Disclaimer: I do not own the story. Credits belong to Kaoru Tada, the original writer of Itazura Na Kiss. There is no financial gain made from this nor will any be sought. This is for entertainment purposes only.
A/N: I love the different versions of Itazura na Kiss and so I decided to come up with my own, with a slight Pinoy touch. I will be using ISWAK's characters (Joe Cheng and Ariel Lin) though my favorites are MBC's Playful Kiss / Mischievous Kiss main leads ( Kim Hyun Joong and Jung So-Min ) mainly because for me, they are the most cutest couple amongst those who played the roles. There MAYBE a few changes with the other characters since I will take the liberty of choosing my fave stars ( oh yeah! ) as characters of the story to add spice but, nevertheless, please bear with me. Love, love, love peeps!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Now back to Jolie and Albert my loves ...
" Tutulungan pa ba kita o hindi na? " tanong ni Albert. Nakatingin ito ngdiretso kay Jolie, di ngumingiti pero di rin naman nakasimangot. Di tuloy maintindihan ni Jolie kung nagulat ba ito na makita siya o naiinis na naman sa kanya.
"Albert, tulungan mo na si Jolie ano pa bang hinihintay mo diyan. Buhatin mo na ang ilang gamit nila." sigaw ni Mary sa kanyang anak na kasalukuyang nasa loob ng bahay na. Nang marinig ni Jolie ang boses ng babae ay para siyang nagpanic. Oh my..totoo na nga..di ako nag-iimagine! Nandito ako ngayon sa bahay nina Albert! Teka, teka..di ako dapat magpatulong sa kanya..hindi! Hindi! Hindi!
"Hindi
na!! Huwag mong hawakan yan!" sigaw ni Jolie ng makita nito
si Albert na kinuha ang isang karton sa harapan niya. Nang marinig ang
sigaw niya ay nagsalubong na naman ang mga kilay nito, inihagis ni Albert ang karton sa babae dahilan upang muntik ng matumba
si Jolie dahil sa bigat nito ng kanyang masalo.
"Walang
problema. Madali naman akong kausap. Dalian mo na diyan at ipasok mo na ang mga gamit mo!"
tumalikod na ito at pumasok na ito sa loob ng gate.
"Salbahe mo talaga! Napaka ungentleman!" sigaw ni Jolie. Ibinaba muli ni Jolie ang karton at umupo dito. Saglit siyang nag-isip.
"Salbahe mo talaga! Napaka ungentleman!" sigaw ni Jolie. Ibinaba muli ni Jolie ang karton at umupo dito. Saglit siyang nag-isip.
Ano ba naman to! Titira kami ni Albert sa iisang bubong? Paano ako makaka move-on sa pagkaka-crush ko sa lalaking ito kung lagi ko na siyang makikita? Parusa 'nyo po ba ito? Tumingala si Jolie at kinausap ang langit.
"Oh 'nak! Tumayo ka na diyan at tulungan mo akong bitbitin ang mga gamit sa loob."
"Papa! Paaaa.. umalis na lang tayo dito..sige naaa..please...parang awa mo na!" panay ang hila ni Jolie sa t-shirt ng ama kaya napahinto ito sa ginawang pagbuhat ng karton.
"Bakit ba, hmm? Kung kailan andito na tayo at inakyat ko na yung ibang gamit saka ka mag-iinarte diyan? Ang bigat-bigat nun tapos sasabihin mong di na tayo tutuloy? Halika na, naghihintay na sina Peter sa loob! Ipasok mo na yung ibang gamit natin!" Iniwan din siya ng kanyang ama, bitbit ang isang malaking karton ay pumasok na ito ng bahay.
"Paaaaa!" mangiyakngiyak na tawag ni Jolie sa papa niya. Nagmaktol na siya't lahat pero di parin siya pinakinggan ng Papa niya.
Ilang minuto ang nakalipas ay natapos narin nila ang pagbubuhat ng mga gamit, nasa loob na ng bahay ang mag-ama. Napasinghap si Jolie ng makita ang ganda ng loob ng tahanan ng mga Lopez. Ibang-iba ito sa kinagisnang bahay niya. Kung maganda ang view sa labas ay kasing ganda, linis at gara din ng loob ng bahay. Di naman gaanong kalakihan ang bahay pero mayroon itong tatlong palapag. Sa ganda ng bahay masasabi talagang may kaya ang pamilya na nakatira dito.
Kasalukuyan silang nakaupo lahat sa may sala at naguusap. Magkatabi sina Mary at Jolie habang nasa kabilang upuan naman sina Bong at Peter. Mag-isa namang naka-upo si Albert sa isang upuan na nasa isang sulok, nagbabasa ito ng magazine. Naglabas ng isang buong cake si Mary para makain ng lahat. Habang pinagmamasdan nitong kumakain si Jolie, di maalis-alis ang ngiti nito sa kanyang labi. Di tuloy mapakali si Jolie habang kumakain, pakiramdam niya ay binibilang ni Mary ang bawat subo niya at tinitingnan kung gaano kalaki ang kanyang bunganga.
"Ang ganda-ganda mo talaga. Ang cute-cute!" sambit ni Mary kay Jolie, hinaplos-haplos pa nito ang pisngi ng dalaga. Nang marinig ang papuri ay mas lalo lang nahiya si Jolie. Namula ang pisngi at di makatingin ng diretso kay Mary, napangiti na lamang sa katabi. Unang beses niyang makarinig ng ganoong papuri galing sa ibang tao kaya di na talaga maiwasang manibago. Tila gumapang sa kabuuan ng kanyang katawan ang init na kanina ay naramdaman lamang niya sa kanyang tenga.
"Salamat po, tita." sagot ni Jolie, halos mapiyok pa siya dahil sa kaba.
"Mary, sorry kung sa ganitong paraan pa tayo nagkakilala pero nagpapasalamat pa rin ako at di ako nakalimutan ng kaibigan kong ito. Sana di kami makakaabala sa inyo." tinapik-tapik ni Bong ang balikat ng kanyang kaibigan na si Peter. Abot tenga na ang ngiti ng lalaki kahit na nahihiya ito sa kaibigan.
"Sus! Wala yon, alam mo bang ang tagal ka na niyang hinahanap? Marami akong narinig na kwento tungkol sa iyo. Di ka parin niyan nakalimutan kahit ilang taon na kayong nagkalayo kaya nung nakita ka niya sa t.v at nagtanong sa akin kung pwede ka raw niyang tulungan, di ako tumanggi. Malaki itong bahay namin tapos apat lang kami dito kaya okay lang kung andito kayo. Mas marami, mas masaya! " Napangiti na lang sina Bong at Jolie ng marinig si Mary. Kapansinpansin sa babae ang pagiging masayahin at kikay nito kung kaya madaling napanatag ang loob ni Jolie sa kanya. "Ay teka... saan ka nga nag-aaral ngayon Jolie?"
"Sa St. Matthew's po."
"Talaga? Anong year ka na?" namilog ang mga mata ni Mary. Bakas sa mukha nito ang biglang pagka-excite sa narinig.
"Fourth year na po ako."
"Talaga?! Ibig sabihin magkakilala kayo ni Albert ko?! O baka naman magka-klase kayo?"
Parehong napalingon si Jolie at Mary sa lalaki na sa mga sandaling iyon ay patuloy parin ang pagbabasa ng magazine. Kahit na narinig nito ang kanyang pangalan ay di man lang nakuhang mag-angat ng tingin sa kanila. Halatang-halata na di ito interesado na makisali sa pag-uusap nila.
"Di po kami magkaklase, nasa first section po kasi siya..ako naman nasa pang-huli.." nahihiyang paliwanag ni Jolie kay Mary.
"Aww, ganun ba. Sayang naman! Di bale, okay lang yung nasa last section ka, mas masaya dun kesa sa section nina Albert. Puro KJ ang mga tao dun kagaya niya. Tingnan mo siya, di marunong magsaya at tumawa kaya humahaba ang mukha. Bata pa parang matanda na . Nagtataka nga ako nung sabihin ng adviser nila na marami daw nagkakagusto sa kanya eh ang suplado naman niya." isang masamang tingin ang ginawad ni Albert ng lumingon ito sa kanila pero nginusuan lang ito ng ina. Nang makita ni Jolie ang ginawa ni Mary kay Albert ay di na napigilan ang sarili at napatawa na kaya nagsalubong na naman ang kilay ng lalaki.
Habang nagkukwentuhan ay bumaba mula sa second floor ng bahay ang isang batang lalaki, may hawak itong libro at nakasimangot habang papanaog. Magkahawig ng konti kay Albert ang batang lalaki, at sa anyo pa lang nito halatang kasing sungit din ng kuya niya. Kung makatingin ito kay Jolie sa mga sandaling iyon ay parang kakainin siya ng buhay.
"Siya nga pala, bunso namin si Nash. Nash siya ang Tito Bong mo, yung sinasabi ng daddy mo na titira na dito sa bahay natin. "
"Hello po, Tito Bong. Magandang gabi po!" nagmano ito kay Bong at ngumiti din dito pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay Jolie. Napansin ito ng mommy niya kaya ipinakilala na din ang dalaga.
"At ito naman si Jolie, Ate Jolie ang itawag mo sa kanya since magka-edad lang sila ni Kuya Albert mo." mahinahong pagpapakilala ni Mary sa kanyang bunsong anak.
"Ayoko nga!" pasigaw na sagot ni Nash sa kanyang ina. Nagulat ang mga nakakatanda sa narinig mula sa kanya.
"Aba'y bakit ayaw mo siyang tawaging Ate? Igalang mo siya at mas matanda pa siya sa iyo.
"Ayoko nga! Mukha pa lang niya halatang tanga na!"
"NASH!!! " piningot ni Mary ang kanyang anak at di nagustuhan ang inasal nito kay Jolie. "Pasensiya ka na Jolie..Bong..ganito talaga tong anak ko, medyo makulit. Nagbibiro lang siya, huwag 'nyo na lang pansinin." nahihiyang paliwanag ni Mary sa mag-ama.
"Hindi ah! Totoo kayang mukha siyang --" di na natapos ni Nash ang kanyang sasabihin at tinakpan na ni Mary ang kanyang bibig. Alam na kasi nitong may round 2 pa ang gagawin pang-aalaska kay Jolie kaya pinigilan na niya ang anak. "Tumigil ka na kung ayaw mong matsinelas kita..." bulong ni Mary kay Nash. " Anak, hindi tang-- I mean, huwag mong ismolin si Ate Jolie mo. Matalino yan, di ba Jolie?" bawi ni Mary kay Jolie, ngumiti ito at kumindat sa dalaga.
"Talaga? Matalino ka rin? Ibig sabihin matutulungan mo ako sa homework ko?" excited na pinakita ni Nash kay Jolie ang kanyang libro.
"Oo naman.. alin ba dito?" pagmamagandang-loob ni Jolie. Inisip niyang kung sakaling matulungan niya ang bata sa homework nito ay magiging mabait na ito sa kanya. Binasa ni Jolie ang nakasulat sa libro. " Ito ba? hmmm Explain the following... Number one, Bee in one's bonnet. Example..She is not happy in Canada. She has a bee in her bonnet about moving to America... "
Napalunok si Maya matapos basahin ang nakasulat. Tumahimik naman ang lahat upang pakinggan ang kanyang paliwanag. Pati si Albert ay nakatunghay na rin sa kanya, hinihintay marinig ang kanyang gagawing pagpapaliwanag.
"Ummm anong grade ka na ba, Nash?"
" Grade four.. bakit di mo rin ba maintindihan?" makikita sa mukha ni Nash ang pagkabahala, naisip nitong tunay nga na mahirap ang homework nito at pati ang isang 4th year na estudyanteng tulad ni Jolie ay nahihirapan din.
"Susss di naman! Grade four, kayang-kaya ko yan..hmmm teka basahin ko ulit ha.." binasa ulit ni Jolie ang nakasulat sa libro. Kunot ang noo habang iniisip ang ibig sabihin ng kanyang binasa. "Ahh ganito yon, Hindi siya masaya sa Canada kasi tuwing nagsusuot siya ng bonnet, laging may nakasunod na bubuyog sa kanya kaya para maiwasan ang bubuyog nagdesisyon na lang siya na pupunta ng America. Yun!! Dali isulat mo bago mo makalimutan..yon ang ibig sabihin niyan!" proud na proud si Jolie sa kanyang naging paliwanag kaya .
"Bubuyog?!Nagpapatawa ka ba? Hindi yan ang tamang sagot Nash kaya huwag mong isulat. Bee in one's bonnet means something that one frequently mention or something that one keeps in mind always. Yung example, ang ibig sabihin nun ay di siya naging masaya sa Canada at lagi niyang iniisip na lumipat sa America. " Nagpaliwanag naman kaagad si Albert sa kanyang kapatid.
" Yun, yun ang tama! Yung kay Albert...Yon nga ang tama na sagot Nash..Pambihira ka naman Jolie .. Ano ba yung bubuyog na sinasabi mo..pambihira ka naman oh, nakakahiya naman kay Nash!" pinagsabihan ni Bong si Jolie kahit na nahihiya ito sa narinig mula kay Jolie.
" Tanga! Kung araw-araw kitang kasama magiging tanga din ako katulad mo! Tang--" nagmadaling tinakpan ni Mary ang bibig ng anak at nakita na nitong namumula na si Jolie sa hiya. Si Albert naman ay binalikan ang kanyang binabasang magazine, tinatakpan ang kanyang mukha habang nagbabasa para itago ang kanyang pagtawa na nahuli naman ni Jolie bago pa tuluyang maitago.
"Jolie, mabuti pa akyat na tayo sa taas para makita mo ang kwarto mo. Halika!" excited na hinila ni Mary si Jolie, di man lang ito binigyan ng pagkakataong magpaalam si Jolie sa kanyang ama at umakyat na ang dalawa sa 2nd floor ng bahay kung saan naroroon ang mga kwarto.
"Ito pala yung kwarto nina Albert at Nash. Yang nasa gitna ang C.R ninyong tatlo, at yan..yang kwarto na yan naman ang kwarto mo." itinuro ni Mary ang kwarto na nasa kabila.
Ang saya ni Jolie sa narinig. Kwarto ko, may kwarto na ako!!! Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto ng kwarto, excited man siyang makita ang kabuuan nito ay nag-aatubili naman siyang pumasok. Napatingin siya kay Mary ang nakita itong nakangiti sa kanya. Kapansin-pansin ang kakaibang glow ng mga mata ni Mary habang naghihintay na makita ang reaksyon ni Jolie sa sandaling masilayan na nito ang loob ng kwarto. Pinihit ni Jolie ang doorknob ng pinto upang buksan na ito, at nang tuluyan na itong mabuksan at pumasok na si Jolie sa loob ay napanga-nga na lang ang dalaga sa kanyang nakita.
WOW!!! Ang gandaaaa!!!
cto bozenmanhouse |
"Nagustuhan mo ba, Jolie? Alam mo ba na nung sinabi ni Peter na may kasamang anak na babae si Bong na titira dito ang saya-saya ko. Sorry kung di ko na nagawan ng paraan ang kulay blue, ginawa ko ang lahat na makakaya ko para kahit papano ay babagay parin sa isang dalaga ang kwarto mo. Sana okay lang itong ginawa ko." pumasok na rin sa loob si Mary at naupo sa kama. Si Jolie ay nanatiling nakatayo habang iginala ang mga mata sa kabuuan ng kwarto niya. Di makapaniwala si Jolie na ang magandang kwarto na iyon ang magiging kwarto na niya.
"Tita ang ganda-ganda po! Salamat po talaga sa pag-eeffort na gawing ganito kaganda ang kwarto ko. Akala ko hanggang panaginip na lang ang pagkakaroon ko ng ganitong klaseng kwarto, mula bata pa kasi ako nasanay na ako sa simpleng kwarto lang. Sa totoo lang po sobra-sobra na po tong ginawa ninyo." paniniyak ni Jolie kay Mary.
"Mabuti naman nagustuhan mo. Kung meron lang talaga akong maraming oras na mag-prepare sana napinturahan ko pa ng kulay pink yung dingding para mas babagay pa siya sa isang magandang dalaga tulad mo. Hayaan mo, gagawin natin yan sa mga susunod na araw."
"Ay naku huwag na po, Tita! Okay na okay na po to. "
"Alam mo ba Jolie, ang saya ko na andito ka na sa bahay namin! Sa wakas may kasama na akong babae. May makakasama na akong gawin yung mga bagay na gusto ko tulad ng pagsho-shopping..girl talk..at kung anu-ano pa ..sana gusto mo din yung gawin ang mga iyon." naramdaman ni Maya kung gaano inasam ni Mary na magkaroon ng anak na babae, naawa naman siya dito.
"Aww, Tita..di bale po, mula ngayon may makakasama ka na, sasamahan kita sa mga lakad mo. Pangako po yan.."
"Yey!!! Di mo lang alam kung paano mo ako pinasaya Jolie! " niyakap ni Mary si Jolie. Dahil sa ginawa ni Mary, pakiramdam ni Jolie ay kayakap niya ang kanyang ina.
"Teka, teka...bago pa tayo magka-iyakan dito. Iiwan na muna kita para makapagpahinga ka na. Ipapaakyat ko na lang yung mga gamit mo ha. Kung may kailangan ka, tawagin mo na lang ako. "
"Sige po, Tita. Thank you po ulit. Goodnight po."
"Welcome, Jolie..good night din."
Lumabas na ng kwarto si Mary at iniwan si Jolie. Si Jolie naman ay ginalugad ng tingin ang buong kwarto. Di parin ito makapaniwala sa kanyang nakikita. Kasalukuyang siyang nakatayo sa harap ng dresser at tinitingnan ang ilang gamit na naroon sa ibabaw nito ng may kumatok sa pinto. Paglingon ni Jolie ay nakita niyang nakatayo doon si Albert, dala-dala ang kanyang bag. Salubong na naman ang mga kilay na nakatingin sa kanya.
"Gamit mo.. "
"Salamat, ako na lang ang magpapasok, paki-iwan mo na lang diyan sa--" nagulat si Jolie ng bigla na lang nitong ibinagsak sa sahig ang kanyang bag. Sa gulat ni Jolie ay napanga-nga na lang kay Albert.
" Ano pa nga ba?! Ako na nga ang nag-akyat niyan, ang bigat-bigat pa tapos ako yung magpapasok..ano ka sinuswerte?" sa tono palang pananalita ni Albert, halatang di nito gusto ang ginawa. Pumasok ito sa loob ng kwarto niya at iginala ang tingin sa loob. " Ay grabe! Talagang ginastusan ni mama ang kwarto mo. Alam mo bang dating kwarto ito ni Nash? Salamat sa isang tao, ngayon ay sobrang sikip na ng kwarto ko dahil nagsiksikan na ngayon doon ang mga gamit ng kapatid ko. "
"Sorry, di ko naman ginusto ang nangyari. Sorry talaga." Nakokonsensiya sa kanyang nalaman pero wala na rin naman siyang magagawa pa sa sitwasyon nila.
Pagkaraan ng ilang sandali ay muli ng lumabas ng kwarto si Albert at iniwan na siya. Imbes na magmukmok dahil sa mga di kagandahang nangyari sa pagitan nila ng lalaki ng gabing iyon ay itinuon na lang ni Jolie ang kanyang panahon sa pag-aayos ng kanyang mga gamit.
Matapos gawin ang pag-aayos ay nagbihis na si Jolie at humiga na sa kanyang kama. Sa kabila ng pagod niya, di parin makuhang makatulog ni Jolie. Marahil ay naninibago ito sa kanyang kapaligiran. Nasanay kasi siyang sa hinaba-haba ng panahon na laging kasama niya ang kanyang ama sa kwarto, ngayon ay hinahanap-hanap ito ng kanyang mga mata. Ngayon kasi ay may sarili na rin itong kwarto na nasa third floor ng bahay kung saan naroroon din ang kwarto ng mga magulang ni Albert.
Di ko talaga akalain na dadating ang sandaling ito! Imagine, nasa kabilang kwarto lang si Albert! Ang lapit-lapit lang niya...ngayon ay nasa iisang bahay na kami. Ibig sabihin ba nito siya talaga ang itinadhana na mag-iisa ang aming mundo?
Kinikilig si Jolie habang naiisip iyon. Pinipigilang huwag mapasigaw sa takot na marinig ni Albert sa kabilang kwarto at sigurado siyang pagsasalitaan na naman siya ng masama nito. Kahit gaano kasama ang pakikitungo ng lalaki sa kanya, di parin niya mapigilan ang sarili na ito maisip. May ilang minuto pa ang ginugol ni Jolie sa pangangarap bago pa ito tuluyang nakatulog.
Kinaumagahan ay magkaharap sa dining table ang lahat upang mag-agahan. Magharap ang upuan nina Jolie at Albert. Habang kumakain ay nagbabasa ng newspaper si Albert habang si Jolie naman ay panay ang sulyap sa lalaki. Ino-obserbahan ang bawat galaw at kilos ni Albert.
Kumakain din pala ng hotdog ang mga genius?.. hmmm gatas pala iniinom niya tuwing breakfast..baka kaya matalino si Albert dahil dahil sa gatas. Ano kayang brand ng gatas nila dito.. dapat ko bang palitan ang kape ko ng gatas para tumalino na rin ako?
Tanong ni Jolie sa sarili habang nakatuon ang atensyon kay Albert . Napatitig masyado si Jolie sa lalaki sa kanyang harapan kaya ng mapansin nitong nakakahalata na si Albert sa kanya at bigla itong napatitig din sa kanyang mga mata ay nataranta si Jolie kaya biglang nabilaukan. Nataranta naman si Mary at to the rescue kaagad kay Jolie. Agad niya itong binigyan ng maiinom para mahimasmasan.
Tanong ni Jolie sa sarili habang nakatuon ang atensyon kay Albert . Napatitig masyado si Jolie sa lalaki sa kanyang harapan kaya ng mapansin nitong nakakahalata na si Albert sa kanya at bigla itong napatitig din sa kanyang mga mata ay nataranta si Jolie kaya biglang nabilaukan. Nataranta naman si Mary at to the rescue kaagad kay Jolie. Agad niya itong binigyan ng maiinom para mahimasmasan.
"Ayan kasi titig ng titig." natatawang sambit ni Nash na nakaupo sa tabi ng kuya niyang si Albert. Marahang binatukan ni Mary ang anak.
"Ayan ka na naman ha, Nash nagsisimula ka na naman. Kumain ka na nga lang diyan."
Ilang sandali ang dumaan ay muli na namang nakalutang ang diwa ni Jolie habang nakatitig kay Albert. This time, si Peter na ang nakahuli sa kanya. "Jolie..okay ka lang ba? Bakit parang tulala ka,di ka ba nakatulog ng maayos kagabi, hija?"
"Ako yung hindi nakatulog ng maayos Papa." sabat naman ni Nash.
"Nash gusto mong matulog buong araw..hmmm?" itinaas ni Mary ang kanyang kamay bilang babala sa anak na kung di pa ito tatahimik ay papaluin na ito. Ng makita ito ng bata ay kaagad ng tumahimik na.
"Baka naninibago lang Peter, huwag mo na lang tong alalahanin." paliwanag naman ni Bong sa kaibigan upang di na mag-alala kay Jolie.
Ilang sandali ang dumaan ay muli na namang nakalutang ang diwa ni Jolie habang nakatitig kay Albert. This time, si Peter na ang nakahuli sa kanya. "Jolie..okay ka lang ba? Bakit parang tulala ka,di ka ba nakatulog ng maayos kagabi, hija?"
"Ako yung hindi nakatulog ng maayos Papa." sabat naman ni Nash.
"Nash gusto mong matulog buong araw..hmmm?" itinaas ni Mary ang kanyang kamay bilang babala sa anak na kung di pa ito tatahimik ay papaluin na ito. Ng makita ito ng bata ay kaagad ng tumahimik na.
"Baka naninibago lang Peter, huwag mo na lang tong alalahanin." paliwanag naman ni Bong sa kaibigan upang di na mag-alala kay Jolie.
"Akyat na po ako ."biglang tumayo si Albert sa upuan at nagmadaling maglakad paakyat ng hagdan.
"Saan ka pupunta? Tapos ka ng kumain, Albert?"
"Opo, magto-toothbrush lang ako tapos aalis na po ako."
"Aba eh di isama mo na din si Jolie at di pa niya kabisado ang daan patungo sa school ninyo...Jolie, dalian mo na diyan para makasabay ka na kay Albert."
"Opo!" nagmadali si Jolie na tapusin ang kanyang pagkain para makahabol kay Albert. Excited si Jolie sa napipintong pagsasabay nilang dalawa ni Albert.
Umakyat na ito kaagad sa kwarto niya para makapag-toothbrush na rin. Iyon na marahil ang pinakamabilis na ginawa niyang pagto-toothbrush sa buong buhay niya, wala pang tatlong minuto ay tapos na siya at nagmadali ng kinuha ang bag at sapatos niya.
"Jolie, dalian mo na at paalis na si Albert." sigaw ni Mary kaya mas lalo pang nagmadali si Jolie.
Waiiitttt! Albert, hintayin mo ako please, susuklayin ko pa buhok ko..Ah di bale na, baka maiwan na ako..maganda na naman ako kaya okay lang! Pampalakas loob ni Jolie sa sarili.
Ilang minuto ang nakalipas ay nagpaalam na si Jolie sa mga nakakatanda at sinundan na si Albert na naunang umalis sa kanya.
"Albert! Hoy! Antayin mo ako! Hoy, pwede bang bagalan mo muna ang paglalakad?!" Bakit ba ang bilis niyang maglakad, di ba niya narinig ang sabi ni Tita na isasabay niya ako papuntang school?
Panay ang tawag ni Jolie sa lalaki pero di parin siya pinapansin. Mas lalo pa itong minadali ang paglalakad na parang intensyon talaga nitong iwanan siya.
"Grabe, Albert! Antayin mo naman ako! Albert!!! "
Dahil ayaw parin siyang pansinin ni Albert at malayo-layo na ito sa kanya ay nagpasya si Jolie na tumakbo na hanggang sa maabutan niya ito. Sa kasamaang palad, sa sobrang bilis naman ng kanyang pagtakbo ay di siya agad nakapreno kaya nabunggo niya si Albert ng bigla itong huminto paglalakad.
"Ang tanga-tanga mo talaga!"
"Eii ikaw kasi, bakit ba bigla ka ring huminto?"
"Ang ingay-ingay mo kaya, panay ang tawag mo sa akin di ka ba nahihiya at pinagtitinginan tayo ng mga nakakasalubong natin?"
"Sorry na nga eh!"
Nakita ni Jolie ang pagbuntong-hininga ni Albert. Namumula ang mukha nito sa inis sa kanya kaya may konting takot na nararamdaman si Jolie sa binata.
"Hoy babae!!" pigil na pigil si Albert sa kanyang sarili upang huwag ng lumakas pa ang boses niya.
"Ba-bakit?"
"Naituturo ko sa iyo ang daan. Sa susunod bahala ka na!"
"Makining ka! Ayoko ng ulit-ulitin pa tong sasabihin ko sa'yo kaya makinig ka. May mga rules ako sa'yo na dapat sundan mo. Una, pagnaglalakad tayo huwag na huwag mong banggain ang likod ko, hindi gawa sa semento ang likod ko kaya nasasaktan ako pagbinabangga ito! Matuto kang dumistance for safety purposes. Pangalawa, una at huling beses ko lang ituturo ang daan sa'yo kaya tandaan mo at huwag mo na akong tanungin pa tungkol sa kung sa daan papunta sa schoola at pauwi sa bahay kasi di na kita tutulungan pa. Pangatlo, huwag mong ipagkalat sa kahit kanino ang tungkol sa living arrangement natin kasi ayoko mapahiya, kung sanay kang pinag-uusapan ako hindi!. At Pang-apat, sa oras na marating na natin ang school ay huwag na huwag mo na akong kausapin pa.Naiintindihan mo ba ako?! "
Wala ng nagawa si Jolie kundi ang tumango. Masakit para sa kanya na di maganda ang pagtrato sa kanya ni Albert gayung ang gusto lang naman niya ay makipag-kaibigan dito.
"Oo na! "nang marinig siya ay tumalikod na si Albert at naglakad na ulit.
Salbahe mo talaga! Bakit ba ako nagkakagusto sa'yo eh ang sama-sama ng ugali mo?! Kainis! Sigaw ng utak ni Jolie habang nakatingin kay Albert na nauna na namang maglakad sa kanya.
Matapos ang kalahating oras na paglalakad ay nakikita narin ni Jolie ang gate ng paaralan.
"Siguro naman di ka ganun ka tanga para mawala pa sa harap ng gate ng school, di ba? Hoy, babae! Tandaan mo yung sinabi ko kanina ha! Diyan ka na, ako ang mauunang papasok." tumakbo na si Albert papasok ng school gate na parang takot na takot na may makakita sa kanya na kasama si Jolie.
Hmp! Maka-iwas ka parang ang laking kasalanan sa sambayanan na makitang kasama mo ako ah!
Matamlay na naglakad si Jolie papunta ng kanilang classroom na nasa pang apat na floor ng building. Paakyat na siya ng hagdan ng makita si George at ng mga kasamahan nitong lalaki. Kagaya ng lagi nitong ginagawa ay agad siya nitong nilapitan.
"Hello my labs, kumusta?!" masayang bati ni George sa dalaga.
"Oh, George... hello.. okay lang naman." walang kabuhay-buhay na tugon ni Jolie sa lalaki pagkatapos ay magkasabay na silang naglakad patungong classroom nila, nakabuntot sa kanilang dalawa ang mga alipores ni George na may bitbit na mga gamit ng lalaki. Dahil sa sanay naman itong tawagin siya sa kung anu-anong endearment ay di na siya ngreklamo pa ng marinig kung ano yung itinawag ng lalaki sa kanya. Wala rin kasi siyang ganang makipag-away kay George sa mga sandaling iyon.
"Di ba kagabi kayo lumipat doon sa kaibigan ni Papa Bong? Kumusta naman ang paglilipat? Kumusta naman sila? Mabait ba silang lahat?"
Biglang lumiwanag ang mukha ni Jolie ng maalala na nakatira na nga pala sila sa iisang bahay ni Albert ngunit ng maaalala yung rules na ibinigay ng lalaki sa kanya, sumimangot na naman si Jolie.
"Okay naman..maganda yung bahay..mabait sila.. " maliban na lang sa dalawang damuhong anak ni Tito Peter at Tita Mary , gustong-gusto ni Jolie na idagdag iyon ngunit pinigilan na ang sarili.
"Oh..bakit ganyan ang mukha mo?"
"Wala to..pagod lang at puyat ako.."
"Ah okay, akala ko di maganda ang ugali ng mga tao sa bagong bahay ninyo. Basta Jolie, pag-inapi ka nila, huwag kang mahiyang magsabi sa akin. Ako ang reresbak sa kanila para sa'yo."
"Siraulo ka talaga..Hindi na, promise, okay lang ako!"
Pagdating sa 4th floor ay di mapigilan ni Jolie ang sarili na di silipin ang classroom nina Albert. Nasa tapat lang kasi ito ng hagdan kaya makikita mo kaagad ang kaganapan sa loob ng classroom. Nakita niya si Albert kausap ang iilang classmates. Sa laki ng ngiti nito sa mukha, di mo talaga aakalain na masama ang ugali nito pag iyong titingnan. Nakita siya nito at kapansin-pansin ang pagsalubong ng mga kilay ng lalaki.
Suplado talaga! Kung di ka lang gwapo, pinatulan na kita eh! Makatigin ka maalipusta na eh!
Himutok ni Jolie sa loob-loob niya saka binawi ang tingin sa lalaki habang naglalakad siya patungo ng classroom nila kasama sina George.
Humanda ka Albert Lopez..kinakahiya mong makita ng lahat na magkasama tayo..pwes! Ihanda mo ang mga palad mo at sa ayaw at gusto mo, didikit yan sa palad ko!
Dahil sa inasal ni Albert sa kanya, mas naging determinado si Jolie na itaas ang ranking niya sa gagawing assessment test sa kanila. Maliban sa gusto parin niyang makasama ang lalaki, gusto rin niyang patunayan kay Albert na kakayanin din niya na pantayan ang isang kagaya ni Albert kaya di ito dapat nang-aalipusta ng kagaya niya.
Seryoso si Jolie sa plano niyang mag-aral. Kahit pinagtatawanan siya ng mga kaibigan at kaklase niya tuwing nakikita siya na nagbabasa ng libro at nag-aaral di parin siya nagpapadala. Tuwing break sa klase ay laging may hawak na libro si Jolie at pinipilit ang sarili na unawain ang mga lessons nila kahit nahihirapan siyang unawain ang mga ito.
Isang gabi, kasalukuyan siyang nag-aaral sa loob ng kanyang kwarto ng biglang kumatok si Mary sa pinto niya. Laking gulat ni Jolie ng pagbuksan ito at may dala-dalang tray ng pagkain.
"Wow, Tita!! Ang dami naman niyan.." pinapasok na ni Jolie si Mary sa loob, pagkapasok na pagkapasok naman ng babae ay inilapag na nito ang dalang tray sa study table ni Jolie.
"Alam ko kasi nag-aaral ka pa kahit masyado ng late kaya dinalhan na kita ng snacks. "
"Slamat po talaga, Tita. Ang bait-bait mo talaga sa akin." sobrang na-touch si Jolie sa pagiging thoughful ni Mary sa kanya. Damang-dama niya ang pagturing nito sa kanya na parang anak na rin.
"Wala yan..actually masaya nga ako at nagagawa ko na ang mga bagay na ganito."
"Bakit po? Si Albert di po ba niya gusto na dalhan 'nyo siya ng snacks sa kwarto niya?" habang nakikipag-usap ay sinimulan ng kainin ni Jolie ang cake na dinala ni Mary sa kanya.
"Hindi naman , kaya lang never ko pa kasi yan nakitang mag-aral. Alas nuwebe pa lang ng gabi tulog na yan." malungkot ang tinig ni Mary habang ikinukwento ito kay Jolie.
"PO? SI ALBERT DI NAG-AARAL?" nagulat si Jolie sa kanyang natuklasan. Di nito lubos mapaniwalaan ang sinabi ni Mary. Di nag-aaral??? Natutulog na?? Samantalang ako, ni wala halos tulog sa kaka-aral pero bumabagsak parin ako? Asan ang hustisya dito??
Maisip pa lang ni Jolie na mahimbing ng natutulog si Albert sa kabilang kwarto habang siya nagpapakahirap na mag-aral parang gusto na niyang magwala.
"Sino to, mama mo?" nakita ni Mary ang isang frame na nakalagay sa taas ng dresser ni Jolie. Napansin nito ang maaling pagkakahawig kay Jolie kaya di mapigilan ang sarili na di magtanong.
"Opo..at ako naman po yang karga-karga niya. Ang ganda niya po ano?"
"Oo! Manang-mana ka sa kanya Jolie, kasing ganda ka niya."
"Eiii Tita .. wala namang ganyanan, kinikilig ako eiiii" kinikilig na sagot ni Jolie. Namula pa ito ng marinig ang papuri sa kanya. At dahil galing ang papuri kay Mary na ina ng kanyang ultimate crush, malaking bagay ito sa kanya.
"Ahh may naisip ako!"
"Ano po yon?"
"Gusto mo bang makita ang mga baby pictures ni Albert?" lumiwanag ang mukha ni Jolie sa narinig.
"Baby pictures??? Ay like ko yan Tita!"
"Teka lang, kukunin ko muna ang mga album niya sa cabinet. Wait lang!" excited na lumabas ng kwarto ni Jolie si Mary.
Makaraan ang ilang minuto ay bumalik ito na bitbit ang iilang album. Kaagad itong binuklat ni Jolie at tiningnan ang mga pictures.
"Anggg cuuuttteee!! Grabe ang cute pala talaga ni Albert, Tita kahit noong bata pa siya. Di na tlaga nakakapagtataka kung bakit! " tili ni Jolie. Sa sobrang pagka-aliw niya habang tinitingnan ang mga larawan ni Albert noong bata pa ito ay tinititigan na siya ni Mary at napapansin na nito ang kanyang paghanga sa lalaki. " Tita, di po ba dalawa lang na magkapatid sina Albert at Nash?"
"Oo, bakit?"
"Kasi madaming pictures ng cute na cute na batang babae dito, kamukha naman siya ni Albert pero di ba wala ka namang anak na babae? Ahh baka pinsan nila 'to.." tanong ni Jolie ng makita ang mga pictures ng isang batang mahaba ang buhok at nakasuot ng pambabae.
"Wala nga..si Albert yan ano ka ba!" natatawang sagot ni Mary sa kanya.
"Si Tita talaga palabiro.."
"Hindi ako nagbibiro..si Albert nga yan!"
"Weeehhh??!! "
"Teka, may isang picture pa nga siya na naka-uniform eh..Andito yon eh.." naghanap si Mary sa mga pictures na nasa album hanggang sa nakita na niya ito. "Ito! Oh..di ba si Albert yan!" proud na proud si Mary habang pinapatingnan kay Jolie ang isang larawan ni Albet na nakasuot ng uniform at may nakasulat na pangalan nito sa kanyang dibdib. Mahaba ang buhok ni Albert dito at bibong-bibo na nagpapacute sa harap ng camera.
Ohh my goshh! Si Albert binabae?
Photo Credit to MBC 's Playful Kiss and Comic Production's ISWAK
No comments:
Post a Comment