Thursday, September 18, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 21 )

     Balik sa dating nakaugalian sina Marian at Richard. Hinatid siya nito sa university pagkatapos dumaan sa isang shop upang ibili ng bagong cellpone si Marian. As usual, mahigpit ang bilin nitong huwag aalis ng university at siya parin ang magsusundo kay Marian. Pero sa kasamaang palad, pasado alas sais na ng gabi, tumawag si Richard kay Marian at pinaalam sa babae na naipit ito sa traffic kaya matatagalan ito sa pagsundo sa kanya. Buti na lang at andun parin ang mga kaibigan na sina Edselyn, Mary Faith, at si Emman kaya di siya mababagot sa paghihintay dito. Hot topic parin sa kanila ang nangyari kay Marian sa mall. Panay ang paghingi ng pasensya ng mga ito sa kanya dahil wala ang mga ito nang mangyari ang holdapan at sa pag-aakalang galit si Richard sa kanila kung bakit di nila nagawang protektahan si Marian.

“Okay lang kayo? Bakit naman magagalit si Richard sa inyo alam naman niyang di natin inaasahang mangyari yon. Actually, sa akin pa nga siya naiinis kasi di ko siya sinunod kaya huwag na kayong mag-alala, okay?” paliwanag ni Marian.

“Sigurado ka ba girl? Kasi nakakatakot si Richard kahapon..yung mga titig at reaksyon niya habang nakikipag-usap sa mga taong nakapaligid nakakatakot! Titig pa lang matalim na, nakakasugat!” eksaheradang saad ni Edselyn, may himig pagbibiro man pero may bahid na konting katotohanan naman.

“Sure na sure ako Eds! Kaya huwag ka ng mag-alala. Okay?”


“Alam mo, kung di lang namin alam kung ano talaga yung sitwasyon ninyong dalawa..masasabi na talaga naming para kayong tipikal na mag-asawa. Sa mga gestures ni Richard sino bang mag-aakala na di man lang kayo dumaan sa ligawan base? Yung mga haplos at hawak hayyy juice colored! Para lang kaming nanonood ng pelikula sa inyo!!” bulalas naman ni Mary Faith, na sinang-ayunan naman ng dalawang kaibigan niya.

“Grabe ka naman.. natural lang naman siguro yon no..syempre nag-alala yung tao. Takot magalit si lolo kung sakaling may masamang nangyari sa akin. Alam mo naman yung lolo niya, medyo may pagka-OA din pagdating sa kapakanan ko.”

“I know right?! Ang sweet sweet at caring sa’yo! Bakit kaya di na lang siya yung nanligaw sa’yo noh?” biro naman ni Emman kaya tawanan ulit silang apat.

“Loko-loko ka talaga ano? Pati si lolo pinagtri-tripan mo!”

“Biro lang naman girl..pero seryoso.. Kahapon, ibang-iba si Richard. First time ko nakita na ganun siya ka-praning..yung tipong wala ng pakialam kung ano yung sasabihin ng makakita sa inyong dalawa. Sanay kasi akong makita siyang laging stiff – yung businessman na businessman ang dating kahit wala na sa opisina. Pero sa restaurant kagabi, ay girl! Iba!!!”

“Kayo talaga, huwag na kayong mag-isip pa ng kung anu-ano pa diyan. Nag-aalala lang talaga yon kasi nga syempre kargo niya ako. Kung ano ang mangyari sa akin, malalagot siya sa lolo niya at kay nanay din.”

“Hindi eh..iba talaga nakikita ko sa kanya kahapon Marian..ibang-iba..” pangungumbinsi pa ni Emman sa kanya.

“Ay ewan ko sa inyo.” Huwag ‘nyo ng gatungan pa yung kakaibang nararamdaman ko at baka maniwala na talaga ako! Lihim na natatawa si Marian sa takbo ng kanilang pag-uusap. Di niya maamin sa mga kaibigan sa takot na pagtawanan siya ng mga ito.

May ilang minuto pang nag-usap ang tatlo hanggang sa nakatanggap ng text si Marian mula kay Richard. Dumating na ang lalaki at hinihintay na siya sa may parking area kaya nagpaalam na si Marian sa tatlo at pinuntahan na ang lalaki. Di naman nahirapang hanapin ni Marian ang sasakyan at kokonti na lang ang natitirang sasakyan sa area.

“Hi!” masayang bati ni Marian sa lalaki pagsampa niya sa loob ng sasakyan nito.

“Ano yan? Umalis ka na naman kanina?” Kunot ang noo at salubong ang mga kilay nito habang nagtatanong sa kanya. Nakatingin ito sa bitbit niyang mga paper bags.

“Hindi, ah!..Ah ito ba?” Itinaas ni Marian ang dalawang paper bag para ipakita kay Richard. “ Nakalimutan ko tong iuwi kagabi. Ito yung mga binili ko kahapon. Buti na lang di nakalimutan na bitbitin ni Eds paglabas ng restaurant kagabi. Nakalimutan niyang iabot sa akin nung paalis na sila kaya ayun..dinala na lang niya pauwi. Dinala na lang niya kanina para iabot sa akin. ” Nakangiting paliwanag ni Marian sa lalaki. Gusto sana niyang ipaalam ang tungkol sa binili niyang regalo para dito pero naisip niyang saka na lang niya ibibigay pagdating sa bahay.

“ Ah okay.. eh, yan..ano naman yan?” tanong ulit ni Richard habang nakaturo sa isa pang paper bag.

“Ah ito, chocolates. May nagbigay sa akin.”

“Sino?”

“ Ummm “ Di malaman ni Marian paano ipapaliwanag kay Richard kasi di niya alam kung kanino galing.

“Wait.. don’t tell me di mo kilala ang nagbigay?!” kapansin-pansin sa tono ng boses ni Richard na di nito nagustuhan ang nalaman mula kay Marian kaya biglang nataranta si Marian sa pag-iisip kung paano ipapaliwanag sa lalaki na di siya pag-isipan ng masama nito.

“Kasi..kasi ganito yon. May nagbibigay kasi sa akin everyday, di naman nagpapakilala..nagsawa na ako kakatanong kaya pinapabayaan ko na lang..actually ilang buwan na rin naman tong ganito palagi kaya nakasanayan ko na lang.”

“Di mo dapat tinatanggap ang mga ganyan lalo pa at di mo kilala sino ang nagbigay. What if may lason yan? Or expired..or – basta! Delikado yan Marian, ano ba..” Magkahalong pag-aalala at inis na ang boses ni Richard sa puntong iyon.

Natigilan naman si Marian, kinuha niya ang mga chocolates at inisa-isang tingnan ang expiration date nito. “ Di pa naman eh..sa susunod na taon pa naman tsaka kung may lason to dapat nakabukas..sealed pa naman siya oh. Ikaw naman ginawa mo pa akong si Snow White. Sayang din naman kasi kung itatapon ko lang, malay mo may scratch card pala na kasama to sa loob at mananalo ako ng cash di ba?. “ nagawa pa talagang magpatawa ni Marian sa kabila ng pagka-irita ni Richard sa kanya. Nang makita nitong mas lalo lang sumimangot si Richard, di na nakuhang ngumiti pa ni Marian kaya umayos na lang ito sa pagkakaupo, inabot ang seat belt at ikinabit na ito.

“This will be the last time na tatanggap ka ng mga regalo galing sa mga taong di mo kilala, maliwanag ba? For Pete’s sake Marian, even toddlers knows that, alam mo ba yon?”

Ano bang problema ng singkit nato at ginagawang big deal ang tsokolate? Kailangan ko pa bang ispilingin sa’yo na galing sa isang secret admirer kaya di nagpapakilala? “Di naman kasi ganun lagi yung case..paano na yung mga lalaking nanliligaw kung minamasama na lang ng lahat ng tao ang pagbibigay ng chocolates?” mahinang bulong ni Marian habang nakatingin sa labas ng kanyang bintana.

“Narinig ko yon..pinagmamalaki mo bang marami kang manliligaw, ha..Marian?” napakagat-labi na lang si Marian ng marinig ang tanong ni Richard. Di makuhang sagutin at baka mas lalo pang magalit sa kanya.

Maya-maya ay binuhay na ulit ni Richard ang makina ng kotse niya at mabilis na nag-drive paalis ng parking area. Di na muling narinig ni Richard ang boses ni Marian, sa pag-aakalang mauuwi na naman sa di pagkikibuan ang nangyari sa kanila siya na ang nagkusang magsimula ng usapan.

“Kanina pa ba kayo natapos?” sinubukan niyang maging kaswal ang dating ng boses upang hikayatin ang babaeng makipag-usap sa kanya.

“Medyo..5:30 yung labas namin kanina . Sobrang traffic ba?” medyo guminhawa ang pakiramdam ni Richard ng marinig nito ang malumanay na sagot ng babae sa kanya.

“ Oo eh. Nakalimutan kong medyo busy na pala doon sa area ng Alliah’s pagdating ng alas kwatro ng hapon. “

“Alliah’s? Akala ko galing ka sa hotel?” nagtaka si Marian kung bakit napunta sa lugar na iyon ang lalaki, pero nang maisip niyang isang condominium ang lugar na iyon saka lang niya naisip ang posibilidad na dinaanan nito si Cheska.

“May dinaanan lang ako sandali kay Cheska bago ako tumuloy dito.”

Nang makumpirma ni Marian mula sa lalaki na galing nga ito kay Cheska, may konting kirot sa dibdib na naramdaman si Marian. Ayaw naman niyang mahalata siya ni Richard kaya sinikap nitong umaktong normal lang at di siya apektado kahit sa loob-loob niya ay para siyang nanghihina.

“Ahh ganun ba..Oo nga, ma-traffic na dun sa mga oras na yon.” Kung nalaman ko lang na dadaan ka pala dun sana si Kuya Jonas na lang ang nagsundo sa akin. At sana di mo na lang kinwento ..nakakainis ka! Masaya na sana eh…pinutol mo pa! Himutok ng damdamin ni Marian.

Di maiwasang di manghina si Marian sa nalaman niya Buong araw siyang parang lutang sa alapaap sa sobrang kilig sa mga pinag-gagawa ni Richard, ngayon pakiramdam niya para siyang biglang inihulog ng lalaki sa alapaap na sinasakyan niya. Shete! Masakit ang mauntog..lalo pa ang mahulog!




That night, nakaupo sa may veranda si Marian. Kakatapos lang niyang makausap ang nanay niya at si Roberto. Ipinaalam niya ang bagong number sa mga ito. Puno ng pag-alala ang mga matatanda sa kanya pero tiniyak niya sa mga ito na okay lang siya at nang di na sila mag-alala sa kanya.

Pagkatapos maka-usap sina Teresita at Roberto, nanatili ng ilang sandali si Marian sa veranda upang mapag-isa at makapag-isip. Sa mga sandaling iyon, naguguluhan si Marian kung ano ang kanyang gagawin. Nang dahil sa pagiging karenyoso at pagkamaalalahanin ni Richard, mukhang unti-unti na siyang nahuhulog sa lalaki. Bagay na iniwas-iwasan sana niyang mangyari. Muntik na talaga niyang isipin na pati si Richard ay nahuhulog na din sa kanya pero yon pala ay hindi. Sa kabila kasi ng lahat ng masasayang nangyari sa kanila ngayong araw na iyon, may isang bagay pa ring masakit tanggapin para kay Marian. At yon ay ang  katotohanang bukod sa kanya ay may isang tao ring pinasaya si Richard ng araw na iyon, si Cheska.

Di ako madamot..pero di naman ako manhid para di masaktan..masakit ... slight! Napapangiwi si Marian habang sapo ang kanyang dibdib. Dinadama ang hapdi na nararamdaman. Kasi naman eh… sinabi nang huwag magpa-apekto sa charms ni singkit di nakikinig, ayan tuloy ngayon. Serves you right, Marian..matigas kasi ulo mo! Tsk tsk tsk

Ayaw ni Marian na maging madamot lalo pa at alam niya kung ano ang lugar niya ng bumalik ang babae sa buhay ni Richard. Sa ayaw at sa gusto niya, dadating talaga ang oras na kinailangan na din niyang iwanan si Richard para maipagpatuloy na ng dalawa ang kanilang naudlot na pagmamahalan. Pero di rin maiwasang umasa siya ng kaunti.. Ito naman kasing si singkit..paasa! Hay naku, Marian! 

Kasalukuyang nasa kanyang pagmuni-muni si Marian ng bigla na lang lumitaw si Richard sa kanyang harapan. Hinila nito ang upuan sa harap niya at umupo dito. Napa-igtad pa si Marian sa sobrang gulat ng makita siya.

“Bakit?” pati tuloy si Richard nagulat din sa naging reaksyon niya. Inakala kasi nitong nakita na siya ng babae bago pa man siya umupo at nakaharap naman si Marian sa hagdanan kung saan siya dumaan kani-kanina lang.

“Ha? Wa-wala..”

“Nakausap mo na sina lolo?”

“Yes, kanina pa. “

“ Nagalit ba si lolo sa akin?”

Bahagyang ngumiti si Marian kay Richard, alam na alam talaga ng lalaki kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang lolo. “Slight lang..pero sinabihan ko naman siya na okay lang ako at di mo kasalan, ako lang talaga yung pasaway at di kita sinunod kaya safe kana sa part na yan.”

“And what about the other part?”

“Syempre, yung tungkol sa hotel. Di ko alam kung sino ang nagkwento sa kanya pero nakarating na sa kanya yung balita. Sorry ha, pero inunahan na kitang magkwento ng nangyari kanina. Di ko kasi matiis si lolo pag ganyang nagagalit siya. Nag-aalala ako sa kanya.”

“That’s okay. At least ikaw yung nagsabi sa kanya. Alam ko na pag nag-usap na kami di na siya masyadong magagalit sa akin.”

“Di ka talaga galit?”

“No.”

“Kahit ginamit ko na naman ang pagiging chismosa ko?”

Tumawa ng malakas si Richard. Di nito inasahan na maaalala ni Marian yung sinabi niya kanina. “It’s fine, really. Huwag mo ng alalahanin yon.”

“Okay. Sinabi mo eh… So ngayong wala ka ng problema sa hotel at pati na rin yung sa project mo sa Cebu. Ibig bang sabihin niyan panatag kana sa meeting mo with the Board of Directors?”

“Umm 90% yes.” Sagot ni Richard sabay ang isang ngiting nagpalitaw ng kanyang dimples.

“Mabuti naman. Huwag kang mag-alala Richard, alam ko magiging okay ang kalalabasan ng meeting na yan.“

“Sana nga. Imagine all the hardships na pinagdaanan ko at ng staff  these past few days. Sana maging okay naman ang kalabasan ng meeting. Pero maisip ko lang yung mga complains ng Board against me, medyo nag-aalala din naman ako but then I have my own reasons. Kailangan ko lang talaga kumbinsihin sila na inisip ko rin naman yung mga actions ko at di lang base sa init ng ulo ko.”

“ Alam mo Chard, minsan kasi bawas-bawasan mo din yung pagiging strict at pagka mainitin ng ulo mo. Kaya ka din pinag-iinitan ng mga tao dahil dun eh. Minsan kasi huminahon ka muna bago ka magsalita.. alam mo yung..huwag kang sumimangot at sumigaw kaagad.”

“So ipinagdidiinan mo talagang mainitin talaga ang ulo ko?”

“Umm oo!” ngumiti si Marian kay Richard pero napa-ismid lang ang lalaki sa kanya. “Alam mo Chard, minsan napapa-isip ako. Sa tinagal-tagal ko dito sa bahay mo, never ko nalaman na lumabas ka kasama yung mga friends mo. Why don’t you do it one of this days..baka kailangan mo lang ng break from work to unwind..relax. Baka sakaling pag gawin mo yan made-destress ka at di ka laging bugnutin sa opisina.”

Sandaling napa-isip si Richard. Nakatitig lang ito kay Marian pagkatapos ay ngumiti at tumango-tango. “Okay…”

Nagtaka si Marian sa daling sumang-ayon ni Richard, ayaw naman niyang magalit ang lalaki kung sakaling makita nitong nagdududa siya kaya naisip niyang huwag ng maging nega pa. “Aprub!” ngumiti si Marian sabay ang pataas ng kanyang dalawang kamay at nag thumbs-up sa lalaki. “By the way, magpapaalam lang ako bago ko makalimutan. Pwede ko bang dalawin si nanay sa weekend? “

“Pinapapunta ka ba niya?”

“Hindi naman, kaso nami-miss ko na si Nanay eh.”

“Yeah sure.”

“Thanks, Chard! After ng class ko diretso na ako sa kanya ha?”

Tumango lang si Richard kay Marian bilang tugon nito. May ilang minuto pang nanatili ang dalawa sa veranda at nagkukwentuhan. Ibinahagi ni Richard kay Marian ang ilang detalye ng LH-Cebu. Kagaya ng lalaki, naging excited at masaya din si Marian sa takbo ng proyektong ito ni Richard.

10 comments:

  1. ang sakeeeet huhuhu hala ayan nauna ng mahulog sa bangin si M kesa kay singkit huhuhu ... kelan ba maisako yang Cheska na yan ng tuluyan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. As usual ate ..pero konti na lang magkaka-aminan na yan..itago mo sa singkit na mata ni Richard LIm :D

      Delete
    2. ito na lang inspirasyon ko Con dahil lost na ako sa real show hehehe

      Delete
    3. *Itaga ..bakit ba itatago pa..singkit na nga itatago pa, pahihirapan pa kita lalo hehe

      Delete
    4. hehehe, kung d mo sinabi Con, d ko din na realize na "itago" pala makasulat, sa utak ko "itaga" na kac ... may mabuti din palang naidudulot ang pagiging dyslexic ko kung minsan LOL

      salamat at nakapasok akong muli ... hinahanap ko si 22 baka nagtatago na dyan sa tabi tabi LOL

      Delete
  2. hay naku... kahit kelan mas natatawa ako sa conversation kesa story... dagdag aliw! hahaha tnx sa update ms. con... keep the fire burning! =)

    ReplyDelete
  3. Ms Con pwede mag-request: sana araw-araw may update gaya dati..... sobra kasing nakakabitin pag-malayo ang pagitan ng update? Pasensiya ka na medyo atat lang although may idea na sa story pero excited lang sa mga twists..... thanks ;-)

    ReplyDelete
  4. kelan ba namin masisilayan ang rainbow....sana mag-level up na ang status ng relationship nila M and RL dito...para makaramdam na ulit kami ng kilig...kasi sa show madalang na sa patak ng ulan ang closeness nila...tulad kanina kahit sa paglalakad nila M & R di na siya inaalayan ni R...wala man lang akbay or holding hands...i dont know - or praning lang ako...thanks Ms.Con sa update!

    ReplyDelete
  5. Thanks Ms Con enjoy reading kahit may bagyo

    ReplyDelete
  6. thank you nylcoen sa update. Kala ko wala akong mababasa itong weekend, then dumating ito. Mabuti naman at maski papano nagkakausap na si Richard at Maya tungkol sa kanilang daily life. Next chap na sana agad, cheers!

    ReplyDelete