase nila. Nagmamadali itong lumapit sa babae at tumabi dito. Di maipinta ang mukha ni George na halatang nag-alala ito, at alam ng lahat kung bakit. Hindi dahil alam niyang mapapahiya si Jolie kundi natatakot itong mangyari ang pagho-holding hands ng dalawa na magtatagal ng isang araw.
"Tsss .. halatang ang laki talaga ng tiwala mo kay Jolie.." umiiling habang natatawa si Anika kay George. Lukot na lukot parin ang mukha ng lalaki.
Si Jolie naman, kinuha nag kanyang English book at binuksan ito. Napataas ang kilay ng kanyang mga kaibigan na kasalukuyang nakapaligid sa kanya.
"Anong kaartehan ito girl..paki-explain!" tanong ni Linda sa kanya.
"Shhh magre-review ako.." tugon naman niya habang seryosong nagpalipat-lipat ng pahina sa libro.
Di napigilan ang dalwang mga kaibigan ni Jolie at napatawa ng malakas habang si George ay mas lalong sumimangot at nag-alala sa kanya. Hinayaan lang siya ng mga kaibigan hanggang sa ilang sandali ang nakalipas ay narinig nila itong sumigaw at nakitang pinupukpok ang kanyang ulo sa kanyang libro na nasa harapan lang.
"Hoy! Ano bang ginagawa mo? Maawa ka naman sa libro at mesa mo girl." naalaramang tanong ng mga nakapaligid sa kanya.
"Linda, ang mesa at libro talaga ang inaalala mo. Ang lupit mo naman girl!"
"Alangan namang sabihin ko ang ulo ni Jolie, eh alam na naman nating matagal ng sira ang ulo niya!" biro ni Linda.
"Ay may tama ka naman dun. " natatawang tugon ni Anika sa biro ni Linda.
"Huhuhu ganito ba talaga ako ka bobo na hindi ko man lang alam kung ano ang di ko alam? Saan ako magsisimulang magreview?"
"Jolie, Jolie, Jolie..nag-iisa ka talaga!" ito na lang ang tanging nasabi ng mga kaibigan niya pagkatapos ay nagsitawanan na lang.
Ilang araw ang dumaan naging abala si Jolie at ang kanyang ama sa paglilipat ng gamit sa kanilang bagong bahay sa isang subdibisyon. And being good friends to Jolie, dumating sina Anika, Linda, George at ang kanyang tropa para tumulong sa mag-ama.
Masayang-masaya si Jolie dahil sa wakas ay natapos na rin ang bahay na pinaghirapang ipundar ng kanyang ama sa loob ng maraming taon. Dati ay doon lang sila nakatira sa maliit na kwartong nasa itaas ng kainan nila, kaya ngayong may sarili na silang bahay, walang mapagsidlan ang kanilang kasiyahan.
"Nagustuhan mo ba anak?" tanong ng ama kay Jolie. Nilapitan nito ang anak na kasalukuyang nakadungaw sa bintana ng kanyang kwarto sa second floor ng bahay.
"Naman, Papa ko! Gustong-gustong-gustong-gusto ko! Salamat po dito." abot-tengang sagot ni Jolie sabay yakap sa kanyang ama ng mahigpit. Di tuloy maiwasa ng ama nito ang mapaluha.
"Kung di lang sana namatay ng maaga ang Mama mo..ito rin sana ang pinakamagandang regalo na maibigay ko sa kanya. Kumpleto sana tayong bubuo ng mga magagandang alaala sa bahay na ito."
"Paaaa..ayan ka na naman eh...paiiyakin mo na naman ako eh..." nahawa na rin si Jolie sa kaka-senti ng ama kaya napaluha na rin ito ng maalala ang inang matagal ng yumao.
"Sorry nak..di ko lang napigilan.." bigla itong humagulhol kaya nakigaya na rin si Jolie sa ama. Nasa ganoong ayos ang dalawa ng maabutan ng mga kaibigan ni Jolie habang papasok ang mga ito bitbit ang ilang karton na may nakasulat na pangalan ng dalaga, palatandaan na ang nakalagay sa loob nito ay para sa kwarto ni Jolie.
"Uhummm uhummm konting katahimikan lamang at may taping ng Dear Jolie Santos-Concious." biro ni Linda sa mag-aama dahilan para maputol ang page-emote ng dalawa at tumawa na lang ng marinig siya.
"Si Papa kasi eiii..nahawa na tuloy ako.."
"Hay, tama na nga ito..mabuti pa ilagay 'nyo na muna yang mga gamit na yan at sumunod kayo sa akin sa baba. May dinala akong pagkain, tara pagsaluhan nating lahat. Saka na natin ito tapusin para makapagpahinga tayo sandali at alam ko gutom at pagod na kayo.Tara!"
"Yessss!! Matitikman na naman namin ang masarap na lutong bahay ni Papa Bong!!" sabay-sabay na sigaw ng mga kaibigan ni Jolie. Alam kasi nilang masarap magluto ang ama ni Jolie kaya di maiwasang ma-excite ng marinig ang balita. Agad silang nagsisunuran sa matanda pababa para pumunta ng kusina.
Masayang pinagsaluhan ng lahat ang pagkain. Panay ang tawanan ng magsimula ng magpabiro si George. Pati ang ama ni Jolie nakuha ring patawanin ni George kaya ng makita nitong enjoy na enjoy ang matanda ay di na napigilan ang sariling magparinig sa matandang lalaki.
"Di ba Papa Bong, di naman ako masamang choice para maging boyfriend..Gwapo naman ako, mabait, charming, kayang kong pasayahin ang isang babae..tingnan mo nga pati si Jolie nagagawa kong patawanin..at higit sa lahat magaling din akong magluto. Kung ako ang magiging manugang mo..magiging magandang tandem kaming dalawa ni Jolie. Siya ang bahala sa kaha ako naman sa kusina!"
Nagulat si Papa Bong ng marinig iyon. Matagal na nitong nababalitaan mula sa mga kaibigan ni Jolie na may gusto ang binata sa anak niya pero ito ang unang beses na personal na nagpahayag ito ng kanyang pagkagusto kay Jolie. Nanlaki ang mata ng lahat at di maiwasang napa-nganga na lang ang ama ni Jolie.
"George! " sigaw ni Jolie na lubos ang pagkabigla sa ginawa ng lalaki.
"Papa Bong, tatanggapin mo ba ako bilang future ni Jolie ko?"
"JOLIE KO?!! Aba'y makapal pala talaga ang mukha ng batang ito!" di makapaniwala ang ama ng marinig kung ano ang tawag ni George sa anak niya. Di maipinta ang mukha ni Papa Bong habang nakatingin sa lalaki.
"Nangangako akong gagawin ang lahat para mas lalo pa naming mapalago ang negosyng namana ninyo. Please po..tanggapin na ninyo ako!" nakaluhod na si George sa harap ng ama ni Jolie.
With all this happening right before their eyes, everyone burst out laughing.
"Hoy, ugok! May pa please-please ka pang nalalaman diyan. Bakit kaya di mo muna simulang suyuin si Jolie kung papayag ba siyang maging future mo." pinalo ni Linda ng face towel niya si George.
"Oo nga..siraulo talaga tong kumag na to!" sang-ayon naman ni Anika sa sinabi ng kaibigan.
Dahil dito ay lumuhod sa harapan ni Jolie si George na parang nagmamakaawa na tanggapin ng binata. Pouting his lips making him look like a dog in despair but then again Jolie could only shook her head.
"Papa Bong?" tanong naman ni George ng lumipat ito ng tingin sa ama ni Jolie. Nagpapa-awa ito sa matandang lalaki pero sa kasamaang palad ganun din ang ginawa ng ama. Di rin ito sumang-ayon sa gusto ni George. Narinig ng lahat ang paghagulhol ni George sabay ang pagtayo at pagpokpok ng ulo nito sa sementong pader. Everyone's laughing at him until they heard a loud noise coming from the ceiling.
"Ano yon?" sabay-sabay na tanong nila. Sandaling nanahimik upang malaman kung saan nanggaling ang tunog. Ilang sandali ay narining nila ulit ang kalabog na sinundan ng pagkahulog ng isang bahagi ng kisame.
Nagulat ang lahat sa nakita kaya nagsigawan ang mga babae. Pagkaraan ng ilang sandali ay biglang gumalaw ang pader at nagsimulang mabiyak ang semento nito. Pagkaraan ng ilang segundo ay bigla na gumalaw ang lahat ng istraktura sa loob kaya sa gulat at takot ay sigawan ang lahat habang nagsimulang nagsitakbuhan sa labas ng bahay.
"Lindol! Lindol! Lumabas ang lahat!" sigaw ni Papa Bong.
Ilang minuto ang nakalipas ay matagumpay silang lahat na lumabas ng bahay. Nag-iyakan na ang tatlong babae dahil sa takot lalong-lalo na ng pagkalabas ni Papa Bong ay muntik pa itong madaganan ng posteng natumba. Buti na lang at maagap si George at nahila ng matanda kaya di na ito naabutan.
Nang kumalma na ang paligid, nagulat na lang ang lahat ng mapansin na tanging ang bahay lang nina Jolie ang nasira sa naganap na lindol. Pati mga kapitbahay nila ay napalabas sa sariling mga tahanan upang mang-usisa sa nangyari. Dahil sa nangyari sa bagong bahay nina Jolie ay naging sentro sila ng usap-usapan, umabot pa hanggang sa t.v ang balita. May iilang t.v reporters ang nag-interview kay Papa Bong, kitang-kita ng lahat ang pagngawa nito sa t.v.
Ang ginawang pag-interview kay Papa Bong ng isang local t.v ang naging daan upang makita siya ng kanyang matalik na kaibigan na si Peter. Naawa ang kaibigan sa sinapit ng mag-ama kaya tinawagan ng lalaki ang t.v station na nag-interview kay Papa Bong upang kunin nito ang contact number ng kaibigan. Nagdesisyon itong kumbinsihin ang matalik na kaibigan na doon na manirahan sa bahay niya kasama ng kanyang pamilya.
Matapos magkasundo nina Papa Bong at ng kanyang matalik na kaibigang si Peter ay nag-empake na ang mag-ama at pinuntahan ang address na binigay ni Peter noong gabi ding iyon. Habang sakay ng kanilang mini-van papunta sa subdibisyon kung saan naroon ang bahay ng kaibigan, kinwentuhan ni Papa Bong si Jolie tungkol sa kaibigan nito.
"Magkaklase kaming dalawa ni Peter noon sa elementarya ng maging malapit kaming kaibigan. Lagi akong absent noon kasi tinutulungan ko ang lola mo sa karendirya, kakamatay lang kasi noon ng lolo mo at hirap kami ng lola mo kaya kailangang kumayod. Si Peter ang pinaka matalino sa klase namin kaya sa kanya ako laging lumalapit para magpaturo sa mga lessons na nami-miss ko. Mabuti na lang mabait yon at matulungin kaya di ako napapahiya tuwing hinihingan ko ng tulong. Bilang pasasalamat ko sa kanya dahil sa kabutihan niya sa akin, lagi ko siyang dinadalhan ng pagkain. Noong una tinatanggihan niya pero ng matikman na niya yung masarap na niluto kong ulam di na siya ulit tumanggi pa. Dahil doon naging malapit kaming kaibigan.Lagi kaming magkasama kahit saan hanggang sa dumating yung sandali na kinailangan nilang lumipat."
"Since then di na kayo ulit nagkita?"
"Hmmmm...sobrang nalungkot ako noong nagkahiwalay kami ni Peter. Siya lang kasi yung naging kaibigan ko sa mga panahong iyon. Noong nawala na siya, wala na akong naging malapit na kaibigan. Nag-concentrate ako sa pagtulong sa lola mo hanggang sa napalago namin yung munting karendirya na iyon. Di na ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil naging abala na sa pagtulong sa lola mo. Hanggang sa nakilala ko yung Mama Agnes mo. Bukod tanging ang mama mo ang naging malapit sa akin pagkatapos naming mawalay ni Peter."
"Awww...kaya pala .. siguro di ka rin malimutan ni Tito Peter papa kaya nung makita ka niya sa t.v talagang gumawa siya ng paraan para makita ka niya ulit."
"Siguro nga anak..at nagpapasalamat ako sa Diyos na binalik niya ulit ang kaibigan ko sa akin kahit matagal na panahon ang lumipas di niya ako binigo na muli ko siyang makita."
Kasalukuyang papasok na ang sasakyan nina Jolie sa subdibisyon kaya tinulungan nito ang kanyang ama na hanapin ang numero ng bahay ng kaibigan. Nakasulat ang address nito sa isang maliit na papel na hinahawakan ni Jolie.
"Ayun! Ayun yung bahay papa! House no. 14!" tinuro ni Jolie ang isang malaking puting bungalow-type na bahay kaya inihinto ng kanyang ama ang sasakyan sa tapat nito. "Wow! Ang laki, Pa!! Ang yaman pala ng kaibigan mo?"
"Ummm galing nga siya sa isang maykayang pamilya. Tara bumaba na tayo. Hanapin mo ang doorbell ng gate para malaman na nilang andito na tayo."
Naunang bumaba ng sasakyan si Jolie at hinanap ang doorbell sa may gate. Nang makita na ito ay kaagad ng pinindot upang ipaalam ang kanilang pagdating. Ilang sandali lang ang lumipas ay narinig ng dalawa ang pagbukas ng gate at lumabas doon ang isang matandang lalaki na may kalakihan ang tiyan at medyo panot na. May suot din itong salamin sa mata. Abot tenga ang ngiti nito ng makita ang mag-ama.
"Bong-bong!!!!" masayang sigaw ni Peter.
"Peter!!! Kumusta ka na aking kaibigan?!" nagyakapan ang dalawa halata sa mga mukha kung gaano kasabik sa isa't-isa matapos mawalay ng mahabang panahon. Napangiti na lang si Jolie habang nakatingin sa dalawa. Ilang sandali ang lumipas ay lumabas din sa gate ang isang babae, maganda at ubod ng tamis ang mga ngiti. Sa tantiya ni Jolie ito ay ang asawa ng Tito Peter niya, si Mary.
"Good evening po." bati ni Jolie sa babae kaya napalingon ito sa kanya ng marinig ang kanyang pagbati. Ngumiti ito sa kanya at nilapitan siya.
"Good evening din, ikaw ba yung anak ni Bong, ikaw si Jolie?"
"Opo, ako nga po. Ikaw po ba si Tita Mary?"
"Ako nga! Ang ganda mo naman hija..hayy ang saya-saya ko kasi andito na kayo. Di ba kayo nahirapan maghanap ng bahay namin?"
"Hindi naman po."
"Mabuti naman..oh siya, pumasok na muna tayong lahat.Sandali lang tatawagin ko muna yung anak ko para tumulong sa pagdala ng mga gamit ninyo."
"Ay huwag na Mary kaya na namin to ni Jolie. Aabalahin mo pa yung anak mo." tanggi ni Papa Bong habang binubuksan ang pinto sa likod ng mini-van upang kunin ang mga maleta nila. Dalawang stroller bag kaagad ang binitbit nito. "Jolie, anak..ipapasok ko na muna tong dalawa tapos babalikan kita dito para tulungan ka sa ibang gamit ha."
"Opo."
Nang pumasok na ang ama ay isa-isang binaba ni Jolie ang mga natirang gamit nila na nasa loob ng van. Kasalukuyang niya itong ginagawa ng may lumapit sa kanya sa bandang likuran niya at nagtanong.
"Miss, ito na lang ba natira. Ipapasok ko na sa bahay ha." narinig ni Jolie ang boses ng lalaki. Malamang ito na yung anak ni Tito Peter at Tita Mary.
"Yes, yang na lang. Salamat sa pagtulong." sagot ni Jolie. Dahil kasalukuyan siyang nagbaba ng ilang karton ay di man lang nagawang lingunin ang lalaki.
"Kaya mo bang ibaba yang karton na yan o gusto mong tulungan kita?" tanong ulit ng lalaki sa kanya, saka pa napansin ni Jolie na may kalakihan ang karton na tinutukoy ng lalaki kaya naisip na niyang magpatulong dito.
"Medyo mabigat at malaki nga ang karton na ito, pwedeng makisuyo na ibaba..di ko kaya" humarap na si Jolie sa lalaki at laking gulat ng makilala kung sino ang lalaking nasa likuran niya "A-ALBERT? Anong ginagawa mo dito? Ba-bakit ka aandi-to?" utal-utal at naguguluhang tanong ni Jolie. Seconds later, she could only gasp. "Oh emmm, a-anak ka ni Tito Peter??!!"
Nakatingin lang si Albert sa kanya ng diretso. Di malaman ni Jolie kung ano ang tumatakbo sa isip ng lalaki.
Ohhh emmm geeee! I'm dead! Really really dead!
No comments:
Post a Comment