Kinabukasan,
pagkauwi nina Richard at Marian sa mansyon ay magkatulong ang dalawa sa
pagasikaso ng mga gamit ni Richard na dadalhin sa Cebu. Si Marian mismo
ang pumili ng suit na susuotin ni Richard sa grand opening ng LHC.
Habang nag eempake, kapansin-pansin ang pagiging tahimik ng babae.
Malungkot ito at tila malalim ang iniisip. Ang lahat ng ikinikilos ni
Marian ay di nakalagpas ky Richard, alam niyang malungkot ang babae
dahil pag-alis niya. Di rin naman siya manhid na di maunawan na gusto
nitong sumama sa kanya sa Cebu pero iniiwasan niyang magbanggit ng
suhestiyong iyon kay Marian dahil malaking gulo ito kung sakaling
papayag ito na sumama sa kanya. Hanggang sa mga sandaling iyon, di parin
alam ni Marian at ng lolo niya na magkatrabaho silang dalawa ni Cheska
sa LMC. Kahit na wala naman siyang alam na iyon ang mangyayari at kahit
gaano na kaganda ang takbo ng relasyon nilang dalawa ni Marian, di parin
makuha ni Richard na aminin ito sa babae.
Konting tiis na lang Richard at maayos din ang lahat. Pagnagkalinawan na kayo ni Cheska wala ka ng problema.. Ang mga bagay na ito na lang ang iniisip ni Richard upang pakalmahin ang sarili.
“I will miss you Marian.” Bulong ni Richard nang magpaalamanan na ang dalawa sa may main door.
“Ako din, mamimiss kita..uwi ka kaagad after the event ha.”
“Of course. Di pa matatapos ang araw na iyon, nasa tabi mo na ako.”
“Promise ?!”
“Promise! I will call you often din, don’t worry..and one more thing, ingat ka while I’m away, please.”
“I will.. ikaw din ingat ka sa Cebu.”
Pagkatapos
ng isang goodbye kiss at mahigpit na yakap, sumakay na sa kotse si
Richard. Inihatid ang lalaki ni Jonas sa airport. Mas pinili ni Marian
na huwag ng sumama sa paghatid nito at mas malulungkot lang siya. Di pa
nga nakakalayo si Richard ang bigat na ng kanyang pakiramdam.
Ang OA lang Marian ha..para naman di na kayo magkikita muli..ilang days lang kaya kayo maghihiwalay.
Pinaalalahanan ni Marian ang sarili. Nang makalabas na ng gate ang
sasakyan kung saan lulan si Richard ay bumalik na sa loob si Marian at
nagkulong na sa kwarto.
“Manang,
naaawa ako kay Marian ..malungkot sa pag-alis ni Sir Richard.” Bulong
ni Mabel kay Manang Fely. Kasalukuyang nagliligpit ang dalawa sa may
dining table.
“Oo nga eh, ito naman kasing si Ricardo, kung bakit di nalang niya isinama si Marian wala na namang pasok yung asawa niya.”
“Oo nga po, Manang..eii Manang, baka naman…baka naman…”
“Baka naman ano?”
“Eii
kasi, di ba parang nakapagtataka kasing di niya isinama gayung kung
andito naman silang dalawa di niya nilulubayan sa kakatawag at kakasunod
ang asawa niya kahit may pasok..tapos ngayon basta na lang niya iniiwan
ito eh wala namang ginagawa si Marian dito sa Manila. Di kaya ..di
kaya…”
“Di kaya ano?”
“Eii kasi di ba parang…parang..”
“Mabel
naman ang kulit eh! Bakit na lang kasi di na diretsuhin pa!” hirit ni
Dorina na biglang na lang sumulpot sa may likuran nina Mabel at Manang
Fely. Sa gulat ng babae ay muntik ng mabitawan ang dala nitong tray.
“Ay palaka! Dorina naman! Bakit ba bigla ka na lang sumusulpot at nakikisali sa usapan namin!”
“Eii sorry naman! Narinig ko lang naman kasi ang pinag-uusapan ninyo ng di sinasadya.”
“Shhhh!
Hinaan ‘nyo ang boses ninyo at baka marinig tayo ng amo natin sa taas.
Ngayong wala si Richard dito at wala yung taong kausap niya palagi di
makapagtataka na madali lang tayong marinig ni Marian kaya huwag kayo
masyadong maingay..” bulong ni Manang Fely sa dalawang kasama.
“Sorry po!” sagot naman ng dalawa.
“Hali
na nga kayo dito sa kusina, baka bigla na namang bumaba yon at marinig
pa tayo..tara na!” bitbit ang kani-kanilang tray na may lamang kubyertos
ay magkasunod na naglakad ang tatlo patungo sa kusina. Habang nilalapag
ni Manang Fely ang dalang tray ay di ito nakatiis at tinanong kaagad si
Mabel. “Mabel, ano ba yung gusto mong sabihin kanina?”
“Ang alin po?”
“Yung kanina…yung binibitin-bitin mong sabihin sa akin bago pa sinira ni Dorina ang eksena!”
“Ah
yon! Hihihi..ito si Manang talaga oh, kunwari pa talaga pero chismosa
din pala!” biro ni Mabel sa matanda, nagtawanan silang dalawa ni Dorina
ngunit nang makita ang seryosong mukha ng matanda ay tumahimik kaagad
ang dalawa. “Sorry po..”
“May alam ka bang di ko alam?”
“Eii
di naman po sa ganun, Manang..ito ay obserbasyon ko lang naman…Pero di
kaya may tinatago si Sir kaya di niya isinama si Marian sa Cebu? “
“Tinatago? Ano naman yon?” napakunot noo ang matanda ng marinig si Mabel.
“Ah
alam ko na! Baka ang ibig sabihin ni Mabel Manang, baka may tinatagong
magandang chic si Sir sa Cebu at kaya di niya sinama si Marian kasi ayaw
niyang malaman ito ng asawa niya..eii di naman nakakapagtataka kung
meron man di ba..sa gwapo ni Sir, maraming babae ang magkakagusto sa
kanya, tapos ang yaman pa..malamang hindi seryoso si Sir baka …alam mo
Manang..”
“Yon
nga bestfriend ang ibig kong sabihin…kuhang-kuha mo yong iniisip ko
eh..kasi di ba di naman talaga imposibleng mangyari lalo pa at
matagal-tagal din siyang andun sa malayo tapos..”
“Naku
Dorina..Mabel..tigil-tigilan nyo sa paggawa ng kwento si Ricardo ha!
Bakit noong di pa yan nag-asawa may nakita ba kayong dinala yan na kung
sinu-sinong babae, ha?! Ngayon pa kayang nag-asawa na siya saka pa
magloloko?” namumula ang mukha sa inis ang matanda ng malaman kung ano
ang iniisip ng dalawa tungkol sa kanyang alaga. “Di ninyo alam kung
anong klaseng tao magmahal yang batang yan kaya huwag kayong mag-isip ng
kung anu-ano!”
“Eii sorry po..naisip ko lang po naman yon, di ko naman talaga sinabing tama talaga ako..”
“Pwes huwag ka na mag-isip kung yon lang din ang maiisip mo!”
“Ahahaha!
Naku bff! Minsan ka nga lang mag-isip di kapa pinahihintulutan ni
Manang! Saklap ng life teh!” tinawanan ni Dorina ang kaibigan kaya isang
kurot sa tagiliran ang kanyang natanggap sa matanda.
Ang
mga gabing di niya kapiling si Richard na ata ang pinakamahirap na gabi
para kay Marian. Unang gabi pa lang na di sila magkasama pakiramdam
niya ay ang haba ng gabing iyon. Nakatanggap lang ng isang text si
Marian mula sa lalaki na nagsasabing narating niya ng maayos ang Cebu.
Nakasaad din sa text ang pagnanais nitong tawagan siya ngunit dahil sa
late na ay nangako itong kinabukasan na lang siya tatawag upang
makapagpahinga na silang pareho, dahil sa kagustuhang makausap na ang
lalaki, gusto ng hilahin ni Marian ang oras upang dumating na ang umaga.
Kahit anong pilit ipikit ni Marian ang mga mata upang palipasin ang
oras ng mas mabilis ni isang minutong pag-idlip ay di niya makuhang
gawin.
Sadya
talagang kapag may hinihintay ka, parang ang bagal ng takbo ng oras at
kapag nasa iyo na ang pagkakataong hinihintay mo, ganun din naman
kabilis ang oras para lasapin mo ito ng todo-todo. Pagkalipas ng isang
gabing walang tulog, nakausap narin ni Marian sa wakas ang lalaki.
Ngunit sa kasamaang palad, di pa nga sila nagkakausap ng matagal ay
napilitan si Richard na tapusin na ang tawag nang mabisto niyang di pa
nakakatulog si Marian. Paulit-ulit kasi nitong narinig ang paghikab ng
babae kaya upang makapagpahinga na ito ay nagpaalam na si Richard.
Pagkatapos nilang mag-usap ng sandali ay tuluyan ng dinalaw ng antok si
Marian at nakatulog na kaagad. Di man lang niya narinig ang pagkatok ni
Manang Fely sa pinto maging ang pagpasok nito sa kwarto nang di siya
sumagot sa pagtawag nito sa kanya. Nang makita ni Manang Fely na
mahimbing itong natutulog, hawak pa din ang cellphone niya, iniwan na
lang siya ng matanda para magpatuloy sa pagpapahinga.
Lunes
ng umaga, ang araw kung kailan aalis silang magbabakarda, hindi
magkaugaga si Marian sa pagaayos ng gamit niya habang naghihintay ang
mga barkada sa labas ng gate nila. Lulan ang mga ito ng isang itim na
van. Mabuti na lang at nagdesisyon na si Edselyn na bumaba at tulungan
na lang siya upang mas mapabilis ang ginawa niyang pag-eempake. Di kasi
ito nagawa ni Marian kahapon. Buong araw siyang walang ibang ginawa
kundi ang matulog at nang kinagabihan pagkagising niya ay tinawagan siya
ulit ni Richard, tuluyan na niyang nakalimutan ang tungkol sa bakasyon.
Bago
tuluyang umalis ay tinawagan ni Marian ang kanyang nanay at si Lolo
Roberto para magpaalam sa mga ito sabay ang pangakong bibisitahin niya
ang dalawa pagbalik niya galing sa bakasyon. Huling tinawagan ni Marian
si Richard upang ipaalam dito na paalis na siya ng mansyon.
“Hello
hello hello!!” Masayang bati ni Marian pagsampa nito sa van kasunod ni
Edselyn na nakaupo na sa
upuang nasa bandang kaliwa. Siya naman ay
piniling umupo mag-isa sa tabi ng upuan ni Edselyn. Isa-isang hinalikan
sa pisngi ni Marian sina Ruby at Mary Faith na magkatabing nakaupo sa
bandang likuran ng inuupuan niya. Sa likod naman ng inuupuan ni Edselyn
ay nakita nito si Bart na solo ring nakaupo doon. Kumaway ito sa kanya
at ngumiti, sinuklian naman din ni Marian ng isang ngiti ang lalaki
bilang pagbati dito.
“Hay
salamat at natapos ka rin, akala namin dadalhin mo na ang buong mansyon
mo at ang tagaaaaaal mo!” biro ni Joshua kay Marian nang tinapunan niya
ito ng tingin, babatiin na sana niya ang lalaki pero natigil siya ng
marinig ang sinabi nito. Katabi ng lalaki na nakaupo sa bandang likod ng
van si Daniel na mukhang nakatulog na sa paghihintay sa kanila.
“Tseh!
Kahit kailan talaga Joshhh– Teka! Anong nangyari diyan sa bibig mo?!”
nagulat si Marian ng mapansin ang maliit na sugat sa gilid ng bibig ng
kaibigan. Medyo nangingitim din ng kaunti ang bibig ni Joshua kaya di
nakapagtatakang mapansin niya ito.
Walang
sinuman ang gustong sumagot sa tanong ni Marian, kapansinpansin ang
pag-iwas ng iba na tumingin sa kanya parang natatakot na magsalita
hanggang sa binasag ang katahimikan sa loob ng van ng isarado ng driver
ang pinto ng sasakyan matapos nitong mailagay sa compartment ng van ang
kanyang mga gamit.
“Aalis na po ba tayo, Sir?” tanong ng driver kay Emman na naka-upo sa may front seat katabi nito.
“Yes po Manong.”
“Sino
yung nagdrive?” bulong ni Marian kay Edselyn, nabaling ang atensyon
niya sa driver na katabi ni Emman. Kahit nakatalikod ito sa kanya, sa
porma pa lang nito alam na kaagad ni Marian na hindi ito ang driver nina
Emman. Matanda na kasi ang driver nina Emman na may ilang beses na rin
niyang nakita ngunit ang driver na kasama nila ngayon ay medyo bata pa
kumpara sa driver nina Emman.
“Ay
Marian, si Manong Alfred nga pala. Kaibigan siya nung driver namin,
nung malaman kasi ni Daddy na pupunta tayo sa bahay ng pinsan ko di siya
pumayag na wala tayong dadalhing driver kasi medyo malayo din ang byahe
and since may mahalaga din silang lakad ni mommy, siya yung kinuha niya
para magmaneho sa atin. Don’t worry, sagot na ni Dad ang bayad sa
kanya.”
“Ah okay, mas mabuti nga din na iba ang magmaneho kung ganung malayo ang pupuntahan natin. Tara na?”
“Okay!
Tayo na Manong!” Binuhay na kaagad ni Alfred ang makina ng sasakyan at
ilang sandali lang ang nakaraan ay tinatahak na ng van ang national
highway papuntang norte.
Masaya
ang mga barkada ni Marian dahil kumpleto silang nagbakasyon. Buong
akala talaga nila malabo ng makasama si Marian matapos ang insidenting
nangyari sa university kung saan hinimatay si Marian. Kagaya ng laging
nangyayari kapag magkakasama sila, puro tawanan, asaran, at kwentuhan
ang magbabarkada. Kahit namimiss parin ni Marian si Richard, kahit
papaano ay nakakatawa na siya sa mga sandaling yon. Di narin niya
masyadong naiisip ang lalaki, di tulad noong mga nakaraang araw na
nagmumukmok na lang siya at laging naka-abang sa pagtawag nito.
May
ilang oras din ang kanilang nilakbay bago narating ang lugar na
pagbabakasyunan nilang magkakaibigan. Sa layo nito ay nakatulog na
silang lahat maliban kay Emman na kailangang manatiling gising upang
magbigay ng direksyon kay Alfred. Saka pa sila ginising ni Emman nang
marating na nila ang rest house ng pinsan nito.
“OH
MY GOODNESS!” Ito ang tanging nasambit ni Edselyn habang napatunganga
na lang sina Mary Faith at Marian nang tumambad sa kanila ang 2-storey
modern rest house sa di kalayuan. Napalibutan ng salamin ang first floor
ng puting bahay kaya mas nagbigay ito ng kaaya-ayang tanawin sa kabuuan
ng rest house. May mga magagandang halaman din sa paligid at iilang
palm trees sa bawat magkabilang gilid ng hagdan na dinadaanan nila
patungo sa bahay. Habang naglalakad patungong main door, tila may
bumubulong na kay Marian kung ano ang makikita sa malaking bahay na
iyon, at di nga siya nagkamali, ilang sandali lang matapos nilang
pumasok sa loob ng bahay kaagad ng ipinagmalaki ni Emman ang malaking
infinity pool sa may likod ng bahay.
Uh oh! Bulong
ni Marian sa sarili. Naalala kasi niya ang bilin ni Richard sa kanya.
Sa ibabang bahagi ng bahay kung saan nakatirik ang rest house ay tanaw
nila ang isang beach na sa kwento ni Emman ay pribado ito na
pinagmamay-ari naman ng isang Aleman na naging kaibigan na rin ng pinsan
ni Emman at ng Amerikano nitong asawa. For goodness sake! How can I resist the temptation! Pagsusumigaw ng isip at puso ni Marian habang nakatingin sa kulay asul na tubig ng swimming pool at ng dagat sa di kalayuan.
Sa
kasalukuyan, wala ang mag-asawang may-ari ng rest house sa bansa at
tanging ang caretaker na mag-asawa lang ang nakatira dito kaya tiyak
silang lahat na ma-eenjoy nila ang lugar sa loob ng limang araw na
pananatili nilang magkakaibigan. At dahil inasahan ng mga tagapamahala
ng bahay ang pagdating nila, may nakahanda ng pananghalian sa mesa
pagkadating nila. Pagod at gutom sa byahe, din a nagpatumpik-tumpik ang
lahat at pinagsaluhan na ang pagkain sa mesa. Habang kumakain ay nag
usap-usap sila at nagkasundong magbibigay na lang sila ng pera sa
mag-asawa para sila na ang bahalang mamili para sa limang araw ng
pagkain at kakailanganin nila. At dahil apat na kwarto lang ang pwede
nilang gamitin, tigdadalawang tao ang magkakasalo sa iisang kwarto. Si
Edselyn ang naging partner ni Marian. Sina Mary Faith at Ruby sa kabila,
si Joshua at Daniel ang magkapareha habang si Emman naman at si Bart
ang magkasama. Pagkatapos kumain ay kaagad nang pumasok sa kani-kanilang
kwarto ang mga magkapareha upang ayusin ang mga gamit nila.
Sa
loob ng kwarto nila, habang inililigpit ang mga gamit napagusapan nina
Marian at Edselyn ang nangyari sa university kamakailan at di
sinasadyang mabanggit ni Edselyn ang nangyaring suntukan sa pagitan ni
Joshua at ng ibang schoolmates nila dahil sa pagtatanggol ng lalaki kay
Marian. Nagulat si Marian nang malaman iyon at lubos ang pagkalungkot
niya na kinailangan pang may mangyari sa kaibigan niya upang ipagtanggol
lang siya laban sa mga taong humuhusga sa kanya.
Sa
kwento ni Edselyn di raw sinasadyang marinig ni Joshua ang isang
komento mula sa isang lalaki na kaya daw nag-asawa kaagad si Marian kay
Richard kasi mayaman ito pero di talaga nito mahal ang lalaki at ang
totoong mahal ni Marian ay si Bart kaya di nito maiwan-iwan si Bart.
Nang marinig ng kaibigan ang sinabi ng lalaki ay pinagsabihan pa raw ito
ni Joshua na tumigil na sa ikinakalat na di magandang kwento at di ito
totoo pero nang sabihin ng lalaki na kaya raw kinokonsenti ng mga
kaibigan nila si Marian dahil nakikinabang din daw ang mga ito sa perang
nakukuha ni Marian sa asawa niya. Di nakapagpigil si Joshua kaya
sinuntok na ang lalaking nambastos sa kanila.
“Alam
mo naman yang mga yan mahilig lang yang mang-asar sa atin pero sa oras
na may mang bully sa ating ibang tao handa naman tayong ipaglaban ng mga
iyan.”
“I
know Eds pero di ko parin maiwasang makonsensiya. Ayan tuloy nasaktan
pa si Joshua and worst pati kayo nadamay na dahil lang sa mga maling
desisyon ko.”
“Huwag
mo na lang gaanong intindihin yon, ang importante nalaman din nung mga
‘yon na hindi ka gaya ng kung ano ang iniisip nila sa’yo. Kung ako din
naman yung nakarinig nung sinabi ng lalaking iyon, kahit lalaki pa siya
handa rin akong makipagsuntukan sa kanya noh!”
“Aww
Eds! I truly appreciate kung gaano ninyo ako ipinaglalaban pero alam ko
din namang may kasalanan din ako sa nangyari. Kung sana kasi di na ako
nakipagkaibigan pa kay Bart eh di wala na sanang ganyang hakahaka na
lumabas pa. Dapat kasi nilayuan ko na si Bart eh.”
“Tama
na.. wala naman kasing naka-isip na ito ang magiging ending ng story
ninyo ni Richard. From the start alam naman kasi naming kay Bart ka
talaga may gusto kaya may kasalanan din kami sa nangyari..By the way,
ano na pala ang plano mo about Bart?”
“Kakausapin
ko siya sa lalong madaling panahon. Nangako ako kay Richard kaya
kailangan ko tuparin, kahit hindi madali at alam ko umaasa talaga si
Bart na hindi mauwi sa seryosohan ang pagsasama namin ni Richard pero
kailangan ko naman ding sabihin sa kanya ang totoo. Ayoko siyang umasa
ng umasa.”
“Agree
with you girl! Kailangan na nga niyang malaman ang totoo. Nakakaawa din
yung sitwasyon niya. The soonest na makausap mo siya, the better. “
Walang
inaksayang oras ang magkakaibigan, pagkatapos nilang ayusin ang mga
gamit sa kani-kanilang kwarto ay kaagad na nilang inaya si Emman na
ipasyal sila sa beach. Sakto namang naglalakad dalampasigan ang Aleman
na may-ari kaya nakahingi ng permiso si Emman mula dito kung pwede
silang bumaba, di naman naging madamot ang Aleman at pinayagan sila.
Isa-isang pinakilala ni Emman ang mga kaibigan kay Patrick, ang may-ari
ng beach. Palangiti at palakaibigan kaya di sila nailang na makipag-usap
dito. Marahil naaliw din ito sa kanila kaya sinabihan pa silang welcome
silang bumaba at magswimming sa beach kahit na anong oras na gusto
nila, bagay na di raw laging ginagawa ng Aleman kwento ni Emman sa
kanila nang iniwan na sila ni Patrick ilang sandali ang lumipas. Ilang
oras din silang nanatili doon at dahil di pa nakabihis ng panligo,
nagkasya nalang silang umupo at magkwentuhan doon habang hinihintay ang
paglubog ng araw bago nagpasyang bumalik sa rest house na tinutuluyan
nila.
Sa
buong araw na iyon, di natuloy ang plano ni Marian na kausapin si Bart.
Hinintay kasi niya ang pagkakataong maka-usap ito ng sarilinan pero di
sila nagkaroon ng pagkakataong makapag solo. Nang tumawag si Richard
kinagabihan kaagad itong nagtanong tungkol dito kaya nang malaman nitong
hindi pa ito nagawa ni Marian, di maiwasang makonsensya ang babae.
“Sorry, sorry talaga..wala pa kasing magandang pagkakataon. Bukas susubukan ko ..”
“I understand..di naman madali ang gagawin mo.”
“Please
huwag ka ng magtampo..bukas talaga promise gagawin ko na..alam na naman
ni Eds yung plano ko kaya hihingi ako ng tulong sa kanya para maka-usap
ko ng maayos si Bart..please huwag ka ng magtampo, okay?”
“Sweetheart..di
naman ako nagtatampo, sabi ko nga di ba naiintindihan kita.” Puno ng
paglalambing na sinabi ni Richard kay Marian.
Di maiwasang mapatawa si Marian ng marinig ang pagtawag sa kanya ni Richard ng sweetheart. Di niya malaman kung bakit pero natatawa siyang marinig ito mula sa lalaki.
“Sweetheart
ka diyan! Hoy Mr. Lim, si Marian to..anong sweetheart ka diyan? Tell
me, sino yang tinatawag mong sweetheart ha?!” pabirong sagot ni Marian
sa lalaki kahit alam naman nitong siya ang tinutukoy ni Richard. Di kasi
niya maintindihan ang kanyang nararamdaman kung kinikilig ba siya o
naaasiwa sa narinig mula dito.
“Oo
alam ko ikaw yan. Bakit ayaw mo ba tawagin kita niyan? The last time
tinawag kita ng Yani ayaw mo, pati ba naman sweetheart ayaw mo din? Para
naman maiba at medyo sweet naman pag tinatawag kita. Lahat sila ang
tawag sa’yo Marian di ba? Gusto ko naman gawing special yung tawag ko
sa'yo, yung ako lang talaga ang tumatawag niyan at wala ng iba.”
“Ganun? Ang selfish mo naman Mr. Lim.” Biro pa ni Marian pagkatapos ay humagikhik pa.
“Kung ikaw ang pinag-uusapan Mrs. Marian Dela Rosa Lim, selfish ako.”
“Oo na, Mr. Lim..di na kita kokontrahin.” Nakangiting sagot ni Marian sa lalaki. Kinikilig pero ayaw ipahalata sa lalaki.
“Buti naman!”
Ilang
minuto pa ang inabot ng usapan at kulitan ng dalawa bago nagpaalam si
Richard. Bumalik naman si Marian sa loob ng bahay pagkatapos nilang
mag-usap. Di na naabutan ni Marian ang mga kaibigan sa sala kung saan
niya iniwan ang mga ito. Di nakapagtatakang maagang nagsitulugan ang mga
kasama dahil sa madaling araw pa sila nagsimula ng kanilang biyahe.
Pati si Marian ay nakaramdam narin ng antok at pagod kaya dumiretso na
si Marian sa kwarto nila ni Edselyn para magpahinga narin.
Inakala
ni Marian hanggang kinabukasan ay di parin siya makakakuha ng tamang
tyempo upang makausap ng sarilinan si Bart, buong araw kasing
magkakasama silang magbabarkada. Umaga pa lang nasa beach na sila, buong
akala niya nang sinabi niyang di siya maliligo ay sasamahan siya ni
Bart. Lagi kasi gumagawa ng paraan ang lalaki na samahan siya tuwing may
gagawin o lalakarin si Marian at mag-isa lang siya ngunit di ito ginawa
ng lalaki kaya mag-isa lang siyang nakaupo sa may dalampasigan at
nakamasid sa kanyang mga kasamahan habang masaya silang naliligo sa
dagat. Di parin siya nawalan ng pag-asa at inakalang darating ang
sandaling maisipan nitong lapitan siya at samahan ngunit di ito
nangyari.
Nang
nasa rest house naman sila, ilang beses rin siyang lumalapit at
sinubukang maunang magsimulang makipagkwentuhan sa binata pero tuwing
sasabihin na sana niya ang gusto niyang sabihin kay Bart, lagi naman
silang nadidistorbo ng iba nilang kaibigan kaya di niya maumpisahan ang
kanyang pakay sa binata.
Nang
di na makatiis si Marian, hiningan na nito ng tulong si Edselyn at
pumayag naman ito sa kanyang pakiusap. Kasalukuyang nanonood ng palabas
sa t.v ang kanyang mga kaibigan nang sumenyas si Edselyn na lumabas muna
siya at magpunta sa poolside. Alam na kaagad ni Marian na ito na ang
kanyang hinihintay na pagkakataon. Habang hinihintay ang pagsunod ni
Bart sa kanya, di mapakali si Marian kaya naisip niyang umupo na sa
gilid ng pool at ilubog ang dalawang binti sa malamig na tubig umaasang
mapapakalma nito ang kabang nararamdaman niya. Nangangamba kasi siya sa
maaring kahihinatnan sa pag-uusap nilang dalawa ng lalaki. Maya-maya pa
ay narinig na niya ang pagtawag ni Bart sa kanyang pangalan nang
tumingala siya ay nasa tapat na niya ito at nakatungo sa kanya.
“Bart!
Halika .. ” Pinaupo niya ito sa kanyang tabi at pinilit niya ang
sariling ngumiti dito upang itago ang kanyang nararamdaman ngunit
biglang naputol ang ngiting iyon ng biglang marinig ni Marian ang
pagtunog ng kanyang cellphone na kasalukuyang nasa bulsa niya. Nang
kunin niya ito at tignan, mas lalo lang siyang kinabahan ng malamang si
Richard ang tumatawag. Ayaw sana niyang sagutin pero alam niyang kapag
di niya ito sasagutin ay di rin ito hihinto sa kakatawag kaya wala
siyang magawa kundi sagutin ang tawag ni Richard. “Umm teka lang
ha..sandali lang 'to..” tumayo si Marian at naglakad palayo upang di
marinig ni Bart ang pag-uusap nilang dalawa.
“Hi sweetheart! “ masayang bati ni Richard sa kabilang linya.
“H-hi! Napatawag ka?” sagot ni Marian sa lalaki, mahina ang boses nito di siya marinig ni Bart na nasa di kalayuan lang.
“Napatawag ka?.. Bakit lagi naman kitang tinatawagan ah..”
“Oo nga naman..sabi ko nga..”
“Anyway, nag dinner ka na?”
“Oo naman, kanina lang..teka, may importante ka bang sasabihin kasi may gagawin pa akong importante..”
“Wala naman .. oh! Bago ko makalimutan..nag-usap na ba kayo ni Bart?”
“Eto na nga yung sinasabi kong importante eh, kaso pinutol mo na naman ang pagmo-moment namin ni Bart..”
“Really? Hmph! Bakit sa pagkakasabi mo parang may galit akong nararamdaman? Ayw mo yata kausapin si Bart eh!”
“
Ah ganun? Pwes, Richard Lim manigas ka at di ko na talaga kakausapin si
Bart!” Alam ni Marian na tinutukso lang siya ni Richard naisipan niya
rin itong biruin. Habang kinakausap si Richard ay lumingon si Marian sa
kinaroroonan ni Bart, nakita niya itong nakatungo lang ang lalaki habang
naglalaro ang mga binti nito sa tubig ng pool.
“Just kidding! Sige na kausapin mo na yan..tawagan na lang kita mamaya. Bye!”
Pagkatapos
ibaba ang tawag ay muling nilapitan ni Marian si Bart at umupo sa tabi
nito, kagaya ng kanyang ginawa kanina, muli niyang inilublob sa tubig
ang dalawa niyang paa. Nang mag angat siya ng tingin ay nakita niyang
tinititigan siya ni Bart dahilan kaya muling nanumbalik ang kaba sa
kanyang dibdib.
Oh please! Huwag mo akong titigan ng ganyan at baka di ko na masabi ang dapat kong sabihin..
“Marian..may
gusto ka bang sabihin?” seryosong tanong ni Bart sa kanya, kahit hindi
masyadong maliwanag sa sulok na iyon kung saan sila naka-upo ay batid ni
Marian na seryoso din ang ekspresyon ng mukha ng lalaki. Pangalawang
beses pa lang nito nakita na ganoon ang anyo ng lalaki . Ang una ay
noong nagtapat ito ng pag-ibig sa kanya sa restaurant at pangalawang
beses na ngayon.
“Uhmm..
Bart, gusto ko sanang magpasalamat sa pagtulong mo sa akin noong
nakaraang linggo. Di pa ako pormal na nakapagpasalamat sa’yo kasi di na
tayo nagkaroon pa ng chance na mag-usap ng matagal pagkatapos nang
nangyari sa akin. Actually kung iisipin nga, halos lahat ata ng
kamalasan na nangyayari sa akin recently lagi kang andiyan para tulungan
ako kaya lubos akong nagpapasalamat na lagi kang andiyan para sa akin.”
“Marian
kahit di ka magpasalamat wala lang naman sa akin yon eh..Kaya huwag mo
nang isipin yon, okay? Masaya ako na natutulungan kita.”
“No
Bart, ang laki na ng utang na loob ko sa’yo, alam mo ba yon? Kaya super
super thank you talaga Bart. Para kang si Superman, isang sigaw ko lang
andiyan ka na kaagad.” Isang matamis na ngiti ang pinakita ni Marian sa
lalaki upang iparating dito kung gaano siya nagpapasalamat sa lahat ng
tulong nito sa kanya.
“Ganun? Ginawa mo pa akong cartoon character!” tumawa si Bart matapos sabihin ito.
“Bakit ayaw mo ba? Ang cool kaya ni Superman, ang gwapo at ma-muscle pa ..uyyy Bart the Superman!” biro pa ni Marian sa lalaki.
“Ayoko
nga! Kahit pa sangkatutak ang muscles niya sa katawan isa parin siyang
fictional character, di totoong tao, kaya di rin totoo ang mga
nagagawang tulong. Ano ako, peke?”
“Choosy
ka pa! O siya..sige na nga..Bart the Lifeguard! Ayan ha, totoong tao na
yang mga lifeguards at totoong tumutulong narin sa mga tao.”
“Hmmm..okay naman siya..marami nga siyang taong natutulungan…pero mas gusto ko kung maging personal lifeguard mo..”
Di
kaagad nakapagsalita si Marian ng marinig ang sinabi ni Bart sa kanya.
Kung hindi na sana gaanong seryoso at nakakailang ang pag-uusap nilang
dalawa saka naman bumalik sa pagiging seryoso si Bart. Di pa nakatulong
sa sitwasyon nila nang bigla na lang hinawakan ni Bart ang kanyang
kamay. Gusto sanang bawiin ni Marian ang pagkakahawak ng lalaki sa kamay
niya ngunit ayaw nitong bumitiw sa kanya.
“Bart..”
“Marian,
I’m sorry..just-just hear me out, okay?” mahinang sabi ni Bart,
nagsusumamo sa kanya na pakinggan muna siya sa kanyang sasabihin.
Napalunok na lang si Marian at di na nagawang magsalita. “Marian,
honestly..I’m starting to get scared .. di ko na alam kung ano ang
gagawin ko. Ayoko isipin pero di ko na gusto ang mga napapansin ng mga
mata ko..Tell me, Marian..please tell me mali ako..na mali yung mga
nakikita ko.” Mahigpit na ang pagkakahawak ni Bart sa kamay ni Marian,
di pa ito nakuntento at kinuha ang isa pa nitong kamay upang tuluyang
humarap na si Marian sa kanya.
Ang
lakas ng kabog ng dibdib ni Marian sa mga sandaling iyon, parang
pinaghihinaan na siya ng loob nang makita ang mga mata ni Bart habang
nakatitig sa kanya. Nakikita niya dito ang pait at sakit ng nararamdaman
ng lalaki sa mga sandaling iyon. “Bart..” mahinang tugon ni Marian,
pinipigilan ang sarili sa takot baka tuluyan ng tumulo ang luha niya
dahil sa awa sa lalaki. Buong akala niya matapang na siya para harapin
ang at kausapin ang lalaki pero nagkamali siya. Bart will always have a
special spot in her heart, at napatunayan niya iyon sa sarili sa mga
sandaling iyon.
“Marian..please
don’t tell me you are falling for – him..please, don’t..” mahinang
pagsusumamo ni Bart. Tuluyan ng pumatak ang luha ni Marian pagkatapos
marinig ang sinabi ni Bart. Kahit gaano niyang pigil, isang kurap lang
at isa-isa ng pumatak ang mga luha niya.
“B-Bart..I’m..I'm sorry…sorry..”
“Akala ko ba..but why, Marian? hmm?"
“ I just do..Di ko alam, basta mahal ko na siya..”
“Bakit?—Bakit nga? Bakit sa kanya?”
“Kailangan
ba may rason kung bakit mahal ko siya?.. Kung bakit sa kanya pa di ko
rin alam Bart so please, huwag mo na lang akong tanungin..please.. Wala
na akong ibang masasabi pa sa’yo kundi mahal ko si Richard.”
Sa
puntong iyon, kasabay ng pagbaba ng tingin ni Bart ay ang pagpatak din
ng luha nito sa mga mata. Pakiramdam ni Marian parang pinipiga ang puso
niya ng makita na nasaktan ang taong walang ibang ginawa kundi ang
pahalagahan siya at alagaan. Binabalot siya ng konsensya pero wala
siyang magawa at kailangan din naman niyang sabihin ang totoo sa lalaki.
“Sinabi rin ba niyang mahal ka niya?”
“He
made me feel that I am loved and that’s all that matters to me. I
always believe that action speaks louder than words, Bart..”
“Is
that the reason why tinalikuran mo ako? Because I chose to tell you
upfront na gusto kita.. na mahal kita kaya di naging sapat para sa’yo?
“Bart..please?..Don’t
make it harder for both of us. Maiintindihan ko kung di mo ako
mapapatawad for making you wait. Maiintindihan din kita kung ayaw mo na
akong maging kaibigan pero gusto ko lang maging tapat sa’yo instead of
making you believe na may pag-asa pa na maging tayo. I am married to
Richard and we intend to keep our marriage.” Mahinahong saad ni Marian
kay Bart.
“Masaya ka ba?”
“Yes.”
“Inaalagaan ka ba niya? Pinapasaya?”
“Of course.”
Isang
malalim na buntong-hininga ang narinig ni Marian mula kay Bart
pagkatapos ay sandali nitong niyuko ang ulo. Dahan-dahang naramdaman ni
Marian ang pagluwag nang pagkakahawak ni Bart sa kanyang mga kamay
pagkatapos ay muli siya nitong tiningnan sa mata. Isang mapait na ngiti
ang pinakawalan ng mga labi ng lalaki sabay ang mahinahon at mahina
nitong pagsasalita. “Then I should set you free. I have no right to keep
you from your happiness.”
“Bart..” parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Marian nang marinig ang mga salitang iyon mula sa lalaki.
“
Gaya ng sinabi ko noon sa mga kaibigan mo, until the day na ikaw na
yung magsasabing huminto na ako..hihinto na ako Marian. Masakit pero
ayoko pigilan ka kung masaya ka na kay Richard, di kita pipigilan
Marian. Kahit pa ganun ang mangyari, gusto ko lang sabihin sa'yo na di
ko maipapangako na tuluyan na kitang pabayaan, because I still care for
you.. kahit yon na lang, huwag mo naman ipagkait sa akin yon.”
“Aww
Bart..” Di napigilan ni Marian ang sarili, niyakap niya ang lalaki ng
mahigpit. “Masaya ako dahil sa sinabi mong yan..ibig sabihin gusto mo
parin akong maging kaibigan at nagmamalasakit ka parin sa akin. Just
like you, I still care for you and to our friendship..malulungkot din
naman ako kung pati yon mawawala sa pagitan natin.”
Ilang
sandali ring nagtagal ang pagyayakapan ng dalawa hanggang sa si Marian
na ang unang kumalas. Kapwa di namalayan ng isa’t-isa na umiiyak pala
silang dalawa ng mga sandaling iyon.
“Bakit ka ba umiiyak?” biro ni Bart habang pinapahid ang sariling mga luha sa pisngi.
“Ikaw
kasi eh..” nakangiting sagot ni Marian habang pinapahid din ang mga
luha niya. Pinagtawanan ng dalawa ang kanilang mga sarili pagkatapos.
Ilang
oras pang nagtagal ang dalawa sa may poolside hanggang sa isa-isang
nagsilabasan ang kanilang mga kaibigan upang tumambay narin doon.
Maya-maya pa ay nagkayayaan ng magswimming sa pool ang mga ito ngunit di
na sumali si Marian.
Nang
tumawag ulit si Richard ay kinamusta ng lalaki ang naging pag-uusap
nilang dalawa ni Bart. Ayaw ng idetalye ni Marian ang naging usapan nila
ni Bart dahil nahihiya siyang malaman ni Richard ang madramang
pag-uusap nilang dalawa sa takot rin niyang tuksuhin ulit siya ni
Richard. Pinagbigyan naman siya ni Richard sa kanyang pakiusap na huwag
nang magtanong pa, masaya na raw siya at alam na ni Bart ang tungkol sa
kanilang relasyon.
Kahit
abala si Richard sa preparasyon ng pagbubukas ng LHC at si Marian naman
ay nasa bakasyon pa, di naging balakid ang mga pinagkaka-abalahan nila
upang di makapag-usap. Ang regular na pagtatawagan sa cellphone ang
tanging paraan nila upang makapag-usap at ng di gaanong malungkot sa
pansamantala nilang pagkakalayo.
Pagkatapos
naman ng naging pag-uusap nina Marian at Bart, naging kampante na ang
babae at di na naiilang tuwing nakakasama si Bart. Masaya din siya at sa
kabila ng naging pag-uusap nila di rin nagbago si Bart sa pakikitungo
sa kanya. Nalaman narin ng ibang mga kaibigan nila ang ginawang pag-usap
ng dalawa pero wala ni isa sa kanila ang nagbanggit pa ng tungkol dito
bilang respeto kina Marian at Bart.
Matuling
lumipas ang mga araw, natapos na ang pagbabakasyon nina Marian. Ngunit
isang araw makaraang naka-uwi sa mansyon si Marian ay nagdesisyon naman
itong magbakasyon sa bahay ni lolo Roberto kasi nalulungkot siyang
mag-isa lang sa bahay nila. Matapos payagan ni Richard ay kaagad na
siyang nag-alsa balutan at nagpunta sa matanda. Sa kabilang banda naman,
habang nalalapit ang Grand opening ng hotel sa Cebu ay kabado naman si
Richard. Tuwing nagkakausap silang dalawa ni Marian, di niya ito
maitatago ngunit palaging pinapakalma ni Marian si Richard. Isang gabi
bago ang grand opening LHC, muling nabanggit ito ni Richard.
“Ano ka ba, sa loob ng mahabang taon ng panunungkulan mo sa kumpanya wala ka pang naging palpak ngayon ka pa ba kakabahan?”
“I
can’t help it sweetheart .. this time it’s different, ito yung
kauna-unahang hotel na ginawa ng kumpanya na sa akin galing lahat..the
planning..the concept..the—“
“Shhh..tama
na.. di ba nga sabi ko sa’yo think positive..tama na yang mga
negativity na yan. Ang dapat gawin mo ngayon, magpahinga ka na para
fresh na fresh ka bukas. Good luck sa grand opening ng LHC!” masayang
sabi ni Marian kay Richard upang pagaanin ang nararamdaman nito.
“Thank you sweetheart! How I wish andito ka bukas para mawala ang nerbyos ko. Di bale, bukas ng gabi andiyan na ako!”
“Talaga?”
“Yes! I already book my flight, pagkatapos ng cocktail party uuwi na ako kaagad. I miss you so much!”
“I miss you too…ilang oras na lang magkikita na tayo ulit, di na ako makapag-antay..”
Pagkatapos
magpaalaman sa isa’t-isa ay nagpahing na ang dalawa. Malapit na ring
maghahating gabi kaya ramdam na rin nila ang antok. Nakatulog ng may
ngiti sa labi si Marian matapos ang pag-uusap nilang iyon. Lubos ang
saya ni Marian at ilang oras na lang ang bibilangin at makikita na niya
ulit ang lalaki.
Kinabukasan
ng hapon, araw ng grand opening ng LHC. Abala si Richard sa harap ng
malaking salamin sa kanyang suite room, inaayos ang kanyang necktie nang
biglang marinig ang doorbell. Narinig din niya ang boses ni Lea na tila
nagmamadali.
“Sir..Excuse me po Sir Richard pero may problema po tayo Sir.”
Nag-alala
si Richard nang marinig ang sinabing iyon ni Lea, ilang oras na lang
magsisimula na ang opening tapos saka pa nagka-problema. Dali-dali
niyang pinagbuksan ni Lea ng pinto upang malaman sa babae kung ano ang
problema sa baba nang...
“What’s the --”
“Surprise!!!!”
Nagulat
si Richard nang makita na bukod sa kanyang sekretarya ay may dalawang
tao rin itong mga kasama. Nakatayo sa labas sa kanyang pintuan ang
kanyang lolo at si Marian!
Jung So-Min photos credit to simplysomin.blogspot.com
Choi Jin-hyuk photos credit to Pinterest.
Wheeewwww Ano ba yan bitin! Thank you for the update....... hope that we will be getting the new installment soonest....
ReplyDeleteayan na ang surprise...kinakabahan ako sa surprise-surprise na yan! baka may di magandang idulot ang surprise na yan! Ms.Nylcoen baka atakihin ako sa puso sa next chapter mo ah! alalay lang ha sa aming mga avid readers mo...hahaha...ganyan ka kasi ka-effective eh...carried away lagi ang mga readers mo! Thanks for the update ...sana meron kagad kasunod
ReplyDeleteKa-abang abang pa rin talaga ito sis con! Thankie Sa update! 😃
ReplyDeleteThank you Nylcoen sa update, look at what you have done you made us anxious naman. Ayos ka ngayon Richard Lim. Ang 2 mong mahal sa buhay ay nandyan sa cebu to witness the opening of your hotel. Paano na si Cheska? Meron bang happening kung ganun? Double treat pls...... cheers!
ReplyDeletehuli man daw ay maihahabol din LOL abangan ang World War IV ni Chinito at ni Maya hahaha, pero mas kaabang abang ang kasunod ng world war hahaha
ReplyDelete