Wednesday, September 10, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 19 )


     Nagising si Marian na mag-isa lang sa kama kinabukasan. Buong akala niya umalis na ulit si Richard ng maaga papuntang opisina pero pagpasok niya ng bathroom ay nadatnan niya ang lalaki sa loob. Kasalukuyan itong may kausap sa cellphone niya habang nakasandal sa may washstand. Mukhang kakatapos lang mag toothbrush dahil naaamoy pa ni Marian ang konting scent ng mouthwash sa area at kasalukuyan ding pinupunasan ng lalaki ang kanyang bibig. Ayaw naman ni Marian na umiwas kay Richard kaya kahit andun ang lalaki ay nagpatuloy parin siya sa kanyang pakay. Taking the other side of the stand, kinuha niya sa may lalagyan ang kanyang  sipilyo at nilagyan ito ng toothpaste. Habang nagsisipilyo, di maiwasang makinig siya sa lalaki habang kinakausap si Lea. Panay ang buntong-hininga ni Richard at nakasimangot parin ito sa buong sandaling kausap ang kanyang sekretarya. Alam ni Marian na kahit mahinahon ang lalaki sa mga sandaling iyon ay mabigat ang nararamdaman nito. 

Sa loob ng ilang araw na di niya nakita si Richard, pakiwari ni Marian parang ang laki ng ipinayat ng lalaki. Habang sinusulpayan si Richard ay di niya maiwasang makaramdam ng awa dito kaya nagpasyang subukan ng kausapin na si Richard. Pagkatapos niyang magsipilyo ay di na muna ito umalis at naghintay na munang matapos si Richard sa pakikipag-usap kay Lea. Nang marinig nito ang pagpapaalam ni Richard sa sekretarya ay di na ito nagpaligoy-ligoy pa at nagtanong na kaagad.


“Ano bang nangyari?” mahinahong nagsalita si Marian upang maramdaman ni Richard na wala siyang balak makipag-away dito.

“May narinig na balita si Lea na nagpa-interview daw si Mr. Hewitt sa isang reporter kahapon.” Sagot naman ni Richard sa kanya pagkatapos ng isa na namang buntong-hininga.

“Sino ba si Mr. Hewitt at namumroblema ka talaga sa guest mong yan?”

“Isang Australian tennis player..its a long story but basically kung di namin to maaayos, yung reputasyon ng hotel ang nanganganib at malaki ang mawawala lalo pa at may on-going talk between the Ms. Earth organizers. Kung sakaling malalaman nila ang nangyari, there is a big possibility na aatras sila at ibibigay sa mahigpit na competitor ng Lim Hotels ang contract.”

“ Tsk!” napakagat-labi na lang si Marian ng maisip nitong malaking problema nga ang kinakaharap ng hotel. “..Si lolo, alam na ba niya? “

“Wala pang alam si lolo, I particularly ordered everyone to keep it a secret as much as we can while we are investigating the incident.  Ngayon na may kinausap ng reporter si Mr. Hewitt di ko alam kung mapipigilan pa namin ang balita na huwag makarating kay lolo at sa iba pang Board of Directors.” Malungkot ang boses ni Richard at matamlay ang mga mata nito. Di maiwasang di maantig ang puso ni Marian habang tinititigan ang katabi. Alam ni Marian na umiiwas si Richard na magalit ang lolo nito sa kanya. Ginagawa ni Richard ang lahat para di maging mantsa sa magandang repustasyon ng lolo niya sa mga tao nito.

“May maitutulong ba ako? “ kahit na wala siyang maisip na posibleng paraan para matulungan si Richard, buo parin ang loob ni Marian na itanong ang bagay na  iyon upang kahit sa ganitong paraan ay maramdaman ni Richard nakikisimpatiya siya sa pinagdadaanan ng lalaki. Sa ganito ding paraan, makabawi man lang siya sa idinulot niyang gulo sa lalaki nitong mga nakaraang araw. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Richard pagkatapos ay nagpakita ng isang matamlay na ngiti sa kanya.

“Meron.”

“Ano? Sige na sabihin mo na at willing akong tulungan ka.”

Ibinulsa muna ni Richard ang kanyang cellphone pagkatapos ay marahang hinila ang isang kamay ni Marian upang palapitin ito at tumayo sa kanyang harapan. Nanatili ang pagkakahawak ni Richard sa isang kamay ni Marian ngunit ang isang kamay ay nakapisil na sa pisngi ng babae. “Pwede bang magpakabait ka na ngayon at makinig naman sa mga sasabihin ko? Please? Hmmm?” nakangiting tugon ni Richard habang ginagawa ito sa kanya. 

Marian pouted her lips making her look adorable and cute kaya aliw na aliw  ang lalaki habang pinagmamasdan siya. Di rin sinasadyang mapatitig ni Richard sa bibig ni Marian at maalala ang kapilyuhang ginawa nito sa babae habang ito’y natutulog. Dahil sa ginawa niyang iyon, di tuloy siya nakatulog at daig pa ang nakatungga ng isang drum na kape at di man lang niya magawang umidlip kahit na pagod na pagod siya.
Naramdaman kaya niya kahit konti man lang ang ginawa kong paghalik sa kanya kagabi? Ito ang tanong ni Richard na nasa isip niya habang nakatitig parin kay Marian.

“Oo na! -- bitawan mo na yang pisngi ko at lalo lang lalaki ang mukha ko!” reklamo ni Marian sa kanya.
Kala ko sasabihin mo ng oo naramdaman mo yung kiss ko..kinabahan ako dun ah! Bulong ni Richard sa kanyang sarili. Binitawan na niya ang pagpisil sa pisngi ni Marian pero kapalit nito ay pinisil naman niya  ang ilong ng babae. “ Di bale cute ka parin naman tingnan !” 

“Aray! “ napahiyaw si Marian dahil sa ginawa niya. Ano ba, bakit ka ba ganyan singkit ka.. kinikilig na naman ako niyan sayo eh! Naramdaman na lang ni Marian ang pag-iinit ng kanyang pisngi kaya tinakpan na lang niya ito at pasimpleng hinaplos-haplos upang di mapansin ni Richard. “Sorry talaga at nakadagdag pa ako sa mga alalahanin mo nitong mga nakaraang araw ha. Di ko talaga sinasadya yon.” 

Nagbaba ng tingin si Marian, di niya magawang tingnan si Richard sa mga mata nito. Bukod sa nahihiya siya sa ginawa niya, di rin niya maiwasang di mailang dahil sa mga sandaling iyon, panay ang masuyong paghaplos-haplos ni Richard sa kanyang mga braso. Alam ni Marian na medyo nagiging touchy na ang lalaki pero di naman niya magawang punahin si Richard at iniiwasan niyang magkailangan sila.  Naisip rin niyang baka wala naman talagang malisya ang ginagawang iyon ni Richard sa kanya at siya lang talaga tong malisyosa at lagi na lang nagbibigay kulay sa mga gestures ng lalaki.

“ It’s okay.. you are forgiven, naisip kong di mo naman talaga sinasadya na malasing ka. Maybe you are just too happy that time kaya di mo napansin na  napasobra na ang inom mo. As of that mall incident, though naiinis talaga ako kung bakit di ka nagpasama kay Jonas, still alam ko di naman natin inexpect na mangyayari yon. Sana lang talaga di na mangyari ulit na mapahamak ka kasi mag-aalala ako. From now on, makinig ka na sa akin okay ba yon? Stay by my side that way mapapanatag ako.” walang ibang magawa si Marian kundi ang tumango. Naisip niyang tama din naman si Richard,ang gusto lang ng lalaki ay ang ikabubuti niya.

 “By the way, anong oras ka pupunta ng presinto mamaya?”

“Dadaan ako doon bago pumasok.”

“Can we just go there later, kailangan ko kasing pumunta muna sa hotel at kakausapin ko lang muna si Mr. Hewitt sakaling pumayag siyang makipagharap sa akin ngayong umaga.” 

“No need to come with me, Chard. Asikasuhin mo na muna yung problema mo sa hotel, okay lang ako. Kaya ko na yon.”

“There you go again, akala ko ba pumapayag ka sa sinabi ko na makinig sa akin at manatili sa tabi ko para mapanatag ang loob ko?”

“Eh kasi di ba --”

“I will go with you and that is final. “

“ Okay..fine! Sige na, di na ako makikipagtalo sa’yo.”

“Good. Now let’s get moving. You prepare first at baba muna ako para sabihin kay Manang na sa hotel na tayo kakain ng breakfast, okay ba yon?” Tumango lang si Marian sa sinabi ni Richard. Kahit na ayaw na niyang gambalain pa si Richard ayaw din naman niyang mag-away pa sila . “Sige baba na ako.”

Iniwan na ni Richard si Marian upang makapagsimula ng mag-ayos ng sarili. Habang naliligo, napaisip si Marian. Di niya maikakaila na masaya siya at nagka-ayos na silang dalawa ni Richard. At ang nangyaring extra sweetness sa kanilang dalawa ay nakakapanibago at nakakalito pero inaamin niyang gustong-gusto naman niya ito.

Hayyyy Mr. Lim! Naniningkit narin ang mata ko sa sobrang kilig sa pinaggagawa mo. Ito ang tanging nasabi ni Marian sa sarili habang patuloy na iniisip si Richard.




Kakarating lang nina Marian at Richard sa hotel. Paghinto pa lang ng kotse ay may nakaabang ng guard ng hotel na siyang nagbukas sa pinto ng sasakyan ni Richard. Pagbaba nila ay kinuha ng valet ang sasakyan ni  Richard upang dalhin ito sa exclusive parking area para sa sasakyan ng lalaki. 

“Ma’am.” Tawag ng guard kay Marian, nakalahad na ang isang kamay nito upang kunin ang dala-dalang bag at mga gamit ni Marian pero tumanggi siya. 

“Okay na po kuya, di naman siya mabigat eh.”

“Sige na po, Ma’am.” Ngumiti ang guard kay Marian.

“Ibigay mo na yung bag mo kay Mark. Siya na ang bahalang magdala niyan.” Bulong ni Richard kay Marian.

“Pero di naman kasi siya mabigat at saka kaya-“ 

“Huwag mo akong ipahiya, di rin naman mabigat yung dala kong bag pero trabaho niya yan everytime papasok ako dito.” Bulong ulit ni Richard sa kanya. Paglingon ni Marian ay nakita nga niyang dala-dala na ng guard yung maitim na bag na bitbit kanina ni Richard paglabas ng sasakyan niya.

“Ohh..sorry..” naiilang man, binigay na rin ni Marian ang kanyang mga dala sa guard saka sila nagpatuloy sa paglalakad. 

Pagpasok ng reception area ay narinig ni Marian ang pabati ng mga empleyadong naroroon. Pati ang mga nakasalubong nilang mga empleyado ng hotel ay tumigil talaga upang batiin lang sila. Di sanay si Marian sa ganoong mga pagtrato mula sa mga taong di naman niya kilala pero naisip niyang ayaw naman niyang masabihan ng di maganda mula sa mga empleyado ni Richard, kaya kahit naiilang siya ay ngumingiti na lang sa mga ito tuwing binabati rin siya.

“ Good morning , Sir .” Bati kaagad ni Lea ng makalapit na ito sa kanila. “Good morning din Mrs. Lim.” Ngumiti sa kanya si Lea. 

“ Good morning.” Mahinang sagot ni Marian kasabay ng isang matamis na ngiti niya. Nang marinig ang pagsagot niya ay  napansin ni Marian na nagtinginan ang mga taong nasa reception area. Kita sa kanilang mga mukha ang pagkabigla na malaman kung sino siya. Di malaman kung ano ang gagawin, napayuko na lang ang ulo niya upang huwag makita ng mga tao ang nagsisimulang pamumula ng kanyang mukha. Eiii bakit naman kasi Mrs. Lim na Mrs. Lim eh di pa naman ako nagpalit ng apelyido..

“Lea, ano ang sagot ni Mr. Hewitt?”

“Sir, pumayag po siyang makipag-usap sa inyo mamaya. Pupunta na lang daw siya sa opisina.”

“ Good. “ Napansin ni Marian ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Richard pagkatapos marinig ang balitang iyon, tila ito lang ang hinihintay na balita ni Richard upang makampante. Kapansin-pansin na medyo naging relax na tingnan si Richard sa mga sandaling yon.“ Tayo na sa taas. “ muli silang nagpatuloy sa paglalakad patungong elevator. 

Kapansin-pansin na lahat ng mata ng mga tao ay sa kanila nakatuon, lalo na kay Marian at Richard kaya asiwang-asiwa si Marian na makasabay si Richard. Habang patuloy sa paglalakad ay kasalukuyan ding nag-uusap sina Richard at Lea. Pakiramdam ni Marian di siya dapat na makinig sa pinaguusapan ng dalawa at di naman siya nagtratrabaho doon kaya unti-unti niyang binagalan ang kanyang paglalakad hanggang sa ang naging kasabay na niya ay si Mark na umalalay sa kanila kanina. Makaraan ng ilang sandali ay napansin ni Richard na nawawala na si Marian sa kanyang tabi kaya huminto ito sandali at hinanap siya, nang makita siya na nakasunod lang sa kanilang dalawa ni Lea ay nakita na ni Marian ang pagsalubong na ang mga kilay nito at inantay na siyang makahabol sa kanila ni Lea. Nang makalapit na si Marian ay magkasabay na ulit silang naglakad habang hawak siya ni Richard sa may likod niya. Di talaga pinalampas ni Richard ang kanyang ginawa.

“Sino bang kasama mo dito, si Mark o ako?” bulong ni Richard kay Marian. Nagtaka si Marian sa itinanong ni Richard pero sumagot narin siya ng makitang seryoso ang mukah ng lalaki na nakatitig sa kanyang mga mata, tila naghihintay ng kanyang sagot.

“Ikaw.” Inosenteng sagot ni Marian.  
 
“Ganun naman pala, bakit sa kanya ka sumasabay sa paglalakad. Stay on my side huwag kang magpahuli.” Halos pabulong na sinabi  ni Richard sa kanya. 

Inakala ni Marian na nagmumukha din siyang guard kung nakikisabay siya kay Mark kaya ayaw ni Richard na sumabay siya dito. Napansin ni Marian na bahagyang napangiti si Lea pagkatapos ay nagbaba ito ng tingin, marahil ay narinig ang sinabi ni Richard sa kanya kaya napahiya siya. 

Itsura nito, porke naka blouse at jeans lang ako at siya nakasuot ng pormal sabihing mukha na akong guard?! Hmp! Sekretong sagot ni Marian kay Richard sa kanyang isipan.

Ilang minuto ang nakaraan, matapos sumakay ng elevator na naghatid sa kanila sa 31st floor ng building kung saan naroroon ang opisina ni Richard. Pagkatapos silang ihatid ni Mark ay nagpaalam na rin ito at bumalik sa pwesto niya sa main entrance ng building.

“ Lea, can you get us coffee please.”

“Sure, Sir. Excuse me.” Umalis kaagad si Lea matapos utusan ni Richard. 

Naka-upo na si Richard sa kanyang mesa at kasalukuyang may binabasang papel, Pagkasarado ni Lea ng malaking pinto sa opisina ni Richard ay isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Marian. Napa-angat ng tingin si Richard sa kanya.

“Why?” kunot ang noo nito at nakatitig kay Marian.

“Di ako makahinga kanina! Ganito ba ang simula ng araw mo dito?”

“Hmmm yes. Why?” 

“Kasi parang kakaiba. I mean pagdating mo kanina parang lahat ng tao ata kailangang huminto at bumati sa’yo. Even yung pagsakay natin sa elevator, parang ang bigat ng atmosphere sa loob kahit di naman puno yung elevator. Yung mga empleyado mo parang bawal magsalita pag andiyan ka. Kita mo yung dalawang babae na nakasabay natin? At first ang daldal kaya nila nung naghihintay pa sa baba pero nung makita ka nila lalong-lalo na ng makasabay ka na nila biglang nagsitahimik.”

Napailing at napangiti na lang si Richard sa narinig. Sa pagdaan ng panahon ay nakasanayan na kasi ni Richard ang ganoong eksena tuwing pupunta siya ng hotel. Kahit noong ang lolo pa niya ang namamahala dito kaya balewala na ito sa kanya. Naiintindihan naman niya ang paninibago ni Marian sa ganitong bagay pero kailangan niyang sanayin ang sarili niya lalo pa at dadating ang panahon na mas mapapadalas na siyang makikita ng mga tao doon bilang asawa niya.

“Don’t worry, masasanay karin..by the way, pagdating ni Lea pasasamahan na lang kita sa restaurant sa baba para ikaw na pumili ng kakainin natin. Okay lang ba?”

“Sure, pero pwede rin namang ako na lang. Tawag na lang kayo doon para naman masimulan na kaagad ni Lea yung trabaho niya. Nakakahiya naman kung lagi niya na lang akong alalayan di ba, at saka may mas importante pa kayong gagawin. Siguro naman ngayong nasa hotel tayo, panatag yung loob mo.”

“Okay. Don’t forget to bring your cellphone just in case kailangan nilang kausapin ako.”

“Cellphone? Wala akong cellphone..nasa bag ko yung cellphone ko kahapon nung na-holdup ako sa mall.”

“Ganun ba? ..then bring my cellphone with you. Tawag ka na lang sa office number na naka-save diyan. 

“ Okay, sige dalhin ko na lang yan. Thank you.”

Pagbalik ni Lea ay inutusan ito ni Richard na tumawag sa restaurant at ipaalam na pupunta si Marian doon upang may taong aalalay kaagad dito. Si Marian naman ay kasalukuyang sakay na ng elevator pababa sa ground  floor kung saan naroon ang restaurant ng hotel. Pagbaba sa 20th floor ay may sumakay na lalaking banyaga. May kausap ito sa cellphone niya at tila nakikipagtalo sa kausap. Namumula pa ang mukha dala ng sobrang inis nito sa kausap. Medyo natakot si Marian dahil sa lakas ng boses ng lalaki habang nakikipagtalo kaya bahagya siyang lumayo dito. Nakita ni Marian na pinindot nito ang button na may markang G kaya naisip nitong baka papunta din ang banyaga sa restaurant at mag-aagahan.

Magkasunod silang lumabas ng elevator ng huminto na ito sa ground floor. Upang di sila pagkamalang magkasama ay hinayaan din niya itong maunang maglakad papasok ng restaurant, nang makita niya itong malayo-layo na saka pa siya nagsimulang maglakad papasok ng restaurant. Sa loob,  kaagad siyang naghanap ng staff upang ipaalam ang kanyang pakay habang ang lalaki naman ay nakita niyang lumapit sa buffet table at nagsimulang kumuha ng pagkain.

“Hello! I’m Marian from Mr. Lim’s office.”

“ Good morning Ms. Marian. Please wait for awhile Ma’am at tatawagan ko muna yung manager namin at siya daw yung mag-aassist kayo. Maupo na po muna kayo habang wala pa si Ms. Sandra.”

“Okay. Thank you.”

Naghanap si Marian ng mauupuan at ilang saglit lang ay nakakita na siya ng dalawang bakanteng mesa na nasa bandang kanang bahagi ng restaurant. Maya-maya habang nakaupo si Marian doon ay narinig nanaman niya ang boses ng lalaking nakasabay sa elevator kanina. Pagtingin ni Marian sa badang kanan niya ay nalaman niyang nasa kabilang mesa lang pala ito. May kausap na naman sa cellphone niya. Bumubulong ito sa kanyang cellphone pero dahil hindi naman maingay sa bahaging iyon ng restaurant at sobrang lapit lang nito sa kinauupuan niya, dagdag pa ang kalakihan ng boses niya, hindi maiwasang mapakinggan ni Marian ang bawat sagot ng lalaki sa kausap niya.

Narinig ni Marian nang sabihin ng lalaki na magbibigay ito ng pera pagnakuha na ang ibabayad sa kanya. Babalewalain na sana ni Marian ang kanyang narinig at pinaalalahanan ang sariling masama ang kanyang ginagawang pakikinig sa usapan ng iba pero ng mabanggit ng lalaki ang napipintong pakikipagkita nito sa may-ari ng hotel biglang natigilan si Marian. Naalala ni Marian ang gagawing pakikipag-usap ni Richard sa Australian guest ng hotel. 

May kung anong tinig sa loob ng isip ni Marian ang nagtulak sa kanya na manatili muna at makinig. Habang nakaupo siya doon, tila nakaramdam si Marian na may kakaiba lalo pa ng sabihin ng lalaki sa kausap nito na sisiguraduhin niyang makakakuha ito ng malaking halaga ng araw na iyon upang ibigay sa kausap.

Hindi na talaga maganda ang hinala ni Marian sa dayuhan, naisip niyang ipaalam ito ni Richard pero natakot naman siya na hindi siya paniniwalaan ng lalaki kaya nag-isip ng paraan si Marian. Laking pasalamat ni Marian at pinadala sa kanya ni Richard ang cellphone nito, nagmamadaling hinanap ni Marian ang camera pagkatapos ay pinili nito ang video mode. 

Bahagya rin niyang iniurong nag kanyang upuan at nagkunwaring naghahanap ng signal upang mailapit lang ng konti ang cellphone. Buti na lang  at magkatabi lang silang naka-upo kaya di mahahalata ng lalaki na naka-video pala ito. Nakuha pa ni Marian ng pag-usapan ng dalawa kung kailan at paano ipapadala ang pera pagkatapos na makakuha na ito ng pera kay Richard at ang paniniyak ng dayuhan na gagawin din ng kanyang kausap ang napagkasunduan nila.

“ Ms. Marian?” narinig ni Marian ang pagtawag ng babaeng naka-usap nito kanina, sa tabi nito ang isa ring matangkad na babae na nakasuot ng uniform na katulad din ng suot nito. Naisip ni Marian na siya na marahil ang Sandra na tinutukoy ng nakausap niya kanina kaya tumayo na siya at pinatay na ang video.

“I’m here.”

“Ma’am dito po tayo.”

Dinala ni Sandra sa buffet table si Marian upang pumili ng pagkain. Dala ng kaba at nerbyos sa natuklasan ay di na gaanong nakapag-isip si Marian. Basta-basta na lang itong pumili ng pagkain at inumin. Atat na atat na siyang makabalik na kaagad sa opisina ni Richard upang maka-usap na kaagad ang lalaki. Nang sabihin ni Sandra na ipapa-akyat  na lang niya sa opisina ni Richard ang mga pagkain ay di  na nagtagal pa si Marian sa restaurant. Kaagad na itong naglakad papunta sa may elevator.

Ilang sandali ang nakalipas ay nasa 31st floor na ulit si Marian. Nadatnan niya si Lea sa mesa nito, kasalukuyang may ginagawa sa harap ng computer. Nang makita siya ay kaagad siyang tinawag at pinaalam na kasalukuyang may kinakausap si Richard sa loob.

“Sino? Si Mr. Ivan Hewitt ba?”

“Yes , ma’am. Kakapasok lang po ni Mr. Hewitt.”

“Naku, patay! Teka lang, may kailangan lang akong sabihin kay Richard.” Nagmamadaling sumugod sa loob ng opisina ng lalaki si Marian. Walang kaabog-abog nitong binuksan kaagad ang pinto.

14 comments:

  1. Ms Con thank you sa update pero talagang bitin! Please huwag mong patagalin ang kasunod na kabanata, parang awa mo na di ako makahintay ng kasunod na pangyayari :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Easyyy..chill...hinga-hinga pag may time :D :D

      Delete
    2. Saan ang hustisya??? wala pa ang kasunod na chapterssss (LoL). Ms Con nangungulit lang hehehehe..... Sana nice ang weekend ng mga adiks (wink)

      Delete
  2. inang kupo ... ms. Conelyn B ... naloloka ako sa sobrang bitinnnnnnnnnnnn parang sherlock holmes lang ang peg hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mwahahaha Sherlock Holmes talaga ha! Horror parang The Willing Captive ayaw mo Ate Peng? :D

      Delete
    2. then, vampire si singkit ... ako ang unang magpapakagat LOL

      Delete
  3. Patience is a virtue lang Ms Con.. :) atleast may development na, nagiging touchy na si singkit at kinikilig-kilig na si M+++

    ReplyDelete
    Replies
    1. i like that M +++ hindi lang pala ako nag iisa na nag de-dwell sa orig plot hehehe

      Delete
    2. Ayannn ha ate..kahit wala pang confirmation sa status nila at least nagiging touchy na si singkit! ♥♥♥

      Delete
    3. I want MORE than the touchy-touchy hahahahaha

      Delete
  4. OMG....ano kaya ang magiging reaction ni RL at ng Mr.Hewitt na yun if ma-reveal ni Marian ang katotohanan...wag sanang pumalpak ang revelation ni Maya at sana siya ang makatulong sa problem ni RL regarding Mr.Hewitt....hmmm i like this sobrang caring and touchy ni RL...simula na ba ito ng mga damoves ni RL? thank you ms.Con for this update...

    ReplyDelete
  5. Next na po!!!! Please!!!

    ReplyDelete
  6. Thank u nlycoen sa update ngayon ko lang nabasa to. ang suspense naman nito. sana maipaalam ni Marian ang mga narinig nya kay Richard bago may masamang mangyari. next na pls!

    ReplyDelete