Tuesday, February 24, 2015

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 29 )

      “Surprise!!” Sigaw ni Marian at ng kanyang lolo Roberto pagbukas niya ng pinto. Kapwa nakangiti ang mga ito sa kanya.

“Lolo! Marian!” Kaagad na niyakap ng mahigpit at siniil ng halik ni Richard si Marian sa sobrang saya na makita ang babae.

“Tingnan mo tong batang to, ako ang unang tinawag pero si Marian lang ang niyakap at hinalikan.” Bulong ni Roberto kay Lea, kunwari nagtatampo sa apo nito pero bakas sa mukha ng matanda ang saya habang pinapanood sina Marian at Richard.

Ngumiti na lang si Lea sa sinabing ito ng matanda. Habang pinapanood sina Marian at Richard, di makapaniwala si Lea na may ganitong ugali din pala si Richard. Nasanay na kasi siyang lagi na lang itong seryoso at kung makipag-usap sa kanya ay pormal at kadalasan bugnutin pa kaya habang pinapanood niya ito ngayon, tila naging ibang tao bigla ang kanyang boss sa paningin niya.

“Lolo, syempre naman miss na miss ko si Marian kaya pagbigyan mo na ako.” Nakangiting sagot ni Richard sa lolo niya na mahigpit parin ang pagkakayakap sa beywang ni Marian.

“Oo na sige na..oh ano, di mo ba kami papapasukin?”

“Ahh oo nga pala..pasok po kayo.” Binuksan pa lalo ni Richard ang kanyang pinto upang makapasok na ng tuluyan ang kanyang lolo at si Marian sa suite niya.
“Sir, Richard. Sa baba ko na lang kayo aantayin.”
“Okay, give us a few minutes then bababa narin kami to join you there.” Tumango si Lea at nagpaalam na din ito kina Marian at lolo Roberto.
“So how’s the preparation Ricardo? Is everything ready?” kaagad na tanong ni Roberto nang makaupo na silang tatlo sa may receiving area.
“Yes lo, so far wala pa namang tumawag sa akin from the hotel so I guess everything is set!”
“Good job hijo! You’ve worked so hard for this. I want you to know I’m very proud of this hotel Ricardo. Kanina pa lang pagpasok namin sa hotel at lalong-lalo na nang makita na namin yung suite room namin at itong suite mo di maikakaila na maganda ang concept mo Ricardo..congrats apo!”
“Thank you lolo.. oh by the way, I thought you are not going to join me here. Sabi mo masama pakiramdam mo kagabi kaya di ka makakapunta?”
Nagulat si Marian na marinig ang sinabi ni Richard kaya napatingin siya kaagad sa matanda. “Lolo, bakit di mo sinabi sa akin na masama pala ang pakiramdam mo at nagyaya ka pa talaga na papunta dito? Chard, di ko alam na masama pakiramdam ni lolo. Last night nang mag-usap kami wala siyang nabanggit, he just told me to prepare kasi daw isu-surprise ka namin dito.”
“Wala yon hija, it was just a joke para di maghinala si Richard. Gusto ko kasing isipin niya na di talaga ako makakapunta kaya sinabi ko yon sa kanya.”
“Are you sure?”
“Yes, I’m sure Ricardo.”
“Okay..well, anyway..I’m glad both of you came to join me here. Sasamahan ‘nyo rin ba ako sa baba at sa cocktail party later?”
“Of course, of course.. kaya nga nakabihis na rin kami.”
“That’s great! Buti nga nakapagbihis narin kayo at di na tayo matatagalan pa, kailangan na rin nating bumaba ..Wait tapusin ko na muna ang pagbibihis ko.”
“Okay.. hurry up.”
Pumasok ulit si Richard sa dressing room para tapusin ang pagbibihis ngunit ilang sandali ang nakaraan ay tinawag nito si Marian upang magpatulong sa necktie niya.
“You better help him hija para matapos na, nakakahiya kung tayo lang ang aantayin ng mga tao sa baba.”
“Sige lo, puntahan ko muna.”
Sumunod na si Marian sa dressing room ngunit pagkapasok niya dito ay kaagad na siyang hinatak ni Richard at hinalikan ng mariin sa kanyang labi. Laking gulat ni Marian sa ginawa ni Richard kaya muntik pa siyang mapasigaw kung hindi lang siya siniil ng halik ng lalaki. Nang binitawan na siya nito ay pinisil niya ang ilong ng lalaki.
“Ikaw talaga, para-paraan lang talaga! Maka ninja moves ka parang wala si lolo sa labas ah!” bulong ni Marian kay Richard upang di sila marinig ng matanda sa labas.
“I miss you, sweetheart.” Bulong naman ni Richard sa kanya pagkatapos ay muli siyang hinalikan sa labi. Noong una ay banayad na halik lang ngunit nang kalaunan ay naging agresibo na si Richard at bumaba na sa leeg ni Marian ang halik ng lalaki. Muntik nang di makapagpigil ang dalawa kundi lang nila narinig ang pagtawag sa kanila ng matanda.
“Ricardo di  kapa tapos?” tawag ni Roberto sa kanyang apo na tila naiinip na sa paghihintay sa kanilang dalawa.
“Patapos na po. Andyan na.” sagot ni Richard. Napahagikhik na lang ang dalawa nang mapagtanto ang kanilang ginagawa. Napilitang huminto ang dalawa sa kanilang ginagawa at nagmadaling mag-ayos. Tinulungan ni Marian si Richard sa kanyang necktie at coat, si Richard naman ay inayos ang cocktail dress ni Marian at sinuri ang mukha ng babae.
“I think you need to reapply your lipstick nabura ko ata ..” nakangiting saad ni Richard habang pinapahiran ang labi ni Marian.
“Yeah..and its all over your mouth.” Napahagikhik ang dalawa. Kumuha ng tissue si Marian sa may dispenser saka pinunasan ang labi ni Richard. Naging pilyo naman ulit ang lalaki at sinubukang kagatin ang daliri na dumadampi sa labi nito. “Stop it Chard, kung ayaw mong pasukin tayo ni Lolo dito. ”
Isang mahinang tawa ang narinig ni Marian mula dito habang patuloy ang ginawang pagtanggal ng lipstick sa labi ng lalaki. Ilang minuto ang nakaraan ay magkasunod nang lumabas ang dalawa. Kaagad ng tumayo ang matanda at binigyan ng isang makahulugang ngiti sina Richard at Marian.
“Mamaya na kayo maglambingan at may naghihintay sa atin.”
Napangiti si Richard sa narinig mula sa kanyang lolo at tahimik na sumunod dito. Si Marian naman ay nagmadaling pinulot ang kanyang purse at kinuha sa loob ang kanyang lipstick, nagmadaling nagpahid sa kanyang labi pagkatapos ay sumunod na kina Richard and lolo Roberto sa paglabas.



Maraming bisita na ang dumating nang makababa na sina Richard. Sari-saring tao ang nakasalamuha nina Marian, lahat ay nakipagkamay kina Richard at Roberto ng makita sila. Nanatiling tahimik lang si Marian at panaka-nakang ngumingiti sa mga bisitang ipinapakilala ng dalawa sa kanya. Sa dami nila, di na matandaan ni Marian ang mga pangalan nila, mas pinagtuunan pa niya ng pansin ang pagtulong sa matanda sa paglakad nito dahil sa medyo mahina na rin itong maglakad.
Pagkatapos ng ceremonial ribbon cutting ay nagsipuntahan na ang lahat sa function hall ng hotel para sa party. Kasalukuyang nakaupo na ang tatlo sa isang mesa malapit sa stage ng bulwagan nang lapitan sila ni Lea upang ipaalam kay Richard na may mga press na gustong kumuha ng interview sa lalaki. Kaagad na nagpaalam kina Marian at Roberto si Richard at sumunod kay Lea.
“Lo, ang laki pala ng hotel noh?”
“Yes, and all of these si Richard ang nagconceptualize. When he present this plan to me years ago, I know that this will be a big gamble not just with investment but of course pati yung sa pangalan niya. That time wala pa siyang napapatunayan and then all of a sudden may ganitong plano na siya. But I strongly believe this will help him earn the respect that he deserves, yung kanyang-kanya and yung di na kailangan pang sabihin that it was because of me. Eventually the board finally decided to push through with the investment. So here it is now, I’m so proud of him!”
Namumula na ang mata ni lolo Roberto habang sinasabi ito kaya nahawa na rin si Marian dito. Napahanga talaga si Marian na makita kung gaano kamahal ni Roberto ang kanyang apo. Naalala rin ni Marian ang mga naging pag-uusap nilang dalawa ni Richard tungkol sa nararamdaman nito habang gingawa pa ang hotel ang kung paano ito nahihirapan na patunayan ang kakayanan sa mga taong gusto siyang itumba. Tuwing nakikita ni Marian kung gaano kamahal ng matanda si Richard, di niya maiwasang hindi maalala ang sarili niyang lolo. Kagaya ni Roberto isa rin itong mapagmahal at maalalahanin na lolo. Mas napaluha tuloy siya nang mapagtanto niya kung gaano niya ito nami-miss. Di na mapigil ni Marian ang mga luha niya kaya nagpaalam siya kay Roberto na pupunta muna ng ladies room habang di pa nagsisimula ang programa.
Pagkapasok sa ladies room ay may naabutan si Marian na grupo ng mga babaeng nagre-retouch sa harap ng salamin. Nahiya si Marian na makipagsiksikan sa mga ito kaya nagdesisyon na siyang humanap na lang ng bakanteng cubicle upang doon na magretouch ng kanyang make-up. Habang nasa loob ng cubicle at nagre-retouch ay di maiwasang di mapakinggan ni Marian ang pinag-uusapan ng mga babae sa labas.
“Totoo kaya yon?”
“Yung alin?”
“Yung narinig natin kahapon about Ms.Cheska at kay Mr.Lim.”
Nagulat si Marian ng marinig ang mga pangalan, napatigil siya sa kanyang ginagawa. Para siyang biglang binuhusan ng malamig na tubig, nanlamig ang buo niyang katawan at nanginig bigla ang kanyang mga kamay. Buti na lang nasa loob siya ng cubicle kaya walang nakakita ng bigla niyang nabitiwan sa sahig ang kanyang hinahawakang pressed powder.
“Ewan ko lang ha, pero sabi kasi ni Miriam nakita daw niya si Sir na palabas ng kwarto ni Ms. Cheska. Tapos nung nakaraang gabi, sabi naman ng Bar Supervisor na nakita daw niya si Ms. Cheska at Sir na sabay daw umalis pagkatapos sabay na sumakay ng elevator. ”
“I heard magkasintahan daw sila noon tapos yung nagpunta ng States si Ms. Cheska nag-antay daw talaga si Sir kasi mahal na mahal daw talaga ito ni Sir.”
“Talaga? Ang swerte naman ni Ms.Cheska. Bagay na bagay din silang dalawa di ba, parehong maganda at gwapo tapos galing sa isang prominenteng pamilya. Kung ako kay Ms. Cheska niyan, di ko na ulit pakakawalan si Sir, magpapabuntis na ako kaagad.”
“Oo nga eh, pero may narinig naman akong balita na may asawa na si Sir ngayon, nasa Manila daw.”
“Ows? Wala naman siguro! Tsismis lang yon noh, kung meron man dapat dinala siya dito ni Sir lalo pa’t alam niyang magkatrabaho ang dalawa ngayon sa hotel. Two weeks din yon ah, maraming pwedeng mangyari.”
Di napansin ni Marian na umiiyak na pala siya at walang tigil ang luha sa pagdaloy sa pisngi niya. Pilit niyang pinapakalma ang sarili pero di mawala ang sakit sa kanyang dibdib.Pakiramdam ni Marian ang sakit-sakit at ang bigat ng kanyang dibdib. Ilang sandali lang narinig na niya ang mga babaeng palabas na ng ladies room. May ilang minuto pang nanatili si Marian sa ladies room. Doon ay di niya pinigil ang sarili na umiyak ng umiyak. Gulong-gulo ang kanyang isip sa mga pangyayari. Maraming tanong ang nabuo sa kanyang isip na mas lalong nagpapasikip ng kanyang dibdib. Gusto niyang magwala dahil sa nararamdamang sakit nang matuklasan ang katotohanang naging tanga siya at naniwala kay Richard na seryoso itong gawing totohanan na ang kanilang kasal ngunit sa bandang huli, sinisi niya ang kanyang sarili dahil inisip niyang mahal siya ng lalaki.
Ilang minuto ang nakalipas at nakatanggap na siya ng text galing kay Richard, hinahanap na siya nito at ni Robert. Pinaalam din ng lalaki sa kanya na malapit ng magsisimula ang party. Kung siya lang ang masusunod gusto na niyang lisanin ang lugar na iyon pero nang maalala niya ang matanda ay nagbago ang kanyang isip. Inayos niya ang sarili at pilit pinapakalma bago siya bumalik sa function hall. Nasa mesa na nila ulit si Richard,  nang makita siyang papalapit na ay ngumiti pa ito pero di makuha ni Maya na ibalik ang ngiting yon kay Richard. Nang tuluyan na siyang nakalapit ay napansin ni Richard na namumugto ang kanyang mga mata at tila iba ang kinikilos kaya nagtanong na kung okay lang ba siya. Tiningnan din siya ni lolo Roberto na nag-aalala ng marinig ang tanong ni Richard. Ayaw niyang malaman ni lolo ang nangyari kaya pilit siyang ngumiti para sa matanda.
Nagsimula at natapos ang programa ngunit nanatiling tahimik lang si Marian sa kanyang kinauupuan. Dahil sa dami ng kanyang iniisip, tulala lang ito at di nakipag-usap kahit kanino sa dalawang kasama. Maya-maya pa ay may lumapit sa kanilang mesa na isang lalaki. Nakipagkamay sina Richard at Roberto dito at pinakilala siya. Nalaman niyang ito pala ay isang myembro ng Board, si Mr. Raul Sanchez.
“Oh!-- so she is the wife?” Gulat na tanong nito kay Richard. “ So totoo pala yung nabalitaan ko from Mr. Gonzaga nung bumisita siya sa ospital sa akin after the meeting na nagpakasal ka na? And this is her? Ano ulit yung name mo hija, Marian?”
“Yes po. Glad to meet you po Sir.” Nakipagkamay si Marian sa lalaki .
“Glad to meet you too hija. Forgive me Richard, I really thought nagkabalikan kayo ni Cheska at nagkamali lang si Mario nang pagkasabi ng pangalan ng asawa mo, kaya nga ng makita ko si Cheska kanina binati ko pa siya, wala naman siyang binanggit na di pala siya yung asawa mo..”
Nagulat si lolo Roberto sa sinabi ng lalaki kaya nag-iba kaagad ang mukha nito. Bigla itong nagalit at sabay pa sila ni Marian na napatingin kay Richard. Di narin maipinta ang mukha ni Richard sa mga sandaling iyon. Namutla ito at pinagpawisan.
“SHE’S HERE?!” galit na tanong ni Roberto sa kanyang apo. Magpapaliwanag na sana si Richard nang biglang nagsalita ulit ang lalaking nagdala ng masamang balita kay lolo Roberto.

“Oh, there she is!  Catherine! Come here hija!” wika ni Mr. Sanchez.
Nakita ni Marian ang isang matangkad, balingkinitan ang katawan, at magandang babae mula sa kabilang mesa habang nakikipag beso-beso sa ibang guests. Nang marinig ang pangalan niya ay lumingon sabay ngiti sa kanila at naglakad na papalapit sa mesa nila.  Di na maipinta ang mukha ni lolo Roberto, habang si Marian ay nanatiling tahimik lang sa kanyang kinauupuan, di malaman kung ano ang kanyang gagawin sa mga sandaling iyon ng makita na sariling mga mata si Cheska. Si Richard naman ay tila napipi na dahil sa bilis ng pangyayari.
“Hi Mr. Sanchez! Hello lolo Roberto. It’s nice to see you again. Hi Chard!” Naglakad palapit sa kanila si Cheska at nang tuluyan ng nakalapit ay walang alinlangan itong humalik sa pisngi ng lalaki. Pagkatapos nito ay nagtangka pang lumapit kay lolo Roberto para bumati sana dito ngunit pinigil ito ng matanda.
“Huwag kang makalapit-lapit sa akin kung ayaw mong mapahiya.” Galit na sabi sa babae kaya napaurong si Cheska  ng marinig ito. Marahil ay naramdaman ni Mr.Sanchez ang tension sa pagitan nina Roberto at Cheska kaya kaagad na itong nagpaalam upang kausapin sa kabilang mesa ang ibang guests.
“Get out of here !” Angil ng lolo ni Richard kay Cheska. Namumula na sa galit si Roberto kaya nabahala si Marian.
“Lolo relax lang po, baka ano pang mangyari sa’yo.” Napahawak na sa braso ng matanda si Marian upang patahanin ito.

“Lolo Roberto …”
“Huwag ka ng magsalita pa..umalis ka na. Ayoko makita ang pagmumukha mo dito. Paalisin mo siya Ricardo!”
Ayaw man ni Richard maging bastos pero ayaw din naman niyang magkagulo pa lalo at pinagtitinginan na sila ng iba. Mas lalo pa nag-alala si Richard sa lolo niya nang bigla nalang itong nanghina at pagkatapos ay panay na ang haplos sa kanyang dibdib.
“Richard si lolo!’ Nataranta na si Marian ng makita nitong nag-iiba na ang ekspresyon sa mukha ng matanda hanggang sa nawalan na ito ng malay. Sandaling nagkagulo ang mga taong nasa malapit na mesa sa kanila at unti-unti ring dumami ang mga guest na lumapit kaya dali-dali nang humingi ng tulong si Richard sa iba para alalayan ang matanda palabas ng function hall upang maiwasan na ring mas lalong magkakagulo sa loob. Maya-maya pa ay isinakay na nila ng kotse si Roberto para dalhin sa ospital.
“Bumalik ka na sa loob, ako na muna ang bahala kay lolo. Tawagan na lang kita para balitaan. Kung pwede ka ng makaalis, saka ka na lang sumunod.” Pinigil ni Marian si Richard na sumakay sa sasakyang magdadala sa kanila sa ospital. Sa kabila ng nangyari, naisip pa nito ang kapakanan ni Richard.
“Pero kailangan ako ni lolo.”
“Please--ako na ang bahala..dito ka na muna, baka may maghanap sa’yo at mas lalo lang pag-uusapan ang nangyari kung di ka nila makikita dito.” Tumango si Richard, agad itong nagbilin sa driver na dalhin ang lolo niya sa pinakamalait na ospital.
Pagkatapos umalis ng sasakyan ay kaagad na hinanap ni Richard si Lea. Nakita niya ito sa loob ng function hall habang kinakausap ang ibang mga bisita.
“Lea!” galit na tawag nito sa kanyang sekretarya. Nang makita siya nito ay nagmadali itong lumapit sa kanya, bakas sa mukha ang pag-aalala. “Anong nangyari? I told you not to invite her pero bakit nakapasok pa din siya sa loob?”
“S-sir di po ako nag-invite..di ko rin alam kung bakit andun siya. Sorry po kung di kita nasabihan na andiyan pala si Ms. Cheska, kanina kasi busy kaya di ko siya napansin na pumasok.”
“Next time pay attention! Ayoko mangyari ulit ito okay? I want you to investigate kung bakit nakapasok siya dito. Ask the staff kung sino ang namigay ng invitation at sinu-sino yung pinagdalhan."
“Yes, Sir.”
Napabuntong-hininga na lang si Richard pagkatapos maka-usap si Lea. Upang di na mapag-usapan ang tungkol sa nangyaring kaunting gulo sa pagitan ni ng lolo niya at ni Cheska, pinilit ni Richard na umaktong parang walang nangyari sa harap ng mga nakakasalamuhang guests.



Nasa maayos ng kalagayan si lolo, buti na lang nadala siya kaagad sa ospital at agad siyang nabigyan ng gamot para sa kanyang sakit sa puso. Pagkaraan ng dalawang oras ay sumunod na rin si Richard sa ospital. Nadatnan nito si Maya sa loob ng recovery room habang nakabantay sa matanda.
“Kumusta si lolo?”
Agad na tanong ni Richard kay Marian. Lumapit siya dito, hahalikan sana si Marian sa pisngi pero umiwas ito at tumayo upang magsalin ng tubig sa baso pagkatapos ay ininom ito. Nakita ni Richard na mugto na ang mga mata nito sa kakaiyak.
“Bakit? Anong nangyari sa’yo, bakit ka umiiyak? What did the doctor say?” Biglang kinabahan si Richard sa pag-aakalang nanganganib ang buhay ng kanyang lolo.
“Okay lang si lolo.”
“Then why are you crying? Natakot ka ba sa nangyari kanina?” Lumapit ulit si Richard kay Marian para yakapin ito  patahanin pero umatras si Marian at ayaw magpahawak sa kanya. “What the hell is wrong with you Marian?” Naiinis na tanong ni Richard sa kanya nang makita ang kakaiba nitong reaksyon sa kanya.
“Hinaan mo ang boses mo at natutulog si lolo.” Kalma namang sagot ni Marian sa kanya. Di nakatiis si Richard kaya hinablot nito ang kamay ng babae at dinala siya sa comfort room.
“Why are you crying? Tell me!”
“Maghiwalay na tayo..” Muling dumaloy ang luha ni Marian sa kanyang mga pisngi kaya iniyuko nito ang kanyang ulo upang ikubli ang mga luha kay Richard.
“What?!”
“I said tapusin na natin to at nasasaktan na ako.” Diin na pagkakasabi ni Marian na patuloy paring iniyuyuko ang kanyang ulo.
Hinawakan ni Richard ang kanyang baba at pinilit itong tumingin sa kanyang mga mata ngunit lubos ang kanyang pagkabahala ng tuluyan ng masilayan ang mga mata ng babae. May nakikita siyang sakit at galit pero di niya alam kung bakit, bagay na lubos na bumabagabag sa kanya.
“NO! I love you and I won’t let you go! Never!”
“Damn with your love Richard, ganyan ka ba magmahal? Sinasaktan at pinaglalaruan ang taong sinasabi mong mahal mo?” Di na napigilan ni Marian ang sarili at tuluyan ng inilabas ang kanyang hinanakit sa lalaki.
“Alam mo ba ang pinagsasabi mo Marian?” Hindi ito inasahan ni Richard na marinig mula kay Marian. Alam niyang hindi maganda yung nangyari kanina at kailangan din niyang magpaliwanag sa babae pero di niya inakalang hahantong sa ganito ang magiging usapan nila.
Di na sinagot ni Marian ang tanong ni Richard sa kanya. Iniwas nito ang tingin sa lalaki. Si Richard naman, lubos ang panalangin na sa pagiging tahimik ni Marian, ang ibig sabihin nito ay binabawi na ng babae ang kanyang sinabing gusto nitong makipaghiwalay na sa kanya.
“Marian, you defy me alot of times but I can always let it pass. This time when I say No, I mean it. Di ako papayag to end our marriage.”
Handa na sanang ipagdiinan ni Marian ang kanyang desisyon na makipaghiwalay na sa lalaki at sabihin ditong seryoso siya sa kanyang sinabi ngunit tinapos na ng lalaki ang kanilang pag-uusap, lumabas ito sa comfort room at iniwan siya. Nanatili si Marian sa loob upang mapag-isa at makapag-isip. Maya-maya pa ay narinig niya ang boses ni Richard na may kausap sa labas. Narinig niyang pinaguusapan nila nag kalagayan ni Roberto kaya naisip ni Marian marahil ito ang doktor na kasalukuyang tumitingin sa matanda. Gaano man kanais niyang makausap din ang doktor, pinigilan ni Marian ang sarili na huwag lumabas. Nang maka-alis na ang kausap ni Richard at di parin lumabas si Marian, kumatok na si Richard sa pinto ng comfort room at sinabihan siyang lumabas na mula dito.
“Marian, labas ka na. Baka magising si lolo at magtaka kung bakit wala ka.”Nang marinig ito ni Marian, napilitan din siyang sundin si Richard. Kung di lang dahil kay lolo Roberto kahit doon na siya matulog sa loob ng C.R okay lang talaga sa kanya. “Why don’t we go grab dinner first, di kapa kumakain.”
“Di pa ako gutom. You can go and eat alone, dito lang ako magbabantay kay lolo baka magising siya .”
“I will just ask his private nurse to take over while we go eat our dinner.”
“Hindi na, ikaw na lang umalis.”
“Don’t be like this Marian..please? And besides, we need to talk.”
“Huwag muna ngayon. ..please—ayoko muna makausap ka.”
Napabuntong-hininga na lang si Richard. Kahit gaano niya kagustong maka-usap si Marian para ayusin na ang kanilang di pagkakaunawaan ayaw naman niya itong mas lalong magalit pa sa kanya kaya hinayaan na niya lang ito . Tinawagan nalang ni Richard si Lea at inutusang bilhan sila ng pagkain. Matapos ang isang oras ay dumating na ang sekretarya niya dala ang isang malaking plastic bag na may lamang mga pagkain. Nang sinabihan ni Richard si Marian na kumain na sila, di na nagpakipot pa ang babae at kumain na rin. Habang kumakain ay nanatiling tahimik parin si Marian. Buong gabing di na muling kinausap ni Marian si Richard, ayaw naman ng lalaki na pilitin pa siya kaya hinayaan na lang muna niya ito at binigay ang katahimikang gusto.



Pagkatapos ng limang araw sa ospital ay pinayagan narin ng doctor na makauwi sa Manila si lolo Roberto. Mahigpit ang bilin kina Richard at Marian na di pwede itong ma-stress at kailangang magpahinga ito para mas mapadali ang pagrecover. Pagdating sa Manila ay sa mansyon ng apo ang tuloy ng matanda at di hinayaan nina Marian at Richard na umuwi sa sariling bahay si lolo Roberto upang mabantayan ito ng mabuti. Para kay Marian, mabutin na ring nasa poder nila ang matanda upang magkaroon siya ng ibang pagkakaabalahan pag nasa bahay siya at di na siya mamumoblema kung paano siya makakaiwas kay Richard. Hanggang sa maka-uwi kasi sila ng Manila di pa sila nagkausap ni Richard ng masinsinan.



Napapansin na din ni Roberto ang kinikilos ni Marian sa tuwing kasama nila si Richard. Masayahin at madaldal ito kapag silang dalawa lang ang magkasama ngunit sa sandaling andiyan na ang kanyang apo, tumatahimik na ito at umiiwas. Ayaw na sana niyang makialam sa dalawa sa pag-aakalang may ginagawa si Richard na paraan upang maayos nila ang kanilang problema ngunit lumipas na ang mga araw at wala paring pinagbago sa dalawa. Nang din a makatiis sa kalagayan ng dalawa, kinausap na niya ang mga ito.

“Di man ninyo aaminin sa akin but I know things were not the same after that incident in Cebu.” Buong sikap na pinanatili ng matanda na kalmado ang kanyang pagsasalita upang hindi matakot at mailang ang dalawa. Parehong tahimik sina Marian at Richard nang magsimula na siyang magsalita.“I know that before that happened, nagiging maganda na ang samahan ninyo. Para sabihin ko sa inyo, noong mga unang linggo pagkatapos kayong makasal at pinipilit ninyong ipakita sa akin na okay ang samahan ninyo, alam na alam ko pakitang tao lang ang mga iyon. Right Richard? Marian?”


Buong akala ni Roberto ay aamin na ang dalawa sa kanya pero wala ni isa sa mga ito ang nagsalita. Walang gustong umamin at nanatiling tikom ang bibig ng dalawa. Si Marian ay nakayuko lang habang patuloy sa paglalaro ng tisyu sa kanyang mga kamay habang si Richard naman ay di makatingin sa kanya ng diretso.

“Now Richard, if you ask me what I am feeling right now, honestly..I’m disappointed! But I want to hear your side. Meron ba kaming dapat malaman ni Marian?” tanong ni Robert na ang ibig sabihin ay kung ano ang tunay na nangyari sa Cebu.
Nang marinig ni Richard ang tanong ng kanyang lolo, tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Ang totoo, habang tumatagal ay nahihirapan na rin siya sa sitwasyon nila ni Marian. Tuwing lumalapit kasi siya sa babae at magtangkang makipag-usap, lagi na lang itong umiiwas. Hindi na nga sila nagtatabi sa pagtulog at nag alsa-balutan na ang babae at doon na sa guest room natutulog para lang maka-iwas sa kanya.
“The truth is, di ko sinabi sa inyo na naroon si Cheska dahil iniwasan ko na may ganitong mangyayari. And for the record, hindi ako ang nagpapunta sa kanya dun. It was because of work.”
Panimulang paliwanag ni Richard sa nangyari. Habang sinasabi ang mga salitang ito, sinadya niya talaga na kay Marian tumingin upang maramdaman ng babae na ito ang gustong-gusto niyang sabihin dito. Umiwas man sa kanyang tingin si Marian ngunit nabuhayan naman siya ng loob nang makitang sandaling napahinto sa paglalaro ng tisyu si Marian pagkatapos niyang sabihin ito.
“What do you mean work hijo?”
“Lolo, ang company na nakuha ng hotel to work for the interior decoration is the company that she worked for. They sent her to supervise their men who are working in the hotel. I didn’t even know that, na-surprise na lang ako when I saw her there.”
“Wala ka na bang ibang dapat sasabihin pa?”
“Meron pa..even before she came to Cebu for work. ..Nag-- nagkikita na po kami ni Cheska.” Nabigla ang matanda ng marinig ang balitang iyon, napatingin din ito Marian ngunit nang makita nitong di ito nabigla sa sinabi ng lalaki ay di ito makapaniwala sa natuklasan.
“WHAT?!?”
“I’m sorry lolo..”
“Are you telling me that you two are back together?”
Kung kani-kanina lang ay mahinahon ang pagsasalita ni Roberto, dahil sa natuklasan ay napa-upo ito sa kama. Nag-alala naman si Marian kaya napasugod ang babae sa tabi nito upang alalayan na makaupo ng maayos at upang pakalmahin din kahit papano. Si Richard naman ay nag-aatubiling lapitan ang kanyang lolo at baka mas lalo itong magalit sa kanya.
“Lo, relax lang po..” Nakukunsensya man dahil alam din niya na nagkikita pa sina Cheska at Richard, di makuhang magsalita ni Marian tungkol dito at natatakot siyang mas lalo itong magalit at baka aatakihin na naman ito sa puso. Pero sa isip niya, kung sakaling sabihin ni Richard sa matanda na alam niya ito, di rin niyang magawang magdeny.
“I’m okay hija.. mas mabuti na din tong mapag-usapan ang lahat at ng wala na akong iniisip pa. ”
“I’m sorry lolo, aaminin ko oo, nung unang mga araw mula ng pagdating niya nakipagbalikan ako sa kanya.. but now, its different… I realized that hindi ko na siya mahal…”
“Richard, sana di mo lang ito sinasabi sa akin ngayon kasi nag-aalala ka sa kalagayan ko..”
“No lolo..I’m telling the truth. You can even ask her. I told her I love Marian and I want to make our marriage work.”
Napatingin si Roberto kay Marian, habang napatitig naman ang babae kay Richard. Iniisip kung maniniwala ba siya sa pinagsasabi ni Richard o hindi. Sa mga nagdaang araw, di parin mawala sa isip ni Marian ang tungkol sa narinig niya doon sa comfort room ng LHC. Gustong-gusto niyang sa lalaki ang tungkol dito sa mga sandaling iyon ngunit natatakot naman siya sa magiging reaksyon ng matanda at baka di na nito kayanin ang sunod-sunod na pasabog at atakihin na naman sa puso. Gustong-gusto niyang sumbatan si Richard kung ano ang pinagdaanan niya nitong mga huling araw sa pag-aakalang seryoso ang lalaki sa kanilang relasyon na kahit pinag-uusapan na siya ng buong university, handa siyang balewalain ito para lang dito ngunit sa bandang huli ay may maririnig siyang kwento na nagpapakasaya lang pala ito sa Cebu kasama si Cheska. Gustong-gusto niyang itanong kay Richard kung dapat ba niyang pagsisihan na mas pinili niya ito kaysa kay Bart na hanggang ngayon ay nararamdaman pa din niyang mahal siya nito sa kabila ng sinasabi nitong pinapakawalan na siya nito. Sa kabila ng lahat ng ito, kahit gaano nagsisikip ang kanyang dibdib tuwing nakikita si Richard at naaalala ang kwentong iyon, mas pinili ni Marian na manahimik na lang.
Masaya si Roberto na marinig mula sa kanyang apo na natututunan na nitong mahalin si Marian at pinapahalagahan nito ang nangyaring kasal sa pagitan nila ng babae. Si Richard naman ay puno ng pag-asang napatawad na siya ng babae matapos siyang magpaliwanag dito sa kabila ng di parin nito pag-imik sa kanya. Nang sandaling iniwan sila ni Marian, napag isip-isip niyang kailangan din niyang humingi ng tawad sa apo dahil sa paglilihim niya dito. Inamin niya dito ang tungkol sa naging buhay ni Cheska sa Amerika matapos siyang iwanan ng babae. Pagkatapos niyang aminin ito kay Richard ay nagulat na lang siya ng malaman mula dito na matagal narin pala nitong alam ang katotohanang iyon.
“Di ko rin sinabi sa’yo lolo maybe because that time I was hoping na babalikan niya ako and kahit na alam ko ang ginawa niya, I would still welcome her back with open arms which I did when she came back but I only realized that she is not the right one for me.”
“Di ka ba nagagalit sa akin?”
“Why would I lolo, you brought Marian into my life. Mas galit nga ako sa sarili ko. I fooled myself in believing that Cheska was the only one for me. Kung sana I gave Marian the chance to enter my life as soon as we met, we could have been happy  eversince that day we got married. ”
Nang marinig ito mula kay Richard ay napangiti si Roberto at binigyan ng mahinang tapik sa balikat ang kanyang apo upang iparamdam dito na masaya siya para kay Richard at masaya siya sa naging pasya ng apo niya. “I’m so happy for you Ricardo. You have chosen the right person…”
Pagkatapos mag-usap ni Lolo Roberto at Richard ay nagpahinga na din ang matanda. Kampante na si Richard na tuloy-tuloy na ang paggaling nito lalo pa’t wala na na itong aalahanin pa dahil sa wakas napag-usapan na nila ang tungkol sa nangyaring gulo sa Cebu. Nang masigurong nagpahinga na ang lolo niya ay nagtungo na din ito sa kwarto nila ni Marian. Nadatnan niya itong nag-papahid ng night cream sa harap ng salamin sa may dressing room nila. Nang pumasok siya ay lalabas na sana ito pero hinarangan niya upang din a maka-iwas pa sa kanya.
“Marian..”
“Pupuntahan ko na muna si lolo at may gamot pa siyang iinumin.”
“I already gave him his medicine. Natutulog na siya ngayon.”
“Sasamahan ko na siya doon sa kwarto niya at baka may ..”
“He asked me to tell you that he can manage..” Nang di na nagsalita pa si Marian, nilapitan na siya ni Richard sabay yakap sa kanya. “Peace na tayo please..I’m sorry na.”
“Bakit ka magso-sorry? Di ba sabi mo di mo alam na pupunta siya doon?” sarkastikong sagot ni Marian kay Richard.
“Oo, pero naglihim pa din ako sa’yo. May kasalanan pa rin ako sa’yo.”
Napasinghal si Marian sa kanyang narinig, napailing ng ulo. Di parin siya lubusang nakukumbinsi ni Richard sa mga sinasabi nito.
“Di ka naniniwala sa sinabi ko kanina?” Tanong ni Richard sa kanya na puno ng pagsusumamo ang boses ang at ang mga mata nito. “I miss you Marian..” buong pagsuyong sambit ni Richard ngunit ayaw magpadala ni Marian sa mga sinasabi ng lalaki sa kanya.
“I hate you!”
“I love you!” Mas hinigpitan pa ni Richard ang pagkayakap niya kay Marian habang nagpupumiglas itong makawala mula sa pagkakayakap nito sa kanya.
“Listen..Marian, di ko alam kong bakit galit na galit ka sa akin ngayon kahit sinabi ko na sa’yo ang totoo pero nasasaktan na din ako at lagi mo na lang akong iniiwasan. Namimiss na kita kahit lagi kitang nakikita. Sana kahit konti, sabihin mo kung bakit di mo parin ako magawang patawarin hanggang ngayon.”
“Kasi sa mga sinabi mo kanina , alam kong may hindi ka pa sinasabi..” Kaagad namang sagot ni Marian sa lalaki.
“Then tell me kung ano..kasi sa pagkaka-alam ko sinabi ko na ang lahat di lang para matahimik na si lolo pero para magka-ayos na din tayo.”
“Totoo ba ang narinig kong magkasama kayo ni Cheska sa iisang kwarto ng ilang beses?”
Naramdaman ni Marian na unti-unting lumuwag ang pagkakayakap ni Richard sa kanya kaya humarap siya dito. Gusto niya makita ang mga  mata ni Richard kapag sinagot na siya sa tanong niya nito. Gusto niyang malaman kung magsasabi ba ito ng totoo or pipilitin pa din siyang maniwala sa kanyang kasinungalingan.
“Oo. The first night I arrived back in Cebu, nagpunta ako sa room niya..para tapusin na ang lahat sa amin..Second was several nights before the opening of the hotel, lasing na lasing na kasi ito kaya tinawagan ako ng bar supervisor para ipaalam kung ano ang nangyari sa kanya. I only helped her, that’s it!”
Natahimik si Marian pagkatapos marinig ang paliwanag ng lalaki. Nang di na nagawang magsalita pa ni Marian, unti-unti namang binaba ni Richard ang kanyang tingin sa mga labi niya. Unti-unti rin itong inilapit ang mga labi sa labi niya hanggang sa tuluyan na itong dumampi sa labi ni Marian. Di man lang tumutol si Marian sa kanyang ginawa. Hanggang sa huli, sa kabila ng kanyang galit at pagtatampo kay Richard, di parin maikakaila na nami-miss niya ito lalong-lalo na ang mga halik nito sa kanya. Ang halik na isa sa mga naging kahinaan na niya na sa tuwing nararamdaman niya ito ay di na niya magawang tanggihan pa. Mas lalo pang idiniin ni Richard ang kanyang paghalik kay Marian hanggang sa tuluyan nang ibinuka ng babae ang kanyang bibig at lumalim ang kanilang halikan. Di na namalayan ni Marian ang pagkapit niya sa leeg ng lalaki bagay na mas lalong nagpapadiin ng mga labi nila, habang si Richard naman ay mas lalo pa siyang niyapos ng mahigpit.
Swept away by passion, love, and urgency. Richard began to kiss Marian fervently. His kisses from mild to wild, it travels down to the hollow portion of her neck and travels further to the top of her bosom. She can feel his hand moving from her back, then gently rubbing her side before it goes upward again and slip it  inside her blouse to fondle her breast. His kisses grew more intense at that moment, his tongue tasting her sweet mouth. Marian is now holding him tightly to keep herself from falling. Both breathing heavily. Eyes shut, feeling the moment as the intensity of their foreplay deepened.
“Touch me .. there…”
Marian said seductively, grabbing  his hand and lead him. Richard, engulf with their foreplay allow her to take the lead. This is the first time he heard her, it came as a surprise for him but he is more than willing to give her what she wants, if it means it will make her happy and satisfied. He eagerly wait as his hand travels down, enjoying the feel of her soft skin under his touch. And when it reaches the destination. .. Richard’s eyes flew open. “2nd day..”
He felt the barrier, the thick pad down there. Kitang-kita niya ang ngiti ni Marian dahilan ng kanyang pagka-dismaya dito. Tila gumuho ang mundo ni Richard sa kanyang natuklasan.
 
“MARIAN!!”
“What?!” pa-inosenting sagot ni Marian sa kanya.
“Are you trying to kill me?”
“Patay agad? Di ba pwedeng pinapa-excite muna kita?”
Namumula na si Richard sa inis at hiya. Both hands on his hips while shaking his head, still breathing heavily. He look at her with furrowed brows. Di alam kung maiinis o matatawa sa nangyari.
“Pinaparusahan mo ba ako? ”  
Ngumiti si Marian sa lalaki at lumapit dito, muling ibinalik ang isang kamay sa batok ng lalaki at nilalaro ang buhok nito. Idinikit pa lalo ang kanyang katawan dito na tila ba sinusubukan talaga ang pasensya ng lalaki. “Number one, di ako ang lumapit at yumakap .. number two, ikaw ang unang humalik .. number three, di ko kasalanan kung madali ka lang ma-turn on .. number four, alam mo na ang schedule ko di ba? Last month nga naka-ubos tayo ng isang box di ba? Don’t tell me di mo na natatandaan? Or.. namimiss mo lang talaga ang.. “ sandaling huminto si Marian sa pagsasalita at humagikhik na tila nang-iinis pa kay Richard. “ And.. last but definitely not the the least.. deserve mo naman sigurong maparusahan di ba? Ilang araw din ang bigat sa dibdib ko, kung papatawarin kita ngayon dahil lang sa simpleng kiss at pagbibigyan kita sa gusto mong mangyari.. ano yon, kiss and make-up sex na lang okay na?! Magdusa ka muna…”

Walang kahirap-hirap na inisa-isa ni Marian ang kanyang mga rason. Binibigkas ang bawat salita ng mahinahon at puno ng pang-aakit while she let her finger tips travel from his nape down to his arm, then lastly drawing light circles to his chest. She even give him an open-mouth kiss, nipping slightly on his lower lip, before leaving him and proceeded to their bedroom.
“MARIAANN!!!”

Walang ibang magawa si Richard kundi ang sumigaw dahil sa inis nito sa babaeng nang-iwan sa kanya na pinagtatawanan lang siya.






     Unang araw ng OJT ni Marian, huling hakbang at tuluyan na siyang makaka-graduate. Excited ang lahat ng kanyang mga kaibigan pati na rin si Richard. Nang umalis ito ng bahay ay mahabang diskusyunan ang nangyari sa pagitan nilang dalawa dahil sa tumanggi siyang sumabay dito pagpunta ng hotel. Di maintindihan ng lalaki kung bakit ayaw niyang makita ng mga tao sa hotel na sumabay siya dito sa pagpasok. Mahigpit rin ang bilin niyang huwag siyang lapitan ng lalaki sa oras ng trabaho niya at lalong-lalo na, ayaw niyang may special treatment at dapat patas lang ang trato sa kanya katulad ng sa iba. Nagbanta pa si Marian na sa oras na may isa siyang nilabag sa mga gusto niya ay hihinto ito at maghahanap ng ibang hotel kung saan siya pwedeng magpatuloy ng kanyang OJT. Dahil dito, walang magawa si Richard kundi ang pumayag.
Pasado alas-nwebe ng umaga nang pumasok si Lea sa opisina ni Richard upang ibigay ang report mula sa iba’t-ibang hotels nang maisipan niyang magtanong ng tungkol sa mga bagong trainees.
“ All of them are on their respective areas Sir, two of them nasa reception while the remaining three nasa Kitchen naka-assign.”
“So there are only five trainees? I thought six sila lahat?”
“No Sir, lima lang.”
“I see.. baka nasa ibang hotel nag OJT yung isa pa nilang kasama. What about Marian? I assume nasa reception siya naka-assign ngayon? By the way, nasabihan mo ba si Agnes na di siya pwede sa kitchen or any area na mahihirapan siya?”
“Sir?”
“Don’t tell me di mo na-inform? Lea, matagal na kitang sinabihan about dun di ba?”
“Umm.. Sir, I think there is a misunderstanding? Di po kasali si Ma’am Marian.”
“What?! You mean to say, nasa kitchen siya naka-assign today? Call Agnes and tell her ilipat ngayon din si Marian sa reception. What the heck are you guys thinking?!”
“No, Sir..I mean, wala po si Ma’am Marian sa mga bagong trainess natin. Siya po yung nag backout. Di ‘nyo po baa lam?”
“WHAT?!”
“Yes, Sir. Ngayon lang pong umaga nagsend yung university nila ng note informing us na lima lang yung tutuloy.”
“WHAT THE..”



Lubos ang pagkagulat ni Richard sa kanyang nalaman at napatayo siya sa kanyang upuan. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone na nasa mesa niya upang tawagan si Marian. May ilang beses niyang narinig ang pagring ng cellphone ng babae sa kabilang linya pero di ito sinagot ni Marian hanggang sa naputol na ito. Nang muli niyang tawagan ay wala paring sumasagot sa kabilang linya. Di kayang ipaliwanag ni Richard ang kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Magkahalong pag-aalala, takot, at pangamba. Pero mas higit ang takot niya kung bakit ay di niya alam.













*I do not own any of the photos used. Proper credit belongs to the rightful owners

14 comments:

  1. wow! i missed this... =) at anu na naman ang twist dito? nice one... kaabang-abang ito kasi may pangyayari pa... babalik pa ata si bart or new karibal for richard? =) tnx ms.con

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Everyone! This is nylcoen! Sorry kung di ako nakakapag-update, I don't know what happened but i'm currently trying to find ways on how to get into my account for a month already. Contacted the blogger admin already and they promised to help me fix the problem as soon as they can. =(


      Kamsahamida! God bless everyone!

      Delete
  2. hala! marian, where are you?! hmmmmm

    ReplyDelete
  3. natapos ko ding basahin, salamat at nagkaliwanagan na ang lovebirds tungkol sa problemang naganap. pero another heartache na naman kay Ricky babe na nag back out ang wifey nya, ang galing mo talagang mag twist ng kwento Con, pero ung pinakamagaling ay mabilis na lumabas si 29th hehehe, bukas ba lalabas ang 30th? LOL

    ReplyDelete
  4. aliw na aliw ako sa '2nd day' moment na yon...bitin na bitin ang Ricardo hah!...dusa ka muna Ricardo...isang box ng condom? golly...eh di ilang rounds ng tumblingan kaya yon?!...but sana magka-ayos na rin sila ni Marian at pwede ba wala ng gamitan ng condom...about time to start a family...thanks for the update Ms.Nylcoen...kailan kaya ulit?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Actually hanggang ngayon, tuwing binabasa ko ulit yung part na yon natatawa parin ako :D .. dadating din tayo sa "C" issue na yan..sa takdang panahon :)

      Delete
  5. Wow thank you for the update pero nabitin na naman ang mga adiks...... hope to have the next installment will be soonest!

    ReplyDelete
  6. Naku Ms Con anong nangyari Kay Marian at last minute eh nag backout siya ???? I can't wait for the chapter please!!!!

    ReplyDelete
  7. Thank you nylcoen sa update. Nawala si Marian, di kaya nagpunta sa Cebu at duon sya mago-ojt at para makaiwas na rin kay Richard? Naiexcite ako dito and hopefully may kasunod na soon........cheers!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hmmm usually di ako nagbibigay ng spoiler kasi minsan habang ginagawa ko ang next part may babaguhin ako at the last moment but..yes, sa iba nagpunta si Marian but definitely hindi sa Cebu kasi gusto niyang malayo kay Richard :D

      Delete
  8. Ms Con update please........ Thanks :-)

    ReplyDelete
  9. Ms Con makulit lang talaga ako...... update na please..... Thankeee

    ReplyDelete
  10. Ms Con update na please - pasensiya na sa kakulitan ko...... thanks

    ReplyDelete