“Chard.. I promise, di ako magiging pasaway. I PROMISE!”
“Marian, magiging pasaway ka man o hindi , the point is, paano kung malaman ni Lolo na pumunta ka doon worst di pa ako kasama.”
“Eh di sabihin kong nagpaalam naman ako sa’yo at pumayag ka.”
“What if magalit si lolo at pinayagan kita? No way, Marian!” di parin nakumbinsi ni Marian si Richard.
“Please?
Di ka ba naaawa sa akin? Ako lang ang di makakasali, yung iba nga na di
naman namin kagrupo makakapunta tapos ako hindi?” pa-awa effect ni
Marian, crossing her fingers at abot langit ang panalangin na maawa
talaga ang lalaki sa kanya.
“Nangongonsensya ka ba? Look, di talaga ako kampante sa place na sinasabi mo.”
“Are
you telling me na kung hindi lang sa bar papayag ka na sumama ako?”
sandaling natahimik si Richard sa kabilang linya kaya kinabahan si
Marian at inakalang nagagalit na ito, maya-maya pa ay narinig niya ang
pagbuntong-hininga ng lalaki. “Chard?”
“Okay, fine! As long as hindi sa bar okay lang na sumama ka. Why don’t you do it sa bahay?”
Napaisip
si Marian sa suhestiyong iyon ng lalaki ngunit nagbago ang isip niya ng
sumagi sa isip niya si Bart at kung gaano sila kaingay magbabarkada
lalo pa kung nagsimula ng mag-inuman, bagay na di maiiwasan lalo pa at
matagal-tagal na ding di nila nagagawa ito.
“I don’t think it’s a good idea.” Tanggi ni Marian sa gustong mangyari ni Richard.
“Why?”
“Baka
magulat yung mga kasama natin sa bahay sa mga kaibigan ko. Honestly,
Chard.. hindi gaanong kagandahan ang mga mangyayari kapag magkakasama
kami. Maingay, magulo, asaran..basta di pwede!”
“Uh oh!”
“I know right?!”
“Then maybe huwag ka na lang sumama?”
Kung
gaano ang paghahangad ni Marian na makahanap ng paraan para mapayagan,
ganun din naman si Richard. Nag-aalangan din itong payagan ang babae sa
pagsama lalo pa at nanggaling narin sa bibig mismo ni Marian kung ano
ang mga posibleng mangyayari kapag sumama siya sa mga kaibigan niya.
Isang nakadagdag pa kung bakit di rin kampante si Richard ay ang
katotohanang kasama si Bart sa lakad ni Marian.
Something is just not right.. Richard thought.
“But
Chard..” pagpupumilit ni Marian sa kanya. Puno ng pagsusumamo ang boses
ng babae, pakiramdam ni Richard halos maiyak na ito dahil sa kawalan ng
pag-asang makapunta pa. Di naman maiwasan ni Richard na di maawa sa
babae.
“Okay
ganito na lang. Tell them you can’t go with them kung sa bar kayo.
Convince them to go somewhere, perhaps someone else’s home? Then call me
kung ano mapag-usapan ninyo. And Marian, one more thing, dapat kasama
mo si Jonas. He will drive you to wherever yung place na yon, he will
wait for you and take you home tonight. Is that clear?”
“Really?!
Yes! Thank you, Chard!” masayang sagot ni Marian sa kabilang linya.
Richard could feel how delighted she was that moment. Di rin maiwasang
mapangiti rin si Richard nang marinig ang hiyaw niya. “I’ll call you
later para i-update ka kung saan kami. Thank you, thank you talaga! “
“Okay. Congrats ulit sa inyo, and don’t forget to call me or else ..”
“Oo nga..sige na at pag-uusapan pa namin. I’ll call you right away.”
“Good, bye for now.”
“Bye Chard!!” puno ng sigla ang boses ni Marian ng magpaalam ito sa kanya. Pagkatapos ay naputol na ang kabilang linya.
Nakangiti
pa si Richard ng ibalik sa bulsa niya ang kanyang cellphone. Pagkaraan
ng ilang saglit ay pabalik na siya sa kinaroroonan nina Lea kasama ang
ilang mga tauhan na kinakausap nito sa hotel.
“Sir,
iche-check naba natin yung sa – wait a minute..may good news ba ulit at
mukhang ang saya-saya mo?” Di nakalagpas sa mata ni Lea ang mga ngiting
iyon kaya napatanong kay Richard . Pati tuloy ang mga kasama nilang
tauhan ay napalingon din kay Richard ng marinig ang sinabi ng sekretarya
nito.
“Nothing
big, but yeah good news nga yung natanggap ko. Nakausap ko kasi kanina
si Patricia ang sabi nanalo nga sina Marian and after Patricia’s call
tumawag din si Marian to confirm it.” Balita ni Richard kay Lea na di
parin maitago ang saya sa boses ang mukha nito.
“Ohhh
si Marian..” maikling sagot ni Lea, alam ni Richard na sa mga sandaling
iyon ay puno ng tanong ang isip ng babae tungkol kay Marian. Bagay na
di maiwasang mangyari lalo pa at noong makita ito ni Lea sa opisina ay
di naman niya naipaliwanag kung sino ito sa kanyang sekretarya.
“Yes..
si Marian, my wife.” Richard blurted out. Di napigilan ang sarili lalo
pa at nakikita niya sa mga mata ng mga tauhan nila na tila nagtataka ito
kung sino si Marian lalo pa ng marinig ang sagot ni Lea na tila
nag-aalangan din.
“Oh!
Wife!” gulat na sambit ni Lea, nanlaki pa ang mga mata nito pero nang
mahimasmasan at naalala na meron pala silang kasama sa mga sandaling
iyon, kahit gaano niya kagustong magtanong pa sa amo niya ay napilitan
itong magpanggap na alam na nito ang nangyari. “Yeah..si Marian..yung
wife ni Sir.” Di maipinta ang itsura ni Lea ng humarap at sabihin ito sa
mga tauhan nila.
“Akala namin single ka pa , Sir?” tanong ni Renz, ang project manager ng construction company na gumawa ng hotel.
“Ahh,
actually bagong kasal pa lang – but anyway, let’s go back to work.
Let’s not talk about my personal life, my wife will not like it.”
“Oo
nga naman. How about if we proceed to the pool-side, Sir?” sang-ayon
naman ni Lea sa sinabi ng kanyang boss matapos mapansin itong nawala na
ang ngiti sa mga labi . Balik na ulit sa pagiging seryoso at halatang
naiilang ito ng mapag-usapan ang nakakagulat na balitang kasal na pala
ito.
“Ay sorry po. Sige po, baba na tayo.” Renz lead them towards the elevator. Kasalukuyang silang nasa 43rd
floor kaya ng nasa loob na sila ng elevator ay pinindot na nito ang
button na may malaking markang G para ibaba na sila sa ground floor.
Nasa
pool-side na sina Richard at kasalukuyang tinitingnan ang area ng
makatanggap ulit ito ng tawag galing kay Marian upang ipa-alam na
napagkasunduan nilang sa condo na ni Emman ang punta nila ng gabing iyon
kasama ang mga kaibigan. Pinaalalahanan ulit ito ng lalaki na isama si
Jonas at magpakabait na sinang-ayunan naman ni Marian bago nagpaalam.
Mag-aalas
diyes na ng gabi ng makatanggap ng tawag si Richard galing kay Manang
Fely, kasalukuyang nag-aayos si Richard ng gamit sa loob ng hotel room
niya at nakatakda na itong bumalik ng Manila kinabukasan. Nagsusumbong
sa kanya ang matanda na di pa umuuwi si Marian at Jonas. Sinabi nitong
nag-aalala na siya at gabing-gabi.
Upang
di gaanong mag-alala si Manang Fely ay pinaalam na ni Richard sa kanya
na nagpaalam si Marian na may pupuntahan kaya di pa naka-uwi. Pagkatapos
nilang mag-usap ay din a nag-atubili si Richard at tinawagan na kaagad
si Marian upang alamin kung bakit di parin ito umuuwi ngunit maka-ilang
tawag na siya ay di sinasagot ng babae ang tawag niya kaya si Jonas na
ang tinawagan upang makibalita. Di naman nagkamali si Richard sa naging
pasya, ilang sandali lang ay nakausap na nito ang drayber niya.
“Hello, Sir?”
“Jonas! Tinawagan ako ni Manang at nag-aalala na ito di pa kayo umuuwi. Asan na kayo?”
“Sir, nasa taas pa po ng condo si Ma’am Marian eh.”
“Anong oras raw ba kayo uuwi?”
“Sir
wala kasing sinabi si Ma’am Marian na oras. Basta ang sabi niya
hintayin ko lang daw siya dito kasi yon daw ang usapan ninyo na di ako
pwedeng umalis.”
“Gabing-gabi
na ah! Alam mo ba kung anong unit sila? Umakyat kana at sabihin sa
kanya na uuwi na kayo kasi nag-aalala na si Manang Fely. Di ako
sinasagot ng sinusubukan kong tawagan kanina.”
“Sige po Sir, Aakyatin ko na lang alam ko naman kung saang unit sila.”
“Good. I’ll call you later to know kung magkasama na kayo.”
“Yes,
Sir.” Pagkatapos mag-usap ng dalawa ay naglakad na si Jonas papuntang
reception desk upang ipaalam sa receptionist ang pag-akyat sa unit ni
Emman kaya tinawagan naman ng receptionist si Emman kung papayagan ba
nilang umakyat ang drayber sa unit nito.
Dumaan
ang ilang minuto ay tinawagan ulit ni Richard si Jonas upang alamin
kung magkasama na ang dalawa ngunit di sinasagot ng lalaki ang tawag
niya kaya nagpasya siyang si Marian na ang tatawagan. Pagkatapos ng
ilang ring ay sa wakas sinagot na rin ang cellphone ni Marian ngunit
hindi ang boses ng babae ang narinig niyang sumagot dito.
“Hello? Sino to?”
“Si-sir? Si Edselyn po to Sir Richard, kaibigan po ako ni Marian.”
“Ah yes, asan si Marian bakit ikaw ang sumagot sa cellphone niya?”
“Kasi
sir..ano po kasi..” tila nag-aalangan ang babae sa isasagot niya kay
Richard kaya nagtataka na si Richard kung ano ang nagyari kay Marian. Di
niya maiwasang kabahan sa malalaman niya.
“What? Tell me. May nangyari bang masama sa kanya?” nag-aalalang tanong ni Richard.
“No,
Sir. Wala namang masamang nangyari sa kanya. Ano lang kasi-sorry po,
lasing na lasing po kasi si Marian, ayaw pang umuwi kahit anong pilit
namin sa kanya. Andito na nga si Kuya Jonas po para sunduin siya pero
ayaw niyang sumama.”
“WHAT?! Pwede ko bang makausap si Jonas?”
“Sige
po, Sir. Sandali lang po.” Ipinasa ni Edselyn kay Jonas ang cellphone
ni Marian kaya ilang saglit lang ay narinig na ni Richard ang boses ng
drayber nito.
“Jonas,
paki-alalayan mo na lang si Marian at umalis na kayo diyan. Now!”
pasigaw na utos ni Richard kay Jonas. Sa mga sandaling iyon, laking
pasalamat ni Jonas at wala ito sa harap ng amo kundi nangangatog na ang
tuhod nito sa takot. Alam kasi nitong pag galit na ang amo,di pwedeng di
niya kaagad gawin ang pinag-uutos nito kundi baka mapa-alis siya sa
trabaho niya. Ganyan ang Richard Lim na kilala ni Jonas.
“Si-sir,
ginagawan ko na po ng paraan pero nagwawala si Ma’am eh. Ayaw pahawak.
Saka may iniuutos po kasi siyang gawin ko muna bago siya pumayag na
sumama sa akin.”
“Gawin mo na para maka-uwi na kayo sa bahay!”
“Eh Sir .. di ako marunong eh.”
“Ng ano? Linawin mo nga Jonas!”
“Si-r
kasi ano…pinapasayaw ako ni Ma’am Marian , di ako marunong sumayaw.”
Naramdaman ni Richard na nahihiya ang lalaki ng sabihin iyon, di tuloy
malaman ni Richard kung ano ang isasagot sa lalaki sa nalaman nitong
kundisyon ni Marian.Gusto sana niyang tumawa pero pinigilan na lang ang
sarili.
What the heck! Ano bang pinaggagawa mong babae ka! Pati si Jonas inaabala mo pa.
“Sir? Paano na po ba?”
“Sumayaw ka na lang diyan..gumiling ka, kahit ano at ng maka-uwi na kayo!”
“Sir naman!” napakamot ng ulo niya si Jonas ng marinig ang utos ng among lalaki sa kanya.
“Kuya..shumma-hik! Shayaw ka na! “ pagpupumilit ni Marian kay Jonas. Hinila-hila nito ang lalaki upang gawin na ang gusto nito.
Di
mapigilan nina Edselyn at ng iba pang mga kasama nito ang di matawa.
Naghagikhikan na lang ang mga ito dahil sa kakulitan ni Marian.
“Ma’am
Marian, tayo na po. Uwi na po tayo at nag-aalala na si Manang Fely sa
inyo. Pati si Sir Richard nagagalit na po. Kaya sige nap o, uwi na
tayo.” Inaalalayan ni Jonas si Marian na tumayo pero dahil sa likot ng
babae ay di niya ito kinaya kaya lagi na lang itong bumabalik sa
pagkaka-upo sa sofa.
“Marian, sige na sumama ka na sa driver ninyo. Halika na.” tinulungan na ng lalaki si Marian na tumayo ng dahan-dahan.
“Maya na…shashayaw pa shii ku-yaa..shayaw na kashee..shegee naa!!” pamimilit ni Marian kay Jonas.
“Kuya,
ako na po ang bahala kay Marian. Bumaba na lang po kayo tapos ihanda mo
na yung kotse para pagbaba namin alis na kayo kaagad.”
“Pero paano si Ma’am Marian, kaya ‘nyo po ba siya?”
“Okay lang po kuya.Kaya ko naman si Marian.”
Pagkatapos
magkasundo sa kanilang gagawin ay bumaba na si Jonas upang ihanda ang
kotse. Pinarada niya ito sa harap mismo ng building para di na mahirapan
si Bart na isakay si Marian.
Samantala,
pinipilit naman nina Bart at mga kasama nito na alalayan si Marian pero
di na kinaya ng babae at nakatulog na ito. Ilang minuto ang nakaraan ay
narinig na naman nila ang cellphone ni Marian, nang icheck ni Mary
Faith nalaman nilang si Richard ulit ang tumatawag kaya nagpapasahan na
kung sino ang sasagot.
“Ako
na.” boluntaryo ni Bart. Kahit nagdadalawang-isip na ipasa sa lalaki
ang cellphone ng kaibigan, wala namang magagawa si Mary Faith at
natatakot na makausap si Richard. Ayaw din ni Edselyn namakusap ulit ito
kaya tuluyan na itong iniabot kay Bart.
“Hello, Mr. Lim? This is Bart, kaibigan ni Marian.”
“Hello.
Di parin ba naka-alis diyan sina Marian at Jonas?” bakas sa tono ng
pananalita ni Richard ang inis habang itinatanong ito sa lalaki.
“Di
pa po Sir. Pinababa ko na po si Kuya Jonas upang ihanda ang kotse. Si
Marian naman po nakatulog po kaya ako na lang po ang magbababa sa
kanya.”
“Wait, nakatulog na si Marian? And how are you going to bring her down, carry her?” Bart could sense panic ni Richard's voice
“Ganun na nga, Sir. Don’t worry kaya ko naman siyang –“
“No! Don’t do that!”
“Sir? Pero wala na pong ibang gagawa since yung iba dito naka-“
“I said no!” sumisigaw na si Richard sa kabilang linya na ikinagulat ni Bart. “ Can I talk to Edselyn?”
“Okay, wait.” Iniabot ni Bart kay Edselyn ang cellphone sa babae. “ Gusto ka raw makausap ni Mr. Lim.”
“Ako?
Bakit daw? Galit ba?” pabulong na tanong ni Edselyn kay Bart,
nagdadalawang-isip pa itong sagutin ang cellphone pero makaraan ang
ilang saglit ay kinuha na rin ito. Nanlalamig ang buong kamay ng babae
habang itinapat ang cellphone ni Marian sa kanyang tenga. “He-hello po,
si Eds p-po to.”
“Edselyn, can I ask you a favor?”
“P-po? Ano pong fa-favor?”
“Can
you be with Marian tonight? Samahan mo muna siya diyan, paki-tanong
naman kay Emman kung okay lang ba. I think it’s better kung huwag munang
umuwi si Marian sa bahay.”
“Sige po sabihin ko po kay Emman.”
Kinausap
ni Edselyn si Emman kung pupwedeng doon na muna magpalipas ng gabi si
Marian sa condo nito. Pumayag naman si Emman kaya binalikan niya si
Richard at sinabing okay na at doon na muna si Marian magpalipas ng gabi
at sasamahan muna nila ito. Naging kampante naman si Richard kaya
pagkatapos nitong makausap ang mga kaibigan ni Marian at pinaki-usapan
na sila na muna ang bahala sa babae ay tinawagan na nito si Jonas upang
pauwiin na binalaan itong huwag magsumbong kay Manang Fely at sabihing
doon na muna umuwi si Marian sa bahay ng Nanay nito.
Arayyy sakit naman ng ulo ko..
Ito
kaagad ang reklamo ni Marian kinabukasan pagkagising niya. Bumangon ito
mula sa pagkakahiga, sapo ang kanyang ulo. Pagdilat ng kanyang mga mata
ay nagulat pa ito ng makita ang di pamilyar na kapaligiran. Nagulat din
siya ng mapansin na iba na ang suot niyang t-shirt. Isang malaking
puting t-shirt at wala pa siyang suot na pang-ibaba. Noong una ay medyo
kinabahan pa si Marian sa kanyang mga natuklasan pero nang maalala na
nito ang nangyari ng nakaraang gabi nawala na ang kanyang kaba ngunit
napalitan naman ito ng hiya.
Di
malaman ni Marian kung ano ang mukhang ihaharap sa mga kaibigan. Di pa
man nito alam ang mga nangyari habang lasing siya, sigurado naman siyang
pinahirapan niya ang mga ito. Ang masama pa nito, alam ni Marian na di
siya makakaligtas sa panunukso ng mga kaibigan.
Oh emm geee!! Bart!
Mas
lalong di mapalagay ang loob ni Marian ng maalala ang lalaki. Malaking
kahihiyan ito para sa kanya na makita siya ng taong kinahuhumalingan
niya na nalasing at nawala sa sarili.
“Good
morning Mrs. Lim! Buti naman nagising ka na!” nakita ni Marian si
Edselyn na sumisilip sa pinto ng kwarto ni Emman. Maya-maya pa ay
tuluyan na itong pumasok bitbit ang damit niya at isang tasa ng kape na
inibaba nito sa bedside table..
“Hel-lo..sorryyyy” nahihiyang sambit hinging paumanhin ni Marian sa kaibigan.
“Okay
lang yon. Yan ang napapala ng mga taong ayaw makinig. Inaawat ka na
pala ni Bart kagabi pero di ka nakinig. Oh ayan, malinis na yang mga
damit mo. Buti na lang may dryer ang washing machine ni Emman kundi
lagot ka!”
“Thank you..nagkalat ba ako kagabi?”
“Ay
hindi naman…sumuka ka lang naman sa damit mo at sa damit ni Bart.
Kawawa yung tao, sinulit mo talaga ang pag-aalaga ng tao sa’yo!”
natatawang kwento ni Eds sa kanya.
“Oh
no!!! Nakakahiya!!” tinatakpan ni Marian ang mukha niya sa sobrang
kahihiyan na inabot sa harap ng manliligaw niya. “Asan na ba siya
ngayon? Pumasok na?”
“Pumasok?
Sa tingin mo papasok yon hangga’t di masigurong okay ka lang sa pag
gising mo? Ayon sa kusina kasama ng iba naghahanda ng pananghalian
natin.”
“Pa-pananghalian?”
nagulat si Marian sa narinig. Di makapaniwala, ang buong akala niya
maaga pa. Di man lang nito naisipang tingnan ang oras kanina pagkagising
niya. Upang masiguro ang oras, tiningnan nito ang alarm clock na nasa
bed side table at nalaman nitong pasada alas-onse na ng umaga. “Oh no!
Late na late na late na tayo!”
“Don’t worry girl, di ka nag-iisa. Lahat tayo di pumasok.” Walang kaabog-abog na sabi ni Edselyn sa kanya.
“ANO??”
“Ang sabi ko, ni-isa sa atin walang pumasok ngayon. Kaya di ka nag-iisa.”
“Patay
ako ngayon! “ habang nakatungo at pinagsisihan ang kanyang nagawang
kasalanan, lalo pang na-guilty si Marian ng maalala si Richard. “
Waaahhhhh!!! Paano ako magpapaliwanag kay Richard nitooo??”
“Mag-isip
ka girl, kasi just to inform you. Tumawag pala kanina si Mr. Lim.
Kakalapag lang ng eroplanong sinasakyan niya at diretso na siya dito
para sunduin ka.”
“WHAT?!”
“Maglinis ka kaya ng tenga mo girl, what ka ng what diyan eh! Bihis ka na at padating na si Mahal na hari!"
Thank Ms Writer (nylcoen) for the updates......i will be waiting for the next chapters......
ReplyDeletethanks for the twist, memorized ko ata yung orig sa kakareview =) nad i keep on using their orig names, ayoko kc nabinyagan sila hahaha
ReplyDeleteexcited na for the next updates! > Rax
ReplyDeleteAyun naka-comment ka din :D
DeleteHello lhay!
ReplyDeleteHope you like the twist kasi madami pang darating..and by the way, huwag ka mag-alala madami ding nakakarelate sa ginagawa mo :D
ha ha ha ako din yung orig names iniisip ko pag binabasa ko itong version 2.0!
Deleteikr! sabi nga ng mga bagets... ok lang ang twists, basta orig names pa rin ako! ang kulit ko talaga, a certified member na ng sangkaadikan! :D hoping ang waiting for the updates ;)
Delete