Nagising si Marian na
mag-isa lang sa kama kinabukasan. Buong akala niya umalis na ulit si Richard ng
maaga papuntang opisina pero pagpasok niya ng bathroom ay nadatnan niya ang
lalaki sa loob. Kasalukuyan itong may kausap sa cellphone niya habang
nakasandal sa may washstand. Mukhang kakatapos lang mag toothbrush dahil
naaamoy pa ni Marian ang konting scent ng mouthwash sa area at kasalukuyan ding
pinupunasan ng lalaki ang kanyang bibig. Ayaw naman ni Marian na umiwas kay
Richard kaya kahit andun ang lalaki ay nagpatuloy parin siya sa kanyang pakay.
Taking the other side of the stand, kinuha niya sa may lalagyan ang kanyang sipilyo at nilagyan ito ng toothpaste. Habang
nagsisipilyo, di maiwasang makinig siya sa lalaki habang kinakausap si Lea.
Panay ang buntong-hininga ni Richard at nakasimangot parin ito sa buong
sandaling kausap ang kanyang sekretarya. Alam ni Marian na kahit mahinahon ang
lalaki sa mga sandaling iyon ay mabigat ang nararamdaman nito.
Sa loob ng ilang araw na di
niya nakita si Richard, pakiwari ni Marian parang ang laki ng ipinayat ng
lalaki. Habang sinusulpayan si Richard ay di niya maiwasang makaramdam ng awa
dito kaya nagpasyang subukan ng kausapin na si Richard. Pagkatapos niyang
magsipilyo ay di na muna ito umalis at naghintay na munang matapos si Richard
sa pakikipag-usap kay Lea. Nang marinig nito ang pagpapaalam ni Richard sa
sekretarya ay di na ito nagpaligoy-ligoy pa at nagtanong na kaagad.
“Ano bang nangyari?” mahinahong
nagsalita si Marian upang maramdaman ni Richard na wala siyang balak makipag-away
dito.
“May narinig na balita si Lea
na nagpa-interview daw si Mr. Hewitt sa isang reporter kahapon.” Sagot naman ni
Richard sa kanya pagkatapos ng isa na namang buntong-hininga.
“Sino ba si Mr. Hewitt at
namumroblema ka talaga sa guest mong yan?”
“Isang Australian tennis
player..its a long story but basically kung di namin to maaayos, yung
reputasyon ng hotel ang nanganganib at malaki ang mawawala lalo pa at may
on-going talk between the Ms. Earth organizers. Kung sakaling malalaman nila
ang nangyari, there is a big possibility na aatras sila at ibibigay sa mahigpit
na competitor ng Lim Hotels ang contract.”
“ Tsk!” napakagat-labi na lang
si Marian ng maisip nitong malaking problema nga ang kinakaharap ng hotel. “..Si
lolo, alam na ba niya? “
“Wala pang alam si lolo, I particularly
ordered everyone to keep it a secret as much as we can while we are
investigating the incident. Ngayon na
may kinausap ng reporter si Mr. Hewitt di ko alam kung mapipigilan pa namin ang
balita na huwag makarating kay lolo at sa iba pang Board of Directors.”
Malungkot ang boses ni Richard at matamlay ang mga mata nito. Di maiwasang di
maantig ang puso ni Marian habang tinititigan ang katabi. Alam ni Marian na
umiiwas si Richard na magalit ang lolo nito sa kanya. Ginagawa ni Richard ang
lahat para di maging mantsa sa magandang repustasyon ng lolo niya sa mga tao
nito.
“May maitutulong ba ako? “
kahit na wala siyang maisip na posibleng paraan para matulungan si Richard, buo
parin ang loob ni Marian na itanong ang bagay na iyon upang kahit sa ganitong paraan ay
maramdaman ni Richard nakikisimpatiya siya sa pinagdadaanan ng lalaki. Sa
ganito ding paraan, makabawi man lang siya sa idinulot niyang gulo sa lalaki
nitong mga nakaraang araw. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni
Richard pagkatapos ay nagpakita ng isang matamlay na ngiti sa kanya.
“Meron.”
“Ano? Sige na sabihin mo na at
willing akong tulungan ka.”
Ibinulsa muna ni Richard ang
kanyang cellphone pagkatapos ay marahang hinila ang isang kamay ni Marian upang
palapitin ito at tumayo sa kanyang harapan. Nanatili ang pagkakahawak ni
Richard sa isang kamay ni Marian ngunit ang isang kamay ay nakapisil na sa
pisngi ng babae. “Pwede bang magpakabait ka na ngayon at makinig naman sa mga
sasabihin ko? Please? Hmmm?” nakangiting tugon ni Richard habang ginagawa ito
sa kanya.
Marian pouted her lips making
her look adorable and cute kaya aliw na aliw ang lalaki habang pinagmamasdan siya. Di rin
sinasadyang mapatitig ni Richard sa bibig ni Marian at maalala ang kapilyuhang
ginawa nito sa babae habang ito’y natutulog. Dahil sa ginawa niyang iyon, di
tuloy siya nakatulog at daig pa ang nakatungga ng isang drum na kape at di man
lang niya magawang umidlip kahit na pagod na pagod siya.
Naramdaman kaya niya kahit konti man lang ang ginawa kong paghalik sa
kanya kagabi? Ito ang tanong ni Richard na nasa isip niya habang nakatitig
parin kay Marian.
“Oo na! -- bitawan mo na yang
pisngi ko at lalo lang lalaki ang mukha ko!” reklamo ni Marian sa kanya.
Kala ko sasabihin mo ng oo naramdaman mo yung kiss ko..kinabahan ako
dun ah! Bulong ni Richard sa kanyang sarili. Binitawan na niya ang pagpisil
sa pisngi ni Marian pero kapalit nito ay pinisil naman niya ang ilong ng babae. “ Di bale cute ka parin
naman tingnan !”
“Aray! “ napahiyaw si Marian
dahil sa ginawa niya. Ano ba, bakit ka ba
ganyan singkit ka.. kinikilig na naman ako niyan sayo eh! Naramdaman na
lang ni Marian ang pag-iinit ng kanyang pisngi kaya tinakpan na lang niya ito
at pasimpleng hinaplos-haplos upang di mapansin ni Richard. “Sorry talaga at
nakadagdag pa ako sa mga alalahanin mo nitong mga nakaraang araw ha. Di ko
talaga sinasadya yon.”
Nagbaba ng tingin si Marian,
di niya magawang tingnan si Richard sa mga mata nito. Bukod sa nahihiya siya sa
ginawa niya, di rin niya maiwasang di mailang dahil sa mga sandaling iyon,
panay ang masuyong paghaplos-haplos ni Richard sa kanyang mga braso. Alam ni
Marian na medyo nagiging touchy na ang lalaki pero di naman niya magawang
punahin si Richard at iniiwasan niyang magkailangan sila. Naisip rin niyang baka wala naman talagang
malisya ang ginagawang iyon ni Richard sa kanya at siya lang talaga tong malisyosa
at lagi na lang nagbibigay kulay sa mga gestures ng lalaki.
“ It’s okay.. you are
forgiven, naisip kong di mo naman talaga sinasadya na malasing ka. Maybe you
are just too happy that time kaya di mo napansin na napasobra na ang inom mo. As of that mall
incident, though naiinis talaga ako kung bakit di ka nagpasama kay Jonas, still
alam ko di naman natin inexpect na mangyayari yon. Sana lang talaga di na
mangyari ulit na mapahamak ka kasi mag-aalala ako. From now on, makinig ka na
sa akin okay ba yon? Stay by my side that way mapapanatag ako.” walang ibang
magawa si Marian kundi ang tumango. Naisip niyang tama din naman si Richard,ang
gusto lang ng lalaki ay ang ikabubuti niya.
“By the way, anong oras ka pupunta
ng presinto mamaya?”
“Dadaan ako doon bago pumasok.”
“Can we just go there later,
kailangan ko kasing pumunta muna sa hotel at kakausapin ko lang muna si Mr.
Hewitt sakaling pumayag siyang makipagharap sa akin ngayong umaga.”
“No need to come with me,
Chard. Asikasuhin mo na muna yung problema mo sa hotel, okay lang ako. Kaya ko
na yon.”
“There you go again, akala ko
ba pumapayag ka sa sinabi ko na makinig sa akin at manatili sa tabi ko para
mapanatag ang loob ko?”
“Eh kasi di ba --”
“I will go with you and that
is final. “
“ Okay..fine! Sige na, di na
ako makikipagtalo sa’yo.”
“Good. Now let’s get moving.
You prepare first at baba muna ako para sabihin kay Manang na sa hotel na tayo
kakain ng breakfast, okay ba yon?” Tumango lang si Marian sa sinabi ni Richard.
Kahit na ayaw na niyang gambalain pa si Richard ayaw din naman niyang mag-away
pa sila . “Sige baba na ako.”
Iniwan na ni Richard si Marian
upang makapagsimula ng mag-ayos ng sarili. Habang naliligo, napaisip si Marian.
Di niya maikakaila na masaya siya at nagka-ayos na silang dalawa ni Richard. At
ang nangyaring extra sweetness sa kanilang dalawa ay nakakapanibago at
nakakalito pero inaamin niyang gustong-gusto naman niya ito.
Hayyyy Mr. Lim! Naniningkit narin ang mata ko sa sobrang kilig sa
pinaggagawa mo. Ito ang tanging nasabi ni Marian sa sarili habang patuloy
na iniisip si Richard.
Kakarating lang nina Marian at Richard sa hotel. Paghinto pa lang
ng kotse ay may nakaabang ng guard ng hotel na siyang nagbukas sa pinto ng
sasakyan ni Richard. Pagbaba nila ay kinuha ng valet ang sasakyan ni Richard upang dalhin ito sa exclusive parking
area para sa sasakyan ng lalaki.
“Ma’am.” Tawag ng guard kay
Marian, nakalahad na ang isang kamay nito upang kunin ang dala-dalang bag at
mga gamit ni Marian pero tumanggi siya.
“Okay na po kuya, di naman
siya mabigat eh.”
“Sige na po, Ma’am.” Ngumiti
ang guard kay Marian.
“Ibigay mo na yung bag mo kay
Mark. Siya na ang bahalang magdala niyan.” Bulong ni Richard kay Marian.
“Pero di naman kasi siya mabigat
at saka kaya-“
“Huwag mo akong ipahiya, di
rin naman mabigat yung dala kong bag pero trabaho niya yan everytime papasok
ako dito.” Bulong ulit ni Richard sa kanya. Paglingon ni Marian ay nakita nga
niyang dala-dala na ng guard yung maitim na bag na bitbit kanina ni Richard
paglabas ng sasakyan niya.
“Ohh..sorry..” naiilang man,
binigay na rin ni Marian ang kanyang mga dala sa guard saka sila nagpatuloy sa
paglalakad.
Pagpasok ng reception area ay
narinig ni Marian ang pabati ng mga empleyadong naroroon. Pati ang mga
nakasalubong nilang mga empleyado ng hotel ay tumigil talaga upang batiin lang sila.
Di sanay si Marian sa ganoong mga pagtrato mula sa mga taong di naman niya
kilala pero naisip niyang ayaw naman niyang masabihan ng di maganda mula sa mga
empleyado ni Richard, kaya kahit naiilang siya ay ngumingiti na lang sa mga ito
tuwing binabati rin siya.
“ Good morning , Sir .” Bati
kaagad ni Lea ng makalapit na ito sa kanila. “Good morning din Mrs. Lim.”
Ngumiti sa kanya si Lea.
“ Good morning.” Mahinang
sagot ni Marian kasabay ng isang matamis na ngiti niya. Nang marinig ang
pagsagot niya ay napansin ni Marian na
nagtinginan ang mga taong nasa reception area. Kita sa kanilang mga mukha ang
pagkabigla na malaman kung sino siya. Di malaman kung ano ang gagawin, napayuko
na lang ang ulo niya upang huwag makita ng mga tao ang nagsisimulang pamumula
ng kanyang mukha. Eiii bakit naman kasi
Mrs. Lim na Mrs. Lim eh di pa naman ako nagpalit ng apelyido..
“Lea, ano ang sagot ni Mr.
Hewitt?”
“Sir, pumayag po siyang
makipag-usap sa inyo mamaya. Pupunta na lang daw siya sa opisina.”
“ Good. “ Napansin ni Marian
ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Richard pagkatapos marinig ang balitang
iyon, tila ito lang ang hinihintay na balita ni Richard upang makampante. Kapansin-pansin
na medyo naging relax na tingnan si Richard sa mga sandaling yon.“ Tayo na sa
taas. “ muli silang nagpatuloy sa paglalakad patungong elevator.
Kapansin-pansin na lahat ng
mata ng mga tao ay sa kanila nakatuon, lalo na kay Marian at Richard kaya
asiwang-asiwa si Marian na makasabay si Richard. Habang patuloy sa paglalakad
ay kasalukuyan ding nag-uusap sina Richard at Lea. Pakiramdam ni Marian di siya
dapat na makinig sa pinaguusapan ng dalawa at di naman siya nagtratrabaho doon kaya
unti-unti niyang binagalan ang kanyang paglalakad hanggang sa ang naging
kasabay na niya ay si Mark na umalalay sa kanila kanina. Makaraan ng ilang
sandali ay napansin ni Richard na nawawala na si Marian sa kanyang tabi kaya
huminto ito sandali at hinanap siya, nang makita siya na nakasunod lang sa
kanilang dalawa ni Lea ay nakita na ni Marian ang pagsalubong na ang mga kilay
nito at inantay na siyang makahabol sa kanila ni Lea. Nang makalapit na si
Marian ay magkasabay na ulit silang naglakad habang hawak siya ni Richard sa
may likod niya. Di talaga pinalampas ni Richard ang kanyang ginawa.
“Sino bang kasama mo dito, si
Mark o ako?” bulong ni Richard kay Marian. Nagtaka si Marian sa itinanong ni
Richard pero sumagot narin siya ng makitang seryoso ang mukah ng lalaki na nakatitig
sa kanyang mga mata, tila naghihintay ng kanyang sagot.
“Ikaw.” Inosenteng sagot ni
Marian.
“Ganun naman pala, bakit sa
kanya ka sumasabay sa paglalakad. Stay on my side huwag kang magpahuli.” Halos
pabulong na sinabi ni Richard sa kanya.
Inakala ni Marian na
nagmumukha din siyang guard kung nakikisabay siya kay Mark kaya ayaw ni Richard
na sumabay siya dito. Napansin ni Marian na bahagyang napangiti si Lea
pagkatapos ay nagbaba ito ng tingin, marahil ay narinig ang sinabi ni Richard
sa kanya kaya napahiya siya.
Itsura nito, porke naka blouse at jeans lang ako at siya nakasuot ng pormal
sabihing mukha na akong guard?! Hmp! Sekretong sagot ni Marian kay Richard
sa kanyang isipan.
Ilang minuto ang nakaraan,
matapos sumakay ng elevator na naghatid sa kanila sa 31st floor ng building
kung saan naroroon ang opisina ni Richard. Pagkatapos silang ihatid ni Mark ay
nagpaalam na rin ito at bumalik sa pwesto niya sa main entrance ng building.
“ Lea, can you get us coffee
please.”
“Sure, Sir. Excuse me.” Umalis
kaagad si Lea matapos utusan ni Richard.
Naka-upo na si Richard sa
kanyang mesa at kasalukuyang may binabasang papel, Pagkasarado ni Lea ng
malaking pinto sa opisina ni Richard ay isang malalim na buntong-hininga ang
pinakawalan ni Marian. Napa-angat ng tingin si Richard sa kanya.
“Why?” kunot ang noo nito at
nakatitig kay Marian.
“Di ako makahinga kanina!
Ganito ba ang simula ng araw mo dito?”
“Hmmm yes. Why?”
“Kasi parang kakaiba. I mean
pagdating mo kanina parang lahat ng tao ata kailangang huminto at bumati sa’yo.
Even yung pagsakay natin sa elevator, parang ang bigat ng atmosphere sa loob
kahit di naman puno yung elevator. Yung mga empleyado mo parang bawal magsalita
pag andiyan ka. Kita mo yung dalawang babae na nakasabay natin? At first ang
daldal kaya nila nung naghihintay pa sa baba pero nung makita ka nila
lalong-lalo na ng makasabay ka na nila biglang nagsitahimik.”
Napailing at napangiti na lang
si Richard sa narinig. Sa pagdaan ng panahon ay nakasanayan na kasi ni Richard
ang ganoong eksena tuwing pupunta siya ng hotel. Kahit noong ang lolo pa niya ang
namamahala dito kaya balewala na ito sa kanya. Naiintindihan naman niya ang
paninibago ni Marian sa ganitong bagay pero kailangan niyang sanayin ang sarili
niya lalo pa at dadating ang panahon na mas mapapadalas na siyang makikita ng
mga tao doon bilang asawa niya.
“Don’t worry, masasanay
karin..by the way, pagdating ni Lea pasasamahan na lang kita sa restaurant sa
baba para ikaw na pumili ng kakainin natin. Okay lang ba?”
“Sure, pero pwede rin namang
ako na lang. Tawag na lang kayo doon para naman masimulan na kaagad ni Lea yung
trabaho niya. Nakakahiya naman kung lagi niya na lang akong alalayan di ba, at
saka may mas importante pa kayong gagawin. Siguro naman ngayong nasa hotel
tayo, panatag yung loob mo.”
“Okay. Don’t forget to bring
your cellphone just in case kailangan nilang kausapin ako.”
“Cellphone? Wala akong
cellphone..nasa bag ko yung cellphone ko kahapon nung na-holdup ako sa mall.”
“Ganun ba? ..then bring my
cellphone with you. Tawag ka na lang sa office number na naka-save diyan. ”
“ Okay, sige dalhin ko na lang
yan. Thank you.”
Pagbalik ni Lea ay inutusan
ito ni Richard na tumawag sa restaurant at ipaalam na pupunta si Marian doon
upang may taong aalalay kaagad dito. Si Marian naman ay kasalukuyang sakay na
ng elevator pababa sa ground floor kung saan naroon ang restaurant ng
hotel. Pagbaba sa 20th floor ay may sumakay na lalaking banyaga. May
kausap ito sa cellphone niya at tila nakikipagtalo sa kausap. Namumula pa ang
mukha dala ng sobrang inis nito sa kausap. Medyo natakot si Marian dahil sa
lakas ng boses ng lalaki habang nakikipagtalo kaya bahagya siyang lumayo dito.
Nakita ni Marian na pinindot nito ang button na may markang G kaya naisip
nitong baka papunta din ang banyaga sa restaurant at mag-aagahan.
Magkasunod silang lumabas ng
elevator ng huminto na ito sa ground floor. Upang di sila pagkamalang magkasama
ay hinayaan din niya itong maunang maglakad papasok ng restaurant, nang makita
niya itong malayo-layo na saka pa siya nagsimulang maglakad papasok ng
restaurant. Sa loob, kaagad siyang naghanap
ng staff upang ipaalam ang kanyang pakay habang ang lalaki naman ay nakita
niyang lumapit sa buffet table at nagsimulang kumuha ng pagkain.
“Hello! I’m Marian from Mr.
Lim’s office.”
“ Good morning Ms. Marian.
Please wait for awhile Ma’am at tatawagan ko muna yung manager namin at siya
daw yung mag-aassist kayo. Maupo na po muna kayo habang wala pa si Ms. Sandra.”
“Okay. Thank you.”
Naghanap si Marian ng mauupuan
at ilang saglit lang ay nakakita na siya ng dalawang bakanteng mesa na nasa
bandang kanang bahagi ng restaurant. Maya-maya habang nakaupo si Marian doon ay
narinig nanaman niya ang boses ng lalaking nakasabay sa elevator kanina. Pagtingin
ni Marian sa badang kanan niya ay nalaman niyang nasa kabilang mesa lang pala
ito. May kausap na naman sa cellphone niya. Bumubulong ito sa kanyang cellphone
pero dahil hindi naman maingay sa bahaging iyon ng restaurant at sobrang lapit
lang nito sa kinauupuan niya, dagdag pa ang kalakihan ng boses niya, hindi
maiwasang mapakinggan ni Marian ang bawat sagot ng lalaki sa kausap niya.
Narinig ni Marian nang sabihin
ng lalaki na magbibigay ito ng pera pagnakuha na ang ibabayad sa kanya.
Babalewalain na sana ni Marian ang kanyang narinig at pinaalalahanan ang
sariling masama ang kanyang ginagawang pakikinig sa usapan ng iba pero ng mabanggit
ng lalaki ang napipintong pakikipagkita nito sa may-ari ng hotel biglang
natigilan si Marian. Naalala ni Marian ang gagawing pakikipag-usap ni Richard
sa Australian guest ng hotel.
May kung anong tinig sa loob
ng isip ni Marian ang nagtulak sa kanya na manatili muna at makinig. Habang
nakaupo siya doon, tila nakaramdam si Marian na may kakaiba lalo pa ng sabihin
ng lalaki sa kausap nito na sisiguraduhin niyang makakakuha ito ng malaking halaga
ng araw na iyon upang ibigay sa kausap.
Hindi na talaga maganda ang
hinala ni Marian sa dayuhan, naisip niyang ipaalam ito ni Richard pero natakot
naman siya na hindi siya paniniwalaan ng lalaki kaya nag-isip ng paraan si
Marian. Laking pasalamat ni Marian at pinadala sa kanya ni Richard ang
cellphone nito, nagmamadaling hinanap ni Marian ang camera pagkatapos ay pinili
nito ang video mode.
Bahagya rin niyang iniurong nag
kanyang upuan at nagkunwaring naghahanap ng signal upang mailapit lang ng konti
ang cellphone. Buti na lang at magkatabi
lang silang naka-upo kaya di mahahalata ng lalaki na naka-video pala ito.
Nakuha pa ni Marian ng pag-usapan ng dalawa kung kailan at paano ipapadala ang
pera pagkatapos na makakuha na ito ng pera kay Richard at ang paniniyak ng
dayuhan na gagawin din ng kanyang kausap ang napagkasunduan nila.
“ Ms. Marian?” narinig ni Marian
ang pagtawag ng babaeng naka-usap nito kanina, sa tabi nito ang isa ring
matangkad na babae na nakasuot ng uniform na katulad din ng suot nito. Naisip
ni Marian na siya na marahil ang Sandra na tinutukoy ng nakausap niya kanina
kaya tumayo na siya at pinatay na ang video.
“I’m here.”
“Ma’am dito po tayo.”
Dinala ni Sandra sa buffet table
si Marian upang pumili ng pagkain. Dala ng kaba at nerbyos sa natuklasan ay di
na gaanong nakapag-isip si Marian. Basta-basta na lang itong pumili ng pagkain
at inumin. Atat na atat na siyang makabalik na kaagad sa opisina ni Richard
upang maka-usap na kaagad ang lalaki. Nang sabihin ni Sandra na ipapa-akyat na lang niya sa opisina ni Richard ang mga
pagkain ay di na nagtagal pa si Marian
sa restaurant. Kaagad na itong naglakad papunta sa may elevator.
Ilang sandali ang nakalipas ay
nasa 31st floor na ulit si Marian. Nadatnan niya si Lea sa mesa
nito, kasalukuyang may ginagawa sa harap ng computer. Nang makita siya ay
kaagad siyang tinawag at pinaalam na kasalukuyang may kinakausap si Richard sa
loob.
“Sino? Si Mr. Ivan Hewitt ba?”
“Yes , ma’am. Kakapasok lang po
ni Mr. Hewitt.”
“Naku, patay! Teka lang, may
kailangan lang akong sabihin kay Richard.” Nagmamadaling sumugod sa loob ng opisina ng lalaki si Marian. Walang kaabog-abog nitong binuksan kaagad ang pinto.
Ms Con thank you sa update pero talagang bitin! Please huwag mong patagalin ang kasunod na kabanata, parang awa mo na di ako makahintay ng kasunod na pangyayari :-)
ReplyDeleteEasyyy..chill...hinga-hinga pag may time :D :D
DeleteSaan ang hustisya??? wala pa ang kasunod na chapterssss (LoL). Ms Con nangungulit lang hehehehe..... Sana nice ang weekend ng mga adiks (wink)
Deleteinang kupo ... ms. Conelyn B ... naloloka ako sa sobrang bitinnnnnnnnnnnn parang sherlock holmes lang ang peg hahaha
ReplyDeleteMwahahaha Sherlock Holmes talaga ha! Horror parang The Willing Captive ayaw mo Ate Peng? :D
Deletethen, vampire si singkit ... ako ang unang magpapakagat LOL
DeletePatience is a virtue lang Ms Con.. :) atleast may development na, nagiging touchy na si singkit at kinikilig-kilig na si M+++
ReplyDeletei like that M +++ hindi lang pala ako nag iisa na nag de-dwell sa orig plot hehehe
DeleteAyannn ha ate..kahit wala pang confirmation sa status nila at least nagiging touchy na si singkit! ♥♥♥
DeleteI want MORE than the touchy-touchy hahahahaha
DeleteOMG....ano kaya ang magiging reaction ni RL at ng Mr.Hewitt na yun if ma-reveal ni Marian ang katotohanan...wag sanang pumalpak ang revelation ni Maya at sana siya ang makatulong sa problem ni RL regarding Mr.Hewitt....hmmm i like this sobrang caring and touchy ni RL...simula na ba ito ng mga damoves ni RL? thank you ms.Con for this update...
ReplyDeleteThanks ms Con nexy pls
ReplyDeleteNext na po!!!! Please!!!
ReplyDeleteThank u nlycoen sa update ngayon ko lang nabasa to. ang suspense naman nito. sana maipaalam ni Marian ang mga narinig nya kay Richard bago may masamang mangyari. next na pls!
ReplyDelete