Wednesday, August 20, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 12 )

     Nasa loob ng hotel room ni Cheska si Richard ng gabing iyon. Kung di lang siya nangako sa babae, mas pipiliin sana niyang nasa sariling kwarto siya at nagpapahinga na pero ayaw niyang sumama ang loob ng nobya niya sa kanya. Naiintindihan naman niyang gusto lang ng babae na magkaroon silang dalawa ng oras sa isa’t-isa kaya pinagbigyan na lang ni Richard si Cheska.

Sa bawat haplos at halik ni Cheska sa kanya, batid ng lalaki kung ano ang gusto nitong mangyari pero sa mga sandling iyon, wala sa mood si Richard upang tugunan ang gusto ni Cheska. Isang oras ang lumipas, nagdesisyon na si Richard na magpaalam na at bumalik na ng sariling kwarto niya. Nagdahilan itong may email siyang kailangang basahin para lang makaiwas na siya sa temptasyong kanina pa sinisimulang gawin ni Cheska sa pamamagitan ng paghaplos-haplos sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan at paghalik-halik kay Richard. Bagay na pinipilit na nilalabanan ng lalaki.

“Honey, you can check you email using my laptop.”

“No..I also need to read some files which is in my room”

“You can just get it there then read it here. Please, samahan mo na lang ako dito..please..” pamimilit ni Cheska sa kanya upang huwag lang umalis at magpalipas na ng gabi sa kwarto ng babae.

“No..I can’t..maybe some other time? I really need to go..” Dismayed over Richard’s lack of interest. She gave-up and let him go.


Umalis si Richard ng kwarto ni Cheska kahit alam nitong nagtatampo ang babae sa kanya baon ang paniniwalang kinabukasan ay magiging okay rin ang lahat sa kanilang dalawa.



     Kinabukasan, araw ng culinary competition nina Marian sa school. Taliwas sa nakasanayang schedule, maagang pumasok si Marian kagaya ng napagkasunduan niya at ng kanyang mga ka-grupo upang makapaghanda sila ng maaga. Excited ang lahat ng HRM students para sa gaganaping aktibidad ng araw na iyon lalo pa at nakasalalay dito ang magiging buhay nila sa susunod na semestre.

Di kalaunan ay isa-isa ng nagsidatingan ang mga panauhin nila. Sina Marian naman at ang ibang mga kasama ay matiyagang naghihintay sa kanilang working station kung kalian pormal na buksan programa nila. At dahil doon ginanap sa university gym ang paligsahan, maraming estudyante rin ang nanonood sa paligid, kabilang na doon si Bart.

Bago tuluyang pumwesto sina Marian sa kanilang station, nagkaroon ng pagkakataong magkausap ang dalawa. Buo ang suporta ng manliligaw ni Marian sa kanya. Sa katunayan nga ay nagdala pa ito ng isang malaking bouquet ng bulaklak sabay ang pangakong hanggang sa matapos ang programa, mananatili ito doon upang i-cheer siya. Nagpresinta na rin si Bart na ito na rin muna ang hahawak sa kanyang bag at bouquet upang di na ito magkakandarapang magpunta ng locker room.

Habang hawak na nito ang gamit ni Marian, tyempo namang tumunog ang cellphone ni Marian sa loob ng bag nito. Noong una ay pinabayaan niya lang ito ngunit ng mapansin di parin ito tumitigil sa pagri-ring, sumenyas na lang si Bart kay Marian na tyempo naman tumingin din sa kanya upang ipaalam na may tumatawag sa cellphone nito. Sumenyas din si Marian sa kanya na alamin kung sino ang tumatawag, ng kunin nito sa loob ng bag ang cellphone, nalaman ni Bart na si Richard ang tumatawag.

“Richard” mahinang sambit ni Bart pero siniguro nitong mababasa ng babae ang kanyang bibig. Sumenyas ito uli sa kanya na sagutin nito ang tawag. Noong una ay nag-aalangan itong gawin pero ng di parin tumitigil sa pagtawag ang lalaki ay napilitan din itong sagutin ang cellphone.

“Hello po.”

“He-hello? Who is this? Asan si Marian“ batid ni Bart ang pagkabigla ng marinig ang boses niya kaya biglang napalakas din ang kabog ng dibdib ni Bart ng mga sandaling iyon.

“Hello, this is Bart. Nasa kalagitnaan ng cook-off po kasi si Marian, naki-usap lang po siyang sagutin ko po muna ang phone niya.”

“I see. Please tell her to contact me pagmay-oras siya mamaya. Please tell her I will be waiting.”

“Okay po. “ Pormal na pormal pakinggan ang boses ni Richard sa kabilang linya kaya di halos makapagsalita pa si Bart. Habang nakikinig kay Richard, pakiramdam ni Bart nakikipag-usap ito sa isang prominenteng tao sa lipunan.

“Thank you.” Maikling tugon ni Richard pagkatapos ay naputol na ang tawag. Ibinalik na ni Bart sa bag ni Marian ang cellphone nito saka muling pinagtuunan ng pansina ng nagaganap sa paligid.

Masaya si Bart habang pinapanood si Marian. Seryoso ito sa ginagawa kasama ang mga kagrupo. Ito ang kauna-unahang nakita niya ang babae sa ganoong anyo. Mas madalas kasi niya ito nakikitang nakabungisngis, nakikipagkulitan, at nakikpagdaldalan sa kanyang mga kabarkada. Nakakapanibagong makita ang ganitong side ni Marian para kay Bart pero masaya siya at may bago ulit siyang natuklasan sa babaeng hinahangaan niya. Competitive, focus, and serious kapag may gustong gawin.

Inabot na ng pananghalian ang event, habang pinagdedesisyonan ng mga judges kung sino ang tatanghaling mananalo ay binigyan ng pagkakataong mag-break ng sandali sina Marian. Nagmadaling lumapit si Marian kay Bart.

“You need anything? Tell me I will get it for you para makapagpahinga ka na lang dito.” Nag-aalalang tanong ni Bart sa kanya.

“No, no, no..I’m fine Bart, thank you. Upo lang ako sandali. “

“ Kumusta naman, wala pang news?”

“Wala pa..sana nga maganda naman yung rating namin noh.”

“Let’s keep our fingers cross Marian. But looking at your presentation and yung mga reactions ng mga judges everytime umaalis sila sa station ninyo seems positive naman so don’t worry too much, okay?”

“Thank you Bart. Pinapagaan mo ang loob ko. Grabe sobrang kinakabahan talaga kami.”

Tinapik-tapik ni Bart ang balikat ni Marian upang ipadama sa babae na magiging maayos din ang lahat. Suddenly naalala ni Bart ang tungkol sa tawag ni Richard sa babae kaya ipinaalam ito kaagad kay Marian. Kinuha ng babae ang cellphone niya sa bag at nagmadaling tinawagan si Richard. Makaraan ang ilang sandali ay narinig na nito ang pagsagot ng lalaki sa kabilang linya.

“Marian!”

“Yes, Chard. Sorry kanina, nagsimula na kasi yung program kaya di na kita nasagot.”

“That’s okay. Inexplain na sa akin ng boyfriend mo.”

“Charrdd!”

“What?” Sumenyas si Marian kay Bart na kinailangan niyang lumayo muna pagkatapos ay naglakad na palayo kay Bart upang di marinig ng lalaki ang usapan nila ni Richard.

“I told you di ko siya boyfriend.”

“Fine..nahiya ka pa, may access na nga sa gamit mo yung tao todo deny pa.”

“Kasi nga..ah basta! Kahit naman mag-explain ako di mo parin ako paniniwalaan eh.” Sandaling nanahimik sa kabilang linya si Richard kaya muli nitong tinawaga ng pangalan ng lalaki upang masigurong nakikinig pa ito sa kanya.

“Yes, I’m still here. How’s your activity doing?”

“Wala pang result, mamaya pa. Break pa namin kaya nakatawag ako sa’yo.”

“ Okay, call me as soon as may result na.”

“Okay, I will. Kumusta naman ang lakad mo?”

“Everything is perfect. I’m getting more excited on the opening.”

“That’s good. “ pansin ni Marian ang kakaibang saya sa boses ng lalaki habang pinag-uusapan nila ang hotel. Marami pa sana siyang gustong itanong pero nakita ni Marian ang pagkaway ni Edselyn sa kanya kaya nagpaalam na ito sa lalaki. “Chard, I’ll call you later. Pinapabalik na kami sa station namin.”

“Okay, good luck! Don’t forget to call me later. Bye!”

“Thank you, Chard. Bye!”

Nagmadali si Marian na lumapit kay Bart upang ibigay ang kanyang cellphone dito pagkatapos ay nagpaalam na rin sa lalaki. Tinapik siya ni Bart ng mahina sa balikat niya upang iparamdam ang suporta ng lalaki sa kanya. Ngumiti naman si Marian bilang ganti sa ginawa ng lalaki sa kanya.

Naging matagumpay ang ginawang activity nina Marian. Nagustuhan ng mga judges ang ginawa nilang tufo strudel kaya sila ang nagwagi sa kategoryang vegetarian recipe. Masaya sina Marian sa resulta dahil noong una ay nag-aalangan pa silang lutuin ang recipe sa takot na di magustuhan ng mga judges ngunit sa huli ay pinuri pa sila sa kanilang ginawa. Lubos din ang pasasalamat nila at may ilang judges na galing sa mga five star hotels at kilalang resort din ang nag-imbita sa kanilang grupo para sa OJT nila sa susunod na semestre. Kabilang din sa mga naghayag ng kagustuhang kunin sila bilang trainees ay ang pinadalang representative ni Richard na si Ms. Patricia .

Pagkatapos nang pagkatapos ng kumpetisyon ay nilapitan kaagad ni Bart sina Marian na hanggang sa mga panahong iyon ay nagyayakapan at naghihiyawan pa. Mangiyak-ngiyak pa sina Edselyn at Marian habang panay naman ang hagod sa kanilang mga likod ang mga kagrupong sina Daniel at Joshua.

“Congrats , guys! Congrats Marian!” niyakap saglit ni Bart ang babae matapos nitong batiin. Natatawa naman si Marian sa sarili dahil para itong siraulo na lumuluha habang tumatawa. Di malaman sa sarili kong ano ba talaga ang gustong gawin, ang umiyak dahil sa sobrang tuwa, o ang tumawa dahil naiisip niyang baka mukhang na siyang dugyot at nahihiya siyang makita siya ni Bart na ganoon ang ayos.

“Yes! May konting liwanag ng magandang hinaharap na akong nakikita. Haha! This calls for a celebration. Right guys?!” sigaw ni Joshua na di parin maalis ang ngiti sa kanyang mga labi.

“Yeah! Party-party!!” sang-ayon naman ni Daniel, pati si Edselyn ay sumang-ayon na rin sa sinabi nito at sinabayan pa ng pagtaas-baba ng dalawang kamay ng babae habang sinasambit ang mga salitang iyon.

“Oh ano guys, palamig tayo sa dating tagpuan? Medyo matagal-tagal na din tayong di nagagawi doon. Sama ka na rin Bart, oh ano..go?!” tanong ni Joshua sa mga kasama.

Ang tinutukoy nitong tagpuan ay ang bar na pinupuntahan nilang magbabarkada, ang The Cove. Ito ang karaniwang tambayan nila noon pag weekends or kung may selebrasyon ang barkada tulad ng birthdays or after-exam treat nila. Naging matumal ang pagpunta nila sa naturang bar ng mag 4th year na silang lahat. Naging busy na kasi sa pag-aaral ang lahat. At kung maisip man nilang 'magpalamig' ay lagi mas pinipili na nila ang condo ni Emman para may privacy sila.

Na-excite si Marian sa naging suhestiyon ni Joshua lalo pa at matagal-tagal na rin siyang di nakaksama sa mga kaibigan niya, pero ng maisip nito si Richard ay napahinto din siya sandali. “Wait .. may tatawagan lang ako.”

“Si-?” naputol ang tangkang pagtatanong ni Joshua nang kaagad itong siniko ni Edselyn at pinandilatan ng mga mata upang di na ipagpatuloy ang itatanong pa. Naunawaan naman siya ng lalaki kaya napakagat-labi na lang ito. Si Bart naman ay naintindihan din ang ginawa ni Edselyn kaya ipinagkibit-balikat na lang ito.

Humiwalay muna si Marian sa mga kaibigan upang di marinig ang pakikipag-usap nito sa lalaki. Bago pinindot ang kanyang cellphone upang tawagan si Richard ay isang malalim na buntong-hininga ang ginawa niya, nag-aalangan kasi itong ipaalam sa lalaki ang plano niyang paglabas kasama ang mga kaibigan at baka di siya payagan nito. Ilang sandali ang makalipas ay narinig na ni Marian ang pagring ng cellphone ni Richard kasunod ay ang pagsagot ng lalaki sa tawag niya.

“Hello, Chard?! Guess what! Nanalo kami sa-“

“Vegetarian recipe..alam ko na.. tinawagan ko si Patricia kasi ang tagal mong tumawag. “

“ Nemen eiii! Di ka talaga makahintay at inunahan mo pa ako.”

“Marian, you know how much I hate waiting di ba? Ang tagal mong tumawag, kanina pa ako naghihintay na malaman kung ano yung resulta. By the way, pakisabi na lang sa mga kasama mo congrats!”

“Congrats daw guys!” sigaw ni Marian sa mga kasama niya, pinarinig ni Marian kay Richard ang pasasalamat ng mga kasamahan niya sa pagbati nito sa kanya. “Oh ayan, narinig mo na ang sagot nila..thank you daw at may kasama pang hiyawan.” Natatawang saad ni Marian kay Richard.

“Haha! Ang saya ng lahat ah!” natatawang sagot naman ni Richard sa kanya, nakikisimpatiya rin ito sa kagalakan nina Marian. “ So may selebrasyon bang magaganap ngayon?”

Bingo! Ang saya ni Marian ng sa bibig na mismo ni Richard nanggaling ito. Pakiramdam ni Marian malaki ang tyansa niyang payagan siya ni Richard sa ipagpapaalam nito.

“Yun na nga Chard eh..magpapaalam sana ako. Kung pwedeng sumama?”

“Bakit, saan ba gagawin ang selebrasyon at nagpapaalam ka pa? Sa labas ba?”

“Oo sana .”

“Saan at sinu-sino ba yung mga kasama ninyo? Kayo ba lahat ng kaklase ninyo?”

“Hindi, kami lang magbabarkada. “

“Sino nga?”

“Si Eds, Joshua, Daniel, Ako, isasama din namin yung iba kahit di namin kagrupo sa activity today. Sina Mary Faith, Winston, Emman, at si --Bart.”

“I see..saan naman ang balak ninyo?”

“Sa The Cove.”

“The Cove?! Di ba bar yon?” naramdaman ni Marian na tila nagulat si Richard nang marinig ang pangalan ng lugar na pupuntahan nila. Kung kanina ay malakas ang pakiramdam niyang papayagan siya, ngayon ay hindi na. “ No way Marian. Di ka pwedeng sumama!” Madiin ang pagkakasabi ng lalaki na tila may babala pa.

No comments:

Post a Comment