Friday, July 11, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 4 )

     “Bakit ano po yon?”

Sa boses pa lang ni Richard, alam na ni Teresita na nababahala na ito sa kung ano ang matutuklasan tungkol kay Marian.

“Natatakot ako baka dahil sa nangyari kahapon ma-depress na naman si Marian.”

“Ma-depress na naman po? Bakit?”

“Five years ago, napagdaanan na ito ni Marian. May nangyari kasi noon sa kanya at sa pinsan niya.”

“Kwento nyo po, makikinig lang ako..”

“Nangyari ang insidenteng iyon noong fourth year high school pa si Marian, doon pa siya nakatira sa San Antonio. Nagpaalam siya sa lolo niya na may pupuntahan sandali kasama ng pinsan niya. Dalawa kasi sila ng pinsan niyang nakatira noon sa tatay ko habang andito kami ng mga tito at tita niya, yung mga magulang ng pinsan ni Marian, nagtatrabaho sa Manila. Palibhasa si Marian ang mas nakakatanda, pag may lakad silang magpinsan sa kanya pinapaubaya ng lolo niya ang pinsan niyang si Rachel.
May school program at dahil gabi na makakauwi ayaw sanang payagan ng lolo nila na umalis silang dalawa pero nagpupumilit sila kaya pinayagan na  rin ng tatay ko. Malalim na ang gabi ng  nakauwi ang dalawa, may mga tambay na nadaanan sila at di nila namalayan sinundan sila ng dalawa sa mga lalaking nadaanan nila. Pagdating sa isang liblib na lugar bigla na lang silang hinatak ng mga lalaki.”

“Wait..don’t tell me..” Nanlaki ang mga mata ni Richard ng marinig ang kwento. Di pa man ito natapos ni Teresita may hindi magandang naisip na si Richard kung ano ang susunod na mangyayari na lubos nitong ikinatakot.

“Unfortunately, si Rachel,ang pinsan ni Marian ..di ito nakatakas..si Marian naman muntik na, buti na lang at may nakapa siyang bato kaya ito ang ginamit niya para ipukpok sa lalaki kaya nakatakas siya. Nagawa ni Marian na makahingi ng tulong sa mga kapitbahay namin. Nang marinig ng lolo nila ang balita, inatake ito sa puso at dahil sa kaguluhan at abala ang lahat na mahanap si Rachel, di ito kaagad nadala ng hospital. Si Rachel naman patay na ng matagpuan. Pinukpok ng isang malaking bato ang ulo saka  ito iniwan ng mga lalaking humarang sa kanila”

Di kaagad nakapagsalita si Richard matapos ilahad ni Teresita ang buong pangyayari. Magkahalong galit at awa ang nararamdaman ng lalaki sa sinapit ni Marian at ng kanyang mga kamag-anak. Si Teresita naman ay di na nakapag-pigil sa sarili niya tuluyan na din itong humahagulhol habang naka-upo sa silya na nasa harap ng mesa ni Richard. Agad naman itong nilapitan ni Richard at inalo. Dahil sa kinwento ni Teresita, naiintindihan na niya si Marian kung bakit di parin ito makamove-on kaagad sa nangyari sa resort. Di maiwasan ni Richard na sisihin ang sarili niya kung nanumbalik sa alaala ni Marian ang nangyari noon sa kanya.

“Nay, sorry po. Di ko alam may naging masamang karanasan pala si Marian noon at ako pa ang magiging dahilan sa pagbalik ng depression niya. Sorry po talaga, di ko po sinasadya.’ Mahinang sambit ni Richard habang dahan-dahang hinihimas yung likod ng biyenan niya.

“Alam ko namang di mo yon kagustuhan ang nangyari kahapon. Isa lang ang pakiusap ko. Sana di mo hayaang ma-depress muli si Marian. Ilang taon din ang lumipas bagoa siya bumangon ulit. Alam na alam ko din na dahil sa pangako niya sa lolo niya noon kaya pumayag siya na makasal kayo, dahil nangako siya sa lolo mo..iniisip niya parin yung pangako niya sa lolo niya noon na aalagaan ang pinsan niya. Hanggang ngayon dala pa din niya sa dibdib ang pangakong di natupad kaya hanggang sa ngayon, ayaw niyang may pangako na naman siyang di tinutupad kahit kanino man.”

“Aaminin ko, di ko rin siya maintindihan kung bakit pumayag siyang makasal kami. Akala ko nga noon yung pera lang ni lolo ang gusto niya. Ngayon na nalaman ko na ang kwento..naiintindihan ko na siya. I promise that I will help her and I promise that I will protect her from now on.”

“Thank you Richard..”

Nakatulong kina Richard at Teresita ang pag-uusap na iyon. Naging panatag ang loob ni Teresita ngayong alam niyang may isang taong nakakaintindi sa anak ng pinagdadaanan niya ngayon. Ngayong narinig na ni Richard ang isang bahagi ng nakaraan ng babaeng pinakasalan, di maiwasang mapukaw ang interes ng lalaki na kilalanin ang babae. Hinangaan niya ito sa katatagan ng loob nito na sa kabila ng matinding pinagdaanan walang bahid ng pangit na nakaraan ang makikita dito. Sa pagiging masiyahin ni Marian, lubusan nitong itinago sa mga tao ang pangyayaring iyon sa buhay niya.

Matagal ding nanatili si Teresita sa mansyon. At sa loob ng mga oras na nag-usap silang dalawa ni Richard. Maraming nalaman si Richard tungkol kay Marian. It changed the way Richard look at her. Di niya inakala that behind that jolly and tough personality lies a loving daughter to her mother and a sweet and caring granddaughter to her lolo.


   Monday came, di pumayag si Richard na pumasok si Marian at sinabihan niya itong magpahinga muna, nang magpumilit ito ginawang dahilan ni Richard ang lolo Roberto niya ang may utos. Nang marinig ni Marian di na ito nangulit pa. Si Richard naman, dahil may kailangang asikasuhin sa opisina pumasok ito pero bumalik din kaagad in time for lunch at may bitbit pang cake for Marian. Pagdating sa mansyon, hinanap kaagad si Manang Fely para magtanong.

“Bumaba po ba si Marian ngayon, Manang?” nag-aalalang tanong ni Richard sa matandang tagapangasiwa ng bahay nila.

“Di ko napansin..”

“Sige po, paki prepare na lang po ng table para makakain na kami. Ako na po ang susundo sa kanya sa kwarto.’ Tumalikod na si Richard at pinuntahan si Marian sa kwarto. Nadatnan niya itong natutulog.

This is not good..clearly an indication na bumabalik na ulit ang depression niya. Nasaisip ni Richard habang tinititigan si Marian na nakahiga sa kama nila, nakatalikod ito sa kanya kaya di makita ni Richard ang mukha ng babae.

“Marian.. gising na..Marian” Richard is kneeling beside the bed and gently shaking her shoulder. When she opened her eyes, he smiled at her.

“I’m home..sabayan mo na akong kumain ng lunch..”

“Busog pa ako..” Sagot ni Marian kay Richard, bumangon ito para umupo, umurong pa ito ng konti upang isandal ang likod sa headboard.

“Please?.. I bought something  for you.”

“Pero..”

“Please..”

Trying his best to convince Marian, pagkaraan ng ilang sandaling pangungulit ni Richard ay pumayag na din ito sa gusto niya. Sabay na silang lumabas ng kwarto at bumaba. Di parin kumakain ng maayos si Marian pero nagpapasalamat pa din si Richard na napipilit pa niya itong gawin ang mga bagay na sinasabi niya dito. Nang inilabas na ni Manang Fely ang cake, kumuha si Richard ng isang slice at binigay ito kay Marian.

“Here, this is what I told you earlier. I bought it from my favorite bakeshop.Sana magustuhan mo.”

“Thank you.”

Habang kinakain ni Marian ang cake na binigay ni Richard. Di maiwasang matitigan ni Richard ang mukha nito, for the first time since nagsama sila, ngayon lang niya ito nagawa habang kakaharap si Marian. Habang nakatitig dito, napansin ni Richard na mas magandang tingnan sa malapitan mga mata ni Marian. Nagustuhan din nito ang katamtamang  taas ng ilong ng babae at lalong-lalo na ang kissable red lips nito.

Luscious lips..

Napatagal sa pagtitig si Richard sa lips ni Marian, ang bawat pagkilos nito habang kumakain si Marian, pakiramdam ni Richard mas lalong nakaka-engganyong titigan na lang ito.

Ano kaya ang pakiramdam kung mahalikan ko ang labi mo..

Dahil sa naisip nito bigla tuloy nakagat ni Richard ang sariling labi kaya napahiyaw ito sa sakit.

“Awww!” Napatingin si Marian kay Richard ng marinig ang sigaw nito. Napakunot ang noo habang tinatanong ito.

“Okay ka lang?”

“Yes..nakagat ko lang ang labi ko sa pag mamadali kong kumain..”

Palusot ni Richard while covering his mouth habang pinipikit ang mata niya..ninanamnam ang sakit ng labi dahil sa katangahan niya. Ilang sandali ang lumipas, nagpaalam na si Marian na babalik na ng kwarto, pumayag naman si Richard.

Pagkatapos kumain ay home office niya tumuloy si Richard. Dahil di maka-concentrate at lagi na lang naaalala ang mukha ni Marian nung makita niya itong nanginging sa takot, nagpasya na lang siyang hayaan ang sariling mag-isip ng tungkol kay Marian. Di niya malaman kung bakit, pero nasa isip niya na kailangan niyang alagaan at alalayan ang babae. Naninibago si Richard kung bakit nitong nakaraang mga araw puro na lang si Marian ang laman ng kanyang isip. Kung dahil sa awa o kung ano pa man, di maintindihan ni Richard. Ang tanging malinaw sa kanya gagawin niya ang sa tingin niyang tama. To be  at her side no matter what especially at this point of time.

To be at her side…yeah..bakit hindi … afterall, she’s my wife ..


     Tuesday morning naunang bumaba si Richard para kumain. Nang sumunod na sa pagbaba si Marian makalipas ang tatlumpong minuto, nagulat si Richard to see her na naka-bihis na, nakangiti pa ito sa kanya na parang walang pinagdaanan nitong mga nakaraang araw.

“School?” Tanong ni Richard nang makita nitong inilapag ni Marian sa mesa ang kanyang school bag at binder..

“Yep, di ako pwedeng umabsent kasi may reporting kami bukas and kailangan pa naming magmeet ng groupmates ko para maayos ang ilang details sa report namin.”

“Uh okay..are you sure..”

“shhhhh ayoko na pag-usapan yon..”Cutting him off in mid-sentence. Halatang umiiwas na mapag-usapan ang  nangyari.

Kung siya lang ang masusunod, ayaw pa sana niya talaga payagan si Marian na pumasok pero ng makita niya itong pilit na nagpapakatatag ang babae upang makalimutan ang nangyari nitong nakaraang araw ay naisip ni Richard na siguro nga mas kailangan ni Marian na lumabas na ng bahay upang may makausap naman itong ibang tao at di na ito magmukmok sa bahay.

“Okay, kung yan ang gusto mo..anong oras pala ang uwi mo mamaya?”

“Not sure..”

Sagot ni Marian, nagsimula na ito sa pagsubo ng pagkain. Napansin ni Richard ang kakaibang kinikilos ni Marian. First, bigla na  itong naging masigla and now, bigla naman magana kumain. He doesn’t want to ruin the mood pero iba ang nasa isip niya, that she is just faking everything pala lang di na mag-alala ang mga taong nakapaligid sa kanya.

“Hey, if you don’t feel like going to school today ..it’s okay, I can help you with your teacher..”

“Chard..please…” biglang tumigil sa pagsubo si Marian at nagbuntong-hininga. Tiningnan siya nito, malungkot ang mga mata. Nang makita ito ni Richard naawa naman siya kay Marian kaya di na lang siya ulit nagsalita. Ramdam niyang pinipilit ng babae ang sarili na bumangon ulit.

After nilang kumain ay umalis na sila ng bahay. Hinatid ni Richard si Marian sa school.

“Marian, call me if uuwi ka na. “

“Okay, thanks sa paghatid.. bye!”Lumabas na ng sasakyan si Marian, siniguro naman ni Richard na nakapasok na ito bago siya umalis.

Habang papuntang office, napapaisip si Richard tungkol sa nakakapanibagong samahan nila ni Marian. Naisip nito di pala mahirap pakisamahan ang babae. After what happened last Saturday, pakiramdam niya  na from that time on dapat na niyang siguraduhing lagi itong safe lalo na ng malaman niya ang pinagdaanan nito. Nangako siya sa kanyang biyenan at gusto niyang tuparin ito.


     Pagdating ni Marian sa lecture room nila napasabak agad sa kwentuhan. Di naman kasi niya makuhang magsinungaling sa mga kaibigan kasi kinamusta yung pagpunta niya ng resort . Gusto na niyang iwasan pang magkwento pa ulit kaya sinabihan niya ang mga ito na ito na una at huling pagkakataon na magkukwento siya tungkol sa nangyari kasi gusto na niyang kalimutan. Naiintindihan naman siya ng mga ito kaya matapos siyang magkwento di na sila nag-attempt magtanong pa.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating na ang professor nila kaya nagsimula na ang klase, sa kalagitnaan ng klase biglang nagulat ang lahat ng biglang narinig na ingay galing sa cellphone ni Marian. Dali-dali nitong kinuha ang cellphone upang tingnan kung sino ang tumatawag.

Richard?! Sheee.. ano ba ang kailangan ng taong to. Pinindot ni Marian ang end button at tinext si Richard.

Don’t call me!


     Sa office ni Richard, napataas ang kilay ng lalaki matapos basahin ang pinadalang text ni Marian.

Don’t call me!? Ano to galit ?

He called her again pero out of reach na ang phone ni Marian. Chineck ni Richard ang oras sa relos niya at nalaman nitong wala pa palang tanghali.Naisip niyang baka nasa klase pa kaya hinayaan na lang si Marian. Naisip niya itong tawagan kanina kasi nag-aalala parin kasi siya sa ikinikilos ni Marian. At dahil nangako siyang alagaan ito, para sa kanya parte ng kanyang responsibilidad ang alamin ang lahat ng ginagawa o kung saan man si Marian upang magampanan ng maayos ang pangakong iyon. No more, no less..

     Lunch break, palabas na ng klase si Marian kasama ang mga kaklase at kaibigan nang maalala ang cellphone niya. Kinuha niya ito sa bag niya and turn it on. Sunod-sunod ang messages na natatanggap at  halos lahat galing kay Richard. Nang makita ang text galing kay Bart, napangiti siya. May natanggap din siyang text galing sa nanay niya, nangungumusta, pagkatapos niyang masagot ito ay agad naman niyang binasa ang text na galing kay Bart. Sasagot na sana siya sa message nito nang biglang may tumawag.

Mr.Sungit?? Ano ba kailangan nito at kanina pa to tumatawag..

Sinagot ni Marian ang tawag ni Richard.

“Where are you?”

“Agad-agad? Wala man lang hi and hello, tanong agad?”

“Kanina pa ako text ng text sa’yo pero di mo sinasagot..now, where are you?”

“Nasa school pa, bakit ba?”

“Uuwi ka na?”

“Di pa, may gagawin pa ako.”

“Don’t forget to call me when you’re done.”

“Oo nga..”

“Be safe..bye.”

After the call, di maiwasang magtaka ni Marian. Kunot ang noo habang nakatitig sa cellphone niya at napabulong sa sarili.

“Be safe ka diyan..ginawa mo naman akong bata eh..”

“Uyy, si hubby checking on his wifeyyy” Biro ni Ruby kay Marian, magkasunod lang silang dalawa na naglalakad palabas ng kanilang classroom.

“Heh! Wifey ka diyan.dalian nyo gutom na ako..” saway kaagad ni Marian sa kaibigan, nagkunwari itong galit para lang tantanan na siya nito sa takot niyang may makarinig pang ibang kaklase nila.
Nagpuntang canteen sina Marian para kumain ng lunch. Di pa nga siya inabot ng five minutes sa upuan niya nang tumawag ulit si Richard.

Ang kulittt lang!! Himutok ng damdamin ni Marian habang pinipindot ang cellphone niya upang sagutin ang tawag ng lalaki.

“Bakit na naman?” naiiritang sagot ni Marian sa lalaki.

“Sorry, I forgot to ask you..nag-lunch ka na?”

“Ano ba..oo, susubo na nga sana eh pero tumatawag ka na naman..Wala ka bang trabaho diyan at parang ako ang pinagtripan mong guluhin ha?”

“Bakit ka ba nagagalit eh nagtatanong lang naman ako. Just want to be sure kasi baka..”

“Stop it..nagugutom na ako okay…maya na tayo mag-usap pwede? Bye!”

Di na narinig ni Marian ang huling sinabi ni Richard kasi tinapos niya agad ang tawag. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga kaibigan niya dahil sa ginawa niya kay Richard.

“What?”

“Grabe ka naman Marian, nagmamalasakit na nga ang tao tinatarayan mo palagi.”

“Shhh, kain na lang tayo ha..madami pa tayong gagawin mamaya tapos gusto kong umuwi ng maaga.”

“Pinapauwi ka ng maaga?’

“Hindi naman..may kailangan pa kasi akong ireview para sa reporting natin. Since nung nangyari last Saturday di pa ako nagreview ulit.”

“hmmm, bakit di na lang tayo sa bahay ninyo magreview at gumawa ng visual ad for our report. . okay lang naman siguro sa asawa mo yun di ba?”

Napaisip si Marian sandali, magiging advantage din sa kanya kung sakaling dun nila gagawin sa bahay kaya tinawagan niya si Richard to ask permission, fortunately pumayag si Richard at sinabihan siyang si Jonas na muna ang susundo sa kanya kasi di siya pwedeng umalis ng maaga sa hotel at maraming kailangang gawin.
Hinintay nina Marian sandali si Jonas para sunduin sila, pagkalipas ng kalahating oras ay dumating na din ito, agad ng umalis sina Marian pauwi ng mansyon.



     “Wow! Marian ang laki naman ng bahay ninyo.”

“Kay Richard to, di to sa akin ..bihis na muna ako. Antayin nyo ako dun sa veranda ha.”

Marian lead them to the veranda tapos tinawag si Manang Fely para dalhan ng snacks ang mga bisita niya saka na siya pumasok sa room nila at nagbihis. Paglabas ni Marian, bitbit na nito ang ilang gamit na kailangan nila para sa gagawing visual ads. Agad din silang nagsimula. Buti na lang talaga at sa bahay nina Marian sila kasi may katagalan din ang pag-gawa ng  mga materials for their report. Madilim na sa labas ng matapos nila ito.

“Hay salamat at natapos din!” Daing ni Edward habang tinutupi ang ilang manila paper na nasa harap niya.

“Buti na lang talaga Marian dito natin to ginawa kundi mahihirapan tayong iresearch yung ibang detalye kung dun lang tayo sa may tambayan tapos kulang pa yung reference books natin. Dito at least madaling humanap online.”

“Oo nga eh..”

“Teka, di pa umuuwi ang asawa mo?”

“Sabi niya kanina busy daw kasi siya, kaya nga si kuya Jonas ang sumundo.”

“Ahh…pero di naman niya kami pinagtataguan noh?”

“I’m sure hindi..oi, dito na kayo maghapunan ha. Sabayan ‘nyo ako.”

“Marian huwag na, nakakahiya..sa bahay na lang kami.”

“Ay huwag kayong ganyan, nagpaluto na ako kina Manang Fely..teka check ko muna kung ready na ha..”
Iniwan ni Marian ang mga kaklase sa veranda para bumaba. Nadatnan niya si Mabel na sinasagot ang telepono.

“Si Richard po ba yan? Paka-usap naman.”

“Ay hindi po..hinahanap po ang amo daw po eh..”

“Ah ganun, sige ako na lang kakausap.." Binigay ni Mabel kay Marian ang  ang telepono at umalis din ito agad.

“Hello?”
“Hello. Sino to?”

“Si Marian po to..sinong hinahanap ninyo?”

“Marian..pakisabi sa amo ninyo na may naghahanap sa kanya please..”

“Amo po?”

“Yes, si Richard.. Lim residence to di ba?”

“Yes, po..”

“Okay, please tawagin mo ang boss mo at gusto ko siya makausap. This is Cheska.” Di nagustuhan ni Marian ang tono ng pananalita ng kausap sa telepono. Kung maka-utos ito sa kanya, parang tulong siya ng bruha.

“Hello Cheska, wala pa kasi ang asawa ko.” Sagot ni Marian, pilit na pinapakalma ang boses kahit na inis na inis na siya ditto.

“Excuse me?”

“Wala pa po kasi ang asawa ko..may ipagbibilin po kayo?” pinagdiinan pa talaga ni Marian ang salitang asawa upang malaman ni Cheska kung sino ang kausap nito sa telepono.

“Asawa? You mean, this is Chard’s wife?”

“Opo..any message for Richard?”

“No. wala naman…mangungumusta sana..sige thank you. Bye.” Nagmamadaling nagpaalam si Cheska at di man lang nito hinintay na magsalita siya ulit. Ni hindi na nito narinig ang pagsagot ni Marian ng bye.

Since naputol na ang kabilang linya, agad ng binalik ni Marian ang receiver ng telephone sa lalagyan nito at nagtungo na ng kusina. Pagdating doon ay nakita nito si Manang Fely na hinahanda na ang mga pagkaing ilalabas sa may mesa.

“Manang paki-prepare na po ng mesa. Di po ba tumawag si Richard?”

“Hindi, pero baka pauwi na din yon..maghihintay ba kayo o mauuna na?”

“Manang uuwi na kasi ang mga kaklase ko kaya siguro mauna na lang kami.”

“Sige, ihahanda na namin ang mesa.”

“Thank you po Manang..”

Bumalik na si Marian sa veranda at sinabihan ang mga kaklase na hinahanda na ang mesa. Ilang minuto ang nakaraan ay pinuntahan na sila ni Mabel, informing them na ready na ang mesa. Agad naman silang bumaba na. Masaya ang hapunan kasi madaming kasama si Marian. Puno ng kwentuhan at tawanan sa mesa. Pati sina Manang Fely na nakikinig sa may kusina ay napapangiti kasi unang beses na may narinig silang halakhakan sa loob ng bahay mula ng tumira sila doon.

Di din nagtagal ay dumating na din si Richard, kaya biglang tumahimik ang lahat dahil sa nahihiya sila ng makita ang lalaki. Kaagad na nagpaalam na din ang mga kaklase ni Marian, natakot ng makita ang seryosong mukha ni Richard pagdating nito. Pinahatid ni Marian kay Jonas ang mga kaibigan para di na mahirapan pang maghanap ng taxi kasi gabi na din. Nang maka-alis  na ito ay bumalik naman siya kaagad sa mesa.

“Thank you daw sabi ng mga kaklase ko kasi pumayag ka at saka sa hapunan din."

“That’s okay, bakit pala umalis sila kaagad. Gusto ko pa sana makipagkwentuhan sa mga kaibigan mo.”

“Malamang dahil sa itsura mo kanina.” Pabirong sagot ni Marian kay Richard.

“Bakit? Ano ba itsura ko?”

Ngumiti lang si Marian at di na sinagot. Baka kasi magalit pa, di pa naman niya sinagot ang mga texts at tinarayan pa niya ito kanina.

“Basta…ay siya nga pala..may naghanap kanina..Cheska daw..naghahanap sa’yo pero wala ka kaya binaba niya kaagad.”

“Cheska? She’s here? Saan daw? Kailan pa?” nakita ni Marian na nanlaki ang singkit na mata ni Richard habang nagtatanong sa kanya.

Excited? Marian thought.Natawa si Marian sa ikinikilos ni Richard. Di na naitago pa ni Richard ang kaba at tuwa ng marinig ang pangalan ni Cheska, pati tuloy si Marian biglang napukaw ang interes tungkol sa misteryosang babae na iyon. Napaisip ito kung sino ito sa buhay ni Richard at bakit parang ang saya ng lalaking nasa harap niya.

No comments:

Post a Comment