“Surprise!! Miss me?” nakangiting tanong ni Cheska kay Richard.
“What
are you doing here?!” pilit inaalis ni Richard ang kamay ng babae na
naka-kawit na sa kanyang braso.
“You are not suppose to be here!”
naiiritang sambit ni Richard at sa sandaling iyon ay namumula na sa hiya
lalo pa at pinagtitinginan na sila ng mga taong naroon sa lobby.
“Lea, mauna ka na sa taas. May pag-uusapan lang kaming dalawa ni Ms. Mendoza.”
“Uhmm sige, Sir. Mauna na po ako, excuse me po.”
Bago
tuluyang tumalikod ay di maiwasang tingnan ng masama ni Lea si Cheska.
Sa loob ng limang taong paninilbihan nito kay Richard, ito pa lang ang
ikalawang beses na nakita niya si Richard na may kasamang babae, ang
masama pa ay dalawang magkaibang babae pa sa loob ng dalawang araw.
Kahit alam niyang maraming babae ang nagkakandarapa sa amo niya, ni
minsan wala siyang nakitang babaeng pinatulan o nilalanding babae ang
amo niya, kaya di maiwasang magulantang siya sa senaryong natunghayan.
Dahil sa magkasunod na pangyayari nitong mga nakaraang araw ay
napag-isipan niya tuloy ng masama ang boss niya.
“Hey..
are you mad?” ito kaagad ang tanong ni Cheska nang makapasok na silang
dalawa ni Richard sa kwarto ng lalaki. Ayaw sana ni Richard na dalhin si
Cheska sa kwarto niya pero nag-aalangan siyang may makakita sa kanilang
nag-uusap sa labas. Kahit nasa Cebu sila, may kakilala parin si Richard
na iilang prominenteng tao sa lugar at natatakot siyang makarating ito
sa lolo niya.
“ Cheska, why are you here? Alam mo naman that were not supposed to be seen together remember?”
“Yeah I know! And I’m sorry. I just wanna be with you.”
“Cheska..
di ako pumunta dito para mabakasyon o kung ano pa mang iniisip mo. I’m
here because of work! Kaya kung inaakala mong mapipilit mo akong –“
“Wait..bago
ka tuluyang magalit hear me out first, okay? “ tinakpan ni Cheska ang
bibig ni Richard upang pigilan itong magsalita pa. Tumabi siya sa lalaki
na nakaupo na sa couch sa mga sandaling iyon. “Okay, I admit, naisip ko
din yan. Alam ko naman kasing di mo ako matitiis, sooner or later
bibigay ka din sa gusto ko at magkakaroon din tayo ng time together
habang andito tayo sa Cebu and I really want that to happen. But to be
able to do that, alam kong kailangan mo ding matapos ang trabaho mo dito
and..”
“And?”
“And..
ako din kailangan ko ding gawin yung mga dapat kong gawin dito para may
free time tayo before ka bumalik ng Manila.” Nakangiting saad ni
Cheska. Si Richard naman ay nakatitig lang sa kanya na bakas ang
pagtataka sa mukha ng lalaki.
“And what do you mean by that? Ano yung gagawin mo dito?”
“Work!”
“Work? Anong work?”
“Remember what I told you before? Yung reason na napauwi ako dito sa Philippines? “
“Yung
tungkol sa project ninyo?” Nakita ni Richard ang pagtango ni Cheska
bilang sagot sa kanyang tanong. Nang di parin nagbago ang eksperesyon sa
mukha ng lalaki ay saka na nagpaliwanag ng maayos si Cheska sa kanya.
“Our
company was chosen to do the interior design of your hotel, at ako yung
pinadala ng head office para masigurong maayos ang trabaho ng mga
tauhan namin.“
“You
should have told me then and not just surprise me like this. I’m so
clueless!” Richard is still upset with her and the whole setup.
“Hey!
I said I’m sorry. And beside if you just visited me the other night, I
could have told you about this too. Oh! About your trip by the way..you
lied to me!”
“What about?”
“You
said you will be here ALONE. And now andito pala yung sekretarya mo,
kung makatingin pa sa akin parang ngayon lang nakakita ng taong lumapit
sa'yo ang bruha! Nakita ko yung mukha niya matapos kitang halikan,
parang diring-diri naman si ate sa akin. Tell me ganun ba siya
ka-conservative or wala lang talagang experience?”
“And
that is just understandable, ngayon lang niya ako nakitang may humalik
sa akin na babae sa maraming tao. Even beso-beso di ko yan ginagawa sa
mga kakilala namin sa business circle.”
“Oh
really? Cool! But then the way I see it kasi parang nainis siya kasi
nadistorbo ko kayo? ” Cheska blurted, hinting something kaya di ito
nagustuhan ni Richard.
“Stop
it Ches! Look, if you are here to work, then be it. Just..just keep
your distance..okay? I hope you understand.” Tumaas na ang boses ng
lalaki ng maramdaman nitong tila pinag-isipan pa ng masama ni Cheska ang
sekretarya niya. Di mapanatag ang loob ni Richard sa pagtatagpo nilang
iyon sa Cebu lalo pa at nakita sila ni Lea. Natatakot si Richard na baka
makarating ito sa lolo niya.
“Wait,
wait.. did I heard it right? You called me Ches? Ganun ka talaga
ka-galit sa akin Richard at pinagtataasan mo talaga ako ng boses?"
Di
makapaniwala si Cheska sa inasta ni Richard. Unang beses siyang tinawag
ni Richard sa ganoong pangalan. Kahit noong unang beses silang magkita
pagkatapos ng mahabang panahon, di ito ang naging reaksyon ni Richard sa
kanya. Puno parin ng lambing ang boses ng lalaki ng sambitin ang
pangalan niya pero ngayon, tila di parin tuluyang naalis ang inis nito
sa kanya kahit nagpaliwanag na siya. At ramdam na ramdam niya ang inis
na iyon ng tawagin siya nito sa pangalan niya.
“I’m
sorry, hon. It’s just that..ikaw naman kasi di mo ako ininform, ayan
tuloy.” Richard tried to sound apologetic this time. Hinawakan nito ang
kamay ng nobya at hinaplos-haplos saka hinalikan upang humingi ng tawad.
Inaamin naman niya sa sarili ng nagkamali siya ng pagtaasan niya ito ng
boses.
“Okay
fine, apology accepted, how about me? Pinapatawad mo narin ba ako? “
puno ng paglalambing ang boses ni Cheska na inihilig pa ang kanyang ulo
sa bandang dibdib ng lalaki.
“Fine..fine..you
are forgiven also. But first, let’s make this clear. Di tayo dapat
makita ng mga taong magkasama okay? If may pagkakataon na kinailangan
natin mag-usap, make sure it’s about work. Mahirap na baka makarating pa
ito kay lolo, malalagot tayong pareho.” Bilin ni Richard sa nobya upang
maliwanagan ito kung gaano ka sensitibo ang kanilang sitwasyon sa mga
panahong iyon.
“I
promise!” Masayang sagot ni Cheska kay Richard as she raised her right
hand then sealed her promise to him with a gentle kiss in the lips. “I
love you hon.”
“I love you too.” Sagot naman ni Richard sa babae.
“Hon, may gagawin ka ba later?”
“ummm wala naman, why?”
“ How about if you stay on my room for the night? Please?”
Richard
wanted to refuse as he has alot of things in mind but when he saw her
pleading eyes, he found himself nodding slowly. Cheska’s face lit up
with happiness.
Walang
ibang ginawa si Marian buong maghapon kundi ang magbasa ng libro at
manood ng tv. Nang din a nagustuhan ang kanyang napapanood sa t.v saka
pa nito nakaramdam ng pagkabagot. It was then that she realized that she
will be sleeping alone in their room for the next two days and so she
suddenly feels lonely and empty.
I
wonder kung ano yung ginagawa niya tonight. Since tumawag siya kaninang
umaga, di na siya tumawag ulit. Nakakamiss din pala ang chinitong yon? Marian thought.
Naisip
ni Marian na aliwin na lang ang sarili at ng marinig ang ingay ng
tawanan ng mga kasambahay sa baba, nagmadali ng lumabas ng kwarto si
Marian upang makisali sa kanila. Pero nang makita ng mga ito na parating
na siya, biglang tumahimik ang mga ito sa takot na mapagalitan sila.
“Hello po, Manang Fely..Dorina..Mabel..Kuya Jonas!”
Masayang
bati ni Marian sa mga kasambahay upang di ito mailang sa kanya. Ito ang
unang pagkakataon na makikipag-usap siya sa kanila na wala si Richard
kaya sinikap niya na kahit papaano ay maging friendly sa mga ito.
“Marian, may kailangan ka ba?” Tanong ni Fely sa kanya, napansin naman ni Marian na nagsimula ng magsialisan ang iba.
“Wala na po…Teka..teka..saan kayo pupunta? Dumating lang ako nagsi-alisan na kayo..”
“Eh, kasi po ano..may gagawin pa po ako dun sa likod..maglalaba pa po ako.” Sagot ni Dorina sa kanya na halatang kinakabahan pa.
“Gabi na po ate Dorina..bukas ka na po maglaba.”
“Oo
nga naman Dorina, bukas na..” Sang-ayon naman ni Mabel sa sinabi ni
Marian, pero nakatago ito sa may likod ni Dorina at natatakot ding
humarap kay Marian. Palibhasa medyo maypagka malaki ang pangagatawan ni
Dorina kesa sa kanya kaya ginawa nitong panangga ang katawan ng babae.
“Ano
ba kayo..di po ako nangangagat kaya huwag kayo mag-alala. Gusto ko lang
po makipag-kwentuhan sa inyo at kanina pa ako iniiipppp na iniiipp sa
taas.” Natatawang sambit ni Marian ng mapansing tila nag-aalangan parin
ang mga ito na kausapin siya.
“Ayun naman pala eh!” Magkasabay na sambit nina Dorina and Mabel, pagkatapos ay bumalik na sa pagkakaupo sa tabi ni Fely.
“Upo
ka na po Ma’am Marian.” Anyaya ni Jonas sa amo niya, ibinigay nito ang
kanyang upuan kay Marian at lumipat ito ng pagkakaupo sa tabi ni Mabel.
Sa pagkakataong iyon, naka-upo silang apat sa iisang bahagi ng mesa
habang si Marian naman ay nasa kabilang bahagi nito. Lahat sila
nakatingin kay Marian.
“Bakit feeling ko may interrogation na mangyayari sa akin ngayon gabi?” biro ni Marian sa mga kasambahay.
“Gusto
‘nyo po patayin natin ang ibang ilaw at itira tong nasa gitna para mas
feel na feel ‘nyo po?” ganting biro naman ni Mabel kay Marian.
“Mabel! Ang bibig mo!” saway ni Fely sa babae.
“Ay sorry po Manang..Ma’am Marian sorry po. Joke lang, peace!” itinaas pa ni Mabel ang kamay at pinakita ang peace sign.
“Okay lang Mabel.” Di mapigilan ni Marian ang sarili na huwag humagikhik sa sinabi ng katulong.
Di
nagkamali si Marian sa desisyon niyang makipag-kwentuhan sa mga
kasambahay. Aliw na aliw siya sa mga nakakatawang kwento nina Dorina at
Mabel lalo na kapag nagsimula nang mag-asaran ang dalawa na nagpatawa sa
kanya ng malakas na umabot pa sa puntong sumasakit na ang tiyan at
panga niya sa kakatawa.
Nagpatuloy
pa ng ilang oras ang kanilang kwentuhan hanggang sa di kalaunan ay
nagpaalam na sina Dorina, Mabel at Jonas para magpahinga na. Magkasabay
na pumasok sina Dorina at Mabel sa kanilang kwarto sa servant’s quarter
habang si Jonas naman ay pumasok na sa sinosolong kwarto niya naman.
Tanging sina Marian at Fely na lang ang natira na magkaharap sa may
kusina. It’s time for some serious talk, Marian can sense it.
“Marian alam mo naman siguro na matagal na akong naninilbihan kina Ricardo hindi ba?”
“Opo
Manang..sabi nga ni Richard kung wala daw ang lolo at lola niya, ikaw
daw ang nag-aalaga sa kanya simula noong bata pa siya.”
“Tama..kabisado
ko rin ang ugali niyan. At alam ko na mula ng dumating ka dito,
unti-unting bumalik ang dating Richard na nakilala ko noon.”
“Ano pong ibig sabihin nyo po Manang?”
“Naranasan mo naman siguro ang pagsusungit niya mula nung una kayong nagsama di ba?”
“Opo..hanggang
ngayon naman din po, masungit pa rin naman siya sa akin.” Walang
kaabog-abog na sagot ni Marian sa matanda na nagpatawa nito sandali.
“Pero
sa nakikita ko,unti-unti ng nawawala yon..at di na niya gaanog
sinusubsob ang sarili sa trabaho..yung pagsusuplado niya? Nag-aalala
lang yon sa’yo ..di lang talaga marunong mag express kung ano ang tunay
niyang nararamdaman. O baka ayaw lang niya ipaalam sa’yo.”
“Palagay
nyo po Manang?” tanong ni Marian sa matanda kahit di malaman kung
paniniwalaan ang sinabi nito sa kanya. Sa loob-loob ni Marian, may
konting pag-aasam din siyang naramdaman na sana nga totoo yung sinabi ng
matanda na kahit nagsusuplado si Richard sa kanya ay nag-aalala parin
ito sa kalagayan niya.
“Hayaan
mo na lang yon pag sinusungitan ka minsan. Dahil narin kasi matagal na
panahon ding sila na lang ng lolo niya ang magkasama, parehong mga
lalake eh kaya pagdating sa’yo masyadong overprotective .”
“Manang,
ano po ba ang nangyari sa parents ni Richard? Sorry po kung sa’yo ko na
itatanong kasi parang ayaw po pag-usapan nina lolo at ni Richard.”
“Namatay
sa aksidente, galing sa isang business trip ang mag-asawa. Siguro nasa
pitong taong gulang pa si Ricardo nun, nang mangyari ang aksidente.
Simula noon sina Don Roberto at si Doña Esmeralda na ang nag-alaga sa
kanya. Buti na lang at full-time na maybahay lang ang lola ni Richard
kaya kailanman di siya nangulila sa mga magulang niya. Pero nung namatay
ang lola niya 20 years na ang nakalipas talagang nalungkot siya. Nung
nagka girlfriend siya, saka ko na siya ulit nakitang masaya..”
“Si Cheska po?”
“Oo..yon
lang naman ang naging girlfriend niya eh, magpapakasal na nga sana yung
dalawa kung di lang pumunta ang babae sa America..di ko na alam kung
ano pa ang nangyari basta naging masungit na si Ricardo. Lagi na lang
siya napagsasabihan ng lolo niya kasi madaming nagrereklamo sa ugali
niya.”
“Naikwento nga yan ni lolo sa akin.. kawawa naman pala si Richard.”
Di
maialis kay Marian na maawa sa kalagayan ni Richard. Sa isip niya,
totoo nga ang nasabi ng lolo ni Richard sa kanya. Ang kailangan ng
lalaki ay isang taong magpapadama sa kanya na minamahal siya nito at
yung taong di siya iiwanan. Ngunit ng maalala nito ang sinabi ng matanda
na naniniwala siyang si Marian ang taong yon, isang malalim na buntong
hininga na lang ang pinakawalan ni Marian.
Kung
alam lang ninyo, kaya masaya at unti-unti ng nagbago si Richard ngayon
ay dahil bumalik na si Cheska. Ang kaisa-isang babaeng nagpapasaya sa
puso niya at hindi ako. Hindi ako.
No comments:
Post a Comment