Friday, July 11, 2014

Mr. Chinito Ver. 2.0 ( Part 7 )

     Nasa loob ng sasakyan sina Richard at Marian, gaya ng nakaugalian, hinatid ni Richard si Marian sa university nito. Marian particularly noticed kung gaano katahimik si Richard all throughout the ride but she didn’t attempt to disturb him. Di man alam ni Marian kung ano ang eksaktong laman ng isip nito ngayon, isa lang ang sigurado siya, ito ay problema. Judging by the way he looks, mahirap sabihing happy thoughts ang nasa isip nito gayong nakakunot na naman ang noo nito. Ilang sandal pa ang dumaan at huminto na rin ang sasakyan ni Richard sa may parking lot ng university.

“Bye, Chard..” paalam ni Marian sa lalaki habang inaalis ang seatbelt. Sandaling tiningnan nito ang lalaki at ngumiti dito.

“Bye.” Sagot naman ng lalaki sabay ang paglapit ng mukha, aktong hahalikan ni Richard si Marian pero mabilis na umiwas si Marian sabay ang pagtaas ng mga kamay nito sa may dibdib ng lalaki upang pigilan itong tuluyan na makalapit pa.

“Hep, hep, hep..anong gagawin  mo?”

“Uh! sorry..I thought..never mind..” hinging paumanhin ni Richard kay Marian ng matauhan na ito. Nawala kasi sa isip niyang si Marian ang kasama niya sa mga sandaling iyon at hindi si Cheska na siyang laman ng kanyang isip kanina pa.


“Sabi ko na nga ba! Hoy Richard Lim, umayos ka ha..magmamaneho ka pa kaya tapos wala ka sa tamang pag-iisip? Paano kung maaksidente ka ha?!” Puno ng pag-aalala ang boses ni Marian.

“Sorry..kala ko kasi..”

“Na ako si Cheska? Siya ba iniisip mo ngayon? Hayy naku Richard..sige na alis na ako at ilang minuto na lang magbe-bell na. Umayos ka ha..sige na bye na..”

“Wait..anong oras ka uuwi mamaya?”

“Maaga ako mamaya, huwag mo na akong sunduin. Si kuya Jonas na lang tatawagan ko. Puntahan mo na lang si Cheska at mukhang namimiss mo na yung tao.Sige, bye na.”

Pagkababa na si Marian  sa sasakyan ay nakangiti pang kumaway ito sandali kay Richard bago tuluyang tumalikod at naglakad papalayo. Nahawa sa ngiti at good vibes ni Marian, Richard caught himself smiling and waving back at her. Realizing what he just did, he let out a sigh before he started the car again and left the place.



     Hello Marian! ” Bati ni Bart kay Marian ng maabutan niya ito habang naglalakad sa hallway.

“Hi Bart! “ nakangiti naman nitong sagot sa lalaki.

“Sabay na tayo..”

“Yeah sure, third floor ka di ba?”

“Yep and ikaw naman sa second floor?” tumango si Marian bilang sagot kay Bart. “By the way Marian, mamaya can I invite you out? Di ba maaga naman ang labas mo mamaya?”

“Yep, Bakit anong meron?”

“Nothing special, gusto lang kita makasama for dinner, may sasabihin din kasi ako.”       
  
“Oh ganun ba, warning lang ha. Malakas ako kumain!” Biro ni Marian sa lalaki upang maitago ang nararamdaman nitong kilig sa mga sandaling iyon. Iniisip pa lang nito na makakasama niya ang lalaki ng mahaba-habang sandali, nag-aalburuto na ang dibdib niya sa kaba.

“Pero request ko lang sana, kasi alam ko namang hanggang 3 pm lang klase mo ngayon..kung pwede mamaya 5 na tayo umalis? Practice lang ako sandali, but if it’s not okay with you, then let’s just reschedule it tomorrow? Di kasi ako pwedeng lumiban sa practice mamaya at may mahalaga ding meeting na mangyayari bago at simula ng practice.”

“No, that would be fine. I still have to do some stuff pa din, so 5 pm is just right.”

“Great! “

Sabay ng naglakad sina Marian at Bart. Pagdating sa second floor ng building ay naghiwalay na ang dalawa, si Marian pumasok na sa kanyang silid-aralan habang si Bart ay nagpatuloy sa pag-akyat papuntang third floor.

Habang nasa klase, di magawang isantabi ni Marian ng tungkol sa sitwasyon niya. Batid niyang di magiging unfair kay Bart kund di nito malaman ang tungkol kay Richard kaya nabuo sa ang desisyon ni Marian na ito na ang tamang oras na hinihintay niya upang sabihin sa lalaki ang tungkol sa pagpapakasal niya kay Richard mahigit isang buwan na ang nakaraan.

Alas tres ng hapon, pagkatapos ng huling subject ni Marian para sa araw na iyon ay nagpunta na kaagad ito sa library. Habang naghihintay ito kay Bart ay tinapos niya ang kanyang research paper na nakatakda niyang ipasa sa susunod na araw.

Bandang alas-singko na ng hapon ay nakatanggap na siya ng text galing kay Bart na nagtatanong kung nasaan na siya at tapos na ito sa kanyang practice. Sinagot ni Marian ang text nito at sinabi nitong sa may entrance ng building na sila magkikita.

Makaraan ang ilang minute ay nagtagpo na rin sina Marian at Bart sa napagkasunduang lugar. Kaagad silang umalis at nagpunta sa isang restaurant na malapit lang sa university nila.

Nang makakuha na sila ng bakanteng mesa ay nilapitan na sila ng waiter. Hinayaan lang ni Marian na si Bart ang umorder para sa kanila. Kung si Richard lang ang kasama niya she knows she can order anything na di mag-aalala sa budget kasi alam ni Marian na kaya ni Richard magbayad, pero dahil si Bart ang kasama niya sa mga sandaling iyon kinailangan niyang isipin ang budget ng lalaki.

While waiting for their food, nagsimula ng magkwentuhan ang dalawa. Sa mga sandaling iyon, naghihintay si Marian ng tamang pagkakatan kung kailan niya sasabihin ang tungkol kay Richard. And as if Bart read her mind, dumating din ang pagkakataon hinintay niya ng di kalaunan.

“Marian, obvious naman siguro sa’yo that ..I like you.”

Nang marinig ni Marian ang sinabi ng lalaki. Sandali itong natigilan, kahit na nararamdaman niyang doon din patungo ang kanilang pag-uusap sooner or later, di parin niya maiwasan na di kabahan ng mga sandaling iyon.

“Marian, sa paglabas natin ngayon, gusto ko sana na pormal na magpaalam kung pwede ba akong manligaw sa’yo?” Bart looked at Marian with pleading eyes, bagay na mas lalong nagpalakas pa ng kaba sa dibdib ni Marian.

“Bart may sasabihin ako. Alam ko ikakagulat mo ang sasabihin ko, pero sana di ka magagalit. May reason ako kung bakit di ko sinabi to sa’yo kaya sana huwag mo akong i-judge ng di mo pa napapakinggan ang side ko. Bart, may asawa na ako. Mahigit isang buwan na rin.” Napakagat-labi na lang si Marian pagkatapos itong sabihin kay Bart. Di halos makahinga habang hinihintay kung ano ang isasagot ng binata sa kanya. Nang hindi parin ito nagsalita, si Marian na ang bumasag ng katahimikan nila. “ Sana di mo naisip na pinaglalaruan kita kasi pumayag parin akong sumama sa’yo dito.” Saad ni Marian, mahina ang boses na halos maiyak na dahil sa hiyang nadarama.

“ No, di ako galit. Nagulat ako, naguguluhan..inaamin ko pero sabi mo nga may rason ka and that I should not judge beforehand.”

“Sorry- but I swear, di kita pinaglalaruan..it’s just that..yung sitwasyon kasi naming ni Richard is not easy.”

“Richard-“

“Lim..Richard Lim”

“Sounds familiar..”

“The Richard Lim” diin ni Marian upang kumpirmahin ang tumatakbong hinala sa isip ng lalaki.

“Oh! “ came his reply coupled with a short laugh. “Whew! Bigatin”

Ramdam ni Marian ang biglang pagkalungkot sa tinig na iyon ni Bart. Nakita niya itong nagbaba ng tingin at napadako ito sa plato sa may harapan nito na kasalukuyang wala pang laman. Makaraan ang ilang sandali ay bumalik ang waiter, dala ang inorder na pagkain ni Bart kani-kanina lang. Pagkaalis ng waiter ay saka lang muling narinig ni Marian si Bart na nagsalita.

“Sabi mo kanina may rason ka kung bakit nilihim mo. Pwede ko bang malaman ang mga dahilan na iyon?”
Tumango si Marian at nagsimulang magkwento kay Bart. Sinimulan niya ang kwento sa araw kung kalian sila nagkakilala ni Roberto. Inamin niya din kay Bart ang tungkol sa napagkasunduan nila ni Richard na tungkol sa paghihiwalay nila pagdating ng araw. Naging open din siya sa lalaki tungkol sa sitwasyon nila ni Richard sa bahay at ang tungkol kay Cheska.

“ I hope naiintindihan mo na kung bakit nilihim ko ito. Aside from Dean at sa mga kabarkada ko, ikaw lang yung ibang taong nakaka-alam ng sitwasyon ko sa school. Ngayong alam mo na, di ako magtataka kung di mo na itutuloy ang panliligaw mo sa akin. “

“No, bakit ko naman gagawin yon?”

“What do you mean, Bart?”

“Itutuloy ko pa din yung panliligaw ko sa’yo.”

“Di ka hihinto? Why?” Napakunot pa ang noo nito at bahagyang nanlaki ang mga mata sa gulat ng marinig ang sagot ng lalaki.

“Kasi alam ko napilitan ka lang, knowing that Richard loves someone else, sooner or later magiging malaya ka din sa marriage ninyo....and I like you so much for me to give-up easily. “ Bart’s decision surprised Marian big time. All the while she thought aatras na si Bart knowing na tali na siya sa iba.

“With what I learned tonight? Di naman nagpabago ang pagtingin ko sa’yo. Alam ko di rin basta-basta ang sitwasyon ninyong dalawa ni Mr. Lim, but I’d like to take the chance. Di mo naman siguro sasabihin sa akin ang sekreto ninyong dalawa kung di ako espesyal sa’yo di ba?”

Marian bite her lips to stop herself from telling him the truth. If only may button lang sa upuan niya kung gusto na niyang mawala sa harapan ni Bart, kanina pa niya ito pinindot para di na niya kailangan sumagot kay Bart ora mismo. Sa isip ni Marian, lahat na ata ng santo natawag na niya para lang tulungan siya, and fortunately may nakinig sa kanya. Bigla na lang lumapit ang waiter at nagtanong sa kanila kung may gusto pa silang orderin.

“Ako wala na akong gusto orderin, how about you Marian?”

Magic wand meron dito?Parang gusto ko mag-disappear bigla eh! Ito kaagad ang laman ng kanyang isip ng mga sandaling iyon.

“Ummm wa-wala na..Okay na ako.” Kinakabahang sagot ni Marian kay Bart, pagkatapos ay inabot ang kanyang baso na may lamang ice tea upang uminom.

“Ah okay. Thanks, tatawagin ka na lang naming mamaya kung sakaling meron pa kaming kailangan.” Baling ni Bart sa waiter, pagkatapos ay umalis din ito at nilapitan ang kabilang mesa upang magtanong din sa kabila.
“Kain na tayo?” anyaya ni Bart sa kanya, perhaps he sensed her discomfort kaya di na muli itong nag-usisa kay Marian.

Habang kumakain, muling ginamit ni Marian ang kanyang galing sa pag-iwas sa topic. Kaagad itong nagtatanong tungkol sa basketball and his other interests para lang makalimutan ni Bart ang tungkol sa naging topic nila kanina. Buti na lang at kumagat si Bart at nagsimula ng magkwento ng tungkol sa ibang bagay.



     Sa kabilang banda, si Richard naman ng mga sandaling iyon ay nasa condo ni Cheska si Richard. Cuddling up while discussing the trip that Cheska wanted Richard to join with her.

“I’m sorry pero di ako pwedeng makasama, not this time. Madami akong aasikasuhin.”

Cheska is asking Richard na sumama papuntang Bagiuo for a vacation. Nagyaya kasi ang college friends nila na sumama sila.

“I thought you wanted to spend quality time with me ngayon umaayaw ka sa invitation?”

“Hindi naman sa ayaw ko but busy kasi ako ngayon kasi madaming problem sa hotel and then may meeting pa with the board of directors by the end of the month.”

“Di ba pwede kahit overnight lang?”

“I’m sorry.. I’ll make it up to you..promise.”

“Chard, just one night ..please..” Ayaw talaga pa-awat ni Cheska kay Richard, kaya mas minabuti na lang ni Richard na tumahimik upang iwasang mauwi sa away ang pamimilit ni Cheska sa kanya.

“Wait..anong oras na pala?”

“Almost 7 pm..oopps gotta prepare something. Ano gusto mo?”

“Anything, ikw na bahala.”

Kumalas sa pagkakayakap kay Richard si Cheska at tumayo para magpunta ng kusina. Meanwhile, Richard took the chance and texted Marian to ask if naka-uwi na ito. Kanina bago pa siya umalis sa trabaho , he tried calling her pero di sumasagot. Ilang sandali lang ang nakalipas  nakatanggap siya ng sagot from Marian telling him that she’s still out.

“Asan ka?” tanong ni Richard kay Marian via text message. Ilang sandali ay nakatanggap ito ng sagot mula sa babae na dahilan upang magsalubong ang mga kilay nito.

“Date with my crush

“It’s late already, go home!” Utos ni Richard kay Marian sa text.

“Ayoko nga, boring dun sa bahay noh. Tsaka maaga pa.”

Boring? Richard sneered after reading Marian’s reply.

“Go home, Marian!” 

“Honey? May problema? Bakit nakasalubong na naman ang kilay mo?” tanong ni Cheska ng muli itong lumitaw sa harap ni Richard ilang sandal ang makalipas.

“Huh? Ahh wala..by the way, can I use your comfort room?”

“Oo naman..”

Nagmadaling pumasok si Richard sa kwarto ni Cheska at ginamit ang CR nito.


     Nang mga sandaling iyon si Marian naman ay masayang nakikipagkwentuhan kay Bart tungkol pa din sa basketball ng marinig na nagri-ring ang cellphone niya. Nang makitang si Richard ang tumatawag ay nag-excuse ito kay Bart upang sagutin ang tawag ng lalaki.

“Hello?” sagot ni Marian na mahina ang boses.

“Are you on your way na?”

“On my way to where?”

“Home! I told you to go home remember?”

Nang marinig ang iritadong boses ni Richard at tumayo na si Marian and excuse herself from Bart, nagpunta muna siya ng ladies room para di siya marinig ni Bart habang nakikipag-usap kay Richard. Sa tono pa lang ni Richard mukhang mahabang usapan pa ang mangyayari kaya minabuti niyang lumayo muna sandali.

“Chard, maaga pa.”

“I know..pero what if may masamang mangyari sa’yo diyan?”

“Ano namang masamang mangyari sa akin dito eh kumakain lang kami.”

“Marian, after nung nangyari sa resort di ka pa ba nadala?”

“I told you not to mention it again!’

Marian was getting annoyed already. Naiintindihan naman niya that after what happened last time gusto lang siyang protektahan ni Richard pero sometimes nagiging OA na minsan.

“I’m with a friend and alam ko namang just like you ayaw niyang mapahamak ako. And saglit lang kami dito, kakain lang kami then uuwi na. “

“Ipasundo kita kay Jonas, saan ba kayo?”

“No! Huwag na!”

“Marian ang tigas ng ulo mo! Lagi mo na lang akong sinusuway.”

“Kasi naman ang OA lang eh! Kumakain nga lang kami, di naman delikado ang lugar.”

“If you don’t want to go home, fine..siguraduhin mo lang di ka mapapahamak sa katigasan ng ulo mo!”

Pinutol na ni Richard ang tawag niya, bagay na nagpainis lalo kay Marian. Isa sa mga bagay na pinaka-ayaw niya ay yung di pinapakinggan ang reasons niya at lalong-lalo na ayaw na ayaw ni Marian kapag binababaan siya ng telepono.

Richard Lim! Isa kang malaking hadlang sa kaligayahan ko! Nakakainis ka!

Baog bumalik sa mesa nila si Marian ay pinakalma muna niya ang sarili. Nang makaharap na muli nito si Bart ay nakangiti pa din siya kahit deep inside napapamura na siya sa inis kay Richard.

“Siya ba ang tumawag?” Tumango lang si Marian at ngumiti upang di mailang si Bart.

“Kumusta pakikitungo niya sa’yo?

“Okay lang..parang bipolar.. Minsan okay, tapos bigla-bigla na lang nagagalit na di ko alam kung bakit..” Tulad ngayon, bigla na lang naninigaw sa samantalang wala namang dapat ikagalit sa sinabi ko. Dagdag ni Marian sa sinabi nito okay Bart sa isip niya.


 “Pero seriously, okay lang naman siya?”


“Hmmm oo.. nakita mo na siya di ba?”

“Si Richard? Nope, hindi ko pa siya nakita. ”

“No , nakita mo na siya sa university. Siya yung nakausap mo sa parking area one time, yung muntik ka ng masuntok?”

“Oh! Siya pala youn?Akala ko talaga kuya mo yon.Akala ko matanda na ang CEO ng LHM..”

“Akala ko din noon actually,pero maalaga sa katawan si Richard at wala pang bisyo kaya siguro ganun..”
“I see. So, ano sabi niya, pinapauwi ka na?”

“Oo eh..sorry ha..”

“No, its okay gabi na din kasi kaya sigurado akong nag-aalala din yon.Sige hatid na kita.”

“Huwag na, magta-taxi naman ako pauwi.”

Ayaw sana pumayag ni Bart na di siya ihatid, buti na lang na-convince din ni Marian kinalaunan. Pagkatapos magbayad ni Bart ay agad na silang nag-abang ng taxi. Nauna nitong pumara ng taxi para masakyan ni Marian.

Ilang sandali ang makalipas ay lulan na ng taxi si Marian papauwi sa subdivision nila ng makatanggap naman siya ng tawag kay Roberto na pinapapunta siya sa bahay ng matanda at may importanteng sasabihin daw kaya instead na umuwi na kaagad ay sa mansyon ng matanda ang tuloy niya.

Pagkaraan ng ilang minuto ay narrating na niya ang tahanan ng matanda, nadatnan niya itong naghahapunan kaya inanyayahan din siya ni Roberto upang samahan siya sa mesa. Di naman kasi niya pwedeng tanggihan ang matanda at nagpahanda ito ng pagkain para makasalo siya, kaya kumain ulit siya kahit konti para lang masaluhan ang matanda.

“Lo, may importante ka pong sasabihin?”

“Ah yes Marian, sorry at pinapunta kita dito ha. It’s about Richard.”

“Bakit po?”

“Marian, may malaking problema si Richard ngayon and gusto ko sanang makiusap sa’yo.”

“Sige po, ano po yon? Kung kaya ko naman pong tumulong why not..”

“Meron kasi akong natanggap na report na may plano ang Board of Directors na tanggalin siya sa pwesto niya ngayon bilang CEO dahil maraming reklamo sa kanya. Madami kasing staff at ibang employees ang nagrereklamo kasi hindi maganda ang pakikitungo niya sa kanila. Alam mo naman siguro kung ano ang ugali ng asawa mo. I just want you to be there for him. Alagaan mo siya and as much as possible make him happy sa loob ng bahay ninyo para pagdating niya sa work wala siyang dapat isipin. I believe na pag kuntento at maligaya ang isang lalaki sa bahay nila, nagrereflect din ito sa attitude niya towards work.”

“Sige po lolo, try ko po..di ako nangangako pero ita-try ko. Alam mo naman din kasi yon suplado minsan kaya nga madalas kami mag-away..pero sige po, alang-alang sa inyo tutuong po ako.”

“Thank you Marian. I believe kaya mo siyang baguhin, naniniwala ako sa iyong Marian’s Magic.”

“Lolo talaga oh..”

Habang patuloy sa pag-uusap sina Roberto at Marian habang kumakain nang di ina-asahan ng babae na mabanggit ng matanda ang tungkol kay Cheska. Nagkunwari na lang si Marian na di pa niya alam ang tungkol sa babae sa takot nitong mabisto siya ng matanda. Di makapaniwala si Marian sa rebelesayon ni Roberto kung bakit biglang di na niya nagustuhan si Cheska.

“Richard didn’t know this kaya huwag mong sabihin sa kanya. Three years after she left him, habang umaasa si Richard that anytime soon uuwi na ito para magpakasal na sila gaya ng pinangako niya noon sa apo ko. Nalaman kong nagpakasal siya sa isang rich and famous businessman sa New York. “

“Po? Sino po ang nagsabi sa inyo niyan? Baka tsismis lang po yan lolo?”

“No, a close friend of mine who is now residing in New York told me that news. Right after I heard about it sinabihan ko kaagad si Richard na huwag na siyang umasang babalik pa ang babaeng yon but he loves her too much, na kahit seven years na ang dumaan naghintay pa din siya nito. I partly blame her kung bakit nag-change si Richard. Dati naman kasundo niya lahat, but nung nagsimula ng mawalan sila ng communication ni Cheska dun na nagsimulang nagbago ang apo ko..”

Habang nakikinig si Marian kay lolo Roberto, dama niya ang sakit ng kalooban ng matanda. Naaawa din siya kay Richard kasi di  nito alam ang tunay na dahilan kung bakit bigla na lang inayawan ng lolo niya ang babaeng pinakamamahal niya. And the worst part of it is knowing that ikaw ang tanging paraan na maging okay na ang buhay ng iba at the expense of sacrificing your own happiness para lang sa kanila.

No comments:

Post a Comment