Tuesday, September 2, 2014

Mr. Chinito Ver.2.0 ( Part 16 )



     Grabe siya! Andito ako nag-aalala sa kanya pero ang damuho nagpapakasaya pala sa kandungan ng Cheska na yon! Ayoko na! Ayoko na!
 
Nagngingitngit ang kalooban ni Marian ng malaman kung nasaan si Richard. Kanina ng tawagan niya ang cellphone ng lalaki dahil di na ito nakatiis ng hindi ulit umuwi ng maaga si Richard, nalaman niyang kasama pala nito si Cheska. Ang ikinainis pa niya, si Cheska pa mismo ang nakasagot sa tawag niya. Natutulog daw si Richard at di pwedeng istorbohin, pagkatapos ay naputol na ang linya.

Okay, I admit may kasalanan ako pero willing naman akong humingi ng tawad at saka di ko yon sinasadya. Pinapa-guilty niya ako sa pinaggagawa niya sa mga tauhan niya at alam ko makaka-apekto ito sa kanya lalo pa’t nalalapit na ang meeting niya tapos ngayon malaman ko palang balewala lang sa kanya ang lahat at nagawa pa talaga niyang makipaglampungan sa babaeng yon!

Naiiyak na si Marian habang iniisip kung gaano siya nagmukhang tanga sa pag-aalala sa lalaki. Tinawagan nito si Edselyn upang may mahingahan ng sama ng loob. Sa loob ng ilang minuto, hinayaan siya ni Eds na siya lang ang nagsalita. Di na nahiya pa si Marian na sabihin kung ano yung nasa loob nito. Makaraan ang ilang minuto at tumahimik na si Marian, saka pa nagsalita si Eds.


“Yung totoo Marian, sa lahat ng nangyayari ngayon. Saan ka ba mas affected, doon sa part na pambabalewala ni Richard Lim sa’yo o yung sa part na nalaman mong habang andiyan ka at nagdurusa ay andun siya sa condo ni Cheska?”

“EDS NAMAN EH!” reklamo ni Marian. “Di ngayon oras ng pagjo-joke mo okay! Makinig ka naman please…”

“I am! ..And take note, hindi ako nagbibiro sa tanong ko sa’yo.. hinayaan kita magsalita ng magsalita diyan bago ako sumabat kaya nakikinig ako sa’yo, okay?..You know what, the way I see it. You are starting to like Richard.”

“Like? Okay ka lang?! “

“Uhumm..and why not? Di naman imposible na madevelop ka considering lagi kayong magkasama and technically, lagi kayong magkatabi! Baka nga in-love ka na dun sa tao ayaw mo lang aminin!”

“ In-love?! Come on Eds! Imposible- I mean, di pa nga katagalan ng magkakilala kami ..like is impossible enough, love pa kaya?!”

“ At vakeett?!” mataray na sagot ni Edselyn, pagkatapos ay narinig ni Marian ang maikling pagtawa ng kaibigan. “ Seriously, Marian..All this time, siguro naman nakita mo na ang good side and bad side ni Richard Lim and who knows natutunan mo na itong tanggapin di ba. And besides, he is not that bad naman para di mo  mahalin. Aminin girl!”

“I know!  But -- trust me..di ko  siya like. And lalong-lalo na di ko siya love!”

“Huwag kang magsalita ng tapos girl, baka kainin mo lahat ng sinasabi mo ngayon!”

“Ay ewan ko sa’yo Edselyn! Tumawag ako sa’yo para sana gumaan ang pakiramdam ko but here you are, confusing me even more!”

“Yon lang, no comment na sa confuse confuse na yan!” tumawa ulit sa kabilang linya si Edselyn at ipinapahiwatig kay Marian na di talaga siya naniniwala  sa claim nitong wala pa siyang kakaibang nararamdaman sa lalaki. “Oh siya, babaeng confuse..bye na at may gagawin pa ako. “

“Sige na nga..kita na lang tayo bukas! Bye!”

After the call, nawala ng konti ang inis na nararamdaman ni Marian. Kahit papaano ay nailabas niya ito habang dinadakdakan niya sa phone si Edselyn kanina. Pero kung napawi man ang nararamdamang inis kanina, may pag-aalala naman ang siyang nararamdaman niya sa ngayon. Nung sinabi niya kanina kay Edselyn na nalilito siya, ito  ang namamayani sa kanyang kalooban sa mga sandaling iyon. Habang nakikinig kasi siya kanina sa kaibigan nang sabihin nitong baka natututo na niyang magustuhan o mahalin ang lalaki may konting sundot sa puso niya ang mga katagang iyon. Ngunit naglalaro sa kanyang isipan ang katotohanang sa buhay ni Richard, iisang babae lang ang hinihintay nito at minamahal, si Cheska. 

Ayaw ng mag-isip pa ni Marian ng tungkol dito at mas lalo lang siyang di mapalagay. Sinubukan niyang iwaksi sa isipan ang tungkol sa sinabi ng kaibigan kaya pinilit na ang sariling magpahinga na lang. At ngayon, dahil mag-isa lang siyang matutulog sa kama, di na siya nagdalawang isip pa para gamitin lahat ng unan na naroon. Ang unan ni Richard ang niyakap habang ang unan niya na dating niyayakap ang nasa pagitan na ngayon ng kanyang dalawang hita.

“Hayyy this is life!” Bulong ni Marian sa sarili, pagkatapos maya-maya ay napapikit na at mahimbing na nakatulog.




Kinabukasan, maagang umuwi si Richard sa pag-aakalang madadatnan pa nito si Marian pero naka-alis na ang babae kaya nawalan na rin siya  ng gana para magtagal pa sa bahay kaya nagdesisyon na lang itong babalik na ng opisina pagkatapos nitong makaligo at makabihis.

Pagkababa ni Richard, nakita nito si Manang Fely na naghahanda ng pagkain sa may dining area. Nang makita siya nitong nakabihis na ay nilapitan siya ng matanda at sinabihan na nakahanda na ang agahan niya.

“Salamat na lang po Manang pero kumain na ako kanina. “

“Ay ganun ba, babalik ka ulit sa opisina?” bakas sa anyo ni Fely ang pag-aalala kay Richard. Napapansin na kasi nitong tila problemado ang lalaki. “Okay ka lang ba, Ricardo?” 

“Opo, okay lang po ako. Si Marian po ba ..walang ipinapasabi?” pagbabakasakali ni Richard na makarinig man lang ng kahit anong balita kay Marian.  

“Wala eh. “

“Ah ganun po ba..sige Manang, alis na ako.” Di nakalagpas sa mga mata ng matanda ang biglang paglungkot ng mga mata ni Richard. Biglang nawala rin ang kaunting sigla sa boses nito habang nagpapaalam.

Tumalikod na si Richard at naglakad palabas ng bahay. Matamlay itong naglalakad palayo. Mataman siyang tinititigan ni Fely hanggang sa maka-alis na nang tuluyan ang sasakyan ni Richard . Pabalik na sana si Fely sa may dining area ngunit labis ang pagkagulat ng matanda ng mabulaga siya ni Mabel.

“Ay palaka! Mabeeeelll! Ano ka ba!” napasapo sa kanyang dibdib ang matanda dahil sa sobrang gulat. Si Mabel naman ay tumawa lang ng makita ang reaksyon ni Fely.

“Manang naman, overing kung maka-react! “

“Bakit ba kasi di ka nagsasalita diyan! Alam mo namang magugulatin ako!“

“Eh kasi, ayoko lang naman gambalain ang pagmumuni-muni mo diyan.”

“Anong pagmumuni-muni ang sinasabi mo diyan? Tinitingnan ko lang si Ricardo at mukhang may problema ang batang yon. Nag-aalala lang ako. Tara na.”

“Ay, teka lang po Manang, sino po ang taya ngayon. Si Sir Richard po ba?”

“Anong taya?” nagtataka ang matanda kung ano ang ibig sabihin ni Mabel sa sinabi nito.

“Eh kasi Manang, yung mga amo natin..di mo ba napapansin, naghahanapan? Parang naglalaro ng tagu-taguan!”

“Anong tagu-taguan?! Ikaw talaga, napaka chismosa mong bata ka! Halika na at nang makapag-agahan na tayong apat nina Dorina at Jonas.” 

“Weehh Manang talaga, napaka-secretive! Alam mo Manang, mula nung umalis si Sir Richard at nagpunta ng Cebu napansin naming dalawa ni Dorina, di na nagpang-abot yung dalawa. Lagi na lang naghahanapan, may cellphone naman bakit ba tayo ang tinatanong kung nakauwi yung isa. Tingin mo Manang, may tampuhan sila? Kita mo nga, ilang gabi ng di umuuwi si Sir Richard dito.”

“Oh oh..ayan! Pati pag-uwi ng amo natin pinapansin na. Bakit noon ba di yan ginagawa ni Richard noong wala pa si Ma’am Marian dito?”

“Ginagawa”

“Oh eh di, normal na yon. Malamang dahil maraming trabaho sa opisina yung tao.”

“Eh pero ..di ba nasa honeymoon stage pa yung dalawa? Dapat niyan wala pa yang overtime-overtime na ganyan. Dapat nagkukulong pa lang yang dalawa sa kwarto nila, day and night!”

“Tama na nga yan. Ikaw Mabel sinasabi ko sa’yo namumuro ka na sa akin ha!” pinagalitan na ng tuluyan ni Fely si Mabel. Kahit alam naman nitong nagbibiro lang ang babae, sa kabilang banda, tama din naman yung sinasabi nito. Pero ayaw niyang isipin ng mga nakakabatang kasamahan niya na problema nga ang kanilang mga amo kaya hanggang sa kaya niyang pagtakpan ang dalawa ay gagawin niya ito.

“Sorry po. Sige na nga Manang, kain na tayo at medyo nagugutom na rin ako. “ yaya ni Mabel sa matanda.

“Tara na at masama ang epekto sa’yo ng gutom. Kung anu-ano na lang ang sinasabi mo!”

“Ay oo nga noh, Manang? Pansin mo rin pala yon hehehe”  napailing na lang si Fely, pagkatapos ay sabay ng naglalakad ang dalawa patungong kusina.

4 comments:

  1. isa lang masasabi ko ... affected much ako pasa sa kanilang dalawa (sobrang marathon ang ginawa upang makahabol - pero nabitin din ng sobra) Con, ilang chapter kaya ang aabutin nitong ver. 2? basta kahit anong twist pa ang mangyayari, sana ganun pa din ang ending LOL na miss ko tuloy nakipagdaldalan sa mga minions during noong orig. version *sigh (Penggggggggg)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ate Pengggggg!

      Di ko alam kung ilang chapters ito aabutin pero ang sigurado dito, happy ending parin to PROMISE! =)

      Basta enjoyin 'nyo na lang yung journey nila ha,

      Delete
  2. Thank you Ms Con sa update.. Hayyy kahit ilang beses kona na basa orig. Version sa WP affected parin ako.. Pinakakalma ko na lang sarili sa pag iisip na the writer is a sucker of happy ever after.. Di po ba..?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka! Kaya kahit anong scenarios pa ang idagdag ko..kahit gusto mo na ako isako, isipin mo na lang sa dulo nito ay ang happy ending na gusto mo, charooot! haha! =)

      Delete