“Lolo, si Cheska .. asan na siya ngayon?”
Kahit
alam na ni Marian na nagbalik na si Cheska sa Pilipinas, gusto pa din
niyang malaman kung alam na ito ni Roberto at baka kahit konting
information tungkol kay Cheska may makuha din siya. Ayaw man niya
aminin, curios din siya kahit papaano na malaman ang tunay na katauhan
ng girlfriend ni Richard.
“Don’t
be surprise Marian, someone told me na bumalik na ito sa Pilipinas. She
came back after nilang mag divorce ng asawa niya three months ago”
“Talaga po?.. so..”
“Huwag kang mag-alala di mangyayari ang nasa isip mo. Di na siya pwedeng bumalik pa kay Richard kasi andyan ka na.”
At
that point, di na makatingin ng diretso si Marian kay lolo Roberto
naguilty siya bigla kasi naniwala talaga si Roberto na di pa niya alam
ang tungkol kay Cheska. Pero ikinagulat ni Marian ng malaman niya ang
tungkol sa divorce nito. Para lang makaiwas na matingnan ang mata ni
Roberto,
ibinaling niya ang atensyon sa pagkaing nasa harapan niya.
Kahit may laman pa ang plato na nasa harapan, napakuha siya ulit ng ulam
at kanin, huli na nag marealize niyang naparami na at mahihirapan na
siyang ubusin ito.
Change topic tayo lolo, mapapadami ang kain ko baka ma-empatso na ako nito. Kanina pa ako kumakain. Bundat na bundat na ako. Agad nag-isip si Marian ng paraan para mailihis ang topic na pinag-uusapan nila.
“Lolo,
pag sinabi mong alagaan, ibig sabihin pakakainin, paliliguan, ang
bibihisan?” Di napigilan ni Roberto ang sarili at bumulanghit ito ng
tawa. Umalingawngaw ito sa buong dining area sa lakas ng tawa ng
matanda.
“Yung pakainin, oo..yung paliguan at bihisan, aba’y nasa sa’yo na yon..bakit di mo pa ba yan nagawa sa kanya?”
Shoooottt!
A
dose of her own medicine, namula si Marian sa hiya ng marinig ang biro
ni Roberto. Ngayon di agad siya nakasagot sa tanong ng matanda, mas lalo
tuloy tumawa ang matanda.
“Eiii lolo….sa amin na lang yon!” sagot ni Marian na di makatingin ng diretso kay Roberto.
“Nahiya
ka pa! But seriously, basta alagaan mo lang si Ricardo, kung ano
usually ginagawa ng isang mabuting asawa gawin mo yan sa kanya..”
Shucks! Ano nga ba ang ginagawa ng mabuting asawa lolo? Makipag-date sa iba? Natawa
si Marian nang biglang maisip ang setup nila ni Richard. Kung alam lang
ng lolo nito ang napag-usapan nila baka matagal na silang nabatukan
nito ng sabay.
“Lo, huwag ka mag-alala, aalagaan ko si Richard..promise yan”
“Thanks Marian…ang swerte ng apo ko nahanap kita”
“Pasalamat ka sa siomai lolo nahanap mo ako”
Tumawa na lang si Roberto, yon naman kasi talaga ang reason kung bakit sila nagkakilala ni Marian.
Pagkatapos
mag-usap ng dalawa ay umuwi na si Marian. Pinahatid ng driver ni
Roberto si Marian sa mansyon ng apo dahil mag aalas-nuwebe na ng gabi.
Pagbukas ng gate ni Jonas, agad nitong sinabihan si Marian na dumiretso
na sa home office ni Richard at kanina pa siya hinahanap nito. Saka lang
naalala ni Marian na di pala niya nasabihan na pagkatapos sa restaurant
ay didiretso siya sa bahay ng lolo nito at pinapapunta siya. Malayo pa
lang si Marian nakita na niyang nasa harap ng laptop na naman si Richard
at mukhang mainit na naman ang ulo kasi magkasalubong ang kilay nito.
Bago tuluyang pumasok sa loob ng opisina ay kumatok muna si Marian.
“Bakit na naman?” biglang sigaw ni Richard ng marinig ang pagkatok niya.
Nagulat
si Marian sa lakas ng boses nito. Nakumpirma ni Marian ang hinala
nitong mainit nga ang ulo ng lalaki. Nang mag-angat ng tingin si Richard
at nakita siya, mas lalo ata uminit ang ulo ni Richard.
“Hi,
Chard. Kanina ka pa?” nagdadalawang-isip si Marian na magtanong pa
dahil alam naman niyang kanina pa ito nakauwi at hinihintay siya.
“Yes!” mabilis na sagot ng lalaki, malakas ang boses at iritado parin.
“Kumain ka na?”
“Yes!”
Napansin
ni Marian na tila ayaw siyang tingnan ulit ng lalaki. Nahahalata rin
nitong tila ayaw siya nitong kausapin pa kaya nagpasyang iwan na lang
ito at baka lalo lang uminit ang ulo.
“Ah, sige akyat na ako.”
Tumalikod
na si Marian ng maalala niya ang sinabi ni Roberto na alagaan si
Richard at siguraduhing di laging mainit ang ulo nito lalong-lalo na sa
bahay upang di nito madala hanggang sa hotel kaya bumalik ulit siya sa
may pintuan ng opisina ni Richard para magtanong.
“Gusto mo ng kape?”
Di
inasahan ni Richard ang kanyang tanong kaya napakunot ng bahagya ang
noo nito. Di man nagsalita, alam ni Marian nagtatanong ito kung bakit
bigla siya nag-offer ng kape.
“Gusto mo? Ipagtitimpla kita..”
“Sige, thank you.”
“Sige ipagtitimpla kita bago ako umakyat, si Manang Fely na ang magdadala ha.”
Nakita
ni Marian na tumango ito kaya umalis na siya at nagpunta ng kusina.
Nadatnan niya doon si ang matandang katulong na nag-aayos ng mga
kubyertos.
“Manang, magtitimpla po ako ng kape para kay Richard. Pwede po bang makisuyo na ikaw na ang magdala nito sa kanya?”
Di
makapaniwala si Manang Fely sa sinabi ni Marian, nagtataka man ay
napatango na lang ito sa kanya. Tinitingnan siya nito ng mabuti habang
nagtitimpla ng kape. Sekretong napangiti si Marian sa matanda dahil sa
mga tingin ni Manang Fely sa kanya, kulang na lang talaga tapikin ang
pisngi niya at baka nananaginip lang siya. Hinayaan lang ni Marian ang
matanda na tumitig ng tumitig sa kanya hanggang sa matapos siya sa
kanyang ginagawa.
“Ito na po Manang oh..salamat po ha.”
“Okay. Wala kang ipagbibilin na sasabihin ko?”
“Ah, pakisabi na lang po huwag siya masyado magpuyat.”
“Yon lang?”
“Opo.”
“Sige, ihahatid ko muna to sa kanya.”
“Ay..Manang
Fely, may gamut po ba tayo para sa di natunawan? Ang dami ko kasing
nakain kina lolo Roberto di ata ako natunawan, sumasakit ang tiyan ko.”
“Teka, maghahanap ako sa medicine cabinet..”
“Thanks po Manang. Sige magbibihis lang po ako sandal tapos bababa na lang ako para kunin ang gamot.”
Umakyat
na si Marian sa taas para magbihis habang hinatid naman ni Manang Fe
ang kape na tinimpla ni Marian para kay Richard sa opisina nito.
“Ricardo, ito na ang kape mo.”
“Si Marian po umakyat na?”
“Oo,
pero bababa din yon para kunin ang gamut niya. Sige iwan na kita at
maghahanap ako ng gamot niya sa medicine cabinet, teka sabi nga pala
niya huwag ka magpuyat.”
“Gamot? Bakit may sakit ba siya?”
“Masakit daw ang tiyan, di daw siya natunawan sa dami ng nakain niya doon sa lolo mo”
“Nagpunta
siya kay lolo? Akala ko ba..” napahinto ng sandali si Manang Fely,
hinihintay ang kanyang sasabihin “Ahh wala po, sige na po, Manang.”
Isang
makahulugang ngiti ang iniwan ni Manang Fely kay Richard bago ulit ito
tumalikod. Si Richard naman naiwang nagtataka sa sinabi ng matanda na
nagpunta si Marian sa bahay ng lolo niya. Kanina lang ang sabi ni Marian
ay kasama niya si Bart ngayon naman iba ang sinabi, di tuloy maiwasang
maghinala ni Richard na baka palusot lang yon ni Marian kasi di naman
nito pwedeng sabihin na iba ang kasama nito. But on the other hand,
nag-alala din siya ng konti ng sinabi ni Manang Fely na masakit ang
tiyan ng babae.
Ilang
oras ding nanatili si Richard sa loob ng opisina niya bago nito natapos
ang binabasang report, pinatay na niya ang kanyang laptop para umakyat
na at magpahinga ng makita nito ang tasa na nasa tabi nito. Naalala niya
yung nangyari kanina. Nainis siya kasi di siya sinunod ni Marian na
umuwi na ito tapos ang tagal pa bago siya umuwi sa bahay. At kahit
masakit aminin, nainis din siya sa sarili niya kung bakit naiinis siya
kay Marian gayung wala naman itong ginagawang masama sa kanya .
Eh
kasi naman bakit ang hilig-hilig niyang suwayin ako. Paano kung may
masamang mangyari sa kanya habang kasama niya si Bart? Paano kung
mapahamak siya sa kakasama niya sa taong yon?
Depensa
ulit ni Richard sa sarili niya. Sumasakit ang ulo ni Richard tuwing
sumasagi sa isip niya yung nangyari kay Marian sa resort. Pakiramdam
niya tuwing nasa labas ang babae ay di ito safe kaya nagagalit siya
kapag sinusuway siya nito.
Pagkatapos
magpakalma ng sarili ay umakyat na si Richard sa taas para
makapagpahinga na rin. Nadatnan niyang natutulog na si Marian,
pagkatapos makapagbihis ay tumabi na din siya dito. Sa pagkakahiga niya
ay iniharap niya ang sarili sa babae at mataman nitong tinitigan si
Marian habang mahimbing itong natutulog hanggang sa nakatulugan na niya
ang ganoong ayos.
“Manang, si Marian po?”
“Ah
si Marian..ayan..” Marian emerged at the door which leads to the
kitchen with plates on both hands. Smiling sweetly at him. By the look
of it, she woke up early and help Manang Fely prepare their breakfast.
“Good morning Mr. Lim! Ready for breakfast?” She carefully lay the plates on the table and sit on the chair on his left.
“Ano gusto mo?”
Richard
look at her with a furrowed brow, totally confuse of her sudden change
of behavior. Marian answered his silent query with a chuckle.
“Bakit ba? “
“Why are you doing this? Bumabawi ka ba for being stubborn and for going home late last night?”
“Stubborn? Hindi kaya, and kaya ako na late kasi pumunta pa ako sa bahay ni lolo Roberto kagabi.”
“Why? And I thought you went out on a date with your..crush?” bulong ni Richard kay Marian.
“Shhhhh
ano ka ba! Baka marinig ka ni Manang Fely!” sinenyasan nito si Richard
upang hinaan ang boses nito. “Oo, pero pumunta talaga ako kay lolo after
nun. Tanong mo pa sa kanya.” Tiningnan ni Richard si Marian na tila di parin ito naniniwala sa sinasabi nito.
“Gusto
mo tawagan ko?” hamon ni Marian sa kanya. Aktong tatayo na ito upang
kunin ang cellphone niyang nasa may kitchen counter na kalagay upang
tawagan si Roberto pero mabilis siyang nahawakan ni Richard upang
pigilan sa gagawin.
“Okay na, sige na, naniniwala na ako. So bakit ka pumunta dun?”
“Secret!”
Marian
replied promptly, grinning broadly, annoying Richard even more.
Realizing that Marian will not tell him anything, he reached for the
plate of bacon and egg .
“Rice or bread?” Marian asked him
“Rice please.”
Marian
reached for the bowl of rice and served him. Habang kumakain silang
dalawa, di mapigilan ni Richard ang mapangiti dahil sa nalaman mula kay
Mairan. He didn’t notice that he was smiling from ear to ear that moment
until Marian asked him why, to get even, he answered back.
“Secret!”
With a foolish grin on his face. Mabuti na lang talaga at di na siya kinulit pa ni Marian at nagpatuloy na lang ito sa pagkain.
“It’s Saturday and you don’t have classes, will you stay here all day then?”
“mmm
hindi eh, I have to meet my classmates later kasi we need to plan the
menu for next week. Meron kasing activity sa school and assign kaming
mga HRM students for the food to be served for the guests.”
“Are you going with me or papahatid ka na lang kay Jonas?”
“Papahatid na lang ako kay kuya Jonas.”
“What time will you be home?”
“Di ko pa alam.”
“Okay then, I’ll go ahead.”
Marian just nodded her head and smiled.
It
was a pretty busy day for Richard, everyone in the office are working
double time since the new Lim Hotel-Cebu will open soon. The hotel is
his first project since he became the CEO of the Lim Hotels and Resorts
following her lolo, Don Roberto Lim Sr.’s retirement five years ago. He
barely had time to eat lunch as he needs to go over the paper works. If
not because of Lea, complaining that she needed a break and had to grab
her lunch Richard could have work non-stop the whole day. Forgetting
about lunch, snacks, rest and everything. As long as he has a cup of
coffee on his table he could go on all day long.
“Okay,
you can go and eat your lunch. Be sure to be back after an hour, you
know that we have to finish everything today, right?”
“Of course Sir..I will. How about you, Sir..do you need anything? Do you want me to order something for you?”
“Ah no, I’m okay.”
“Okay Sir..see you later.”
As soon as Lea closes the door, Richard picked his phone to call Marian but ended the call right after the first ring.
Okay, why call her when I should be calling Cheska instead?
Then Richard browsed over the phone and searched for Cheska’s number. Moments later, he heard her voice on the other line.
“Hello honey!” Cheska greeted him.
“How are you?”
“I’m good..by the way, I have to tell you something. Are you going to come and visit me here tonight?”
“Umm I doubt, I might be working overnight and will have to fly to Cebu tomorrow. I’ll be gone for two days.”
“Oh! Going for a vacation?”
“Nope, I have to check on the LH-Cebu.”
“Okay..so I won’t see you for two days?”
“Yeah, but I’ll keep in touch , don’t worry.”
“Too bad! I was hoping to spend more time with you.”
“I know, promise to make it up when I get back. Sige na, I have to go back to work na.”
“Okay..bye.” ramdam ni Richard ang pagtatampo ni Cheska ng magpaalam na ito sa kanya.
“Bye-bye..love you.”
“Love you too.”
Pagkatapos
tawagan si Cheska, naisip din ni Richard na tawagan si Marian pero
nagdadalawang-isip ito. Pero sa huli ay nagdesisyon din siyang tawagan
si Marian upang malaman kung saan ito at kung ano ang kasalukuyang
ginagawa ng babae. Matagal-tagal din bago siya sinagot ni Marian.
“Where are you?”
“Grabe
ka naman wala man lang hi or hello, napaisip tuloy ako, sa sulat ba
wala ka man lang salutation? Mabuti pa si Charlie may greetings muna
bago mag-utos.”
Her
reply confuse Richard, causing him to lift an eyebrow and took him
awhile before he could process the idea of Charlie in his head. Charlie? Who the hell is Charlie?- Oh! Charlie’s Angels! Realizing who Charlie is, he chuckles.
“Silly! Oh sige let’s start from the very beginning.” Richard ended the call and redial Marian’s number.
“Hi Marian.”
“Loko-loko ka rin ah!” He heard her giggle.
“Uh?! Ganyan ka ba bumati?” Now she’s laughing on the other line.
“Seriously, where are you?”
“Nasa
sa school pa po, but on the way to the market para makuha prices and
para mag-order in advance ng kailangan naming bibilhin next week .”
“Market? Di ba kayo sa grocery bibili?”
“Hindi po kasi kailangan namin ang fresh seafoods and vegetables.”
“Are you alone or you’re with your classmates?”
“I’m with my classmates po.”
“Marian stop that!”
“Ang alin po?”
“Yung po..it’s so annoying!”
“Sorry, I was just teasing..para ka kasing si nanay magtanong.”
“Why didn’t you tell Jonas para may masakyan kayo?”
“Okay lang, may dalang sasakyan si Bart. Sasamahan niya kami .”
“Oh I see..” Bart na naman?Bakit ba lagi na lang kayong magkasama? “Can you drop by the hotel after nyo magpunta sa market para sabay na tayo pag-uwi later?”
“Ha? “ kapansin-pansin ang pagkagulat sa sagot na iyon ni Marian.
“Oh, you sound so surprise.Why, may date pa ba kayo ulit ni Bart after ninyo magpunta ng market?”
“Hindi..wala..it’s just that…sige kita na lang tayo later.”
“Okay,
bye.” Paalam ni Richard kay Marian, bahagya pang nakangiti ito knowing
na napasunod nito si Marian sa gusto niyang mangyari.
“Bye.” Sagot naman ni Marian, pagkatapos ay pinutol na nito ang tawag niya.
As
soon as natapos ang pag-uusap nilang dalawa, saka pa lang naisip kung
ano ang ginawa niya kay Marian. At dahil wala naman siya magagawa, ang
kailangan na lang niyang gawin ay ang maghintay kay Marian na dumating
sa opisina niya.
Habang
naghihintay na dumating si Marian ay nag-umpisa na ulit si Richard sa
trabaho niya. Trying to concentrate and brush off the thought about
Marian. It helped that Lea came back early than expected and gave him
another files to work on, now he can completely forget everything for
awhile.
It was past three in the afternoon when Richard was interrupted by an incoming call in his cellphone from Marian.
“Hello.”
“Hi, nasa labas na po ako. “
“Okay, tell the receptionist that you are here to see me.”
“Okay.”
Right
after the call, Richard called Lea to tell her that Marian is coming
and told her to send her in immediately. Pagkaraan ng dalawang minute ay
tinawagan ulit siya ni Marian.
“Chard, ayaw ata ako papasukin?”
“Why?” napatigil si Richard sa pagpirma ng papeles, kunot ang noo habang nagtatanong kay Marian.
“ Di ko alam eh, tinitigan lang ako ni Ms. Receptionist?”
“Okay, just wait, I’ll ask Lea to go down and get you.”
“Okay.”
Papakiusapan
na sana ni Richard si Lea na sunduin si Marian sa baba pero naalala
nitong di pa pala kilala ng sekretarya niya si Marian kaya nagdesisyon
na lang siyang siya na ang bababa at magsusundo kay Marian.
“Lea, I’ll be back shortly.” Paalam ni Richard sa sekretarya pagtapat niya ng mesa nito ng lumabas na siya.
“Yes, Sir.”
Ilang sandal ang nakaraan ay nasa ground floor na si Richard, naglalakad patungo sa may reception area.
“Good afternoon,Sir.”
“Good afternoon. Where is Marian?”
“There she is, Sir.”
Itinuro
ng receptionist si Marian, naka-upo ito sa isa sa mga cushioned-chair
sa di kalayuan. Tinawag ni Richard si Marian, nang marinig siya ng babae
ay agad itong napalingon sa kanya saka ngumiti, kaagad itong tumayo at
naglakad papalapit sa kanya. Nagulat si Richard ng makita si Marian.
Nakasuot ito ng black sleeveless crop top paired with a pair of white
distressed denim shorts. Dahil sa suot nito, nae-emphasize ang maliit
nitong beywang at magagandang hugis ng legs nito.
“Damn Marian, kaya ka pala di pinapasok .. Come!” He grabbed her hand and led her to the elevator which he took earlier.
“Marian naman, hotel pinasukan mo bakit ka nakaganyan?”
“Anong masama sa suot ko?!”
“Whatever Marian..but still, alam mong di pwede yan di ba?”
“Oo,
pero ikaw ang nagpapunta sa akin dito eh, alangan naman uuwi pa ako
para mag-change outfit. And besides, ayoko nga sana pumunta kanina pero
naisip ko baka magalit ka na naman kung di kita susundin so I came
here. Ikaw naman ang may-ari dito di ba, so maybe I can be an exemption
to the rule?”
He
was ready to scold her more when the elevator door opened and
everyone’s staring at them, especially to Marian. Pulling her hand to
walk beside him as they stepped out of the elevator. Di makapaniwala ang
mga empleyado ni Richard sa kanilang nakita.
“Si-sino yon? “
“Teka, namamalik-mata lang ba ako o si Sir talaga yung may kaholding-hands na naglakad ngayon lang?”
“Ang ganda ng chic ni Sir ha!”
Bulong
ng mga chismoso at chismosang employees ni Richard. Di iyon nakalampas
sa pandinig ni Marian kaya napayuko na lang ito habang hila-hila ni
Richard patungong opisina nito. Pati si Lea ay napakunot dina ng noo ng
makita ang kasama ng boss niya.
“Sit!”
Marian took the seat in front of his table. She placed the paper bag that she was carrying earlier on top of it.
“What’s that?”
“Pagkain..nagutom
ako so nag take-out ako bago pumunta dito.” She opened the paper bag,
took out two styro packs and showed him the spaghetti. The aroma of the
food made his stomach grumble.
“Di ka pa kumakain?”
Richard shook his head.
“Mabuti na lang naisip kong mag take-out na lang. Pasensya na pasta lang dala ko.”
“Okay lang yan..buti nga nagdala ka. I didn’t realize nagrereklamo na pala ang tiyan ko sa gutom.”
Marian handed him the styro and the cup of coke but he refused and asked for a cup of coffee to Lea instead.
“Hmmm Ms. Lea..ako na po. Saan po ang pantry?”
Lea
showed her the pantry and left her there. Few minutes passed, she came
back with a cup of coffee for Richard. Then they resume eating the pasta
that she bought.
It
was already eight in the evening when Richard finished all the paper
works. Marian on the other hand was sleeping on the couch nearby. After
turning off his computer, he approached the couch and sat beside the
sleeping Marian. Caressing her cheek, that woke her up.
“Tara na.” yaya ni Richard kay Marian.
“Oh! Sorry, nakatulog pala ako..tapos ka na?”
“Yes, let’s go?”
Tinulungan nito si Marian na bumangon pagkatapos ay ibinigay ang jacket niya upang ipasuot sa babae.
“Ready?” tanong nito sa babae matapos nitong isuot ang kanyang jacket.
“Ready!”
Muli
nitong hinawakan ang kamay ni Marian, hila-hila siya palabas ng opisina
nito. Marian could only stare at his hand holding hers, but when she
remembered the stares she got earlier when she came in, she let him and
didn’t attempt to take her hand away. Marian can’t exactly describe what
she’s feeling right that moment, but one thing is for sure..her heart
skips a beat.
No comments:
Post a Comment