Friday, January 9, 2015

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 27 )

  “Excuse lang po Sir Richard pero wala pong kasalanan si Bart. Siya pa nga po yung tumawag sa amin para sabihan kami na nasa panganib si Marian.” Mataray na sabi ni Edselyn. Hindi na siya nakapagpigil sa sarili, ipinagtanggol na si Bart kay Richard.

“Keep your hands off my wife, Mr. Ramirez!” dagdag pasabi ni Richard kay Bart pagkatapos ay tiningnan ang lalaki ng masama na may halong pagbabanta dito kung sakaling di pa lulubayan si Marian.

“CHARD! .. Please?” pilit pinipigilan ni Marian na hindi maiyak, ang boses niya ay puno ng pagsusumamo kay Richard.

Nang marinig ni Richard ang boses ni Marian ay tumingin ito sa babae. Sa mga sandaling iyon, tila natauhan si Richard. Saka pa niya naalala kung saan sila sa mga sandaling iyon, sa wakas di nakaligtas sa tenga niya ang bulong-bulongan na nagmumula sa labas ng pinto. Di maiwasang mapamura ang lalaki dahil sa kanyang nakita. Alam niyang napahiya niya si Marian sa harap ng mga taong walang kaalam-alam sa mga pangyayari.
“I’m sorry.. sorry .” Nilapitan nito si Marian at niyakap. “ Are you okay? Wala bang masakit sa’yo?” mangiyak-ngiyak na umiling lang si Marian pagkatapos ay yumakap narin sa lalaki.


Nabigla si Bart sa nasaksihan. Minsan na niyang nakita ang ganoong tagpo sa pagitan ng dalawa noong sumugod si Richard sa mall pero ngayon, may kakaiba siyang nararamdaman lalo pa ng marinig ang tawag ni Richard sa babae at sa nakita nitong mahigpit ang pagkakayakap nina Marian at Richard sa isa’t-isa.

Dahil sa kumosyon na nangyari sa loob ng clinic, lalong naka agaw ng pansin sa ibang estudyante kaya mas nadagdagan pa ang mga taong naki-usyuso sa labas. Ramdam ng mga kaibigan ni Marian kung ano ang kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon kaya upang makatulong, lumabas sina Joshua at Daniel upang itaboy ang mga chismoso sa labas at nanatili sa loob sina Emman, Edselyn, at Mary Faith.

Sandaling nanatili sa loob ng clinic sina Richard at Marian kasama ang mga kaibigan ng babae. Kinausap ni Richard ang dean nina Marian pati narin ang mga kaibigan nito upang malaman kung ano ang nangyari. Hindi maiwasan ni Richard na magalit lalo pa at si Marian ang naging biktima. Subalit gustuhin man niyang simulan kaagad ang mas masusing imbestigasyon sa nangyari, di nila magagawa ito dahilan sa nagsiuwian na ang ibang nangangasiwa sa building. May hinala kasi silang isa sa mga ito ang aksidenteng nag-lock ng laboratory kung saan naroon si Marian.

“Mr. Lim, lubos po kaming humihingi ng pasensiya sa nangyari. Asahan ‘nyo pong bukas na bukas rin , first thing in the morning ang imbestigasyon sa nangyari ngayon po ang aming aatupagin kaagad.”

“Aasahan ko po yan Mrs. Flores.”

“Makaka-asa po kayo Mr. Lim. We will let you know as soon as matapos namin ang investigation bukas.”
Matapos ang ginawang pag-uusap. Nagpaalam na si Richard sa dean nina Marian. Di na nakuha pa ni Marian na magpaalam ng maayos sa mga kaibigan at kaagad na siyang hinila ni Richard palabas ng clinic.

“I’ll call you later..” habang hila-hila ni Richard si Marian ay nakuha pa nitong sumenyas kay Edselyn at kumaway na rin sa iba pang mga kaibigan. “Ingat kayo sa pag-uwi, salamat..”

“Let’s go..tama na yan ..” hinawakan na ni Richard ang magkabilang balikat ni Marian upang hindi na ito makalingon pa habang pababa na sila ng hagdan.

Habang nagmamadaling maglakad patungo sa sasakyan, mahigpit ang pagkakahawak ni Richard kay Marian na para bang natatakot na bigla na lang itong mawawala sa kanya. Tahimik lang ito at nang tiningnan siya ni Marian, nakita nitong magkasalubong ang kilay at tiim-bagang parin ito tanda na wala pa sa tamang oras na magsalita siya ng anumang may kinalaman sa nangyari kanina.

Shut up Marian, shut up! Paulit-ulit na paalala ni Marian sa sarili habang naka-upo sa may unahan ng kotse, sa tabi ni Richard. Hanggang sa makalabas ang sasakyan nila sa university, di parin nagsasalita si Richard kaya napabuntong-hininga na lang si Marian upang kahit papaano ay lumuwag ang nararamdaman niya.

Pagdating sa bahay nila, pinaakyat na siya mag-isa ni Richard sa kwarto nila kaagad. Ilang minuto ang nakalipas ay pumasok ito sa kanilang kwarto na may bitbit na tray na may lamang pagkain. Lubos na naantig ang puso ni Marian dahil sa pag-aalaga ni Richard sa kanya kahit na alam niyang kahit papaano ay masama ang loob nito lalo pa nagalit ang lalaki nung makita si Bart na andun sa clinic kanina.

“Marian, kumain ka na muna bago ka magpahinga.” Mahinahon ang boses ni Richard habang sinasabi ito, ibang-iba sa kung paano ito makipag-usap kanina sa harap ng mga kaibigan at Dean nina Marian.

“Chard, di ka na lang sana nag-akyat pa ng pagkain dito. Pwede naman akong bumaba sa kusina para doon na kumain eh.” Tinangka nitong kunin ang tray mula sa kamay ng lalaki pero di siya pinagbigyan na makuha niya ito, bagkus ay ibinaba ng lalaki sa isang maliit na mesa ang tray. Umupo na lang si Marian sa couch na nasa harap ng mesa.

“Huwag ka na lang makipagtalo, please? Sige na , kumain ka na para makapagpahinga ka narin.” nanatiling mahinahon sa pagsasalita si Richard sa kanya kaya mas lalong nakokonsensya si Marian. Umiling si Marian at tumitig kay Richard. “Why? Ayaw mo ba ang pagkain? .. Is there something wrong? O may masakit ba sa’yo?” Puno ng pagkabahala ang tinig ni Richard. Ibinaba nito ang dalang tray sa maliit na mesa at tumabi kay Marian.

“No, wala naman Chard..it’s just that -- gusto ko lang mag-usap muna tayo. Di rin naman ako makakakain ng maayos kapag alam kong galit ka sa akin eh.”

“Galit ako sa’yo? Sino bang may sabi na galit ako sa’yo?”

“Hindi ba? Bakit di mo ako kinakausap? Alam mo bang, mas gusto ko pa yung katulad noon na sinisigawan mo ako kapag nagagalit ka kahit na dahil lang sa isang maliit na bagay at least alam ko kung ano yung tumatakbo sa utak mo ka kesa ganito, tahimik ka nga pero pakiramdam ko ang bigat-bigat ng kasalanan ko sa’yo.”

“Tama na, tama na..di ako galit sa’yo alam ko namang di mo ginusto yung nangyari.”

“Pero bakit ang tahimik mo?”

“Kasi may iniisip lang ako, sorry di ko sinasadyang mapaisip kita ng ganyan basta di ako galit sa’yo. I guess disappointed lang ako. And if may isang tao akong kinaiinisan ngayon, it’s Bart not you.”

“Chard, di ka dapat magalit sa kanya. Siya yung dahilan kaya nalaman nina Eds kung nasaan ako at siya yung tumulong sa akin.” Sinubukan ni Marian na panatilihing kalmado ang boses niya upang di isipin ni Richard na kinakampihan niya si Bart.

“Fine! Siya na yung tumulong sa’yo..SIYA NA NAMAN! .. Siya na naman yung unang taong andiyan para sa’yo! Siya na kung siya, pero bakit ba kasi lagi na lang...bakit lagi na lang?!” Malakas na ang boses ni Richard habang pinapaliwanag ang dahilan kung bakit kinamumuhian niya si Bart.

“ Nagkataon lang naman kasi na lagi ko siyang kasama sa mga sandaling iyon Chard at walang may gustong ganun ang mangyari.”

“Yan nga ang ikina-iinis ko eh, yung parang tadhana na mismo ang naglalapit sa inyong dalawa. . Ako yon dapat eh! Ako yung dapat andiyan sa tabi mo hindi siya, pakiramdam ko tuloy wala akong silbi!”

“Chard, huwag mo namang sabihin yan. Di naman importante sa akin kung sino ang nauna ang importante sa akin andiyan ka para sa akin at hindi mo ako pinabayaan.”

Sandaling nanahimik si Richard bago narinig ni Marian ang kanyang buntong-hininga.“Totoo ba yon?” Tumango si Marian bilang tugon sa kanya. “ I know para akong baliw Mairan, but the truth is I’m scared.. I’m scared of losing you. Takot ako na isipin mong di ako yung taong karapat-dapat sa’yo .. natatakot akong isang araw ma-realize mong si Bart yung taong iyon kaya tuwing nakikita kong magkasama kayo di ako mapalagay. Natatakot akong magising isang araw nagbago na ang isip mo at iiwan mo na lang ako..”

“Tama na Chard..tama na. Okay, para mawala na yang takot mo, bukas na bukas din kakausapin ko na si Bart at sasabihin ko na sa kanya na nakapagdesisyon na akong di na ako bibitiw sa relasyong natin.”

Nang marinig ang sinabi ni Marian, nabuhayan ng loob si Richard. Isang malaking ngiti ang nasilayan ni Marian sa mukha ng lalaki. Kinabig siya nito at niyakap ng mahigpit. “Thank you..thank you Marian. ”

“Kung yan ang ikapapanatag ng kalooban mo Chard, gagawin ko.”

“I’m such an idiot! Dapat ikaw yung inalalayan ko ngayon pagkatapos ng nangyari sa’yo kanina pero heto ka ngayon, ikaw pa yung umiintindi at nagpapalagy ng loob ko..”

“Don’t worry I understand. Just stop thinking those negative things kasi di yon mangyayari..okay?”

Masuyong hinalikan ni Richard si Marian sa labi na buong pagmamahal naman tinugunan ng babae. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, habang magkalapat ang kanilang mga labi ay biglang narinig ni Richard ang pagkalam ng sikmura ni Marian.

“Ooppss, sorry po!” biglang namula ang mukha ni Marian dahil sa hiya sa nangyari, pagkatapos ay napahagikhik ang dalawa . Binitawan ni Richard si Marian at inabot ang tray na nasa mesa. “Ako na..” pinigilan siya ni Marian at saka dinampot ang plato mula sa tray. Habang kumakain ay sinusubuan din ni Marian si Richard bagay na hindi naman tinanggihan ng lalaki.

Pagkatapos kumain ay ibinaba ni Richard sa kusina ang dinalang tray habang si Marian naman ay nagshower. Pagkatapos magbihis ay naalala ni Marian ang mga kaibigan kaya naisip nitong tawagan si Edselyn upang mangumusta, upang maiwasang marinig ni Richard ang usapan nila ay nanatili sa loob ng dressing room si Marian. Ilang sandali lang matapos marinig ang pagri-ring ng cellphone ng kaibigan ay narinig na ni Marian ang boses ni Edselyn sa kabilang linya.

“Marian! Kumusta na?”

“I’m fine .. sorry pinag-alala ko kayo kanina, ah.”

“Ano ka ba, wala yon. Teka, ano bang nangyari at hinimatay ka sa loob?”

“Ha? Eh..”

“Marian ano bang ginagawa mo diyan at di ka pa nagpapahinga?” biglang sumulpot sa may likuran niya si Richard kaya hindi na nagawang makapagsalita kaagad ni Marian. “Sino yang kausap mo?” tanong naman nito kaagad sa kanya.

“S-si Eds.” Kinabahan bigla si Marian nang makita si Richard kaya nautal ito sandali sa pagsagot sa lalaki.

“Ah okay, paki-sabi sa kaibigan mo sorry sa nangyari kanina sa clinic.”

“Eds, narinig mo yon? Sorry daw sa nangyari kanina sa clinic, pinapasabi ni Richard.” Masayang sabi nito sa kaibigan.

“Uy, himala ata! Di ba mainit ang ulo niya ngayon? Eh kanina lang mukhang kakainin na niya ng buo si Bart ah! Sabihin mo sa kanya okay lang, naiintindihan ko yung nangyari.” Itinaas ni Marian ang kanyang hinlalaki upang iparating kay Richard ang mensahe ng kaibigan na balewala lang para kay Edselyn ang nangyari kanina, nang makita ito ni Richard ay ngumiti ito sa kanya.

“No hindi naman..basta mag-usap na lang tayo pag nagkita na tayo..”

“Oh so ibig sabihin sasama?”

“Sasama? Saan?” nagtaas ng kanyang kilay si Marian, si Richard naman ay napatingin sa kanya nang marinig ang tanong niya sa kausap sa kabilang linya. Napakunot din ito ng noo habang nakatitig sa kanya kaya para sabihin sa lalaking wala siyang alam kong ano ang ibig sabihin ni Eds ay umiling na lang dito.

“ Well kasi kanina nagusap-usap kami, since 3 weeks lang ang sem break na meron tayo, next week na yung bakasyon natin. Sabi ni Emman naasikaso na raw niya yung place kung saan tayo pupunta.”

“Ganun? Eh di pa ako nakapagpaalam kay Richard eh. Bukas ba hindi kana babalik ng university? Akala ko kasi magkikita pa tayo bukas ..”

“Hindi eh, may lalakarin akong importante since five days din akong mawawala dito. Bakit, pupunta ka ba? I’m sure di papayag si Richard na pumunta ka pagkatapos ng nangyari kanina.”

Napatingin si Marian kay Richard, buong akala ni Richard ay kaya ito ginawa ni Marian ay para malaman kong papayagan niya ito na sumama o hindi. “Anong meron?” tanong naman ni Richard kay Marian.

“Magbabakasyon daw, next week..” mahinang sagot ni Marian na bahagyang inilayo ang cellphone niya sa tenga at tinakpan ang mouthpiece upang di marinig ni Edselyn ang pinag-uusapan nila.

“Saan?”

“Eds, pinapatanong ni Richard kung saan daw yung bakasyon?”

“Sa Rest house ng pinsan ni Emman.”

“Rest house ng pinsan ni Emman.” Sambit naman ni Marian sa lalaki.

“Ilang days daw?” tanong kaagad ni Richard kay Marian kaya itinaas ng babae ang kanyang kamay at inimuestra ang bilang na lima. Sandaling nag-isip si Richard at napagtanto niyang wala pala siya sa Manila ng mga araw na iyon at maaring mainip lang si Marian lalo pa at nasa bakasyon din ang mga kaibigan kaya naisip niyang payagan na lang ang babae na sumama sa bakasyon ng mga ito. “Tell her you can go.”

Nanlaki ang mga mata ni Marian sa narinig, di niya inasahang ganun lang kadali na payagan siya ni Richard na sumama. “Really?” di makuhang itago ni Marian ang saya sa kanyang mukha ng mga sandaling iyon kaya tumili ito ng tumili, nagulat tuloy si Richard sa ginawa niya at napailing na lang. “EDS! SABI NI RICHARD OO DAW, PAPAYAG SIYANG SUMAMA AKO SA INYO NEXT WEEK! WOHOO!!” napatalon-talon pa si Marian na parang bata habang sinasabi ito sa kaibigan.
“YEYYY!!!” walang pagsidlan din ang kaligayahan ni Edselyn sa balita ni Marian. Buong akala niya malabo itong makakasama sa kanila. “You know what! Di rin naman pala masama na mawalan ka ng malay paminsan-minsan, may milagrong nangyayari pagkatapos, eh!” biro ni Eds sa kanya pagkatapos ay tumawa ng malakas.

“Loka ka, ah! “ di narin mapigilan ni Marian ang mapahagikhik sa sinabi ni Edselyn.

“Oh siya, magpahinga kana diyan at pinagpapahinga ka na ni Chinito. Update na lang kita bukas tungkol sa trip. Good night!”

“Good night girl! See you! Bye!”

Matapos ibaba ang tawag ay tumili ulit si Marian at niyakap si Richard sa sobrang saya niya at pinayagan siyang lalaki na walang kahirap-hirap niyang ginawa. “ I’m so happy! Sabi nga ni Eds, puno ng himala ang araw na ito sa akin!”

“Mukha nga! Ang saya-saya mo eh! .. so sinu-sino yung sasama sa bakasyon ninyo?” kaswal na tanong ni Richard habang inaakbayan si Marian at sabay silang naglalakad palabas ng dressing room patungo sa may kama nila.”

“Lahat kaming magbabarkada.”

“Lahat as in pati yung boys? Don’t tell me pati si Bart?”

“Oo!”

“Oh no! Bakit parang gusto kong bawiin yung pagpayag ko na sumama ka, nagsisisi tuloy ako na pinayagan kita ng ganun ka dali..”

“Uy huwag namang ganyan..saka humingi ka na ng tawad kay Eds kanina at pinatawad ka na niya, sigurado akong magagalit yon pag babawiin mo yung sinabi mo gusto mo bang bawiin din niya yong pagpapatawad niya sa’yo, huh?!”

“Ano ka ba, di ka na mabiro! Joke lang .. at saka , gusto ko na ring magkita na kayo ni Bart para magkausap na kayo. I know you’ll find it funny pero di ako makapaghintay pa ng matagal para sabihin mo sa kanya yung tungkol sa atin. May tiwala naman ako sa’yo na gagawin mo yung pangako mo sa akin..di ba?”

“ Aba! Talagang ang bilis mo makapag-isip ng tungkol diyan kanina ah!”

“ Of course! Teka nga pala, pumayag akong sumama ka pero may isang request lang ako.”

“Ano yon?”

“ Rest house yung pupuntahan ninyo..di ko alam kung anong meron dun, pero sana walang swimming pool o beach .. pero kung meron man..please, just please..huwag na huwag kang magtangkang mag-swimsuit... sa oras na malaman kong sinuway mo ako, lilipad ako kaagad mula Cebu upang pauwiin ka!”

Ang lakas ng tawa ni Marian ng marinig ang sinabi ng lalaki. Di siya makapaniwalang nakuha na nitong maunang mag-isip ng tungkol sa mga maaaring gagawin nila sa kanilang bakasyon at binigyan na kaagad siya ng babala gayung di pa sila naka-alis para magbakasyon. Pero para matahimik ang kalooban ng lalaki ay tumango na lang siya kay Richard.

“Mag-enjoy ka sa bakasyon mo ha. By then nasa Cebu ako, kaya din ako pumayag na sumama ka para di ka mainip dito sa bahay.”

Biglang tumamlay si Marian nang maisip nitong sa susunod na araw na pala ang lipad ni Richard patungong Cebu. Ngayon pa lang pakiramdam niya ay maiiyak na siya at sigurado siyang mamimiss niya ng sobra ang lalaki. Ilang araw ding di niya ito makikita kaya ngayon pa lang malungkot na siya.

“Chard, bago ka umalis sa susunod na araw pwede bang mag-request?”

“Anything for you Marian..ano yon?”

“Pwede bang bukas ..gusto ko buong araw tayong magkasama..please?”

“Di mo pa yan hinihingi ginawan ko na ng paraan. Bukas, it’s just you and me..”

“Thank you, Chard! Mamimiss kita ng sobra!”

“I’ll miss you more..Marian, ng sobra sobra.”

Muling sinakop ng mga labi ni Richard ang mga labi ni Marian. Maya-maya pa, ang halik na iyon ay nauwi sa isang mainit na tagpo sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan. Pinapadama sa bawat isa ang mainit na pagmamahalang kapwa nararamdaman ng kanilang puso at kaluluwa.



Kinabukasan late na nagising sina Richard at Marian. Sabay silang bumaba upang mag-brunch pagkatapos nito ay sandaling nagpaalam si Richard na may mahalaga munang tatawagan. Nagtuloy si Richard sa kanyang home office habang si Marian naman ay bumalik sa kanilang kwarto. May ilang oras ding nanatili sa kanyang opisina sa baba si Richard bago ito umakyat sa kwarto nila at magyaya kay Marian na lumabas.

Kahit nagdadalawang-isip sa plano ni Marian na manood ng sine, kinalaunan ay napilit din ng babae si Richard. Pagkatapos manood ay si Richard naman ang nagpumilit sa kanya na tumingin-tingin sa loob ng mga boutique na naroroon. Ayaw sana ni Marian na pumayag dahil alam niyang mahihirapan siyang patigilin ang lalaki na huwag bumili ng kung anu-ano sa para sa kanya ngunit nang nagsimula na silang magtalo ay kinailangan na niyang umisip ng paraan. At ang tanging solusyon na naisip niya ay ang pagpayag na bilhan ng kung anu-anong gamit ni Richard pero katumbas rin nito ay isang gamit ng lalaki na bibilhin din niya para dito. Nang makitang seryoso si Marian sa kanyang kundisyon, napilitan din itong huminto.

Pagkatapos nilang mamili ay nagpunta sila sa isang mamahaling restaurant para mag dinner. Sa buong sandaling magkasama ang dalawa, lubos ang saya ni Marian at Richard. Alam nilang bilang nalang ang oras na magagawa nila ito dahil sa napipinto nilang pansamantalang paghihiwalay. Talagang sinulit nila ang oras na magkasama sila. Habang kumakain sila ay tumawag si Lea kay Richard, alam ni Richard na importante ang tawag na ito kaya nagpaalam siya kay Marian na sasagutin muna niya sandali ang tawag, pumayag naman si Marian kaya tumayo na si Richard at sandaling lumabas sa restaurant upang makausap ng maayos si Lea na walang makakarinig. Ilang minuto ang lumipas ay bumalik na si Richard sa mesa nila.

“Tapos ka na?” tumango si Marian. “Good. Pwede  ba tayong dumaan sa office sandali? May kailangan lang akong pirmahang importanteng papeles dun bago tayo umuwi.”

“Okay, no problem.”

Pagkatapos magbayad ay umalis na sila kaagad at nagpunta sa LHM. Mahigit kumulang tatlumpong minuto ang dumaan bago nila narating ang hotel. Kagaya ng dati, may isang guard ang sumalubong at bumati sa kanila at pagkatapat naman sa may reception area ay bumati ang mga staff na naroroon sa area. Tumuloy na ang dalawa sa may elevator.

“33rd floor? di ba nasa 31st yung office mo?”

“Yes, but I want to show you my suite .”

“Oh, meron kang sariling suite dito?”

“Of course. Noon, if tinatamad na akong umuwi dito ako natutulog.”

Ilang minuto sandali lang narating na nila ang 33rd floor. Magkahawaka ng kanilang kamay habang naglalakad sa lobby hanggang marating nila ang pinto ng suite room ni Richard. May dinukot na card si Richard sa kanyang wallet at maya-maya pa narining na ni Marian ang isang mahinang click na indikasyong nabuksan na ni Richard ang pinto.

“Wow! Ang ganda naman dito! “ bulalas ni Marian habang inilibot ang kanyang paningin sa loob ng kwarto.

“I’m glad you like it. Come, may ipapakita ako sa’yo. “

Hinila ni Richard si Marian at dinala sa kwarto niya. Pagdating doon ay binuksan ni Richard ang ilaw at pumindot ulit sa isa pang button na nasa pader at nagulat na lang si Marian nang biglang bumukas ang kurtina na nasa bandang likuran nila at inilahad ang isang malaking window glass. Namangha si Marian ng makita ang isang magandang tanawin sa mula dito. Animo’y nakatingin siya sa isang malaking painting , kitang-kita niya ang magandang tanawin ng buong syudad sa tuwing sumasapit ang gabi, nagniningning ang kapaligiran dulot ng mga ilaw na animo’y Christmas light sa di kalayuan na nagmumula sa iba’t-ibang gusali sa paligid at mga sasakyan na kasalukuyang naiipit sa traffic. Sa kabilang banda naman ay kita ni Marian ang Manila bay kung saan may iilang yate na kasalukuyang dumadaong at umaalis sa pantalan. Yung iba naman ay nakadaong lang sa paligid.

“Iiwan na muna kita dito ha. Dito ka na lang, baka kasi ma-bore ka lang doon sa office. Babalikan na lang kita dito mamaya.”

Tumango at ngumiti si Marian kay Richard pagkatapos ay nagmadali na itong umalis. Habang wala si Richard ay naglibot-libot si Marian sa buong suite at talagang bumilib si Marian sa ganda ng kwarto ng lalaki. Ito ang unang beses na nakapasok siya sa isang kwarto ng LHM at talagang na-impress siya sa kanyang nakita. Maganda ang interior design ng kwarto at dekalidad din ang mga gamit kaya di nakapagtataka ang LHR ang nangunguna sa buong Pilipinas. Di tuloy maiwasang ma-curious si Marian kung ano ang itsura ng LMC, ang unang hotel na kinun-ceptualize ni Richard.

Mahigit kumulang isang oras ding nawala si Richard, nang bumalik ito sa kwarto niya ay nadatnan nito si Marian na naroroon sa tapat ng malaking bintana at nakamasid na naman sa labas. Sandaling lumingon si Marian sa kanya pagkatapos ay muling ibinalik sa labas ang tingin. Lumapit si Richard kay Marian sa may bintana at yumakap ito sa likod.

“Chard ang ganda ng view dito noh. Nakaka-relax tingnan ang mga ilaw. Kung titingnan mo sila dito sa taas para lang ang peaceful nila, di maingay .. walang magulo.. parang di nahihirapan sa traffic ang mga tao..” isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Marian habang kasalukuyan paring tinitingnan ang tanawin sa labas.
Isang halik ang naramdaman ni Marian sa kanyang batok pagkatapos ay sa balikat bago siya iniharap nito. 

“Let’s make this evening extra special Marian. We have the room all by ourselves and the whole night. ”

“Whole night ka diyan! Baka naman di ka na naman makaalis bukas niyan… Anong oras ba flight mo pabalik ng Cebu?”

“Bukas ng gabi pa and- I know sasabihin mo na namang naghihintay sina Manang..tinawagan ko na kanina sabi ko di tayo uuwi ngayon..” isang pilyong ngiti ang pinakita ni Richard kay Marian pagkatapos ay ipinangko ito ng mabilisan at dinala sa kama. Sa bilis ng pangyayari ay napatili na lang si Marian at humawak ng mahigpit sa leeg ng lalaki sa takot na biglang mabitawan.

Richard carefully laid her down the bed. He took the liberty of pulling off her sandals , took off his shoes shirt and pants too, and joined her with only his boxer shorts left. Before she could protest, he already claimed her mouth again giving her a deep and sensual kiss. Richard seems in a hurry as he slowly worked on the zipper of her dress, slid it down and took it off her. Richard’s hands works expertly, minutes later she found herself completely naked and Richard bared as well, whoever did his, she couldn’t care less. Richard was touching her on right places .. driving her crazy.. leaving every inch of her skin on fire. Richard and the pleasure he offered her is something unexpected. Heights of unimaginable pleasure building inside her as they shared the sensual rhythm that they have come to know. He was ready, and she was almost there. Marian saw him reached out and open the drawer, retrieving a small packet that she grew accustomed with for quiet sometime now. Richard tore it open, and slide it on him before its too late. He pulled her so she sits and straddle him, hugging her tightly as he kissed her passionately. Encouraging her to lead the rhythm, Marian were then lost in her own world as ecstasy after ecstasy engulfed her being. It didn’t took them long before they both reached their peak and was shattered back into reality.

On and on again they started, since they have the room and the whole night to make it extra special.. him and her on that soft bed. Sharing their love.. exploring each other’s love fantasy and making it all real, that was simply the night’s theme . Richard brought out the side of her she hadn’t imagined it ever existed on her.. he successfully unlocked her secret fantasies, one after another up until they loss their strength and willpower. Tired and sated, Richard and Marian dozed off at the crack of dawn, wrapped in each others arms.

The side trip to the hotel was memorable for both of them. It was something worth remembering, another milestone of their relationship. One of their so-called “firsts’ that they will never forget.

















I do not own any of the photos used, credit belongs to the owner. Copyright infringement not intended.

16 comments:

  1. Whew intense! Nag init ang malamig kong morning! Thankie Sa update

    ReplyDelete
    Replies
    1. Weeeh! Baka may sinat ka lang talaga Sis Rax! :P

      Delete
  2. Yehey may update :-)
    Thank u!

    ReplyDelete
  3. si singkit naging insecure, takot iwanan ng asawa hahaha at kawawang Bart na friendzoned na ng tuluyan hehehe and the storm is about to come pa lang, huhuhu hope lalabas mamaya ang 28 at may part 2 ang side trip nila sa hotel, hihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Alam mo naman si Bart Ate Peng, dakilang friend na lang lagi ang role (hmmmm, naisip ko bigla baka naman sa susunod pwede ko na siyang gawan ng lovelife dito sa blogger ano? )

      Abangan mo ang 28 Ate Peng...mmmmmmmmmmm...malapit na! *peace!

      Delete
  4. thank u sa update and happy new year to u! maski medyo natagalan itong chap sulit naman kasi sa spg part ha ha ha. pwedeng magrequest ng doubletreat pls...... chhets!

    ReplyDelete
    Replies
    1. i mean cheers..... sorry for the typo error.

      Delete
    2. Okay lang po! Happy new year din sa'yo!

      Delete
  5. wowwww!...talagang sinulit nila ang moment of togetherness and made sure it was a sizzling night indeed for both of them!!...nakailang rounds kaya sila?..whew! but i wish wala nang 'protective gear' na gagamitin si Chinito para magka-baby na sila...but kabado ako...baka sa Cebu eh meron di magandang mangyari 'coz baka umeksena itong cheska..thanks Ms.Han for the update!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kahit di ako si Ms. Han (at ang dami ko pang kakaining bigas para maging katulad niya!) ..welcome pa din! hehehe!

      Delete
  6. glad to see the 27... thanks con. hope everythings fine.. best regards

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Ms. Rocel! By God's grace everything's fine =) .. Hope that everything is working good on your end too! Happy new year!

      Delete
    2. im fine, mukhang naging monthly issue ito ha.. :0 mukhang bz sa real life. parang ako din :)

      Delete
  7. Thanks so much for this update :) I really missed reading your posts since I've been busy. Hay grabe naman magselos si singkit! Pero super kilig naman ang paglalambing niya. I also love that I get to see pics of my beloved K-drama series ;p

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hmmm it's nice to know may kakampi din ako dito na isang kdrama adik.. at least may isang masaya sa pagbabagong bihis/anyo ng Chinito ko, haha!

      Delete