Pagkatapos
ng kanyang klase niya ng araw na iyon, napagdesisyonan ni Marian na magliwaliw.
Naisip kasi niya na kung uuwi naman siya ng bahay ay sigurado naman siyang di
ulit niya madadatnan si Richard doon at wala din siyang ibang gagawin kundi
magmumukmok, mas minabuti na niyang libangin ang sarili kahit sandali lang.
Niyaya nito ang mga kaibigan
ngunit may mga pupuntahan pa raw ang mga ito
pero nangako naman na sasamahan siyang manood ng sine at susunod na lang
sila sa kanya. Si Bart naman ay may practice at 6:30 ang labas kaya
napagkasunduan na lang ng lahat na magkikita na lang bandang alas siyete ng
gabi sa isang restaurant at sabay na maghahapunan bago manood.
Habang wala pa ang mga kasama,
naisip ni Marian na maglibot-libot muna at tumingin-tingin sa iilang boutique
malapit sa napagkasunduan tagpuan ng mga kaibigan. Nalibang si Marian sa
pagsusukat ng iilang damit kaya di napigilan ang sarili at nakabili ng iilang
piraso. Kasalukuyang naglalakad na si Marian papunta sa restaurant ng nahagip
ng kanyang mga mata ang isang mannequin na nakasuot ng isang formal suit sa may
window display ng isang shop. Naalala bigla ni Marian si Richard. Napatigil
siya sa labas ng shop at nag-isip kung itutuloy ba ang naisip niyang bilhan si
Richard ng magagamit niya sa napipintong meeting niya sa susunod na linggo. Di
na napigilan ni Marian ang sarili, pumasok na ito ng tuluyan sa shop at
tumingin-tingin na rin sa loob. Ilang minuto ang makalipas, bitbit na ni Marian
palabas ng shop ang isang paper bag na may lamang shirt at neck tie. Napapangiti
si Marian habang naiisip kung ano ang magiging itsura ni Richard kapag suot na
ang binili niya.
Pagkaraan ng ilang minuto matapos
makahanap ng mauupuan sa loob ng restaurant ay isa-isa namang nagsidatingan ang
mga kaibigan ni Marian. Huling dumating si Bart sa kanilang lahat, humingi ito
ng paumanhin at umuwi pa raw muna ito sa kanila upang makapag-freshen up dahil
sa sobrang pawis nito pagkatapos ng praktis. Napuno pa ng tuksohan ang mesa
nila ng pagdating ni Bart nangibabaw
talaga ang amoy ng gamit nitong body spray. Dahil dito, kahit moreno,
kapansin-pansin ang pamumula ng mukha ni Bart dahil sa katutukso nina Emman sa
kanya. Pasimple napangiti si Marian sa binata, alam naman kasi nitong
nagpapa-impress lang yung lalaki sa kanya.
Umorder na silang lahat ilang
sandali ang nakalipas ng pagdating ni Bart. Nang dumating naman yung mga
pagkain nila ay di na nag-aksaya pa ng oras at sinimulan kaagad kainin ang kanya-kanyang
order, nagmamadali sila para makahabol sa kanilang panonooring pelikula.
Matapos makakain ay nagpaalam
sandali si Marian at tinungo ang ladies
room bitbit ang kanyang bag upang mag-ayos ng sarili habang hinihintay ang iba
pa nilang mga kasamahan na kasalukuyan pa ding kumakain.
Sa loob ng ladies room ,
kasalukuyang nag-aayos ng kanyang sarili si Marian sa harap ng salamin ng may
pumasok na isang babae, nagtuloy ito sa isang cubicle na nasa bandang likuran
niya. Maya-maya ay narinig na ni Marian ang pag-flush ng tubig saka lumabas ang
babae. Pagkalabas nito ay nakita ni Marian ang pag-ngiti ng babae sa kanya kaya
sinuklian din naman niya ito. Naglakad na patungo sa pinto yung babae ngunit
nagulat si Marian ng makita itong hindi ito lumabas ng pinto, bagkos ay ni-lock
lang ang doorknob saka lumapit sa kanya. Noong una, hindi na sana ito
papansinin ni Marian ngunit ng makita nitong may inilabas na patalim ang babae
lubos na ikinabigla ito ni Marian kaya napa-atras ito hanggang sa maramdaman na
niyang tumama na ang likod niya sa malamig na dingding. Napuno ng takot si
Marian ng lumapit pa ito sa kanya at idiniin ang patalim sa kanyang leeg.
“A-ate..hu-huwag po…maawa po
ka-yo.” Utal-utal na pakiusap ni Marian sa babae. “A-te..” Kinilabutan si
Marian. Nanlalamig ang kanyang mga kamay at paa. Pakiramdam ni Marian ay
nanlalambot na rin unti-unti ang kanyang tuhod at baka bumigay na siya ilang
anomang oras.
“Shhh..huwag kang maingay!”
bulong naman nito sa kanya pagkatapos ay idiniin pa lalo ang patalim sa kanyang
leeg.
“Please po..” nag-uunahan na
sa pagpatak ang mga luha ni Marian. Pabulong na di siyang nakikusap sa takot na
mas lalong madidiin ang patalim sa kanyang leeg. Nararamdaman na ni Marian ang
konting hapdi nang magsimula na siyang pagpawisan sa sobrang takot.
“Shh..akin na ang mga gamit
mo.” Utos ng babae sa kanya. Kaya di na nagdalawang-isip pa si Marian at
iniabot na sa kanya ang bag niya. “Madali ka naman palang kausap eh. Ngayon,
huwag na huwag kang susunod sa akin sa labas. Antayin mo muna ang kinse minutos
bago ka lumabas. Sa oras na mag-iingay ka, yung mga kasamahan ko na nasa labas
lang ang bahala sa’yo.”
“O-opo” Napahawak si Marian sa
kanyang leeg habang ang babae naman ay
nagmadaling lumabas na ng ladies room.
Napahagulhol na lang si Marian
sa sobrang takot sa nangyari sa kanya. Natatakot din siyang humingi ng tulong sa labas dahil sa banta ng
babae sa kanya kaya nanatili na lang siya sa loob at wala ng ibang ginawa kundi
ang umiyak na lang. At dahil sa tagal niya sa loob ng ladies room, sinundan na
siya ni Edselyn upang sabihing paalis na
sila. Ikinagulat ni Ed ang nadatnan niyang ayos ni Marian kaya kaagad itong
napatakbo sa kanyang tabi.
“Anong nangyari sa’yo?” lubos
ang pag-aalala ng kaibigan ng makita ang kanyang mukha na parang tinakasan ng
kulay sa sobrang pamumutla nito.
“Y-yung babae…”
“Sinong babae? Bakit..anong niya
sa’yo?”
“May pata-lim..ti-tinutukan
niya ak-o”
“Oh my…teka halika lumabas na
muna tayo.”
Dinala ni Edselyn si Marian sa
labas, nang makita ng mga tao si Marian ay naglikha ito ng konting kaguluhan
lalo pa ng makitang hinimatay si Marian pagkalabas nito ng ladies room. Mabuti
na lang at naka-alalay sa kanyang paglalakad si Eds kaya may humahawak sa kanya
bago tuluyang mawalan ng malay-tao. Nag-uunahan sa pagtakbo ang mga kaibigan
nila upang tumulong kay Eds sa pag-alalay kay Marian. Di na nagdalawang-isip pa
si Bart at binuhat na siya kaagad, alalang-alala ito sa babae.
“Sir!” nagkukumahog
sa pagpasok ng loob ng opisina ni Richard si Lea matapos makatanggap ng tawag
mula kay Fely.
“Yes? O bakit parang namumutla
ka?”
“Sir tumawag po yung katulong
ninyo sa bahay. May emergency daw po.”
“What? Ano ang nangyari?”
namilog ang mga mata ng lalaki nang marinig si Lea. Naisip nito kaagad si
Marian. “Is it about Marian?”
“Yes, Sir. Mas mabuti pong
kayo na po ang mag-usap ni Manang Fely.”
“Okay, which one?”
“Line 2 po, Sir.”
“Thank you, Lea.” Di na
nagpatumpik-tumpik pa si Richard at kaagad na pinulot ang receiver ng telepono
upang maka-usap na ang matanda. Kinakabahan ito sa maaring marinig na balita
tungkol kay Marian. “Hello, Manang..si Richard to. Ano ang nangyari kay
Marian?”
Ibinalita ni Fely ang tungkol
sa pagtawag ng kaklase ni Marian sa nanay nitong si Teresita upang ipaalam ang nangyari sa babae. Di
maintindihan ni Richard ang sarili ng malaman nitong nahimatay si Marian sa di
pa malamang dahilan tulad ng sinabi ni Teresita kay Fely ng ito ay tumawag sa
bahay nila. Pinaalam din ni Fely sa lalaki kung saan sa mga sandaling iyon si
Marian kaya pagkatapos na maibaba ang receiver ay nagkukumahog na kinuha ni
Richard ang kanyang cellphone at susi upang puntahan si Marian sa mall.
Habang nagmamaneho, sinikap ni
Richard na makontak si Marian. Tinawagan nito ang cellphone ng babae upang
makausap ito ngunit walang sumasagot sa tawag niya.
“Damn! Bakit ba walang
sumasagot?!” sigaw ni Richard.Di kasi alam ng lalaki na kasabay ng pagkuha sa
bag ni Marian ay napasama ang cellphone nito na nasa loob ng bag.
Tarantang-taranta si Richard sa pagmamaneho, buti na lang ay di gaanong trapik
ng gabing iyon at malapit lang sa hotel yung mall na pinuntahan nina Marian
kaya di siya natagalan sa pagpunta sa doon.
Ilang minuto lang ang nakaraan
matapos maipark si Richard ng kanyang sasakyan sa parking area ng mall ay
nahanap na din niya ang restaurant kung saan naroon sina Marian sa tulong ng
security guard na pinagtanungan niya. Kasalukuyang may mga taong nag-uusyuso
parin sa labas ng restaurant nang dumating siya. Muntik na siyang di makapasok
sa loob matapos siyang harangin ng guard at sabihan na sarado muna ang lugar
habang kasalukuyang naroon ang mga police at security officers ng mall upang
mag-imbestiga.
“I’m Richard Lim, my wife is
inside kaya papasukin mo ako!” malakas ang pagkakabigkas ng mga salitang iyon
kaya napalingon sa gawing pintuan ng restaurant lahat ng tao kabilang sina
Marian. Dali-dali namang pinapasok ng gwardiya si Richard kung kaya kaagad na nilapitan
ni Richard sina Marian.
Sa mga sandaling iyon,
nagkamalay na si Marian at kasalukuyang kinakausap ng mga nag-iimbistiga sa
insidenteng naganap. Katabi nito si Bart na naka-akbay sa kanya upang alalayan
siya. Nang marinig niya ang boses ni Richard ay kaagad na siyang napatayo. Napamaang
na lang lahat ng kaibigan ni Marian at di nila inasahan na si Richard pala ang
pupunta at hindi ang nanay nito. Kinabahan naman si Marian sa maaaring
sasabihin ni Richard, di pa naman siya nagpaalam sa lalaki at lalong-lalo na di
nagpahatid kay Jonas gaya ng laging bilin ni Richard sa kanya kapag hindi siya ang kasabay niya sa pag-uwi o pag-alis ng
bahay nila.
“Char-“ napasinghap na lang si
Marian ng maramdaman ang higpit ng yakap ni Richard sa kanya.
“Okay ka lang ba? What happen?”
puno ng pag-aalalalang tanong ni Richard kay Marian nang kumalas na ito sa
pagkakayakap sa kanya. Hawak parin nito ng mahigpit si Marian at panay ang
paghaplos nito sa kanyang likod. Di tuloy maiwasang magkatinginan ang mga
nakapalibot sa kanilang dalawa.
“ Hinold-up ako ka-nina..sa
loob ng ladies room tapos..ti-tinutukan ako ng patalim pagkatapos ay kinuha-“
nanginginig na salaysay ni Marian ng nangyari sa kanya.
“What?! Di ka ba
nasaktan?..Wait napano yang leeg mo?!” nabigla si Richard sa narinig kaya di na nito inantay pa na matapos ni Marian ang
kanyang kwento. Natakot pa si Richard ng makita ang plaster sa leeg ni Marian.
“Konting sugat lang naman sa
patalim nung babae kanina.”
“Are you sure you’re okay?”
paniniyak ni Richard sa kanya.
“Yes. Huwag ka na mag-alala. “
“What do you mean huwag
mag-alala kung ganitong nasaktan ka. Teka where is the manager- no, I want to
talk to the owner. ” Kumalas sa pagkakahawak kay Marian si Richard at inisa-isa
ang mga taong nasa paligid nila. Saka pa napansin ng dalawa na sila lang pala
ang pinapanood ng lahat ngunit ipinagwalang bahala ito ng lalaki at nagpatuloy
sa paghahanap ng may-ari ng restaurant.
“Sir, I’m Mike Teves, the
manager of this restaurant. Kasalukuyan kasing wala dito yung may-ari at nasa
ibang bansa kaya ako na muna po ang haharap sa inyo.”
Dahil wala doon ang may-ari,
walang magawa si Richard kundi kausapin ang lalaki. Sa kanilang pag-uusap, laking
gulat ni Richard ng malaman mula dito na tanging ang cartographic sketch lang ang
tanging hawak nila upang mahanap ang babaeng maysala dahil walang CCTV ang
restaurant na iyon.
“What the hell!”
“Chard tama na.” napahawak sa
braso ni Richard si Marian upang huminahon ito.
“Sir, we apologize for what
happened to Mrs. Lim. We will see to it na makikipagtulungan po kami sa nga
awtoridad upang mahuli po yung gumawa nito sa kanya.”
“I’m counting on that Mr. Teves.
I’m totally disappointed sa inyo, alam mo bang isa sa paboritong kainan naming
mag-asawa itong restaurant ninyo?!”
Paboritong kainan? Ni hindi pa nga tayo nagkasama dito .. ang alam ko
lang na pumupunta dito ay si Mary Faith at ang boyfriend niya hindi tayo..ano
bang pinagsasabi ng lalaking ito!
Natigilan si Marian, at pati
mga kaibigan nito nagkatinginan ng marinig si Richard. Di makapaniwala ang mga
ito sa narinig. Lubos ang hiyang naramdaman ni Marian dahil sa narinig pa ito
ng mga kaibigan niya, alam naman kasi ng mga ito na hindi totoo ang sinabi ni
Richard pero ni isa sa kanila ay hindi na nagsalita pa. Pakiramdam ni Marian
palabas lang ni Richard na nag-aalala ito sa kanya para makumbinsi ang mga tao
na nakakita sa kanila.
Inanyayahan ng mga pulis si
Marian para pumunta ng presinto kinabukasan upang matingnan niya ang photo
gallery ng mga kilalang krimenal baka sakaling makita niya doon ang hinahanap
nila. Nangako naman si Marian na pupunta kaya hinayaan na silang makauwi na ng
mga pulis.
Sa parking area, habang
naghihintay si Richard kay Marian sa loob ng kotse nito, nagpaalam at
nagpasalamat muna si Marian sa mga kaibigan sa pag-alalay nila sa kanya.
“ Marian, sigurado ka bang di
ka na kailangang pumunta pa ng ospital?” nag-alala parin si Bart sa kanya.
“Okay lang ako Bart. Salamat
nga pala sa tulong mo kanina ha.”
“Okay lang yon. Alam mo namang
malakas ka sa akin!” Isang matamis na ngiti ang pinakita ni Bart kay Marian
pagkatapos ay pasimpleng hinimas ang braso ng babae. “Sige na, mauna kana at naghihintay
na si Richard sa’yo.”
“Marian, magpahinga ka ha.”
Niyakap ni Edselyn si Marian.
“Thank you, Eds ha. Kung hindi
dahil sa’yo baka kung ano na ang nangyari sa akin sa loob ng ladies room
kanina.”
“Huwag mo ng isipin pa ‘yon.
Sige na alis ka na at nag-aalala na si Richard sa’yo.”
Isa-isang nagpaalam ang mga
kaibigan ni Marian. Pati sina Daniel at Joshua na lagi lang nang-aasar sa
kanya, sa mga sandaling iyon ay ramdam ni Marian ang pag-aalala ng mga ito sa
kanya. Habang yakap siya nina Edselyn at Mary Faith, panay din ang himas ng mga
ito sa likod niya na parang pinaparamdam sa kanya na lagi lang silang nasa
likod niya tuwing mangangailangan siya ng tulong.
Pagkatapos na umalis nina Bart
ay sumakay na rin si Marian sa sasakyan ni Richard. Ngayong sila na lang dalawa
sa pagkakataong iyon ay abot-abot ang kaba ni Marian. Di malaman kung paano
niya sisimulang magpaliwanag sa lalaki.
Simulan mo na humingi ng tawad Marian…bago ka pa lamunin ng buhay ng
singkit na iyan.. Bulong niya sa
sarili.
awww... tnx sa update... sana bumilis.... hihihihi... demanding =)
ReplyDeleteWaaahh this time I want to take my time para idevelop yung dalawa..Pakiramdam ko kasi ang daming kulang ng ver.1 kaya gumawa ako ng ver. 2 ..lemme do that, pretty please? *wink wink =)
Deleteplease next na! bitin na bitin��
ReplyDeleteRestless since yesterday kasi walang signal.. Eagerly waiting for an update pa naman.. Thank you Ms Con
ReplyDeleteWelcome po =)
DeleteThanks sa update. Sana may double treat...
ReplyDelete