Wednesday, September 3, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 17 )



     Pagkatapos ng kanyang klase niya ng araw na iyon, napagdesisyonan ni Marian na magliwaliw. Naisip kasi niya na kung uuwi naman siya ng bahay ay sigurado naman siyang di ulit niya madadatnan si Richard doon at wala din siyang ibang gagawin kundi magmumukmok, mas minabuti na niyang libangin ang sarili kahit sandali lang.  
 
Niyaya nito ang mga kaibigan ngunit may mga pupuntahan pa raw ang mga ito  pero nangako naman na sasamahan siyang manood ng sine at susunod na lang sila sa kanya. Si Bart naman ay may practice at 6:30 ang labas kaya napagkasunduan na lang ng lahat na magkikita na lang bandang alas siyete ng gabi sa isang restaurant at sabay na maghahapunan bago manood. 

Habang wala pa ang mga kasama, naisip ni Marian na maglibot-libot muna at tumingin-tingin sa iilang boutique malapit sa napagkasunduan tagpuan ng mga kaibigan. Nalibang si Marian sa pagsusukat ng iilang damit kaya di napigilan ang sarili at nakabili ng iilang piraso. Kasalukuyang naglalakad na si Marian papunta sa restaurant ng nahagip ng kanyang mga mata ang isang mannequin na nakasuot ng isang formal suit sa may window display ng isang shop. Naalala bigla ni Marian si Richard. Napatigil siya sa labas ng shop at nag-isip kung itutuloy ba ang naisip niyang bilhan si Richard ng magagamit niya sa napipintong meeting niya sa susunod na linggo. Di na napigilan ni Marian ang sarili, pumasok na ito ng tuluyan sa shop at tumingin-tingin na rin sa loob. Ilang minuto ang makalipas, bitbit na ni Marian palabas ng shop ang isang paper bag na may lamang shirt at neck tie. Napapangiti si Marian habang naiisip kung ano ang magiging itsura ni Richard kapag suot na ang binili niya.


Pagkaraan ng ilang minuto matapos makahanap ng mauupuan sa loob ng restaurant ay isa-isa namang nagsidatingan ang mga kaibigan ni Marian. Huling dumating si Bart sa kanilang lahat, humingi ito ng paumanhin at umuwi pa raw muna ito sa kanila upang makapag-freshen up dahil sa sobrang pawis nito pagkatapos ng praktis. Napuno pa ng tuksohan ang mesa nila ng  pagdating ni Bart nangibabaw talaga ang amoy ng gamit nitong body spray. Dahil dito, kahit moreno, kapansin-pansin ang pamumula ng mukha ni Bart dahil sa katutukso nina Emman sa kanya. Pasimple napangiti si Marian sa binata, alam naman kasi nitong nagpapa-impress lang yung lalaki sa kanya.

Umorder na silang lahat ilang sandali ang nakalipas ng pagdating ni Bart. Nang dumating naman yung mga pagkain nila ay di na nag-aksaya pa ng oras at sinimulan kaagad kainin ang kanya-kanyang order, nagmamadali sila para makahabol sa kanilang panonooring pelikula. 

Matapos makakain ay nagpaalam sandali si Marian at  tinungo ang ladies room bitbit ang kanyang bag upang mag-ayos ng sarili habang hinihintay ang iba pa nilang mga kasamahan na kasalukuyan pa ding kumakain. 
Sa loob ng ladies room , kasalukuyang nag-aayos ng kanyang sarili si Marian sa harap ng salamin ng may pumasok na isang babae, nagtuloy ito sa isang cubicle na nasa bandang likuran niya. Maya-maya ay narinig na ni Marian ang pag-flush ng tubig saka lumabas ang babae. Pagkalabas nito ay nakita ni Marian ang pag-ngiti ng babae sa kanya kaya sinuklian din naman niya ito. Naglakad na patungo sa pinto yung babae ngunit nagulat si Marian ng makita itong hindi ito lumabas ng pinto, bagkos ay ni-lock lang ang doorknob saka lumapit sa kanya. Noong una, hindi na sana ito papansinin ni Marian ngunit ng makita nitong may inilabas na patalim ang babae lubos na ikinabigla ito ni Marian kaya napa-atras ito hanggang sa maramdaman na niyang tumama na ang likod niya sa malamig na dingding. Napuno ng takot si Marian ng lumapit pa ito sa kanya at idiniin ang patalim sa kanyang leeg.

“A-ate..hu-huwag po…maawa po ka-yo.” Utal-utal na pakiusap ni Marian sa babae. “A-te..” Kinilabutan si Marian. Nanlalamig ang kanyang mga kamay at paa. Pakiramdam ni Marian ay nanlalambot na rin unti-unti ang kanyang tuhod at baka bumigay na siya ilang anomang oras.

“Shhh..huwag kang maingay!” bulong naman nito sa kanya pagkatapos ay idiniin pa lalo ang patalim sa kanyang leeg. 

“Please po..” nag-uunahan na sa pagpatak ang mga luha ni Marian. Pabulong na di siyang nakikusap sa takot na mas lalong madidiin ang patalim sa kanyang leeg. Nararamdaman na ni Marian ang konting hapdi nang magsimula na siyang pagpawisan sa sobrang takot.

“Shh..akin na ang mga gamit mo.” Utos ng babae sa kanya. Kaya di na nagdalawang-isip pa si Marian at iniabot na sa kanya ang bag niya. “Madali ka naman palang kausap eh. Ngayon, huwag na huwag kang susunod sa akin sa labas. Antayin mo muna ang kinse minutos bago ka lumabas. Sa oras na mag-iingay ka, yung mga kasamahan ko na nasa labas lang ang bahala sa’yo.”

“O-opo” Napahawak si Marian sa kanyang leeg habang ang babae  naman ay nagmadaling lumabas na ng ladies room.

Napahagulhol na lang si Marian sa sobrang takot sa nangyari sa kanya. Natatakot din siyang  humingi ng tulong sa labas dahil sa banta ng babae sa kanya kaya nanatili na lang siya sa loob at wala ng ibang ginawa kundi ang umiyak na lang. At dahil sa tagal niya sa loob ng ladies room, sinundan na siya  ni Edselyn upang sabihing paalis na sila. Ikinagulat ni Ed ang nadatnan niyang ayos ni Marian kaya kaagad itong napatakbo sa kanyang tabi.

“Anong nangyari sa’yo?” lubos ang pag-aalala ng kaibigan ng makita ang kanyang mukha na parang tinakasan ng kulay sa sobrang pamumutla nito.

“Y-yung babae…” 

“Sinong babae? Bakit..anong niya sa’yo?”

“May pata-lim..ti-tinutukan niya ak-o”

“Oh my…teka halika lumabas na muna tayo.”

Dinala ni Edselyn si Marian sa labas, nang makita ng mga tao si Marian ay naglikha ito ng konting kaguluhan lalo pa ng makitang hinimatay si Marian pagkalabas nito ng ladies room. Mabuti na lang at naka-alalay sa kanyang paglalakad si Eds kaya may humahawak sa kanya bago tuluyang mawalan ng malay-tao. Nag-uunahan sa pagtakbo ang mga kaibigan nila upang tumulong kay Eds sa pag-alalay kay Marian. Di na nagdalawang-isip pa si Bart at binuhat na siya kaagad, alalang-alala ito sa babae.




     “Sir!” nagkukumahog sa pagpasok ng loob ng opisina ni Richard si Lea matapos makatanggap ng tawag mula kay Fely.

“Yes? O bakit parang namumutla ka?”

“Sir tumawag po yung katulong ninyo sa bahay. May emergency daw po.”

“What? Ano ang nangyari?” namilog ang mga mata ng lalaki nang marinig si Lea. Naisip nito kaagad si Marian. “Is it about Marian?”

“Yes, Sir. Mas mabuti pong kayo na po ang mag-usap ni Manang Fely.”

“Okay, which one?”

“Line 2 po, Sir.”

“Thank you, Lea.” Di na nagpatumpik-tumpik pa si Richard at kaagad na pinulot ang receiver ng telepono upang maka-usap na ang matanda. Kinakabahan ito sa maaring marinig na balita tungkol kay Marian. “Hello, Manang..si Richard to. Ano ang nangyari kay Marian?”

Ibinalita ni Fely ang tungkol sa pagtawag ng kaklase ni Marian sa nanay nitong si Teresita  upang ipaalam ang nangyari sa babae. Di maintindihan ni Richard ang sarili ng malaman nitong nahimatay si Marian sa di pa malamang dahilan tulad ng sinabi ni Teresita kay Fely ng ito ay tumawag sa bahay nila. Pinaalam din ni Fely sa lalaki kung saan sa mga sandaling iyon si Marian kaya pagkatapos na maibaba ang receiver ay nagkukumahog na kinuha ni Richard ang kanyang cellphone at susi upang puntahan si Marian sa mall.

Habang nagmamaneho, sinikap ni Richard na makontak si Marian. Tinawagan nito ang cellphone ng babae upang makausap ito ngunit walang sumasagot sa tawag niya.

“Damn! Bakit ba walang sumasagot?!” sigaw ni Richard.Di kasi alam ng lalaki na kasabay ng pagkuha sa bag ni Marian ay napasama ang cellphone nito na nasa loob ng bag. Tarantang-taranta si Richard sa pagmamaneho, buti na lang ay di gaanong trapik ng gabing iyon at malapit lang sa hotel yung mall na pinuntahan nina Marian kaya di siya natagalan sa pagpunta sa doon.

Ilang minuto lang ang nakaraan matapos maipark si Richard ng kanyang sasakyan sa parking area ng mall ay nahanap na din niya ang restaurant kung saan naroon sina Marian sa tulong ng security guard na pinagtanungan niya. Kasalukuyang may mga taong nag-uusyuso parin sa labas ng restaurant nang dumating siya. Muntik na siyang di makapasok sa loob matapos siyang harangin ng guard at sabihan na sarado muna ang lugar habang kasalukuyang naroon ang mga police at security officers ng mall upang mag-imbestiga.

“I’m Richard Lim, my wife is inside kaya papasukin mo ako!” malakas ang pagkakabigkas ng mga salitang iyon kaya napalingon sa gawing pintuan ng restaurant lahat ng tao kabilang sina Marian. Dali-dali namang pinapasok ng gwardiya si Richard kung kaya kaagad na nilapitan ni Richard sina Marian. 

Sa mga sandaling iyon, nagkamalay na si Marian at kasalukuyang kinakausap ng mga nag-iimbistiga sa insidenteng naganap. Katabi nito si Bart na naka-akbay sa kanya upang alalayan siya. Nang marinig niya ang boses ni Richard ay kaagad na siyang napatayo. Napamaang na lang lahat ng kaibigan ni Marian at di nila inasahan na si Richard pala ang pupunta at hindi ang nanay nito. Kinabahan naman si Marian sa maaaring sasabihin ni Richard, di pa naman siya nagpaalam sa lalaki at lalong-lalo na di nagpahatid kay Jonas gaya ng laging bilin ni Richard sa kanya kapag hindi siya  ang kasabay niya sa pag-uwi o pag-alis ng bahay nila. 

“Char-“ napasinghap na lang si Marian ng maramdaman ang higpit ng yakap ni Richard sa kanya. 

“Okay ka lang ba? What happen?” puno ng pag-aalalalang tanong ni Richard kay Marian nang kumalas na ito sa pagkakayakap sa kanya. Hawak parin nito ng mahigpit si Marian at panay ang paghaplos nito sa kanyang likod. Di tuloy maiwasang magkatinginan ang mga nakapalibot sa kanilang dalawa.

“ Hinold-up ako ka-nina..sa loob ng ladies room tapos..ti-tinutukan ako ng patalim pagkatapos ay kinuha-“ nanginginig na salaysay ni Marian ng nangyari sa kanya.

“What?! Di ka ba nasaktan?..Wait napano yang leeg mo?!” nabigla si Richard sa narinig kaya di  na nito inantay pa na matapos ni Marian ang kanyang kwento. Natakot pa si Richard ng makita ang plaster sa leeg ni Marian. 

“Konting sugat lang naman sa patalim nung babae kanina.”

“Are you sure you’re okay?” paniniyak ni Richard sa kanya.

“Yes. Huwag ka na mag-alala. “

“What do you mean huwag mag-alala kung ganitong nasaktan ka. Teka where is the manager- no, I want to talk to the owner. ” Kumalas sa pagkakahawak kay Marian si Richard at inisa-isa ang mga taong nasa paligid nila. Saka pa napansin ng dalawa na sila lang pala ang pinapanood ng lahat ngunit ipinagwalang bahala ito ng lalaki at nagpatuloy sa paghahanap ng may-ari ng restaurant.

“Sir, I’m Mike Teves, the manager of this restaurant. Kasalukuyan kasing wala dito yung may-ari at nasa ibang bansa kaya ako na muna po ang haharap sa inyo.”

Dahil wala doon ang may-ari, walang magawa si Richard kundi kausapin ang lalaki. Sa kanilang pag-uusap, laking gulat ni Richard ng malaman mula dito na tanging ang cartographic sketch lang ang tanging hawak nila upang mahanap ang babaeng maysala dahil walang CCTV ang restaurant na iyon.

“What the hell!”

“Chard tama na.” napahawak sa braso ni Richard si Marian upang huminahon ito.

“Sir, we apologize for what happened to Mrs. Lim. We will see to it na makikipagtulungan po kami sa nga awtoridad upang mahuli po yung gumawa nito sa kanya.”

“I’m counting on that Mr. Teves. I’m totally disappointed sa inyo, alam mo bang isa sa paboritong kainan naming mag-asawa itong restaurant ninyo?!”

Paboritong kainan? Ni hindi pa nga tayo nagkasama dito .. ang alam ko lang na pumupunta dito ay si Mary Faith at ang boyfriend niya hindi tayo..ano bang pinagsasabi ng lalaking ito! 

Natigilan si Marian, at pati mga kaibigan nito nagkatinginan ng marinig si Richard. Di makapaniwala ang mga ito sa narinig. Lubos ang hiyang naramdaman ni Marian dahil sa narinig pa ito ng mga kaibigan niya, alam naman kasi ng mga ito na hindi totoo ang sinabi ni Richard pero ni isa sa kanila ay hindi na nagsalita pa. Pakiramdam ni Marian palabas lang ni Richard na nag-aalala ito sa kanya para makumbinsi ang mga tao na nakakita sa kanila.

Inanyayahan ng mga pulis si Marian para pumunta ng presinto kinabukasan upang matingnan niya ang photo gallery ng mga kilalang krimenal baka sakaling makita niya doon ang hinahanap nila. Nangako naman si Marian na pupunta kaya hinayaan na silang makauwi na ng mga pulis.

Sa parking area, habang naghihintay si Richard kay Marian sa loob ng kotse nito, nagpaalam at nagpasalamat muna si Marian sa mga kaibigan sa pag-alalay nila sa kanya.

“ Marian, sigurado ka bang di ka na kailangang pumunta pa ng ospital?” nag-alala parin si Bart sa kanya.

“Okay lang ako Bart. Salamat nga pala sa tulong mo kanina ha.”

“Okay lang yon. Alam mo namang malakas ka sa akin!” Isang matamis na ngiti ang pinakita ni Bart kay Marian pagkatapos ay pasimpleng hinimas ang braso ng babae. “Sige na, mauna kana at naghihintay na si Richard sa’yo.”

“Marian, magpahinga ka ha.” Niyakap ni Edselyn si Marian.

“Thank you, Eds ha. Kung hindi dahil sa’yo baka kung ano na ang nangyari sa akin sa loob ng ladies room kanina.”

“Huwag mo ng isipin pa ‘yon. Sige na alis ka na at nag-aalala na si Richard sa’yo.”

Isa-isang nagpaalam ang mga kaibigan ni Marian. Pati sina Daniel at Joshua na lagi lang nang-aasar sa kanya, sa mga sandaling iyon ay ramdam ni Marian ang pag-aalala ng mga ito sa kanya. Habang yakap siya nina Edselyn at Mary Faith, panay din ang himas ng mga ito sa likod niya na parang pinaparamdam sa kanya na lagi lang silang nasa likod niya tuwing mangangailangan siya ng tulong. 

Pagkatapos na umalis nina Bart ay sumakay na rin si Marian sa sasakyan ni Richard. Ngayong sila na lang dalawa sa pagkakataong iyon ay abot-abot ang kaba ni Marian. Di malaman kung paano niya sisimulang magpaliwanag sa lalaki. 

Simulan mo na humingi ng tawad Marian…bago ka pa lamunin ng buhay ng singkit na iyan..  Bulong niya sa sarili.

6 comments:

  1. awww... tnx sa update... sana bumilis.... hihihihi... demanding =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Waaahh this time I want to take my time para idevelop yung dalawa..Pakiramdam ko kasi ang daming kulang ng ver.1 kaya gumawa ako ng ver. 2 ..lemme do that, pretty please? *wink wink =)

      Delete
  2. please next na! bitin na bitin��

    ReplyDelete
  3. Restless since yesterday kasi walang signal.. Eagerly waiting for an update pa naman.. Thank you Ms Con

    ReplyDelete
  4. Thanks sa update. Sana may double treat...

    ReplyDelete