After
dinner umakyat na si Richard sa kwarto nila para magbihis, nagdesisyon
siyang bumalik ulit sa opisina. Pupunta siya ng hotel, ang hotel na
personal niyang pinamamahalaan sa ngayon matapos itong pinamana sa kanya
ng lolo niya. Paglabas ng kwarto nakita niya sa may entertainment area
si Marian sa harap ng t.v nanonood ng palabas.
“Labas na muna ako sandali.” kahit na alam niyang di na niya kailangan pang mag-paalam ay ginawa na rin niya.
She
nodded tapos binalik ang atensyon sa pinapanood. Bumaba na si Richard
at lumabas na ng bahay at tinungo ang kanyang sasakyan at umalis na.
Thirty minutes later he arrived at the parking area of the hotel, using
the private lift intended for him and his staff, he went up to his
office. Pagkaupo sa kanyang swivel chair kaagad niyang kinuha ang
kanyang cellphone at tinawagan agad niya si Lea.
“Lea did you bring with you the files I asked you earlier?”
“Yes Sir, why? Do you need them now Sir? Saktong nasa convenient store pa ako, pwede ko pong idaan diyan sa mansyon.”
“No, nasa office ako ulit.”
“Ah okay, babalik na lang po ako diyan.”
“No, huwag na..it’s beyond office hours. Go home and rest.”
“Okay. Bye, Sir.”
“Bye.”
Walang
magawa si Richard kundi humanap ng ibang mapagkaka-abalahan sa office.
Kaya lang naman andun siya to keep himself busy kasi pag nasa bahay lang
siya parang ang sikip-sikip ng pakiramdam niya everytime he see Marian
around.
For
the past weeks he tried his best to ignore her and their situation. It
helps that work keeps him busy for a time after their rush wedding pero
ngayong maluwag na ang schedule niya para siyang naliligaw sa sariling
bahay. Buti na lang at di naman siya pinapakialaman ni Marian, just like
him, he knows very well ganun din pakiramdam ni Marian everytime that
he is around. He can't help but remember the turn of events weeks ago,
the time when his life took a 360 degrees turn right after his lolo met
his wife.
Flashback..
3 weeks ago…
“Marian
alam kong pareho lang tayong naiipit sa sitwasyon natin ngayon pero
wala tayong magagawa dahil sa nangako tayong dalawa kay lolo. What we
can do is avoid each other, respect my space and I will do the same for
you. Di ko alam hanggang kailan basta iwasan na lang nating
magkaproblema tayo both kay lolo at sa isa’t-isa. Clear?”
Tumango
si Marian. It was the night after the wedding . Nasa loob silang dalawa
ng kwarto nila, a week after silang magkita for the first time. Richard
is still upset of their situation pero wala naman siyang magagawa kasi
ayaw niyang sumama ang loob ng lolo niya.
“You
can do what you want, siguraduhin mo lang walang magiging problema kasi
ayokong malaman ni lolo. We both promise to make this marriage work,
right?” Tumango ulit si Marian.
"Tsshh wala man lang ba siyang sasabihin?" Richard whispered to himself.
“May
boyfriend ka ba? If you have, tell him that there’s no problem with me
if you two go out on a date just as long as you don’t go to places na
maraming tao kasi maraming kaibigan si lolo and marami ding nakakakilala
sa akin, I don’t want na mapag-usapan..”
“O-okay lang na makipag date ako?” nakita niyang nagulat ang babae nang marinig ang sinabi niya.
“Why not? After all ayaw ko rin namang pipigilan mo ako if ako naman ang makikipag-date. “
Asiwa
mang mag-discuss ng ganitong mga bagay sa taong di mo kilala and worst,
asawa mo na but he can’t help it. He needs to make things clear to
avoid complications later on. As much as possible he wants to keep his
distance from Marian, di niya alam kung bakit but seeing her face for
the first, di na siya mapakali. They say, first impression lasts, at
naniniwala siya dito.
Fist
time pa lang silang nagkita pinahirapan na siya ni Marian. Mahimatay ba
naman ito sa harap niya, di ba siya magugulat..worst pinakarga pa ng
lolo niya ang babae para madala sa clinic. For the first time in his
whole life, nagbuhat siya ng ganun kabigat. Buti sana kung nasa kabilang
pinto lang ang clinic pero hindi. He carried her all the way to the
next building, imagine the stares and whispers he got from the
university students and professors na nadaanan niya plus ang panginginig
ng braso at paa niya sa sobrang layo ng pinagdalhan niya kay Marian.
Gustong-gusto
niya itong sigawan para sana idilat nito ang mga mata niya and nagged
her to stop acting kasi di na siya natutuwa sa palabas ni Marian, pero
buti na lang talaga di niya ginawa kasi kung nagpadaig siya sa masamang
ugaling meron siya , isinumpa na siya ng lolo niya. The last person he
wants to disappoint is his lolo. Nang magkamalay na si Marian sa loob ng
clinic, lolo Roberto was very apologetic to her and hearing their
conversation proves that she has nothing to do with their situation.
Nakonsensya si Richard dahil sa masamang ini-isip niya kay Marian ng mga
sandaling iyon kaya di na niya magawang manumbat pa kay Marian. But
after everything, his lolo still stood on his decision, sinabi nito kay
Marian that he’s there para tumupad sa usapan nilang dalawa and hopes
that she will also keep her promise.
That
time, Richard hoped that she will also insist at sabihin kay lolo
Roberto na di nito kayang magpakasal but unfortunately di ito ang
nangyari. Bagay na pinagtataka din ni Richard kung bakit sumang-ayon na
lang ito sa gusto ng matanda.
Nang
hapon ding yon umuwi si Marian sa kanila kasama sina lolo Roberto at si
Richard. Of course, nabigla ang pamilya ni Marian pero wala naman
silang magagawa nang sinabi ng babae that she wants to keep her promise.
A week after that, kinasal na sina Richard at Marian through a civil
wedding ceremony. Dinaluhan ito ng pamilya ni Marian, ng lolo niya, at
ng ilang piling tao.
Everythings
seems to be well for the past weeks, buti na lang at naging busy si
Richard sa opisina at si Marian naman sa university nila kaya di sila
gaanong nagkikita. Sabi nga ni Manang Fely nang kinausap siya nito, para
lang silang housemate. Kanya-kanyang oras sa pagdating, pagkain,
pagtulog, at pag-alis. She even remind him to focus on his wife kasi
bagong kasal pa lang sila but he never said anything whenever
pinapagalitan siya nito sa takot niyang baka magsumbong sa lolo niya.
Present time..
While working infront of his lappy sa opisina niya sa hotel, biglang tumunog ang kanyang cellphone .
“Hello?”
“Ricardo!” Lolo?
Nagulat
si Richard ng mabosesan ang lolo niya sa kabilang linya. He check his
watch and realized quarter to 12 a.m na pala. Nagtaka tuloy siya kung
bakit gising pa at tumatawag ang lolo niya.
“Lo? Bakit gising ka pa po? Late na po ah.”
“I know, how about you alam mo bang maghahating gabi na? Where the hell are you?”
“Po? Nasa hotel po, may inaasikaso lang po ako sandali tapos aalis din ako dito..bakit po?”
“Don’t fool me, anong sandali ..kanina pa ako naghihintay sa’yo dito sa bahay ninyo!”
Galit na galit ang boses ng lolo ni Richard, he even overheard Marian telling him to calm down.
“Umuwi ka na dito!”
“Opo. Uuwi na po.”
Richard
rushed out. Habang nagdrive siya pauwi napapamura siya sa sarili,
matulin niyang pinatakbo ang kanyang kotse, buti na lang at maghahating
gabi na at wala ng traffic kaya less than 20 minutes papasok na siya ng
gate. Nakita niya kaagad ang kotse ng lolo niya na naka-park sa tapat ng
bahay niya. Pagpasok pa lang ng bahay narinig na niya ang boses ni
Marian na pinapakalma ang lolo niya. Nasa entertaiment area ang dalawa
kaya kaagad na siyang umakyat sa second floor ng bahay, pagkakita sa
kanya ng kanyang lolo ay kaagad siya nitong nilapitan at sinigawan.
“Sit!”
Sumunod siya sa sinabi ng lolo at umupo sa lugar kung saan nito itinuro na maupo siya, sa tabi ni Marian.
“Sinong
nagsabi sa’yo na pabayaan mo lang ang asawa mo dito sa bahay at
magtrabaho ka araw-araw doon sa hotel hanggang hating gabi? Akala nyo di
ko alam ang mga nangyayari dito?”
Nakatayo sa harap nilang dalawainapagalitan sina Marian at Richard na parang mga bata.
“Sorry lo, kasi inaasikaso ko lang yung papers for the investors ng resort.”
“I told you ibebenta na natin yon di ba?”
“No,
di pwede yon lolo.. alam ko gaano kamahal ni lola yung property na yon
di ako papayag basta-basta na lang mawawala yon. We can still save it.”
“Okay…I
will help you with the investors if that’s what we need..but on one
condition. Ayusin mo muna ang buhay ninyong mag-asawa then I will help
you with it at di na natin ibebenta ang resort.”
“Maayos naman po kami ni Marian lolo..right?” Richard turned his head to Maya, eyes pleading for help.
“Ahhmm oo nga lolo, maayos naman po kami ni Richard.”
“ Oh really? We’ll see..I’ll give you a month…and remember our deal?”
“Anong deal po yon?”
Tanong ni Marian sa lolo ni Richard.
“Nothing big..alam na ni Richard kung ano yon.”
Marian
look at the man beside her but he avoided her eyes. Gusto man niyang
mangulit dito nahihiya naman siya sa lolo ni Richard. Lolo Roberto
dismissed them pagkatapos niyang sermunan ang dalawa, at dahil masyado
ng late para umuwi pa, Richard told him to spend the night in their
guest room.
Nasa
loob na ng kwarto nila si Marian at Richard, pagkatapos silang kausapin
ni lolo Roberto pakiramdam ni Marian mas lalo naging kumplikado ang
lahat para sa kanilang dalawa. Okay na sana yung naging sitwasyon nila
dati kaso dahil sa nangyari that night wala na talaga silang choice
kundi ipakita that they are getting along with each other well.
Nakaupo si Marian sa couch habang si Richard ay nasa bed nila habang nag-uusap.
“This
will be hard for both of us but we need to adjust. Alam kong tinatanong
ni lolo kay Manang Fely kung ano ang ginagawa natin dito sa bahay.”
“Di naman siguro.. nagkataon lang talaga nang dumating si lolo kanina wala ka.”
“Bakit di mo ako tinawagan?” napataas ang tono ng boses ni Richard ng magtanong ito.
“Paano kita tatawagan eh di ko naman alam number mo?!” ganting singhal naman ni Marian sa lalaki. Nahalata
na kasi niya na parang siya ang sinisisi kung bakit natuklasan ng lolo
niya ang sitwasyon nilang dalawa. Nairita din siya ng marining ang
singhal ni Richard sa kanya kaya di napigilan ang sarili na tumaas din
ang boses niya. Medyo nagulat si Richard ng marinig si Marian, di nito
inasahan ang kanyang pagganti sa lalaki kaya di na nito nagawang umimik
pa, kinuha na lang niya ang cellphone niya at binigay kay Marian ang
number niya.
“Whenever there’s an emergency or what, you can always contact me on that number.”
“Okay.”
“Yung number mo?” Binigay naman ni Marian yung number niya kay Richard.
“Starting tomorrow kailangan nating magsabay every morning para di tayo mahalata. “
“Pero 10 a.m pa schedule ko bukas.”
“Then
do you expect me to come to the office at 10 also? Ikaw ang mag adjust
kasi ikaw yung makikisakay sa akin. And may meeting din ako bukas so I
need to be early. Around 7 am kailangan okay ka na, is that clear?” Lalong
nanggigigil si Marian sa inis. Pakiramdam niya para lang siyang tauhan
ni Richard sa hotel na inuutusan niya at wala siyang karapatang
tumanggi.
Kinabukasan..
Pagkatapos
mag breakfast ay nagpaalam na sina Marian at Richard kay lolo Roberto.
Sinabi naman ng matanda na pagkatapos niyang mag-breakfast ay susunod na
siya sa kanila at uuwi na din sa sariling bahay. Naka-bukod kasi sina
Richard sa matanda kasi yun ang gusto nito para daw may privacy sila
lalo pa at bagong kasal silang dalawa.
Inside
the car, Marian keeps yawning. Gustong-gusto pa sana niyang matulog
pero ginising siya ni Richard ng maaga. She promised herself that
pagdating niya sa tambayan matutulog talaga siya bahala na kung ano ang
sabihin ng mga kaibigan niya.
Akala
ni Marian hanggang gate lang ng univeristy siya ihahatid ni Richard,
buti na lang at may kagandahang-loob din itong tinatago at pumasok pa
hanggang sa parking area ng campus.
“Anong oras ang labas mo mamaya?” Pahabol na tanong ni Richard kay Marian ng bumaba na siya.
“5:30 ng hapon”
“Okay, dadaanan na lang kita.”
Tumango
si Marian, nagtataka man pero pasalamat na din siya at may libre pa
siyang sakay at di na maglalakad papasok ng village or di na siya
gagastos para pang-taxi. Kahit nakakaluwag na kasi siya sa pera ngayon
at malaki naman ang pera na ibinibigay ni Richard sa kanya para
pang-gastos at wala na rin siyang iisiping babayarang tuition at
binayaran na rin ni Richard sa utos ni Lolo Roberto, nahihiya parin
siyang gastusin ang pera niya.
When
Richard left, agad namang nagpunta ng tambayan nilang magbabarkada si
Marian. Buti na lang at may bench kaya makakatulog din siya kahit
papaano. Makaraan ang isa at kalahating oras, dumating si Ruby sa
tambayan nila. Nadatnan niya si Marian na nakayuko sa may mesa at
ginawang unan ang mga libro nito. Pagkalapit ay ginising nito ang
kaibigan. Medyo disoriented pa si Marian, natawa tuloy si Ruby sa kanya
at tinukso siya.
“Marian, hinay hinay din kasi kayo sa honeymoon ninyo.”
“Tseh! Honeymoon ka diyan! … Grabe, alas tres na ata ng madaling araw ako nakatulog..” Reklamo ni Marian sa kaibigan na naka-upo na sa harapan niya.
“Bakit? Don’t tell me ganun ka-hot si Richard Lim! " Ruby is covering her mouth while giggling.
“Hot
ka diyan..kasi napagalitan kami ni lolo Roberto, nagpunta kasi ng bahay
para dumalaw tapos late na naka-uwi ng mansyon si Richard kaya hayun
nasabon kami pareho.”
“Ayayay! Bakit kasi..don’t tell me ganun pa din set-up ninyo?”
Di
parin maiwasang magulat ni Ruby tuwing naririnig niya ang mga kwento ni
Marian tungkol sa kanila ni Richard. Bukod kasi sa kanilang
magkakaibigan at sa dean nila, wala ng ibang nakaka-alam sa sitwasyon ni
Marian at Richard matapos makiusap ang lolo ni Richard sa dean na
ilihim na muna ito sa iba. Yon din kasi ang gusto ni Marian kaya
pinagbigyan siya ng mga ito.
“Oo, ganun pa din.”
“Teka, pag-uwi mo kahapon andun na si lolo?”
“Hindi.. alam mo ba kung sino ang nadatnan ko?”
“Sino? “
“Si Richard!”
“Ows? “
“Oo,
kaya nga nagulat ako..first time kong umuwi ng late tapos naunahan pa
ako sa pag-uwi ni Richard! Nakakahiya, kasi akala ko lusot na ako kasi
pagdating ko wala naman siyang reaksyon..pero nung naghapunan na kami
nabisto ako dahil sa katangahan ko!” Tumatawa
si Ruby habang ikinukwento ni Marian ang nangyari. “Kaya pala antok na
antok ka ngayon kasi di ka natulog at naunahan ka ng uwi ni Richard.”
Marian
pouted and nodded her head. Mula ng magsama sina Richard at Marian,
lagi na kasing umuuwi si Marian ng maaga para makatulog ng sandali bago
pa maka uwi si Richard. Sinusulit niya ang oras na makatulog kahit
sandali kasi pag nagtabi na silang dalawa ni Richard di siya gaanong
nakakatulog at lagi na lang siyang kinakabahan. Biro nga ng mga girl
friends ni Marian graveyard shift daw siya palagi.
Kahit
ayaw nilang magtabi, wala namang gustong sumuko sa kanila. Si Marian
ayaw namang matulog sa couch, sa isip niya baka naman magpaka-gentleman
si Richard at magpresintang siya na ang matutulog doon pero wala.
Marahil ayaw nitong mamaluktot sa couch, sa taas niyang 5'10 mahirap nga
naman sa kanya. At lalong-lalo ng walang gusto sa kanilang dalawa na
matulog sa sahig at tiisin ang lamig, for Marian di bale ng di siya
makatulog ng maayos sa gabi, uuwi na lang siya ng maaga para makabawi sa
tulog niya. For Richard, bakit naman siya magtitiis sa sahig sa kanya
naman ang kama in the first place. Kaya para sa kanilang dalawa,
pakapalan na lang ng mukha di bale ng maasiwa.
“Mukhang mamaya di na naman ako makatulog ng maayos.”
“Bakit?”
“Kasi dahil sa nangyari kagabi kailangan na naming magsabay ni Richard palagi para di kami isumbong ni Manang Fely kay lolo.”
“Kawawa ka naman..” Pang-aasar na sabi ni Ruby kay Marian. Hinahagod-hagod pa nito ang likod niya at naka-pout pero tumawa naman ito pagkatapos.
Nasa
kalagitnaan ng kwentuhan sina Marian at Ruby ng dumating ang ilang mga
kaibigan, malapit na din kasi ang oras ng klase nila. Ilang sandali
naman ay naramdaman ni Marian na kinakalabit ni Edselyn ang kanyang
tagiliran.
“Bakit ba!?”
Nang
tingnan ang kaibigan, napansin niyang parang may gusto itong tingnan
niya sa kabilang banda. When she turned her head, nakita niya si Bart.
Si Bart Ramirez, ang crush niyang basketball player. Biglang napatigil
ang mundo ni Marian ng makita niya ito.Medyo matagal na din kasi niyang
di nakikita si Bart kaya di maiwasang mapanganga na naman siya ng makita
ang lalaki. Mukhang kakadating lang nito at mamasa-masa pa ang buhok
nito. Naka-upo ito sa isa sa mga bench sa ilalim ng isang puno kasama
ang mga kaibigan niya.
Hayyy ang gwapo talaga niya.
“Marian, huwag masyado titigan baka matunaw.” Bulong ni Edselyn sa kanya.
“Hasus..kung makatitig parang walang Richard Lim na maghihintay mamaya paglabas .” Dugtong naman ni Ruby.
“Nakakainis kayo! Pwedeng huwag munang banggitin ang bad vibes…tsaka sinabi naman niyang pwede akong makigpagdate ahh.” Marian grins while the girls chuckles.
“Uy ayan na, nakita ka and papunta na siya dito.. behave.”
Bulong
ni Edselyn sa kanila nang makitang papalapit si Bart sa bench nila at
nakangiti pa. Agad naman silang umayos sa kanilang pagkaka-upo. Si
Marian di malaman ang gagawin, nataranta, at nahihiya pang lingunin si
Bart pero nang huminto na ito sa kanyang likuran at bumati agad naman
niya itong napalingon at bumati rin. Umupo ito sa tabi niya, kinikilig
man pero pinipigil ni Marian ang sarili.
“Tagal na kitang di nakikita ah..” tanong ni Bart sa kanya habang tinititigan siya nito ng mabuti.
“Talaga..baka
nagkataon lang..” matipid niyang sagot kay Bart. Bagay na nagagawa lang
niya kapag nakaharap siya sa lalaki dahil kadalasan naman ay maingay at
madaldal siya kapag ibang tao ang kaharap niya.
“hmmm siguro..tuwing hapon kasi sina Eds lang nakikita ko dito mga dalawang linggo na ata..”
“Umm, kailangan kasing umuwi ng maaga..”
“Kaya pala..kumusta na?”
“Okay lang naman..ikaw?”
“Eto, busy ..may practice na lagi eh tapos mamaya may game pa. Di ka manonood?”
“Manonood?” Eiii nag-iimbita ka ba? Anubeeee kinikilig na ako..sheyt!
Naghuhuramentado na ang pag-iisip at ang damdamin ni Marian.
“Oo, di ba nanonood naman kayo palagi pag may game? Mamaya 5 p.m ang schedule.”
“mmm” Oh my goohhlayyy nag-iimbita nga siyaa!!
Biting
his lips, Marian look at her friends sitting beside her. Naghihintay na
sumang-ayon, Ruby who is sitting across her was glaring at her as if
telling her to say no.
“Yeah sure!” kaagad na sagot ni Marian.
“Great!”
Bart exclaim while Marian’s friends were all surprise with her reply.
But since nasa mesa pa si Bart di nila magawang batukan si Marian.
“Okay, I’ll see you later then..pasok muna ako sa next class ko..ikaw?” Marian look at her watch and found out na malapit na din pala mag alas-diyes.
“Yeah me too.”
“Tara sabay na tayo, saan ba room ninyo?”
“2nd floor, room 102.”
Next to your room. Gusto sanang idagdag ni Marian kaya lang nahiya siya baka malaman pa ni Bart na alam niya class schedule ng lalaki.
“Wednesday pala ngayon magkatabi lang tayo ng room every 10 a.m.. HRM 64 Entrepreneurship and Business Planning, right?”
Na-surprise
si Marian at di lang pala siya yung mala-stalker kung makasunod, deep
inside kinikilig si Marian. Ibig sabihin lang nito, sinusubaybayan din
si ni Bart all along! Matagal na silang magkakilala ni Bart, di sila
personally pinakilala pero dahil sa sikat si Marian sa school at lahat
ata ng varsity players may crush sa kanya di nakapagtataka na maging
magkaibigan sila kinalaunan.
Sabay
na naglakad papasok ng building sina Marian at Bart habang nakasunod
ang mga kaibigan niya sa kanila. Sandaling nakalimutan ni Marian ang mga
kaibigan, masyado itong naging abala sa pakikipag-usap at pagpapa-cute
sa crush niya. Nang makapasok na sa loob ng lecture room at naka-alis na
si Bart, Ruby slightly pinched Marian’s side.
“Ano yon?”
“Aray!! Bakit? Ano? Manonood lang naman tayo ah!”
“Marian, di ba sabi mo susunduin ka ni Richard mamaya?”
“Oo, at balak kong pag-antayin siya para makabawi naman ako noh..ang aga ko kayang nagpunta dito kanina!”
Walang
magawa ang mga kaibigan ni Marian, shaking their heads in complete
surrender. Alam naman nilang di sila pakikinggan ng kaibigan nila. Ilang
sandali pa dumating na ang professor nila at nagsimula na rin ang klase
.
Paglabas
ng room nila lunch time na, di inasahan ni Marian na makakasabay nila
ulit sina Bart sa paglalakad papuntang cafeteria, kung di siya pinigilan
ng mga kaibigan baka pati sa pagkain nagkasabay narin sila.
At
5 pm, pagkatapos ng klase nina Marina agad nitong niyaya ang mga
kaibigan para manood ng laro. Sa tuwing nahahawakan ni Bart ang bola
grabe ang sigaw ni Marian at ng iba pang mga girls sa loob ng gym.
“Girl kumalma ka kaya..”
Pinipilit
siyang pinapaupo ni Edselyn pero di naman ito pinapansin ni Marian.
Sobrang saya niya kasi malaki ang lamang ng team nina Bart kesa sa
kalabang university nila. Ilang sandali natapos na din ang laro at
nanalo nga ang university nila. Papalabas na sana sila ng gym ng tawagin
si Marian ni Bart. Tumatakbo ito papalapit sa kanila.
“Uwi ka na?”
“Oo eh, late na tsaka may naghihintay na sa akin sa parking area.”
“Ahh okay, sige kita na lang tayo bukas..Salamat at nanood ka na ulit.”
Marian
smiled and turned to leave together with her friends. Habang naglalakad
paalis, nag-uumapaw ang saya ni Marian dahil sa ginawang paghabol ni
Bart sa kanya. Pakiramdam niya, napaka-importante para kay Bart ang
presence niya kanina at personal pa talaga itong nagpasalamat sa kanya.
Ilang
sandali ang nakaraan narating na niya ang parking area. Nang makita ang
sasakyan ni Richard ay kumatok muna ito sa bintana ng kotse bago niya
binuksan ang pinto at sumakay.
“I thought 5:30 pm ang labas mo?”
Isang
nakasimangot na Richard Lim ang sumalubong kay Marian. Napansin ni
Marian ang mumulang mukha at tenga ni Richard ng humarap na ito sa
kanya. Salubong din ang mga kilay nito.
“Pinaghintay mo ako ng isang oras alam mo ba yon?”
“Sorry, may ginawa lang.” Paki ko kung isang oras kang naghintay, ilang oras din akong napa-aga kanina ..
Di
nagpapa-apekto si Marian sa mood ni Richard at binabalewala ang
pagtataas nito ng boses. Nagdiriwang ang kanyang kalooban at naka-isa
siya kay Richard. Alam niyang inis na inis na ito sa kanya.
“Saan ka ba galing?”
“Nanood ng basketball” kalmadong sagot ni Marian na parang balewala lang talaga ang paghihintay ni Richard sa kanya.
“WHAT??!!Are you kidding me?”
Marian
turned her head to look at Richard na naka poker face. Lumaki tuloy ang
butas ng ilong ni Richard ng makita ang ekspresyon ng mukha ni Marian.
Nakita nitong mas lalong namula ang mukha ni Richard at di maipinta ang
mukha ng lalaki.
Subukan mo akong gisingin ng maaga araw-araw at di talaga kita tatantanan Richard Lim.
No comments:
Post a Comment