“I’ve been calling you since I arrived kanina but you didn’t pick your phone.”
“Sorry,
naka-silent kasi ang phone ko pag nasa loob ako ng klase, di ko naman
naisipang i-check kanina kasi nagmamadali kaming pumunta ng gym para
manood ng game.”
Marian
lied. Alam niyang masama but she wants to get even. Di niya makalimutan
ang nangyari ng umagang yon at sa sandaling yon nararamdaman na naman
niya ang bigat ng talukap ng mga mata niya sa sobrang antok pa.
“Di
ba naka vibrate mode yang phone mo pag naka silent yan? And di mo ba
natandaan ang usapan nating dadaanan kita?” di parin nawala ang inis sa
tono ng pananalita ni Richard.
Si
Marian naman ay di na umimik pa, instead, she turned her head to face
the window at isinandal ang ulo sa upuan niya. Isinasaisip ang sagot sa
bawat reklamo ng lalaki. Kahit anong dakdak ang gawin mo di na maibabalik ang oras. Nagsasayang ka lang ng laway.
“I
can’t believe it, ikaw lang ata ang taong nagpa-antay sa akin ng ganun
katagal! If di lang ako nag-iingat para di na magalit pa si lolo, kanina
pa kita iniwan. Next time naman isipin mo rin yung taong naghihintay
sa’yo! Di mo ba alam na madami akong dapat gawin pa sana, and then
nalaman ko lang pinag-antay mo lang ako dahil sa basketball game? Bakit
yung boyfriend mo ba naglalaro dun?”
Patuloy
parin si Richard sa kanyang reklamo, nakahawak ng mahigpit sa manebela
ang dalawang kamay gigil na gigil kay Marian. Pakiramdam niya umuusok
siya sa sobrang init ng ulo niya. Tahimik pa din si Marian, lalo lang tuloy nainis si Richard sa pagbabalewala nito sa kanya.
“Marian! Look at me when I’m talking to you!” Di parin siya tinitingnan ng babae. Nanatili itong nakatingin sa bintana na nasa gilid nito.
“Marian! Hey don’t ignore me..MARIAN!” Richard was already raising his voice sa sobrang inis niya pero wala parin.
“MARIAN!”
Then came a reply..
a soft snore.
What the ..
Richard
reached out and turned her head towards him, at di nga siya nagkamali.
Marian is already snoring. That moment, di alam ni Richard kung ano ang
mararamdaman niya . Naiinis siya kasi tinulugan lang siya ni Marian, but
at the same time, he finds the situation amusing. Nang makita niya ang
pag galaw-galaw ng bibig ng babae na parang may sinasabi, di na niya
napigilan ang sarili at napatawa na lang ng marahan.
This vixen! Malamang minumura na ako nito sa panaginip niya! Hay naku.. Napailing
na lang si Richard habang tinitingnan ang katabi. Bubuhayin na sana ni
Richard ang makina ng mapansing di pa nakasuot ng seat belt si Marian
kaya siya na ang nagkusang gawin ito. Dahan-dahan nitong inabot ang seat
belt sa takot na magising ang babae pagkatapos nito ay saka na muling
binuhay ni Richard ang makina ng kotse niya.
Habang
nagmamaneho, di maiwasan ni Richard na mapaisip. Madaming tao ang
naririnig niya na sinasabing, tuwing kaharap siya ay nanginginig sa
takot sa sobrang strikto at sama ng ugali niya, but this lady beside him
is totally different. Kahit konti wala pa siyang nakitang senyales na
natatakot ito sa kanya. Unfortunately, siya pa ata ang dapat matakot sa
kanya nito.
Matakot?! Ako?! No way! Kaagad na bawi ni Richard sa kanyang iniisip. Di matanggap sa sarili na siya ang manginginig ang tuhod at hindi si Marian.
Pagdating sa bahay..
Ginising ni Richard si Marian na kasalukuyan paring mahimbing ang tulog sa kanyang kinauupuan.
“Wake up.” niyugyog niya ito ng marahan upang gisingin. May ilang ulit din niyang tinawag ang pangalan ni Marian.
Ilang
sandali ang nakaraan ay nagising din ni Richard si Marian, napabangon
ito bigla buti na lang naka seatbelt pa kundi baka nagkauntugan na naman
silang dalawa.
“Andito na tayo?”
“Yes, bumaba ka na..”
“Huh?”
“I
said bumaba ka na..why? Do you think I will carry you upstairs? No way!
Di mangyayari yon, huwag ka na mangarap!” pagsusungit na naman ni
Richard. Naunang
bumaba si Richard sa sasakyan, iiwan na sana niya si Marian pero ng
makitang papalabas si Manang Fely ay bumalik ito at pinagbuksan si
Marian ng pinto, kinuha pa nito ang dalang gamit ni Marian at ngumiti
dito para makita talaga ng matanda na maayos ang kanilang relasyon.
Plastic! Kainis!!
Naghihimutok
ang damdamin ni Marian ng makita ang ngiting iyon. Pinilit din ni
Marian na ngumiti kay Richard kahit nag-aalburuto na ang dibdib niya sa
inis. Pag-akyat nilang dalawa, agad nagpunta si Marian sa kwarto nila
habang si Richard naman ay sa opisina niya tumuloy para asikasuhin ang
mga papeles na kailangan niyang tapusin.
Nang
muli silang nagkita, magkaharap na silang dalawa sa dining table upang
kumain ng hapunan nila. Pareho silang walang imik, iba-iba ang tumatakbo
sa kanyang-kanyang isipan. Si Marian tungkol sa pag-aaral habang si
Richard naman ay ang tungkol sa kanyang trabaho. Patapos na sa kanyang
kinakain si Richard ng maalala ang tungkol sa resort. Kanina pa sana
niya gustong pag-usapan nila ni Marian ang tungkol dito pero dahil sa
inis niya sa babae ay nawala ito sa isip niya.
“May pasok ka sa Saturday?”
“Wa-wala, pero baka may lakad ako..bakit?” nagulat pa si Marian ng marinig ang boses ni Richard.
“Good! Then cancel it if it’s not important.” sagot naman ni Richard na tila among nag-uutos sa kanyang tauhan.
“Cancel? Bakit?” napakunot ang noo ni Marian habang nagtatanong. Di maiwasang magtaka sa pinapagawa sa kanya ng lalaki.
“Pupunta
tayong resort, remember yung resort na sinasabi ni lolo last night?
Pupuntahan natin yun para icheck bago ko dalhin yung potential
investors dun.”
“Kailangan bang sumama ako?”
“Yes, because you’re my wife, remember?”
Nang marinig ni Marian ang salitang “wife”
nagpanting ang tenga niya at kahit wala siya sa harap ng salamin, dama
niya ang pamumula ng kanyang mukha . Naiilang siyang tawagin na asawa ng
lalaking di naman niya lubusang kakilala. Buti na lang at nasa pagkain
sa harapan niya ang mga mata ni Richard habang nagsasalita kundi baka
ano pa ang isipin nito sa kanya pagnakita ang anyo ng mukha niya. She
honestly doesn’t know what to think. Kung magiging proud ba siya at
may-asawa na siya, o kung magiging proud siya sa pagiging asawa ni
Richard Lim.
“Ano ba gagawin ko dun?”
“Wala, sasamahan mo lang ako.”
“Sasamahan?? Ano ako bodyguard mo?”
Inilapit
ni Richard ang mukha niya sa mukha ni Marian para di sila marinig ng
iba. “Kala ko ba napagkasunduan na nating mag-iingat na tayo? Kung di
kita isasama, ano na naman ang iisipin ni lolo pagnalaman niya ha..tsaka
pwede bang hinaan mo ng konti, konti lang naman, yung boses mo at baka
marinig tayo nina Manang Fely?" Marian snorted. Di pa man umabot ang
Saturday iba na ang pakiramdam niya.
Dumaan ang ilang araw, nakapag-adjust
na din si Marian sa setup nilang hatid, sundo, pati na rin sa constant
tarayan at asaran nila ni Richard. Di makukumpleto ang araw nila kung
di sila magbangayan habang nasa loob ng kotse at lalong-lalo na kung di
makaka-ganti ang isa pag nalalamangan ito.
Friday
afternoon, nasa tambayan si Marian. Mag-isa itong nakaupo doon habang
naghihintay ng text galing kay Richard. Nasa kanilang klase pa kasi ang
mga kabarkadang lalaki at umuwi na sina Edselyn kaya naiwan siyang
mag-isa doon. Habang nagbabasa ng kanyang libro si Marian ay di nito
namalayan na papalapit pala sa kanyang kinaroroonan si Bart.
“Hi!”
Masayang
bati ni Bart sa kanya as he sits at the other side of the bench across
her. Nagulat si Marian pagkakita sa lalaki, masyado kasi siyang tutok sa
pagbabasa ng libro kaya di niya napansin si Bart.
“He-hello Bart. Galing ka practice?”
Tanong
ni Marian ng mapansin ang basang buhok ng lalaki, tumango naman ito at
ngumiti sa kanya. Napansin ni Bart ang tatlong malalaking chocolates na
nasa harapan ni Marian nabuksan na ang isa nito at nangangalahati na
ang laman.
“Mahilig ka pala sa chocolates?”
“Mmm Oo, gusto mo?” inoffer ni Marian ang isang tsokolate na di pa nabubuksan.
“No, thanks..”
“Actually di ko naman binili yan , binigay lang sa akin.”
“Oh..manliligaw?”
“hmmm
ewan…wala namang sinabi..” gusto sanang aminin ni Marian ang totoo na
galing ito sa isa sa kanyang manliligaw pero nahiya siya. Ayaw niyang
masamain ni Bart sakaling malaman nito na galing nga sa isang manliligaw
ang kinakaing tsokolate.
“I see…by the way, wala kang pasok bukas di ba?”
“Wala, bakit?”
“Baka gusto mo sumama? Meron kasi kaming laro bukas pero dun sa kabilang university, hapon pa naman mga 2 pm pa..”
“Ayoko muna mangako, baka kasi di ako maka-abot. May pupuntahan kasi ako bukas.”
“Sayang naman, I was hoping you’d go para naman ganahan akong maglaro kasi may cheerer.” Napatawa si Marian ng marinig ang sinabi ni Bart.
“Bakit?”
“Di ka naniniwala?”
“Kasi naman, may cheerers kayo noh, di ko inasahan kailangan mo ng isang exclusive cheerer.”
” Hindi naman, kaya lang iba pag yung sigaw mo ang naririnig ko..alam mo yun , nakaka good vibes..”
Nang
marinig iyon ay naramdaman ni Marian ang unti-unting paggapang ng init
mula sa kanyang leeg paakyat sa kanyang mukha. She blushed. Gusto niyang
ibahin ang topic dahil iba na ang tumatakbo sa isip niya at ikinakahiya
kung ano man ang tumatakbo dito sa mga sandaling iyon pero di naman
niya alam kung ano ang gagawing pag-iwas. May ilang sandali na ang
nakalipas mula ng natameme na si Marian nang biglang tumunog ang
cellphone niya kaya laking pasalamat niya at may dahilan na siyang
iwasan ang mga titig ni Bart sa kanya.
“Hello.” Marian heard Richard on the other line saying nasa parking area na siya.
“Sige papunta na ako.” sagot naman ni Marian habang nagliligpit na ng kanyang gamit.
“Aalis ka na?” tanong ni Bart nang ibaba na niya ang kanyang cellphone.
“Oo eh, dumating na ang sundo ko.”
“Okay, sabayan na lang kita.”
“No, it’s okay..baka kasi may kailangan ka ding puntahan pa..”
“hmmm meron pa nga..pero yung about tomorrow if you could make it, please come..”
“I’ll try..pero di ako nangangakong makakapunta talaga ha.”
“okay lang..wait..can I have your number?”
“Yeah sure..”
Binigay
ni Marian ang number niya kay Bart. Deep inside, na-eexcite siya
realizing that they could communicate na even through text or call na. A
good start kumbaga, pinag-kibit balikat na lang niya whenever she
remembers Richard.
“I’ll text or call you tomorrow to ask ha ..i hope di ka makulitan.”
“No..not at all. Sige I have to go na talaga.”
“Bye..”
Tumalikod
na si Marian at dali-daling nagpunta sa parking area. When she saw
Richard’s car, sumakay na siya at ilang sandali pa paalis na din sila
ng campus.
Habang nasa daan pa, nakatanggap ng text si Marian galing kay Bart
“Just making sure I got your number right..-Bart”
Napangiti si Marian ng mabasa ito, so she text back.
“Hi Bart, yes..its my number. Take care sa pag-uwi”
Just when Marian thought di na magrereply si Bart, came another text message..
“I will, thanks! Still hoping you could come tomorrow..pleasseeeee :/ “
“Uy, kala ko ba bukas ka pa magtetext niyan? ha ha..basta i will try.”
Di
pa natapos at sunod-sunod pa ang ibang text messages na dumating.
Marian is glad at di siya na-bore habang nasa loob pa ng sasakyan.
Richard on the other hand is quiet at nag concentrate sa pagmamaneho.
For the first time in days, umuwi silang tahimik at di nag-aaway.
Kinabukasan,
maagang nagising si Marian at Richard para mag-ayos papuntang resort.
Naunang bumaba si Richard para kumain ng breakfast, pagkababa naman ni
Marian nakita na niyang nagbabasa ng newsapaper si Richard at hinihintay
siya.
“Malayo ang byahe so you have to eat..”
Kunot ang noo, napatingin si Richard kay Marian mula ulo hanggang paa. Richard look at her with a displeased look on his face.
“I told you to prepare na at aalis tayo di ba?”
“Oo nga!”
“Don’t tell me you are going to wear that dun sa resort?”
Marian
is wearing blue shorts, a sleeveless floral flowy top, and sneakers.
Hair in ponytail and in light make-up. Overall, Marian look gorgeous and
sexy.
“Bakit? Anong problema sa outfit ko?”
“Pupunta tayo dun to inspect, hindi para maligo.”
“Oo nga? Sino ba ang magsu-swimming, ako? Di naman ako naka swimsuit ah..”
“Marian! You should look …presentable..especially sa harap ng mga staff.”
“Okay na to..di naman ako ang haharap sa kanila eh ikaw..”
Nagsimula
ng kumain si Marian at di na pinansin si Richard. At dahil di naman
siya balak sundin ni Marian, di na ito nakipagtalo pa sa kanya kaya
umalis silang ganun pa din ang outfit ni Marian. Dahil mahaba ang byahe.
Si Jonas ang nagmaneho, katabi nito si Richard sa harapan habang si
Marian naman ay nasa likod naka-upo. Habang nasa likod, pansin ni Jonas
na busy ito sa phone niya at ngumingiti pa paminsan-minsan, napansin din
ni Richard na parang nakakahalata na ang driver niya kaya nagtext ito
kay Marian at pinagsabihan ito. At dahil di na makapagtext, dinaan ni
Marian sa pakikinig ng music at pagtulog habang nasa byahe sila.
Matapos
ang dalawang oras, narating na din nina Marian ang resort. Pagpasok pa
ang nagandahan na si Maya sa lugar. Maraming puno sa paligid at sa di
kalayuan ay tanaw niya ang isang malaking pood. Malamig din ang hangin
at sa amoy pa lang ng paligid, alam niyang malapit lang ang dagat sa
kanilang kinatatayuan. Pagbaba nila, sinalubong sila ng isang babae.
Alam kaagad ni Marian na isa itong staff sa resort dahil sa suot nitong
uniform na may logo ng E.L Resort.
"Good
morning, Sir..Ma-ma'am" bati ng babae sa kanila. Di nakalagpas kay
Marian ang ginawang pagtingin ng babae sa kanya. Mula ulo hanggang paa,
kaya ng magtama ang kanilang mga mata, di niya maiwasang di taasan ng
kilay ang babae. Pakiramdam ni Marian nainsulto siya sa ginawa nito sa
kanya.
"Kumusta
kayo dito? Yung files na pinapa-ready ko, okay na ba?" tanong ni
Richard sa babae. Di man lang siya nito ipinakilala sa babae bagkos ay
nagtanong na kaagad ng tungkol sa nangyayari sa resort.
"Yes, Sir. Nakahanda na po sa office po."
Nagsimula
ng maglakad sina Richard at ang babae. Tahimik naman na sumusunod lang
si Marian sa kanilang likuran. Tumuloy sila sa loob ng reception hall at
pagkaraan ng ilang sandali ay pumasok sa isang opisina.
Pagpasok
pa lang abala na kaagad si Richard at ang babae. Si Marian naman, mas
pinili nitong maupo sa sofa na nasa harap lang ng mesa ni Richard upang
huwag makagulo sa ginagawa ng dalawa. Habang nakikinig kina Richard,
nalaman niyang ang pangalan ng babae ay Sophia. At base rin sa kanyang
obserbasyon, ito ang manager doon.
Ilang
minuto ang makalipas ay iniwan na sila n Sophia. Abala si Richard sa
pag-aasikaso ng mga papeles na nakatambak sa harapan niya habang si
Marian naman ay nanatiling naka-upo lang sa sofa. Dahil sa pagkabagot,
naisipan na nitong maglibot-libot na muna sa resort kaya nagpaalam na
siya kay Richard na lalabas na muna. Pinayagan naman siya ng lalaki kaya
kaagad na niya itong iniwan na.
Unang
pinuntahan ni Marian ang pool side. Nakita niya na may dalawang pool
pala doon, isang malaki at isang pambata. May nakikita siyang mga
naliligong bata kasama ang ibang parents nila, pero yung iba naman ay
nag-iisa lang. Napansin ni Marian na medyo madulas ang poolside,
delikado para sa mga batang mahilig maglaro ng habulan kaya kailangang
talagang may taong mag-alalay sa mga bata, lalong-lalo na pag nag-iisa
lang ito. Naapansin ni Maya na walang pool attendant ang area na iyon.
May
nakita rin siyang maraming naka-kalat na plates, glasses, at iba pang
mga gamit sa mga mesa at upuan doon na di kaaya-aya sa paningin. Dahil
wala siyang nakitang attendant ng mga sandaling iyon, kinailangan pang
bumalik ni Marian sa loob ng reception hall upang magpatawag ng
attendant at linisin ang mga kalat na naroon. Narining niya na
nagrereklamo na ang ibang guests dahil dun. Di man siya kabilang sa
staff at attendant ng resort, parang nahiya siya sa narinig. Dahil dito,
naisip niyang kausapin si Richard tungkol sa naging obserbasyon niya
upang makatulong kahit papaano.
Pagkatapos
mamalagi doon ay naisipan ni Marian na magpunta sa may dagat. Binaybay
nito ang sementadong daan patungo sa beach area, makalipas ang ilang
sandali ay tumambad na sa kanya ang maputing buhangin at kulay asul na
dagat. Napangiti pa si Marian ng maramdaman ang malamig na hangin.
Nakita niyang may ilang guests din ang naliligo doon. Nakakaenganyo
tingnan nag tubig ng dagat. Nakakarelax panoorin ang mumunting alon
nito. Habang naglalakad-lakad, kapansin-pansin na may ilang bahagi sa
resort ang napapabayaan. May nakakalat na ilang basura, plastic bottles,
at ilang mga bagay na di maganda sa paningin. Wala rin siyang
nakikitang attendant ng resort na naroon. Kahit na lifeguard ay wala
rin. Dahil sa mga napapansin, naisip ni Marian baka isa ito sa dahilan
kung bakit nawawalan ng guests ang resort kasi napapabayaan.
Nasasayangan si Marian kasi maganda naman ang lugar, yon nga lang parang
napapabayaan lang. Pabalik si Marian ng maramdaman niyang kailangan
niyang magbanyo, may nakita siyang ladies room signage sa di kalayuan
kaya naisipan niya munang dumaan doon.
Pagpasok
sa loob, tumambad sa kanya ang marumi at mabahong CR kaya nagbago ang
isip niya at naisipang bumalik na lang sa opisina, pagdaan niya sa tapat
ng men's comfort room di siya makapaniwala sa narinig. Napahinto pa si
Marian sa paglalakad at pinakinggan ito ng mabuti, siniguro kung tama ba
talaga ang kanyang naririnig . She heard a male voice moaning inside
the comfort room, dahil dito namilog ang kanyang mga mata at tumayo ang
balahibo niya. Di siya makapaniwala sa kanyang natuklasan. Aalis na sana
si Marian doon ng di niya inasahang may biglang sumulpot na lalaki sa
kanyang likuran.
“Ma’am naghahanap po kayo? Pwede po ako, mura lang."
"H-ho?"
"Pwede
ako, mura lang..pero.." tiningnan si Marian ng maigi ng lalaki.
Pakiwari niya, kinikilatis siya ng maigi. " Pero dahil sexy naman kayo
kahit libre pwede na .” isang malaking ngiti ang nakita ni Marian buhat
sa lalaking kaharap.
Napansin
ni Marian na naka-uniform kaya sigurado siyang tauhan sa resort ang
lalaki. Nabigla si Marian dahil bigla siyang hinawakan ng lalaki at
parang pinipilit na siyang hinihila nito papasok dun sa loob ng comfort
room.
“Bitiwan
mo ako. Gusto mong mawalan ng trabaho? Asawa ako ng may-ari ng resort
baka di mo alam..” pilit inaalis ni Marian ang pagkakahawak ng lalaki sa
braso niya. For the first time, nabanggit niya sa ibang tao ang tungkol
kay Richard. Di niya ito ginagawa pero sa pagkakataong iyon, alam
niyang ito na lang ang natitirang paraan upang makawala siya sa lalaki.
She’s trying her best na di maiyak upang di isipin ng lalaki na
nanghihina na siya.
“Asawa? Tingin mo maniniwala ako eh wala pa namang asawa ang may-ari dito. “
“Bitiwan mo ako!”
Pulling
her harshly, pakiramdam ni Marian isang dipa na lang nasa loob na siya
ng mabahong CR na yon , kaya napasigaw na siya sa sobrang takot.
“Nakita mo na siya?”
“Di pa po Sir , sabi nung isang attendant kanina daw nakita niya sa may pool side pero umalis din pagkaraan ng ilang minuto.”
“How about sa beach, nagpunta kana dun?”
Ilang
minuto na ring pinapahanap ni Richard si Marian kay Jonas ng lumipas na
ang halos isang oras ay di pa ito nakabalik sa loob ng opisina niya.
Kanina pa kasi siya di mapakali. While going over the paper works, he
keeps thinking about Marian and di niya mapaliwanag kung bakit kaya ng
di na siya makatiis ay pinahanap na ito kay Jonas.
“Samahan na lang kita . Sa beach pinuntahan mo na?”
"Hindi pa po, Sir."
"Okay then let's go there."
Binaybay
na ng dalawa ang daan patungong beach area .They decided to search
separately para madali nilang makita si Marian, di pa man gaanong
nakalayo si Richard kay Jonas nang marinig niya itong sumigaw.
“HOY!’ Paglingon ni Richard nakita niya itong tumatakbo papunta sa may male comfort room.
“Bitiwan mo si Ma’am Marian!”
Nang
marinig nito ang pangalan ni Marian, agad ng tumakbo si Richard sa
kinaroroonan ni Jonas. Paglapit ni Richard, nakita niya ang isang tauhan
ng resort na sinusuntok ni Jonas. Nakita niya si Marian sa may buhangin
na naka-upo at tinatakpan ang kanyang mukha, humahagulhol ng iyak.
Halatang takot na takot si Marian kaya nilapitan niya ito at tinulungang
makatayo. Nagulat pa si Richard ng yumakap ito sa kanya ng mahigpit
habang umiiyak parin.
“What happen?!!” nag-panic na rin si Richard habang yakap-yakap siya.
He
was trying to make her look at him and when she did naawa si Richard ng
makita niya itong namumutla. When he hugged her back, nanginginig si
Marian. Naramdaman ni Richard na unti-unti itong bumibitiw sa kanya
pagkatapos ay tuluyan ng nawalan ng malay.
“Marian?!..Marian! Oh shit!”
Dahil
kasalukuyang hinahawakan ni Jonas ang lalaking nangharass kay Marian,
si Richard na ang nagbuhat sa kanya. Dahil sa nangyari ay nagkagulo
sandali ang resort, may ilang guests ang naki-usyuso kaya mas minabuti
na ni Richard na dalhin muna si Marian sa isa sa mga kwarto sa resort
para maihiga ito ng maayos at iiwas sa mga tao.
Habang
di pa gumigising si Marian, pinabantayan muna siya ni Richard sa isa sa
mga staff at inasikaso nya muna ang lalaki. He called the police and
sent him to jail, dahil ayaw niyang iwanan si Marian ay si Sophia at
Jonas na ang pinapunta niya ng presinto.
Di
makapaniwala si Richard na muntik ng mapahamak si Marian habang nasa
resort. Kung may masamang nangyari dito, alam niyang magagalit na naman
ang lolo niya at higit sa lahat, di niya mapapatawad ang sarili niya.
Nang
nagkamalay na si Marian, agad naman niya itong inasikaso. Biglang
napa-bangon si Marian ng maalala ang nangyari. Wrapping her arms around
her,she started crying and trembling again. Pinakalma siya ni Richard,
for the first time nakita niyang takot na takot si Marian. Watching her
that way made him feel guilty. Kahit lagi silang nag-aaway at di
nagkakasundo di niya inakala na mangyayari ito sa babae. Di niya inakala
makikita niya ang matigas at palabang Marian na manginginig sa takot at
wala sa sarili. Sa sobrang awa, kinabig niya ito at niyakap. Rubbing
her back gently. Ilang minuto ang lumipas narinig ni Richard na tumunog
ang cellphone ni Marian na kasalukuyang nasa bedside table. He reached
out and grab the phone.
Crush ko ?
Di
niya sinasadyang mabasa ang naka-display sa screen ng cellphone nito
bago tuluyang hawakan ni Marian ang kanyang cellphone. Kahit na
nanginginig pa ang kamay at boses, sinagot ito ni Marian ang tawag.
“Hello, Bart…yes, sorry..di ako makakapunta..”
Lumabas muna si Richard ng kwarto para bigyan ng privacy si Marian habang may kinakausap sa cellphone nito.
Ilang
sandali ang makalipas, pagkabalik ni Richard sa loob ng kwarto ni
Marian dala nito ang isang tray na may lamang pagkain, tubig at gamot na
pampakalma. Pagpasok ay nadatnan niya si Marian na nakaupo sa kama at
nakatingin sa labas ng bintana.
“Marian, kumain ka muna tapos inumin mo tong gamot. It will help you relax. “
“Di pa ba tayo uuwi?”
“We will, after mong kumain.” Tumango lang si Marian at nagsimula ng kumain. Naka ilang subo lang ito at huminto na.
“Ayaw mo na?” Umiling lang ang babae pagkatapos ay dinampot na ang tubig at gamot para inumin na ito.
“Prepare yourself. Babalikan kita dito. I have to talk to the staff first. Titingnan ko rin kung nakabalik na si Jonas.”
Lumabas
ulit si Richard ng kwarto, si Marian naman ay inayos na ang sarili.
After a few minutes ay binalikan na siya ni Richard at niyaya na siyang
lumabas na para maka-alis na sila ng resort.
Richard
stayed with Marian at the backseat. Nang mapansin nitong nakatulog na
ulit ang babae ay marahan niyang inilapit ang kanyang sarili sa
pagkakaupo dito. Kinabig niya ang ulo ni Marian para isandal sa kanyang
balikat at saka niya ito inakbayan. Ginawa ito ni Richard upang maging
kumportable kay Marian ang pagtulog habang nasa kotse pa sila.
Pagkabalik
sa mansyon, as expected andun na si Lolo Roberto na naghihintay sa
kanila. Pagbaba pa lang ni Marian,sinalubong na ito ni Roberto ng
yakap.
“How are you?”
“okay lang po..lolo pwede po bang mauna na muna ako loob?” mahinang tugon ni Marian sa matanda.
“Sure, hija..pahinga ka na..”
Nauna
ng pumasok si Marian sa bahay at kaagad ng dumiretso ng paakyat sa
kwarto nila ni Richard. Tahimik naman siyang pinapanood nina Richard at
Roberto habang nakasunod sa kanya hanggang sa may sala ng bahay.
“Richard, ano bang nangyari?”
“Di
ko parin po alam ano yung nangyari exactly lolo, di ko pa kasi kinausap
ulit si Marian. Hinayaan ko na muna siyang magpahinga.”
“Kawawang bata..”
“I know..she was so scared kanina..”
“You have to do something para mawala ang trauma niya sa nangyari sa resort kanina..”
“Of course lo, nagi-guilty nga ako kasi ayaw sana niyang sumama pero pinilit ko lang.”
“If that’s the case, you really have to make it up to her..” Nagbuntong hininga si Roberto. Di maiwasan ng dalawa na mag-alala kay Marian dahil sa nangyari.
“Oh siya, aalis na ako..bantayan mo ang asawa mo ha.”
“Kahit di mo sabihin lo ,gagawin ko yan..promise..”
Lolo
Roberto tapped his shoulder then turn to leave. Si Richard naman ay
umakyat na at nagpuntang kwarto nila. Pagpasok sa kwarto ay nakita
nitong nakahiga si Marian, facing the other side kaya di makita ni
Richard kung nakatulog na ba ito o hindi pa. Nagpalit lang ng damit si
Richard at lumabas na ulit ng kwarto at nagpunta ng opisina niya sa
baba para magtrabaho na ulit.
Mula
ng dumating sina Richard mula sa resort, di na muling bumaba si
Marian. Nang pinuntahan ito ni Richard para ayaing kumain ng hapunan
tulog pa ito kaya di na niya inistorbo at hinayaan na lang itong
magpahinga.
Richard
was expecting Marian to be in a better shape the next day nang gumising
siya but he was wrong. Di ito lumalabas ng kwarto at ayaw
kumain.Everytime na pumapasok siya ng kwarto its either natutulog ito or
nakatulala na naman. Lubusan ng nababahala si Richard sa ikinikilos ni
Marian kaya nagdesisyon itong humingi na ng tulong sa kanyang
mother-in-law.
Sinamantala
ni Richard ang pagkakataong natutulog si Marian. Kinuha nito ang
contact number ng nanay nito sa cellphone ng babae at tinawagan ito
kaagad. Nang marinig ang balita ay di na nagtumpik-tumpik pa ang nanay
ni Marian at pumunta kaagad ito sa bahay ng mag-asawa.
“Asan siya?” Tanong kaagad ni Teresita kay Richard ng magkita na sila.
“Nasa taas po ng kwarto namin..”
Umakyat
na sila pareho at pumasok sa kwarto. Pagpasok nadatnan nilang gising si
Marian at nakaupo lang sa kama. Nang makita nito ang ina ay agad itong
humagulhol, di napigilan ang sarili kaya kaagad itong nilapitan ng ina
at niyakap. Ayaw maka-istorbo ni Richard sa pag-uusap ng mag-iina kaya
lumabas na muna ito at hinyaan na ang dalawa.
Matagal ding nanatili si Teresita sa loob ng kwarto bago ito bumaba at pinuntahan si Richard sa opisina nila para maka-usap ito.
“Nay, kumusta napo si Marian? Nag-usap na kayo?’
“Oo..medyo kumalma na siya matapos naming mag-usap pero di ko masisiguro na babalik agad ang sigla ni Marian. “
“Do you think she needs to see the doctor”
“Makakatulong
nga siguro kung dadalhin natin siya sa psychologist, pero siguro dapat
mo munang malaman ang isang bagay para maintindihan mo siya.”
“Malaman? Ano po yon”
Huminga
ng malalim si Teresita at tiningnan ng maigi si Richard. Di nito
malaman kung paano uumpisahan ang kwento upang lubusang maintindihan ni
Richard kung bakit ganoon na lang ang nangyayari sa kanyang anak.
“Nay? Ano po yon?”
Tanong ni Richard kay Teresita ng di parin ito nagsasalita. Di maiwasang kabahan si Richard habang nakatitig sa kanyang biyenan.
No comments:
Post a Comment