Friday, July 11, 2014

Mr.Chinito Ver. 2.0 ( Part 5 )

     “Sino si Cheska?”

Tanong ni Marian kay Richard habang nakatitig ng maigi sa mga mata ng lalaki. Pinipigilan ni Marian na di mahalata ni Richard na konting-konti na lang matatawa na talaga siya dito. Nang magtanong kasi si Marian kung sino si Cheska, kitang-kita ni Marian na tila nataranta si Richard at nangangapa kung ano ang isasagot sa kanya.

Tumi-teenager ang peg? Juice colored!

Di makatingin ng diretso si Richard kay Marian, halatang kinabahan. Gusto pa sana ni Marian na tuksuhin pero nakita niya ang pag iba ng mood ni Richard bigla kaya nagbago na ang isip ni Marian.

“Mauna na ako sa taas.” Paalam ni Marian sa lalaki upang makakain na ito.

“Samahan mo muna ako dito..malungkot kumain mag-isa.”

“Umm okay…” bumalik sa pagkakaupo si Marian sa pwesto niya sa kaliwang bahagi ng hapagkainan.
Naninibago si Marian sa takbo ng pamumuhay nila, noong nakaraang linggo lang wala silang kibuan, kung mag-asaran parang mga bata lang pero ngayon, di man sila close, at least di na nagbabangayan. Habang kumakain si Richard di maiwasang napatitig si Marian sa kanya.


hmmm kailangan ba talaga niya ng eye glasses  o pandagdag pogi points lang para mag mukhang genius..Gwapo din naman siguro siya tingnan kung wala yan noh..

Sa kakatitig ni Marian di nito napansin na nahalata na pala siya ni Richard. Umiiling ito nang makita siyang titig na titig sa mukha niya at nakakunot pa ang noo.

“Ganun ba ako ka-gwapo at di mo maiwasang tumitig sa akin?”

Patuloy pa rin sa pagtitig si Marian kay Richard na parang walang narinig. Huminto si Richard sa pagsubo ng pagkain at inilapit ang mukha niya kay Marian at ngumiti.

“Gusto mo tanggalin ko salamin ko para makita mo talaga ang chinitong kapogian ko?”

Nang sa wakas ay narinig na siya ni Marian, tinaasan lang nito ng kilay si Richard at pinahaba ang nguso. Di nito nagustuhan ang narinig buhat kay Richard.

“Sino namang maysabi na pogi ka? Porke ba mala Richard Poon ang bloodline mo, nakiki-chinito ka na rin? Tse! Kumain kang mag-isa diyan”

“Ang pikon mo Marian, ikaw din naman may kasalanan kasi titig ka ng titig sa akin..ayaw mo pang aminin na napopogian ka sa akin.”

Mas lalong nainis si Marian sa lalaki, ramdam nito ang pag-iinit ng kanyang mukha dahil sa kahihiyang sinapit kay Richard. Mabuti na lang at papalayo na siya sa lalaki kaya di na nito nakita ang pamumula niya, saving herself from further embarrassment.

Hmmpph kung bakit pa kasi ako tumitig, pinahamak ko lang sarili ko! Inis na rin si Marian sa sarili niya. 

Para maalis ang inis kay Richard, Marian decided to get her books and take them to the veranda para dun na mag-aral. Si Richard naman pagkatapos kumain ay nagtungo sa home office niya. Matagal-tagal na ding nanatili si Marian sa veranda, lumalamig na ang hangin at marami ng lamok kaya nagdesisyon siyang bumalik na lang sa kwarto niya at doon na ipagpatuloy ang pag-aaral pero nakita niya si Richard na naglalakad sa baba habang may kausap sa cellphone nito.

Kapansin-pansin ang pagiging seryoso ng lalaki. Kitang-kita ito sa mga kilos ni Richard habang naglalakad, hawak-hawak nito ang kanyang batok at paminsan-minsang nakatungo habang naglalakad. Sa mga kilos na ito, ramdam ni Marian na may bumabagabag dito. Bababa na sana si Marian para lapitan si Richard pero nakita niya itong nagmamadaling naglakad patungo sa sasakyan nito. Nakita pa ni Marian ang pagtingin ni Richard sa kanya, noong una inakala pa ni Marian na magpapaalam ito sa kaya kagaya ng lagi nitong ginagawa tuwing aalis o di kaya naman ay tatango man lang sa kanya pero hindi ito ginawa ng lalaki. Di maiwasang magtampo ni Marian sa ginawa ng lalaki ngunit ng naalala nitong wala siyang karapatan na pigilan o diktahan si Richard kung ano man ang gagawin nito, pinilit na lang ni Marian na balewalain ang nangyari. Makaraan ang ilang sandali ay tuluyan ng umalis si Marian sa veranda at pumasok na sa kwarto nila.Pagkapasok ng kwarto ay kaagad namang nagsimula ulit sa pag-aaral si Marian, dahil sa nangyari noong nakaraang Sabado madami pa siyang dapat pag-aralan.

Sa sobrang pokus sa pinag-aaralan inabot na siya ng madaling-araw, buti na lang at di maaga ang pasok niya kinabukasan kaya pwede pa siyang magpuyat. Inabutan pa siya ni Richard na gising pa.

Pagbukas ni Richard sa pintuan ay nakita siya nitong nakatulala at nakatingin lang sa may bintana. Napabuntong-hininga ito ng makita si Marian, agad naman siya nitong nilapitan, itinupi ang librong nasa kandungan nito at nilagay sa may bedside table, umupo sa gilid ng kama nila at hinawakan ang kamay niya.
“Sabi ko na nga ba di ka pa okay, nagkukunwari ka lang kanina para payagan kitang pumasok… Marian, walang ibang makakatulong sa’yo para makabangon sa depression mo kundi ikaw lang mismo. Tutulungan kita, huwag kang mag-alala. Okay ganito na lang..hahayaan kita pero ngayon lang…but promise me that tomorrow when you wake up kakalimutan mo na lahat ng nasa alaala mo. Promise me that you will try your best para di na alalahin lahat ng gumugulo sa isip mo ngayon.” Mahinahong sabi ni Richard kay Marian habang marahang tinapik-tapik ang kamay nito.

Si Marian naman ay nanatiling nakatitig lang kay Richard. Maya-maya ay isang masamang tingin na ang ipinukol sa lalaking kaharap kasabay ang pagkagat ng kanyang labi.

“Kalimutan? Ganun na lang yon, kalimutan?” tinaasan na ng boses ni Marian si Richard na lubos nitong ikinagulat ng lalaki.

“Marian…don’t be mad..I was just trying to help …please”

“Anong help? Alam mo bang tiniis kong di matulog para lang matapos ko na ang dapat kong i-memorize para sa report ko bukas tapos kakalimutan ko lang?! Tsaka, ano yung depress-depress na sinasabi mo? HRM ang kurso ko hindi Psychology huwag kang engot! Akin na nga yang libro ko! Nakalimutan ko na tuloy ang sinaulo ko kanina.”

Binawi ni Marian ang kamay na hawak ni Richard at inabot ang libro na nasa mesa nito. Si Richard naman dahil napahiya ay kaagad na tumayo na na lang . Namumula ang pisngi sa hiya kaya upang di ito makita ni Marian ay naisipan na nitong magbihis na.

“Saan ka galing kanina?” tanong ni Marian sa lalaki ng nakita nito ang pagtalikod sa kanya.

Alam ni Marian na sa pagtatanong niya, para siyang asawang nagseselos ngunit di niya napigilan ang sarili. Pagkatapos ng nangyaring pangiisnab sa kanya  ni Richard, she thought she deserve an explanation. Napahinto si Richard sa may pintuan, parang nagiisip kung sasagot or hindi.

“Do I sound like nangingi-alam? It’s okay if you won’t answer my question. I was just asking kasi parang nagmamadali ka kanina.”

Pero kung sasagutin mo ako, mas mabuti…afterall ikaw din naman nagtatanong din sa akin ng whereabouts ko.

Marian is trying to justify her question to Richard in her mind. But unfortunately, parang ayaw magsalita ni Richard.

“Di ka pa matutulog? Madaling araw na, may pasok ka pa bukas.”

So ayaw niya talagang sagutin ang tanong ko..okay fine..

“10 pa ang pasok ko … di ako sasabay sa’yo ..si kuya Jonas na lang muna ang maghahatid sa akin.”
“Okay..”

Pumasok na ng shower room si Richard habang si Marian naman ay binalik sa pag-aaral ang pokus. Pagkaraan ng ilang sandali ay humiga na din si Richard sa kama, tinalikuran nito si Marian. Nang maramdaman ni Marian na wala talaga itong planong magpaliwanag sa kanya ay mas lalo lang itong nainis sa lalaki, padabog nitong inilagay ang mga unan sa pagitan nilang dalawa upang magsilbing harang sa kanila. Kung dati ay isang linya lang, ngayon ay dinoble niya ito kahit na ang unan sa ulo na lang niya ang matira at wala na siyang ekstrang unan na yayakapin sa pagtulog niya mailayo lang niya ng husto ang lalaki sa kanya.

Kinabukasan ay naunang umalis si Richard. Tulog pa si Marian ng umalis ito, kaya di na siya ginising pa ang hinayaan muna siyang matulog ng ilang oras, nagbilin na lang ito kay Jonas na ihatid si Marian at kay Manag Fely naman na gisingin ito bago mag alas-nuwebe para di malate sa klase niya.

Pag gising ni Marian ay diretso siya sa baba para mag-almusal. Habang naka-upo sa mesa at kumakain naisipan ni Marian na magtanong kay Manang Fely.

“Manang..may kilala ka bang Cheska?”

“Po?” napatigil ang matanda sa kanyang ginagawa ng marinig ang tanong ni Marian sa kanya.

“Cheska po..kasi kahapon may tumawag, Cheska daw pangalan tapos hinahanap si Richard.” Tanong ni Marian sa matanda habang sumusubo ng pagkain, si Manang Fely naman ay humarap na sa kanya.

“Wala po bang nabanggit si Ricardo sa inyo Ma’am Marian yung tungkol kay Cheska?”

“Manang…Marian lang po..si Richard nga Ricardo lang tapos ako ma’am? Marian lang po..”

“Kung yan ang gusto mo, sige Marian na lang..pero teka, wala pa bang nabanggit si Ricardo sa’yo tungkol kay Ma’am Cheska?”

“Wala po eh..bakit sino po siya?”

“Aba’y itanong mo sa kanya…di ako ang dapat magsabi ng tungkol kay Cheska kundi siya lang..ayoko pangunahan si Ricardo..siya na lang tanungin mo ..”

“Okay po..si lolo Roberto po, pwede ko po siyang tanungin?”

“Ummm pwede naman siguro, pero mas mabuting kay Richard ka na muna magtanong kasi asawa mo siya eh..”

Marian nodded her head slowly. Ilang sandali pa silang nag-usap ni Manang Fely habang kumakain siya, kung di pa siya ni-remind ni Manang Fely na may pasok pa ito tuluyan na talaga niyang makalimutan ang schedule niya. Napasarap sa kwentuhan ang dalawa kaya agad naman siyang umakyat ulit para maghanda na. Napailing na lang habang nakangiti si Manang Fely sa kanya habang pinagmamasdan siyang nagmamdaling umakyat sa hagdanan.

     Sa school, laking pasalamat ni Marian na naging maayos ang group reporting nila. Lahat ng questions and lahat ng details ng report ay na-deliver nila ng maayos kaya nag-celebrate sila over lunch sa canteen sagot lahat ni Marian. Overwhelm sa saya si Marian kasi kahit super cramming ang ginawa niyang preparation di siya pumalpak. Habang nagla-lunch nakatanggap ng text si Marian from Richard asking her kung anong oras siya uuwi.

“Baka late na, pupunta pa akong bookstore “

Richard’s reply surprised her.

“K”

K?! yon lang? K..okay..hmmpp

Naiinis si Marian pero di niya alam kung bakit naiinis siya kay Richard ..  naiinis din siya sa sarili niya kung bakit siya naiinis sa takbo ng pangyayari sa kanilang dalawa. Buti na lang busy sa daldalan ang mga kasama niya kaya di siya napansin ng mga ito, pinilit naman ni Marian na mawala sa isip ang inis niya kay Richard kaya nakisali na din sa tsismisan ng mga kabarkada niya.

Pagkatapos ng klase ng hapon ding yon ay agad na umalis si Marian para pumuntang bookstore, dahil sa nagmamadali at ayaw niyang gabihin masyado sa pag-uwi, di nito namalayan ang pagtawag ni Bart sa kanya. To get her attention, Bart tried to stop her by holding her arm that made Marian flinch. Namutla si Marian sa sobrang kaba at gulat ng ginawa ni Bart.

“Ooppps sorry..nagulat ba kita?..”

“BART!” Napahinto si Marian sa paglalakad, kapansin-pansin ang biglang pagyapos ni Marian sa sarili.
“Sorry.. I didn’t know magugulatin ka pala..”

“It’s okay…just, just don’t do it again..it always freaks me out when someone grabs my arm like that..”
Paliwanag ni Marian sa lalaki, pilit nitong huwag ipahalat ang takot na nararamdaman sa mga sandaling iyon baka magtaka at magtanong pa si Bart, bagay na iniiwasan niya.

“Marian!”

Sabay napalingon si Marian at Bart kung saan galing ang boses ng tumatawag kay Marian at nakita nila si Richard na nakatayo sa labas ng kanyang sasakyan. Nagmadali itong lumapit sa kanila at ilang sandali pa ay nasa tabi na ito ni Marian, nakahawak na sa siko nito.

“Are you okay?”

“Ye-yes..okay lang, nagulat lang ako..”

Tinapunan ng masamang tingin ni Richard si Bart. Napansin din ni Marian ang pagkuyom nito ng kanyang palad na tila naghahanda ng suntukin si Bart ano mang oras.

Oh no! You can’t do that  Chard.. Dasal ni Marian na naririnig ito ni Richard bago pa may masamang mangyari kay Bart.

“Who are you?!” sigaw ni Richard kay Bart. Sa boses nito, di maipagkakailang galit ito sa lalaking kaharap. Aktong susuntukin na ni Richard si Bart mabuti na lang at napigilan ito ni Marian.

“No no no! Kilala ko siya, it was my mistake di ko siya narinig ng tumawag siya kanina..” Nabigla si Bart sa inasal ni Richard. Mabuti na lang talaga at napigilan ito ni Marian kundi baka naglikha pa ito ng kaguluhan doon sa may parking area, madami pa namang mga estudyante na sa labas ng school building nila. Nakakahiya iyon kung nagkataon.

“Okay…next time, don’t just grab someone else’s arm, understood?” Babala ni Richard kay Bart.

“Sorry po talaga, Sir..I mean, kuya..”

Kuya? What the heck?! Napabuntong-hininga na lang si Richard sa narinig. Di niya inasahan na marinig iyon sa lalaki.

“Huwag kang magtagal..” bulong ni Richard kay Marian bago ito tumalikod upang bumalik sa sasakyan niya. Tumango lang si Marian sa kanya.

“Sorry Marian, di ko talaga alam magugulatin ka.”

“It’s okay..may kailangan ka?”

“hmmm wala naman, matagal na kasi kitang di nakita kaya nang makita kita kanina na naglalakad, I called you pero parang di mo narinig..anyways, may lakad pa ata kayo ng kuya mo..ayain sana kitang lumabas, pero next time na lang.”

Deep inside pinipigilan ni Marian na huwag matawa sa narinig nitong tawag ni Bart kay Richard. Di rin niya alam kung papano ang sasabihin ba niya kay Bart, iilan pa lang kasi ang nakakaalam na nagpakasal na siya last month. Even sa college nila, yung dean pa lang ang may-alam, di rin kasi halata since she is still using her maiden name kasi yon ang napag-usapan nila ng lolo ni Richard that while she’s still studying she will keep using it.

Nakukonsensiya si Marian sa ginawang paglilihim kay Bart pero naisip niyang hindi iyon ang tamang oras upang pag-usapan nila ang tungkol kay Richard kaya minabuti niyang huwag na munang sabihin ang totoo sa lalaki.

“Yeah may pupuntahan pa kasi kami..so..see you tomorrow then?”

“Yes, see you tomorrow..bye Marian..” Ngumiti lang si Marian sa lalaki saka tumalikod at naglakad patungo sa sasakyan ni Richard.

“Kuya? What the heck Marian!” kaagad na reklamo ni Richard sa kanya pagkapasok niya sa sasakyan nito.
Natatawa na lang si Marian ng makita ang mukha ni Richard. Humahaba ang nguso sa inis at ang lalim ng buntong-hininga.

“Bakit? Kuya ka naman talaga ni Bart ah..ano ba sa tingin mo, ka-age ka namin?” Mas-lalo tuloy namula ang tenga ni Richard sa narinig buhat kay Marian.

“Fine! Okay na sana ang Sir, bakit bigla niya binawi at naging kuya..sa lahat pa ng pwede niyang itawag sa akin kuya pa ang pinili?!”

“Kasi akala niya kuya kita.” Humagikhik pa si Marian habang sinasabi ito, tinatakpan ang bibig upang pigilin ang sariling huwag mapatawa ng malakas.

“Didn’t he know i’m your husband?”

“Uh..that..nope, aside from my close friends and our dean, wala  ng may-alam pa dito sa school na may asawa na ako.”

“Why?”

“Kasi yon ang napag-usapan namin ni lolo, teka bakit ka pala andito?Di mo naman sinabi na susunduin mo ako today.”

“Because after thinking it over..I think I owe you an explanation.”

“Explanation? About what?”

“You were asking me last night about Cheska, right?”

“Uh! …. and?” Richard sigh and look at her intently at her eyes.

“She’s..she’s my girlfriend.”

Sa ginawang pag-amin ni Richard, di na talaga ito ikinagulat pa ni Marian. Sa simula pa lang may duda na kasi siyang espesyal para kay Richard si Cheska. Ang mas ipinagtataka ni Marian ay kung bakit girlfriend ang sinabi ng lalaki at hindi ex-girlfriend.

“Wait..by girlfriend, you mean you and Cheska are still in a relationship till now? Akala ko ba wala kang girlfriend kaya naghanap si lolo ng babaeng maging girlfriend mo?”

“hmmm I think so..”

“You think so? Wait, Chard ang gulo eh..paki explain..” Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Richard bago ito tuluyang nagkwento ng tungkol Cheska.

“So you mean umalis siya to try her luck sa US?”

“Yes..she asked me to wait for 3 years,  then she will come back then we’ll get married.”

“So now, she’s back?”

“Yes…after 7 years..” Sagot ni Richard kay Marian na puno ng lungkot ang boses nito.

“Uh! And now you’re married..ano to 25 Minutes too late lang? Girl I’m sorry you are twenty-five minutes too late ” kinanta pa ni Marian ang lyrics ng sikat na kantang 25 Minutes ng bandang Michael Learns to Rock upang maintindihan ni Richard kung ano ang tinutukoy niya.

“Silly!” isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Richard habang umiiling.

“Di nga… so ano ang plano mo, now that she’s back?”

“Di ko alam..”

“Do you still love her?”

“Of course I do..after umalis siya at nawalan kami ng communication, wala naman na akong naging girlfriend pa na iba..last night, we talked..and we’re trying to fix things between us, pero ayoko kasing saktan si lolo. I told her about our setup..”

“And naintindihan naman niya?”

“I guess so..”

“Mahirap nga ang sitwasyon mo ngayon..so ano na? “

“That’s why pumunta ako dito para makapag-usap tayo ng maayos..can you help me?”

“Sure..paano ba?”

“For now, I really wanted to find time to be with her..pwede mo ba akong tulungan just in case magkaipitan kay lolo?”

“Yun lang pala eh..sure..naiinitindihan ko naman kayo eh..pero hanggang kailan?”

“That I can’t answer..perhaps, hanggang kaya nating itago kay lolo ?”

“ummm okay.” Parang nabunutan ng isang malaking tinik sa dibdib si Richard ng marinig ang pagpayag ni Marian.

“Thanks Marian..you don’t know how thankful I am.” Sa sobrang saya ni Richard, napayakap pa ito kay Marian.

“Tama na ang drama ..alis na tayo baka mag-close na ang bookstore di ko na mabili ang kailangan ko.”
“Yes, ma’am!”

Nakangiting tugon ni Richard kay Marian. Kaagad nitong pina-alalahanan si Marian na isuot ang seatbelt niya at pina-andar ulit ang makina ng sasakyan. Ilang sandal ang nakaraan ay paalis na sila ng parking area upang matungo sa pupuntahang bookstore ni Marian.

Pagkatapos mabili ni Marian ang mga kailangang libro, nagdesisyon silang maghapunan na rin pagkataps ay naglibot-libot na rin sa mall. It was a fun experience, para lang magbarkada na nagbonding. Kung di sila tinawagan ng lolo ni Richard manonood pa sana sila ng movie pero pinapauwi na sila kaagad at naghihintay daw ito sa kanila sa bahay nila. Pagdating sa bahay masaya silang sinalubong ng matanda, masaya ito ng makitang nakangiti sila pareho at nag-enjoy sa lakad nila.

“I’m glad to see both of you smiling. I hope to see  more of that smiles often, hmmm?”

“Lo, napadalaw ka?” tanong ni Richard sa matanda habang humahalik sa pisngi nito kasunod ni Marian.

“Bakit? Ayaw mo ba na andito ako? Nakaka-istorbo naba ako sa inyo ngayon?”

“No! Of course not!” Si Marian na ang sumagot habang si Richard naman ay umiiling habang tumatawa sa tabi niya.

“Anyways..ayoko sanang putulin ang kaligayahan mo Ricardo but we need to talk. “

“Okay, let’s go to my office na po.”

Inalalayan ni Richard ang kanyang lolo Roberto patungong opisina habang si Marian naman ay nasa likuran lang nila nakasunod. Pinaupo na muna ni Richard ang lolo niya bago siya umupo sa harap nito.

“Lo, mukhang seryoso pag-uusapan ninyo ah..mauuna na muna po ako sa taas..gusto nyo po sabihan ko si Manang Fely na dalhan kayo ng kape dito?”

“Sige, salamat Marian..buti pa nga umakyat ka muna kasi baka may aasikasuhin ka pa..huwag ka muna matulog ha, i want to see you again before i left.’

“Naku lo, why not dito na muna kayo magpalipas ng gabi? Para naman makasalo ka ulit namin ng breakfast bukas? Wala akong pasok bukas ng umaga pwede tayong magbonding..”

Panghihikayat pa ni Marian kay Roberto. Masaya si Marian pag nakaka-usap ang matanda..madami kasi siyang natutunan dito and kapag nakikita niya ito, naaalala niya ang lolo na nagpalaki sa kanya. Lolo Roberto’s presence somehow help her at di na niya namimiss ang lolo niya.

“hmmm sige na nga..kung di ka lang malakas sa akin eh..sige, I will stay for the night..sige akyat kana..”

“Yes! Bye lolo..good night!” Binigyan pa nito ng isang goodnight kiss ang matanda bago umalis.

“Such a sweet lady! You’re very lucky to have her Richard..i’m glad di ako nagkamaling ipakasal siya sa’yo.”

Di magawang ikaila ni Richard ang sinabi ng kanyang lolo, kahit ba di naman nila kagustuhan ang nangyaring kasalan, still his lolo is right..Marian is sweet and a good person.

“Ricardo nagpunta sa bahay ang General Manager ng LHM and told me na may nangyayaring problema about the staff sa hotel?”

“Yes, lolo..lately madami kaming natatanggap na resignation letters from the staff..yung iba napapakiusapan and yung iba naman di na talaga.”

“And according to your investigation ano ang dahilan?”

“Lack of benefits..which is..”

“Which is not the right reason why most of them tendered their resignations. Come on, ano ba ginagawa mo lately at di mo alam ang nangyayari sa paligid mo?!”

“Lolo ini-imbestigahan naman po namin and yan ang lumabas na pangunahing dahilan.”

“What kind of investigation ba ang ginawa mo? Or should I say ginawa ng staff mo? I bet di kasali sa ini-imbestigahan nila ang tungkol sa kalaban nating hotel chain right now.”

“What do you mean? That they are pirating the staff?”

“Exactly! Matagal  ka ng nagtrabaho sa industry and yet di mo pa din alam ang ganyang mga gawain ng ibang ka-kumpetinsya natin?..and also one thing..di ko nagustuhan yung mga narinig kong other reason kung bakit sila umalis.”

“Bakit lo, ano pa ba ang sinabi nila?”

“YOU!!.. and I’m so disappointed Richard! Noon ko pa sinasabi sa’yo na ayusin mo ang pakikitungo mo sa mga tauhan natin pero after ko marinig yung report ni Mr. Gomez I tell you , you will be in big trouble! You know very well malapit na ang mid-year report, dito nakasalalay whether the board of directors would still want you as the CEO or not. Kahit tayo pa ang may pinakamalaking share ng Lim Hotels kung di ka marunong pwede ka nila ialis diyan sa pwesto mo. “

Ngayon lang narealize ni Richard kung gaano ka laki ang hinaharap niyang problema. Of all the time, kung bakit nataon pa sa pagbalik ni Cheska. Now, he will have a hard time balancing everything. Kung kailan sana may nakita na siyang pag-asa kasi pumayag na si Marian sa setup saka pa nangyari ito.

“And one more thing..I want you to concentrate on solving this issue ASAP..you are running out of time. Do everything that you can, huwag mong hayaang mawala ka sa focus .. “

Tumayo na si Roberto at nagsimulang maglakad palabas ng opisina, nasa tapat na ito ng pinto ng muling humarap at nagsalita muli.

“Ricardo, I know she’s back..and you know what my stand is..stay away from that woman. I’d rather want  you to loss your focus on your job because of Marian than you wasting your time with that woman!”
Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Richard. Kanina lang masaya na siya at may nakikitang pag-asa na makasama na muli si Cheska, then all of a sudden his life turn upside down.


     Kinabukasan nanuna sa hapagkainan si Roberto at Marian, nasa taas pa ng kwarto nila si Richard at nagbibihis. Nagsimula na ang matanda sa pagtatanong kay Marian tungkol sa pag-aaral nito hanggang sa napunta ang usapan ng dalawa sa kalagyan nina Richard at Marian.

“Marian kumusta na kayo ni Richard.”

“Okay naman po lo..di na siya nagsusungit..ako na lang” Tumawa si lolo Roberto ng marinig ang biro ni Marian.

“Kumusta naman ang honeymoon ninyo? Meron na kaya akong maririnig na iyak ng apo ko sa bahay na ito soon?”

Nabilaukan si Marian sa narinig niya kay Roberto. Kaswal na kaswal lang na pagkasabi, parang tinatanong lang kung kamusta ang ulam na nasa harap ng mesa nila.

Tsss di pa nga kami ng torrid kiss apo na kaagad? Natatawang saad ni Marian sa isip niya.

“Don’t worry lolo..we’re working on it..”

Sagot naman ni Richard, kakababa lang nito and di sinasadyang narinig ang tanong ng lolo nito kay Mayrian. Pakiramdam ni Marian para siyang kandilang nauupos sa silayang inuupuan niya. Gustong-gusto niyang batukan si Richard for giving lolo Roberto false hopes.

“Oh really! I will expect it as soon as possible na Marian ha.”

Patay ka talaga sa akin mamaya damuho ka!! Inis na inis si Marian kay Richard, pakiramdam niya pinaglalaruan lang nito ang matanda sa harapan nila.

Tinapuann ni Marian ng masamang tingin si Richard pero nasorpresa siya ng bigla na lang siya nitong kinindatan at nginitian pa.


No comments:

Post a Comment