Tuesday, September 16, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 20 )

     Di na nagpapigil pa si Marian at pumasok na ito kaagad sa opisina ni Richard. Nang makita siya ni Richard ay sumenyas sa kanya na maupo na muna siya sa may couch at makikipag-usap na muna ito kay Mr. Hewitt. Pero panay lang ang pag-iling ni Marian habang itinataas pa ang kanyang mga kamay at sumenyas na tila pinipigilan siyang makipag-usap sa dayuhan. Nang mapansin siya ni Richard ay nagsalubong ang mga kilay ng lalaki, nalilito kung ano ang gusto niyang iparating dito. Lumingon sa kanyang likuran ang dayuhan at nakita siya, kinabahan si Marian sa pag-aakalang mamumukhaan na siya nito pero mabuti na lang at hindi.

“Excuse me, I’ll be right back.” Di na nakatiis si Richard ng makitang balisa si Marian. Sa pag aakalang may masama na namang nangyari dito ay nilapitan na niya si Marian. “Where have you been? Bakit ang tagal mo? May nangyari ba sa’yo, huh?” bulong ng lalaki, puno ng pag-aalala ang boses habang kinakausap siya.

Ito namang singkit na ‘to kahit kalian talaga, kung maka-react OA lang .. “Teka lang, huwag mo muna akong guluhin sa mga tanong mong yan, may mas importanteng bagay kang kailangan na malaman – teka nga…nakipag-ayos ka na ba?” biglang kinabahan si Marian, buong akala niya huli na ang lahat.
“Nag-uusap pa nga kami, why?”

“Eii … halika muna!” hinila ni Marian si Richard palabas, di man lang nito binigyan ang pagkakataon ang lalaki na magpaalam sa bisita.

“Teka, bakit ba? Marian yung bisita ko, pwede bang magpa-”

“Huwag na ..halika na, bilis!” di tinantanan ni Marian sa paghila si Richard hangga’t di niya ito napalabas ng opisina niya.


“Oo na..huwag mo na akong hilahin..”. Di maiwasang mag-alala ni Richard na may makakita sa kanila habang hila-hila siya ni Marian palabas.

“May kailangan ka marinig..” hinanap ni Marian sa cellphone ng lalaki ang nai-record na video ng dayuhan pagkatapos ay pinindot ang play button at saka inilapit ito sa may tenga ni Richard. Nagsalubong ang mga kilay ni Richard habang seryosong pinapakinggan ang kuha ni Marian.

Si Marian naman ay nanatiling nakamasid sa mukha ng lalaki, kinakabahan sa kung ano man ang kinahihinatnan ng kanyang ginawa at kung ano ang magiging reaksyon ni Richard sa narinig. Abot-abot ang kanyang panalangin na sana sa ginawa niyang iyon ay may makabuluhan namang resulta pagkatapos. Matapos makita at mapakinggan ang video ay di maipinta ang mukha ni Richard. Napatitig ito ng matagal sa cellphone na hawak niya bago nakuhang lapitan ang mesa ng kanyang sekretarya, na sa mga sandaling iyon ay puno ng pagtataka kung ano ang ginagawa ng mga amo niya.

“Lea, what is the latest update from the security department.” Nagmamadaling usisa ni Richard sa sekretarya niya.

“Sir, wala parin po silang update na bago. Ganun pa din yung sabi nila, wala silang makitang kahinahinalang tao na pumasok sa unit ni Mr. Hewitt sa CCTV.”

Napaisip ng sandali si Richard bago inutusan ang kanyang sekretarya na magresearch online ng kahit ano tungkol kay Mr. Ivan Hewitt. May tinawagan din siya sa kanyang cellphone habang hinihintay na mag-update si Lea ng kahit ano. Maya-maya ay narinig na ni Marian na may kinakausap si Richard at binabanggit na ang pangalan ni Mr. Hewitt. Nakita niya na parang ikinabigla ni Richard ang naririnig mula sa kausap sa cellphone. Ilang sandali pa ay nagpaalam na ito sa kanyang kausap.

“Sir..you have to read this.” Namilog ang mga mata ni Lea habang binabasa ang naka-display sa kanyang monitor, alam na kaagad ni Marian at Richard na may kakaibang natuklasan ang babae online kaya napasugod na sila sa tabi ni Lea upang mabasa ang nasa monitor ng desktop niya.

“HALA!” bulalas ni Marian ng mabasa ang headline ng isang pahayagan sa Australia.

“Sabi ko na nga ba!! Tama nga ang sabi ni Matt! .. Kaya pala kahit anong gawing ulit sa pag-iimbestiga walang mahahanap yung mga security kasi wala naman talagang nangyari! Gumagawa lang siya ng istorya upang may makuhang pera pambayad sa mga taong yan!”

Nabasa nila ang isang report sa isang pahayagan sa Australia na nagsasabing baon sa utang ang naturang atleta dahil sa sugal. May ilang buwan na rin ang balitang iyon pero di na nagdalawang isip pa si Richard na paniwalaan ito.

“Chard, ano na ang gagawin mo?”

“He’s gonna pay for all of these troubles he caused me and my staff! Pati ang image ng hotel muntik ng mapasama ng dahil lang sa kanya!” sagot ni Richard, galit na galit ito kay Mr. Hewitt. Bigla na lang itong bumalik sa opisina nito bago pa siya napigilan ni Marian at ng sekretarya niya.

Mas lalo pang nagalit si Richard ng pagbalik nito sa loob ay maangas pa siyang sinalubong ng dayuhan at binantaan na magtatawag na ng presscon dahil sa pambibitin ni Richard sa pakikipag-usap sa kanya. Muntikan ng suntukin ni Richard ang lalaki mabuti na lang at nagkalakas ng loob si Marian na pumagitna sa dalawa kaya binawi rin kaagad ni Richard ang kamay niya, sa takot na masaktan si Marian ay hinila niya ito palayo kay Mr. Hewitt at iginiya sa may likuran niya.

Ipinaalam na kaagad ni Richard kay Mr. Hewitt na hindi siya magbabayad ng pera at hindi siya naniniwala may nawalang cash o ano mang nasirang gamit sa loob ng unit ng lalaki. Nagulat ang dayuhan sa sinabi ni Richard at nakuha pang magbanta pero nang sinabi ni Richard na may ebidensya siyang hawak na nagpapasinungaling sa claim ni Mr. Hewitt at alam na nitong binablackmail lang siya upang makakuha ng malaking halaga para ipangbayad sa utang niya di na nakapagsalita ang lalaki. Umalis na ito kaagad sa palabas ng opisina ni Richard.

“Woohh! Muntik na yon Chard ah!” Ito kaagad ang nasabi ni Marian nang lumabas na si Mr. Hewitt. Sapu ang kanyang dibdib na hanggang sa mga sandaling iyon ay malakas parin ang kabog nito.

“Okay ka lang ba? Di ka naman nasaktan kanina?” sa kabila ng lahat si Marian parin ang inalala ni Richard, naantig naman ang puso ng babae sa pag-aalala nito sa kanya.

“Okay lang ako, don’t worry..ikaw?”

“ I’m fine..” sunod-sunod na malalalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Richard.

“Lea, pwede bang makahingi ng tubig? Gawin mo ng dalawa please.” Paki-usap ni Marian, nagmamadaling umalis si Lea upang kumuha ng tubig sa pantry nila. Si Marian naman ay nilapitan na si Richard na kasalukuyang naka-upo na sa kanyang swivel chair. Nakapikit ang mga mata nito habang nakasandal ang ulo sa may headrest ng kanyang upuan.

“Ang tanga ko! Muntik na akong makipag-areglo sa gagong yon! Bakit ba kasi di ko naisip gawin yung background check unang araw pa lang na nagkaroon ng gulo sa hotel.”

“Shhh tama na, alam naman nating wala talagang makakapag-isip na posibleng yon ang motibo niya..Saka ayaw mo lang ding lumaki yung issue kaya mo gagawin yong pakikipag-areglo, dib a?.” Marahang minamasahe ni Marian ang balikat ni Richard upang marelax naman ito ng konti.

“Thanks for the help! Kung di dahil sa’yo baka tuluyan na akong naloko ng Mr. Hewitt na yon.” Hinawakan ni Richard ang kamay ni Marian na nasa balikat niya at marahan itong pinisil. Di ito pinakawalan habang nagsasalita sa kanya. Maya-maya pa ay hinila na siya nito palapit at bigla itong yumakap sa kanyang beywang na lubos na ikinagulat ni Marian. Aalisin na sana ni Marian ang pagkakayapos ng mga kamay nito sa kanya pero nang marinig nito ang malalim na buntong-hininga ng lalaki na tila pagod na pagod ito ay naawa naman siya kaya hinayaan na lang niya si Richard.

“Thank you Marian, paano na lang ako kung wala ka…” Di malaman ni Marian kung paano tutugunin ang sinabing iyon ng lalaki. Di niya inaasahang maririnig ang mga iyon mula kay Richard. Gustuhin man niyang isipin na may mas malalim na kahulugan ang mga salitang iyon, pero ayaw naman niyang umasa at baka sa bandang huli masasaktan lang siya kapag malaman niyang siya lang pala ang nag-iisip ng ganoong bagay sa kanilang dalawa.

“Huwag kang OA, para namang sa akin nakasalalay ang paghinga mo noh, anong akala mo sa akin oxygen? ” biro na lang ni Marian kay Richard, sabay ang isang mahinang pagtawa. Hinintay ni Marian ang ganti ni Richard katulad ng lagi nitong ginagawa tuwing binibiro niya ito pero di na ito muling umimik. Nanatili itong nakayakap sa beywang niya. Naisip ni Marian na baka di pa tamang oras na magbiro kaya nag-alala tuloy siyang galit na naman si Richard, upang makabawi ay hinaplos-haplos na lang niya ang buhok nito baka sakaling di na tuluyang uminit ang ulo ng lalaki.

“I’m so tired..” halos pabulong na sabi ni Richard. Di maintindihan ni Marian ang kanyang nararamdaman sa lalaki ng mga sandaling iyon. Alam niya kung ano ang dinanas na hirap ni Richard nitong mga nakaraang araw, dagdag pa ang gulo nilang dalawa. Ang kamay ni Marian na humahaplos-haplos sa buhok ni Richard kanina, ngayon ay tuluyan ng napayakap sa leeg ng lalaki.

Ito ang eksenang nadatnan ni Lea ng pumasok ulit ito sa loob ng opisina ni Richard bitbit ang tray na may lamang dalawang baso ng tubig.

“Ay sorry!” bulalas ni Lea ng makita ang senaryo sa loob. Buong akala niya ay nasa kalagitnaan ng paglalampungan ang dalawa kaya nahiya tuloy ito sa nadatnan.

Kaagad namang bumitiw si Richard kay Marian, parehong nahiya ng makita sila ni Lea. Upang magkunwaring balewala lang sa kanya ang nakita ni Lea, si Marian na ang kusang dumampot ng isang baso ng tubig mula sa tray na bitbit ni Lea at binigay ito kay Richard.

“Inumin mo para gumaan-gaan naman ang pakiramdam mo.” Alok ni Marian ng isang basong tubig si Richard na tinanggap naman kaagad ng lalaki.

Makaraan ang ilang minuto ay dumating na ang isang empleyado galing sa restaurant dala ang isang food cart na may lamang mga pagkain na inorder ni Marian. Masayang nagbreakfast sina Marian at Richard. Magiliw na pinagsilbihan ni Marian ang lalaki, maliban kasi sa ito ang kauna-unahang sabay silang kumain matapos ng ilang araw na di sila magkasama, nalaman din niya mula sa lalaki na kaya ito parang nangangayayat ay ilang araw na din itong di kumakain ng maayos dahil sa mga kinakaharap na problema.

Pagkatapos maayos ni Richard ang problema niya sa hotel, ang problema ni Marian naman ang inasikaso nilang dalawa. Sinamahan ni Richard si Marian sa presinto upang makipagtulungan sa mga pulis na makilala ang babaeng nanghold-up kay Marian sa mall. Inisa-isa ni Marian tingnan ang gallery ng mga notorious na holdaper pero sa kasamaang palad ay di nito nakita doon ang naturang babae. Nangako naman ang mga pulis kay Richard na gagawin ang lahat upang mahuli ito at panagutin ito sa ginawa kay Marian.

Lulan ng sasakyan ni Richard, paalis na sila sa lugar na iyon matapos ang mahigit dalawang oras nilang pananatili doon.

“Anong oras ba yung next class mo?” tanong ni Richard kay Marian.

“Mamayang 2 p.m pa naman.”

“Okay good, may oras pa tayo, may dadaanan muna tayo sandali.”

“Saan?”

“Para bumili ng bagong cellphone mo.”

“Oh..sorry mapapagastos ka pa dahil sa katangahan ko.”

“It’s okay. Sa naitulong mo nga sa akin ngayon, kulang pa yang phone na yan para mabayaran ka.”

“Hoy Mr. Lim, di ako nagpapabayad sa pagtulong ko ha!” depensa kaagad ni Marian sa takot na mahusgahan ni Richard.

“Alam ko naman yon… ang ibig ko lang sabihin, kulang pa yang reward para pasalamatan ka sa ginawa mo hindi lang sa akin kundi sa buong kumpanya rin.”

“ Yung nangyari kanina aksidente ko lang yong nalaman. Nagkataon lang talaga na narinig ko yung usapan nila habang nakaupo ako dun sa restaurant. “

Sandaling napatingin si Richard sa kanya, maya-maya ay nakita ni Marian ang pagngiti ni Richard kaya nagtaka ito sa naging reaksyon ng lalaki. “At bakit ka ngumiti Mr. Lim?” tanong ni Marian kay Richard. Matapos niyang magtanong ay humagikhik na si Richard kaya tuluyan ng umasim ang mukha ni Marian habang nakatingin sa lalaki. “At bakit ka tumatawa?! Nakaka-inis ka na ha!”

“Sorry…it’s just that ngayon nalaman ko may kakaiba ka palang talent. But, in fairness sa talent mo napakinabangan ko naman. May maganda ring naidulot sa ibang tao.”

“What do you mean? At saka anong talent yang pinagsasabi mo? Why do I have the feeling na masama ang susunod mong sasabihin?!”

“Di ba talent ang pagiging chismosa mo paminsan-minsan?” isang malakas na tawa ang narinig ni Marian mula kay Richard.

“Sige tawa ka pa.. sige lang! Ang galing mo talaga Mr. Lim noh, pagkatapos mong pakinabangan ang pagiging chismosa ko pagtatawanan mo lang ako? Tseh!” inirapan ni Marian si Richard na panay parin ang tawa sa kanya.

“Marian, alam mo bang dalawang klaseng tao lang ang ayaw ko? Una, yung pasaway..pangalawa yung tsismosa, sila yung mga taong takaw gulo. Yung tipong kung kasama mo palagi wala kang katahimikan sa buhay -- but come to think of it, yang dalawang yan nakikita ko sa’yo.”

“Ganun?!” Sumusobra na talaga tong singkit na to ah! Di nagustuhan ni Marian ang narinig kaya sumimangot na ng tuluyan. Napahiya siya sa sinabi ni Richard sa kanya.

“Yes – pero bakit para kang magnet sa buhay ko. Di kita kayang iwasan at lagi akong napapadikit sa’yo kahit anong gawin ko?” Sandaling inalis ni Richard sa daan ang kanyang mga mata at isang makahulugang tingin ang ipinukol kay Marian, pagkatapos ay ngumiti sa babae.

Natigilan si Marian sa narinig mula kay Richard. Napatitig ito sa lalaking katabi pero nang di na nakatiis sa mga titig ng lalaki ay siya na ang unang bumawi ng kanyang tingin dito. Biglang lumakas ang pintig ng kanyang puso.

Shete! Sasabog na ata ang puso ko sa sobrang kaba. Ano bang pinag-gagawa mo sa akin damuho ka! Huwag kang ganyan please lang maawa ka na! Ito ang isinasaad ng isip ni Marian habang pinipilit pakalmahin ang kumakabog-kabog niyang puso.

15 comments:

  1. 100 points for M ... pero ...
    bitinnnnnnnnnnnnnnn ... at ano tong ginagawa mo sa akin madam con, maloloka na naman ako nito sa kahihintay ng sunod na pangyayari at kung kailan sila magkaka aminan ... pilit kong d kiligin, pero wapakels LOL pero teka nga lang, i smell something fishy sa girlalo na nang hold-up kay M ... naku malilintikan ka sa akin pag tama ang hula ko, d lang sabunot ang aabutin mo sa akin ...

    ReplyDelete
  2. Huwag po..huwag po maawa ka sa akin Ate Peng, chos! Hahaha

    Smell something fishy talaga ha..LOL!

    ReplyDelete
  3. hala ... hindi ikaw con, ung girlalo ang malilintikan hahahahahahaha ... basta i have a hunch, parang HUNCHback lang LOL

    ReplyDelete
  4. hahaha... akala ko din si ms.con ang malilintikan =) ... mas exciting na story at talaga namang laging bitin.... sana di magtagal yung kasunod! demanding na ang adik! ahaha tnx ms. con lagi ko check ito =)

    ReplyDelete
  5. Ms Con maraming Thank you sa update! please wag naman masyadong matagal ang susunod na update..... buti na lang pasaway at tsismosa si Maya, di nawala ang milyunes ni Ricardo..... bumawi ka ng todo-todo Ricardo para naman gumaan ang loob ni Maya!

    ReplyDelete
  6. parefresh refresh lang may lumalabas din....
    please lang con wag na patagalin ang next....

    ReplyDelete
  7. shacks, buong buo pala name ko dito :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ate Nanette, nabagabag ka talaga ha buong-buo ang name mo dito..hahahaha

      Try ko talagang mag-update lagi..minsan kasi mas gusto ko na lang magtype ng magtype at ipunin na lang para di na ako magdalawang-isip sa takbo ng kwento

      Delete
  8. gossshhh...may paakap-akap pa sa bewang ni M si Ricardo...dumadamoves ka lang ata eh Ricardo.. at dinadaan mo pa sa pa-pick up line ha 'para kang magnet sa buhay ko...lagi akong napapadikit sa'yo kahit anong gawin ko"....shet!na malagket!...pa-cute ang peg? haha sana eto ang simula ng true rebelasyon ng feelings nila sa isa't isa...next chapter na Ms.Con wag naman super tagal oh..

    ReplyDelete
  9. Ang mag-asawang to tlaga.. Dipa mag-aminan ng nararamdaman eh halata naman.. :) pero ok lang din basta ba sipagin si Ms Writer sa pag update :)
    Thank you for this post and Godbless po

    ReplyDelete
  10. Way to go M!!!!!,waaaah! Dumadamoves na si Richerd! Hahhaha...pero hinihintay q tlga yung part na alam ni M na ninakawan sya ng halik ni Richerd!!! Hahaahah..ngaun pa lang kinikilig na tlga aq..andami pa pwedng mangyari at excited na q mabasa yun kaya Ms.Con sana hindi maxado matagal ang next chapter!!! Thankeee!!

    ReplyDelete
  11. Pansin ba ninyo ang daming nangyari before ng rebelasyon ng true feelings nila? Ang daming na-miss ng version 1 noh? And dadami pa yan kaya hold on tight ( ♫ you know it's a little bit dangerous! LOL!)

    ReplyDelete
    Replies
    1. kasi high na high ang mga minions during ng first version, gusto sunggaban kaagad LOL

      Delete
  12. Thanks ms Con may sparks na. Kasunod pwede na mag ignite

    ReplyDelete
  13. Thank u nylcoen da update. mukhang may magandang development na ang relationship ni Marian at ni Mr Lim. sana tuloy tuloy na yun at sana meron ng kasunod na chap agad. Cheers!

    ReplyDelete