Wednesday, August 20, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 10 )

     Bago mag check-in sa counter ay kinausap muna ni Richard si Jonas sandali. Nagbilin na habang wala ito ay kailangan niyang samahan si Marian sa lahat ng lakad nito, mapa-school o kung meron mang ibang lugar na pupuntahan ang babae. Dahil alam ni Richard na medyo matigas ang ulo ni Marian at mahilig sumuway sa usapan, mahigpit ang naging bilin nito sa driver na tuwing di sinusunod ni Marian ang naging usapan nila na dapat kasama niya si Jonas tuwing aalis ng bahay ay dapat tawagan umanon siyang tawagan ng driver upang siya na ang kakausap kay Marian.

“Yes, Sir. Makakaasa po kayong ako na ang bahala kay Ma’am Marian habang wala kayo.”

“Good. Sige, makaka-alis kana.”

Nang tumalikod na si Jonas ay naglakad narin si Richard papuntang check-in counter, hila-hila ang stroller bag nito na kanina ay iniabot ni Jonas sa kanya bago ito tuluyang umalis. Pagkatapos magcheck-in ay tumuloy na si Richard sa pre-boarding area. Ilang minuto ang nakaraan ay dumating na rin si Lea na makakasama niya sa byahe papuntang Cebu.

At 10 a.m ay lumapag na ang eroplanong sinasakyan nina Richard at Lea sa Mactan-Cebu International Airport. Naghihintay na rin ang sasakyan ng hotel kung saan sila mananatili habang nasa Cebu ang dalawa. Pagkaraan ng ilang minuto ay paalis na ang sasakyan nila ng airport at dinala na sila ng driver sa hotel.


Dahil sa kilala na sina Richard at Lea sa hotel na tutuluyan ay di na sila dumaan sa karaniwang proseso ng pagcheck-in, pagkababa ng dalawa sa sasakyan ay may naghihintay na sa kanilang staff ng hotel na nagdala sa kanila sa kanya-kanyang kwarto.

“Lea, let me just change then meet me at the lobby.”

“Yes, Sir.”

Pagpasok sa kanyang kwarto ay kaagad ng tinawagan ni Richard si Marian upang ipaalam na nasa Cebu na ito pero sa kasamaang palad ay nasa loob ito ng banyo kaya di nito nakusap ang babae. Dahil nagtataka kung bakit di sinasagot ni Marian ang cellphone niya, tinawagan ni Richards si Manang Fely at nagtanong kung nasaan si Marian. Ipinaalam ng matanda sa amo ang dahilan kung bakit di nagawang sagutin ni Marian ang tawag ng lalaki.

“Ah ganun po ba, sige po Manang, salamat po. Paki-sabi sa kanya na nasa Cebu na ako. Tatawagan ko na lang siya mamaya.”

“Sige, huwag ka ng mag-alala sa asawa mo. Kami na ang bahala sa kanya dito. Dalian mo na lang yung trabaho mo diyan para maka-balik ka na kaagad dito at ng di ka laging nag-aalala at di mo nakikita si Marian.”

May himig panunudyo ang boses ng matanda na napapangiti pa habang sinasabi ito kay Richard. Si Richard naman ay napangiti na lang at kahit na walang ibang taong nakakakita sa kanya habang kausap si Manang Fely ay di maiwasang mamula, di malaman kung bakit tila nahihiya sa narinig mula sa matandang nag-alaga sa kanya mula pagkabata pa nito. Di na makuhang magsalita pa ni Richard, marahil naramdaman ng matandang babae na nahihiya ang dating alaga ay ito na ang nagpaalam at tumapos sa kanilang usapan. Nang ibaba ni Manang Fely ang receiver ng telepono ay di maalis-alis sa mukha ang ngiti nito.



     Thirty minutes passed, lumabas na ng kwarto niya si Richard at pinuntahan na si Lea na nasa main lobby ng hotel at naghihintay sa kanya. Habang may konting oras na natitira bago magtanghalian ay nagpunta na sina Richard at Lea sa site kung saan kasalukuyang tinatapos ang Lim Hotel- Cebu.

Masaya si Richard sa nakikitang development sa ginagawang hotel. Kasalukuyang inaayos na ng team ng mga interior decorator ang bawat area sa loob ng hotel. Naglilibot naman sa building at nagi-inspeksyon sina Richard, Lea at ang namamahala sa construction ng LH-Cebu na si Mr. Renz Valdez.

“ Mr. Lim, as of now the whole building from the ground floor up to the top floor, we can guarantee you Sir, natapos na ng team namin ang lahat. Nakita ‘nyo naman siguro na yung mga tao na kasalukuyang nagtra-trabaho ngayon sa loob ay yung designers na lang but I assure you, we also have few of our people na kasalukuyan paring andito to make sure na everything is working fine in our end. Checking the different areas around the building every now and then and we specifically instruct them to continue doing this hanggang sa pagbubukas ng hotel. The area outside, wala din kayong dapat ipag-alala kasi kasulukuyan na din naming pinalilinis yung area, pinapatanggal yung mga gamit na di na kailangan para di rin makagambala sa mga taong namamahala naman sa pag-aayos sa landscaping sa labas.”

“Good, we still have enough time to finish everything so there’s nothing to worry.”

“And Sir, by the way. Have you met with the interior designer’s team leader? We were informed that she just arrived this morning also and will be coming here this afternoon. Baka gusto ‘nyo pong makausap din yung team leader nila for updates?”

“ Di ko pa siya nakausap. Please advise her that I would like to speak with her tomorrow. Babalik pa naman kami ni Ms. Del Mar dito and we will be staying here for two days. “
 
“Okay , Sir. I’ll inform her. “                     

“Sir, looks like even before the target date ng opening natin matatapos na lahat.” nakangiting saad ni Lea, kagaya ni Richard masaya din ito sa nakikita sa hotel.

“Yeah I know, when we get back maybe we can propose to the board for a soft opening perhaps?”

“Oh that would be great, Sir. I hope the board would agree.”

“I hope so.”

Di maalis-alis ang ngiti ni Richard habang pinag-uusapan ang lagay ng hotel. Espesyal para kay Richard ang Lim Hotel-Cebu kaya sobrang inaasam-asam niya ang malapit na pagbubukas nito. Ngayong konting panahon na lang ang hihintayin niya, nangako siya sa sariling tutukan niya ito upang may maipagmalaki siyang achievement na galing sa sariling pagsisikap at di na siya minamata ng mga Board of Directors.

Pagkatapos nilang maglibot sa iilang bahagi ng building ay nagdesisyon na si Richard na itigil na muna ang paglilibot at tapusin ang pag-iinspeksyon ng buong hotel kinabukasan. Gustuhin man niyang maglibot pa, alam naman niyang gutom at pagod na rin ang kasama niya. Ilang sandali ang nakaraan matapos magpaalam sa mga tauhan na sumalubong at naglibot sa kanila sa hotel ay pabalik na sila sa tinutuluyang hotel lulan ng kotseng nirentahan nila ni Lea habang nasa Cebu silang dalawa.

On the way to back to the hotel, nadaanan nina Richard ang isang restaurant kaya nagyaya na siyang bumaba sandali upang mag-lunch bago tuluyang bumalik sa hotel. Habang kumakain ang dalawa ay walang ibang bukambibig si Richard kundi ang mga plano niya sa hotel, pati si Lea nahawa narin sa kasiyahan ni Richard at masaya rin itong nakikinig sa amo niya na sa unang pagkakataon mula ng nanilbihan siya dito ay ibinahagi sa kanya ang iilang mga plano at pinagkatiwalaan siyang makinig sa mga plano nito.

Napasarap ang kwentuhan ng dalawa habang kumakain kaya natagalan pa bago nila nilisan ang restaurant. Mag-aalas tres na ng hapon ng tuluyang ng makabalik sa hotel nila sina Richard at Lea. Habang naglalakad patungo sa may elevator ang dalawa, narinig ni Richard ang pagtawag sa kanya ng receptionist.

“Mr. Lim .. Mr. Lim ..Sir, someone is here to see you.” Nang marinig ang sinabi ng receptionist ay nagkatinginan sina Richard at Lea. Lubos na nagtataka ang dalawa kung sino ang taong naghahanap kay Richard.

“May meeting ba ako ngayon?” pagtatakang tanong ni Richard sa kanyang sekretarya.

“None that I know, Sir. “

“Then who is –“ naputol ang dapat sanang pagtatanong ni Richard ng makita ang itinurong tao ng receptionist. Isang pamilyar na pigurang naka-upo sa isang couch sa di kalayuan.

“ Ms. Mendoza.” Tinawag ng receptionist ang babae at nang marinig ang kanyang pangalan ay tumayo na ito. Pagharap ng babae at nang makita na si Richard ay isang malaking ngiti ang ipinakita bago ito nagmadaling lumapit kay Richard.

Cheska?! “What are you doing here?!” magkahalong gulat at pag-aalala na tanong ni Richard. Pinipilit nitong hinaan ang boses pero di parin ito nakalagpas sa pandinig ni Lea na nakatayo lang sa kanyang tabi. Lubos ang pagkagulantang ng kanyang sekretarya ng hinalikan ng babae si Richard sa labi nang tuluyan na itong makalapit dito.

1 comment:

  1. Hala patay! ano eto - stalker lang ang peg ni Cheska???

    ReplyDelete