Breaktime, nasa loob ng classroom nila si Jolie, kaharap ang kanyang nakabukas na aklat ay panay ang hagikhik nito. Buong akala ng kanyang mga kaibigan ay seryoso itong nag-aaral hanggang sa marinig nila ang pigil na pagtawa ni Jolie.
"Tingnan mo tong babaeng ito, naloloka na ata sa kaka-aral niya. Hoy bruha! Anyare?" wika ni Linda, pagkatapos ay sabay-sabay na nilapitan nina Anika, Linda, George, at ng mga alalay nito si Jolie.
"Jolie, okay ka lang ba??" nag-aalalang tanong ni George sa dalaga. "Alam mo, nag-aalala na ako sa'yo. Simula ng lumipat kayo sa bahay ng tito mo parang may kakaiba na akong nararamdaman. Ano ba kasi ang address ng bahay ninyo ngayon para mapuntahan kita , baka naman minamaltrato ka na nila ha kaya nagkakaganyan ka na.."
Panay parin ang paghagikhik ni Jolie at ayaw magsalita. Nagtatakip pa ito ng kanyang mukha at aliw na aliw sa di malamang dahilan. Yon pala, kaya ito natatawa ay dahil sa naalalang larawan ni Albert na nakasuot ito ng damit na pambabae. Hanggang sa paggising ni Jolie ng umagang iyon ay walang ibang laman ang isip ng dalaga kundi ang picture na yon. Panay ang tingin niya sa larawan ni Albert dahil binigyan siya ni Mary ng isang kopya nito.
"Okay lang ako promise!" isang hagikhik na naman ang narinig ng mga kaibigan nito mula sa kanya kaya napakunot na lang ng noo at napatingin sa isa't-isa, di maiwasang maisip na nababaliw na talaga ang dalaga.
"Alam mo girl, natatakot na kami sa'yo. Paki-explain ng kakaiba mong kilos nitong mga nakaraang araw daliii!" pangungulit ni Linda kay Jolie. Inilapit ang upuan na nasa harap ng mesa ni Jolie at umupo dito, inilapit pa ng bahagya ang kanyang ulo kay Jolie para makinig sa paliwanag niya.
"Wala nga..huwag 'nyo na lang akong pansinin, okay? Ang mas mabuti pa mag-aral na lang tayo at malapit na ang Assessment natin." muling itinuon ni Jolie ang kanyang pansin sa kanyang libro na nasa harapan.
"Oh, mag-aaral daw .. Anika..George, psst!" nang marinig si Jolie na nagyaya na mag-aral ay nagmadaling tumayo si Linda at hinila ang dalawang kaibigan upang
palapitin ang mga ito kay Jolie habang siya naman ay umiwas at kaagad na
lumayo.
"Teka ,teka...naiihi ako eh..George, Jolie.. mauna na muna ako ha." tumayo na rin si Anika at iniwan ang dalawa. Napakamot na lang ng ulo si George at naunahan ng babae.
Magkaharap na naka-upo sina George at Jolie, seryosong nagbabasa ng kanyang libro si Jolie habang naka kalong-baba at titig na titig naman sa kanyang mukha si George. Yung ibang mga kaklase naman ay naghaharutan at nagdadaldalan kaya sobrang ingay at gulo sa loob ng classroom nila. Maya-maya ay biglang tumahimik ang paligid, di parin ito napapansin ni Jolie na kasalukuyang nagbabasa parin ng kanyang libro.
"Uy si Albert ng section X oh" ito ang bulong-bulongan ng mga kaklase nina Jolie nang makita ang lalaki na nakatayo sa labas ng pinto, panay ang pagsilip nito sa loob na parang may hinahanap.
"Bakit? Sino ang hinahanap mo Albert?" narinig ni Jolie ang pagtatanong ni Anika sa lalaki kaya nag-angat ito ng tingin at nakita nito si Albert sa may pintuan.
"Anong ginagawa niya dito?" bulong ni Jolie habang kunot ang noo na nakatigin kay Albert.
"Sino?" lumingon si George sa may pintuan at nakita na rin ang tinutukoy ni Jolie. "Anong ginagawa ng hambog na yan dito?"
Ilang sandali ang nakalipas ay namataan ni Albert si Jolie na nakaupo sa may sulok ng classroom. Kaagad nya itong sinenyasan upang lumapit sa kanya. Ikinagulat ng lahat ng malaman na ang pakay pala ng lalaki kaya napadpad sa kanilang classroom ay si Jolie. Pero mas ikinagulat ito ni Jolie lalo pa at isa sa mga bilin ng lalaki sa kanya ay huwag siyang kausapin pagdating sa eskwela at magkunwari silang hindi magkakilala. Tumayo si Jolie at dahan-dahang nilapitan si Albert sa may pinto.
"Sundan mo ako, dalhin mo ang bag mo." nakasimangot na utos ng lalaki sa kanya. Nagtataka man ay ginawa parin ni Jolie ang sinabi ni Albert sa kanya. Kinuha niya ang kanyang bag at sinundan kaagad ang lalaki sa labas.
Nagmamadaling naglalakad si Albert pababa ng building at tinungo ang isang bahagi ng campus kung saan walang masyadong dumadaan, nakasunod naman sa di kalayuan si Jolie na nagtataka parin kung bakit bigla na lang siyang pinapasunod ni Albert sa labas. Huminto lang si Albert sa paglalakad ng marating nito ang bahagi na kung saan may maraming mga puno .
"Akin na yung lunch box mo dali!"
Nagtatakang kinuha ni Jolie sa loob ng bag ang kanyang lunch box, saka pa niya nalaman na nagkapalit pala sila ng baunan ni Albert, ang kulay asul na bag ang nasa loob ng bag niya. Kaagad namang iniabot ni Albert ang bag na kulay pink kay Jolie.
"Ahh, siguro sa pagmamadali ni Tita kanina kaya nagkapalit ." nakita ni Jolie na pinandilatan siya ng mata ni Albert. Bagay na di niya nagustuhan at pakiramdam niya siya yung sinisisi ni Albert sa pagkakapalit ng lunch boxes nila.
"Pero bakit mo ba ibinalik to, sanay ka na naman sa kulay pink di ba?" natatawang saad ni Jolie sabay talikod sa lalaki.Paalis na sana siya sa lugar na iyon ng marinig ang pagtawag ni Albert sa kanya.
"Hoy babae! Anong sinasabi mong sanay ako sa pink?!" tanong sa kanya ni Albert, boses pa lang alam na ni Jolie na galit na naman ito sa kanya.
"Bakit, hindi ba? Di ba noong bata ka pa mahilig ka sa pink? Pink na ribbon, pink na dress, pink na shoes at kung anu-ano pang pink?!"
"Ano yang pinagsasabi mo ha?" hinila ni Albert ang bag ni Jolie upang pigilan ang babae na maglakad ulit. Hinarap niya ito at galit na galit na nagtanong . "Ipaliwanag mo yang sinasabi mo!"
"Noong bata ka pa, di ba mahilig ka sa mga gamit na pambabae? Nagsusuot ka pa nga ng damit na pamgbabae di ba? Ito yon oh!!" kinuha ni Jolie sa kanyang bulsa ang larawan ni Albert na binigay ni Mary sa kanya. Panay ang tawa niya ng makita ang pagkagulat ni Albert ng makita ang larawan na iyon.
"Saan mo nakuha yan? Akin na!" pilit kinukuha ni Albert ang larawan sa kamay ni Jolie pero iniwas ito ng babae at nagtatakbo.
Naghabulan ang dalawa at paikot-ikot sila sa may puno. Ayaw sumuko ni Albert hanggang di nito nakukuha. Matapos ang ilang minutong habulan at hilahan ay tuluyan na nga nitong nabawi mula kay Jolie.
"SAAN MO NAKUHA TO?!" namumula na sa galit si Albert. Di ito makapaniwala na may ibang nakakita ng kanyang larawan noong bata pa ito.
"SAAN MO NAKUHA TO?!" namumula na sa galit si Albert. Di ito makapaniwala na may ibang nakakita ng kanyang larawan noong bata pa ito.
"Binigay ni Tita Mary sa akin!"
Napapikit na lang ang mata si Albert ng marinig si Jolie. Ni minsan, di sumagi sa isip niya na dadating ang sandaling iyon na may makakadiskubre sa kanyang pinagdaanang kahihiyan noong bata pa siya. At sa lahat ng tao pa, si Jolie pa talaga ang binigyan ng kanyang ina ng kopya .
"Ito lang ba?"
"Secretttt!1" patuloy na panunudyo ni Jolie sa lalaki. Alam ng dalaga na galit na galit na sa kanya si Albert pero di niya talaga mapigil ang sarili na di ito inisin pa. Sa isip niya, oras na niya para maningil sa lahat ng pinagdaanan niyang pang-iinsulto ng lalaki sa kanya.
"YUNG TOTOO? MERON PA O WALA NA?!" sigaw ni Albert sa kanya.
"Nasa akin lang naman ang mga negative ng pictures mo noong bata ka pa bleehh..."
"Akin na!"
"Ayoko nga!"
"Akin na sabi eh!"
"Hindi!"
Napabuntong-hininga si Albert ng makita na kahit anong gawin niya ay di ito ibibigay ni Jolie sa kanya. "Okay, anong gusto mong kapalit niyan?"
Hmmm seryoso ka? Matamang tinititigan ni Jolie ang lalaki, naniniguro kung totoo ba ang kanyang narinig pagkatapos ay nag-isip na ito kung paano iba-blackmail ang lalakie.
"Ano ang gusto mo at ibibigay ko, makuha ko lang ang mga negatives. Baka ipagkalat mo pa yan."
"Okay...since mapilit ka. May isa akong hihingin sa'yo bago ko ito ibibigay. "
"Ano? Dalian mo na bago pa maubos ang pasensya ko sa'yo babae ka! Sakit ka talaga sa ulo ko! Di pa ba sapat ang pagpapahirap mo sa bahay pati dito sa school pahihirapan mo pa ako!" di na talaga maitago pa ni Albert ang inis niya kay Jolie.
"Gusto kong itutor mo ako at tulungan mo akong makapasa at mapabilang sa top 10 ng Assessment Test!"
"Ano?! Baliw ka ba? Milagro ang kailangan mo para makapasok sa top 10! Alam na alam mong yung nasa section X lang ang nakakapasok diyan, tapos ikaw na nasa section Z nangangarap makapasok sa Top 10??! Saka ano ang akala mo sa akin baliw? Tutulungan kita , eh di ikaw ang mananalo sa deal nating tatlo ni Ms. Encarquez?"
"Hindi, mawawalan ng bisa yung deal nating iyon sa sandaling matutulungan mo akong makapasok sa Top 10. Pramis!"
"Pano ko naman paniniwalaan ang sinasabi mo ha? Tsaka isa pa, sa hina ng kukute mo, di mo parin kakayanin no!"
"Bakit? Wala ka bang tiwala sa sarili mo na magturo sa akin, ha?!"
"Sa'yo ako walang tiwala, tanga!"
"Eh paano kung sabihin kong kaya ko?!" pagmamalaki ni Jolie.
Napatawa na lang si Albert sa narinig. Di nito napigil ang sarili at nanunudyo pa, unti-unti nitong nilapit ang kanyang mukha kay Jolie na parang hahalikan na niya ang dalaga, nakangiti pa ito sa babae at pinamumukha talagang minamaliit niya ang kakayahan ni Jolie.
"Seryoso ka? Kaya mo? Ang tanga-tanga mo kaya."
"Ayaw mo bang makuha ang negatives?" di nagpasindak si Jolie at nakangiti pang pina-alalahanan ulit si Albert.
Nang maalala ang bagay na gustong bawiin, wala ng magawa si Albert. Inamin na nito sa sarili na natalo na nga siya at wala na siyang ibang magagawa kundi sundin ang gusto ni Jolie. "Fine! Mamayang gabi sisimulan na natin ang pag-aaral. Yung pangako mo huwag mong kalimutan!"
Galit na galit na umalis si Albert at iniwan na si Maya. Lubos naman ang kasiyahan ni Jolie sa pagtatagumpay niyang iyon.
Ang di alam ni Albert at Jolie, sa di kalayuan ay nagmmasid din pala sa kanila ang mga kaibigan ni Jolie. Nang makita ni George na hinahabol ni Albert si Jolie kanina ay gusto na nitong lumapit at tulungan ang babae sa pagaakalang sasaktan ito ni Albert. Mabuti na lang at napigilan ito ng iba kaya di magawang makalapit at umeksena sa dalawa. Di makapaniwala ang mga kaibigan ni Jolie sa nakikita. Sobrang naging interesado ang mga ito kung ano ang itinatagong sekreto ng dalawa.
Photo credits to I.S.W.A.K
Disclaimer : I do not own the story, credits belong to Kaoru Tada, the original writer of Itazura Na Kiss. There is no financial gain made from this nor will any be sought. This is for entertainment purposes only.
Ang di alam ni Albert at Jolie, sa di kalayuan ay nagmmasid din pala sa kanila ang mga kaibigan ni Jolie. Nang makita ni George na hinahabol ni Albert si Jolie kanina ay gusto na nitong lumapit at tulungan ang babae sa pagaakalang sasaktan ito ni Albert. Mabuti na lang at napigilan ito ng iba kaya di magawang makalapit at umeksena sa dalawa. Di makapaniwala ang mga kaibigan ni Jolie sa nakikita. Sobrang naging interesado ang mga ito kung ano ang itinatagong sekreto ng dalawa.
Photo credits to I.S.W.A.K
Disclaimer : I do not own the story, credits belong to Kaoru Tada, the original writer of Itazura Na Kiss. There is no financial gain made from this nor will any be sought. This is for entertainment purposes only.
No comments:
Post a Comment