“Surprise!!” Sigaw ni Marian at ng kanyang lolo Roberto pagbukas niya ng pinto. Kapwa nakangiti ang mga ito sa kanya.
“Lolo! Marian!” Kaagad na niyakap ng mahigpit at siniil ng halik ni Richard si Marian sa sobrang saya na makita ang babae.
“Tingnan
mo tong batang to, ako ang unang tinawag pero si Marian lang ang
niyakap at hinalikan.” Bulong ni Roberto kay Lea, kunwari nagtatampo sa
apo nito pero bakas sa mukha ng matanda ang saya habang pinapanood sina
Marian at Richard.
Ngumiti
na lang si Lea sa sinabing ito ng matanda. Habang pinapanood sina
Marian at Richard, di makapaniwala si Lea na may ganitong ugali din pala
si Richard. Nasanay na kasi siyang lagi na lang itong seryoso at kung
makipag-usap sa kanya ay pormal at kadalasan bugnutin pa kaya habang
pinapanood niya ito ngayon, tila naging ibang tao bigla ang kanyang boss
sa paningin niya.
“Lolo,
syempre naman miss na miss ko si Marian kaya pagbigyan mo na ako.”
Nakangiting sagot ni Richard sa lolo niya na mahigpit parin ang
pagkakayakap sa beywang ni Marian.
“Oo na sige na..oh ano, di mo ba kami papapasukin?”