Friday, July 11, 2014

Mr.Chinito Ver. 2.0 ( Part 6 )

     Hmmpp bakit parang pakiramdam ko nilaglag ako ng lokong to?

Alburuto ni Marian.Dahil dito, di niya mapapalagpas ang ginawa ni Richard kaya may planong nabuo sa isip nito.

“Lolo, paano po kayo magkaka-apo eh..”

Unti-unti niyang inilapit ang kanyang ulo kay Roberto, kesihudang nasa kabila si Roberto, pilit niya paring inilapit ang sarili para lang bumulong dito. Ang tagal nakarecover ni Roberto sa tawa niya habang si Marian naman ay aliw na aliw tingnan ang matanda na tumatawa.

“Hey! Ano sinabi mo kay lolo?”

“Secret!”

Sabay na sagot ni Roberto at Marian sa kanya. Naningkit lalo ang mga mata ni Richard habang nakatitig kay Marian pero di siya nagpaapekto sa mga tingin ng lalaki sa kanya. Tinaasan pa niya ito ng kilay, lumabi dito at tinawanan ulit ito..

“Blehh!” Nang makita ito ni Roberto ang ginawa ni Marian ay napailing na lang ito ng ulo.


“Ikaw talaga Marian, you never fail to make me laugh. And you Ricardo..” Biglaang tumaas ang boses ni Roberto ng bigkasin ang pangalan ng apo kaya bahagyang nagulat si Marian. Di na itinuloy ni lolo Roberto ang gustong sabihin at natatawa na naman ito. Nang makitang bumulanghit ulit ng tawa ang matandang lalaki ay tumawa ulit si Marian.

“Sige pagtawanan nyo pa ako..makakaganti din ako sa inyo, lalong-lalo na sa’yo Marian..”

“Lolo oh..” Pa-cute na sumbong ni Marian kay Roberto.

Walang ibang ginawa sina Marian at Richard habang nasa hapagkainan kundi ang mag-kulitan.. Roberto had fun listening to Richard and Marian who kept on bickering over small things.

Richard on the other hand, is thankful kasi pinagaan ni Marian ang nararamdaman niyang bigat sa dibdib na dulot ng pag-uusap nilang mag-lolo noong nakaraang gabi. If not because of Marian malamang the whole breakfast would only last for five minutes then kanya-kanya na silang labas ng bahay ng lolo niya. It was the first, in a very long time, na naging masaya ang breakfast nina Richard at Roberto. Ang huli ay noong buhay pa ang lola niyang si Esmeralda, noong nasa elementary pa siya. Pagkatapos ng masayang pananghalian kasama ang lolo at si Marian, lalo pa siyang humanga sa babae sa pagiging sweet at maalalahanin nito sa kanyang lolo. Di man alam ni Marian pero naaalala ni Richard ang lola Esmeralda niya kay Marian. Kung gaano ito ngumiti at tumawa,  sa isip ni Richard yun siguro din ang nakita ng lolo niya sa babae kaya gusting-gusto niya si Marian.

Nanatili pa ng mahigit dalawang oras si Roberto sa bahay ng apo bago pa naisipang umuwi. At dahil huli na rin para pumasok pa sa opisina, tumawag na lang si Richard sa sektretarya nitong si Lea upang ipaalam na sa hapon na ito makakapasok. Pagkaalis ni Roberto ay namalagi si Richard sa home office nito habang si Marian naman ay nagpaalam na papanhik ng kwarto at magpapahinga na muna sandali.



     Naging maayos ang pagsasama nina Marian at Richard sa loob ng mansyon. Mas naging malapit sila sa isa’t-isa. Mas nakakapag-usap na silang dalawa kesa sa magbangayan. May asaran parin pero wala na ang pikunan.

Kapansin-pansin na din na madalas na silang nagkukwentuhan, lalong-lalo na sa gabi pag naaabutan pa ni Richard si Marian na gising pagkauwi nito. Naging maganda na ang pakikitungo ng dalawa sa isa’t-isa. Kumportable narin si Richard na magkukwento kay Marian ng mga bagay-bagay.

Isang gabi, nadatnan ni Richard si Marian sa veranda. Nagbabasa ito ng magazine, sa harap nito ay may isang mug ng kape. Nang marinig na may papalapit sa kanyang kinaroroonan ay nag-angat ito ng tingin, ng makita siya ay ngumiti at bumati.

“Hi!”

“Hello..bakit andito ka sa labas? Di ka ba nilalamok dito?” umupo ito sa bakanteng silya na nasa harapan ni Marian.

“As of this moment, inisnab pa nila ako kaya sinamantala ko na. Inenjoy ko muna ang malamig na simoy ng hangin at ang ganda ng mga bituin sa langit. Char!” biro ni Marian kay Richard, isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Richard pagkatapos ay sumilip sa mug ng babae.

“Coffee?”

“umm” sagot naman ni Marian sabay tango ng marahan. “Gusto mo?”

“Ipagtitimpla mo ba ako?”

“Sure, sige wait lang ha.”

Bumaba si Marian upang ipagtimpla si Richard ng kape. Makaraan ang ilang sandali ay bumalik na ito na dala ang isang tray na may lamang isang mug at isang plato na may laman na cupcakes para kay Richard. Nang ibaba ni Marian ang tray kaagad naman nitong kinuha ang mug upang tikman ang kape ni Marian.

“Hmmm masarap.. “ komento nito saka muling uminom ulit sa mug.

“ Libre yan ngayon kaya masarap. Sa susunod sisingilin na kita kaya din a masarap.”

“Silly! Masarap talaga siya, di ako nagbibiro.” Kumuha rin ng isang chocolate cupcake si Richard at kinain ito. “Hmmm masarap din. Perfect!”

Nang marinig ni Marian ang papuri ay napatawa na lang ito. Napataas ang kilay ng babae, tila hindi kumbinsido sa narinig buhat kay Richard.

“ Yung totoo, Chard. Di ka pa naghahapunan ano?” Nakita ni Marian ang malaking ngiti ni Richard kaya napa-iling na lang ito. “Sabi ko na nga ba..maka-perfect ka kasi wagas! Yun pala perfect ang timing ng kape at cupcake kasi gutom ka na. Tara na sa baba at ipaghahain kita.”

“No, no, no..okay na to..really..ikaw gumawa nitong cupcake?” pinigilan ni Richard ang pagtayo ni Marian mula sa upuan nito.

“Oo, wala kasi akong magawa kanina, nakita ko na kumpleto naman yung ingredients sa kusina mo kanina kaya nag-bake ako. Sorry ha.”

“Bakit ka nagso-sorry?”

“Eh kasi..di ako nakapagpaalam sa’yo na magbi-bake ako ng –“

“Marian, you don’t need to ask permission. Bahay mo din to di ba?”

“Ummm..” isang matipid na ngiti ang pinakita ni Marian sa lalaki. Unang beses kasi yung narinig ni Marian kay Richard, di siya handa pag-usapan ang sitwasyon nilang dalawa. Nag-isip si Marian ng ibang mapag-uusapan at naalala nito si Cheska. “ Di ka ba dumalaw doon kay..you know , kay..”

“Nope. Busy ako sa office kaya di ako nakapunta doon. “

“Ahh okay..”

“How about you? Wala ka na atang lakad with your friends.. your boyfriend..”

“Boyfriend? Wala akong boyfriend, manliligaw marami..boyfriend wala. Yung mga friends ko naman pagniyaya ko lagi ako pinapagalitan kasi raw baka pagalitan ako kapag sumasama ako sa kanila.”

“Hindi naman ako magagalit but I would prefer knowing saan kayo pupunta at ano ang ginagawa ninyo para kampante ako. “ tugon ni Richard sa sinabi ni Marian kahit na gusto nitong sabihin na tama ang mga kaibigan nito sa sinabing magagalit siya. Di parin mawala sa isipan ni Richard ang nangyari kay Marian sa resort kaya hanggang sa maari, gusto niyang hindi ito maglalabas lalo pa di siya ang kasama nito.

“ Naku wala ka namang dapat ipag-alala sa mga kaibigan ko, mababait ang mga iyon, ako lang ang hindi.” Marian said proudly kaya tumawa na lang si Richard. “By the way, pwedeng magtanong?”

“Sure, what about?”

“About..Cheska.” ibinulong ni Marian ang pangalan ng babae sa takot nitong may makarinig sa sasabihin niya. “Alam na niya ang sitwasyon natin dib a? So ano na ang plano ninyong dalawa? May deadline na ba ang marriage deal natin?”

Natigilan si Richard sa tanong ni Marian. Napaisip ito sandali kung ano ang isasagot sa babae. As much sa possible, ayaw sana niyang mapag-usapan ang bagay na iyon lalo pa matapos silang mag-usap ng lolo niya. Gusto sana niyang huwag na muna itong isipin sa mga sandaling iyon at mag-focus muna sa problema niya sa Lim Hotel-Manila. Pero ngayong tinatanong na siya wala na siyang magagawa kundi magpaliwanag kay Marian. Alam naman kasi ni Richard na karapatan din ni Marian na malaman ang lahat lalo pa at may kasunduan sila unang gabi pa lang nilang magkasama na pagdating ng araw ay maghihiwalay din sila.

“Bakit, gusto mo na ba talagang maging single ulit?” pabirong tanong ni Richard kay Marian, tinitingnan kung ano ang magiging reaksyon ng babae dito. Nakita niya itong napakagat ng labi nito, isang bagay na ginagawa ng babae tuwing kinakabahan o nag-aalinlangan sa isasagot sa kanya.

“Eii di naman sa ganun, pero gusto ko lang malaman din para prepared naman ako di ba. Alam mo na, di lang naman kasi ikaw ang kailangan may speech pati din naman ako noh! “

“Speech? Anong speech? Goodbye speech?” natatawang tanong ni Richard sa kanya.” Anyway, wala pa kaming napag-uusapan ni Cheska. As of now, ayoko muna isipin ang problemang yan at may mas importante pa akong aasikasuhin. “

“Tulad ng ano?” napukaw ang interes ni Marian sa sinabi ni Richard. Sa pagkakaalam niya kasi ang pagbabalik ni Cheska at ang pagpapatuloy ng naudlot nilang kasalan lang ang pinaka-importante sa lalaki.

“ Yung problema ko sa hotel ngayon. Kaya nga pumunta si lolo dito to remind me how big my problem is. Malapit na din kasi ang mid-year meeting ng Board of Directors and my position is at stake. Sa dami ng reklamong natatanggap ni lolo and the rest of the board regarding me baka di ko ma-secure yung position ko sa kumpanya.”

“Ay ang laki nga ng problema mo.” Napabuntong-hininga rin si Marian ng malaman ito.

“And one thing more, alam ni lolo na dumating na si Cheska at binalaan niya akong huwag na huwag ng makipagkita dito. Nag-aalala ako na pagnalaman ni lolo na nangkita na kami di niya ako tutulungan sa E.L Resort. Ayoko ibenta yung property, I want to keep it kasi alaala naming yon kay lola.”

“Ohhh …” came her short reply, sa laki ng problema ng lalaki di niya alam kung ano ang sasabihin dito.

“ So ngayong alam mo na, sorry at medyo matatagalan pa ang pagiging Mrs. Marian Lim mo.” Dagdag ni Richard sa sinabi nito bago tuluyang kinain ang natitirang cupcake sa platito nito.

“Okay lang naman, naiintindihan ko.”

“Thank you. Sana maiintindihan rin ng boyfriend mo ang sitwasyon natin why we have to stay married as of now.”

“Boyfriend? Wala nga akong boyfriend!”

“Okay fine! Manliligaw mo. Since nasagot ko na tanong mo ako naman ang magtatanong sa’yo.”

“Sure kahit ano basta huwag lang Math!”

“Loka-loka ka talaga! “

“Eh mahina ako sa Math kaya pinaalalahanan lang kita kasi kung Math ang tanong mo di kita sasagutin, manigas ka!” seryosong sagot ni Marian sa lalaki.

“Hindi Math, huwag kang mag-alala. “

“Okay, shoot!”

“Yung tumawag sa’yo noon. That time na nasa resort tayo, manliligaw mo?” napansin ni Richard ang pamumula ng mukha ni Marian. Dahil dito, naisip niyang di lang nito basta-bastang crush ang lalaki. Naalala pa ni Richard kung ano ang naka-save sa cellphone ni Marian My Crush =) .

“No!.” napalakas ang boses ni Marian ng sagutin ito.

“Ahhhh .. crush mo?”

“Hi-hindi noh! Actually nakilala mo na siya. Remember yung lalaking kausap ko the other day sa parking area? Siya yon, si Bart kaibigan ko.”

“Hmm kaibigan mo … bakit parang pakiramdam ko di lang basta-basta kaibigan mo yung tao? Pakiramdam ko nga may gusto sa’yo yon.”

“Tingin mo din? Oppss..I mean…” nabigla din si Marian sa nasabi niya, mantakin ba naman ibisto niya talaga ang sarili niya kaya biglang napakagat-labi ulit ito at di na naituloy a sasabihin pa. Nahiya na ng tuluyan lalo pa ng marinig ang tawa ni Richard.

“Sabi ko na nga ba! So Bart pala ang pangalan ng crush mo, may pa-kaibigan kaibigan ka pang nalalaman yon pala ka-ibigan mo na pala yon!” muling tumawa ng malakas si Richard. “ Hmmm siya ba yung dahilan kung bakit nagtatanong ka tungkol sa deal natin?”

“Hindi noh! Curious lang talaga ako..”

“Don’t deny it Marian, kitang-kita sa mukha mo! Perhaps nase-sense mo na may gusto rin sa’yo yung tao kaya naghahanda ka na. You have good taste sa type mong lalaki. Pakiramdam ko campus crush yon.”

“Hindi nga..” deny di Marian, humahaba na ang nguso nito at din a makatingin ng diretso bagay ikinatuwa na lang si Richard.

“By the way, napag-usapan na lang natin ang resort. May sasabihin ako sa’yo sana di ka magalit.” Paglilihis ng usapan ni Marian. Mabuti na lang at naalala niya ang resort kaya meron silang ibang mapag-uusapan at tantanan na si ni Richard ng tungkol kay Bart.

“ Ano yon?”

“ May napapansin kasi ako sa resort noong pumunta tayo dito. Baka sakaling makatulong naman yung napansin ko para gumanda ang resort.”

“Really? Hmmm alam mo may napansin din ako sa’yo, ang dali mong makahanap ng paraan para lang makaiwas ka na di mapag-usapan at si Bart."

“Oh please, Chard! Tantanan mo na si Bart at baka natalisod na yon ngayon dahil sa kaka-mention mo ng pangalan niya .”

“Okay , okay..awat na..di ko na siya babanggitin at ng bumalik ka narin sa normal mong kulay. Kanina ka pa namumula eh!”

“Wow, salamat naman at naintindihan mo ako. Touch naman ako at inalala mo ang kulay ko..”

“Oh siya, ano yung tungkol sa resort?”

Ikinwento ni Marian ang tugkol sa mga naging obserbasyon niya noong dumalaw siya sa resort. Nakinig naman ng maigi si Richard sa kanya. Sinabi rin ni Marian ang mga suggestion niya upang mas mapaganda pa ito.

Pagkatapos marinig ang mga punto ni Marian ay nangako si Richard na kakausapin ang manager ng resort upang ipaabot ang mga suggestion niya dito. Lubos ang pasalmat ni Richard kay Marian at kahit na di naging maganda ang karanasan nito sa resort noong bumisita ito doon ay di parin ito naging madamot sa pagbibigay ng komento upang mapaganda ang E. L Resort.

Makaraan ang ilang sandali ng pananatili doon sa veranda ay nagkayayaan ng magligpit ng pinagkainan nila. Sabay na rin sila pumasok  sa kanilang kwarto upang magpahinga na.

Nang gabing yon, habang nakahiga na si Richard sa kama, inalala niya ang mga napag-usapan nila ni Marian. Di man nito nasabi sa babaeng katabi ng mga sandaling iyon kung gaano siya nagpapasalamat dito, inaamin naman niya sa sarili na ang pag-uusap nilang iyon ay malaki ang naitulong sa kanya. Nawala sa isip niya sandali ang mga problemang  dinadala diya. Naging mas magaan na ang loob ni Richard ngayon kay Marian. Di na niya ito nakikita bilang pahirap sa kanya kundi isang taong maaasahan at isang taong masasandalan niya.

No comments:

Post a Comment