Friday, September 26, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 23 )

     Teka teka teka .. kay nanay nagpaalam kang dito matutulog, bakit sa akin nagpaalam ka na ba?” pinandilatan ng mata ni Marian si Richard upang malaman ng lalaki na di niya nagustuhan ang binabalak na pagtulog sa bahay ng ina. Di naman naka-imik kaagad si Richard at napatitig na lang kay Marian.

“At bakit kailangan pa niyang magpaalam sa’yo? Sa akin ba nagpaalam ka rin na dito matutulog, huh Marian?” Pagalit na sabi ni Tereista pagkatapos ay hinarap nito si Richard. “ Huwag mo na siyang intindihin.. okay lang na dito karin matutulog. Syempre andito ang asawa mo kaya normal lang na kung asan siya andun ka rin.” paniniyak ni Teresita sa lalaki, nahiya kasi ito at baka akalain ni Richard na hindi siya welcome sa pamamahay nila gayung alagang-alaga ng mga ito ang anak niya sa kanila.

“Sorry – pero kasi ano, nag-aalala lang ako sa’yo Richard, maliit lang kasi ang kwarto ko tapos walang aircon, wall fan lang ang meron kami. Matigas din ang higaan. Di ka sanay sa mga ganyan di ba… tapos wala karing gamit na dala. Wala kang pamalit diyan sa suot mo.”

“Marian huwag mo na yang intindihin. Okay lang din kahit walang aircon, kahit wall fan lang ang gamit mo okay lang din. Tsaka gabi na papauwiin mo paba ako?”

“Eii wala karin naman kasing gamit na dala kaya di ka rin makaka-stay dito, di rin naman problema kung uuwi ka kasi may kotse ka naman kaya kahit gabi na okay lang na umuwi ka sa mansyon.”

“Nagpahatid lang ako kay Jonas dito.. at may dala na rin akong gamit ko kasi umuwi ako sandali sa bahay upang kumuha bago ako nagtungo dito.”


“Ha?!” di maiwasang di mapanganga si Marian sa narinig. Napatingin si Marian sa ina at di makapaniwala. Buong akala niya pansamantala siyang makakalayo sa lalaki upang mabigyan ang sarili ng panahon na makapag isip-isip pero mukhang mabibigo siya sa pagkakataong ito.

“ Yung bag ng asawa mo andun sa may sala, iakyat mo na yon kasama nung sa’yo.” Utos ni Teresita sa anak niya.

“ Seryoso ka talagang dito ka matutulog?” paniniguro ni Marian kay Richard.

“Oo. Sabi ni nanay okay lang naman kaya dito ako matutulog.”

Labag man sa kalooban niya, wala ng magagawa pa si Marian kaya napasimangot na lang ito. “Pagnarinig kitang magreklamo mamaya talagang pauuwiin kita sa mansyon, wala akong pakialam kung maglalakad ka basta mag-alsa balutan ka talaga ha!” banta ni Marian sa lalaki. Ngunit ngumiti lang ito sa kanya at nagpatuloy na ulit sa kanyang kinakain.

Ilang minuto ang makalipas, nang matapos nang maghapunan ang lalaki ay magkatulong ang dalawa na naglinis sa kusina. Kahit ilang beses na sinabihan ni Marian si Richard na huwag na itong tumulong di ito nakinig kaya ang resulta, silang dalawa ang naghugas ng mga ginamit nila. Iniwan silang dalawa ng ina at aayusin daw muna ang kwarto ni Marian kung saan matutulog ang dalawa.

“Mr. Lim, kung di ka lang kasi duwag eh di sana di ka naghuhugas ng plato ngayon. Sana nasa isang magandang lugar ka ngayon at nakikipag-bonding kasama ang mga kaibigan mo.” Bulong ni Marian sa katabing si Richard. Kasalukuyang si Richard ang nagsasabon habang si Marian naman ang nagbabanlaw ng mga ito.

“Bakit, nagrereklamo ba ako? Ikaw ha, Marian..bakit parang nahahalata ko pinapalayas mo ako dito? Anong meron ba at ayaw mo ako dito ha?”

“Anong bang meron? Wala noh! Kasi nakokonsensya lang ako, naghugas ka ng pinggan samantalang doon sa bahay mo di mo naman ako pinaghuhugas ng pinggan. Saka mamaya magtitiis ka pa sa mainit at maliit kong kwarto.”

“Huwag mo na kasing isipin yan. Ang sa akin lang naman kasi umiiwas lang naman ako sa gulo. Kanina kasi narealize ko, yung circle of friends ko pala mga kaibigan din ni Cheska. Kasi naman noong college pa lang kami wala naman akong ibang naging kaibigan kundi yung mga kaibigan din niya. Lately kasi di ko na siya napupuntahan kasi sinabi ko busy ako sa hotel dahil sa nangyaring gulo, nagtatampo siya di ko raw siya binibigyan ng oras. Kung sakaling puntahan ko yung mga kaibigan namin at malaman niya eh di mas lalong magagalit yon tapos --”

“Ahh ..ngayon alam ko na..di ka pala kay lolo takot kundi sa kanya. Kala ko pa naman..”

“Teka lang kasi patapusin mo muna ako sa sasabihin ko! Si lolo nga yung isang dahilan kung bakit nakapagdesisyon talaga akong huwag ng tumuloy noh. Pagnalaman niyang gumimik ako tapos ikaw andito sa inyo, sasabihin nun kaya ako nagwawala kasi wala ka. Magagalit na naman yon..mas matitiis ko pa ang bunganga ni Cheska kesa sa kay lolo kung alam mo lang!”

“Weeeh di ako naniniwala..sinabi mo lang yan pero ang totoo mas takot ka kay Cheska! Ayaw mo lang masabihan ng under ng mga kaibigan ninyo kaya binabaliktad mo yung dahilan mo! Ginamit mo pa si lolo.”
“Of course not! At saka di ako under , no way!”

Ngumisi lang si Marian kay Richard upang inisin pa lalo ang lalaki. Nang makita nito ang pagkunot ng noo at paghaba ng nguso ng lalaki ay mas lalo lang lumakas ang pagtawa ni Marian.

“Huwag mo nga akong pagtawanan!” inis na saway ni Richard kay Marian pero di siya nito pinapakinggan.

“Under! Under!under! “ pakembot-kembot pa si Marian habang nanunudyo sa lalaki.

“Stop it!”

“Bakit, nasasaktan ba ang pride ng isang Mr. Richard Lim? Huh?!”

“Di ka talaga titigil? I swear di mo magugustuhan ang gagawin ko sa’yo.” Babala ni Richard kay Marian. Di na inulit pa ni Marian ang sinabi subalit tumawa naman ito ng malakas na parang nang-iinis parin kaya di narin nagpapigil si Richard at bigla nitong ipinahid ang mabulang sponge sa may ilong ni Marian. “Ginusto mo yan kaya huwag kang magreklamo!” depensa ng lalaki sa ginawa.

Nabigla si Marian kaya gumanti naman ito at sinabuyan ng konting tubig sa mukha si Richard. Tinawanan pa nito ng makitang basang-basa ng tubig ang mukha ng lalaki kaya hinila ni Richard ang kamay ni Marian at ikinulong ang babae sa mga bisig, pinipigilan na huwag makawala habang pinapahid na naman ni Richard ang sponge sa magkabilang pisngi ni Marian. Napuno ng bula ang pisngi ni Marian kaya sumisigaw at nagpupumiglas na ito upang patigilin ang lalaki. Sa mga sandaling iyon, si Richard naman ang nagkaroon ng pagkakataong para pagtawanan si Marian. Pinipilit kasi nitong ipahid ang pisngi sa kanya pero di nito magawang ilapit ang kanyang pisngi sa lalaki. Di rin nito magagamit ang mga kamay at mahigpit ang pagkakahawak ni Richard dito at kasalukuyang ding nakayapos ang lalaki sa kanya.

“Jusmio! Akala ko kung ano na ang nangyayari sa inyong dalawa dito. Marian, Richard! Ang ingay ninyong dalawa, ano ba! Baka magreklamo na ang mga kapitbahay natin!” nanlaki ang mga mga mata ni Teresita ng matuklasan kung bakit nagkakagulo ang dalawa sa kusina.

“Nay, tulungan mo ako. Binababoy po ni Richard ang mukha ko!” sigaw ni Marian habang nagpupumiglas parin na makawala sa bisig ni Richard.

“Shhh tumahimik ka na sabi eh! Ang lakas ng boses mo Marian, nakakahiya sa mga kapitbahay natin. Ang sabi ninyo maghuhugas kayo bakit -- ay naku! Ako na nga dito, umakyat na kayo doon sa taas at kayo na ang tumapos dun sa pag-aayos ng kama ninyo!” nilapitan na ni Teresita ang dalawa at kinuha ang sponge mula sa kamay ni Richard.

“Pero nay konti na lang naman to kaya tapusin na lang namin.”

“Huwag na Richard..tingnan ‘nyo nga kung ano ang ginawa ninyo..pati ang sahig basing-basa na, dinagdagan ‘nyo lang ang lilinisin ko..Sige na ako na ang tatapos dito at umakyat na kayo.”

“Kasalanan mo to eh!” sisi ni Richard kay Marian habang nakangisi sa babae.

“Bakit ako, eh ikaw ang nagsimula..” kaagad namang protesta ng babae, takot na mapagsabihan na naman ng ina.

“Sige na!! Dali na! Marian..Richard!”

“Opo!” Sabay na sagot ng dalawa habang magkatabing naghuhugas ng kanilang kamay. Ilang saglit ay bigla na namang sinabuyan ng tubig ni Marian ang lalaki at nagmamadaling umalis habang humahigkhik at pagkatapos ay dumila sa lalaki habang papalayo.

“Marian!” saway ng ina nito.”Itong babaeng to talaga kahit kailan! Hay naku! Sige na Richard sumunod ka na dun at magbihis ka na..basang-basa na yang suot mo.”

“Sige po ‘nay..pasensiya ka na po sa kakulitan namin.”

“Okay lang. Sanay na ako diyan sa anak kong yan.”

Pagkatapos maghugas ng kamay ay sumunod na rin si Richard kay Marian sa kwarto nito. Napa-iling at tawa na lang si Teresita sa dalawa. Naisip nitong sa edad ni Marian na 20 at ni Richard na 31 pareho parin ang dalawa na makukulit na parang bata. Sa kabilang banda, masaya si Teresita sa kanyang natuklasan sa dalawa. Kahit parang mga aso’t pusa at laging nag-aaway, nakikita naman ni Teresita na unti-unti ng nagiging kumportable ang dalawa sa isa’t-isa. Ngayon, masasabi niyang panatag na ang kanyang kalooban sa pag-aasawa ni Marian.

Sinundan ni Richard si Marian. Habang nglalakad sa makitid na pasilyo napansin ni Richard ang apat na pinto ng mga kwarto nina Marian. Di niya makuhang hulaan kung saan papasok kaya nagpasya na lang siyang tawagin ang babae..

“Marian?!” tawag ni Richard upang masigurong hindi mali ang kwartong papasukan nito.

“Bakit?”

“Asan ka?”

“I’m here!” nakita ni Richard ang pagbukas ng pinto sa pinakahuling kwarto kaya agad siyang naglakad patungo sa kwarto na iyon.

“So this is your room..” iginala ni Richard ang kanyang tingin sa maliit na kwarto ni Marian. Napasimple nga lang talaga ng dating kwarto ng babae. Meron lang itong cabinet na sakto lang ang laki, isang maliit na bedside table, at ang maliit na kama nito.

“Oo, at kagaya ng sabi ko di ka magiging kumportable kung dito ka matutulog. Tingnan mo nga ang kama ko sobrang liit lang.

Napatingin si Richard sa kama ni Marian, maliit nga lang ito. Pang isahan lang talaga. Napa-isip tuloy si Richard kung paano ang magiging set up ng paghiga nila gayong bukod sa maliit lang ang kama ay may dalawang unan lang ang naroroon. Nasanay kasi sila na kapag natutulog ay may mga unan sa gitna pero kahit papaano ay di naman masikip para sa kanilang dalawa ang higaan nila. Don’t tell me sa baba mo ako pahihigain Marian? Tulad ng lagi kong nakikita sa mga pelikula at teleserye.

“Marian, pangungunahan na kita ha. Di ako matutulog sa sahig.” Mariing saad ni Richard, nakatingin ito ng diretso sa mga mata ng babae para ipaalam dito na wala siyang balak gawin iyon.

Napanganga si Marian sa kanya, di makapaniwala na naunahan na naman siya sa kanyang sasabihin dito. “Aba Mr. Lim! Huwag mong sabihin na ako ang matutulog sa sahig?”

“Nasa sa’yo yon kung gugustuhin mong matulog sa sahig pero ako sinasabi ko na sa’yo ngayon pa lang di mo ako mapahihiga sa sahig!” seryoso ang mukha ni Richard habang nakatingin kay Marian.

“Okay fine! Eh di magtabi tayo! Tingnan natin kung sino ang unang susuko sa sikip ng kama ko!” hindi nagpadaig si Marian at talagang hinamon pa si Richard.

Napangiti lang si Richard dahil sa hamon sa kanya ng babae. Pagkatapos ay muling iginala niya ang tingin sa paligid hanggang sa nahagip ng kanyang mga mata ang isang picture frame na nasa ibabaw ng mesa nito. Lumapit si Richard sa may kama at umupo sa gilid nito saka dinampot ang frame upang tingnan ng malapitan. Larawan ito ni Marian na kuha noong isang taon noong sumali siya sa isang beauty contest sa school nila. Ang larawan na iyon ang nagpapanalo sa kanya bilang Ms. Photogenic kaya paborito niya ang larawan na iyon. Siya rin ang nanalo bilang Ms. Technological University of Manila.

“Bakit naka make-up ka dito?”

“Contest -- sa university kasi yan, last year lang. Sumali ako sa isang beauty contest.”

“hmmm ikaw ang nanalo?”

“Naman!”

“Yabang!” tumawa si Richard sa paraan ng pagsagot ni Marian.

“Nagsasabi lang ako ng totoo noh!”

“In fairness..maganda ka dito sa picture.”

“Diyan lang sa picture? Bakit di mo aminin kahit sa personal maganda talaga ako?”

“Oo na..sige na maganda ka na para matahimik ka na. Alam ko naman di mo ako titigilan hanggat di ko sasabihin yan.” Di parin maalis-alis ang ngiti ni Richard sa mga sandaling iyon. Habang nakaupo siya sa kama ni Marian, di maalis-alis ang paningin niya sa lalarawan ng babae. Si Marian naman ay nakasalampak sa may paanan niya, may kinuha ito sa loob ng bag kaya di nito napansin ang ginagawa ng lalaki at nakatalikod ito kay Richard.

“Chard, di ka ba magbibhis – hoy! Huwag mong…Akin nay an!” nataranta si Marian nang sa sandaling liningon nito ang lalaki ay nakita nitong binabaliktad na ni Richard ang frame na hawak na naman nito at tila may tinitingnan sa likod. Maya-maya pa ay kinuha na ng lalaki ang nakadikit sa may likuran ng frame.

Pinipilit ni Marian na agawin ang nasa kamay ni Richard pero iniiwas ito ng lalaki. “Bakit nasa likod ng frame mo ang picture nato? Bakit di mo na lang ilagay ng maayos sa isang frame at pagkatapos ay itabi diyan sa frame mo?”

Natuklasan ni Richard ang isang 1x1 size ID picture ni Bart na nakadikit sa likod ng frame ni Marian. Buti na lang nakapa niya ito kaya natuklasan niya ang lihim na litratong iyon.

“Hindi ko pwedeng gawin yon noon kundi malalagot ako kay nanay. Bilin niya noon huwag akong magbi-bf hangga’t di pa tapos sa pag-aaral kaya nga laking gulat na lang niya nung sabihin kong ikakasal na ako noong araw na umuwi ako dito kasama kayo ni lolo. Kung idinisplay ko yan sa isang frame malamang di ako tatantanan ni nanay sa kakatanong kahit wala naman talaga akong aaminin.”

“ Hmmm I see.. “ So .. mula noon hanggang ngayon, sa likod lang pala ang lugar mo. Sekretong nagdiriwang ang damdamin ni Richard sa kanyang narinig. Kahit na noong una ay di niya nagustuhan ang natuklasang larawan na iyon, kahit papaano ay medyo gumaan ang pakiramdam niya nang makumpirma na mula noon ay di nagkaroon ng pagkakataon si Bart na maging bahagi sa buhay ni Marian.

“Akin na yan..buti di ito napansin ni nanay na nakatago diyan. Nakalimutan ko kasi yang dalhin nang lumipat ako sa mansyon, buti nakita mo .. ”

Iniabot ni Richard kay Marian ang ID picture at nakita niya itong nilagay ni Marian sa wallet niya, napaismid tuloy si Richard.

“Siguro kaya ayaw mo akong matulog dito noh, kasi natakot kang makita ko yan?”

“Hindi ah! … Teka, gusto mo na bang mag freshen-up? Nasa kabila kasi yung banyo namin. Yung pinto na bago ng kwarto ko.”

“Ah okay, pero mauna ka na lang.”

“Okay. Sige dito ka na muna ha.”

Tumango lang si Richard pagkatapos ay lumabas na si Marian. Si Richard naman ang naghanda ng kanyang gamit. Inilabas niya mula sa dalang bag ang isang boxer shorts at isang white t-shirt na susuotin sa kanyang pagtulog. Habang hinihintay si Marian ay humiga-higa muna ito sa kama ng babae.

Masaya si Richard na nagkaroon siya ng pagkakataon na makapasok sa kwarto ni Marian. Kahit di kasing gara ng mga naging kwarto niya dati at sa kasalukuyan nilang kwarto ngayon sa mansyon ang dating kwarto ng babae, para sa kanya magiging kumportable parin ito kasi andito si Marian. Kahit saan pag andiyan ang babae gumagaan ang pakiramdam niya, kaya nga mas pinili pa niyang sundan ito sa bahay ng ina kesa sa sundin ang gusto ng babae na lumabas siya kasama ang mga kaibigan kasi dito alam niya mas magiging masaya siya..

“ Hayy Richard Lim.. patay ka ngayon -- patay na patay kay Marian ..toinks!” Napailing na lang siya habang nakangisi dahil sa sariling joke na naisip.

Ilang minuto ang nakalipas ay nagbalik na si Marian sa kwarto nito, di kagaya ng umalis siya, ngayon ay nakasuot na ito ng isang pajama at white tank top na pantulog. Si Richard naman ngayon ang lumabas bitbit ang kanyang damit at tuwalya at nagtungo sa banyo.

Habang nasa banyo ang lalaki, di mapakali si Marian sa loob ng kwarto nito. Panay ang paroo’t-parito sa maliit na espasyo. Iniisip ni Marian kung paano sila hihiga ni Richard sa kama na hindi sila mahihirapan. Sa tangkad at laki ng katawan ni Richard, sigurado siyang di magiging madali at magiging masikip ang kamang ito para sa kanilang dalawa. Kinabahan tuloy si Marian nang maalala nito ang gabing naramdaman niya ang labi ni Richard. Di maalis-alis sa kanya na mag-alala na maaaring maulit ang nangyari sa kanila ngayon gabi, ang mas ikinabahala pa ni Marian at baka di niya mapigilan ang sarili niya at magpatianod na lang sa nararamdaman sa lalaki lalo pa at magulo ang isip niya ngayon. Kung bakit naman kasi sumunod-sunod ka pa dito eh lumayo na nga ako para pakalmahin ang sarili ko at naguguluhan na ako tsk tsk tsk!
Napakislot si Marian ng biglang marinig ang pagbukas ng pinto sa likod niya at nakita ang pagpasok muli ni Richard. Mas lalong dumadagundong ang tibok ng kanyang dibdib ng makita ang suot ng lalaki. Di maitatagong mas lalo siyang na-aattract kay Richard kapag suot na ng lalaki ang kanyang pantulog. Sa kakisigan ng lalaki, napapa-nganga talaga siya ng di oras.

“Okay ka lang?” tanong ni Richard kay Marian ng makita ang kakatwa niyang ekspresyon sa mukha.

“Ha? Ah..eh..oo naman. “ natararantang sagot nito. “Tulog na tayo?” dali-daling pumwesto si Marian sa kanang bahagi ng kama kung saan naroon ang maliit na bedside table, humiga itong patagilid at humarap sa may mesa niya at tinalikuran si Richard.

Di nagpahalata si Richard na natatawa siya sa babae at alam niya kung anu ang tumatakbo sa isip nito. Halatang-halata na kinakabahan si Marian. Matapos niyang itabi ang kanyang tuwalya ay tumabi na siya kay Marian sa kama. Dahil nakatagilid si Marian patalikod kay Richard mas may espasyo pa ang lalaki. Tumihaya ito sa pagkakahiga habang nakapaloob ang kaliwang kamay sa ilalim ng unan niya, magkapatong ang dalawang binti at kumportableng-kumportable sa kanyang pagkakahiga kahit na matigas kama ni Marian sa likod. Gayunpaman, di talaga maiiwasang magdikit ang dalawa dahil pang-isahan lang talaga ang kama na hinihigaan nila.

“Marian..?” tawag ni Richard nang mapansing tahimik na ang katabi. Naisip iyang kulitin ang babae kasi di pa siya dinadalaw ng antok.

“Bakit?”

“Inaantok ka na ba?”

“Hindi pa naman..bakit?”

“Wala lang, gusto ko lang makipagkwentuhan.”

“Di ka pa ba inaantok? Di ka ba pagod sa trabaho?”

“Hindi..can I ask you something?”

“Ano?”

“About your father. I wonder kung anong nangyari kay tatay, di ka kasi nagkukwento ng tungkol sa kanya. Anong nangyari sa kanya?”

Napakagat-labi si Marian sa di inaasahang tanong ni Richard. Di naman niya pwedeng ipagkibit-balikat ang tanong na iyon dahil magiging unfair ito sa lalaki. Maraming bagay ng naibahagi si Richard sa kanya at naisip naman niyang di kalabisan kung sakaling magkwento naman siya ng kahit konti tungkol sa bahaging iyon ng buhay niya.

“Di ko alam.”

“Bakit? Bata ka pa ba nung namatay siya?”

“Huh? Sino bang maysabing patay na siya?”

“Ay hindi ba? Kala ko kasi patay na siya, asan na ba siya ngayon?” nagulat din si Richard nang malaman na hindi pa pala patay ang tatay ni Marian. All the while, akala talaga niya patay na ang tatay ng babae.

“Kung ang ibig sabihin mo ay kung nasaan siya ngayon specifically, yan ang di ko alam.” Nanatiling nakatalikod parin si Marian kay Richard habang nagsasalita, mas gusto niyang sa ganitong paraan siya magkwento kasi ayaw niyang makita ni Richard ang mukha niya habang nagkukwento sa detalye ng kanyang buhay lalo pa at di naman kagandahan ang bagay na iyon para sa kanya.

“Bakit? Iniwan ba niya kayo or naghiwalay sila ni nanay?”

“Huli na kasi ng malaman ni nanay na may asawa na pala si tatay, buntis na siya nun sa akin. Kaya nagdesisyon siyang lumayo upang hindi na mas lalong gumulo ang sitwasyon.”

“Oh! “ sandaling natahimik si Richard, di parin makapaniwala sa mga bagay na natuklasan mula kay Marian. Alam niyang binuksan niya ang isang bagay na nag-iwan ng isang malaking sugat sa puso ni Marian kaya nagsisisi tuloy siya kung bakit naisipan pa niyang magtanong pa. “I’m so sorry for asking..I should have kept quiet and never bothered to bring it up.” Malumanay ang boses ni Richard habang sinasabi ito kay Marian.

“No, okay lang naman. Di ko naman maitatago ang katotohanang yon sa buhay ko di ba, at saka di ko na hinahayaang ang sarili ko mapektuhan kapag napag-uusapan siya noh.”

“I grew up na sina lolo at lola lang ang kasama kaya yung childhood ko basically yung mga memories ko sila lang yung kasama ko. Noon I often wondered paano kaya kung buhay pa ang parents ko. Di naman sa nagrereklamo ako kasi my grandparents are always there naman for me, but you know, there are instances na nangangarap din ako na magkaroon ng normal na family. Kapag naririnig ko ang mga kwento ng mga kaklase ko about family trips or arguments nila with their parents there was always this side of me na parang nangangarap na sana sa trips ko abroad sila yung kasama ko or sana naranasan ko naman mapagalitan ni dad or ni mom or maranasan man lang –“ biglang napahinto sa pagsasalita si Richard nang tila may narinig siyang sumisinghot-singhot. “ Are you crying?” Napalingon si Richard sa katabi upang tingnan kung tama ang hinala niya pero di niya makita ang mukha ni Marian.

“Hindi ah!” deny ni Marian kahit na nag-iba na rin pati ang boses niya. Pagkatapos ay narinig na naman ni Richard and pagsinghot niya.

“Pinagkakaila mo pa eh ano yan?”

“Hindi nga!” dumungaw si Richard kay Marian na nakatagilid parin sa kanya pero nagmamatigas ito. “Hindi nga sabi eh..ang kulit mo talaga!”

“Bakit ayaw mong tumingin sa akin?”

“Hindi nga..”

Di na naikubli ni Marian ang kanyang pag-iyak nang pinwersa na siya ni Richard na tumihaya sa pagkakahiga. Bahagya din siyang dinaganan ni Richard at hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi upang pwersahin na tumingin sa kanya.“See! Ikaw talaga Marian denial queen! You are crying! ..Look I’m sorry for being insensitive. Kala ko ba wala na sa’yo at di ka na naapektuhan?”

Di na nagawang sumagot pa ni Marian. Nahiya na siya dahil nahuli na naman ni Richard ang isang kahinaan niya. Napahawak na lang siya sa mga kamay ni Richard na nanatiling nakahawak sa magkabilang pisngi niya.

“I’m sorry..”

“Di mo kailangang mag-sorry..di lang talaga siguro ako kasing tapang mo. Ikaw yung tahasang nagsasabi ng mga nararamdaman mo pero ikaw tong di naging emosyonal.”

“ I can see that you are longing for your father. What if mabigyan kayo ng chance magkausap, kakausapin mo ba siya?”

“Di ko alam. Saka ko na lang yan sasagutin kung mangyayari na.”

Marahang tumango si Richard habang nakatitig sa kanyang mga mata. May ilang sandali rin silang nagtitigan hanggang sa bumaba ang mga titig ng lalaki sa kanyang labi. Napalunok na lang si Marian nang mapansin yon, kasabay ang paglakas ng tibok ng kanyang puso.

Naramdaman ni Marian ang unti-unting paglapit ng mukha ni Richard kaya nang bigla nitong inihilig ang ulo ay napapikit na lang si Marian at hinintay ang paglapat ng labi ni Richard sa kanya. Isang banayad na halik ang naramdaman ni Marian. A light kiss that slowly grew passionate and aggressive. Marian found herself responding with his kisses in equal heat and intensity. Opening her mouth when she felt Richard’s tongue boldly seeking entry unto her sweet mouth. She was in the verge of losing control, lost in the sensation brought by Richard’s kisses until she felt the tightness of his grip on her jaw and the heaviness of Richard as he pinned her down too much, that she can barely breath. She broke their kiss, leaving her with a swollen lips and both of them breathless.

“Chard.. I— “

“So-sorry, sorry Marian…I lost control… Are you alright?”

“Y-yes..” Di makatingin ng diretso si Marian kay Richard dahil sa hiya. Malakas parin ang tibok ng puso niya sa mga sandaling iyon.

“G-galit ka? Sorry…”

Isang iling lang ang naging sagot ni Marian kay Richard, di makuhang magsalita dahil nahihiya siya. Di niya makuhang magkunwari sa lalaki na galit siya sa ginawa nito dahil alam niyang hindi lang ang lalaki ang kanyang niloloko kundi pati na rin ang kanyang sarili. Naisip niyang sa mga sandaling iyon, maging totoo naman siya sa kanyang sarili, kagaya ng naging totoo siya sa mga sandaling tinutugon niya ang mga halik ng lalaki sa kanya.

Napabuntong-hininga si Richard ng makita ang reaksyon ni Marian. Gumaan ang loob ng malaman nitong hindi galit si Marian sa kapangahasang ginawa. Inakala niyang isang malaking gyera na naman ang magaganap subalit kabaligtaran ang nangyari. Gusto sana niyang magtanong pa ngunit ng mapansin nito ang pamumula ng mukha ni Marian, nagbago na ang kanyang isip. Action speaks louder than words, ito ang pumasok kaagad sa isip ni Richard. Sapat na ito sa kanya bilang sagot ng babae sa tanong na naiisip niya.
Richard moved closer to Marian, pulling her towards him and let her rest her head on his chest. He didn’t hear her protest that it made him smile. Richard sighed then kissed her hair before closing his eyes to sleep.

     Kinabukasan, naunang nagising si Marian, nakayakap parin ang lalaki sa kanya. Nang masilayan ang mukha ni Richard pagbukas na pagbukas niya ng kanyang mga mata, napapangiti na lang si Marian. Bumalik sa kanyang alal-ala ang matamis na nangyari sa kanila nang nakaraang gabi. May ilang sandali siyang nanatiling nakamasid sa natutulog paring si Richard ngunit nang marinig nito ang mahinang katok sa kanilang pintuan ay dahan-dahan na siyang bumangon at pinagbuksan ang kanyang nanay.

“Bakit po?” pabulong ang pagsasalita ni Marian.

“Halika muna dito.” Pinalabas ni Teresita ang anak upang iwasan na magambala ang pagtulog ni Richard.

“Nay bakit nakabihis ka na? Aalis ka na po?”

“Oo, magpapaalam ako sa amo ko mamaya at baka payagan akong mag-half day. Kayo na muna ang bahala dito ha, nagluto na pala ako ng agahan ninyo.”

“Sige po, ingat po kayo.”

“Ikaw na ang magsabi sa asawa mo, okay? Sige ‘nak alis na ako.” Tumalikod na si Teresita pagkatapos magpaalam sa anak at umalis na. Si Marian naman, pagkatapos sumilip sa loob ng kwarto at nakitang tulog pa din si Richard ay iniwan na ito at hinayaan na ang lalaki.

Ilang minuto ang nagdaan ay lumabas na rin si Richard at kaagad nitong hinanap si Marian. Natagpuan niya si Marian sa may dining table, kasalukuyan itong abala sa hawak nitong cellphone kaya di man lang nito napansin na papalapit na siya dito. At dahil sa nakatalikod ito sa kanya ay ginulat niya ito sa pamamagitan ng biglang pagyakap sa may likod nito.

“Good morning!” bati ni Richard pagkatapos ay mariin itong hinalikan sa leeg.

“AY KABAYO!” sa sobrang gulat ni Marian ay napasabunot pa ito sandali sa buhok ng lalaki ngunit ng malaman na si Richard ito ay kaagad namang binitawan ang buhok ng lalaki.

“Richarddd!” sigaw ni Marian sa lalaki, tinawanan lang siya ni Richard. Aliw na aliw ito sa kanyang reaksyon pagkatapos ay hinalikan ulit si Marian sa pagkakataong ito ay sa labi na.

“Sorry..” binitawan na ni Richard si Marian pagkatapos ay umupo na sa silya na nasa tabi nito.”Si nanay?” tanong ni Richard habang hinahanap ng mga mata si Teresita.

“Kanina pa umalis, pumunta sa trabaho.”

“Ahhh..sorry ha tinanghali ako ng gising.”

“Huh? Bakit, kailan ka ba gumising ng maaga?” panunudyo ni Marian sa lalaki.

“Oo na..oo na. Matahimik ka lang.”

“Yannn! Matuto kang tumanggap ng pagkatalo hehe!” napailing na lang si Richard sa sinabi niya. Pagkatapos magkulitan at konti pang lambingan ay napagkasunduan ng dalawa na mag-breakfast na.

Habang kumakain ay narinig ni Richard ang pagtunog ng kanyang cellphone tanda na may text itong natanggap. Kinuha ito ng lalaki sa bulsa at tiningnan kung sino ang nagtext. Habang binabasa ang mensaheng natanggap ay nakita ni Marian ang pag-iba ng ekspresyon sa mukha ng lalaki, unti-unti itong sumimangot at nagsalubong na ang mga kilay.

“Bakit? Sa hotel ba?” usisa ni Marian sa lalaki ngunit umiling lang ito.

“Excuse me, may tatawagan lang ako.” Tumayo si Richard at naglakad patungo sa may sala.

Dahil sa ginawa ni Richard di tuloy maiwasan ni Marian na huwag mang-usyoso. Di nga nagkamali si Richard nang sabihin noon sa babae na likas itong chismosa kaya ngayon ay muling lumabas ang talentong iyon ni Marian. Palihim niya itong sinundan sa may sala, nakita niya si Richard sa may bungad ng main door nila, nakaharap sa labas kaya di siya nito nakitang nagkubli sa di kalayuan ng kinatatayuan niya.

“Hello..asan ka ngayon? … My goodness Ches, ilang beses ko bang sinabi sa’yo huwag mong gawin yan?! Ang tigas ng ulo mo!..”

Nang marinig ni Marian na si Cheska pala ang kausap ni Richard, bigla na lang bumigat ang pakiramdam niya. Naiiinis siyang mapakinggan kung paano kinakausap ni Richard ang babae at katulad na katulad ito kung paano siya pagalitan ni Richard tuwing nakakagawa siya ng bagay na di nito nagugustuhan. Pakiramdam ni Marian nawalan ng saysay ang magagandang bagay na nangyari sa kanila nitong mga huling araw.

Upang di na siya mas lalong masaktan pa, tumalikod na si Marian at bumalik na sa mesa. Ilang minuto ang nakaraan ay bumalik na rin si Richard at sinaluhan na siya ulit sa hapagkainan, napansin ni Marian na salubong pa din ang mga kilay nito at mukhang mainit ang ulo. Naisip ni Marian na marahil apektadong-apektado ito sa pagtatalo nilang dalawa ni Cheska kaya di maikubli ang tunay na nararamdaman ng mga sandaling iyon. Naiinis si Marian habang pinagmamasdan ang lalaki kaya di na rin siya nagsalita ulit.

Pagkatapos nilang kumain. Tahimik na nagligpit si Marian sa kusina habang si Richard naman ay muling bumalik sa sala upang sagutin ang tawag ni Lea. Habang naghuhugas si Marian ay di parin kumalma ang naramdaman niyang inis sa lalaki.

Shete! Akala ko okay na kami. Akala ko yung nangyari kagabi ang ibig sabihin nun..hmph! Nauntog na naman ako! Ilang beses na ba akong nauntog, nahulog, at nabukol dahil sa singkit na ito? Baka naman sa susunod magising na lang ako, di na talaga bukol kundi pilay-pilay na ako! Halos magliparan ang mga pinggan sa kusina sa pagdadabog na ginawa ni Marian pero nang maisip niyang nagiging katawa-tawa na siya sa pinag-gagawa niya pinakalma na niya ang sarili at nag-isip kung paano siya makakaganti sa lalaking gumugulo ng damdamin niya.

Pagkatapos maglinis ng kusina kaagad pinuntahan ni Marian si Richard sa may sala. Nadatnan niya itong abala parin sa kanyang cellphone.

“Psstt!” tawag ni Marian dito, nang marinig siya ay agad naman siyang tiningnan nito. “ Kung magtratrabaho ka lang diyan bakit di ka na lang magbalot at umalis para pumasok sa hotel?” mataray na sabi ni Marian kay Richard, nakapameywang pa ito sa lalaki.

“Sorry.. I was just cheking my emails. Ito itatago ko na.” isang matamis na ngiti ang pinakita ni Richard kay Marian.

“Oh, ngayon … kailan mo naman balak simulan ang trabaho mo dito?” seryoso ang mukha ni Marian habang nagtatanong sa lalaki kaya nawala ang ngiti sa mukha ni Richard nang maintindihan niyang di nagbibiro ang babae sa sinabi nito.

“Mag-maglilinis? A-ako?” napaturo si Richard sa sarili, di makapaniwala sa sinabi ni Marian sa kanya

“Natural! Anong akala mo bakasyon grande ka lang? Hahayaan mo na lang bang ako yung maglinis dito habang ikaw eh parelax-relax ka lang?”

“No, of course not..kung gusto mo nga ako pa yung gagawa ng mga trabaho mo.” Pabirong sagot ni Richard kay Marian, tumawa pa ito ng mahina.

Natutukso si Marian na sabihing Oo gusto niya itong gawin ni Richard para sa kanya para makabawi siya sa inis sa lalaki pero ayaw naman niyang maghinala ang lalaki sa kanya. “ Ay di naman Mr. Lim baka sabihin mo pang inaalila kita. “

“Okay then, ano yung gagawin ko para masimulan ko na.” nakangiti habang nagtatanong si Richard pero ang totoo ay kinakabahan na siya sa gagawin niya.

“Maglinis ka dito sa sala. Andito na yung mga gagamitin mo.” Tinuro ni Marian ang sahig kung saan nakalatag ang mga gagamitin ni Richard para sa paglilinis ng sala. May nakita siyang mga basahan, floorwax, pambunot, walis, feather duster, at mop. Nang makita ang mga iyon napalunok na lang si Richard. Si Marian naman ay lumabas ng bahay upang maglinis sa bakuran. Sekreto siyang napangiti nang makita ang naging reaksyon ng lalaki sa kanyang utos.

27 comments:

  1. omgeee, Cardo ano ba? inamin mo ng patay na patay ka sa asawa mo, bakit d pa edispatsa ang Cheska na yan? masaya na sana ... bumulusok pa bigla huhuhu ... (i'm in deep turmoil right now, kaya pasensya na Con, d ko alam kung ano ang isusulat ko) pero ang laking pasalamat ko at may update

    ReplyDelete
  2. maglilinis nga ba ang isang ricardo lim? hmmm hehehehe interesting!
    ricardo, mag tapat ka na kay marian para wala ng masakit sa dibdib =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maglilinis yann..kung ayaw niyang palayasin ni marian :D

      Delete
    2. This comment has been removed by the author.

      Delete
    3. sana mag tapat na para start of something sweet! hehehehe

      Delete
  3. Pwedeng maglupasay.? Ang lapad na ng ngiti ko eh.. :) ang saya na! Tapos biglang binawi agad!! Ms. Con please BCWMH..
    Super thankie po sa update :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello uenicego..maitanong ko lang, kaw din ba yung nag-like ng chinito sa booklat account ko?

      Delete
  4. Thanks Ms Con konti na lang bibigay na itong dalawang ito. Isako na si Chesca tapos itapon sa gitna ng dagat

    ReplyDelete
  5. ang cute sana ng kulitan tapos me cheska na naman:)

    ReplyDelete
  6. ang cute nila parang aso't pusa lang pero mga inlove ayaw pa mag aminan...sana may next chapter agad. Thanks sa update Ms. Con.

    ReplyDelete
  7. Replies
    1. Hello Flora! I'm still working on the next part, I'll try to update tomorrow or Tuesday.

      Delete
    2. ahemmmm ... today is Tuesday and i kinda lack of any strength na huhuhu hindi ako matutulog hanggang lumabas si 24 LOL

      Delete
    3. Matulog ka na Ate Peng, di ko natapos si 24 at nagloko na si net namatay pa ang ilaw namin tsk tsk tsk

      Delete
    4. hala ngayon ko lang napansin, kac naalala ko nag reply ako dito sa comment mo con ... bakit d na post? huhuhu

      nananawagan din ng c24 pleeeeeease ... (pasensya sa pag demand hehehe) mwahhhugs

      Delete
  8. promise 5x ko na ito inulit hahahaha although naiinis ako sa tawag ni cheska
    im excited for the next chapter! hehehehe sana magtapat na si chinito

    ReplyDelete
  9. ano ba yan Ms.Nylcoen....nagkiss na nga ba't di pa nagtuloy-tuloy...more lambing pa Richard baka next time pagbigyan ka na ni M...sweet na sana ba't umiksena pa itong cheska (pwede bang isako na sya)...so glad for your update...pls dont stop writig fanfics featuring our beloved reel love team R & M...

    ReplyDelete
  10. con, parang malayo pa lumabas si rainbow dito ah....
    how's the book going?
    update na please,,,,

    ReplyDelete
  11. ms. con kailangan ba talaga mag comment muna ako para i-post mo ang next! hahaha salamat sa update... sana naluto mo na ng mahusay ang next... hahaha... wait! there's more! tyvm sa chapter na ito.... nakakatuwa ang slowly but surely getting closer etc thing... di ko ma describe... =) yun na yun =)

    ReplyDelete
  12. Ms Con patiently waiting for the next chapterS - itodo mo na please :-) Thanks

    ReplyDelete
  13. Ms.Con! Asan na po ang next chapter? I check ir site everyday hoping if may update na.hehe..sana bukas meron na..thanks!

    ReplyDelete
  14. when kaya kasunod nito? demanding lang.. miss u con!

    ReplyDelete
    Replies
    1. I miss you to Ms. Rocel! Konting-konti na lang pramis..

      Delete
  15. con!!! i agree with rocel here :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ate sinusubukan kong tapusin yung isang buong chapter talaga para maayos din yung posting ko dun sa booklat at para din di siya gaanong bitin every chaps na pinopost ko.

      Delete
    2. noted con :) refresh, refresh lang kami :) :)

      Delete