Nagpapalipas
ng oras sa may tambayan ng barkada sina Marian at Edselyn bago magtungo
sa meeting na dadaluhan nila. Habang naguusap ay kapansin-pansin na
panay ang sulyap ni Marian sa kanyang cellphone kaya di na nakatiis ang
kaibigan at nagtanong na kay Marian.
“Oh Marian…Anong problema mo? Kanina ka pa check ng check sa phone mo, porke bago di mapigilan ang sarili na hindi maya-maya tingnan?”
“Lukaret ka talaga Eds!” napatawa ng malakas si Marian sa biro ng kaibigan.
“Eii kasi naman, kanina ka pa diyan panay ang sulyap sa phone mo. May hinihintay kang tawag?”
“Ha? Ah ..oo.”
“I see..let me guess…si moreno o si chinito? Ay wait, kung si moreno..kanina lang kasama natin..tama, si chinito yan..sure na ako!”
“Ikaw talaga! Eh kasi kanina sabi niya tatawagan niya daw ako pagkatapos niya sa meeting niya pero anong oras na teh! Wala parin oh!”
“hmmm bakit may usapan ba kayo?”
“Hmmm wala naman, sabi lang niya tatawagan niya ako, kasi di ba mamaya kay nanay ako uuwi. Ewan baka may ipagbibilin lang or what, basta ng sabi niya hintayin ko raw tawag niya. ”
“Ahhh .. Nakakapanibago yata at ngayon hinihintay mo na ang tawag niya? Di ba dati inis ka naman pag tinatawagan ka na nun? Ano, nami-miss mo na noh? Uyyy!”
Gusto sanang magkunwari si Marian na hindi ito totoo pero pinagkanulo siya ng kanyang mukha ng magsimula na siyang mamula. “Edddsssss! Eiii … Hindi namana sa ganun..eiii ano bah..ay ewan! Ang gulo, di ko alam..basta!”
Tinawanan lang ni Edselyn si Marian ng makita ang reaksyon niya, di kasi ito inasahan ng kaibigan. Buti na lang talaga at silang dalawa lang doon kundi pinagtripan na siya ng iba pa nilang kabarkada pagnarinig at nakita siyang naguguluhan sa nararamdaman niya ngayon sa taong kinaiinisan niya noon ng sobra-sobra.
“Aminin mo na kasiiii..in-love ka na kay chinito?! Di ba? Di ba? Eiiii” Pigil na tili naman ni Edselyn, pati ang babae ay namumula sa sobrang kilig at gulat sa takbo ng pangyayari.
“Ewan! These past few days kasi parang we get along well. There are times na nagsusungit pa din siya but mas maraming kilig yung naïf-feel mo? He is so so sweet to the point na nakakapanibago na talaga pero masaya naman ako sa ginagawa niya. Alam mo yon?...Yung sobrang saya pag andiyan siya..pag wala parang bigla-biglang hinahanap-hanap mo siya?”
“Uhmmm, tapos yung lagi ka na lang nakangiti pagnakikita na siya?”
“Oo!! ”
“Eh teka nga!! Tell me nga Marian, tayo lang naman dito eh..may nangyari na ba?” Kumikindat-kindat pa si Eds while asking Marian and burst out laughing nang makitang namumula na siya. “Meron na??!!”
“Wala! Loka ka! Ano lang….kiniss niya akoooo! Dalawang beses, Eds! Dalawang beses sa lips!! “ Marian finally admitted, may halong kilig na di maintindihan. Pagkatapos ay tinakpan ang mukha dahil nahihiyang makita kung ano ang magiging reaksyon ng kaibigan niya.
“Oh my!!! Sa lips??? Oh wait, saang lips?”
“Loka ka talaga Eds! Dito oh! Sa lips! Dito sa lips, may iba pa bang lips kundi itong nasa taas?!” Sagot naman ni Marian habang tinuturo ang kanyang nguso. Alam naman niyang binibiro lang siya ng kaibigan niya pero di niya talaga mapigilan na di magpaliwanag. Si Edselyn naman ay panay ang tawa sa kanyang sagot.
“Oh my geee! Kinikilig ako! Tell me, bakit? Paano?”
“Ehhh, basta ano yon…natulog ako nun tapos yun..kasi di ba yung bed pag bigla kang magmove..”
“You mean..it was by accident?”
“Siguro, na-feel ko na lang may biglang nagkiss sa akin, ididilat ko na sana yung mata ko pero pakiramdam ko kasi na medyo malapit yung mukha niya kaya sinisikap ko na lang huwag idilat yung mga mata ko, nagkunwari na lang akong tulog. Nahihiya kasi akong malaman niya na gising pala ako. Tsaka malay ko ba kung tulog yon at aksidente lang talaga ang nangyari tapos pag idinilat ng mga mata ko magkasabay pa kami, eh di akalain pa niyang ako yung humalik sa kanya?” kwento ni Marian sa kaibigan niya.
“Tapos pagdilat niya? Ginising ka niya at hinalikan ulit?”
“Hindi noh..kahit naman gisingin niya ako di ko ididilat ang mata ko noh! Nakakahiya kaya!”
“Baliw ka din ahh!” Tawa ng tawa si Edselyn kay Marian habang nakikinig. Tawa na may halong kilig din.
“Eh kasi naman di ba..nahiya ako..pero ano…nagulat ako.”
“Bakit?”
“Kasi ayun..naramdaman ko ulit yung labi niya, kiniss niya ako ulit, di lang basta dampi yon kasi medyo nagtagal ng ilang seconds eh, lapat na lapatttt!! "
Di sinasadyang napasigaw si Marian at Eds sa kilig pagkatapos niyang sabihin iyon, pero ng pinagtitinginan na sila ng ibang mga estudyante tinakpan na lang nila ang kanilang mga bibig para di na sila masyadong maingay.
“Eds, ano ba..bakit ka ba kinikilig, dapat ako lang! Ako yung hinalikan eh!”
“Bruha ka din ano? Pigilan ba akong kiligin. Anong magagawa ko kung masaya ako para sa’yo?” panay parin ang pagsigaw ng dalawa habang takip-takip ang kanilang mga bibig dahil sa kilig. Nang huminahon na, maya-maya ay niyakap na ng mahigpit ni Edselyn ang kaibigan niya.
“Honestly, I’m so happy for you Marian! "
“Awww, I’m so happy for myself too Eds!” Nagtawanan na naman ang dalawa sa sinabi ni Marian.
“Seriously Marian, di ba sabi ko naman sa’yo mukhang nahuhulog na ang loob mo sa kanya at siya rin naman, ganun din sa’yo. Pag nalaman nina Mary Faith at Emman to, alam ko magiging happy din sila sa’yo. Bart is good but the thing is, kasal na kayo ni Richard di ba. Since everything is working perfectly fine now, might as well let it be since it’s the right thing to do din naman. Di ko kaya ma-explain kung bakit sa tingin ko mas bagay kayong dalawa. I think ikaw lang ang makaka-explain nun kasi kayo lang naman magkasama palagi, di ba.”
“Well..siguro tama yung sabi nila..opposite attracts..ganyan naman kami palagi..siya yung seryoso ako naman hind,i obviously. Lagi kami nagbabangayan pero yung tipong inis ako ngayon pero lumilipas din naman . Nakikita ko rin yong effort niya to take care of me..alam mo yon?”
“So, totohanan na ba talaga?”
“Ang alin?”
“Yung relationship ninyong dalawa ni Richard, ano pa nga ba?!”
“Honestly, di ko alam..” mahinang tugon ni Marian. “Di naman namin pinaguusapan eh.”
“Oh! “ may konting disappointment sa tinig ni Edselyn, di maiiwasan iyon dahil ang gusto lang naman nito ay tuluyan ng lumigaya si Marian. “Okay lang ba sa’yo yun girl? I mean, di ba yon magiging unfair na hindi ninyo pinag-uusapan kung ano ba talaga ang status ninyong dalawa?”
“Di nga siya medyo maganda but then again, wala naman akong hinahangad eh. From the start may usapan na kaming napagkasunduan, ayoko naman magmukhang ako pa yung naghahabol sa kanya. Ang importante sa akin, ngayon masaya ako.”
“uhmmmm… Alam mo, confirm! -- In-love ka na sa kanya! May ganyang linya kana eh..yung pa-martir kuno?!”
“In-love kaagad? Di ba pwedeng crush ko lang siya?”
“Crush? Jusme, Marian..ano ka high school? "
“Eii..basta! Tsaka paano ko naman malalaman kung love ko siya eh di ko pa naman naranasan magka-boyfriend.”
“Oo nga pala..ikaw pala ang dakilang NBSB, kasi di ka pa nagka-boyfriend, nagka-asawa kana kaagad.”
“Exactly! … Eds, sa tingin mo, bakit kaya niya ako hinalikan?”
“Bakit mo sa akin tinatanong eh di naman ako si Richard..itanong mo kaya sa chinito mo. And kung sakaling dumating ang time na magkakalakas ka talaga ng loob na itanong yan, paki-tanong na rin sa kanya kung ano ang real score ninyong dalawa ng chinitong yan, hmmm?!”
Sandaling natigilan si Marian. Napa-isip, may point din naman ang kaibigan niya, pero natatakot din naman siyang gawin ito dahil baka ma-spoil lang niya ang napaka-gandang samahan nila ni Richard. Napabuntong-hininga nalang si Marian. Imbes na pahirapan ang sarili na mag-isip ng mag-isip, ibinaling na lang niya ng kanyang atensyon sa ibang bagay. Sa mga sandaling iyon, ang kanyang bagong cellphone ang napagdiskitahan, hanggang sa maya-maya ay isang makahulugang ngiti ang nakita ni Edselyn sa kaibigan niya.
“hmmmm alam mo ba Eds, sa kakachinito mo kay Richard binigyan mo ako ng isang magandang ideya. Alam ko na kung ano ang itatawag ko sa kanya, Mr. Chinito. Papalitan ko na ang Singkit na na naka-save dito..kung si Bart ang naka-save ay Crush ko, siya naman si Mister Chinito, ang mister kong chinito..pero dahil di kasya shortcut ko na lang..”
Pinalitan ni Marian ang pangalan na nakalagay sa contact list niya, from Singkit pinalitan nya ito ng Mr.Chinito . Napailing na lang si Edselyn habang nakatingin kay Marian. Kakatapos lang i-edit nito ang pangalan ni Richard nang biglang nakatanggap siya ng tawag mula sa lalaki.
“Oh ayan na si mister na chinito mo..tumatawag, siguro naramdaman na pinag-usapan natin. Sige na sagutin mo na yan, punta muna akong C.R..dalian mo ha at malapit na yung meeting.”
Tumango lang si Marian pagkatapos ay sinagot na ang tawag habang si Edselyn naman ay nagmamadaling naglakad patungo sa loob ng building upang pumunta ng C.R.
“Hello?” bati pa lang ni Marian nakangiti na siya kaagad. Kahit di nito nakikita ang kausap ay naramdaman parin niya ang pag-init ng kanyang mukha.
“Hi, sorry medyo natagalan akong tumawag. Medyo di ko inasahan na magtatagal pa yung meeting eh. Asan ka na ngayon?”
“Nasa university pa. May meeting pa kasi kami ng org namin.Ikaw pauwi ka na ba?”
“ Hindi pa, may tatapusin pa ako. Importante kasi yon dahil gagamitin ko sa meeting on Monday.”
“Ah okay .. matatagalan ka diyan sa office?”
“ Di naman masyado, why?”
“ Wala lang..kasi di ba Friday ngayon? I’m sure yang mga empleyado mo gusto ring gumimik or umuwi ng maaga kasi weekend. Naalala mo yung sabi ko sa’yo na lumabas-labas ka naman diyan, bakit di mo gawin yan ngayon?”
“Hmmm… okay fine..gagawin ko yan mamaya. Para ma-relax naman ako before the meeting on Monday."
“ Okay.. “ mahinang tugon ni Marian pero ang totoo, hindi okay para sa kanya ang narinig na sagot mula kay Richard. Mas gusto sana niyang marinig na sabihin ng lalaki na uuwi na lang ito sa bahay nila para doon magpahinga kesa sa sumang-ayon sa sinabi niya. Ang totoo kasi, natatakot siya sa posibilidad na si Cheska ang makakasama ng lalaki sa gabing iyon at maaring sa buong magdamag pa.
“Hello? Marian..still there?”
“Yes! Ahm Chard! Tinatawag na ako ni Eds, magsisimula na ata ang meeting. Sige bye na, enjoy ka na lang mamaya.” Pagsisinungaling ni Marian upang tapusin na ang pakikipag-usap sa lalaki at nawawalan na siya ng gana sa takbo ng kanilang usapan.
“I will..sige bye.. Ingat ka mamaya, i-hi mo na lang ako kay nanay.”
“Okay..bye!” mahinang tugon ni Marian.
Dahil sa kapraningan ni Marian, sumama lang ang kanyang loob. Inisip niyang magandang pagkakataon nga ang napipinto niyang pag-uwi sa nanay niya upang makapagisip-isip siya kung ano nga ba ang gusto niyang mangyari sa buhay pag-ibig niya. Nalilito na talaga siya kung ano nga ba ang kanyang gagawin at walang ibang lugar siyang mapupuntahan upang makapag-isip kundi sa nanay Teresita niya.
Pasado
alas otso na ng gabi nang maihatid ni Jonas si Marian sa bahay ng nanay
nito. Pagkatapos kasi nilang umalis ng university ay dumaan muna sila
sandali sa isang grocery store upang mamili. At dahil di pinaalam ni
Marian sa nanay nito na Byernes ng gabi ang dating niya di maitago ang
pananabik ni Marian sa magiging reaksyon ng ina sa sandaling makita na
siya. Nasa gate na sila at kasalukuyang hinihintay na may magbukas ng
gate matapos pindutin ni Marian ang doorbell. Maya-maya pa..
“Bulaga!!”
ginulat ni Marian si Teresita. Napasapo tuloy sa kanyang dibdib si
Teresita dahil sa sobrang gulat. Tumawa lang ng tumawa si Marian ng
makita ang nanay niya kaya nakatikim ito ng batok sa ina. Pati si Jonas
ay napatawa na rin nang makita ang ginawa ni Teresita sa anak.
“ANAK NG…MARIANNN!! Ikaw talagang bata ka, kahit kailan ang hilig-hilig mong manggulat! “
“Bawas-bawasan mo kasi yang pangangape mo Nay para di ka madaling magulat.” Panay parin ang paghagikhik ni Marian.
“Ay ewan ko sa’yo bata ka! Oh, hali na kayo at pumasok..teka bubuksan ko lang tong malaking pinto para makapasok ang sasakyan.”
“Ay huwag na po Ma’am Teresita kasi aalis naman din po ako kaagad. Hinatid ko lang si Ma’am Marian.”
“Ikaw
naman Jonas, huwag mo na akong tawaging Ma’am, nakakailang kasi.
Tawagin mo na lang akong Teresita o kung gusto mo naman, kahit nanay
lang din okay lang.” kaagad na sabi ni Teresita kay Jonas ng marinig
nito ang tawag ng drayber sa kanya.
“Nakakahiya
naman po kasi ..pero sige po, kung yan ang gusto ninyo, nanay na lang
din po itatawag ko sa inyo.” Nahihiyang tugon ni Jonas kay Teresita,
napakamot ito ng ulo at nahihiya sa nanay ni Marian.
“Oh
ayan ha ..nanay na din ang tawag mo sa kanya kaya dapat sa akin din
Marian lang din pag tayo lang dalawa. Alam ko namang takot kayo kay
Richard kaya pag andiyan siya okay lang yung may Ma’am pero kung tayo
lang naman, okay na yung Marian lang. Okay?” nag thumbs-up sign pa si
Marian kasabay ang isang ngiti kaya di na nakatanggi si Jonas.
“Sige na nga.”
“Sigurado ka bang di ka napapasok dito Jonas? Maghapunan ka na muna bago ka umuwi sa mansyon.”
“Ay
huwag na po ‘nay. Baka din kasi may iuutos pa si Manang o di kaya si
Sir Richard sa akin kaya kailangan ko na ding umuwi kaagad.”
“Sige..ikaw ang bahala.”
Ipinasok
ni Jonas ang isang overnight bag at iilang grocery bags na dinala ni
Marian para sa nanay nito sa loob ng bahay ni Teresita. Nang makita ang
dala ng anak, di maiwasang magulat si Teresita. Ilang sandali pa ay
lumabas na ulit sa gate si Jonas at nagpaalam na sa mag-iina bago
tuluyang umalis.
Pagkatapos
mai-lock ang gate ay magkaakbay na pumasok ang mag-iina. Sa sobrang
saya ni Teresita ay huminto ito sandali sa may bungad ng main door at di
na napigilan ang sarili, hinalik-halikan ang anak sa noo at pisngi nito
at pinanggigilan ang mga pisngi ng babae.
“Ang
sarap-sarap pisilin ng mga pisngi mo nak..malaman na!” di na
nakapagpigil pa ang ina at pinisil-pisil na ang pasingi ni Marian.
“Oh no!! “ biglang nabahala si Marian sa narinig. “ Ibig sabihin tumataba na naman ako?”
“Di
naman matabang-mataba tulad nung bata ka pa pero mas gusto ko ang
katawan mo ngayon kasi di ka na sobrang payatot, masarap na
pisil-pisilin ang medyo matambok mong pisngi ‘nak!.“ nakangiting tugon
ni Teresita. Nagpatuloy ulit ang dalawa sa paglalakad na magkaakbay
hanggang sa makapasok na sa loob ng bahay nila.
Naalala
ni Marian ang ginawang pagpisil ni Richard sa pisngi niya habang
nag-uusap silang dalawa sa may washstand, naisip ni Marian kaya siguro
ito ginawa ng lalaki dahil nalalakihan na ito sa mukha niya o di kaya
nadidistract kapag nakikita ang malaman niyang pisngi. Nabahala tuloy si
Marian.
“Nak,
bakit andami mo namang pinamili? Ano ba tong mga ito?” sinilip ni
Teresita ang laman ng mga grocery bags na nilagay ni Jonas sa itaas ng
mesa sa may sala. Nakita nito ang iilang canned goods ang kung anu-ano
pa. May nasilip din siyang iilang chichirya at pagkain sa kabilang bag
naman. “At saka bakit may chichirya pa eh di naman ako kumakain niyan
dito.”
“Nanay,
sa akin po ang mga chichirya na yan. Supply ko yan habang andito ako!
Yey!! ” Nakangiting saad ni Marian habang itinataas-taas ang mga kamay.
“Anong
.. dito ka matutulog ngayon?” di makapaniwala sa sinabi ni Marian.
“Bakit? Nag-away ba kayo ni Richard, ‘nak at nag-alsa balutan ka?”
“Dito
lang ako matutulog nag-away na kaagad? Di ba pwedeng nami-miss lang
kita kaya nagdesisyon akong bisitahin ka? Nanay talaga oh, OA kung
makapag-isip.”
“Ay
ganun ba..sorry naman ‘nak. Eh kung ganun eh di masaya ako at name-miss
din naman kita pero sana sinabi mo para naman nakapagpaalam ako dun sa
pinapasukan kong pabrika at ng masamahan kita dito. Di bale, bukas maaga
akong pupunta para magpaalam ng personal sa amo ko. Sana nga talaga
pumayag para makapag-bonding naman tayo. Bihira lang kaya kita nakikita
ngayon. “
“Don’t worry ‘nay. Kung di ka payagan bukas eh di sa linggo tayo magbonding.”
“So
hanggang Linggo ka andito?” isang malaking ngiti ang nasilayan ni
Marian mula sa ina. Masayang-masaya ito ng nalaman na mahaba pa ang oras
na ilalagi niya sa bahay ng bahay ng ina.
“Opo!”
“Hay salamat!! Ang saya-saya ko Marian..”
“Ako
din ‘nay! Grabe miss na miss na kita. Ang dami nating pag-uusapan.”
Niyakap ni Marian ng mahigpit ang nanay niya. May ilang sandali ding
nanatili sa ganoong ayos ang mag-iina bago kumalas sa isa’t-isa. Di
maialis ang ngiti sa bawat labi nila.
“Mabuti pa, iligpit na natin to at ng maipaghanda na kita ng hapunan. “
“Mabuti
pa nga ‘nay. Di talaga ako kumain sa labas kasi name-miss ko na ang
luto ‘nyo. “ ngumiti si Teresita ng marinig ang sinabi ni Marian. Masaya
ito at kahit nasa mabuting kalagayan na ang anak ay di parin ito
nagbabago. Tulad ng dati, hinahanap-hanap parin nito ang kanyang
pag-aalaga at lalong-lalo na gusto parin nito ang kanyang mga luto.
Nagrequest
si Marian ng kanyang paboritong sinigang na bangus kaya ipinagluto siya
ng nanay niya nito. Makaraan ng ilang minuto, pagkatapos na maluto ang
sinigang ay nasa dining table na ang dalawa. Habang kumakain ay
sinamahan si Marian ng kanyang ina, di na ito kumain kahit na pinipilit
pa siya ni Marian na kumain ulit bagkos ay sinamahan lang siya nito sa
hapagkainan para makapag-kwentuhan naman silang dalawa.
Dahil
sa medyo matagal na rin nang huli silang nagkita, maraming kwento si
Marian sa ina. Si Teresita naman na likas din ang pagiging mausisa ay di
na napigilan ang sarili na di magtanong ng tungkol sa relasyon ng
mag-asawa.
“Okay
lang naman po kami ‘nay. Di naman ako pinapabayaan ni Richard. “
matipid na sagot ni Marian. Alam kasi niyang sa bawat sagot niya
nakasalalay ang itatanong ng ina kaya naging maingat siya sa kanyang mga
binibitawan na salita.
“Talaga bang wala kayong problemang dalawa? “
“Wala
po talaga. Si nanay, di parin nagbago..ang kulit parin.” Sumimangot pa
ito sa ina nang mag-angat ng tingin dito. ” Di parin nawawala sa amin na
magbangayan pero naaayos naman po namin kaagad.”
“Mabuti naman.. saka mabuti at pinayagan ka ni Richard na umuwi muna?”
“Oo naman, pumapayag naman yon pag nagpaalam lang ako ng maayos.”
“ Di ba yon susunod dito?”
“Dito?
Naku! Hindi po..may lakad din siya ngayong gabi. Makikipagkita daw siya
sa mga kaibigan niya. Magre-relax bago sumabak sa isang malaking
meeting kasama ang mga Board of Directors sa Lunes.”
“
So lumalabas parin siya kasama ng mga kaibigan niya kahit mag-asawa na
kayo?” nanlaki ang mga mata ni Teresita, di ata nagustuhan ang narinig
mula sa anak kaya napailing kaagad si Marian at nagpaliwanag sa ina.
“Actually
po ako yung nag kumbinsi sa kanya na gawin yon. Sobrang stress niya
lately dahil sa trabaho kaya sinabihan kong magrelax naman kasama ang
mga kaibigan. Deserve niya yon ‘nay kasi grabe din yon magtrabaho. Alam
mo bang mula nung nagsama kami ngayon pa lang yon lumabas at
nakipag-saya kasama ang mga kaibigan niya. Akala ko nga wala yung
kaibigan sa sobrang workaholic.”
“Talaga? Kawawa naman pala yang batang yan. Mabuti nga at nakumbinsi mong lumabas ngayon.”
“Oo nga po eh.”
“Kumusta naman yung ano..yung ..kuwan..yung..ano ba tawag dito..”
“Ang
ano po ‘nay?” nang makita ni Marian ang mukha ng ina na parang
nag-aalangan sa itatanong niya, sumagi na kaagad sa isip ni Marian ang
posibilidad na maaring ang itatanong nito ay ang tungkol sa usaping
pamilya at kung anu-ano pang may kaugnayan dito. Simula’t simula pa lang
ay bukas na sa kahit anong usapin si Marian sa kanyang ina kaya sa
pagkakataong ito, alam na niya kaagad kung saan patungo ang usapan nila.
Upang
hindi na mahirapan ang ina ay nag-isip na kaagad si Marian ng paraan
upang ilihis ang usapan habang di pa tuluyang napupunta ang daloy ng
kanilang usapan sa bagay na iyon. Katulad ng ina, di rin kumportable si
Marian na pag-usapan ang bagay na iyon lalo pa at wala naman siyang
maisasagot pa sa ina.
“Nay,
sina tito at tita nga pala, di ba sila uuwi dito ngayon?” pag-iwas ni
Marian, patuloy parin siya sa kanyang pagkain na parang wala lang pero
di nag-angat ng tingin dahil di ito makatingin ng diretso sa mga mata ng
ina.
“Ah
eh, umuwi muna sila ng probinsya ‘nak. Nagbabakasyon muna kaya ako lang
mag-isa dito ngayon. Sa susunod na linggo pa ang uwi ng mga yon,
sinusulit ang pagbabakasyon kasi may ilang taon na din mula nung huli
silang umuwi sa atin eh.”
“Ganun
po ba, kawawa naman kayo, mag-isa lang kayo ngayon dito. Ah siya nga
pala nay, malapit narin po ang semestral break, try ko magpaalam para
makabisita ako ulit dito ha.” At saka malay mo ‘nay, baka by that time ay magsasama na uli tayo. Naisip
na naman ni Marian sina Richard at Cheska, dahil dito nabuo rin sa isip
ni Marian na sa darating na sem break, pipiliin niya ang hotel kung
saan malapit sa bahay ng nanay niya siya magti-training para mas may
rason siyang dito maglalagi. Kasabay ng training sa hotel ay ang
training niya sa paglayo sa buhay ni Richard para di na siya mahirapan
kung sakaling dumating na ang panahon na maisipan na ng lalaki na
makipaghiwalay na sa kanya.
“Mabuti naman po ‘nay. Nitong mga huling araw medyo marami akong absences sa classes ko pero sinusubukan ko namang humabol. Medyo malapit narin kasi ang finals namin.”
Ikinwento ni Marian sa nanay niya ang mga nangyari sa kanya nitong huling mga araw. Pati ang nangyaring di pagkakaunawaan nilang dalawa ni Richard at yung insidente sa mall kaya di maiwasang di siya pagsabihan ng ina.
“Marian, bawas-bawasan mo naman yang pagiging pasaway mo ‘nak..nakakahiya naman kina Richard at sa lolo niya. Baka kung ano pa ang masabi nila sa atin, ‘nak!” Puno ng pag-aalala ang boses ni Teresita habang nakikiusap sa anak.
“Sinusubukan ko naman po ‘nay. Di ko talaga sinasadya yung mga nangyari ‘nay, pramis!”
“At saka, huwag na kasi masyadong tumambay-tambay kasama ng barkada kasi may asawa ka na. Asikasuhin mo na lang si Richard sa bahay ninyo para di ka na napapasok sa gulo, di ba yan din ang paki-usap ng lolo niya sa’yo?”
“Eh ano ba kasing klaseng pag-aalaga ang gagawin ko dun eh matanda na yon noh. Alangan namang bihisan, subuan, paliguan ko pa yon. May tagalinis at luto na kami sa bahay. Pati gamit namin may nag-aasikaso na.”
“Maraming bagay ka pa namang magagawa para pagsilbihan mo yung asawa mo bukod sa mga bagay na ‘yon. Kung may tagaluto na kayo oh eh di siguraduhin mong madadatnan ka ni Richard sa bahay ninyo para sabay kayong kumakain, asikasuhin mo yung gamit niya..o di kaya kung pagod yung tao masahiin mo ng marelax..huwag yung puro gulo ang pinapasok mo at si Richard pa ang umaayos sa gulo mo. Siya na nga ang nagma-manage ng kumpanya, pati sa buhay mo at sa bahay ninyo siya pa din ba?”
“Sige na nga po, susubukan ko..kasi naman eh..”
“Ayan…pinasok-pasok mo ang pag-aasawa tapos ganyan ka. Di ba simula pa lang tinanong na kita kung desidido ka ba? Ang sabi mo oo, eh di pangatawanan mo na!”
Eh yung di naman forever kasi ang setup namin..paano kung masanay na ako tapos biglang..plok! magising na lang ako isang araw kailangan na pala naming maghiwalay..ano ako nganga? Mas lalo lang akong mahihirapan magmove-on? Hayyy ewan ko!
Tumataas ang nguso ni Marian habang iniisip ang bagay na iyon. Kumikibot-kibot pa ang nguso kaya napailing na lang si Teresita habang tinititigan ang anak. Ilang minuto ang nakalipas, tapos na sa paghahapunan si Marian kaya nagligpit na ito ng kanyang pinagkainan ng may nagdoorbel. Saglit na nagkatinginan sina Marian at Teresita pagkatapos ay ngumiti.
“Baka ang mga tito at tita mo na yan. Sandali lang bubuksan ko!”
“Ay ‘nay…huwag mo munang sabihin na andito ako sa loob ha para masorpresa sila pagnagkita na kami.”
“Sige sige!” di maitago ng dalawa ang pananabik na makita ang reaksyon ng mga kamag-anak sa sandaling makita na ng mga ito si Marian. Malapit kasi ang babae sa kanila at kung ituring siya ay para na ring anak lalo na at naaalala ng mga ito si Rachel kay Marian. Nang mag-asawa si Marian, nalungkot din sila kagaya ni Teresita dahil mapapalayo na si Marian sa kanila.
Masayang nagliligpit si Marian ng kanyang pinagkainan, iniisip din nito kung ano ang kanyang gagawin para magulat ang kanyang mga tito at tita. Naisip niyang magtago sa ilalim ng dining table upang gulatin ang dalawa. Nang marinig ang boses ng ina na pabalik na sa kusina ay dali-dali siyang umupo upang ikubli ang sarili, maya-maya pa nakita na nito ang paa ng ina. Huminto ito sa may tapat ng lamesa, pagkatapos ay nakita ni Marian ang isang pares ng black leather shoes na nakasunod, ilang sandali ay huminto rin ito sa tabi ng kanyang nanay, pareho nang nasa tapat niya ang dalawa. Sa laki ng size ng paa ng dumating, alam ni Marian di ito pagmamay-ari ng kanyang tito kaya napakunot ang noo ni Marian habang tinititigan ang mga sapatos na iyon, sa loob-loob niya tila pamilyar sa kanya ang mga sapatos pero di lang niya matandaan kung saan niya ito nakita. Maya-maya pa ay narinig ni Marian ang boses ng ina at ng lalaking nagmamay-ari ng mga sapatos sa kanyang harapan.
“Saan na nagpunta ang babaeng ‘yon? Marian? Marian?” tawag ni Teresita sa kanya, nagdadalawang isip si Marian na lumabas sa ilalim ng mesa. Inisip kasi niyang baka kung ano pa ang isipin ng taong kasama nito sakaling makita siyang biglang lumabas doon kaya inisip na lang niyang saka na siya lalabas kung aalis na doon ang dalawa.
“Nay, baka nasa kwarto na si Marian?” nang marinig ni Marian ang boses ng lalaki, nanlaki ang kanyang mga mata. Di niya inasahan na si Richard pala ang dumating, bigla siyang napakislot sa kinauupuan sa ilalim ng mesa dahilan kaya nauntog ang ulo niya at napahiyaw ng malakas.
“ARAY! Huuuuuuuh, ang sakitttt!!” sapo ang kanyang ulo, pilit niyang inaalis ang sakit at hapdi na nararamdaman sa pamamagitan ng paghaplos-haplos nito pero di parin naiibsan ang sakit na nararamdaman niya.
“MARIAN!” sabay na napasigaw at napa-upo si Teresita at Richard sa gulat at pag-aalala sa kanya.
“Ano ba kasing ginagawa mo diyan? Come here..” tinulungan ni Richard na makatayo si Marian pagkatapos ay sinuri nito ang ulo ng babae upang tingnan kung ano ang nangyari dito. Ngumingiwi parin si Marian dahil sa sakit ng ulo niya sa mga sandaling iyon. “ Nay may ice po ba kayo? May bukol po eh, makakatulong po ang ice para di na masyadong lumaki pa ang bukol.”
“Teka mukhang meron pa ata sa ref, check ko muna.” Dali-daling binuksan ni Teresita ang ref at naghanap ng yelo sa freezer, buti na lang at meron pang natirang ilang pirasong ice cubes kaya inilabas ito. “Kuha muna akong towel para ipambalot ko ha..sandali lang.” lumabas sandali ng kusina si Tereista at nagpunta ng kwarto upang kumuha ng bimpo.
“Marian, ano ba kasi ang ginagawa mo sa ilalim ng mesa?” may himig pag-aalalang tanong ni Richard sa kanya.
“Ikaw ano bang ginagawa mo dito? Kala ko ba may lakad ka? “
“Kasi..kasi..teka ako ang unang nagtanong kaya ikaw muna ang unang sumagot.”
“Sige na nga! Kala ko kasi sina tito at tita ko ang dumating, gugulatin ko sana..eh ang kaso ako pa ang nagulat!” isang hagikhik ang narinig ni Marian mula kay Richard kaya nainis si Marian at lumayo ito sa lalaki.
“Tatawa-tawa ka pa diyan! Hmph!” umupo ito sa silya malayo kay Richard upang umiwas sa lalaki, nakasimangot at tumataas ang nguso habang patuloy sa paghaplos ng kanyang ulo.
“Sorry! I can’t help it. Para ka kasing bata.. akin na yang ulo mo at titingnan ko ng mabuti.”
“Huwag na! Tumawa ka na lang diyan..kainis!” at umalingawngaw nga ang tawa ni Richard sa maliit na kusinang iyon. Ilang sandali ay bumalik na si Tereista dala ang isang bimpo, napataas ang isang kilay nito ng makita ang nakangising si Richard at ang nakasimangot na si Marian. Naisip nitong nag-aalaskahan na naman ang dalawa pero mas pinili na lang niyang huwag ng magkomento at pinagkibit-balikat na lang ang nakita.
“Oh, heto Marian, idampi mo to sa ulo mo at ng di na yan lumaki pa.” iniabot ni Teresita ang bimpo na may nakabalot na ice cubes kay Marian.
“Akin na po ‘nay. Ako na.” dali-daling inabot ni Richard ang bimpo.
‘”Huwag mong ibigay , ‘nay! Ako na!” nagmamadaling abutin ni Marian pero nahuli na siya kaya inis na inis ito kay Richard. “ Sabi ng ako na eh!” Mas lalo tuloy sumimangot si Marian.
“Marian! Umayos ka nga..” di nakapagpigil ang ina ng makita ang inaasal ni Marian na parang bata kaya pinagalitan na ito sa harapan ni Richard. “Ikaw na nga tong tinutulungan ikaw pa ang nagagalit, kaninong kasalanan ba kung bakit ka nabukol? Wala namang nag-utos sa’yo na magtago ka sa ilalim ng mesa di ba? Bakit ngayon para kang batang nag-iinarte diyan?! Umayos ka ha kundi tsitsinelasin kita!”
Pagkatapos marinig iyon ay napahagikhik ulit si Richard, di kasi nito inasahan ang sinabi ni Teresita sa huli. Si Marian ay napakagat na lang ng kanyang labi at napahiya sa harap ni Richard.
“Oops, sorry po ‘nay..” dali-daling saad ni Richard pagkatapos ay tinakpan ang bibig upang pigilin ang sariling huwag nang matawa.
Ang di alam ng dalawa, pati si Teresita ay muntik ng bumigay sa harapan nila kaya tumalikod na lang ito at nagkunwaring may ina-ayos sa counter pero palihim na itong nakangisi. Nang medyo kumalma na ay saka pa ito muling humarap, nagkunwari ulit na nagagalit upang mautusan lang si Marian.
“Asikasuhin mo na yang asawa mo. Papasok na ako at maaga pa ang gising ko bukas.” Pagkatapos itong sabihin ay tumalikod na ito at naglakad patungo sa kanyang kwarto.
Pagkatapos umalis ni Teresita ay nilapitan na ni Richard si Marian at binigay na ang bimpo dito upang di na sila mag-away pa pagkatapos ay umupo na sa tabi ng babae. “ Sorry na.”
Habang dinadampi-dampi ang bimpo sa ulo niya, napapabuntong-hininga na lang ito. “Ano bang ginagawa mo dito? Kala ko ba lalabas ka kasama ang mga kaibigan mo?”
“Eii kasi..”
“Kasi ano?”
“ ummm”
“Oh no! Don’t tell me wala kang kaibigan?!”
“Of course not..kasi ano..yung ibang mga kaibigan ko kaibigan rin ni Ches..eh kung yayayain ko silang lumabas kukulitin lang ako ng mga yon tungkol kay Cheska.” Pabulong itong sinabi ni Richard upang maiwasang marinig ni Teresita.
“Ahhh .. so what? Eh di isama mo na rin siya!”
“No way…paano kung may makakita sa amin na magkasama tapos sabihin kay lolo?”
Napa-ismid si Marian nang marinig ang sagot ni Richard. Di nito naitago ang pagkadismaya sa sagot ng lalaki. Ang totoo kasi, mas gusto niyang marinig na kaya di ito pumunta kasi di siya mag-eenjoy kesa sa sabihin nitong takot siya sa lolo niya.
“ Marian ..” tawag ni Richard sa kanya matapos nilang manahimik ng ilang sandali.
“Bakit?”
“May ..I mean, pwedeng makikain?” nahihiyang saad ni Richard.
Di malaman ni Marian kung matatawa siya o maaawa. First time ata niyang marinig si Richard na magsalita ng ganun. “Di ka pa ba naghahapunan?”
“Hindi pa. ” sagot naman ni Richard sabay ang pag-iling nito.
“Wait, ipaghahanda kita. Okay lang ba ang sinigang na bangus? Yon kasi yung ni-request ko kay nanay kanina eh.Huwag kang mag-alala the best ang sinigang ni nanay!”
“Kahit ano, okay lang naman. “
“Okay. Sandali lang..”
Kinuha ni Marian ang sinigang na nasa ref at isinalin sa isang maliit na palayok upang initin. Habang naghihintay na mainit ito ay kumuha na rin siya ng pinggan, baso, kutsara at tinidor sa cabinet upang magamit ni Richard. Nagsandok din siya ng kanin sa rice cooker at inilagay sa isang serving plate saka inilapag sa may mesa. Nang makitang mainit na ang ulam ay pinatay na nito ang stove at isinalin sa isang mangkok ang sinigang. Habang ginagawa ni Marian ang lahat ng ito ay kasalukuyan naman siyang masinsinang pinapanood ni Richard. Ikinatutuwa ni Richard ang maliit na bagay na ginawa ni Marian sa kanya sa mga sandaling iyon. Pakiramdam ng lalaki ay para silang tunay na mag-asawa. Naimagine tuloy niya ang sarili na kagagaling lang ng opisina at pagkauwi ay magiliw na inaasikaso ni Marian. Napangiti si Richard habang iniisip ang bagay na iyon.
“Psst..okay ka lang?” nakakunot ang noo habang tinatanong ni Marian si Richard. Nagtataka ang babae nang makita ang kakaibang ekspresyon ng mukha ni Richard. “Ganun ka na ba talaga ka gutom ha Richard? Nakakatakot ka pala pag nagutom. Tumatawa mag-isa!” biro ni Marian sa lalaki.
“Silly! May naalala lang ako. Pero I must admit, gutom na talaga ako.” Dinampot na kaagad ni Richard ang kanyang kutsara at inilublob kaagad ito sa mangkok upang kumuha ng konting sabaw. Hinipan ito sandali pagkatapos ay tinikman na. “Ummmm masarap nga! Masarap pala magluto si nanay noh?” papuri ni Richard kay Teresita, nagsimula na rin siyang kumain.
“Naman! Sa akin nagmana yon eh.” Biro ni Marian kay Richard.
“Ang alin ang namana ko sa’yo Marian?” di inasahan ni Marian at Richard ang pagbalik ni Teresita sa kusina kaya parehong napakagat sa kanilang labi ang dalawa. “Mabuti naman at pinakain mo ang asawa mo. Lumabas ako ulit para i-check at baka di mo man lang inasikaso itong si Richard. Okay ka lang ba diyan sa ulam mo, ha?” tanong ni Teresita kay Richard na sinang-ayunan naman ng lalaki. Di na nakuhang magsalita pa at kasalukuyang puno ang bibig nito ng kanin, tumango na lang ito sabay na nag thumbs-up sign kay Teresita.
“Nanay naman eh.” Humahaba na naman ang nguso ni Marian ng matapos marinig ang nanay niya.
“Bakit? Hindi ba? Kanina nga kakarating lang inaway mo na kaagad.” Binalingan ni Teresita si Richard at ngumiti dito. “Pasensiya ka na talaga kay Marian Richard ha. Minsan talaga nagiging pasaway yan eh.”
“Okay lang po ‘nay. Nato-tolerate ko naman eh. Kaya pa naman…Ay ‘nay, di pa kasi ako nakapagpapaalam. Pwede po bang makikitulog din ako dito?”
“ANO?!” namilog ang mga mata ni Marian nang marinig ang sinabi ni Richard. Naisip niya bigla ang kanyang mainit na kwarto .. at lalong-lalo na ang maliit na higaan.
Oh hindeeee!!!!
read v2 in one sitting. relaxes me and craving for more. mukhang wala pa sa half ng v1, great twists. more power!
ReplyDeleteMs.Rocel =) I'm glad to finally see your comment here..welcome!!
DeleteActually mahaba nga tong V2 ... ngayon, I'm taking my time na ;)
oo nga super bz sa real life, sabaysabay pa nagka flu lahat sa hse.
DeleteMs Con mas excited ako kung ano ang mangyayari sa mainit na kwarto ni Marian - baka lumuyab :-) Thanx sa update
ReplyDeleteIkaw talaga..pag may kwarto + Richard + Maya lumiliyab na kaagad hahahahha
DeleteHEHEHEHE yan ang combination na dapat abangan ;-) kwarto + Richard + Marian.........pero Ms Con please gawin mo na ang mga susunod na chapters - bawi lungkot sa 'bad news' na magtatapos na ang kina-aadikan nating lahat :-(
Deletespg! spg! spg! hahahahaha
ReplyDeleteHAHAHAHAHA
Deletehep-hep hurray at lumabas na si 22 ... LOL napuno ng hangin ang tyan ko sa kakatawa, naalala ko tuloy during "Connivance" time na tawa ng tawa habang nagbabasa, sensya na Con, kac habang nagbabasa - ang pumapasok sa utak kong female character eh ung sa V1 (ewan ko kung maka get over ako sa tambalang ito huhuhu)
ReplyDeleteanyweiz, excited din ako sa "makikitulog" time na yan, esp na pabor na pabor kay singkit yan, maliit kac ang bed at mainit, meaning kailangan nilang magdikit at d kailangan ng blanket LOL, pero teka lang ... ibig sabihin may twist din ang "first time" ? e push na yan, isa ito sa pinakamasarap na twist pag nagkataon at ng magkaaminan na, pwede din akong mag volunteer na pumasok sa eksena upang itulak lang sa bangin ang sino mang hahadlang sa kaligayan ng mag asawa hahaha
Ate Penggggg! What if si nanay ang papasok sa eksena at hahadlang sa kaligayahan ng mag-asawa, kawawa naman si nanaya at matutulak mo sa bangin! HAHAHAHA
Deleteay, kunsabahin ko si nanay - i know na solid supporter yan ng kaligayahan ng anak, d ba atat na din si nanay magka apo, kaya 101% sure na d yan mang didistorbo LOL
Deletewhoah! bakit di pumasok ito sa email ko? yan late tuloy ako! but anyway, sulit! dagdag kilig kilig time! hahaha tyvm sa update =)
ReplyDeleteuyyyy...magsisiping sila sa pagtulog..maliit na kwarto..tiyak magkalapit at malamang magkadikit ang mga body parts nila...hahah...enjoy ito! sana meron nang 'mangyari' sa kanila...baka naman Ms.Con ...pahulugin mo sa kama si chinito habang sila ay naglabing-labing...rom-com kasi ito...nai-imagine ko lang ang gagawin mong pakwela...naman Ms.Con hayaan mo nang 'lumigaya' ang dalawa sa gabing iyon pleaseeeee...thanks for the update!
ReplyDeletecon 23 na pls!, parang masaya and next ch, 'no, :0
ReplyDelete