“Be good while I’m away.”
Ito
kaagad ang bilin ni Richard kay Marian. Naghahanda si Richard ng mga
gamit na dadalhin niya sa Cebu ng mga sandaling iyon, it was a couple of
hours later mula ng sabay silang dalawa na umuwi galing sa opisina ni
Richard.
Si Marian naman ay nakaupo sa kanilang kama, nagbabasa ng fashion magazine. It was a half-meant joke, but Marian ignored him.
“That’s good..di ka na pikon” marahan na tumawa si Richard nang makitang di nagpa-apekto ang babae sa kanyang panunundyo.
“Ang pikon ay laging talo..that’s what I learn from you, Chard.”
“Huwag mo ako ma-miss ha.” Biro ulit ni Richard sa kanya.
“Of course not. Baka ikaw ang dapat kong sabihan niyan!”
“Yes, ma-mimiss kita..wala na akong babantayan na pasaway!”
Marian
laughed softly, nang mag-angat ng kanyang paningin mula sa binabasang
magazine ay isang matalas na tingin ang ginawad niya kay Richard, nang
makita ito lang lalaki ay dumila lang ito kay Marian. Tila mga batang
nag-aasaran na naman ang dalawa.
“Don’t worry I’ll be good..may bantay kaya ako kahit wala ka..remember lolo? Ummm Manang Fely?..”
“ Yeah right!” napatango si Richard sabay ang malakas na pagtawa ng maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Marian.
“Yan
lang ba ang dadalhin mo? Bakit parang ang konti lang?” isinantabi ni
Marian ang magazine at saka sumilip sa bag ni Richard. Nakita nito ang
iilang damit at isang itim na pouch na may katamtamang laki sa loob.
“Ano yan – lalagyan ng mga underwear mo?”
“Uhummm.” Kumpirma ni Richard sa tanong ni Marian habang patuloy sa pag-aayos ng gamit niya.
“Ummm S, M, L, XL
?” tanong ulit ni Marian na ang tinutukoy ay walang iba kundi ang size
ng underwear ng lalaki. Natigilan si Richard at napakunot ang noo habang
nakatitig kay Marian. Di kaagad nakuha ang ibig sabihin ng babae.
“Yung size. S lang? ” Paliwanag ni Marian, puno ng kapilyahan ang mga mata nito habang nakatitig kay Richard.
What the .. hmmm ginusto mo to huh! Tingnan natin kung hanggang saan ka..
“
Gusto mo talagang malaman?” Richard played along. He gently pushed his
bag at the side to make room for him to sit beside Marian.
“ If I say it’s an S,
with my body built imposible naman di ba?” Richard seductively
whispered to Marian, moving his face closer to Marian. Dahilan upang
bahagyang inilayo ng konti ni Marian ang mukha kay Richard, nabigla siya
at di inasahan ang ginawa ng lalaki. “If I say M … umm “
sinadya ni Richard na putulin ang kanyang sinasabi sa halip ay tumingin
ito sa kanyang kandungan, di naman maiwasang mapasunod si Marian sa
kanyang ginawa at napatingin din sa ibabang bahagi ng katawan ni Richard
ngunit kaagad naman nitong binawi ang kanyang tingin mula dito, sa mga
sandaling iyon mas lalong nailang si Marian sa sitwasyon. Unti-unting
nasisilayan ni Richard ang pag gapang ng pamumula ni Marian na nagsimula
sa kanyang leeg paakyat sa mukha at tenga nito. “ Hulaan mo, L or XL?” Richard continued. Napamaang na lang si Marian, napalunok saka napakurap ng ilang beses.
Silly girl! Ngayon namumula ka sa hiya?!
“Mas gusto mo siguro yung X
–“ di na nagawang tapusin ni Richard yung sasabihin niya ng bigla na
lang tumayo si Marian at nagmadaling lumabas ng kwarto. Di na napigilan
ni Richard ang pagwa-walkout ni Marian. “ Oh! Saan ka ba pupunta? Akala
ko ba gusto mong malaman ang size? L lang naman ako Marian! ...Hoy! ... Galit ka ba at L
lang?” pahabol na biro ni Richard kay Marian. Nang marinig nito ang
malakas na pagsarado ng pinto ay di na rin napigilan ni Richard ang
sarili at umalingawngaw ang malakas na tawa nito sa loob ng kwarto nila.
“Oh
my goodnesss!!!” sigaw ni Marian sa may veranda. Hanggang sa sandaling
iyon di parin siya maka get-over sa nangyari sa loob ng kwarto nila.
Dahil dito nahihiya na tuloy siyang makaharap ulit ang lalaki. Sinisisi
niya rin ang sarili kung bakit siya pa talaga ang nagsimula ng kalokohan
kanina.
Loko-loko talaga yung taong yon! Pinatulan talaga ako! Teka..ano daw? L? Napahagikhik
si Marian sa kanyang naisip. Natatawa ng maalala yung sinabi ni Richard
kanina nang nagwalkout siya sa kwarto nila. Ano ba yan! Kakainis, naiimagine ko na tuloy ang itsura ng brief! Napailing na lang si Marian sa sarili niya.
The
next day, Sunday, alas sais pa lang ng umaga ay sabay ng nag-agahan
sina Richard at Marian. Dahil sa nangyari ng nakaraang gabi ay tahimik
lang si Marian, nakatutok lang sa kanyang plato at di magawang
makatingin ng diretso kay Richard dahil naiilang pa din ito sa kanya.
Napansin ito ni Richard, naisip din nito na marahil nahihiya parin si
Marian dahil sa ginawa niyang panunudyo. Naiintindihan naman niya ang
nararamdaman ni Marian kaya mas pinili na lang nitong huwag ng punain
ang kakaibang kinikilos ni Marian ng umagang iyon. Upang ipakita na wala
lang sa kanya ang nangyari ay umakto na lang itong parang walang
nangyari. Kinausap niya si Marian kagaya ng lagi nitong ginagawa.
“Marian, two days lang naman akong mawawala dito. If you need anything call me right away, okay?”
“Yes.” Maikling tugon ng babae, di parin ito nag-angat ng paningin at patuloy parin sa kanyang kinakain.
“Bukas ba yung simula ng activity ninyo sa school?”
“Oo.”
“ Isang araw lang ba yon?”
“Oo,
bukas lang. Sa hapon gagawin yong awarding. Sabi ng dean, if we are
lucky baka mag-offer yung mga guests namin sa mananalong graduating
students na mag OJT sa kanila after ng activity bukas.”
“I see .. sinu-sino ba yung guests?”
“Wala pa kaming idea sino yung pupunta eh. Ang alam lang namin galing sa iba’t-ibang hotels and restaurants yung pupunta.”
“I
see .. I guess ito yung sinasabi ni Lea sa akin the last time na
nagpadala ng invitation pero nung nalaman ko yung schedule sinabi ko sa
kanya di ako pupunta and have someone to go from the hotel to represent
me since matagal ng naka-schedule ang pag-alis ko going to Cebu .”
“Really?!”
biglang sumigla ang boses ni Marian, nakita ni Richard ang pagtingin
nito sa kanya pero ng magtama ang paningin nila ay binawi ito kaagad.
“Buti naman, sana yung ipadala mong representative may taste at kami ng
grupo namin ang mapili.”
“ Ganun?!” they both laugh at her remark. “ Pag di kayo napili ibig sabihin walang taste?!”
“Ano
pa nga ba!” mayabang na sagot kaagat ni Marian sa kanya. Kahit di parin
ito tumitingin kay Richard, masaya parin si Richard at kahit papaano ay
nakikipag-biruan na ulit si Marian sa kanya.
“Oh well, kahit naman di kayo mapili na mag-OJT as a group, sa LH-Manila ka parin naman mag-OJT kaya di ka dapat mag-alala. “
Pagkatapos
sabihin ni Richard iyon ay biglang naiba ang ekspresyon ni Marian. “
No, I mean mapili as manalo sa contest. Yung tungkol sa OJT ko, if ever
mas gustuhin kong pumunta sa ibang hotel, okay lang ba?”
“But why? I mean, may hotel tayo bakit mas gugustuhin mong mag-OJT sa iba?”
“You know why Chard. “ mahinang tugon ni Marian.
“No..I
honestly don’t know why Marian.” Seryosong tugon ni Richard. Di
maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Marian sa sinabi niya. “At the
end tayong dalawa yung magtutulungan na i-manage yung negosyo natin.”
“ Nakalimutan mo na ba yung—“
“Ricardo .” di na natapos ni Marian ang kanyag pagpapaliwanag ng lumitaw si Manang Fely mula sa kusina at tinawag si Richard.
“Manang?”
“Remind
lang kita at baka mapasarap ang kwentuhan ninyo makalimutan mong may
flight ka pa.” nang maalala ito, napatingin si Richard sa kanyang wrist
watch at chineck ang oras.
“Thank
you, Manang. I have to go.” Napatayo na ito kaagad sa mesa. “ I’ll call
you pagdating ko ng Cebu. Don’t forget to bring Jonas with you kung may
pupuntahan ka mamaya, okay?”
“ Don’t worry wala naman akong pupuntahan mamaya.”
“Mabuti naman, pahatid at pasundo ka kay Jonas tomorrow okay?”
“Yes, sir!” kaagad na sagot ni Marian sabay ang pagsaludo nito kay Richard.
“Ikaw talaga!!!” bahagyang pinisil ni Richard ang ilong ni Marian.
"RICHHARRDD!" reklamo ni Marian sa lalaki, hawak ang ilong na pinisil ng lalaki.
"Ang
arte! Di naman masakit ah! " Gusto sana ni Marian na gumanti sa
pagpisil din ng ilong ng lalaki pero madali itong nakailag. Narinig ng
dalawa ang pagtawa ng mga kasambahay nila na nakamasid lang pala sa
kanila sa di kalayuan kung kaya kaagad na umayos si Marian.
"Aalis
na ako." naiilang man, balik sa pagkukunwari ang dalawa, humalik si
Richard sa pisngi ni Marian.
"Sorry, I have to do this again.." bulong
ni Richard pagkatapos.
Buti
na lang at nakatalikod si Marian kina Fely at sa mga kasambahay kaya di
nila nakita ang pamumula ng pisngi niya. "Bye, ingat ka." kahit
nahihiya nagawa parin nitong sambitin ito kay Richard. Napangiti na lang
ang lalaki sa kanya.
" Ikaw din, bye.." pagkatapos haplusin ang braso ni Marian ay saka na ito tumalikod at umalis.
Pagkatapos
umalis ni Richard ay umakyat na rin si Marian sa second floor ng
mansion at tinungo ang veranda. Habang nakatayo ito at nakahawak sa
bakal na rehas ng veranda, iginala nito ang panigin sa kabuuan ng
property ni Richard.
Alam
ko dadating ang panahon na di ko na makikita ang bawat sulok ng bahay
na ito kaya di ko dapat sanayin ang sarili ko sa isang bagay na alam
kong may katapusan balang araw.
Habang
naiisip ito ay napabuntong–hininga na lang si Marian. Di niya mapigilan
ang sarili na di malungkot, sa loob ng maikling panahon ay napamahal na
rin sa kanya ang lugar na iyon at ang mga tao sa paligid niya. Nang
mabanggit ni Richard kanina ang tungkol sa hotel, di maipagkakaila na
sandali rin niyang naisip ang posibilidad na baka sakaling dumating ang
sandaling maging kaagapay nga siya ni Richard sa pamamahala ng hotel
ngunit nang maalala nito yung kasunduan nilang maghihiwalay sa tamang
panahon, naging malabo narin para kay Marian ang ideyang iyon, lalo na
ngayong bumalik na si Cheska sa buhay ni Richard.
Thank you sa update! Wow sana may kasunod kaagad, hmmmmmm
ReplyDelete