Thursday, August 7, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 9 )

     “Be good while I’m away.”
Ito kaagad ang bilin ni Richard kay Marian. Naghahanda si Richard ng mga gamit na dadalhin niya sa Cebu ng mga sandaling iyon, it was a couple of hours later mula ng sabay silang dalawa na umuwi galing sa opisina ni Richard.

Si Marian naman ay nakaupo sa kanilang kama, nagbabasa ng fashion magazine. It was a half-meant joke, but Marian ignored him.

“That’s good..di ka na pikon” marahan na tumawa si Richard nang makitang di nagpa-apekto ang babae sa kanyang panunundyo.

“Ang pikon ay laging talo..that’s what I learn from you, Chard.”

“Huwag mo ako ma-miss ha.” Biro ulit ni Richard sa kanya.

“Of course not. Baka ikaw ang dapat kong sabihan niyan!”

“Yes, ma-mimiss kita..wala na akong babantayan na pasaway!”


Marian laughed softly, nang mag-angat ng kanyang paningin mula sa binabasang magazine ay isang matalas na tingin ang ginawad niya kay Richard, nang makita ito lang lalaki ay dumila lang ito kay Marian. Tila mga batang nag-aasaran na naman ang dalawa.

“Don’t worry I’ll be good..may bantay kaya ako kahit wala ka..remember lolo? Ummm Manang Fely?..”

“ Yeah right!” napatango si Richard sabay ang malakas na pagtawa ng maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Marian.

“Yan lang ba ang dadalhin mo? Bakit parang ang konti lang?” isinantabi ni Marian ang magazine at saka sumilip sa bag ni Richard. Nakita nito ang iilang damit at isang itim na pouch na may katamtamang laki sa loob. “Ano yan – lalagyan ng mga underwear mo?”

“Uhummm.” Kumpirma ni Richard sa tanong ni Marian habang patuloy sa pag-aayos ng gamit niya.

“Ummm S, M, L, XL ?” tanong ulit ni Marian na ang tinutukoy ay walang iba kundi ang size ng underwear ng lalaki. Natigilan si Richard at napakunot ang noo habang nakatitig kay Marian. Di kaagad nakuha ang ibig sabihin ng babae.

“Yung size. S lang? ” Paliwanag ni Marian, puno ng kapilyahan ang mga mata nito habang nakatitig kay Richard.

What the .. hmmm ginusto mo to huh! Tingnan natin kung hanggang saan ka..

“ Gusto mo talagang malaman?” Richard played along. He gently pushed his bag at the side to make room for him to sit beside Marian.

“ If I say it’s an S, with my body built imposible naman di ba?” Richard seductively whispered to Marian, moving his face closer to Marian. Dahilan upang bahagyang inilayo ng konti ni Marian ang mukha kay Richard, nabigla siya at di inasahan ang ginawa ng lalaki. “If I say M … umm “ sinadya ni Richard na putulin ang kanyang sinasabi sa halip ay tumingin ito sa kanyang kandungan, di naman maiwasang mapasunod si Marian sa kanyang ginawa at napatingin din sa ibabang bahagi ng katawan ni Richard ngunit kaagad naman nitong binawi ang kanyang tingin mula dito, sa mga sandaling iyon mas lalong nailang si Marian sa sitwasyon. Unti-unting nasisilayan ni Richard ang pag gapang ng pamumula ni Marian na nagsimula sa kanyang leeg paakyat sa mukha at tenga nito. “ Hulaan mo, L or XL?” Richard continued. Napamaang na lang si Marian, napalunok saka napakurap ng ilang beses.

Silly girl! Ngayon namumula ka sa hiya?!

“Mas gusto mo siguro yung X –“ di na nagawang tapusin ni Richard yung sasabihin niya ng bigla na lang tumayo si Marian at nagmadaling lumabas ng kwarto. Di na napigilan ni Richard ang pagwa-walkout ni Marian. “ Oh! Saan ka ba pupunta? Akala ko ba gusto mong malaman ang size? L lang naman ako Marian! ...Hoy! ... Galit ka ba at L lang?” pahabol na biro ni Richard kay Marian. Nang marinig nito ang malakas na pagsarado ng pinto ay di na rin napigilan ni Richard ang sarili at umalingawngaw ang malakas na tawa nito sa loob ng kwarto nila.

“Oh my goodnesss!!!” sigaw ni Marian sa may veranda. Hanggang sa sandaling iyon di parin siya maka get-over sa nangyari sa loob ng kwarto nila. Dahil dito nahihiya na tuloy siyang makaharap ulit ang lalaki. Sinisisi niya rin ang sarili kung bakit siya pa talaga ang nagsimula ng kalokohan kanina.

Loko-loko talaga yung taong yon! Pinatulan talaga ako! Teka..ano daw? L? Napahagikhik si Marian sa kanyang naisip. Natatawa ng maalala yung sinabi ni Richard kanina nang nagwalkout siya sa kwarto nila. Ano ba yan! Kakainis, naiimagine ko na tuloy ang itsura ng brief! Napailing na lang si Marian sa sarili niya.




     The next day, Sunday, alas sais pa lang ng umaga ay sabay ng nag-agahan sina Richard at Marian. Dahil sa nangyari ng nakaraang gabi ay tahimik lang si Marian, nakatutok lang sa kanyang plato at di magawang makatingin ng diretso kay Richard dahil naiilang pa din ito sa kanya. Napansin ito ni Richard, naisip din nito na marahil nahihiya parin si Marian dahil sa ginawa niyang panunudyo. Naiintindihan naman niya ang nararamdaman ni Marian kaya mas pinili na lang nitong huwag ng punain ang kakaibang kinikilos ni Marian ng umagang iyon. Upang ipakita na wala lang sa kanya ang nangyari ay umakto na lang itong parang walang nangyari. Kinausap niya si Marian kagaya ng lagi nitong ginagawa.

“Marian, two days lang naman akong mawawala dito. If you need anything call me right away, okay?”

“Yes.” Maikling tugon ng babae, di parin ito nag-angat ng paningin at patuloy parin sa kanyang kinakain.

“Bukas ba yung simula ng activity ninyo sa school?”

“Oo.”

“ Isang araw lang ba yon?”

“Oo, bukas lang. Sa hapon gagawin yong awarding. Sabi ng dean, if we are lucky baka mag-offer yung mga guests namin sa mananalong graduating students na mag OJT sa kanila after ng activity bukas.”

“I see .. sinu-sino ba yung guests?”

“Wala pa kaming idea sino yung pupunta eh. Ang alam lang namin galing sa iba’t-ibang hotels and restaurants yung pupunta.”

“I see .. I guess ito yung sinasabi ni Lea sa akin the last time na nagpadala ng invitation pero nung nalaman ko yung schedule sinabi ko sa kanya di ako pupunta and have someone to go from the hotel to represent me since matagal ng naka-schedule ang pag-alis ko going to Cebu .”

“Really?!” biglang sumigla ang boses ni Marian, nakita ni Richard ang pagtingin nito sa kanya pero ng magtama ang paningin nila ay binawi ito kaagad. “Buti naman, sana yung ipadala mong representative may taste at kami ng grupo namin ang mapili.”

“ Ganun?!” they both laugh at her remark. “ Pag di kayo napili ibig sabihin walang taste?!”

“Ano pa nga ba!” mayabang na sagot kaagat ni Marian sa kanya. Kahit di parin ito tumitingin kay Richard, masaya parin si Richard at kahit papaano ay nakikipag-biruan na ulit si Marian sa kanya.

“Oh well, kahit naman di kayo mapili na mag-OJT as a group, sa LH-Manila ka parin naman mag-OJT kaya di ka dapat mag-alala. “

Pagkatapos sabihin ni Richard iyon ay biglang naiba ang ekspresyon ni Marian. “ No, I mean mapili as manalo sa contest. Yung tungkol sa OJT ko, if ever mas gustuhin kong pumunta sa ibang hotel, okay lang ba?”

“But why? I mean, may hotel tayo bakit mas gugustuhin mong mag-OJT sa iba?”

“You know why Chard. “ mahinang tugon ni Marian.

“No..I honestly don’t know why Marian.” Seryosong tugon ni Richard. Di maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Marian sa sinabi niya. “At the end tayong dalawa yung magtutulungan na i-manage yung negosyo natin.”

“ Nakalimutan mo na ba yung—“

“Ricardo .” di na natapos ni Marian ang kanyag pagpapaliwanag ng lumitaw si Manang Fely mula sa kusina at tinawag si Richard.

“Manang?”

“Remind lang kita at baka mapasarap ang kwentuhan ninyo makalimutan mong may flight ka pa.” nang maalala ito, napatingin si Richard sa kanyang wrist watch at chineck ang oras.

“Thank you, Manang. I have to go.” Napatayo na ito kaagad sa mesa. “ I’ll call you pagdating ko ng Cebu. Don’t forget to bring Jonas with you kung may pupuntahan ka mamaya, okay?”

“ Don’t worry wala naman akong pupuntahan mamaya.”

“Mabuti naman, pahatid at pasundo ka kay Jonas tomorrow okay?”

“Yes, sir!” kaagad na sagot ni Marian sabay ang pagsaludo nito kay Richard.

“Ikaw talaga!!!” bahagyang pinisil ni Richard ang ilong ni Marian.

"RICHHARRDD!" reklamo ni Marian sa lalaki, hawak ang ilong na pinisil ng lalaki.

"Ang arte! Di naman masakit ah! " Gusto sana ni Marian na gumanti sa pagpisil din ng ilong ng lalaki pero madali itong nakailag. Narinig ng dalawa ang pagtawa ng mga kasambahay nila na nakamasid lang pala sa kanila sa di kalayuan kung kaya kaagad na umayos si Marian.

"Aalis na ako." naiilang man, balik sa pagkukunwari ang dalawa, humalik si Richard sa pisngi ni Marian. 

"Sorry, I have to do this again.." bulong ni Richard pagkatapos.

Buti na lang at nakatalikod si Marian kina Fely at sa mga kasambahay kaya di nila nakita ang pamumula ng pisngi niya. "Bye, ingat ka." kahit nahihiya nagawa parin nitong sambitin ito kay Richard. Napangiti na lang ang lalaki sa kanya.

" Ikaw din, bye.." pagkatapos haplusin ang braso ni Marian ay saka na ito tumalikod at umalis.




     Pagkatapos umalis ni Richard ay umakyat na rin si Marian sa second floor ng mansion at tinungo ang veranda. Habang nakatayo ito at nakahawak sa bakal na rehas ng veranda, iginala nito ang panigin sa kabuuan ng property ni Richard.

Alam ko dadating ang panahon na di ko na makikita ang bawat sulok ng bahay na ito kaya di ko dapat sanayin ang sarili ko sa isang bagay na alam kong may katapusan balang araw.

Habang naiisip ito ay napabuntong–hininga na lang si Marian. Di niya mapigilan ang sarili na di malungkot, sa loob ng maikling panahon ay napamahal na rin sa kanya ang lugar na iyon at ang mga tao sa paligid niya. Nang mabanggit ni Richard kanina ang tungkol sa hotel, di maipagkakaila na sandali rin niyang naisip ang posibilidad na baka sakaling dumating ang sandaling maging kaagapay nga siya ni Richard sa pamamahala ng hotel ngunit nang maalala nito yung kasunduan nilang maghihiwalay sa tamang panahon, naging malabo narin para kay Marian ang ideyang iyon, lalo na ngayong bumalik na si Cheska sa buhay ni Richard.

1 comment:

  1. Thank you sa update! Wow sana may kasunod kaagad, hmmmmmm

    ReplyDelete