Di makapaniwala si Richard sa sarili, sa unang pagkakataon sa buong
buhay niya ngayon lang niya gagawin ang isang bagay na ni sa panaginip di niya
ginawa, ang maglinis ng bahay. Kagat ang pang-ibabang labi habang nakatingin
siya sa mga kagamitang panglinis na inilatag ni Marian sa sahig, sinusubukan
niyang isipin kung paano niya gagawin ang paglilinis pero nang kalaunan ay
tinawag na lang ang babae upang magtanong.
“ Seriously, Chard wala kang idea paano maglinis?” umiling lang si Richard
sa kanya kaya nabuo sa isip ni Marian na mas lalong paglaruan ang lalaki.
Inutusan ni Marian na linisin ni Richard ang mga bintana, pati ang mga
kurtina ay pinapalitan din niya. Sinabihan niya ring magpunas at siguraduhing
wala ng alikabok ang mga dekorasyon, at ang iba pang gamit na naroroon, at
lalong-lalo na ang malaking cabinet na nasa sala, ibig sabihin kinailangan ni
Richard na alisin ang lahat ng nakalagay sa cabinet upang linisin. Mariin rin
niyang ibinilin na kailangan munang siguraduhin ni Richard na malinis at wala
ng alikabok ang sahig bago siya magpunas ng floorwax dito, hintayin na matuyo
ang floorwax saka magbunot upang kumintab ang sahig. Pagkatapos idetalye ni
Marian ang lahat ng gagawin ni Richard, nakita nito ang kakatwang reakyon ng
lalaki pagkatapos ay ngumiti pero halata naman sa mga mata nito na ang pag
–aalinlangan na nararamdaman. Di na nagawa pang magsalita ni Richard.
“ Kaya mo ba, Mr. Lim? Kung hindi, pwede din naman ikaw na lang
magwalis-walis doon sa labas kasi magaan lang yon. Ako na lang ang bahala dito
since sanay naman ako sa mga mabibigat at nakakapagod na gawaing bahay.” Sabi
ni Marian sa, idiniin pa ang pagkakasabi
sa salitang mabigat at nakakapagod upang mangonsensya kay Richard.
“ No, okay lang. Ako na dito, kayang-kaya ko ‘to!” pagsisinungaling ni
Richard kahit alam niyang di naman ito magiging madali sa kanya.
“Okay..so ano, may itatanong ka pa?”
“Wala na.”
Iniwan na ni Marian si Richard pagkatapos ay binalikan ang kanyang iniwang
trabaho. Pagkatapos ng ginawang pagwawalis sa palibot ng bahay ay pumasok muli
sa loob si Marian upang magtungo naman
sa kwarto. Pagpasok sa loob ay nadatnan niya si Richard na kasalukuyang
nagpupunas sa may bintana, lumingon pa ito sa kanya at ngumiti ngunit di man
lang niya ito sinuklian bagkos ang tuloy-tuloy lang sa paglalakad patungo sa
kanyang kwarto. Papasok na si Marian sa kwarto ng marinig niya ang pagbahing ni
Richard na nasundan pa ng tatlong beses na pagbahing marahil dulot ng alikabok
na nasasagap nito habang nagpupunas. Pigil na pigil ang tawa ni Marian sa loob
ng kwarto nang marinig iyon. Makailang beses pa nitong narinig ang pagbahing ng
lalaki habang naglilinis siya sa kwarto pero pinigilan ni Marian ang sarili na
huwag makaramdam ng awa sa lalaki kundi mababalewala lang ang konting pagpapahirap na gusto niyang
ibigay sa lalaki. Makaraan ang halos isa at kalahating oras ay lumabas ulit si
Marian sa kwarto niya at nakiusyuso kung ano na ang nangyayari kay Richard.
Habang papalapit sa lalaki, nakita niyang basang-basa na ng pawis ang lalaki, di tulad nang sandaling iniwan niya
ito , ngayon ay parang galing lang ito sa swimming at wala ng makikitang tuyo
sa kahit saang parte ng t-shirt nito. Pakiwari ni Marian, pati ang suot nitong
short pants ay basa na rin dahil may nakikita na rin siyang bumabakat sa
pang-ibaba nito. Kasalukuyang naka-upo
si Richard sa sahig at may hawak na basahan, nagpupunas ito ng floorwax sa
sahig. Nakita ni Marian na halos kalahati na ng sahig ang may floorwax. Nang
maramdaman ni Richard ang kanyang presensiya sa sala ay tumingala ito, kahit
bakas sa mukha ng lalaki na hirap na
hirap ito sa kanyang ginagawa pero nakuha parin nitong ngumiti nang makita
siya. Unang beses na makita ni Marian ang lalaki na basing-basa ng pawis ang
mukha at namumula pa dahil sa init habang ginagawa ang kanyang paglilinis.
“ Tapos ka na?” tanong ni Richard sa
kanya na ang tinutukoy ay ang ginawa niyang paglilinis sa kwarto. Tumango naman
si Marian bilang tugon sa lalaki. “Ahh okay, pasensiya ka na di parin ako tapos
dito eh. Pero malapit-lapit na. Okay lang ba yung ginawa kong pagpupunas sa mga
gamit at sa bintana?” Tiningnan ni Marian ang cabinet at bintana at nakitang
maayos at kumikintab di tulad noong unang iniwan niya ang sala kanina.
“Okay naman..” patango-tango pa si Marian habang sinasabi ito sa lalaki.
“Yes!” masayang bulalas ni Richard. Nagpatuloy parin ito sa kanyang
ginagawang pagpapahid ng floorwax sa sahig hanggang sa tumapat na ito sa
kinaroroonan ni Marian. Aalis na sana si Marian upang di makasagabal sa kanyang
ginagawa nang tawagin siya ng lalaki.
“ Yani, pwedeng magrequest? Pakipunas naman ng mukha ko oh, please? Parang
nangangati na kasi ako dahil sa pawis.”
Natigilan si Marian sa narinig. Humarap ito sa lalaki, salubong ang mga
kilay at nagtanong dito. “Ano ulit tinawag mo sa akin?”
“Yani..Eh kasi ang haba na ng Marian.
Bakit ayaw mo?”
“Ayoko niyan..Yan ang tawag ng pinsan ko sa akin dati.”
“Oh sorry..di ko alam. “
“Wait, kukuha lang ako ng towel.” Tumalikod na si Marian at pumunta ng
kwarto upang kumuha. Pagbalik niya ay bitbit na nito ang isang puting towel,
ibibigay na sana niya ang dala kay Richard pero nang makita nito ang kamay ng
lalaki na kasalukuyang kulay pula na dahil sa floorwax ay nagkusa na siyang
punasan ang mukha ng lalaki. “Pwedeng bumaba ka ng konti para mapunasan kita ng
maayos?”
Habang pinunasan ni Marian ang mukha ni Richard, titig na titig ang lalaki sa
kanya. Naisip ni Richard na sa naging reaksyon ni Marian kanina nung marinig
nito ang pagtawag niya kay Marian ng Yani ay nag-iba na ang timpla ng babae.
Biglang naging ito at tila malalim ang iniisip. Marahil ay naaalala na naman ni
Marian ang nangyari noon sa probinsya kaya di maiwasang makonsensya nanaman si
Richard. Naaawa siya kay Marian dahil alam niyang tuwing naaalala ng babae ang
nakaraan, di maiiwasang maaalala na naman niya ang pangit na pangyayaring iyon
sa buhay niya. Upang mawala sa isip ng
babae ang masamang alaalang iyon, bigla niyang ginawaran ng halik ang labi ng
babae na siyang ikinabigla nito. Namilog ang mga mata nito habang nakatitig sa
kanya habang si Richard naman ay isang pilyong ngiti ang ipinakita dito.
“Loko-loko ka talaga ano! May papunas-punas ka pang nalalaman ha. ” bahagyang
nakurot ni Marian ang tagiliran ni Richard pagkatapos ay sinimangutan na ang
lalaki. “Hmph! Diyan ka na nga at magluluto pa ako ng pananghalian natin.” tinalikuran
na ni Marian si Richard at naglakad na patungo sa kusina.
“Suplada naman nito.. isang halik lang naman yon eh. Isipin mo na lang
reward ko yon at maayos yung ginawa kong paglilinis dito. Hoy, saan ka ba
pupunta, di ka pa tapos sa pagpupunas ng pawis ko oi! ” habol na tawag ni
Richard sa kanya habang tumatawa.
“Tseh! Manigas ka diyan. Bahala ka sa buhay mo!” pasigaw na sagot naman ni
Marian mula sa kusina.
Walang magawa si Richard at tuluyan na siyang iniwan ni Marian kaya
pinagpatuloy na lang nito ang kanyang gawain habang si Marian naman ay naging
abala na rin sa paghahanda ng mga kakailanganin sa pagluluto.
Habang nag-iisa sa kusina ay muling naalala ni Marian ang mga nangyari sa
kanila ni Richard.
Nakakainis! Kala niya siguro makukuha
nanaman niya ako sa pahalik-halik niya! Pagkatapos nung nangyari kagabi? No
way! Di na talaga ako magpapadala sa mga ka-echusan ng lalaking yon. Kung bakit
naman kasi, ang gaga gaga ko at di ko napigil ang sarili ko kagabi..di ko man
lang naisip ang babaeng yon… nakakainis! Ano ba ako sa tingin niya?
Substitute?—kung gusto niyang maglandi at wala si Cheska, ako yung pamalit?!
Bakit ba ako magtitiis maging substitute sa buhay niya eh may tao namang gusto
akong gawing permanent? Tssshhh
Pinapagalitan ni Marian ang sarili dahil sa naging asal niya matapos ang
mapangahas na paghalik sa kanya ni Richard. Ang mas ikinaiinis pa niya ay ang
dahilang nagmukha siyang katawa-tawa ng akalaing nagkakaintindihan na sila
matapos ang mainit na halikang pinagsaluhan nilang dalawa. Inakala kasi niyang
iyon na ang magiging simula ng panibagong kabanata sa kanilang dalawa at mauuwi
na sa totohanan ang lahat pero nasaktan si Marian nang marinig nitong patuloy
parin si Richard sa pakikipag-ugnayan kay Cheska. Nabuo sa isip ni Marian na di
sinasadya ni Richard ang nangyari at nadala lang ng init ng katawan katulad ng
sinabi nito nang humingi ito ng dispensa pagkatapos siyang halikan ni Richard.
Habang patuloy sa kanyang paghihiwa ng mga sangkap na lulutuin biglang may
narinig na lang si Marian ang sigaw ng kanyang nanay sa may sala. Namilog ang
mata ni Marian ng tumili ito habang tinatawag ang kanyang pangalan. Ilang sandali
lang ay papasok na si Teresita sa kusina at kinompronta na ang anak.
“Ano na naman ang pinagawa mo sa asawa mo ‘nak?!”
“Bakit nay? Ano ba ang ginagawa niya?” maang-maangan ni Marian kahit na alam
na nito ang tinutukoy ng ina, ang pag-uutos kay Richard na maglinis sa bahay
nila.
“Ay naku, huwag kang umarte na di mo alam at di yan bebenta sa
akin..Mariannnnn! Paano na lang kung malalaman ng lolo niya yung pinapagawa mo
sa kanya. Nakakahiya ‘nak!”
“Nay, alangan namang wala yang gagawin dito. Alam naman niyang wala tayong
katulong dito noh at saka wala naman siyang ginagawa .. wala siya sa mansyon
kaya huwag siyang mag-inarte.”
“Nay totoo po yung sabi ni Marian.. and besides, nag-enjoy din naman ako sa
ginawa ko.” Depensa kaagad ni Richard kay Marian, kakapasok lang nito sa kusina
kasunod ni Teresita.
“Wooahh! Anyare sa’yo?!” di naikubli ni Mariana ang pagkagulat nang makita
ang itsura ni Richard. Kung kanina ay naliligo ito sa pawis at namumula dahil
sa init, ngayon ay may dagdag ng floorwax ang iilang bahagi ng mukha nito. “
May plano ka pa lang gawing blush-on yung floorwax di mo man lang sinabi, ako
na lang sana ang naglagay para magpantay?!” biro ni Marian pagkatapos ay
umalingawngaw ang malakas na tawa niya sa buong kusina.
“Tingan mo tong babaeng to .. “ naiinis na sabi ng kanyang ina. “Richard,
itigil mo na yang ginagawa mo at ako na ang bahala diyan. Ewan ko ba kung bakit
naniniwala ka sa sinasabi ni Marian halata namang ginugudtym ka lang nito, sa
tingin mo ba talaga pinaglilinis namin yung mga bisita namin dito sa bahay? “
“Ibig sabihin nanay bisita lang ang tingin mo sa akin at hindi kapamilya?” tanong
ni Richard kay Teresita. Nagkuwari pa itong nasasaktan kaya kaagad na naalarma
ang babae.
“ Ay hindi naman sa ganun Richard, kaya lang…”
“Hoy Richard Lim, huwag mong pinapasakay ang nanay ko sa kunyari-kunyarian
mong ganyan ha..alam mong di yan ang ibig sabihin ng nanay ko.” Dinepensahan
kaagad ni Marian ang ina. Di niya nagustuhan ang pagpapaalala ni Richard sa ina
nito na mag-asawa na silang dalawa, gayung wala namang kasiguraduhan kung
hanggang kailan ang kanilang pagsasama.
“Sige na, sige na..baka mag-away na naman kayong dalawa. Ang mabuti pa
Marian asikasuhin mo yang asawa mo at
ako ng bahala dito.” Kaagad na inawat ni Teresita ang dalawa sa takot na mauwi
lang sa pagtatalo ang lahat.
“Nanay, malaki na yan .. kaya na niyang sarili niya noh!” muling pinulot ni
Marian ang kutsilyo at pinagpatuloy ang paghihiwa ng mga sangkap ngunit nang
maramdaman nito ang mahinang kurot sa kanyang tagiliran ay muli itong nag-angat
ng tingin at nakita ang paniningkit ng mata ng kanyang ina. “Oo na po!”kaagad
na sabi ni Marian pagkatapos ay iniwan ang ginagawa. Nakasimangot na ito ng
lapitan si Richard. “Halika na Mr. Lim at may utos ang mahal na reyna na
paliguan ka raw ng iyong yaya. Alipin lang ang peg ko sa sa’yo, hmph!” naiinis
na sabi ni Marian, pagkatapos ay iniwan na ang
lalaki at nauna ng maglakad patungo sa kwarto niya.
Abot tenga naman ang ngiti ni Richard nang marinig ang huling sinabi ni
Marian. Natatawa siyang makita si Marian na tila batang nagmamaktol. “Thanks
Nay! Mamaya magpapaturo ako sa inyo ha. Minsan kasi kailangan ko ring turuan
maging submissive tong asawa ko at parang lagi nalang nagrereklamo.” Biro ni
Richard .
“Pagpasensyahan mo na lang yan Richard..sige na sumunod ka na dun para makapagbihis ka na. Huwag ka munang maligo at
basing-basa ka pa ng pawis baka mapasma ka. Magpalit ka muna ng damit tapos
mamaya ka na maghugas ng kamay, tiisin mo muna sandali?”
“Opo nay. “
Sinundan na ni Richard si Marian sa kwarto. Ipinaalam ni Richard sa babae
kung ano ang bilin ng kanyang ina kaya napilitan si Marian na tulungan si
Richard na magpunas at magbihis ng tshirt. Nang magbiro si Richard na okay lang
sa kanya ang maligo kung totohanin ni Marian ang sinabi nitong papaliguan siya,
isang malakas na hampas sa balikat ang kanyang natanggap.
“Aray! Masakit yon ha” napangiwi si Richard dahil sa sakit. Inasahan na
niyang masasaktan siya ni Marian kapag sasabihin iyon, pero di niya isahan ang
lakas nito kaya ganun na lang ang pagkabigla ni Richard.
“Kaya umayos ka kung ayaw mong mbalian ka ng buto!” babala ni Marian sa
kanya, kasalukuyan nitong inaayos ang tshirt na kakasuot lang nito kay Richard.
Nakasimangot parin ito sa buong sandaling inaasikaso ang lalaki.
Sa natitirang mga oras ng araw na iyon, walang kamalay-malay si Richard na
di parin nawawala ang inis ni Marian sa kanya. Buong akala niya katulad parin
nang dati ang lahat kaya di parin ito maawat sa paglalandi kay Marian ngunit
laging kabaliktaran ang isinusukli nito sa kanya. Patuloy ang pasempleng
pag-iwas ni Marian sa lalaki. Nang tumabi ito sa kanya sa duyan kung saan
nakatulog siya ilang oras matapos silang magtanghalian, kaagad siyang umalis at
nagdahilang nagpahinga lang siya sandali
bago siya maligo at naiinitan siya, hinayaan naman siya ng lalaki at naniwala
sa alibi niya. Lagi na lang nakadikit si Marian sa ina at iniiwan mag-isa si
Richard, buti na lang at abala si Richard sa gagawing presentation niya kaya di
rin nito nahahalata ang ginagawa ni Marian sa kanya.
Meanwhile, habang panay ang aso at pusa sa kanilang away-bating mga eksensa sa bahay ni Teresita, sa university naman ay di inaasahang magkita sina Bart at si Edselyn.
“Hi Eds!” masayang bati ni Bart nang lapitan niya ang babae sa may tambayan nilang magbabarkada, umupo ito
sa kabila pagkatapos ay inilapag sa mesa
ang kanyang packbag.
“Hello Bart! May klase ka ngayon?”
“Wala naman, maaga ako nagpunta kasi sabi ni coach may meeting muna sandali
pagkatapos ay practice na. Ikaw?”
“Hmmm hinihintay ko si Emman, may lakad kasi
kami mamaya. Nasa klase pa kaya while waiting, heto tinatapos ko yung
assignments para di naman mabagot.”
“Kayo lang dalawa?”
“Yep!” napangiti na lang si Edselyn at
nahahalata naman niya kung ano talaga ang gustong malaman ni Bart, kung kasama si Marian sa
lakad ng dalawa. “Uhm! Alam ko gusto mo ring malaman kung kasama si Marian
–well hindi, wala siya ngayon, andun sa nanay niya. Bukas pa ang uwi nun!”.
“Ahh kaya pala di ko makontak.”
“Baka pinatay niya yung cellphone niya para
mabigyan niya talaga ng quality time si nanay. Bakit may kailangan ka sa kanya?
May number ako kay nanay, gusto mo itext ko?” Kagaya ni Marian, nanay na rin
ang tawag ng mga kaibigan nito sa ina niya. Nakasanayan na nila itong itawag kay
Teresita mula noong nasa first year college pa lang sila. Naging malapit na rin
sina Edselyn kay Teresita kaya pati contact number ng ina ay alam ng mga ito.
“Huwag na, nagtataka lang kasi ako. Kagabi pa
kasi walang sagot sa mga text ko. I was wondering kung ano na ang nangyayari sa
kanya.”
Napatitig si Edselyn sa lalaki.
Nagbalik sa kanyang isip ang naging usapan nila ni Marian ilang araw
ang nakakaraan.
“Bart, pwede bang magtanong?”
“Yeah sure, ano yon?”
“ Personal kasi, okay lang ba?”
“Umm personal..kung di ako nagkakamali may
kinalaman ba ang kaibigan mo dito?”
“Of course, of course..other than that wala na
naman akong itatanong sa’yo di ba? So ano, okay lang ba?”
“Well, okay lang. I’ve always been open sa
inyo ng mga kaibigan ninyo about what I feel towards Marian. So shoot, what
is it?”
“Ummm di mo ba naisip na huwag na lang
ipagpatuloy ang panliligaw mo sa kaibigan ko? We all know di naging
conventional ang pagiging mag-asawa nina Marian at Richard but then kahit saan
mo titingnan kasalanan parin na magkaroon kayo ng ugnayan di ba?”
“No, not at all. Naipaliwanag naman kasi sa
akin ni Marian kung ano yung sitwasyon nilang dalawa. Nakikita ko naman kasi sa
sitwasyon nila na wala akong sinisirang relasyon
– you know what I’m saying right? “
“ But what if now iba na?”
“What do you mean?” nakita ni Edselyn na biglang nabahala si Bart sa kanyang sinabi kaya napabuntong-hininga na lang
ito habang nakatitig sa lalaki.
“ Bart, di naman imposible na mauwi sa
totohanan ang lahat, right?”
“Yan ba ang sabi niya sa’yo?” Mahina ang
boses ni Bart habang tinatanong iyon kay Edselyn. Ramdam ang paglungkot nito bigla.
“To be honest, a couple of days ago,
napag-usapan namin ang sitwasyon nilang dalawa ngayon. As of now, I can see
something is happening inside her heart and it’s been bothering her mind as
well. I hate to be the one to tell you this but I just want you to be
prepared. Malakas ang kutob ko na nahuhulog na ang loob niya kay Richard.” Ilang saglit din namayani ang katahimikan sa
dalawa hanggang sa marinig ni Edselyn na magsalita ang lalaki.
“Still that won’t stop me Eds, I’m sorry..not
unless si Marian na mismo ang magsasabi sa akin. I don’t give up easily, alam
ni Marian kung ano ang nararamdaman ko sa kanya. If wala akong puwang sa isip
at sa puso niya, alam ko sasabihin niya. Right now, maybe naguguluhan siya but
what if in makita niya na wala pala talaga silang chance ni Richard
especially at may napangakuan na si Richard na pakakasalan even before Marian
came to his life. There is still a chance Eds. “
“But what if ngayon pa lang sasabihin ko na sa’yo
na underdog ka na, lalaban ka parin ba?”
“Yes..di porke’t underdog na ako, wala na
talagang chance manalo.”
“Okay.. bahala ka. Basta nasabihan na kita. I
must admit, bilib ako sa fighting spirit mo Bart. Ang haba ng hair ng kaibigan
ko. May the best man win.” Isang matipid na ngiti ang pinakita ni Bart kay
Edselyn. Alam ng babae na di madali para kay Bart ang narinig na balita sa mga
oras na iyon pero sa isip ni Edselyn, mas mabuti na rin yung nasabihan na niya
ito habang maaga pa upang bigyan ito ng panahon na mag-isip at maging handa
sakaling magdesisyon na si Marian na piliin si Richard.
Nang gabing iyon, balik sa lungga ng aso at pusa, sa bahay ni Teresita, nagulat na lang si Richard
sa sinabi ni Marian sa kanya.
“S-sa kwarto ka ni nanay matutulog? Bakit?” di naitago ni Richard ang
pagkadismaya sa narinig.
“Uuwi na tayo bukas di ba, matagal ulit bago ko makakasama si nanay kaya
gusto ko ng lubos-lubusin ang gabing ito.” Pagdadahilan ni
Marian kay Richard pero ang totoo ay ayaw lang nitong makatabi ang lalaki sa
takot na di na naman niya magawang pigilan ang sarili sakaling mangyari ulit
ang paghalik ni Richard sa kanya. “Alam mo naman siguro kaya ako umuwi ngayon
kasi namiss ko si nanay.” Dagdag niyang sabi nang mapansing tila nagdadalwang-isip
si Richard na payagan siya.
“I-iwan mo a-kong mag-isa?”
“Okay ka lang naman dito di ba?”
“Okay lang naman pero kasi..”
“Oh wait, don’t tell me takot ka? Walang momo dito, ano ka ba!” katyaw ni
Marian sa kanya pagkatapos ay umalingawngaw na naman ang malakas nitong tawa.
“Of course not..huwag mo nga akong pagtawanan!” namumula ang mukha ni
Richard sa pang-aasar ni Marian sa kanya.
“Oh yon naman pala eh..sige na, good night na. Byeee! Awoooo!” habol na pang-aasar ni Marian kay Richard. Mabilis pa sa
alas-kwartro ang paglabas ni Marian sa kwarto kaya kahit ayaw sana ni Richard
na payagan ang babae, wala na itong nagawa. Pasalampak itong humiga sa kama, di
makapaniwalang nauwi lang sa wala ang inaasam-asam niyang pagtatabi nilang
dalawa sa gabing iyon.
Arghhh!
Habang nagngingitngit sa inis si Richard, masayang-masaya naman ang babae at
tagumpay ang mga plano niyang pag-iwas kay Richard sa araw na iyon.
Kinabukasan, hapon na ng umuwi sina Richard at Marian sa mansyon.
Pagdating sa bahay ay tumawag naman si Roberto at pinapapunta si Richard sa
bahay niya kaya kaagad din itong umalis. Si Marian naman ay tinawagan si Edselyn at nakipagkwentuhan.
Gabi na ng maka-uwi si Richard at nadatnan nitong mahimbing ng natutulog si
Marian. Marahil sa pagod at dalawang gabing hindi ito nakatulog ng maayos kaya
bumabawi ito sa kanyang tulog. Di man lang naramdaman ni Marian nang alisin ni
Richard ang mga unan na nakapwesto sa gitna ng kama at halikan siya sa noo nang
tumabi na ang lalaki sa kanya.
Lunes . Maaga pa lang pero gising na gising na ang dalawa. Parehong
abala sa paghahanda, si Marian para pumasok sa university, si Richard naman ay
sa opisina.
“Chard, ready ka na ba para sa meeting ninyo mamaya?”
“Yes..at ready na rin akong bumaba sa pwesto ko just in case.” Biro ni Richard,
pagkatapos ay pinakawalan ang isang malalim na buntong-hininga. Nasa walk-in
closet ito at kasalukuyang pumipili ng suit na susuotin. Si Marian naman ay
nasa harap ng kanyang vanity mirror at nag-aayos ng sarili. Nakangiti ito
habang hinihintay si Richard.
“Marian..”
“Yes?”
“Come here, please.” Pinuntahan kaagad ni Marian ang lalaki. Di parin
maalis-alis ang ngiti at excited na makita ang reaksyon ni Richard sa kanyang
sorpresa. “ Kanino to?” pinakita ni Richard ang isang naka-hanger na
long-sleeved button down shirt. Sa isang kamay naman nito ay ang dotted necktie.
“Sa’yo kanino pa nga ba? Regalo ko yan sa’yo para suotin mo ngayon sa
meeting ninyo.”
“Are you sure this is for me?”
“Oo para sa’yo talaga yan. Sino pa bang magsusuot ng ganyan yung mga friends
ko?”
“Eh kasi parang.. Checkered? Tapos dotted tie?”
“Bakit ayaw mo ba niyan? Kung ayaw mo, huwag mo na lang suotin.” Di
maipaliwanag ni Marian ang naramdaman ng makita ang reaksyon ni Richard sa
kanyang binigay. Sinubukan niya itong kunin mula sa mga kamay ng lalaki pero
iniwas nito na makuha niya.
“No, no, no..don’t get me wrong. I appreciate that you thought of buying
these for me to wear on this very important day. It’s just that, I’m worried
baka di babagay sa akin at ma-disappoint lang kita, alam mo naman siguro kung ano yung mga
sinusuot ko. I have never tried wearing this combination. Pakiramdam ko kasi di
siya babagay sa akin?”
Napangiti si Marian matapos marinig ang paliwanag ng lalaki. Kahit papaano
nawala ang sama ng loob niya ng malaman na di naman pala nito inaayawan ang
regalo niya.
“Kaya nga kita binigyan niyan kasi medyo ..umm.. let's just say, boring kang tingnan sa mga
sinusuot mo.” Biro ni Marian, birong may bahid na katotohanan din. Lagi na lang kasing plain colors ang sinusuot ng lalaki at pinagpapalit-palit lang ang combination kaya nakakasawa ding tingnan. “Isuot mo na para malaman natin kung bagay o
hindi. Pwede mo naman yang hubarin once di magustuhan eh.”
“Okay..di ko tuloy malaman kung magpapasalamat ako sa’yo or maiinis eh. Ikaw lang talaga ang malakas ang loob na sabihan akong boring.” bumalik sa loob ng closet si Richard at isinukat ang binigay ni Marian.
Paglabas nito makaraan ang ilang sandali, nakasuot narin ito ng navy blue slacks.
Nang makita ito ni Marian ay napangiti ang babae.
“See! It fits you. Di ka na boring! I’m sure mamaya maninibago ang mga
kasama mo.”
“Yeah right!” inirapan ni Richard si Marian kaya napangisi na lang ang babae
sa kanya. “Okay lang ba talaga tingnan to?”
“Okay na okay!” dalawang thumbs-up sign ang pinakita ni Marian sa lalaki
upang palakasin ang loob nito.
Tinulungan ni Marian si Richard sa kanyang necktie, pati ang pagpili ng
sapatos na susuotin ng lalaki si Marian ang pumili. Kahit may pag-aalinlangan
si Richard sa maaring mangyari sa meeting na dadaluhan, kahit papaano ay
gumagaan ang kanyang loob dahil sa ginagawang pag-aasikaso ni Marian sa kanya.
Kapag nakikita niya ang pagngiti ng babae sa tuwing natatapos nito ang
ginagawang pag-aayos sa kanya nawawala ang kaba niya at lumalakas ang kanyang
loob. Pakiramdam ni Richard sa bawat ngiting iyon ay nagsasabing walang
magiging mali na mangyayari sa kanya sa araw na iyon.
Hinatid ni Richard si Marian, bago bumaba ng sasakyan kinausap muna ni
Marian ang lalaki upang palakasin ang loob nito.
“Good luck sa meeting ninyo mamaya. Sa dami ng pinagdaanan at nalampasan
mong problema nitong mga huling buwan, sana makita rin ng Board yung effort
mong panatilihing matatag ang kumpanya.”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Richard pagkatapos ay ngumiti ito
sa babae. “I know .. you know what’s funny? Lagi ko naman napagdadaanan ang
ganitong senaryo mula noong pumalit ako kay lolo pero ngayon lang ata ako
nagworry. Everytime dumadating ang time na kinailangan ko silang harapin lagi
namang andiyan ang pressure, but this time. Sa dami ng nangyari parang ngayon
lang nag-sink in sa utak ko na di talaga ako dapat mag-fail.”
“Bakit naman? Si lolo ba?”
“ From the start si lolo ang definition ko ng pressure, at sanay na ako dun. But this time I
guess it's more of taking responsibility to someone else's life na bigla na lang dumating sa buhay ko. Ayoko mag-fail kasi andiyan siya at alam ko gusto niya akong magtagumpay.” napangiti si Richard habang sinasabi ito kay Marian.
Si Cheska? Siya ang naging dahilan mo para magpursige.. pwede bang aminin ko sa'yong naiingit ako sa babaeng yon? Ito kaagad ang pumasok sa isip ni Marian. Pakiramdam ni Marian bumibigat ang kanyang dibdib habang iniisip
ito. Gusto na niyang umiwas habang di pa na nila napag-uusapan ang babae sa
takot na di niya maikubli sa lalaki ang kanyang nararamdaman.
“Well, huwag kang magpadaig sa kanila. Nalusutan mo lahat ng
problema ng kumpanya for the past months. Ipakita mo sa kanila na andiyan ka sa
position mo kasi kaya mo at hindi lang dahil sa lolo mo. Don’t worry,
maiintindihan ka niya at susuportahan ka ng taong sinasabi mong ayaw mong
biguin.”
“Thanks Marian. I’m happy to hear that. “ isang matamis na ngiti ang
nasilayan ni Marian sa lalaki. Sinuklian naman niya ito ng isa ring ngiti pero sa
loob niya ay kabaliktaran ang kanyang nararamdaman.
“So paano, bababa na ako..good luck, Chard! See you later!” nagmadaling bumaba si Marian
mula sa sasakyan ng lalaki at di na nito
pinansin ang pagtawag ni Richard sa kanya.
“Wala man lang good luck kiss?” bulong ni Richard sa sarili habang nakatanaw
sa papalayong si Marian. Humahaba ang nguso nito dahil nadismaya nang di man
lang nahalikan ang babae. Ilang sandali ay muli na nitong binuhay ang makina ng sasakyan at
umalis na sa parking area ng university para pumunta na ng hotel.
Sa hotel, dumating ang karamihan
sa mga Board of Directors para sa
gagawing Mid-year reporting, yung iba naman na lumiban dahil sa kanya-kanyang
importanteng dahilan habang ang isa sa kanila ay nasa ospital at nagpapagaling
matapos ma-operahan sa sakit sa puso. Kagaya ng mga nakaraang meeting kasama
ang Board of Directors, ramdam ang tension sa loob ng conference room. Tahimik
na nakikinig ang mga directors sa ginawang presentation ni Richard. Kagaya ng
inasahan ni Richard, tinanong ng mga directors ang tungkol sa mga problemang
hinarap ng kumpanya for the past months lalong-lalo na yung tungkol sa mga
empleyadong nagsi-alisan dahil diumano di nagustuhan ang pamamalakad niya at
ang balitang di sapat ang benefits ng mga empleyado. Idenepensa ni Richard ang
sarili sa pamamagitan ng paglabas nito ng assessment report ng mga dating
empleyado na umalis galing sa kanilang mga department head. Inilahad din niya ang ginawang imbestigasyon ng kaniyang mga empleyado tungkol sa pangre-recruit ng kalabang hotel sa mga empleyado nila at ito din ang may pakana sa mga negatibong issues na lumalabas against LHR. Napanatag ang loob
ni Richard nang makita sa mga reaksyon ng mga directors nang makumbinsi niya ang
mga ito na di kawalan sa hotel ang pag-alis ng mga ito at lalong di totoo ang
sinasabing kulang sa benepisyo ang mga empleyado sa kumpanya.
Naging madali naman ang ginawang pagre-report ni Richard tungkol sa Lim
Hotel-Cebu. Walang sumalungat ng ihayag
ni Richard ang planong soft-opening ng hotel bago ang Grand opening nito sa
susunod na buwan.
Buong akala ni Richard di na mapag-uusapan ang tungkol sa nangyaring gulo against Mr.
Ivan Hewitt ngunit ng may magtanong na isang director, di na naitago pa ni
Richard ang buong pangyayari. Humingi ng paumanhin si Richard at muntik na
nitong nalagay sa alinlangan ang kumpanya. Napilitan si Richard na ilahad ang
buong pangyayari at dahil dito, di na niya naitago ang tungkol kay Marian.
Nagulat ang lahat ng malamang nag-asawa na si Richard. Binati siya ng mga
ito at biniro pa ang lalaki dahil sa ginawa nitong sekreto ang mahalagang
okasyon ng buhay niya. Yung iba naman nagbiro na marahil ang dahilan ng
pagiging masikap niya sa trabaho at kasalukuyang pag-iba ng istilo, partikular na sa pananamit ay dahil inspired ito kay
Marian. May mga directors ding naging mausisa tungkol sa pagkatao ni Marian at
naghayag na gusto nilang makilala ang babae. Nangako naman si Richard na
ipakikilala si Marian sa kanila sa mga susunod na araw.
Tumagal ang meeting ng halos kalahating araw. Binati ng mga directors si
Richard pagkatapos ng kanilang meeting. Inanyayahan pa ni Mr. Gonzaga si
Richard at ibang directors na dumalo sa debut ng kanyang anak na idadaos sa
gabing yon, mariin pang ibinilin nito na kailangang dalhin ni Richard si Marian
at ang lolo nito sa party.
Pagbalik sa kanyang opisina, kaagad tumawag si Richard kay Marian upang
ibalita ang nangyari sa meeting. Ilang sandali ang nakalipas ay narinig ni
Richard ang boses ng babae sa kabilang linya.
“Chard! Tapos na meeting ninyo?” tanong ng babae kay Richard.
Halatang sabik itong makibalita kung ano ang nangyari sa meeting nina Richard.
“Yes. Kakatapos lang.” nakangiti si Richard habang sinasabi ito.
“And?” bakas sa boses ng
babae ang pananabik na marinig ang balita ni Richard kaya di mapigilan ni
Richard na hindi matawa. “Chardddd! Come on, huwag mo akong pasabikin!”
“Relax Marian! Successful naman yung meeting, buo
parin ang tiwala ng Board sa kakayahan ko and in fact lahat sila nagbigay ng
one hundred percent support sa mga plano ko sa company at lalong-lalo na sa
LHC!”
“Yes! Congrats, Chard! See I told you, kailangan
mo lang ipakiita sa kanila na di ka kayang patibagin ng mga issues na yan!”
“Thanks Marian. By the way, alam na ng Board ang tungkol sa nangyari recently sa hotel.
Yung tungkol kay Mr. Hewitt.”
“Oh really? So ano daw?”
“Well, they said they want to meet you.”
“What?! Are you kidding me?” napasigaw si Marian
sa kabilang linya dahil sa sobrang gulat. “Bakit mo sinabi yung tungkol sa
akin, ano na lang ang iisipin ng mga ito. Mamaya niyan chismosa
na yung tawag nila sa akin tapos pinagtatawanan na nila ako tapos –“
“Hey, hey, hey tama na okay .. di yan ang iniisip
nila, infact gusto ka nilang makilala kasi gusto nilang magpasalamat sa tulong
na ginawa mo not just for me but for the whole company. Pinapasama ka sa akin
ni Mr. Gonzaga, debut ng anak niya at imbitado ang lahat ng directors. Pupunta
din si lolo mamaya. Anong oras ka ba matatapos diyan?”
“Sorry pero di ako makakasama.”
“What? Why? Look, if di ka sasama kasi nahihiya
ka don’t worry andun din naman kami ni lolo, di ka namin pababayaan.”
“No, di yan ang reason kung bakit di ako
makakasama. May meeting kasi kami mamaya para dun sa OJT namin next sem. Di
pwedeng di ako makakapunta. Mamayang 7:30 pa yon kasi yung iba may klase pa
hanggang sa oras na iyon. I’m sorry Chard, maybe next time na lang?”
“Ganun ba. Sayang naman.” Malungkot ang boses ni
Richard habang sinasabi ito. Sabik pa naman siyang ipakilala si Marian sa mga
kaibigan at kakilala sa party.
“ Nakakahiya naman kung late akong dadating sa
party kaya huwag na lang. Enjoy ka na lang Chard, kita na lang tayo sa bahay
mamaya. After everything, deserve mong magparty kaya dapat pumunta ka ha. Baka
naman mamaya magbago ang isip mo. Magagalit na talaga ako kung gagawin mo yon.”
“Okay, sige na pupunta ako. Naunahan mo na naman
ako sa plano ko. Di na sana ako tutuloy mamaya eh.”
“You should go, di ba sabi mo pupunta din si lolo
kaya dapat samahan mo din siya. Paki sabi na lang kay Mr. Gonzaga di ako
makakapunta at may importante akong gagawin. Pakisabi salamat sa invitation.”
“I will. Mamaya hintayin mo si Jonas, okay. Tatawagan ko siya para
siya na yung susundo sa’yo. And one more thing, promise me uuwi ka ng bahay
right away.”
“Of course. Sige, see you later. Bye!”
“Bye.”
Kahit wala ng gana si Richard na pumunta sa party
ay pumunta parin siya kasama si Roberto. Kagaya ng inaasahan niya, hinanap ng
mga directors na nasa meeting kanina si Marian. Nang sabihin nitong di
makakarating dahil may importanteng ginagawa ay mas lalo lang silang nag-usisa
tungkol sa pagkatao ni Marian. Nang malaman nilang kolehiyala at malayo ang
agwat ng edad ng dalawa, di maiwasang may mga nagtaas ng kilay sa mga ito.
Habang nasa party, hindi naging kumportable si
Richard na tuwing may nakakausap siya ay palagi na lang napag-uusapan si Marian.Minsan pa ay tampulan pa ng tukso ang laki ng agwat ng edad ng dalawa kahit di naman big deal ang paksang ito may masabi lang talaga sa babaeng di pa nila nakikita.
Pakiramdam ni Richard ay iba ang naging pagtanggap ng mga kakilala niya ng
malaman nila ang tungkol sa kasalukuyang estado ni Marian. Naiinis man,
kinailangan ni Richard na magtimpi at ayaw niyang magkaroon ng gulo. Inisip na
lang ni Richard na lilipas din ito at magbabago din ang isip ng mga tao kapag nakilala na nila si Marian.
Nang gabing iyon, di namalayan ni Richard ang
oras, halos maghahating-gabi na nang makauwi siya. Pagdating sa mansyon, tulog
na si Marian. Kahit alam nitong malabo pang madatnan niya ang babae na gising,
sa loob-loob niya ay umasa din siyang makakausap pa niya ang babae pagdating sa
bahay pero nang makita nitong mahimbing na itong natutulog ay di na niya ito
ginambala pa.
Naging abala sina Richard at Marian sa
mga sumunod na araw. Si Richard ay kinailangan bumalik ng Cebu ilang araw pagkatapos
ng meeting at planong mananatili doon ng mahigit dalawang linggo upang isupervise ang
LHC at siguraduhing maayos ang soft opening ng hotel at makitang matapos na matiwasay ang
natitira pang gagawin sa hotel hanggang sa grand opening nito. Pagkatapos ng
naging meeting ni Richard with the Board of Directors, di na niya napagukulan
ng panahon si Marian lalo pa at naging abala na rin ang babae sa nalalapit
nitong final exams para sa semestreng iyon. Sa kabila ng pagiging busy niya, sinigurado ni
Richard na tinatawagan niya si Maarian ilang beses sa isang araw para lang
kumustahin at malaman kung ano ang kasalukuyan ginagawa nito.
Friday came, last day ng exam nina Marian. Nasa
gym ang lahat ng graduating HRM students para sa isang activity kung saan
kinailangan nilang magpanggap bilang mga hotel employees, sa kanilang
performance ibabase ang magiging final grade nila para sa subject na iyon. Bukod
sa ito ang huling araw ng exam week nina Marian, espesyal din para sa babae ang
araw na ito dahil kaarawan niya.
Walang kaalam-alam si Marian na sa araw na iyon,
nagdesisyon si Richard na umuwi upang sorpresahin siya sa kanyang kaarawan. Ang
buong akala ni Marian, nakalimutan ng lalaki na kaarawan niya sa araw na iyon.
May konting tampo pa si Marian ng hindi man lang tumawag si Richard sa kanya ng
umagang iyon. Ipinaalam niya kasi sa lalaki na may gagawin silang activity
kinabukasan at baka di niya ito makakausap kapag mag-umpisa na ang activity
nila dahil magiging abala na silang lahat. Sinadya niya talaga itong sabihin sa
lalaki at nagbabakasakaling maisip nitong tumawag ng maaga sa kanya, kapag
nangyari iyon, para kay Marian sapat na itong pa-birthday at good luck gift sa
kanya ni Richard.
Habang abala na sina Marian sa activity nila sa
gym, kasalukuyan naman nasa cafeteria ng kabilang building si Richard.
Hinihintay nito ang pagdating ni Lea na inutusan niyang bumili ng bouquet ng
red roses for Marian. Sinadya ni Richard na huwag muna magpakita kay Marian at
balak niyang saka na gawin ito pagkatapos ng activity nila upang di
makagambala sa konsentrasyon ng babae.
Di na nagawang umuwi pa ni Richard sa mansyon
upang magbihis sa takot na maipit sa trapik. Na-delayed kasi ng isang oras ang
flight ni Richard kaya nakiusap na lang sa sekretarya na bumili ng mga bulaklak
imbes na siya na ang gumawa nito. Nagpasundo na rin siya kay Jonas sa airport
upang masigurong tuloy-tuloy ang byahe niya galing ng airport papuntang
university. Habang naghihintay kay Lea sa cafeteria, di sinasadyang marinig ni
Richard ang usapan ng dalawang estudyante sa kanyang likuran.
“Pare ano
yan? Pinabibigay na naman ni Mr. Feraris?”
“Oo eh, ewan ko ba dun..stockholder ata ng
chocolate factory at araw-araw na lang nagbibigay ng chocolate. Inaayawan na
nga di parin tumigil.”
“Iba din fighting spirit nitong si Mr.Feraris
ano? “
“Sinabi mo pa! Minsan nga sinabihan ko na tigilan
na niya kasi parang wala namang effect kay Marian yung pachoco-chocolates niya
everyday, sige parin ng sige.. kung maghihintay siya kung kailan siya sasagutin
ni Marian di na talaga siya magkaka-asawa!”
Napalingon si Richard nang sambitin ng lalaki ang
pangalang Marian. Pero agad naman niyang binawi ang kanyang tingin ng maisip
niyang baka hindi si Marian ang tinutukoy ng dalawa . Babalewalain na sana ni
Richard ang narinig pero di niya mapigilan ang sarili lalo pa at rinig na rinig
niya ang pinag-uusapan ng dalawa. Sa kaloob-looban ni Richard, gusto rin niyang
patunayan na hindi si Marian ang tinutukoy ng dalawa kundi kapangalan lang,
kaya ipinagpatuloy nito ang pakikinig sa mga lalaking nakaupo sa bandang
likuran niya.
“I heard madami nga daw nagkaka-crush dun at
marami din daw nanliligaw. May usap-usapan pa nga may boyfriend na daw si
Marian.”
Boyfriend? Kung
ang chismis ay may asawa na, malamang si Marian na talaga.. Sabi ni Richard
sa isip niya.
“Di na nakapagtataka yon, sa ganda niya lahat
naman ata tayo dito may crush sa kanya..Aminin mo, ikaw din!” Tumawa ang
dalawang lalaki.
So itong
Marian na ito katulad lang din ng aking asawa, maganda. Napangiti si
Richard habang naiimagine ang mukha ng nakangiting si Marian.
“Lahat nga daw ng boys sa basketball varsity team
may gusto sa kanya. But unfortunately, si Bart lang ang pumasa. Kaya tuloy ang
mga girls mas lalo naiinis sa kanya eh.”
Bart? Tss
..so si Marian talaga ang pinag-uusapan ng dalawang mokong na ito? Napalingon tuloy si
Richard sa dalawa ng marinig ang pangalan ni Bart. Ano bang pinagsasabi ng ninyo? Crush lang ni Marian si Bart at
hindi boyfriend! Kagat-kagat ang kanyang pang-ibabang labi, pigil na pigil
si Richard na huwag magsalita.
“So sinagot na siya ni Marian?”
“Malamang! Lagi ko kasi silang nakikitang
magkasama nitong mga nakaraang araw eh.”
“Ay kakainggit pare noh?”
“Oo nga eh..ay teka, ihahatid mo yan sa kanya
ngayon?”
“Oo, samahan mo ako sa gym..”
“Tara!” Tumayo na ang dalawang lalaki at kinuha
ang mga gamit nila sa mesa nang maisipang magtanong ni Richard.
“Excuse me.”
“Yes po, ano po yon?”
“What time daw magsisimula yung program doon sa
gym?”
“Ay kanina pa po nagsimula eh .”
“Ahh okay..thanks.”
“Sige po.”
Tumalikod na ang mga lalaki at iniwan si Richard.
Habang naghihintay kay Lea, di maiwasang mapaisip si Richard sa narinig niya
kanina. Ayaw niyang maniwala pero di rin naman niya maiwasang di
mabahala lalo pa at nitong mga huling araw ay mas may oras pang magkasama ng
matagal ang dalawa. Pero sa kabila nito, may bahagi parin sa isip ni
Richard na nagsasabing hindi mangyayari
ang bagay ni iyon matapos ang nangyari sa kanila ng pumunta sila sa bahay ng
nanay ni Marian. Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na mananatiling hanggang
crush lang ng babae si Bart katulad ng dati.
“Sir Richard!” narinig ni Richard ang boses ni
Lea, paglingon nito ay nakita niya ang sekretarya na papalapit sa mesa niya.
May dala itong bouquet ng red roses, nakangiti ito kahit na medyo humihingal
dahil sa pagmamadali nitong maihabol ang bulaklak sa kanya.
“Sorry Sir..traffic! Late na ba kayo?”
“No, not yet.. ”
“Ay buti naman..Sige, I’ll go ahead.”
“Okay, thanks Lea..kita na lang tayo later.”
Ngumiti sa kanya si Lea pagkatapos ay tumalikod
na at muling naglakad palabas ng cafeteria. Inilatag ni Richard ang bouquet sa
mesa at umupo ulit. Sinuri nito ang mga bulaklak at nang masigurong okay at
maganda ito ay naisip niyang tawagan si Marian. Ilang sandali ang nakalipas ay
di parin nito sinasagot ang cellphone kaya naisip na ni Richard na magpunta na
lang sa gym upang hanapin ang babae.
Nang makapasok na si Richard sa loob ng gym,
kaagad nitong hinanap si Marian. Ilang sandali ang nakalipas ay nakita niya
itong nakatayo kasama ang mga kaklase sa isang mahabang mesa malapit sa may
stage ng gym. Suot ng babae ang isang traditional chef uniform, white
double-breasted jacket and white pants. Napakagandang tingnan ni Marian sa kanyang suot , bagay na bagay
ito sa kanya. Kasalukuyang kinakausap ng grupo nina Marian ang isang lalaki na naka suit, matamang tinititigan ni Richard ang bawat
galaw nina Marian at kahit nasa malayo siya, alam ni Richard na kasalukuyan
nilang pinag-uusapan ang nakalatag na pagkain sa mesa ng grupo nina Marian. Habang
minamasdan niya kung gaano makipag-usap si Marian na puno ng kumpyansa sa
sarili, napapangiti si Richard at sobrang pinagmamalaki nito ang babae.
Ilang minuto ang nakaraan, nakita ni Richard ang
pag-alis ng lalaki sa mesa nina Marian. Pakiwari ni Richard di na niya
maantay pa kung kailan matatapos ang activity nina Marian, gusto na niyang
magpakita dito kaya naghanda na siyang lumapit sa mesa nina Marian pero nakita
naman niya itong umalis at naglakad patungo sa may gilid ng stage.
“Where?”
Ngumuso lang si Edselyn upang ituro ang
kinaroroonan ng lalaki. Paglingon ni Marian ay nakita niyang nakatayo si Bart
sa di kalayuan. Nakangiti ito sa kanya at may hawak na bouquet.
“Sige na puntahan mo muna..dalian mo lang ha at madami
ng guests na pumapasok.”
“Okay..thanks Eds.” Nilapitan ni Marian si Bart.
“Hi! Happy birthday! Ito pala, flowers to wish
you good luck yung birthday gift ko nasa locker pa kaya mamaya ko na lang
ibibigay sa’yo!” inabot ni Bart ang bouquet kay Marian.
“Aww thanks Bart! Sweet mo naman.”
“Welcome! Kumusta na?”
“Actually kinakabahan na kami. But so far
nasasagot pa naman namin ang mga tanong nila. Sana talaga maganda ang
performance ng group namin hanggang sa huli.”
“Relax Marian! Kaya mo yan, ikaw pa! Oh,
wait..yung hat mo ayusin natin.” Inayos ni Bart ang toque ni Marian. “Ayan..okay
na yan?”
“Yeah, thanks Bart..balik na ako dun ha. Mamaya
na tayo mag-usap.”
“Okay..no problem..good luck!”
“Thanks Bart!..and thanks din for the flowers,
pero pwede makisuyo ulit, pakihawak na muna please.”
“Yeah sure! Akin na ulit.”
“Thanks again, sige balik na ako.” Bago tuluyang
umalis ay niyakap muna ni Bart sandali si Marian. Nagulat man sa ginawa ng
lalaki ay di na nito nagawang iwasan pa ni Marian.Ayaw naman niyang
magkailangan pa silang dalawa kaya pinagbigyan na lang niya ito pagkatapos ay
nagmadali ng umalis at bumalik sa mga kasamahan niya.
Dahil sa nakitang yakapan between Marian at Bart,
di malaman ni Richard kung ano ang gagawin. Pakiramdam niya napako na ang mga
paa niya sa kanyang kinatatayuan, para siyang nag ‘ice bucket challenge’ ng di
oras. Nanlamig ang buong katauhan at tila wala ng ibang nakikitang tao sa
paligid kundi ang magkayakap na Bart at Marian lang, kung hindi pa siya biglang
naitulak ng kaunti dahil sa nagkukulitan ng mga lalaki sa kanyang likuran, di pa
bumalik sa hustong katinuan ang kanyang pag-iisip.
May ilang beses din niyang ikinurap ang kanyang
mga mata upang makumpirma na totoo ang kanyang nakikita at nang malaman nitong
hindi nga bunga ng kanyang imahinasyon ang nasaksihan, walang ibang nagawa si
Richard kundi ang tumalikod at naglakad papalayo sa lugar na iyon.
Di ako
dapat mag-isip ng kung anu-ano…yes, di muna dapat.. Ito ang paulit-ulit na
bulong ni Richard sa kanyang isip habang naglalakad palabas ng gym. But damn! Masakit din yon ah!
Di kayang
linlangin ni Richard ang sarili. Matapos narinig ang usapan ng dalawang lalaki
sa may cafeteria at ang nasaksihang yakapan ni Bart at Marian, selos ang
nangibabaw sa kanyang pagkatao. Maisip pa lang ni Richard ang posibilidad na
may namuo na talagang relasyon sa dalawa nitong mga nakaraang araw
na lagi silang magkasama, para ng mababaliw si Richard. Gusto ni Richard
malaman ang totoo sa mga sandali ding iyon ngunit ayaw muna niyang harapin si Marian
at masama pa ang kanyang loob. Ayaw din naman niyang gumawa ng eksena sa
university at lalong-lalo na sa espesyal na araw pa ng babae. Napagdesisyonan niyang palipasin muna ang araw na ito alang-alang sa babae. Nang marating ni
Richard ang parking area ay nagmadali itong sumakay sa kanyang sasakyan at
inutusan si Jonas na ihatid siya sa hotel upang doon na magpalipas ng sama ng
loob.
Pasados
alas-otso na ng gabi nang makauwi si Marian sa mansyon. Pagod man dahil sa
ginawa niya ng araw na iyon, masaya naman siya at matagumpay ang kinalabasan ng
kanilang activity. Mataas pa ang nakuha nilang marka ng kanyang mga kagrupo, at
bilang lider nila siya ang higit na maligaya sa kanilang nakuha. Pagkagaling sa university ay nagtungo pa sina
Marian at ang mga kaibigan niya sa isang restaurant upang doon ipagdiwang ang
isang simpleng selebrasyon ng kanyang kaarawan. At dahil pagod, pagkatapos kumain
ay kaagad namang nagkanya-kanyang nagsiuwian ang lahat.
Bitbit ang bouquet ng bulaklak na ibinigay ni
Bart, nagmadaling pumasok si Marian sa loob. Abot langit ang panalangin na sana
di siya makita ni Manang Fely ngunit saktong kakalabas lang ng matanda sa
kusina ng makita siya. Kaagad namang sumalubong si Manang Fely sa kanya.
“Magandang gabi, Marian. Kumusta
naman ang activity ninyo?” nakangiti nitong bati sa kanya pagkatapos ay
nakapako na ang tingin nito sa kanyang bitbit na bulaklak. “Ang ganda naman ng
mga bulaklak na yan. Kanino galing?”
“Hello po Manang, magandang gabi din. Oo nga po eh, galing sa mga kasamahan ko.
Masyadong natuwa ang mga iyon sa kinalabasan ng aming activity kaya heto
binigyan ako.” Pagsisinungaling ni Marian dahil ayaw naman niyang pag-isipan pa
siya ng masama nito. “Ayun successful naman po sa awa ng Diyos. Masaya po kami
lahat Manang at malaki po yung markang nakuha namin mula sa mga teachers at
guests namin.” Buong pagmamalaking sinabi ni Marian, abot-tenga ang ngiti nito.
“Mabuti naman kung ganun..o ihahanda ko na ang
mesa?”
“Huwag na po Manang, kumain na po ako kasama ang
mga kaibigan ko..akyat na lang po ako para makapagpahinga na rin.”
“ Ganun.. paano na ang--” di na hinayaan ni
Marian na tapusin ng matanda ang sasabihin nito sa pag-aakalang pipilitin lang
siya nitong maghapunan.
“ Pasensya na po talaga, Manang di ko na
matitkman ang hinanda ninyo pero pagod na po talaga ako.. Sige po..” Paakyat na
siya sa hagdanan. Pansin ni Manang na matamlay
at tila walang kabuhay-buhay si Marian kaya hinayaan na lang niya ito.
Pagpasok ni Marian sa kwarto, inilagay nito sa
bedside table ang dalang mga gamit at ang bulaklak na binigay ni Bart. May
ilang sandali pa siyang humiga sa kama at nang maramdaman ang antok ay pinilit
na ang sariling bumangon bago pa tuluyang makatulog na di pa nakapagpalit ng
damit. Kaagad naman nitong hinubad ang suot na blouse at skirt at binitbit ang
mga ito patungo sa banyo. Kung may isang bagay man na Malaya niyang nagagawa
tuwing wala si Richard, yun ay ang maglakad sa kwarto na walang ini-intindi
kahit na halos hubo’t-hubad na ang kanyang katawan.
Hawak ang doorknob ng banyo, nagulat si Marian
nang bigla nalang itong bumukas kaya napa-urong na lang siya. Nanlalaki ang mga
mata ni Marian ng mula sa banyo ay may lumabas na lalaki, nakatapis lang ito ng
putting tuwalya sa may bewang habang may isang puting towel na ikinukuskos sa
kanyang basang buhok. Dahil natatakpan ng towel ang mukha nito di kaagad
nakilala ni Marian ang lalaki. Sa gulat at takot nagsisisigaw si Marian habang
tinatakpan ang kanyang mukha.
“AHHHHHHH!!!” Sigaw ni Marian na panay din ang
pagpadyak-padyak ng mga paa.
Nagulat si Richard nang bigla na lang nakarinig
ng sigaw pagkalabas nito ng banyo pero mas ikinagulat nito ang nakitang halos
hubo’t-hubad na ayos ni Marian na nakatambad sa kanyang harapan. Di maiwasang mapatingin
muna ito sa babae mula ulo hanggang paa pero nang mahimasmasan ay nilapitan na kaagad
ang babae. “Shhhh Marian! Shhhh!” Hinawaka nito si Marian at pilit nitong
pinatitingin sa kanya upang malaman nitong wala siyang dapat ikatakot. “Hey,
ako to!” Sandali namang tumigil sa pagpupumiglas si Marian at binuksan ang mga
mata. Nang masilayan ng babae ang kanyang mukha, namilog ang mga mata ni Marian
habang nakatitig sa kanya.
“AHHH!!!
AHHHH!!! AHHH!!” sigaw ulit ni Marian. Sa pagkakataong iyon, di na takot ang
dahilan kung bakit ito sumisigaw kundi kahihiyan dahil sa kasalukuyang ayos
niya habang kaharap ang lalaki.
“Shhhh!! Ako to..keep your voice down. This is
me, Richard. Huwag ka ng matakot!” Pagsusumamo ni Richard sa kanya, di
naiintindihan kung bakit panay parin ang pagiging histerical ni Marian sa mga
sandaling iyon.
“Ikaw nga! Ikaw nga!” Sigaw ni Marian na panaka-nakang
tumitingala sa mukha ng lalaki pagkatapos
ay tinakpan ulit nito ang mukha ng isang kamay habang ang isa naman ay
sinusubukang takpan ang katawan. Nang mapagtanto nitong di naman niya lubusang
matatakpan ang katawan ay nagtatakbo na ito palayo kay Richard.
“Oo nga ako nga..stop screaming! Baka magtaka ang
mga tao sa baba kung bakit ka sumisigaw.” Hinahabol naman ni Richard si Marian
upang pakalmahin ito at maiwasang makalikha ng kaguluhan sa buong bahay.
Kakatapos lang sabihin ni Richard ang mga salitang
yon, narinig na nina Marian at Richard si Manang Fely na kumakatok sa pintuan.
“Marian! Marian! Ano ang nangyayari sa’yo diyan
at sumisigaw ka?”
Nataranta si Richard ng marinig ang pagtawag ng
matanda at ang panay na paghila-hila nito sa doorknob, sa takot na mabuksan
nito ang pinto lalo pa at may duplicate keys itong hawak, magkasabay naman ang ginawa
niyang pagsagot kay Manang at ang paghatak ng kubrekama upang gamitin na
pantakip sa katawan ni Marian bago nito binuksan ang pintuan.
“Manang!” pasigaw na sambit ni Richard,
hinihingal pa dahil sa nerbyos at pagmamadali.
“Bakit sumisigaw si Marian?” Tanong kaagad ng
matanda nang pagbuksan na niya ng pinto. Itinulak pa nito ang pinto upang
pumasok sa loob at hinanap si Marian.
“Wala po Manang..ano lang..uhmmm..ano kasi…”
utal-utal na sagot ni Richard. Naging blanko ang isipan at walang maisip na
dahilan.
Nakita naman ni Manang Fely si Marian na nakatayo
sa gilid ng kama, nakabalot ito ng kubrekama at tanging ang ulo lang nakikita.
Nakangiti ito sa kanya pero nang matitigan niya ay tila namumutla at
kinakabahan. Huli na nang maisip ng matanda na marahil nailagay niya sa isang
kompromiso ang dalawa dahil sa pagkakataranta niya ng marinig ang sigaw ni
Marian kanina. Bahagyang napahiya si Manang Fely pero alam niyang mas napahiya
ang dalawa kaya naisip na lang nitong idaan sa biro ang nangyari.
“Ano ka ba naman Ricardo..alam kong matagal
kayong di nagkita pero hinay-hinay naman. Huwag ninyong bulabugin ang buong
mansyon! Oh siya, aalis na ako at nang di ko na kayo madisturbo!” Lumabas na
ulit ito na may kakatwang ngiti sa mga labi.
Nang makita ni Marian ang ekspresyon sa mukha ng
matanda, kaagad nitong hinabol si Manang Fely. “Manang! Hindi po..” Gusto sana
niyang magpaliwanag at ipagtanggola ng sarili dahil sa hiya pero di na nito
nagawa nang hinarangan siya ni Richard .
“Paakyat na sina Jonas, stay here.” Hindi na niya
hinayaang makalabas pa si Marian. “Sige po Manang..sorry po sa abala..” Tumango
lang si Manang Fely at ngumiti. Sinarado
na kaagad ni Richard ang pinto bago pa tuluyang masilip sila ng iba.
“Ikaw kasi!” sisi ni Marian kay Richard nang
humarap na ulit ito sa babae.
“Why me? You were the one screaming!”
“Bakit kasi bigla ka na lang sumusulpot -- teka
anong ginagawa mo dito?”
“The last time I checked, bahay ko pa naman din
‘to..” pamililosopong sagot ni Richard kay Marian.
“Tseh! Oo na! Bahay mo nga to. Pilosopo!”
Napansin ni Richard ang panunumbalik ng pamumula
sa pisngi ni Marian. Naiintindihan naman niya ang babae lalo pa at pareho
silang nasorpresa sa di inaasahang pagsulpot ng isa’t-isa, ang masama pa,
pareho pa silang nasa isang nkakailang na sandali.
“Sige na Marian, magsho-shower ka di ba?..sige na
pumasok ka na at magbibihis na din ako.” Tumalikod na si Marian at naglakad
patungong shower room nang muli siyang tawagin ni Richard kaya lumingon ulit ito.
“Magsho-shower kang naka-tapis parin ng kubrekama? Alisin m mo na yan..nakita
ko na naman eh!” di inaasahang masambit ng malakas ni Richard ang biro niyang
iyon pero huli na para bawiin niya nang lumingon ito at marinig ang kanyang sinabi.
“ Ooppss! Peace!”
“Bastos! Kakainis!”
Tumawa ng malakas si Richard habang si Marian
naman ay pumasok sa loob ng banyo na nakabalot parin ng kumot.
Habang naliligo di mawala sa isip ni Marian ang
nangyari. Sinisisi ang sarili niya kung bakit pa siya naging kampante at
naghubad ng damit. Di na niya alam kung paano niya haharapin si Richard.
Tinitingnan ni Marian ang sarili niya sa salamin.
Nakakahiya!
Di pa ako ready ireveal ang katawan ko ano bah! Sabi pa naman ni nanay tumataba na daw ako tapos
ilang araw pa akong nagsisimula ng balik-alindog program ko..huhuhu..
Nakakahiya! Siguro yung fats ko ang maiisip niya kapag maaalala ang araw na
ito. Hu hu hu!
Nagbabasa ng magazine si Richard sa may
veranda nang lumapit si Marian sa kanya. Umupo ito sa harap niya pero napansin
niyang di naman siya tinitingnan nito.
“Sabi ni Dorina pinapatawag mo daw ako?”
“Oo.. – Teka, bakit di ka makatingin sa akin?
Don’t tell me nahihiya ka sa ginawa mong pagdi-display ng sexy mong katawan
kanina?” biro ni Richard pagkatapos ay nakita ni Marian ang ngiti nitong tila
may bahid pangungutya sa kanya.
“Heh!” Inis na inis si Marian kay Richard, buong
akala niya ay pinapatawag lang siya nito upang ipahiya kaya naisip niyang umalis
na lang sana kaya lang pinigilan siya ng lalaki.
“Sorry na..okay change topic na tayo. How was the
event kanina sa school?”
“Successful naman. It was a fun and memorable
day!”
“That’s great! Congrats!” bati ni Richard sa
kanya. Kapansin-pansin na di man lang umabot sa mga mata nito ang kasiyahan ng
boses niya. Napa-ismid pa ito pagkatapos.
“Ay ano yan..masaya ka ba talaga para sa akin o
hindi..nakakatampo na ha. Uuwi ka pala di ka man lang sumilip dun sa event.
Buti pa si lolo tumawag at nag good luck sa akin.” Di malaman ni Marian kung may nasabi ba
siyang mali matapos titigan siya ng masama ni Richard. “So-sorry..ang ibig kong sabihin..alam ko
namang di mo kailangang gawin yon kasi alam ko busy ka Huwag mo na lang
pansinin yung sinabi ko, biro lang yon kaya huwag ka ng magalit.”
“I was there..” mahinang sagot ni Richard
pagkatapos ay binawi ang tingin nito sa kanya at muling itinuon ang kanyang
atensyon sa binabasang magazine.
“Ano yon?”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Richard
bago siya sinagot. “I was there..kanina.”. Sa pagkakataong iyon, malinaw na
nitong binigkas ang kanyang sinabi upang marinig ni Marian. Seryso na ang anyo
nito.
“Talaga? Eh bakit di kita nakita?.”
“Di mo ako nakita pero nakita kita.”
“Weeh, nakita mo talaga ako dun?” ayaw maniwala ni Marian na nagpunta nga si
Richard sa university kanina. Inakala nitong sinabi lang ito ng lalaki upang di
siya magtampo.
“Of course I saw you -- in fact you were..you were – ah, never
mind!” Naiiritang sambit ni Richard pagkatapos ay tumayo na at walang pasabing
iniwan siya at pumasok sa kanilang kwarto.
Anong drama
nun? Kakausapin daw ako tapos biglang mang-iiwan. Pagtataka ni Marian sa
ikinikilos ng lalaki pagkatapos ay tumayo na rin ito para sundan si Richard.
Papasok na rin sana siya ng kanilang kwarto nang marinig niya ang pagtawag ni
Manang Fely sa kanya, paglingon ay nakita niya ang matanda na papalalpit sa kanya
at may dalang bouquet ng red roses. Iniabot ito sa kanya ng matanda, nagtataka
man ay tinanggap parin niya ito.
“Ano to Manang?”
“Nakita ni Jonas dun sa likod ng kotse, kasama ng
mga gamit ni Richard. Nakalimutan sigurong niyang dalhin pag-akyat niya kanina.
Kunin mo na. ”
“Thanks, Manang.” Tumalikod na si Manang Fely at
iniwan si Marian.
Flowers? Di
kaya para kay Cheska to kaya di niya inakyat?
Tsss!
Napabuntong-hininga na lang siya saka tuluyang
pumasok sa loob ng kwarto nila bitbit ang bulaklak na iniabot ng matanda sa
kanya. Pagpasok ni Marian ay nanonood ng tv si Richard, naka-upo ito sa sofa na
naka pwesto sa bandang paanan ng
kanilang kama. Di man lang siya nito pinansin pagpasok niya.
“Bulaklak mo binigay ni Manang sa akin, nakita daw
ni Jonas sa kotse mo. Inakyat niya dito, inakala siguro niyang para sa akin, oh
heto kunin mo na..Bakit di mo yan binigay kay Cheska pagdating mo kanina? Bukas
malalanta na yan.” Nang marinig ang sinabi niya ay bigla siyang tiningnan ng
masama ni Richard.
“Damn Marian! Di yan para sa kanya, para sa’yo
yan!” Inis na sagot ni Richard sabay patay ng tv at tayo para pumunta sa kama
nila.
“Pa-para
sa akin to? Talaga?” buong pagtatakang tanong ni Marian sa lalaki.
“Yes, its for you!” kumpirma naman ni Richard sa
kanya.
Napanganga na lang si Marian sa kanyang nalaman. Di niya
maipagkakaila ang saya na nararamdaman niya dahil unang beses niyang
makatanggap ng bulaklak mula kay Richard subalit di naman nakaligtas sa kanya
ang tila kakaibang ikinikilos ni Richard kanina pa.
“Pero bakit?”
“To wish you good luck sana kanina..”
“Kanina? Eh bakit di mo to ibinigay sa akin, di
ba sabi mo nakita mo ako dun, bakit di ka lumapit para ibigay to sa akin?”
Umiwas si Richard na sagutin ang tanong ni Marian,
hihiga na sana siya ng biglang hatakin ng babae ang t-shirt niya upang pigilan
siya na tuluyan nang makahiga sa kanilang kama.
“Bakit nga?”
“Forget it, matulog na tayo. Maaga pa ang balik
ko sa Cebu bukas.”
“Eii, bakit nga? Sagutin mo muna ako..bakit di ka
lumapit kanina?” pangungulit pa ni Marian, di parin nito binibitawan ang pagkakatahawak
sa damit ni Richard.
“Because I saw you smiling and hugging someone
habang hawak-hawak mo ang bouquet na binigay niya!”pigil na pigil si Richard
habang sinasabi ito upang iwasan na mapasigaw kay Marian. Namumula ang mukha
nito dahil sa magkahalong inis at hiyang nararamdaman sa mga sandaling iyon.
“So?”
“So-- umuwi na lang ako..”
“Ganun? Kaya ka ba nagagalit sa akin ngayon dahil
pakiramdam mo naunahan kang magbigay ng bulaklak sa akin, di ko naman kasalanan
yon noh ..ikaw lang naman yung maarteng di lumapit!”
“Di ako galit dahil dun ano bah…At saka, di ako
galit talaga, niinis lang..”
“Kahit na ba nainis ka lang, di ko parin
kasalanan. Teka, bakit ba talaga naiinis ka, huh?”
“Sino bang di maiinis kung yung taong pinuntahan
ko..lumipad pa ako all the way from Cebu just to see her and support her on her
special day is hugging someone else… Okay..sige na..aaminin ko na..di ako
nagtatampo, nagseselos ako! Happy ka na at
umamin ako?”
“Nagse-selos ..ka ??? Bakit?”
“Ewan ko sa’yo! Mahirap ba yung intindihin? Huh?”
“Bakit nga?” nalilito si Marian kung ano ang
iisipin, ayaw na niyang pangunahan pa si Richard sa takot niyang magkamali ulit
ng inaakala at sa huli ay sumama ulit ang kanyang loob sa lalaki.
“Bakit bakit bakit!! Wala na bang katapusang
bakit yan Maya?” naiinis na rin si Richard sa kanya at parang di parin
naiintindihan ni Marian kung bakit sumama ang loob niya sa babae.
“Bakit nga?” Sabihin
mo na kasi ..umamin ka na..
“Isa pang bakit at hahalikan na kita!” tuluyan
nang naubos ang pasensya ni Richard sa kanya kaya nagbanta na ito.
“Ba–..” Pinutol na ni Richard ang sasabihin ni
Marian. Mariin niya itong hinalikan. Namilog ang mga mata ng babae nang maramdaman
ang paglapat na ang kanilang mga labi. “Bakit mo ako hinalikan?” Tanong ulit ni
Marian habang nakahawak sa kanyang labi pagkatapos siyang bitawan ng lalaki.
“Bakit hindi? Marian, I thought malinaw na yung
sa ating dalawa matapos ang nangyari sa atin sa bahay ni nanay Teresita, pero
bakit kanina nakita kong may kayakap kang iba?”
“Tayo na ba? – teka wala ka naman sinabing..”
naputol na naman ang sasabihin ni Marian nang bigla siyang hawakan ni Richard
sa magkabilang pisngi. Bahagyang itinagilid ng lalaki ang kanyang ulo
pagkatapos ay muling inilapat ang kanyang labi at binigyan siya ng isang
banayad na halik sa labi.
Nang maramdaman muli ang labi ng lalaki ay may
ilang beses ding napakurap-kurap si Marian bago sandaling napapikit ang kanyang
mga mata at tumugon sa halik ni Richard sa kanya. Pagkaraan ng ilang sandali ay
tila may gumising sa kanya at pinaalalahan siya. Napamulat ng kanyang mata si
Marian pinilit tumutol ngunit nauwi lang sa wala ang kanyang tangkang
pagprotesta nang sa kangyang pagtatangkang magsalita ay mas nakahanap pa ng
paraan si Richard na mapadiin pa lalo ang paghalik nito sa kanya.
Di na nakuha pang kumuwala ni Marian sa maiinit na halik ni Richard sa kanya. Mga halik na banayad noong una ngunit unti-unting naging mapusok sa bawat minutong lumilipas. Naging mapangahas na rin si Richard nang gumapang na ang halik nito mula sa kanyang labi hanggang sa leeg at patuloy parin hanggang sa umabot na ito sa itaas na bahagi ng kanyang dibdib.
Wala mang karanasan sa mga bagay-bagay, natuto naman si Marian na suklian ang bawat pinaparamdam na pagmamahal sa kanya ni Richard. Tuluyang ng nawala sa isip ng babae ang limitasyong ilang ulit niyang isinasaksak sa kanyang pag-iisip upang maka-iwas sa lalaki. Sa bawat pintig ng kanyang dibdib, tila sinasabi ng kanyang puso na tuluyan na niyang isuko ang sarili at huwag ng mag-isip pa ng kung anu-ano. Nang tuluyan na siyang maihiga ni Richard sa kanilang kama at bahagyang kumubabaw ito sa kanya di na niya nagawang magprotesta pa.
"Marian, whatever happens right after this moment, please bear in mind na ginawa ko to dahil gusto ko." sambit ni Richard kay Marian, habol-habol ang kanyang paghinga, nakatitig ito sa mga mata ng babae. Sa gitna ng kasalukuyang maiinit na sandaling iyon, batid ni Marian ang pagkaseryoso nito. "The feeling is mutual, right?" Napalulon ng kanyang laway si Marian pagkatapos ay marahang tumango. Sa pagkakataong iyon, muling inangkin ni Richard ang kanyang mga labi at pinagsaluhan ang maiinit na pagmamahalan nila sa isa't-isa. Sa bawat haplos ..yakap .. at halik ng lalaki, pakiramdam ni Marian tama ang isinisigaw ng kanyang puso kesa sa kanyang isipan.
***A/N: Peace! Sana napatawad na ninyo ako sa sobrang tagal ng inantay ninyo. Mwah mwah tsup tsup! Slurppp! Haha!
Wala mang karanasan sa mga bagay-bagay, natuto naman si Marian na suklian ang bawat pinaparamdam na pagmamahal sa kanya ni Richard. Tuluyang ng nawala sa isip ng babae ang limitasyong ilang ulit niyang isinasaksak sa kanyang pag-iisip upang maka-iwas sa lalaki. Sa bawat pintig ng kanyang dibdib, tila sinasabi ng kanyang puso na tuluyan na niyang isuko ang sarili at huwag ng mag-isip pa ng kung anu-ano. Nang tuluyan na siyang maihiga ni Richard sa kanilang kama at bahagyang kumubabaw ito sa kanya di na niya nagawang magprotesta pa.
"Marian, whatever happens right after this moment, please bear in mind na ginawa ko to dahil gusto ko." sambit ni Richard kay Marian, habol-habol ang kanyang paghinga, nakatitig ito sa mga mata ng babae. Sa gitna ng kasalukuyang maiinit na sandaling iyon, batid ni Marian ang pagkaseryoso nito. "The feeling is mutual, right?" Napalulon ng kanyang laway si Marian pagkatapos ay marahang tumango. Sa pagkakataong iyon, muling inangkin ni Richard ang kanyang mga labi at pinagsaluhan ang maiinit na pagmamahalan nila sa isa't-isa. Sa bawat haplos ..yakap .. at halik ng lalaki, pakiramdam ni Marian tama ang isinisigaw ng kanyang puso kesa sa kanyang isipan.
***A/N: Peace! Sana napatawad na ninyo ako sa sobrang tagal ng inantay ninyo. Mwah mwah tsup tsup! Slurppp! Haha!
hayyyyyyy salamat at bumunga ang 10x a day na refresh!!! hehehehehe
ReplyDeletesanaaaaa wishing wish wish wish double or triple treat hehehehe
DeleteSorry naman at natagalan ang kasunod..yung double at triple treat ito na po yon. Sa haba nito good for 5 posts ito lahat haha!
Deletesabagay hahahahaha interesting na ang mga kasunod nito
Deleterefresh refresh pa din 10x a day!
salamat =)
Ayun.. Sa wakas! Thanks Con!
ReplyDeleteWelcome sis!
Deletesalamat con!!!
ReplyDeleteWelcome Ate! Nakabawi na ba si ox? :D
Deletemore than bawi con, kahaba ng chapter, i hope di ganon kahaba ang next posting ha :)
DeleteAng pag-aantay o ang word count ate? haha!
DeleteThank you sa update Ms Con.. Tama po ba ako na ito ang longest post nyo so far.? :)
ReplyDeleteMay tama ka! Joke!..sabi ng mga anito ito nga raw ang pinakamahabang post ko. Kailangan kasi, ang gulo ng posting ko sa kabilang balur :D
DeleteHi nylcoen, thank you sa nobela update, I called it nobela, kasi ang haba this time. Ito ba ang pasalubong mo sa amin after the long wait? Welcome back and sana you'll stay na here palagi. Naks Richard ha level up na ang moves mo kay Marian ha. Torrid kissing na at itong si Maya naman bumigay na din. Love din nya si Richard. I hope the next chap will be soon. Cheers!
ReplyDeleteanong nangyari? bakit doon nag end ang chapter 24? wahhhhhhhhhhhhhhhh ako lang ba ang di pa din kontento? kac andun na ko sa part na nag pa-palpitate na heart sa kung ano ang susunod na mangyayari ......... blaggggg biglang ??? kelan ang c25? hahahahahaha ito ang nagagawa ng sobrang stress sa buhay, buti na lang lumabas ang c24 at naturukan ako ng pampakalma (hmmmm ewan ko lang kung nakalma talaga hahaha) ayan, na consummate na ba ang marriage? baka kac kakatok muli si Manang Fe_ly *wink *wink *wink
ReplyDeleteMs Con salamat ng marami sa update na ito :-) Wow ang haba! - kung gaano kahaba ang hinintay ng mga adiks sa post mo na eto ganun din kahaba ang update - sana wag naman masyadong matagal ang sunod na update (wink). Parang alam ko na kung ano ang mangyayari hehehe. Please update soon! thankx once again.
ReplyDeletehindi ko pa nabasa dahil tinignan ko muna ang dulo, abah, gulat ako. ang habaaaaa! kinaya ng powers mo itong itago for the longest time, hahaha! tsaka na ko comment.
ReplyDeletethanks con, happy for the ending, at least me patutunguhan na... next pls....
Deleteat long last ...may ch24 na at meron pang magandang kaganapang mangyayari....sana tuloy-tuloy na ito! Ms.Con wala ng bitin-an ito ha...dapat 'all-the-way' na para magkaroon na ng apo sa tuhod si Lolo Roberto....yesss! may password din ba ang spg mo sa next chapter?
ReplyDeleteWow I love this chapter, malapit nang maging real husband and wife. Yes this chapter is long but not long enough ha, ha ha. Thank you.
ReplyDeleteHi Con.. Today nba ang next chapter? 😜
ReplyDeleteSorry ngayon Lang ako nag comment hinintay in ko sana. Lumabas lahat ng chapter bago basahin all together this is one of my favorite story of yours kaya di na kinaya ng powers kong maghintay so bumigay na ako at binasa ko from chapter1 to 24 and super kilig pa rin ako ESP this chapter I can't wait na sumuko ang Bataan sa Tsina !!!!!! Thanks sa update love it!!
ReplyDeleteMs.con kelan na po lalabas ang next chapter? I've read this chapter for the nth times na hoping na lumabas na yung next.hehehe..please palabasin nyo na po.excited na ko sa version 2.0 mo ng next chapter.hahaha
ReplyDeleteMs. Con, next chapter na pls.....
ReplyDeleteThanks Ms Con! Talagang nagmarathon ako from 1-24 chapter , ang ganda kase! Please keep on writing! Waitin for the next
ReplyDeletehabang naghihintay ng kasunod na chapter ng version 2, pwedeng humingi ng PW ng Epilogue ng version 1? Thanks
ReplyDelete