Thursday, September 4, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 18 )



     Habang nilalakbay ng kanilang sasakyan ang daan pauwi, panay ang sulyap ni Marian kay Richard. Tahimik pa rin ito, tila malalim ang iniisip. Walang imik at nakakunot ang noo. Maya-maya ang pagbuntong-hininga ng lalaki kaya di maiwasang mas lalong di mapakali si Marian sa kanyang inuupuan. Nang di  na ito nakatiis sa  katahimikan ng lalaki si Marian na rin ang kusang nagsimulang magsalita.

“Richard, sorry…sorry sa lahat ng ginawa ko. Sorry at di ko nasunod yung mga bilin mo..alam ko nangako ako na uuwi noong gabing nalasing ako. Sorry at dahil sa akin kinailangan mo pang magsinungaling kina Manang Fely para lang di malaman ni lolo na kaya ako di ako nakauwi kasi sa kapalpakang na ginawa ko. Sorry kung pinag-alala kita kani-“

“ Tama na...”

“Hindi, Chard..alam ko mali ako eh kaya nga ako humihingi ng tawad..Patawarin mo naman ako, oh..please?  At saka, please huwag mo ng idamay yung mga tauhan mo..” 

Narinig na naman ni Marian ang pagbuntong-hininga ni Richard. Nang lumingon ito sa kanya, kitang-kita na iritado na ang lalaki sa pinaggagawa niya pero ayaw magpatalo ni Marian hanggang di siya pinakikinggan ng lalaki at lalong-lalo na hanggat di pa siya pinapatawad nito.


“Sorry na please. Kung galit ka sa akin ako na lang yung sigawan at pagsabihan mo, huwag mo ng ibuntong sa iba ang galit mo..huwag sa mga tauhan mo at wala naman silang kasalanan, nag-aalala na si lolo sa’yo kaya please—ibalik mo na yung tau-“

“For Pete’s sake Marian shut up! Tama na, okay?! Wala kang kasalanan sa nangyari sa hotel kaya huwag mong sisihin ang sarili mo!” masyadong napalakas ang pagkasigaw ni Richard na ikinagulat din mismo ng lalaki, nakita niyang napayuko ng bahagya si Marian at napahigpit ang hawak sa kanyang seatbelt. Sa ayos nito, parang inaasahan ni Marian na sasaktan siya ni Richard bagay na di kailanman niya naisip gawin sa babae. Naawa tuloy siya kay Marian.

Upang kumalma sandali ay itinabi muna ni Richard ang sasakyan at huminto sa gilid ng daan. Ayaw naman niyang magpatuloy sa pagmamaneho hanggang mainit pa ang ulo niya at baka mapatulin pa niya ang takbo ng sasakyan at baka ano pa ang mangyari sa kanila. Gusto rin niyang huminga sandali at kanina pa naninikip ang kanyang dibdib sanhi ng nangyari kay Marian. Naisip din niyang mas mabuting makapag-usap sila ni Marian sandali bago makauwi ng bahay.

“Sorry..” panimula ni Richard, alam niyang natakot sa kanya si Marian, bagay na dapat iniwasan niyang gawin sa babae lalo pa’t galing nanaman nito sa isang nakakatakot na insidente. 

Nakapikit parin ng mga mata ni Marian. Nang marinig na nagsalita si Richard ay unti-unti nitong idinilat ang mga mata at nakitang  nakatingin na pala sa kanya ang lalaki. 

“Wala kang kasalanan sa nangyari sa hotel. May nangyaring kasing nakawan ng pera at pagkasira ng gamit ng isang VIP guest and sa tingin ko may pagkukulang siya sa kanyang trabaho kaya sinesante ko siya.”

“ Kala ko kasi dahil yon sa nangyari noong nalasing..”

“Well it’s not -- though I admit nagalit ako sa’yo kasi sinuway mo na naman yung sinabi ko “

“Sorry.. pati yung sa nangyari kanina sinuway ko ulit yung sabi mo kaya sorry din” kagat ang kanyang labi , nagbaba ng tingin si Marian. 

“Marian, can you please take care of yourself? Huwag mo akong pag-alalahanin sa’yo..please?”

“Nag-aalala ka sa akin? Talaga?”

“of course, kasi –“ Ayoko may masamang mangyari sa’yo, di ko alam kung ano ang gagawin ko pag sakaling may mangyari ulit sa’yo..

Napatitig na lang si Marian kay Richard, nag-aantay sa kung ano ang susunod na sasabihin ng lalaki pero biglang nailang si Richard na malaman ni Marian ang kanyang nararamdaman kaya mas pinili na lang nitong huwag ng sabihin ito kay Marian.

“Chard ?”

“Nangako ako kina Nanay Teresita at lolo na aalagaan kita. Ano na lang ang sasabihin nila kung sakaling may mangyari sa’yo?” pagsisinungaling ni Richard.

Akala ko -- dahil lang pala sa nakapangako ka sa kanila.. Di rin maintindihan ni Marian ang sarili nang marinig ang paliwanag ni Richard. Inakala pa naman nitong sasabihin ni Richard na importante din siya para sa lalaki.

“Don’t worry, kung sakaling pagagalitan ka nina nanay at lolo ako na yung magpapaliwanag sa kanila na wala kang kasalanan. “ Bakit ba parang di ako makahinga? Bumibigat ang dibdib ko..

Iniwas ni Marian ang kanyang tingin kay Richard at tumingin sa labas ng bintana niya. Sandaling namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan ni Richard. Kapwa malalalim ang iniisip ng dalawa. 

“Are you okay? Wala bang masakit sa’yo?” tanong ni Richard kay Marian makaraan ang ilang sandali. Umiling si Marian pero di ito tumingin sa kanya. “Marian..look at me.” Hinintay ni Richard na gawin ng babae ang kanyang utos pero di ito ginawa ni Marian kaya hinubad nito ang kanyang seat belt at hinawakan ang baba ni Marian  upang tumingin ito sa kanya. “Look at – why the hell are you crying? Sabihin mo ang totoo, may masakit ba sa’yo?” 

Puno ng pag-aalala ang mga mata ni Richard habang nakatitig kay Marian na patuloy parin ang pagpatak ng mga luha.  Hinawakan ni Richard ang magkabilang pisngi ni Marian, wiping her tears off her eyes using his thumb. Samantalang hinawakan rin ni Marian ang mga kamay ni Richard at pinipilit nitong bitawan siya pero nang gawin naman ito ni Richard ay niyakap naman siya nito ng mahigpit.

“Shhh huwag ka ng umiyak. I promise you, di ko na hahayaang maulit ang pangyayaring ito sa’yo. As much as I can, I will always protect you. Promise.”

“Huwag kang mangako, Chard. Alam nating pareho, sa pagdating ng panahon ..di mo matutupad yan. “
Ipina-alala ni Marian sa lalaki ang kasunduan nilang maghihiwalay din sila pagdating ng panahon, gaya ng ipinangako ni Richard sa kanya. Natigilan si Richard sa narinig kaya dahan-dahang bumitiw kay Marian. Malungkot ang mga mata nito habang nakatitig kay Marian.

“ Pero gusto ko.. Tell me, Marian.. will you let me?”

Ano ako masokista? Hahayaan kita .. paano kung..kung habang ginagawa mo yan mahulog na talaga ang loob ko sa'yo? Eh di  pagdating ng panahon masasaktan lang ako? Puno parin ng pag-aalangan si Marian.

“No. Di mo na kailangang gawin yan. “ sagot nito sa lalaki pagkatapos ng maikling katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

“Bakit? Ayaw mong ako yung taong mag-alaga sa’yo? -- Si Bart ba? “

“No! Kaya kong protektahan ang sarili ko!” 

“ Kaya ba kanina naka-akbay siya sa’yo pagdating ko, kasi kaya mo ang sarili mo? Come on Marian, admit it!” napalakas ang boses ni Richard na tila naiinis dahil sa ginawang pagtanggi ni Marian sa kanya. 

“Anong admit it..at saka bakit parang ang lumalabas, nakikipagharutan lang ako kanina. Naaawa lang yung tao sa akin kanina at inalalayan lang ako..teka nga, bakit ba napasok sa usapan si Bart?!” si Marian naman ang naiinis kay Richard sa mga sandaling iyon. 

“Kailangan talaga siya yung umalalay sa’yo? Talagang madadamay si Bart dito kasi sa tuwing andiyan yang lalaking yan lagi ka na lang napapahamak!”

“”Napapahamak?! Wala namang ginagawang masama si Bart ah!”

“ Really? Well for me, it doesn’t look that way. From now on, stay away from him. Di mo ba napapansin, kahit ilang beses pa siyang nasa tabi mo, in the end sa akin ka parin ang uwi mo! And I intend to keep it that way ..walang magbabago kahit anong pilit na gawin ninyo!”  tuluyan ng nawala ang preno ng bibig ni Richard.
Di talaga mapigilan ni Richard ang sarili kapag naaalala si Bart. At mas lalo lang siyang naiinis kapag pinagtatanggol ni Marian ang lalaki. Muling tumahimik si Marian, nang tingnan siya ulit ni Richard ay muli nitong ipinako ang tingin sa labas ng bintana. Nang inakala ni Richard na umiyak na naman ito ay sinilip niya ang mukha ng babae at nakita niyang nakasimangot at salubong ang kilay ni Marian. 

“Galit ka ba at pinagbabawalan kitang lumapit kay Bart?!” singhal ulit ni Richard kay Marian pero di siya sinagot ng babae. 

Ilang sandali pang dumaan, di parin kinakausap ni Marian si Richard kaya nagpasya na lang si Richard na buhayin ulit ang makina ng sasakyan at nang makauwi na sila. Ilang minuto ang nakaraan ay narating narin nila ang bahay. Nakita nilang dalawa na hinihintay sila ni Manang Fely. Pagkababa ay kaagad kinamusta ng matanda si Marian.

“Okay lang po ako, Manang..”

“Ano bang nangyari sa’yo, ha? At saka bakit may plaster yang leeg mo?!”

“Huwag na po kayong mag-alala. Konting sugat lang po to.”

“Sigurado ka?”

“Opo..sige po, mauna na po ako..”

Napansin ni Fely na matamlay si Marian kaya hinayaan na lang niya itong  umalis na. Napansin din ng matanda na tila may kakaiba sa ikinikilos ni Richard. Tahimik lang ito at kakaiba ang ekspresyon ng mukha ng lalaki mula nung dumating ang dalawa. Nang umalis na si Marian ay nakasunod lang ito sa babae, taliwas sa lagi niyang nakikita tuwing naglalakad ang dalawa na kung hindi si Marian ang nakasunod ay magkatabi lang na naglalakad. Nagtataka man si Fely, wala naman siyang magawa at ayaw niyang panghimasukan ang dalawa. Hanggang sa makapasok na sa kanilang kwarto sina Marian at Richard, tanging hanggang sa tingin lang ang nagawa ng matanda.

Sa kwarto nina Richard at Marian. Patuloy parin ang silent war ng dalawa. Naunang humiga si Marian, dala narin ng pagod, ilang minuto ang nakaraan ay nakatulog na ito. Pagkatapos mag-shower ni Richard ay nadatnan nitong mahimbing ng nakatulog si Marian. Maya-maya pa ay tumabi na siya sa babae. Dahil sa ginawang paghiga ni Richard bahagyaw gumalaw ang higaan kaya pati si Marian ay gumalaw din, nag-iba ng posisyn si Marian at napaharap kay Richard.. Nagulat si Richard nang biglang ang mukha na ni Marian ang sunod na nakita. Both faces are inches away from each other. Ayaw naman ni Richard mag-iba ng posisyon at tumalikod, nag-aalala na tuluyan ng magising si Marian kapag gumalaw siya ulit. With her face so close to his, he took advantage  na pagmasdan ang kabuuan ng mukha ni Marian habang ito’y natutulog.

Richard particulary enjoyed staring at Marian’s lovely face. Para itong anghel tingnan habang natutulog. Gustong-gusto niya ang mahahaba at kulot na pilik mata ni Marian na mas lalong nagpapanda ng kanyang mga mata. Ang matangos nitong ilong na nakaka-engganyong pisilin ito tuwing natutuwa siya kay Marian, at lalong-lalo na ang mga labi ni Marian na kahit wala itong lipstick, mapula parin. Not to mention the fullness of her lips makes it inviting. Suddenly, Richard finds himself leaning closer to her. Nawala sa sarili si Richard, huli na ng marealize niya na konting lapit pa  pala ay mahahalikan na niya ng tuluyan si Marian. It was a quick kiss na kinagulat rin niya ng lubusan.

Ooopppss!

Akala na talaga ni Richard sampal na ang susunod na mangyari when he felt the bed moved. Napapikit na lang ito ng mga mata niya at hinanda ang sarili sa sakit ng pisnig niya pero mas lalo niya ikinagulat ang susunod na nangyari ng bigla na naman niyang naramdaman ang labi ni Marian na nakadikit sa kanyang mga labi. Pagbuka ni Richard ng kanyang mga mata, inasahan nitong gising na si Marian but luck seems to be on his side, nakapikit parin ito at walang malay. Di alam ni Richard kung ano ang pumasok sa kanyang isip but he took the chance. He pressed  his lips against hers for another kiss,  this time longer than the first one. Gayun na lang ang ngiti ni Richard ng di pa rin ito namalayan ni Marian.

That moment, pakiramdam ni Richard gumaan ang kanyang nararamdaman matapos ang lahat ng nangyari sa kanilang dalawa ni Marian nitong mga nakaraang araw. Napatitig na lang siya sa katabi, tahimik na nanalangin na sana di malaman ni Marian ang nakaw na halik na kanyang ginawa habang ito ay mahimbing na natutulog

25 comments:

  1. ang mantra ko sa sarili ko habang nagbabasa - ung M is yung 4-letter word na M ...

    parang awa mo na Con, anong chapter na maging sila na? kahit na aso't pusa pa din basta sila na LOL mas kakaloka dahil sa pagiging palaban ni M dito, laban kung laban ... singkit, sunggaban mo na or else ako na popokpok sa 'yo :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ate Penggggggg!

      Dadating din tayo diyan..tiwala ka lang ;)

      Delete
    2. always Con ... hehehe kaya lang mas maging fiercer si M (privately) kung sila na ... hihihi (wala na, pinakilig ang sarili at muntik ko ng ma publish ang comment ko na ibang M ang nasulat ko - d talaga maka move on ... hahaha

      Delete
    3. Hello po Maria Fe Tiansing! Nice to meet you po. :D :D :D

      Huli ka balbon!

      Delete
  2. :) sinisipag mag update ah.. Pero dipo ako nagrereklamo dahil one of the M/R adik po.. Super thank you po for posting..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Eiii marami na kasing gusto akong isako sa tagal ko mag update :D

      Kung sino ka mang nagtatango sa pangalang Anonymous salamat po for at andito ka sa blogger ko :)

      Delete
  3. yehey! tnx tnx tnx!!! ang bilis ng update kahit wala pa ang sako gang... ahahahay!!! pero tila malayu-layu pa ang tatahakin natin, yet exciting pa rin! =)

    ReplyDelete
  4. Nemen! Sabi ko naman sa inyo eh..dun pa din tayo patungo..tiwala lang at mag-enjoy sa idinagdag ko =)

    ReplyDelete
  5. haaayyyy...at long last ...i found your new blog,,,kay tagal kong hinintay ang kasunod nitong Mr.Chinito V.2 ...i thought tumigil ka ng mag-write...huhuhu...mas maraming kulitan dito sina RL & 'Maya' este Marian pala (though i still imagine Maya is the lead character here)...sana 'kilig & sweet moments' nila ang kasunod?...thank you so much ms.nylcoen!...hope to read your next chapters very soon

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Ayeth! Sorry if matagal akong mag-update madami lang ginawa sa buhay..pasaway talaga si totoong buhay ang hirap kumawala :D As long as may free time ako magsusulat ako ng update. As for the kilig and sweet moments na gusto mo oh well, kaya ko nga binuhay ulit si Chinito kasi gusto ko magdagdag ng marami na nun ;)

      Delete
  6. Hi Ms Con! gusto ko lang mag-comment :-) ngayon kasi for the past 3 or 4 weeks parang ako lang ata ang bumibisita dito sa blog mo.... palaging fail pag naglolog-in ako using my username kaya palaging anonymous..... please continue to update regularly....alam mo bang ilang beses ko nang binasa ang orig version kasi nabibitin ako sa ver 2.....thank you for deciding to rewrite the story and putting some additional twists.....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Vien (ang haba ng UN mo kaya shortcut na lang ha ) actually nakikita ko naman ang increase ng visitors sa site through the stat kaya lang ang reklamo nga nila di daw sila maka-comment at nahihirapan sila sa proseso ni blogger =)

      Thanks for always making an effort to leave comments kahit pinapahirapan ka ni blogger minsan, I truly appreciate it. I'm glad you like the twist na dinagdag ko, at first hesitant ako baka di kasi magustuhan nung iba lalo na at nagustuhan naman ng iba yung ver.1 .

      Delete
  7. yan ms.con... kitang kita we want maya talaga... kasi naman si marian ke dingdong yun... hahaha... di ba pwede ibalik mo na lang si maya... binyagan uli ni richard na kunwari sweet name niya yun for her... =) bahala ka ng mag-isip ng paraan kaya mo yan... hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lhayyyy :D Kasi ano..naka-post din sa booklat account ko si version 2 and if maganda ang feedback dun, there is a chance na ipasa ko din to sa LIB management =)

      Delete
  8. E-push na yang Maya name na yan.. Hahaha pasaway lang :)

    ReplyDelete
  9. Hi ms con... I just discovered your new blogsite... katatapos ko lng din basahin yung mr chinito v2.0 and I can say mas kinikilig ako da kanila ngayon kahit nag change na sila ng name... can't wait for the next chapter na. Thank u ms con..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello eyelashes! Glad that you love it and welcome to LHS!

      Delete
  10. Thanks md Con sana regular na sng update

    ReplyDelete
    Replies
    1. Zyda! I'll try talaga to update often.. pag di ako busy sa totoong buhay magsusulat ako para may maipost.

      Delete
  11. Waaaah!!! At loooong last may update ka na!!!! Kung di qu pa nakita yung post mo sa asul na ibon di qu pa toh mababasa! Hahaha. Gaya ng iba napaRead-athon din aq ng version 1 habang naghihintay ng update at dahil katingkati na aq malaman ang mga masusunod na mangyayari. Its really one of my most fave story and i'll never get tired in reading it over and over again. I know that i will enjoy this version 2 as much as i enjoyed the first one. Thanks Ms.Con! Sana di matagalan ang mga susunod na chapterssssss! Ahahaha. Love the dagdag twists sa story!!! Sana maraming dagdag na kilig moments din sa dalawa.hahaha

    ReplyDelete
  12. Thank you nylcoen for this good fanfic. I have read chapters 1-18 today mula kaninang umaga hanggang ngayon. Swerte ako today kasi off ako from work at talagang tinapatan ko ito. Excited ako sa mga manyayari pang incidents sa kanilang dalawa na naguumpisa ng madevelop na may pagtingin sila sa isa't isa. Aabangan ko ang kasunod at sana soon. Cheers!

    ReplyDelete
  13. So this is where your sanctuary is, Ms. Con...love it! I'm still touring it around, thanks for the invitation! I've been reading your stories over and over that I already lost count...hehe I've been wondering if you're still writing or plan of writing other stories. And I'm glad to find your sanctuary! Thanks again!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Welcome! Enjoy your stay and feel free to roam around, chos! :D

      Thank you for visiting my other blog often, I hope you'd also do that here in LHS, masaya din naman po dito. If I have time, I usually spend it writing but if ever pasaway si totoong buhay, sorry talaga at di ako makaka-update.

      Delete
    2. Writing is really a good outlet and so is reading...really love reading your stories! Thanks again for sharing them.

      Delete
  14. atttttttttttttttttteeeeeeeeeeeeeee cccccccccccccoooooooooonnnnnnnnnnnnnnnnnn....halllllllllllooooo
    nxt chhhhhhaaaaaaaappppter pleaaaaaaaaasssssssssssseeee..take care

    ReplyDelete