When boredom strikes - rewrite! :D
I hope everyone would still like this version .. longer, sweeter, funnier .. fiercer?! Chos!
Oooopppsss! Warning.. sorry at nag-iba na name nila, nagpabinyag kasi uli sila! XD
~*~
Nagmamadali
si Marian habang bumababa sa taxi na sinasakyan, 9 p.m na kasi kaya
kinakabahan na siya baka kung ano ang magiging reaksyon ng mga tao sa
mansyon. Nag-doorbell at pagkaraan ng ilang segundo binuksan na ni
Jonas.
“Good evening po ma’am.”
“Good evening naman po kuya Jonas..si Richard andyan na?” Tanong ni Marian kay Jonas na nakasunod na sa kanya papasok ng mansyon.
“Opo, kanina pa po mga alas-sais ng gabi, nasa opisina ata siya ngayon..ay teka tutulungan na kita.” Kinuha ni Jonas ang dala nitong ilang libro at binder niya.
“Thank you po kuya..pwedeng paki sabi kay Dorina iakyat na muna sa kwarto ko please?”
“Sige ma’am, ibibigay ko na muna to kay Dorina.” Pagpasok
sa may pintuan, diretso na agad si Jonas sa kusina para ibigay ang
gamit ni Marian kay Dorina habang si Marian naman ay papuntang opisina
ni Richard. Dahan-dahan siyang naglakad, nag-aatubili at baka di na
naman maganda ang mood nito . Nitong nakaraang araw kasi parang lagi na
lang itong mainit ang ulo, tahimik at parang ayaw makipag-usap kahit
kanino pa.
O baka sadyang tahimik lang siyang tao?
Natatanaw
na niya ang bungad opisina ni Richard at nakita nga niya ito doon na
may ginagawa sa harap ng kanyang laptop. Di na siya nakapasok pa sa loob
ng opisina nito kasi nakita na naman siya at tiningnan lang siya ni
Richard. Still looking at her with furrowed brows and glaring eyes.
Napalunok tuloy siya ng laway niya.
Oh, dear!
“So-sorry..na-late ako ng uwi kasi may group study..”
She
waited for his response and she expected him to yell at her pero
wala..parang di siya nakita nito at ibinalik ang kanyang atensyon sa
kanyang ginagawa. Dahil dun, di malaman ni Marian kung pwede na ba
siyang umalis o hindi pa, pero nang dumaan na ang ilang minuto at
nagmukha na siyang tanga na nakatingin lang kay Richard na nasa loob ng
kanyang opisina, she decided to leave and go to their room.
Pagpasok sa kwarto, she slumps into the bed and let out a deep sigh.
Ano na naman ba kasing pinasukan ko!
Kamot-kamot
ang kanyang ulo dahil sa inis. Kung di ba naman kasi siya malas, ang
ganda ng takbo ng buhay niya one month ago, pero biglang nagbago dahil
sa 4 na pirasong siomai!
Flashback...
One month ago…
Nasa
isang bench sa isang puno ng kahoy sa loob ng university si Marian,
kasama ang mga kaibigan at kaklaseng sina Ruby, Edselyn, Daniel, at Mary
Faith nang biglang may ini-abot si Joshua sa kanya na maliit na
styrofoam box, sa nabasa pa lang ni Maya sa box alam na niya kung ano
ang laman, Japanese Siomai, ang paborito niya. Natatakam na si Marian na
kainin ito, lalong-lalo na at galing ito sa paborito niyang bilihan ng
siomai.
“Marian pinabibigay ni Sir.”
Umasim
tuloy ang mukha ni Marian ng malaman kung kanino galing ang pagkain.
Daig pa ng mukha niya ang kalamansing kasama ng siomai sa loob ng
styrofoam. Tinakpan na niya ulit ang pagkain na kanina pa sana niya
gustong lantakan.
“Bakit daw?”
“Nagtatanong ka ba dahil hindi mo alam o nagtatanong ka kasi nagmamaang-maangan kang di mo alam?”
Tukso ng kaibigan nito sa kanya. Hiyawan tuloy lahat na nakapaligid sa kanila.”
“Ang ingay! “ Inis na saway ni Marian sa mga kaibigan.
“Hoy Joshua, ilang ulit ko bang sabihin sa’yo na huwag kang tumanggap ng kahit anong ipinabibigay niya sa akin. “
“Yaan mo na Marian, para naman may makain kami ulit! Di ba guys?!”
Nag
high-five pa sina Joshua at Daniel. Ilang beses na din kasing may
natatanggap si Marian na pagkain mula sa professor nila pero di niya ito
tinatanggap at pinapasauli niya ito sa mga kaibigan niya, pero dahil
ayaw ng mga ito sina Joshua at Daniel ang laging kumakain.
“Ayan ayan…dahil diyan akala ni Sir ako yung kumakain sa ipinapadala niya..nakakainis kayo ha!”
“Kesa naman masayang tong pinadala niya kaya kami na lang ang kakain.”
Aktong kukunin na ni Daniel sa kamay niya ang styrofoam pero di nito ibinigay ni Marian.
“Hep, hep, hep!! Di ninyo ito kakainin kasi isasauli ko to.”
“Akin na at kami na ni Joshua ang magsasauli niyan.”
“Hindi! Ako na at baka sa tiyan na naman ninyo ito mapunta..”
Kinuha
na ni Marian ang gamit niya at nagpaalam sa mga kasama na hahanapin
muna ang kanilang professor para isauli ang pagkain. Nanghihinayang
naman sina Joshua pero di talaga nagpapigil si Marian. Papasok na sana
si Marian sa loob ng building ng may madaanan siyang matanda na naka-upo
sa isang bench na nasa harap ng building. Nagtaka si Marian kasi noon
lang niya nakita ang matanda doon sa campus. Nilapitan niya ito para
magtanong at baka nawawala ito.
“Lolo? May hinahanap ka po?”
Tiningnan siya ng matanda sabay ngiti sa kanya.
“Hija, dito ka ba nag-aaral?”
“Opo lolo.”
Tiningnan
ni Marian ang matanda at mukhang pagod na pagod ito, siguro sa
kakalakad at sa sobrang init ng panahon. Naawa si Marian sa matanda kaya
nag desisyon siyang ibigay sa matanda ang siomai na dala nito at di na
lang isasauli sa kanyang professor.
“Lo, gusto mo ng siomai? Sa’yo na to oh.”
“Ang bait mo naman hija, kanina pa nga ako nagugutom eh. Ang init at tsaka ang layo pa ng nilakbay ko.”
“Naku!
Kawawa ka naman lo. Sige kainin mo na po yan, papasok lang ako dun ha
para ibili ka ng softdrink. Antayin ‘nyo po ako dito ha?”
Nagliwanag
ang mukha ng matanda, parang kinurot ang puso ni Marian ng makita ang
ligaya sa mukha ng matanda. Naalala tuloy ni Marian ang lolo niya na
nagpalaki sa kanya, dahil sa matanda na-miss niya tuloy ito. Iniwan ni
Marian ang matanda para magpunta sa canteen at bumili ng softdrink, agad
naman siyang bumalik at binigay ito sa matanda. Sakto namang pagbalik
niya natapos na ng matanda ang kinaing siomai.
“Salamat hija ha..ano nga pala pangalan mo?” Tanong ng matanda habang umiinom. Naka-upo naman si Marian sa tabi nito.
“Marian po, Marian Dela Rosa. Ikaw po lolo ano ang pangalan mo?”
“Ako naman si Roberto Lim. “
“owwws? Lolo ha, pang sossy yung pangalan mo..”
Biniro
ni Marian ang matanda, ngumiti naman ito ng marinig ang sinabi niya. Sa
isip ni Marian baka di nito naintindihan ang salitang sossy kaya parang
wala lang o baka di nito kilala si Don Roberto Lim, may-ari ng chain of
five-star hotels sa buong bansa.
“Dito ka ba nag-aaral Marian?”
“Opo, ikaw lolo may apo ka ba dito?”
“Wala na, noon yung apo ko dito nag-aaral.. ako din at yung asawa ko, dito kami nag-aaral noon.”
“Ahhh kaya pala, siguro na miss mo tong lugar noh kaya nagpunta ka dito?”
“Oo,
dito kasi kami nagkakilala ng asawa ko. Noong buhay pa siya, dito kami
laging pumapasyal pero nang mamatay na siya di na ako nakakapunta dito,
ngayon na lang kaya sobrang nanibago ako kanina pag pasok ko pa lang ng
gate.”
“Ahh ganun pala, ilang taon na ba ng huli kayong naka dalaw dito po lolo?”
“Matagal na..20 years na.”
“Ay, naku lolo talagang maninibago kayo kasi ang tagal na naman pala.”
“Oo nga eh..”
“Pero
bilib ako sa’yo lo kasi di nyo pa nalimutan tong lugar na to kahit
matagal ng nawala si lola..sana makatagpo din ako ng lalaking katulad
mo.”
Nahuli
ni Marian ang kiliti ng matanda, aliw na aliw sa kanya si lolo Roberto,
tumagal pa ang kanilang pag-uusap hanggang sa naalala na lang ni Marian
na may pasok pa pala siya. Dahil naaawa si Marian sa matanda, tumawag
siya ng taxi at sinabihan nitong ihatid ang matanda kung saan man ang
bahay nito sabay abot ng pera para pamasahe ni lolo. Nagpasalamat naman
ang matanda sa kanya at sinabing dadalasan nito ang pagdalaw sa campus
para makita at maka-usap siya.
And
true to his word, makalipas ang tatlong araw, bumalik ang matanda sa
university, at sa pangalawang beses na pagkikita nila nagulat si Marian
at nagpapakilala na itong siya si Roberto Lim Sr. , ang kilalang
may-ari ng mga sikat na hotel sa buong bansa. Di malaman ni Maya kung
ano ang magiging reaksyon niya kung matatawa ba siya o maniniwala,
lalong-lalo na ng sabihin nitong gusto siya nitong maging asawa ng
kaisa-isa nitong apo.
“PO?!”
Sa
sobrang gulat ni Marian sa narinig bigla tuloy napalakas ang boses
niya. Naisip ni Marian na baka nalipasan na naman ito ng gutom sa
paglalakad so she decided to go with the flow.
“Lolo naman eii..huwag ‘nyo po akong biruin ng ganyan…tsaka bakit ba kayo ang naghahanap ng mapapangasawa ng apo ninyo?..”
“Marian, hija, gusto ko lang na makapangasawa ang apo ko ng babaeng mabait at maganda na tulad mo.”
“Lolo nagpapatawa ka ba? Yung maganda, tanggap ko yon..pero yung mabait ako..akala mo lang yon.”
Pagpapatawa
ni Marian baka sakaling mahimasmasan ang matanda at magbago ang isip
nito. Lumipas ang ilang minuto, pinipilit pa din ng matanda na
sumang-ayon si Marian sa gusto nito. Naisip tuloy ni Marian na
sumang-ayon na lang para matapos na ang usapan at maihatid na niya pauwi
si lolo.
“Sige lolo papayag ako…basta ba yung apo ninyo kasing gwapo ni Richard Lim at kung maisasama nyo siya dito pagbalik ninyo?”
Hamon
ni Marian kay lolo. Di parin naniniwala si Marian sa matanda, at
syempre walang kasalang mangyayari kasi di naniniwala si Marian na
madadala ni lolo si Richard Lim sa harap niya.
“Hija, promise mo yan ha..”
“Oo lo, promise yan..pag madadala mo si poging Richard Lim dito sa harap ko, wala ng paligoy-ligoy pa..kasalan na kaagad!”
“Talaga? Kahit sa civil wedding lang?”
“Oo lo! Pag-uwi ninyo kasabay na ako!”
“Pwes, ihanda mo ang sarili mo ha. Bukas babalik ako. Dala ko na ang apo ko.”
Buong
pagmamalaking sagot naman ng matanda sa kanya. Siguradong-sigurado sa
sarili niya habang si Marian naman panay sang-ayon lang sa matanda.
“Marian, alam mo naman sigurong pag nangako ka sa matanda di mo dapat binabawi at baka pagsisihan mo balang araw yan..”
“Oo
naman, may ginawa na akong pagkakamali noon sa lolo ko ng may pinangako
akong di natupad hanggang sa namatay na lang ito. Ayoko pong magkamali
sa ikalawang pagkakataon.”
Maluha-luha
pa si Marian ng maalala niya ang lolo niya pero agad niyang winaksi sa
isip ang mga alaala ng lolo niya para di na malungkot at baka tuluyan na
siyang bumigay at humagulhol.
“Oh
siya, bukas dalhin mo yung birth certificate mo ha at nang pag-uwi
natin masimulan ko ng ayusin ang sa kasal ninyo ng apo ko. Sabihan mo na
rin ang nanay at tatay mo tungkol sa kasal mo ha.”
“Siguradong-sigurado
talaga kayo diyan lolo ha? Eh ang alam ko masungit ang apo ninyo, paano
kung di yon pumayag sa gusto ninyo?”
Pang-aasar
ni Marian kay lolo, gusto kasi niyang malaman kung ginu-good time lang
ba siya ng matanda o baka nagkamali siya ng kinakausap at loko-loko na
pala ito, nagbabalatkayo sa pamamagitan ng pagsusuot ng malinis at
mukhang mamahaling damit.
“Siguradong-sigurado talaga ako. At saka di yon makakatanggi sa akin kasi mahal na mahal ako nun..Oh paano aalis na ako?”
“Sige po, itatawag ko na kayo ng taxi.”
“Huwag na, maglalakad na lang ako dun sa may parking area at naghihintay ang driver ko.”
"Confirm! Hibang talaga si lolo." Bulong ni Marian sa kanyang sarili.
Tumalikod
na ang matanda at naglakad papuntang parking area. Pinipigil ni Marian
ang sarili niya na huwag matawa ng malakas. Gusto niyang pokpukin ang
sarili niya kung bakit nagpa-uto siya sa matanda. Buong akala niya
maayos ang pag-iisip ng matanda kasi maayos naman ang pag-uusap nila
nung nakaraang araw. Gusto sana sundan ni Marian si lolo para
siguraduhing maayos itong maka-uwi, kahit ba hibang ito maganda naman
ang pakikitungo nito sa kanya kaya naaawa din siya dito. Pero nang
tumunog ang bell ng campus, naalala niyang may klase pa siya kaya di na
niya ito sinundan at dali-dali ng pumasok sa building para pumunta sa
klase niya.
Kinabukasan
kakapasok lang ni Marian sa loob ng building kasama ang mga kaibigan
niya, kagagaling lang nila mag lunch ng tinawag siya ng dean niya.
“Ms. Dela Rosa..”
“Po?”
“Pumasok ka muna sa office, may naghihintay sa’yo.”
“Sige po, susunod po ako..”
Naunang
pumasok ng office niya ang Dean habang sina Marian at ang mga kaibigan
nito ay nagtataka kung sino ang naghihintay sa kanya sa loob.
“Sino daw?”
“Ewan … di ba narinig mo wala namang sinabi kung sino..”
“Hala Marian! Baka parents yan ng isa sa mga estudyanteng hinihingan mo ng pang snacks mo.” Sagot ni Daniel sa kanya.
“Heh! ..papasok na ako, antayin ‘nyo ako dito ha?”
Ayaw
man aminin ni Marian pero kinabahan siya nang marinig ang sinabi ni
Daniel. Ilang beses na rin kasi siyang napuna ng mga professors niya
kasi may mga freshmen na nagrereklamo sa ginagawa niyang panghihingi ng
pera sa tuwing dumadaan sila sa tambayan nina Marian sa campus. Minsan
kasi trip lang talaga ni Marian mang-asar sa mga babaeng freshmen
pa..yung mga lalaki naman kasi di na kailangan ng isang salita
nagbibigay na kaagad. Yung iba para mapansin lang niya kung anu-ano na
lang ang pinapadala. Kadalasan naman ang mga boys na varsity players,
nagpapa-cute sa kanya at kusa ng nagbibigay sa kanya o sa mga kaibigan
niya.
Pagpasok
ni Marian sa opisina ng Dean, nagulat siya ng makita agad si lolo
Roberto nakangiti ito sa kanya at agad tumayo, halatang excited na
makita siya ulit.
Patay! Pati si Dean kinausap na din pala ni ..
Mas
lalong nagulat si Marian ng makita ang nasa harap ni lolo Roberto, si
Richard Lim! Di malaman ni Marian kung ano ang gagawin. Nang mga
sandaling iyon, gusto niyang tamaan na lang siya ng kidlat o lamunin ng
sahig na kinatatayuan niya.
Ohh myy goolaayy!!!
“Marian, hija!!”
Nilapitan
pa siya ni lolo Roberto at inakap siya. Di ata siya makagalaw at
naninikip ang kanyang dibdib. Bigla na lang siyang ———– hinimatay.
Present time…
Nagising
si Marian sa isang mahinang yugyog sa kanya. Nakatulog pala siya sa
kama. Nang iminulat ang mata, nakita niya ang mukha ni Richard na
nakadungaw sa kanya.
“Di ka ba muna magpapalit ng damit?” Sa sobrang gulat ni Marian, dali-dali siyang napabangon kaya nagkauntugan silang dalawa.
“Ouch!!”
Hawak ni Richard ang bibig habang si Marian naman ang kanyang noo.
“Damn!”
Nakita ni Marian na may konting dugo sa lips ni Richard.
“Sorry!.. may..dugo.”
“Nang tiningnan ni Richard ang daliri niya nakita nito ang dugo kaya agad itong nagpunta sa CR para linisin ito.”
Lalo
tuloy nakonsensya si Marian. Habang nasa C.R ito, sinamantala naman ito
ni Marian at nagpalit na ng damit. Sabay pa silang lumabas ni Richard,
siya galing walk-in closet, si Richard naman galing CR.
“Kumain ka na?”
Milagro nagtanong.. “Hindi pa.”
“Kung tapos kana magbihis bumaba kana para maghapunan na tayo.”
Lumabas na ng kwarto si Richard. Sumunod naman agad si Marian.
Sa
mesa, tahimik silang kumakain. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na
sabay silang kumain mula ng magsama sila. Parang nahihirapan si Marian
lunukin ang kinakain niya sa sobrang tahimik nilang kumakain. Pakiramdam
niya binibilang ni Richard ang bawat subo niya.
“Next time, kung makakauwi ka ng late tumawag ka para masundo ka ni Jonas.” Tumango si Marian.
“Saan ka galing kanina?”
“May… may binili lang kasi ako kanina kaya natagalan akong umuwi..”
Napakunot ang noo ni Richard habang tinititigan siya. Nataranta si Marian nang makita ang reaksyon ni Richard.
“Sorry … nagyaya kasi ang mga kaibigan ko na mag-inuman muna. Birthday kasi ng isang barkada namin.” Richard leaned back on his chair and sneered.
“Wait,
to make it clear..pumunta ka ng mall para bumili ng maiinom,
nag-hangout kayo ng friends mo sa bahay ng isa sa mga kaibigan ninyo
kasi may birthday tapos nag group study..ng ano? Ng iba’t-ibang klase
ng inumin?”
Nabilaukan
si Marian sa narinig niya. Looking at her with amuse eyes, Richard
poured water on her glass and hand it to her. Inilapit ni Richard sa
tenga ni Marian ang bibig niya and whisper.
“Sa susunod kasi, ayusin mo yung palusot mo ha para di kita mabisto .”
Pagkatapos
sabihin ito ay tumayo na at iniwan si Marian na hanggang sa mga
sandaling iyon ay pulang-pula sa hiya. Si Richard naman ay umiiling
habang umakyat ng hagdan at nakangising nakatitig sa kanya.
I think I still feel the Maya....sori ha? I know sbi mo nga bgo binyag bgo name... Pero diko ma feel na ibang name ang love interest ni Richard....
ReplyDeleteDon't worry, marami nakaka-relate sa'yo. :D
ReplyDeleteAside kasi dito naka-post din ito sa booklat ko kaya iniba ko ang name nila but since yung title niya is Chinito, di ko iniba ang name ni Richard sa story. Kaya chill!
yehey! new story to follow! hehehehehe
ReplyDeletewelcome back!
Since last week ko pa nadiskubre itong ver. 2 but I did not make any comments....... napabasa ako ulit doon sa ver. 1 nabitin ako! When na ang mga sumusunod na chapters? Thanks
ReplyDeletethis version ... longer, sweeter, funnier ... fiercer
ReplyDelete... wala bang "hotter" ? lol